Tumgik
#pagsasalingwika
jrizal · 2 years
Text
Tumblr media
Ika-apat na Pagkikita: Aktwal na Pagsasalin at Ebalwasyon
Noong ika-6 ng Hunyo ang huling talakayan hinggil sa mga hakbang sa aktwal na pagsasalin. Bukod dito, tinalakay rin ni Ginoong Bryan ang ilang layunin sa pagtataya ng salin ayon kay Newmark pati na rin ang dalawang paraan ng ebalwasyon sa salin para sa pagsusuri ng salin. Ilan sa mga layunin sa pagtataya ng salin ayon kay Newmark ay ang pagpapabuti ng mga pamantayan sa pagsasalin at ang paglalaan ng marami pang pag-aaral at aralin para sa mga tagasalin.
Sa pagtatapos ng klase noong araw na ito ay inatasan ni Ginoong Bryan ang bawat grupo na magpasa ng isang kanta na may kinalaman sa pagiging makabayan o kultura ng isang bansa. Ang napiling kanta, kapag na-aprubahan ni Ginoong Bryan ay kailangan naming isalin para sa presentasyon sa susunod na linggo. Iyon lamang para sa araw na ito.
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
PROSA: THE LEGEND OF MAYON VOLCANO
Tumblr media
The Legend of Mayon Volcano by Jerny Destacamento
Long ago in a place called Ibalon, there lived a beautiful maiden. Her name was Daragang Magayon (the lovely one). She was the daughter of Makusog (the strong one), chief of the tribe.
One day, Daragang Magayon strolled near the river. While crossing the river, she stumbled on a rock and fell quickly into the water. She was swiftly swept downstream by the current.
"Help! Help me!” she cried. Fortunately, her cries were heard by Pangaronon (the proud one) and his bodyguard Amihan (the cold one). Pangaronon jumped into the river and saved Daragang Magayon.
“Thank you for risking your life to save me”, she cried. “How can I repay you? My father is the chief of our tribe. Surely, he will reward your heroism whatever it may take.”
Her beauty immediately captivated Pangaronon. He realized that he had finally met the perfect woman for him. At the same time, Daragang Mayon was instantly attracted to him.
Panganoron asked Makusog’s permission to marry Daragang Magayon. But Makusog could not permit them to marry. The tribal law forbade marriage outside of the clan. As tribe leader, he had to enforce the law. Yet, as a father, he wanted to make his daughter happy.
Meanwhile, Patuga (the eruptive one) learned about Panganoron’s intention. Patuga was the most ardent suitor of Daragang Magayon. For years, he had been convincing her to marry him, but to no avail.
One night, Patuga and his cohorts kidnapped Makusog. Then, he sent word to Daragang Magayon that her father would die if she did not marry him. Without a choice, she acceded. Only then did Patuga release Makusog. Soon Patuga and Daragang Magayon were wed. But in the midst of the merrymaking, pandemonium broke out when Panganoron and his men arrived. Fighting ensued between the two tribes. In a few minutes, Panganoron fatally struck Patuga. However, during the skirmish, a poisoned arrow shot from nowhere, fell on Daragang Magayon’s breast.
Panganoron rushed to her aid and as he kneeled over the dying Daragang Magayon, an enemy hacked his head off.
After the battle, Daragang Magayon was buried and her death was mourned all over the land. Where she was put to rest, a mountain mysteriously appeared.
This mountain is now known as Mayon. It is said that even in death and in another form, she is still haunted by the men who loved her. When Mayon is said to erupt, this is Patuga challenging Panganoron. But when Mayon is calm, Panganoron is embracing her. The tears of Panganoron are shed as rain at times in his grief.
---
Ang Alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon, nakatira ang isang magandang binibining nagngangalang Daragang Magayon. Siya ay anak ni Makusog, ang pinuno ng tribo.
Isang araw ay naglilibot si Daragang Magayon malapit sa ilog. Habang naglalakad sa paligid ng katubigan ay natalisod ang dalaga sa isang bato at nahulog sa ilog. Mabilis siyang tinangay ng agos.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" hiyaw niya. Sa kabutihang palad, narinig ni Pangaronon at ng kanyang bantay na si Amihan ang saklolo ng dalaga. Mabilis na tumalon si Pangaronon sa ilog at iniligtas si Daragang Magayon.
