Tumgik
#awit awards
alamat-handa-rap · 7 months
Text
An Awit Awards winning ppop group, ALAMAT
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Congratulations, ALAMAT team for winning Best R&B recording for Maharani, and for your Album of the Year nomination on the 36th Awit Awards!
Tumblr media
Malayo pa pero malayo na. 🤎
18 notes · View notes
heyyitsarwen · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ryuutchi · 1 year
Text
Tumblr media
🗓️ 221123 ❣️ ALAMAT — JAO 📍 Awit Awards 2022, Newport Performing Arts Theater ALAMAT SA AWIT AWARDS
3 notes · View notes
stellberryfarm · 7 months
Text
Tumblr media
Congratulations, Mahalima, for winning the Best Dance/Electronic Recording for WYAT (Where You At) at the 36th Awit Awards 2023! 😍🍓👏🏽
1 note · View note
wendellcapili · 1 month
Text
During The Varsitarian’s 39th Ustetika Awards for Literature, The UST Singers interpreted National Artist for Music Ryan Cayabyab’s “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, initially recorded by Basil Valdez for his BASIL album (Blackgold Records, 1978). The Eraserheads (“Ryan Cayabyab: The Silver Album,” BMG Pilipinas, 1996), Regine Velasquez (“Kailangan ko’y ikaw,” Viva Records, 2000), Noel Cabangon (”Tuloy ang Byahe,” Universal Records, 2012) and Ice Seguerra (”Araw Gabi: Mga Awit ni Maestro Ryan,” Universal Records, 2015) also recorded notable renditions of the song. The UST Singers, UST’s official mixed choral ensemble, was founded by Professor Fidel Calalang, Jr. in 1992. The group has garnered top choral prizes in Bulgaria, the Czech Republic, France, Germany, Ireland, Italy, Korea, Mexico, the Netherlands, Northern Ireland, Poland, Spain, and Switzerland 🥂
2 notes · View notes
myxbacktrax · 8 months
Text
Kaleidoscope World - Francis M (1995)
Exclusive lyrics edit by singwiththelyrics x myxbacktrax x pinoymyx
"Kaleidoscope World" is a 1995 song performed by the Filipino rapper Francis Magalona. It was first included in his 1995 studio album FreeMan. The song is also included in a later album, Best of FrancisM.
The song went on to win the 1996 Awit Award for Best Produced Record of the Year, and the 1996 NU 107 Rock Award for Song of the Year. Its music video was directed by the celebrated director/cinematographer Raymond Red, and showed Magalona, his band Hardware Syndrome, his backup singers the Evil Stepsisters, and the respective children of Magalona and Red at that time.
5 notes · View notes
peryodismo2324 · 6 days
Text
Whitebored Band, humakot ng mga parangal sa SIRENA: Variety Show 2024
Tenshi Bedico, Arwen Chanliongco, at Rima Millora  Mayo 30, 2024
Tumblr media
Whitebored Band habang tinatanggap ang mga gantimpala sa Sirena: Variety Show noong Mayo 22, 2024. (Kuha ni Arwen Chanliongco)
‘Whitebored Band’ na binubuo nina Uland Rico, Lucas Dionisio, at Caleb Kwe mula sa Grado 4, nagkampeon sa Sirena﹕Variety Show 2024 na ginanap noong Mayo 22 sa High School Gym sa kabila ng pagkakaroon ng kulang na miyembro. Napili sila ng mga hurado na kampeon ng kompetisyon, at binoto rin na Crowd Favorite kalaban ng limang ibang kalahok mula sa iba’t ibang grado ng UPIS 3-6. Binubuo sila ng isang drummer, gitaristang mang-aawit, at piyanistang mang-aawit. Itinanghal nila ang mga awit na Raining in Manila ng Lola Amour at Believer ng Imagine Dragons. Inialay umano nila ang kanilang pagtanghal sa kanilang miyembrong hindi nakasali, dulot ng sakit. Taon-taon nagaganap ang Variety Show tuwing UPIS Days para sa mga estudyante mula elementarya na nais maipamalas ang kanilang mga talento. Nagsilbing emcee ngayong taon sina Prof. Shiela Ibañez at Mr. Edwin Conel. Sina Mr. Joseph Tablizo, Ms. Alexa Metrio, at Prof. Dian Caluag naman ang nagsilbing mga hurado.  Nagwagi rin ang 2035 Band mula sa grado 1 ng Crowd Favorite Award para sa 3-6 at K-2. Binubuo ito nina Mary Elisabeth Martinez sa piyano, Luke Zaide Santos sa gitara, Francesslyn de Leon sa drums, at Macy Parlade sa pag-aawit at tambourine. Tinanghal nila ang isang remix ng UP Naming Mahal at Dynamite ng BTS.
