Tumgik
sulongpalagi · 3 years
Text
Ang Kurikulum ng Lumad Bakwit School
May tatlong mahahalagang batayan ang kurikulum ng Lumad Bakwit School. Ito ay ang: makamasa, makabayan, at siyentipiko.
Makamasa
Ito ay nangangahulugang ang LBS ay bukas para sa lahat. Kahit sino pwede makapag-aral basta gusto mag-aral. Sinasagisag din nito ang pagiging inklusibo ng paaralan.
Makabayan
Ang mga itinuturo ay kontekstwalisado sa pangangailangan ng komunidad. Samakatuwid, nililinang ang mga mag-aaral na kapag nakapagtapos, bumalik sa komunidad upang makatulong.
Siyentipiko
Tinuturuan ang mga mag-aaral na suriin ang mga bagay-bagay at sipatin ang pagsusuring ito na naaayon sa konkretong kalagayan. Tinuturuan din ang mga mag-aaral na maging mabusisi at huwag maniwala o sumunod basta-basta.
Wikang Filipino ang pangunahing wikang panturo na ginagamit sa kurikulum ng Lumad Bakwit School.
Mapapanood sa bidyo kung ano ang mayroon sa Kurikulum ng Lumad Bakwit School at kung bakit nila kailangang magbakwit. Sa kabila ng pagpapahirap at pagyurak ng estado sa kanilang karapatan at sa pangangamkam sa kanilang lupang ninuno, patuloy na pinagyayaman ng mga Lumad ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagtataguyod ng makamasa, makabayan, at siyentipikong kurikulum ng/sa edukasyon.
Pinatunayan ng Lumad Bakwit School na mahalaga ang paglulunsad ng MMS na edukasyon sa pagbuo ng konsepto ng kurikulum upang mapagtagumpayan ang tiyak na pagkatuto ng mga mag-aaral.
0 notes