"Salamat sa pagsalba sa akin" aniya. "Paano kita mababayaran? Ama ko ang pinuno ng tribo, siguradong hindi 'yun mag-aatubiling suklian ang kabayanihan na ipinakita mo"
Nabighani si Pangaronon sa kagandahan ni Magayon. Napagtanto ng lalaki na sa wakas ay natagpuan na niya ang dalagang para sa kanya. Gayundin naman si Magayon, agad na napa-ibig ang binibini sa matapang na binata.
Hiningi ni Pangaronon kay Makusog ang kamay ni Daragang Magayon. Ngunit, hindi pinahintulutan ng ama na pakasalan ng binata ang dalaga. Sapagkat, labag sa tuntunin ng tribo na ikasal ang mga kasapi sa mga hindi nila kabilang. Bilang pinuno, kailangan niyang ipatupad ang batas na ito. Sa kabilang banda, bilang ama, nais niyang maging masaya ang kanyang anak.
Samantala, nalaman ni Patuga ang intensyon ni Pangaronon. Si Patuga ang masugid na manliligaw ni Daragang Magayon. Matagal nang kinukumbinsi ni Patuga ang Binibini na pakasalan siya ngunit kailanman ay hindi siya nagtagumpay.
Isang gabi ay dinakip ni Patuga pati ng kanyang mga kasamahan si Makusog. Matapos ang pagbihag sa pinuno, pinadala ni Patuga ang mensahe kay Daragang Magayon na papaslangin niya ang ama nito kung hindi papayag ang dalaga na magpakasal sa kanya. Walang nagawa si Daragang Magayon kundi pumayag sa kondisyon ni Patuga. Sa pagsang-ayon ni Daragang Magayon ay siyang pagsunod ni Patuga na pakawalan ang ama ng dalaga. Doon nga'y kinasal si Daragang Magayon kay Patuga. Ngunit, sa gitna ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay dumating si Pangaronon pati ang kanyang mga kasamahan. Umusbong ang digmaan sa pagitan ni Pangaronon at Patuga, at ng kanilang mga kasama. Ilang minuto lang ay napatay ni Pangaronon si Patuga. Ngunit sa gitna ng labanan, isang ligaw na nakalalasong sibat ang tumama sa dibdib ni Daragang Magayon.
Dali-dali namang sinaklolohan ni Pangaronon ang naghihingalong si Daragang Magayon, ngunit agad rin siyang tinaga ng mandirigma ni Patuga.
Matapos ang labanan, inilibing na si Daragang Magayon at nagluksa ang lahat sa kanyang pagpanaw. Sa kanyang libingan ay may misteryosong bundok na lumitaw.
Sa ngayon ay kilala ang bundok na ito bilang Mayon. Sinasabing kahit hanggang sa kamatayan ni Daragang Magayon ay ramdam niya pa rin ang dalawang lalaking nagmamahal sa kanya. Sa tuwing puputok ang Mayon, sinasabing hinahamon ni Patuga si Pangaronon. Kapag ito'y kalmado, yakap-yakap ni Pangaronon si Magayon. Sa tuwing umuulan ay inihahambing ito sa mga luha ni Pangaronon bilang representasyon ng kanyang kalungkutan.
SANGGUNIAN:
Destacamento, J. (2016, January 17). The Legend of the Mayon Volcano. The Jerny. https://thejerny.com/inspirations/legend-mayon-volcano/
3 notes · View notes
bagtit-blog1 · 8 years
Text
Siasid (Invocation) Translation
(English)
What a pity Help me (you in the) darkness That I will not forget (anything) Because our fragile land Is covered with darkness
I ask the sun If you set, Don’t stay (away) too long We would be brought to wither.
But if you stay (away), it would be good You would go to the eighth (level) In order to talk In behalf of our land
Oh, Only until here Will I relate About the darkness.