Tumblr media
Pagtatanghal ng 2035 Band sa Sirena: Variety Show noong Mayo 22, 2024. (Kuha ni Rima Millora)
Mayroong kabuuang anim na akto mula sa 3-6, at apat na intermission numbers mula sa K-2. Ilan sa iba pang nagtanghal si Allysa Sarenas ng 6-Sapphire na kumanta ng Ingles na bersyon ng Only ni Leehi, at si Mikkel Caia Odulio ng 6-Amethyst na inawit ang Yellow ng Coldplay. Nagtanghal rin ang Power 5 na binubuo ng ilang mga mag-aaral mula sa Grado 2 ng isang sayaw sa kantang Kinang Pilipinas ni Christine Isah Riñon.  Sumali rin ang Whitebored Band sa Variety Show nitong nakaraang taon. Ayon sa kanila, Enemy ng Imagine Dragons ang ginamit nilang kanta noon, kaya naisip nilang magtanghal ng kanta ng parehong artista. “We practiced a lot and tried to go with the flow, but we wish he (Jsam Samudio) was here,” pahayag ni Lucas Dionisio. 
1 note · View note
leeryanybanez · 2 months
Text
"Memorable experience in the First day of Class"
Tumblr media
This is our first day of school, I'm glad to know my classmates on that day and we take our formal picture together with our Class Adviser Ms. Mary Ann D. Abellanosa to have our memorable journey.
"A happily HUMSS-11 casual picture"
Tumblr media
On that day, we have taken a picture together with our Class Adviser Ms. Ann. and I'm so happy and grateful to meet them all.I noticed that there were new faces and some of them became my friends"
"Cleaning in the SHS grounds"
Tumblr media
On year 2022, Sir Adrian told us to clean the area of the grounds, we are grateful to participate cleaning. after that Sir Addy telling us to have a picture to have a memorable journey.
"We losed but we enjoyed performing this cheerdance competition"
Tumblr media
As a class we've committed, put in our best effort to make our performance perfect but it wasn't enough of performing on stage and showcase the practice what we had learned. Nevertheless, our path changed unexpectedly through fate, and we had to face the bitterness of losing.
We woke up with palpable tension flowing through us on the day of the competition. We spent days training tirelessly until each move was just right and our steps were fully synchronized. The crowd’s energy boosted our performance as we took the stage for a few moments when we felt like champions.
However, even then our expectations were not met. Our routines that were so polished and timed to perfection broke down on us under pressure during the contest. But mistakes occurred that sabotaged hopes of emerging winners.
The loss in the cheerdance competition is hard to swallow. It disappoints most, just because it is too heavy upon our hearts which are already weighted with despair and self-doubt. However, even from such desperation strength is derived from shared suffering.But considering how we performed, this was an opportunity for growth rather than a defeat after all.
"First Placer in Sugbu Awit"
Tumblr media
It is an honor to be awarded as a First place in "Sugbu Awit Festival" that we have been trying to make our own song which entitled Lungsod sa Cebu. Being a 1st placer is not easy but we have been able to commit ourselves to particapate and cooperate for this event.
""Success in life is like basketball. sometimes you miss, but it's the ones who keep shooting and never give up that eventually score the winning shot."