(Filipino/Tagalog)
Kaawa-awa Ikaw na nakatago sa dilim, tulungan mo ako Nang hindi ko malimutan ang kahit ano Dahil ang ating iniingatang tirahan, Ay nababalot ng kadiliman
Tinanong ko ang araw Kung ika’y lulubog, Huwag ka sanang magtagal Upang tayo’y hindi sunduin ng kamatayan
Ngunit ika’y magtatagal sa paglubog, mabuti na rin Ika’y mapapadpad sa ika-walang palapag At kayo’y makakapagusap Sa ngalan ng ating lipunan.
O Hanggang dito na lamang Ang aking maiuugnay Patungkol sa kadiliman.
0 notes
jrizal · 2 years
Text
Pagsasaling Wika: Ang Makulay na Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Ito ang unang klase para sa pinal na termino. Nagkaroon ng talakayan patungkol sa Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal, partikular sa layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal, mga suliranin sa pagsasaling siyentipiko at teknikal, at pamamaraan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal.
Sa naging talakayan noong araw na ito, nalaman ko ang layunin ng pagsasaling siyentipiko at teknikal: ang magbahagi ng impormasyon sa institusyon ng bansa sa lengguwaheng mauunawaan ng mga mambabasa. Ayon sa naging talakayan, mahalaga ito lalo na sa mga mamamayang hindi nakakaunawa sa akda sa simulang wika (SW). Nagkaroon din ng paghahambing sa dalawang panitikan.
Samantala, isa sa naunawaan kong suliranin sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay ang paghihiram. Ito rin datapwat ang suliranin na hindi lang ako, pati rin ang nakakarami ang nakakaranas ng suliraning ito: ang panghihiram na kultural. Ang suliranin na ito ay nagaganap kapag ang hiniram salita ay may kaakibat na kultural na kahalagahan sa wikang pinanggalingan. Madalas na walang direktang salin ang mga salitang ito sa Filipino kung kaya't nagaganap ang suliraning ito. Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang ito ay sushi, kimono, manga, tamagotchi, atbp.
Matapos ang talakayan na puno ng kaalaman, nag-iwan si Ginoong Bryan ng takda na kung saan kailangan naming magbigay ng suhestyon o iba pang salin sa mga salita na may tumbas na sa Filipino. Sa natapos na talakayan ay pagtanto ko na mahalaga nga ang pagsasalin ng panitikang siyentipiko at teknikal dahil binibigyan nito ng atensyon ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasalin ng akda o panitikan sa wikang kanilang nauunawaan. Iyon lamang para sa araw na ito.
0 notes
jrizal · 2 years
Text
Tumblr media
Ikatlong Pagkikita: Ang Mundo ng Pagsasaling Wika
Matapos ang asynchronous session noong nakaraang linggo, ngayong ika-30 ng Mayo ang sunod na talakayan sa Pagsasaling Wika. Makabuluhan at punong-puno ng kaalaman ang klase noong araw na ito dahil tinalakay ni Ginoong Bryan ang iba pang hakbang sa paghahanda sa pagsasalin, mga kagamitan sa pagsasalin, at ang mga hakbang sa aktwal na pagsasalin.
Sa pagtalakay ni Ginoong Bryan sa iba pang hakbang sa paghahanda sa pagsasalin ay nalaman ko na importante rin na kilalanin ng tagapagsalin ang teksto at ang mismong awtor ng teksto at basahin ang ibang mga obra nito nang sa gayon ay maging pamilyar ang tagapagsalin at magkaroon siya ng kaalaman sa konsepto na nasa akdang kanyang isasalin.
Nalaman ko rin na isa sa mga kagamitang ginagamit sa pagsasalin ay ang diksyonaryong espesyalisado na kung saan ay nakapaloob ang mga salitang may tumbas sa tunguhang wika (TW) para sa mga salita sa isang tiyak na larangan. Samantala, sa pasimulang pagtalakay ni Ginoong Bryan sa mga hakbang sa aktwal na pagsasalin, nalaman ko na komplikado ang mga hakbang sa unang pagsasalin. Nariyan ang paglilista ng tagapagsalin ng mga salitang mahirap tumbasan tulad ng mga salitang nakabase ang kahulugan sa tunog o onomatopeia, mga salitang may maraming kahulugan, atbp.