0 notes
Text
Tumblr media
By Apple Bautista - YouTube: Kyla - New Rules - Dubai Pinoy Music Jam 2018 – View/save archived versions on archive.org and archive.today, CC BY 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=132386999
KYLA
Kyla (born January 5, 1981) is a Filipino singer-songwriter. She is the recipient of numerous accolades, including eleven Awit Awards and three MTV Pilipinas Music Awards. She gained recognition in 2000 with her debut album Way to Your Heart and its single "Hanggang Ngayon", which won the International Viewer's Choice Award for Southeast Asia at the 2001 MTV Video Music Awards. She has collaborated with musicians such as American singer-songwriter Brian McKnight and English boy band Blue. Outside of music, she has starred in the drama series Dear Friend (2009) and Villa Quintana (2013–2014), and has expanded her career into reality television as a presenter of the talent competition show Popstar Kids (2005–2007) and as a judge in the variety show singing contest Tawag ng Tanghalan (since 2016). Kyla's music is primarily influenced by R&B and soul, and she has been credited with helping to redefine the genres in the Philippines.
0 notes
sumalungat-sa-agaus · 7 months
Text
Kᴀʟᴀʏᴀᴀɴ Mᴜʟᴀ sᴀ Pᴀɴɢ-ᴀᴀᴘɪ, Kᴀʟᴀʏᴀᴀɴ sᴀ Pᴀᴍᴀᴍᴀɢɪᴛᴀɴ ɴɢ Pᴀɴɢ-ᴀᴀᴘɪ
"Hari ng Tondo" ni Gloc-9 ft. Denise Barbacena Entry blg. 01 ‖ Nob. 17, 2023 ★★★★★
BABALA: Naglalaman ang blog na ito ng barilan, duguan, kamatayan, karahasan, at pang-aabuso.
  Ginamit ko bilang pangunahin na inspirasyon para sa blog na ito ang awitin na "Hari ng Tondo" na isinulat ni Gloc-9, kaya naman mapapansin mo na isang pun ng liriko na, "hanggang sa may nagpasya na sumalungat sa agos," ang aking username, at ang mismong titulo ng blog na ito ang linya na, "wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos." Sa kadahilanan na ito, siyang maging una na blog entry ko ang pagsusuri ng awitin na ito.
Tumblr media
  Taglay ang mga matalas na liriko ng sikat na Pilipino rapper na si Gloc-9 na ikinikomplemento ng mala-sirena na boses ni Denise Barbacena, ika-14 na kanta mula sa album ni Gloc-9 na "MKNM: Mga Kwento Ng Makata" ang rap, power ballad na ito na pinamamagatan na "Hari ng Tondo." Isinulat ito bilang isang theme song para sa pelikula na "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story," kung saan inirangal ito na "Best Theme Song" ng FAMAS Awards noong taon na 2012.
  Sa pamamagitan ng masidhi na pagtutula ng mga liriko na para bang binabalaan ikaw, isinasalaysay ni Gloc-9 ang isang kuwento na minsan na nangyari sa mga kalye ng distrito ng Tondo, Maynila. Ipinipinta niya ang isang imahen na pumupukaw ng takot, na parang may nalalaman ka na ni-isang kaluluwa ang dapat nakakaalam. Dating totoo ang sentimento na ito, dahil sa panahon noong buhay pa ang tanyag ngunit kinakatakutan na lider ng gang na si Nicasio Asiong Salonga (1924-1951), "walang tanong ay kitilan ng buhay" ang mga saksi sa mga krimen na nagawa nito. Sa panahon na ito, mas mabuti na tumingin ka nalang sa ibang direksyon habang may abuso na gumaganap o di kaya "yumuko ka na lang" at humingi ng tawad kung ninanais mo pa na mabuhay.
Tumblr media
  Subalit sa marahas na imahen ni Asiong na ipinahihiwatig ng pagtutula ni Gloc-9, biglaan na puputol ang madamdamin na boses ni Denise Barbacena sa koro upang ilagay ka sa mga sapatos ni mismong Asiong, at dito mo makikita ang totoo na mensahe na nais pinaparating ng kantang ito: na isang tao lamang si Asiong na naniniwala na makatarungan ang kaniyang mga marahas na pamamaraan, "isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama," dahil sa kaniyang pagpapalaki at kapaligiran. Bibigyang-diin pa ni Gloc-9 ang mensahe na ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-awit sa ikalawang taludtod ang mga pangyayari kung paano pumapatay at, sa kabaliktaran, kung paano pinatay si Asiong.
  Lubos na nagustuhan ko ang ikalawang taludtod na ito dahil sa metaporikal na pagkasulat ni Gloc-9 sa parte na ito, na parang ikaw mismo ang may nakakapaso na galit, na parang ikaw mismo ang nakaka-amoy ng "mga bakal na may nagbabagang tinggang / papalit-palit sa hangin na masangsang." Gayunpaman, ang pag-laan ni Gloc-9 ng oras upang sabihin na, "subalit sa kabila ng lahat / ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak / ang tanging naghahatid sa kanila sa katinuan" upang ipaalala na naniniwala si Asiong na ang buhay ng krimen lamang ang kaniyang pag-asa, ang kaniyang paraan upang patuloy na mabuhay at patuloy na maging buhay, talagang nagpapaisip sa iyo kung gaano kalunos-lunos ang maagang buhay na naranasan ni Asiong upang akayin siya sa landas ng krimen na ito.
  Sa palagay ko, mawalang-pag-asa ang pagka-awit ni Denise Barbacena sa liriko na, "baka mabansagan ka na Hari ng Tondo," dahil ipinapahiwatig niya na ang pagtali sa iyong buhay sa isang bagay ang kahulugan ng pagiging hari ng bagay na iyon, tulad ng kung paano gugulin ng mga tunay na hari ang natitira na bahagi ng kanilang mga buhay sa paglilingkod sa anumang kaharian na kanilang pinamamahalaan. Naging hari ng Tondo si Asiong dahil "nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran / ay huli na ang lahat," at wala nang kung ano pa mang kabutihan ang kaniyang nais gawin ang makakapagbura sa lahat ng krimen na kaniyang nagawa.
  Sa tingin ko, isang maganda na pagkakataon ang pakikinig sa awitin na ito upang pagnilayan ang mga desisyon na nagawa natin sa ating buhay hanggang ngayon. May kapangyarihan tayong lahat na maging pinuno ng ating sarili na landas subalit sa kung ano man ang ating pinagdaanan o dadaanan pa. Kahit naiintindihan ko ang dahilan kung bakit may nagagawa tayo na akala natin tama pero mali naman sa katotohanan, hindi dapat ito gawing katwiran kung bakit paulit-ulit tayo na nagkakamali. Sa halip, dapat matuto tayo sa mga paghihirap na ito upang makagawa tayo ng mas mabuti na mga desisyon sa susunod.
  Gayunpaman, tandaan din natin na maging maunawain sa mga tao na may-pinagdaanan. Sapagka't lang na may mga pagkakamali na nagawa, hindi ibig sabihin na hindi na sila tao o di kaya wala silang dahilan kung bakit nagawa nila ang iyon. Imbes na patawarin ang mga krimen na nagawa ni Asiong o ng kaniyang mga kasabwat, ang pagkilala ng dahilan kung bakit lumaki sila na inakala na makatarungan ang mga nagawa nila ang mensahe na nais iparating ng "Hari ng Tondo." Hindi man tama ang pagnanakaw, ngunit kung ikaw ang nalulunod sa kahirapan, talagang iisipin mo na wala kang ibang magagawa. Kaya isantabi natin ang ating mga paghuhusga at humanap ng paraan para makatulong na ayusin ang sistemang binigo ang mga nahihirapan sa halip na sisihin sila dahil sa mga pribilehiyo na ipinagkait sa kanila.
  Kung tutuusin, ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan nila?
Tumblr media
Sanggunian:
asiongsalonga2011. (2011, Nobyembre 02). Asiong Salonga Movie Manila Kingpin Official Trailer.jpg. YouTube. https://youtu.be/sm7ide3GfDM?si=FJb5UWiZqSAsspUg
de Francisco, E. (1996). Tondo - Living in the Rubbish.jpg. Eduardo de Francisco. https://www.eduardodefrancisco.com/tondo
Pollisco, A. C., Barbacena, D. (2012, Hulyo). Hari ng Tondo. On MKNM: Mga Kwento Ng Makata. Universal Records Philippines, Inc.