Sa pagtatapos ng talakayang ito ay inatasan ni Ginoong Bryan si Joshua at Jerome, ang bise-presidente at presidente ng aming klase, na hatiin ang klase sa walong grupo para sa pangkatang gawain. Iyon lamang para sa araw na ito. Hanggang sa muli!
#pagsasalingwika #filipino
0 notes
jrizal · 2 years
Text
Tumblr media
Ikalawang Pagkikita: Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Sa talakayan noong May 16, nagkaroon ng panimulang diskusyon tungkol sa ilang simulain sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles. Tinalakay ni Ginoong Bryan ang ilang mga hakbang sa paghahanda sa pagsasalin. Una rito ang pagpili ng teksto na kung saan nakapaloob ang katagang "one should never translate anything one does not admire" ni Justin O'Brien. Sa hakbang na ito ay binigyang diin ang pagpili ng tekstong isasalin ng tagasalin: malaya siyang pumili ng tekstong kanyang isasalin at kapag nakapili na ang tagasalin ng tekstong kanyang isasalin ay kinakailangan na obhektibo siya sa mga konseptong kanyang isasalin.
Sunod na hakbang sa paghahanda sa pagsasalin ay ang pagbasa ng teksto. Sa hakbang na ito ay kinakailangang mabasa ng tagasalin ang tekstong kanyang isasalin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya sa kung saan pumapatungkol ang akda nang sa gayon ay maging madali kahit papaano ang gagawin niyang pagsasalin sa akda. Pangatlong hakbang ay ang pagsusuri at interpretasyon ng tekstong isasalin. Sa hakbang na ito ay kinakailangang mag-analisa ng tagasalin sa teksto na kanyang isasalin at sa kung ano laman ng teksto.
Nabanggit din sa talakayang ito ang tatlong (3) uri ng tungkulin ng wika ayon kay Newmark. Una rito ang ekspresibong tungkulin (expressive function) na ginagamit ng tagasalin upang magpahayag ng interes, pahayag, o opinyon. Ikalawa ay ang impormatibong tungkulin. Sa tungkulin ng wika na ito, nakapokus ito sa impormasyong nakapaloob sa teksto at sa pagbibigay nito sa mga mambabasa.Ang vocative function ng wika naman ay nakapokus sa mambabasa at sa kung ano ang pag-unawa ng mambabasa sa impormasyon. Maaaring ito ay sa anyong pa-patalastas, anunsiyo, panuto, atbp.
Isa na namang talakayan ang kinapulutan ko ng aral. Ang talakayang ito ay nagbigay katotohanan na metikuloso ang proseso ng pagsasalin. Hindi ito biro at ang proseso ng pagsasalin ay masining. Tunay ngang hindi madali ang pagsasalin ng isang panitikan dahil pagpili ng teksto ay kailangan nang pumili ng tagasalin nang tektstong maibigan niyang isalin. Matapos ang diskusyon, walang iniwang gawain si Ginoong Bryan para sa linggong ito. Hanggang sa susunod na makabuluhang talakayan!
#pagsasalingwika #filipino #padayon
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
NEOLOGISMO
1. Lumang salita, bagong kahulugan
• LUTO
LK: Paraan ng paglalagay ng sangkap o pagkain
sa apoy.
BK: Nadaya ang resulta ng isang laro o patimpalak.
• TOYO
LK: Isang uri ng sawsawan o panimplang gawa mula sa balatong (soybean)
BK: Taong nagtatampo o may sumpong (moody)
• BOLA
LK: Bilog na bagay na ginagamit sa paglalaro
BK: Pagbibiro, hindi seryosong papuri
• HUGOT
LK: Pagkuha sa isinuksok o nakabaon
BK: Pagsasabi ng matinding nararamdaman, mga modernong tayutay
• BATO
LK: materyales sa paggawa ng bahay, matigas na bagay na matatagpuan sa lupa
BK: Ipinagbabawal na gamot
2. Kombinasyon ng mga dating salita
• TOKHANG - Toktok (“katok”) at Hangyo (“pakiusap”)
• ASKAL - Aso at Kalye (Asong Kalye)
• BISAKOL - Bisaya at Bikol
• TELESERYE - Telebisyon at Serye
• TAKIPSILIM - Takip at Silim
3. Pagdadaglat o akronim
• AIDS - Acquired Immunodeficiency Syndrome
• SEN. - Senador
• NASA - National Aeronautics and Space Administration
• GNG. - Ginang
• CPU - Central Processing Unit
4. Panghihiram at pagpapaikli
• CHA-CHA mula sa Charter Change
• APIR mula sa "Up here"
• SIRIT mula sa "Let's hear it"
• SEKYU mula sa "Security"
• PROMDI mula sa "From the Province"
5. Pagpapalit ng isang bahagi ng salita
• CRISPYLICIOUS - Crispy na nangangahulugang malutong at "licious" mula sa salitang delicious na ang ibig sabihin ay masarap.