Pollisco, A. C. (2012, Hulyo). MKNM (Mga Kwento Ng Makata).jpg. Apple Music. https://music.apple.com/ca/album/mknm-mga-kwento-ng-makata/1660112316
0 notes
renesf · 9 months
Text
Not Satire: AC Publisher/Editor Nominated For 2023 Awit Awards!
by JAKE DON MANILA, Philippines (The Adobo Chronicles, Manila Bureau) – Adobo Chronicles publisher and editor Rene Astudillo has been nominated for the 2023 Awit Awards (equivalent of the U.S. Grammys) for “Best Jazz Recording.” The single, titled “SINYOR: Hindi Lahat Magkakaedad” was composed by Rafael “Pikes” Salvador, is about the joys and challenges of being a senior citizen. It is set to…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
alamatph · 10 months
Text
Tumblr media
ALAMAT is nominated in this year's AWIT AWARDS!
0 notes
letterstoselfian · 10 months
Text
SANA HINDI KA NALANG TUMANDA
Tumblr media
Dear Self,
Sana hindi ka nalang tumanda. Hindi mo nalang sana hiniling na lumaki; hiniling na makalabas ng bahay at simulang tuklasin ang mundo na inakala mong sobrang perpekto. Hindi mo nalang ninais na matuklasan ang napakaraming katotohanan; nanatili ka nalang sanang inosente na ang tanging nais ay maging masaya at maging masaya lamang, wala ng iba. Isang saya na abot kamay mo lang. Isang awit, isang sayaw, isang bagong laruan, isang masarap na ice cream, isang masayang tawanan kasama ang mga dabest na kalaro at kaibigan, isang simpleng yakap mula sa magulang, isang simpleng award sa school, isang tatak ng star dahil nakaperfect ka sa spelling, isang palakpak mula sa simple mong talento. Isang saya na simple at abot kamay. Sana nga, hindi ka nalang tumanda at hiniling na tumayo mag-isa, dahil parang ang sarap magdesisyon ng mag-isa at walang nag-uutos sa'yo. "Parang" lang pala, dahil ang totoo, ang hirap palang mag-isa.
Mahirap pala. Dahil nang masimulan mong tuklasin ang mundo, nakita mo ang napakaraming sugat na puwedeng ibigay nito; dahil nang lisanin mo ang pagiging inosente at tuklasin ang katotohanan, nakita mo 'yung kahinaan ng sarili mo at ang kahinaan ng buhay mo; dahil nang simulan kong lisanin ang mga simpleng kasiyahan - lalo akong hindi naging masaya. DAHIL SA PAGTANDA, LALONG NAGING KOMPLIKADO 'YUNG TINATAWAG NA "SAYA". At nang magsimula kang mabuhay sa ilalim ng sarili mong mga desisyon, naramdaman mo ang bigat ng tinatawag nilang lumbay, takot, pangamba, higit sa lahat, ang walang katapusang pagsisisi. Pagsisisi sa napakaraming maling nangyari sa nakaraan na nagdala sa isang hindi matakasang sitwasyon at kalagayan. Sana hindi ka nalang tumanda, para ang tanging mahalaga sa'yo ay ang ngayon... 'kung ano lang ang mayroon ka ngayon. Walang tanong, basta nasa ngayon.
Naintindihan ko na kung bakit kailangan akong paluin noong bata ako. Naintindihan ko na kung bakit kailangan akong masermonan ng paulit-ulit sa tuwing magkakamali ako. Dahil ngayon, mas nanaisin ko ang sakit ng palo kaysa sa sakit ng hampas ng problema sa isang pusong mahina, kung saan ang mga sugat ay hindi agad-agad nawawala. Mga hampas ng buhay dahil sa mga maling desisyon na ginawa mo. Mga hampas na parang hindi natatapos dahil sa walang hanggang "what if's" sa utak mo. Mas nanaisin ko na ang paulit-ulit na paalala at sermon, kaysa sa mga sitwasyon na tahimik nga, pero ang ingay ingay naman sa loob. Mga sermon na hindi binibigay ng ibang tao, pero ingay naman na nanggagaling sa sarili mo. Mga salitang "ang tanga mo," "ang bobo mo," "mag-isip ka naman," "sino ka ba?!" na paulit-ulit mong isinisigaw sa sarili mo. Sana nga, hindi ka nalang tumanda, para nanatili kang nagmamahal sa sarili mo. Sana, hindi ka nalang tumanda para maniwala ka pa din na lahat ng sugat puwedeng maghilom. Dahil ngayon, namulat ka na sa katotohanang may mga sugat na dadalhin mo hanggang sa dulo. Walang lunas, maliban sa pagtanggap.
Kung puwede lang sana, hindi ka nalang sana tumanda. Para maging sapat ang mga simpleng bagay para maging masaya ka. Dahil ngayon, kahit halos nasa'yo na ang lahat, hindi mo pa rin maramdaman 'yung saya. Palaging may kulang. Palaging may kailangang punan. Palaging may palaisipan. Sana hindi nalang ako tumanda, para hindi ko naintindihan 'yung mga mahihinang hikbi ng aking nanay noong bata pa ako. Dahil ang totoo, ako pala ang dahilan ng kaniyang mga hikbi dahil kailangan niya akong bigyan ng maayos na buhay - kahit hirap na hirap na siya. Sana hindi nalang ako tumanda, dahil ako na 'yung humihikbi ng palihim dahil hindi na lamang 'yung sariling saya ko ang kailangan kong isipin; gusto ko rin silang maging masaya, pero minsan hindi ko 'yun kayang ibigay sa kanila. Nakakatakot maging masaya, kasi baka maiwanan ko sila. Kaya pala mahirap tumanda, dahil hindi lang ang sarili mong saya ang dapat mong isipin - dahil may mga "saya" na din na nakasalalay sa iyong gagawin.
Sana hindi ka nalang tumanda, para hindi gaanong masakit maramdaman na unti-unting mawala 'yung mga taong sobrang mahal mo. Para hindi mo masyadong maintindihan 'yung mga salitang "time's up" na sila sa buhay mo. Para ang alam mo lang ay 'yung mga kuwento ng fairytale na nandoon lang sila sa langit, naging bituin para bantayan ka sa gabing madilim. Para ang feeling mo lang nag-abroad sila pero babalik din. Sana hindi ka nalang tumanda, para lagi mo lang hawak 'yung kamay ng nanay mo na ngayon hinahanap-hanap mo dahil wala na siya sa tabi mo. Sana hindi ka nalang tumanda, para lagi mong ramdam na ligtas ka sa piling ng tatay mo - na ngayon malayo sa'yo. Sana hindi ka nalang tumanda, para hindi mo kailangang tumayo mag-isa at magtapang-tapangan habang iniiyak ng palihim ang mga sugat mo. Dahil noong hindi ka pa matanda, puwede kang umiyak ng malakas, puwede kang maging tapat sa nararamdaman mo, at lagi silang nandyan para samahan ka sa buhay mo.
Dearest self, sana hindi ka nalang tumanda. Pero sana maalala mo din, na hindi pa huli upang manatili kang bata. Habang may oras pa, piliin mo minsang umuwi at yakapin ang mga taong mahal mo, habang nandiyan pa sila. Habang kaya mo pa, sabihin mo sa mga mahal mo na kailangan mo ng tulong at nahihirapan ka na. Puwede ka pa ring maging bata na kailangan ang tulong ng iba. Puwede ka pa ring maging bata na minsan superhero, pero minsan biktima din ng masaklap na kapalaran. Puwede ka pa ding maging "hindi okay". Sana matandaan mo, na tumanda ka lang, pero nananatili kang tao at hindi diyos. Mayroon ka pa ring maliliit na kamay; mga paa na puwede pa ring mangalay; mga mata na kailangan ding ipikit; katawan na kailangan ng yakap at pahinga; isip na kailangan ng direksyon; at puso na kailangan ding huminga. Sana sa hiling mo na "hindi ka nalang sana tumanda", mas natuto ka kung paano ka mananatiling bata na kuntento at masaya - higit sa lahat, marunong magtiwala.