• SEXYTARY - Mula sa salitang Secretary
• BOYLET - Lalaki
• CUTIEPIE - maganda, gwapo, nakatutuwang tao o bata, kaibig-ibig
• SELFIE - pagkuha ng retrato sa sarili gamit ang cellphone
6. Paggamit ng mga panlapi
• NOYNOYING - Isang uri ng protesta noong panahon ni Dating Pangulong Aquino, sa aniyang kawalan ng aksyon ng pangulo sa mga kalamidad atbp.
• MARXISMO - Ideolohiyang Pampolitika na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.
• PRO-CHOICE - Pagbibigay ng karapatan at kalayaan sa mga kababaihan sa kanilang pagdadalang tao na hindi nalilimitahan ng simbahan at pamahalaan.
• MANIKURISTA - Isang trabahador sa parlor na eksperto sa paglilinis ng kuko sa kamay at paa
• KONGRESISTA - Kasapi sa kongreso, mambabatas
7. Paggamit ng mga tatak ng produkto
• PENTEL PEN - Tatak ng Marker
• DOWNY - Tatak ng Fabric Conditioner
• MONGOL - Tatak ng Lapis
• COLGATE - Tatak ng Toothpaste
• IPHONE - Tatak ng Telepono
2 notes · View notes
jrizal · 2 years
Text
Ikapitong Linggo: Pagtalakay Tungkol sa Prosa at Neolohismo
Tumblr media
Sa talakayan noong ika-4 ng Abril, tinalakay ni Ginoong Bryan ang tungkol sa pagsasalin ng prosa at neolohismo. Pero, bago ang lahat ay nagsimula ang talakayan sa isang panalangin at pagbati kay Gabriel na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong araw na iyon.
Sa naging talakayan, nalaman ko na sa pagsasalin ng prosa pala ay kinakailangan na hindi lamang matatas ang tagapagsalin sa wika na pagsasalinan. Dapat siya rin ay bi-kultural o hindi kaya naman ay may sapat na kaalaman siya sa kultura at wika ng lengguwaheng pagsasalinan. Bukod pa rito, natutunan ko rin na ang prosa ay anumang malikhaing pagsulat ng gumagamit ng tuloy-tuloy na pangungusap.
Tinalakay rin ni Ginoong Bryan ang Neolohismo na sa aking pagkakaintindi ay resulta ng maraming kadahilanan — isa na rito ang mabilis na pagkalap ng impormasyon o detalye sa ibat-ibang panig ng mundo. Mayroon itong pitong (7) uri: (1) lumang salita, bagong kahulugan; (2) kombinasyon ng mga dating salita; (3) pagdadaglat o akronim; (4) panghihiram at pagpapaikli; (5) pagpapalit ng isang bahagi ng salita; (6) paggamit ng mga panlapi at; (7) paggamit ng mga tatak ng produkto.
Para sa araw na ito, nag-iwan si Ginoong Bryan ng isang pangkatang gawain na kung saan kailangan naming gumawa ng isang mini dictionary na kinapapalooban ng mga salitang kabilang sa naatas na uri ng neolohismo sa bawat grupo. Ako ay nasama sa pangkat nila Zyrence at ang naatas sa aming uri ng neolohismo ay ang kombinasyon ng mga dating salita. Iyon lamang para sa araw na ito.
0 notes
jrizal · 2 years
Text
Tumblr media
Ikalimang Linggo: Iba't Ibang Metodo ng Pagsasalin
Sa naging klase noong ika-21 ng Marso ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga metodo ng pananaliksik ayon kay Newmark at sa pagsasalin gamit ang segmentasyon. Dahil ako ay liban sa naunang klase bago nito, minabuti kong makinig nang mabuti sa talakayan na ito nang sa gayon ay maunawaan ko ang paksa ng talakayan kaugnay ng paksa ng naging talakayan noong nakaraang linggo.
Unang tinalakay ni Ginoong Bryan ang mga metodo ng pananaliksik ni Newmark kung saan kabilang ang mga sumusunod: (1) Malaya; (2) Idyomatiko; (3) Matapat; (4) Litetal; at (5) Salita-sa-Salita. Ang metodo na pinakatumatak sa akin ay ang Idyomatikong metodo na kung saan nagkakaroon ng bahagyang pagkakaiba sa pagitan ng orihinal na teksto sa isinaling teksto. Ito ay nangyayari dahil ginagamit ang idyoma ng tunguhang wika (TW) sa pagsasalin kung kaya't nag-iiba ang porma ng isinaling teksto o pangungusap kumpara sa orihinal na anyo nito.
Tinalakay rin noong araw na ito ang pagsasalin sa pamamagitan ng segmentasyon. Ito ay isang proseso na ginagamit ng mga baguhang tagapagsalin ngunit ito ay kinapapalooban ng mabusising mga hakbang para maayos na masalin ang isang teksto. Sa paraan na ito, unang hinahati ang teksto o pangungusap sa mga maliit na grupo o unit na tinatawag na translational units. Mula rito, isasalin ng tagapagsalin ang kada segment at saka pagsasama-samahin ang mga grupo na naisalin na upang maisaayos ang pangungusap o awtput.
Nagkaroon ako ng partisipasyon sa klase na ito dahil tinuruan kami ni Ginoong Bryan na magsalin sa pamamagitan ng segmentasyon. Matapos ang klase ay nag-iwan siya ng aktibidad para masubukan ang aming katatatasan sa pagsasalin sa pamamagitan ng segmentasyon. Iyon lamang para sa araw na ito, maraming salamat po!
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
PROSA: Amen? by TPC
Tumblr media
AMEN?
TPC p. 20
Kung madalas ka sa social media, hindi na bago sa ‘yo ‘yong pamimingwit ng audience ng iba’t ibang Facebook pages sa pamamagitan ng religious posts. Isa sa pinaka-common na paraan ay pamimingwit ng “AMEN” mula sa mga tao.
Bakit automatic na ginagawa ng mga tao ‘pag nakakakita ng mga bangkay ng sanggol, naaksidente, o mga pinatay, in general ay mag-type ng “AMEN”?
Anong amen? Amen saan? Ang empty kasi. Ayon sa mga dictionary, ang meaning niyan ay “to agree”, “to consent”, “to give affirmation”, at “so be it”. Sa madaling salita, pagtanggap sa kung anumang susunod na mangyayari.
Alam niyo ‘yon? Para saan ba at nag-a-amen ang mga tao sa mga bangkay na ‘to? Hindi naman sila uma-agree sa kahit ano dahil wala naming sinasabi bukod sa “Type amen”.
Kung nagdasal man sila sa sarili nila para sa mga Nakita nila sa picture, puwede naman silang mag-amen sa sarili nila at huwag nang mag-comment sa picture upang hindi na kumalat pa sa news feed ng iba at makita ng mga kakain pa ng tanghalian at hapunan.
Napansin ko lang. Wala kasing ibig sabihin, eh. Siguro akala ng iba, shortcut ‘yon ng dasal dahil doon lagi natatapos ang mga prayers. Naging symbol, kaya para maipakita sa iba na ipinagdasal nila ‘yong nakiita nilang kalunos-lunos, magta-type na lang sila ng ‘amen’. Kung ganito ang kaso, para kanino nga ba ‘yong amen? Sa namatay o sa sarili?
Haays, AMEN?
---
AMEN?
TPC p. 20
If most of the time you’re on social media, it is not new to you how different Facebook pages draw people’s attention by posting religious content. One of the most common ways is by getting an “AMEN” from the people.
Why do people automatically type “AMEN” when they see dead infants, accidents, or murders, in general?
What do they mean by that “Amen”? What for?
It feels empty. According to dictionaries, the meaning of Amen is “to agree”, “to consent”, “to give affirmation”, and “so be it”. In other words, it is about accepting whatever might happen, happens.
Then what do they mean when they say amen to these corpses? They are not agreeing to anything because the post does not say anything other
than “Type amen”.
Even if they offer a prayer on what they saw in the picture or the post, they can just say amen to themselves. There is no need to comment on the picture to avoid it from spreading on others' news feeds and be seen by those who are having or about to have their lunch and dinner.
It caught my attention because there’s no meaning to it. Maybe some thought that it is a shortcut of prayers because prayers always end in this phrase. It became a symbol; to show that they are praying for those tragic incidents, they type or comment ‘amen’ to the posts they saw. If this is the case, then for whom are those amens? For the dead or yourself?
Haays, AMEN?
SANGGUNIAN:
TPC. (2017). Tagos. Philippines: PSICOM Publishing Inc.
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
TULA: YOU'RE NEVER ALONE BY KC
Tumblr media
You're Never Alone by Kc
You're never alone, I'm always near,
When you're troubled, down or blue.
All you have to do is call me,
I'm always here for you.
It doesn't matter where I'm at,
It doesn't matter when.
When you need someone to talk to,
I'm here to be your friend.
If you need someone to hold your hand,
or a hug to say I care.
If you need a shoulder to cry on,
for you I will be there.
So never think you are a burden,
when the weight gets to be to much.
You might find if look hard enough,
a good friend could be the right touch.
You're never alone, I'm always here,
through the good times and the bad.
I'm always here to be your friend,
I don't like to see you sad.
---
Hindi ka nag-iisa by Kc
Hindi ka nag iisa, nandito lang ako malapit sayo. Sa tuwing ikay naguguluhan, napapagod, at nalulungkot.
Tawagan mo lang ako,
Nandito lang ako para sayo.
Hindi mahalaga kung nasaan man ako,
Hindi mahalaga kung kailan.
Kung kailangan mo ng makakausap,
Nandito lang ako para sayo bilang iyong kaibigan.
Kung kailangan mo ng hahawak sa iyong kamay, O kung kailangan mo ng yakap ko.
Kung kailangan mo ng isang balikat para lang maiyakan mo,
Para sa iyo, nandito lang ako.
Kung dumating man sa puntong mabigat na ang lahat wag mo sanang isipin ikaw lagi ang dahilan.
Kung nakikita mo man itong sobrang hirap, nandito lang ako bilang isang mabuting kaibigang handang umalalay sa iyo sa lahat.
Hindi ka kailanman nag-iisa nandito lang ako palagi, sa mga panahong masaya at malungkot.
Nandito lang ako palagi para maging kaibigan mo,
Na hindi kailanman gugustuhing nakikita kang nalulungkot.
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
AWIT: BUKO BY JIREH LIM
Tumblr media
Buko by Jireh Lim
Naalala ko pa no'ng nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang 'yong mga ngiti
At Ika'y sasabihan, bukas ng alas-7 sa dating tagpuan
Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo
Hindi ko man alam kung nasa'n ka
Wala man tayong komunikasyon
Maghihintay sa 'yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kahit na 'di mo na abot ang sahig
Kahit na 'di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
Naalala ko pa no'ng pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin, kahit mga bituin, aking susungkitin
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kahit na 'di mo na abot ang sahig
Kahit na 'di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, pumuti man ang mga buhok ko, oh
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na 'di mo na abot ang sahig
Kahit na 'di mo na ako marinig
Ikaw pa rin (ikaw pa rin)
Ang buhay ko
---
My Life
I can still remember when I am stilll courting you
Visits you everynight, just to see your beautiful smile
And I will remind you, tomorrow 7 pm in our meeting place
My day is complete, whenever I hear your voice.
Even if I don't know where you are,
Even if we don't have any communication
I am willing to wait you till the end
Because you are the love of my life.
If you think, that my love will change
Hack up on a stone, even if many christmas will pass
Even if you can no longer reach the floor
Even if you can no longer hear me
You are still the love of my life.
I can still remember when I am just dreaming of you, I will accompany you, fetch you, I'll catch even the stars.
If you think, that my love will change
Hack up on a stone, even if many christmas will pass
Even if you can no longer reach the floor
Even if you can no longer hear me
You are still the love of my life.
I will court you everyday
And sing for you
Court you everyday
And sing for you
If you think, my love for you has changed
Hack up on a stone, even if my black hair turns into white
If you think, that my love will change
Hack up on a stone, even if many christmas will pass
If you think, that my love will change
Hack up on a stone, even if many christmas will pass
Even if your skin gets wrinkled
Even if you can no longer open your eyes
Even if you can no longer reach the floor
even if you can no longer hear me
You're still (you're still)
The love of my life
0 notes
baulngkaalaman · 3 years
Text
Tumblr media
Magna Carta of Women
Batas Republika bilang 9710
Ang Magna Carta of Women ay karapatang pantao na naglalayong alisin ang diskriminasyon sa mga kababaihang Pilipino lalo na iyong mga nasa laylayang sektor ng lipunan.
Isinabatas ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2009.
1. GINAGARANTIYA NG BATAS NA ITO ANG LAHAT NG KARAPATANG PANTAO NG MGA KABABAIHAN AT PUNDAMENTAL NA KALAYAANG SIBIL, POLITIKAL, PANGKABUHAYAN, KULTURAL, AT IBA PANG LARANG.
2. ANG BATAS NA ITO AY NAGBIBIGAY NG PANTAY NA TRATO SA KALALAKIHAN AT KABABAIHAN SA HARAP NG BATAS.
- Anumang batas na nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kababaihan ay kinakailangang amyendahan o kanselahin. Binibigyan din ng pantay na katayuan ang kalalakihan at kababaihan pagdating sa titulo ng lupa o pangangasiwa ng kontrata.
3. ANG BATAS NA ITO AY PINOPROTEKTAHAN ANG MGA KABABAIHAN SA ANUMANG PORMA NG KARAHASAN.
4. SINISIGURO NG BATAS NA ITO ANG SEGURIDAD NG KABABAIHAN SA ORAS NG KRISIS AT KAPAHAMAKAN.
5. ANG BATAS NA ITO AY NAGBIBIGAY NG PANTAY NA OPORTUNIDAD SA EDUKASYON, SCHOLARSHIPS, AT TRAININGS.
- Ipinagbabawal ng batas ang pagpapatalsik, non-readmission, non-enrollment, at iba pang nauugnay na diskriminasyon sa mga babaeng mag-aaral at guro dahil nabuntis ito ng hindi kasal.
6. SINISIGURO NG BATAS NA ITO ANG PANTAY NA PARTISIPASYON AT WALANG DISKRIMINASYON SA LARANGAN NG PALAKASAN.
7. IPINAGBABAWAL NG BATAS NA ITO ANG DISKRIMINASYON SA PAGTANGGAP NG MGA EMPLEYADO SA GOBYERNO, MILITAR, KAPULISAN AT IBA PA.
8. IPINAGBABAWAL NG BATAS NA ITO ANG PANGMAMALIIT SA IMAHE NG KABABAIHAN SA MEDIA O PELIKULA
9. IPINAGKAKA-LOOB NG BATAS NA ITO ANG PAGKAKAROON NG TWO-MONTH LEAVE NA MAY BAYAD SA MGA EMPLEYADONG BABAE NA SUMAILALIM SA OPERASYON DAHIL SA GYNECOLOGICAL DISORDER.
10. HINIHIKAYAT NG BATAS NA ITO ANG MGA KABABAIHAN NA MAGING BAHAGI NG POLITKA AT MAMUNO, AT PAGBIBIGAY NG INSENTIBO SA MGA PARTIDONG POLITIKAL NA MAY AGENDA PATUNGKOL SA MGA KABABAIHAN.
SANGGUNIAN
Pulumbarit, V. (2016, May 26). INFOGRAPHIC: What is the Magna Carta of Women?. https://www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/567642/infographic-what-is-the-magna-carta-of-women/story/
0 notes