Sana, hindi ka nalang tumanda, pero "mas sana" hindi mo makalimutan ang maging bata habang tumatanda ka. Hindi mo kailangang maging mag-isa. Kailangan mo ang tulong ng iba.
0 notes
ryuutchi · 1 year
Text
Tumblr media
🗓️ 221123 ❣️ ALAMAT — MO 📍 Awit Awards 2022, Newport Performing Arts Theater ALAMAT SA AWIT AWARDS
2 notes · View notes
drawingto23 · 1 year
Text
2 Remarkable Filipino
PRE-SPANISH PERIOD
Tumblr media
Credit: wikipedia.org
Pedro Bukaneg (March 1592 – c. 1630}
Was a Filipino poet. He is considered the "Father of Ilocano literature." Blind since birth, he is the believed to have authored of parts of the Ilocano epic Biag ni Lam-ang (Life of Lam-ang).
Being a romanticist, he composed poems and songs which were so tenderly sweet that he gained fame among the Ilokano masses as a gifted troubadour. Bukaneg was good not only in poetry but also in oratory.
Pedro Bukaneg was a Filipino poet. He is considered the "Father of Ilocano literature." Blind since birth, he is the believed to have authored of parts of the Ilocano epic Biag ni Lam-ang. A street inside the Cultural Center of the Philippines complex in Pasay, Philippines is named in his honor.
Born: March 1592, Bantay
Died: 1630
Tumblr media
Credit:filipinaslibrary.org
Nicanor Abelardo
Kundiman
A composer of over 140 works that included sonatas, concerti and chamber music, Abelardo is best known for elevating the Philippine genre of the Kundiman into a western art-song form.
The Violin Sonata (1931) by Abelardo is a composition for violin and piano that does not fit the characteristics most associated with Philippine music, particularly the Kundiman that Abelardo is best known for during that time period.
Nicanor Santa Ana Abelardo was a Filipino composer known for kundiman songs he wrote before the Second World War.
Born: February 7, 1893, San Miguel
Died: March 21, 1934, Intramuros, Manila
Awards: Awit Award for Best Traditional Recording
Parents: Placida Sta. Ana, Valentine Abelardo
Genres: Kundiman; classical music
SPANISH PERIOD [1521-1871]
Tumblr media
Credit: wikipedia.org
 Antonio Abad
Antonio M. Abad (1894-1970) was a poet, playwright, essayist and novelist born in Barili (Cebu) and is frequently referred to as “The Greatest Hispanic Filipino Novelist after Rizal”. In 1927, he published his first novel El Último Romantic.
Antonio Abad y Mercado was a prominent Filipino poet, fictionist, playwright, and essayist. 
Born: May 10, 1894, Barili
Died: April 20, 1970
Books: Magda: A Three-act Play
Education: University of San Carlos - Talamban Campus
Language: Cebuano, Spanish
Notable awards: Premio Zóbel, Premio Literario Filipino de la Mancomunidad
Tumblr media
Credit: alchetron.com
Jesus Balmori
He wrote three novels: Bancarrota de Almas (Failure of the Soul), Se Deshojó la Flor (I Tear The Pages Out of The Flower), and Pájaros de Fuego (Birds of Fire) which was completed during the Japanese occupation.
Born: January 10, 1887, Ermita, Manila
Died: May 23, 1948, Mexico City, Mexico
Books: Birds of Fire: A Filipino War Novel
Education: University of Santo Tomas (UST), Colegio de San Juan de Letran
Language: Spanish
PERIOD OF ENLIGHTENMENT(1872-1898)
Tumblr media
Credit: tatlerasia.com
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
He was a prolific poet, essayist, and novelist whose most famous works were his two novels, Noli Me Tángere (1887) and its sequel, El filibusterismo (1891).
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda was a Filipino nationalist, writer and polymath active at the end of the Spanish colonial period of the Philippines. He is considered the national hero of the Philippines.
Born: June 19, 1861, Calamba
Died: December 30, 1896, Rizal Park, Manila
Full name: José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Siblings: Paciano Rizal, Saturnina Hidalgo, Concepción Mercado, MORE
Parents: Teodora Alonso Realonda, Francisco Mercado, Francisco Rizal
Spouse: Josephine Bracken (m. 1896–1896)
Tumblr media
Credit: bayaniart.com
Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitán
Also known by his pen name Plaridel, was a Filipino writer, lawyer, journalist, and freemason. In 1882 Del Pilar founded the newspaper Diariong Tagalog to propagate democratic liberal ideas among farmers and peasants. In 1888 he defended José Rizal's polemical writings by issuing a pamphlet against a priest's attack, exhibiting his deadly wit and savage ridicule of clerical follies.
 Marcelo H. Del Pilar is the most famous journalist in our history and is also considered as the father of Philippine journalism . His contributions as a lawyer, revolutionary, and propagandist emulates his patriotism, bravery, and intelligence.
Born: August 30, 1850, Bulacan
Died: July 4, 1896, Old Hospital de la Santa Creu, Barcelona, Spain
Nickname: Plaridel
Siblings: Toribio H. del Pilar, Fernando del Pilar, Valentín del Pilar, MORE
Children: Anita H. del Pilar de Marasigan, MORE
Parents: Blasa Gatmaitán, Julián Hilario del Pilar
THE AMERICAN REGIME (1898-1944)
Tumblr media
Credit: alchetron.com
Adelina Guerrea
Adelina Guerrea was the first woman poet in the Philippines who was good in Spanish. She obtained the Zobel prize in her song El Nido . (The Nest).
Occupation  writer, journalist, poet, playwright, historian, linguist Alma mater  Santa Scholastica de Manilla
Died  April 29, 1971, Madrid, Spain
María Adelaida Gurrea Monasterio (La Carlota, Negros Occidental, Philippines, September 27, 1896–Madrid, April 29, 1971) was a Philippine journalist, poet and playwright in Spanish.
Tumblr media
Credit: peoplepill.com
Macario Adriatico
(10 Marso 1869-14 Abril 1919)
Macario Adriatico wrote of a legend of Mindoro entitle La Punta de Salto (The Place of Origin).
Born: March 10, 1869
Died: April 14, 1919
Scholar, journalist, and politician; known as the “Father of Manila’s City Charter
Tumblr media
Credit: alchetron.com
Fernando Ma. Guerrero
The king of Balagtasan. His poetry book Crisálidas was published in 1914. Subsequently, he published another verse compilation called Ayes y Flores. Guerrero died on June 12, 1929, coinciding with that year's anniversary of the República Filipina (Philippine Republic). A school in Paco, Manila, was named after him in his honor.
Guerrero was the major lyric poet before and after the revolution, until the introduction of English literature in our schools. Known as the “Prince of Filipino lyric poets” in Spanish, he also played the flute and guitar. In Spanish lyric poetry, he was unsurpassed by his contemporaries.
Born: May 30, 1873, Manila
Died: June 12, 1929, Philippines
Full name: Fernando María Guerrero Ramírez
Children: Evangelina Guerrero Entrala
Education: University of Santo Tomas (UST), Ateneo de Manila University
Nationality: Philippine
Previous office: Member of the Philippine Assembly (1907–1909)
0 notes
beingjellybeans · 2 years
Text
Ben&Ben delivers a love song that is unapologetically bare in its messaging on “Dear”
Ben&Ben delivers a love song that is unapologetically bare in its messaging on “Dear”
After bagging five wins including Album of the Year at the recently concluded Awit Awards 2022, Ben&Ben returns with a new single that captures the essence of romantic love without forcing or expecting anything in return. Setting itself apart from the conventional themes often associated with the subject, the nine-piece band encapsulates love that is earned through perfect timing and…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes