Tumgik
sprfcknqt · 7 years
Text
SAMPUNG BAGAY NA HINDI KO MASABI PERO NGAYON PIPILITIN KONG SABIHIN....
ISA. Isang beses akong tumaliwas sa buhay na akala ko ayun na. Mula nang ako ay iyong minulat sa katotohanang hindi pala talaga siya. Na mayroong ikaw, ang nag-iisang ikaw na dapat at karapatdapat sa pagmamahal na binuhos ko sakanya. Teka, susubukan kong balikan kung paano kita nakilala. DALAWA. Sa ikalawang taon natin sa kolehiyo tayo nagkakilala. Akala ko pa no'n bakla ka, hindi naman pala. Kasi palagi kang nagkukunwari, nagpapatawa, napapatawa mo ako. Pati yung puso ko nahulog na para sa'yo. TATLO. Noong ikatlong taon na natin sa kolehiyo, nagpaalam ka. Akala ko 'di ka na babalik pa. Doon ko napagtanto, teka bakit mali? Bakit gusto kitang habulin? Bakit parang ako'y nalilito? Ayaw kitang mawala. Pakiusap, bumalik ka dito. APAT. Ang apat na letra ng pangalan mo na nangangahulugang bago sumikat ang araw. D-A-W-N. Dawn. Ang salitang kasalungat ng dapit-hapon. Ang pagsisimula ng panibagong araw. Araw ko? O araw nila? Pero basta ang pangalan mo ay sumasagisag sa pagsisimula ng bago kong buhay. Ang buhay na masaya, buhay na puno ng ikaw. Tayo. Buhay na hindi ko na susubukan pang bitawan pa. LIMA. Nalimot ko na. Hindi ko na matandaan ang kasunod. Gusto ko na lang ulit ulitin ang limang salita na nakokornihan kang marinig. Sobrang mahal na mahal kita. Kahit na ayaw mo ng kakesohan, uulit ulitin ko yan. Kahit isigaw ko pa sa tenga ng lahat. Sobrang mahal na mahal kita. ANIM. Anim na emosyon ang pinadarama mo. Oo anim. Hindi lang apat. Napapangiti, tawa, galit, kilig, saya at mahal kita. Napapangiti mo ako lalo na kapag problemado. Ikaw ang nagsisilbing sandalan pag pakiramdam ko na ako'y baldado. Babanat ka ng mga nakakatawa mong biro na hindi pa pumalya sa pagpapahagikgik sa akin. Sa pagpapatawa sa'kin lagi. Pero minsan na rin akong napaiyak ng biro na 'yan. Hilig mo kasi magbiro. Eh ako naman kasi pikon, sineseryoso lahat. Pero kinabukasan, okay naman pala, ako lang 'yung nagiisip ng wala talaga pala. Basta papakiligin mo ako sa mga yakap mo. Sa simpleng paghawak sa kamay ko at pagtingin sa mga mata ko. Nagpaapekto sa kacute-an mo. Masaya ako kasi nandyan ka, nakilala kita. At hinding hindi ako magsasawang mahalin ka. Teka lagpas anim na at yung nasabi ko. PITO. Pitong araw sa isang linggo. Araw araw parati kang nasa isip ko. Oo nasa iisang unibersidad tayo pero minsan lamang tayo magkasalubong sa gusali pati pasilyo. Pero ayos lang kasi ang mahalaga sa pitong araw na 'yon, walang palya na hindi kita nakakausap kahit sa chat lang, sapat na. WALO. Walong segundo o oras pa nga yata ang tinitigil ng mundo ko pag nagkakasama tayo. Na akala mo wala ng bukas. Na sinusulit ang bawat segundong dumadaan hanggang sa hindi mamalayang anong oras na. Hindi mamalayang pinapauwi na ako at hinahanap na sa amin. Hindi namamalayang lumalalim na ang gabi at kailangan na umuwi. Kasi alam mo, kapag kasama kita, nakakalimutan ko lahat. Mula sa problema hanggang sa ibang mga bagay pa. Kaya siguro ayaw natin umalis kasi kapag di na naman tayo magkasama, babalik na naman ang realidad na mapait at masakit. SIYAM. Inaabot tayo ng ika-siyam ng gabi sa pagtambay sa KFC. Kakain ng alas sais pero tatambay at magkwekwentuhan pa. Hindi pa muna uuwi, pipiliing magnakaw ng oras. Kahit ilang oras, kahit gabihin. Kahit na umuwi ng alanganin basta makapag-usap lang kasi ayun lang yung araw na nakakasama kita ulit. Kung pwede lang lagi. Darating din yun balang araw, kapag pwede na at kapag legal na. Teka legal ka na 'di ba? SAMPU. Dagdagan pa ang sampu. Bente. Bente ka na. Uy happy birthday. Maligayang kaarawan. Ikalawang birthday mo nang kasama ako. Masusundan pa 'yan at sisiguraduhin kong sa susunod ay hindi na lang pagbati ang ibibigay ko sa'yo. Dahil deserve mo lahat ng magagandang bagay sa mundo kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Buti pinanganak ka ano? Swerte ko. Swerte mo, lalo kasi nalagpasan mo ang dalawang dekada na pantitrip sa atin ng buhay. Laban lang! Suportahan lang kita sa lahat. Pakners tayo eh. Salamat sa iyo. Ienjoy mo ang araw mo. Mahal na mahal kita sobra, Dawn. ❤💋
3 notes · View notes
sprfcknqt · 7 years
Text
Lost
We're all kind of losing each other. Dad's tired from work. Mom's tired of taking care of the little ones and doing the household chores. My sister's too vulnerable. My 15-year-old brother's a rebel. My 8-year-old brother has anger management issue. My 4-year-old brother's trying his best not to hurt his bully seatmate. My youngest brother's always crying for attention because mom doesn't know what to do first. And I. I don't know anymore. I have deadlines to catch. School works to do. Family problem to shoulder. I go home late from school. I have cats to feed. Tiring, eh? We're all tired of different stuff. From household chores to schoolworks to office works. We're all in the verge of killing ourself or even killing someone just to release the stress we're trying to overcome. But hey, y'know what's good? We can still handle these pains, hardships, disappointments, issues and problems. We could still laugh at times. We could still talk for a while. And hey, we're complete. We're facing these problems together. We'll face it together. We should not see each other as villains, as kontrabidas trying to get on our way. Instead, we should see each other as a family because we are a family. We should hold on to each other because that's what a family should do. Your burden's my burden. Your issues are mine, too. If we try to just keep it to ourself, nothing will happen. Stop with the "I don't want you to worry." You are obliged to tell us what's happening, good or bad, you should tell us what's happening. We're all tired of how our days gone by but remember, going home safe and knowing your family's still with you and alive, it will get better.
0 notes
sprfcknqt · 8 years
Text
Bakit ganon? Bakit laging ako na lang yung nasasaktan? Nagmahal lang naman ako ah. Anong masama don?
0 notes
sprfcknqt · 8 years
Quote
I learned that very often the most intolerant and narrow-minded people are the ones who congratulate themselves on their tolerance and open-mindedness.
Christopher Hitchens (via wordsnquotes)
5K notes · View notes
sprfcknqt · 8 years
Quote
I only sleep with people I love, which is why I have insomnia.
Emilie Autumn, The Asylum for Wayward Victorian Girls (via thelovejournals)
4K notes · View notes
sprfcknqt · 8 years
Quote
It’s not selfish to love yourself, take care of yourself, and to make your happiness a priority. It’s necessary.
Anonymous (via wordsnquotes)
10K notes · View notes
sprfcknqt · 8 years
Text
Sa dinamirami ng sapatos mo, babalik at babalik ka pa din sa iyong tsinelas. Parang yung taong mahal mo. Pero dadating yung araw na masisira yung tsinelas mo at maluluma. Papalitan mo ba o hindi? Nakasalalay sa'yo. Pero minsan mas makabubuting palitan na lang lalo na kung sobrang sira na.
0 notes
sprfcknqt · 8 years
Text
To the guy who broke my sister's heart
Hi. Siguro kilala mo naman ako. Ate ako ng babaeng sinaktan mo, ang nag iisang ate nya. Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Gago ka. Oo gago ka. Ang kapal ng mukha mo. Tinuring ka naming parte ng pamilya tapos gagaguhin mo lang pala yung kapatid ko. Ang kapal ng mukha mo para maghanap ng iba tas ngayong wala na kayo nagagawa mo pa ding humingi ng kung ano anong pabor sa kapatid ko. Buti na lang tanga yung kapatid ko no kaya inuuto mo pa din. Punyeta ka, wala kang bayag. Hilig mo manakit ng babae kala mo naman talaga may ipagmamalaki ka. Ano? Anong ipagmamalaki mo? Yung mga bisyo mo na gagamitin mo pa kapatid ko para lang humingi ng pera sa magulang mo? Yung hihingian mo din kapatid ko ng pambayad at pangtustos dyan sa pagbibisyo mo? Tas ano? Yung kapatid ko yung lumalabas na masama sa paningin ng pamilya mo? Putangina ka pala eh. Eto gago nanggigigil na ako sayo. Wag lang kitang makita kung di babayagan talaga kita ng malupit. Kung alam mo lang lahat ng sakripisyong ginawa ng kapatid ko para lang sayo. Halos igiveup na nya pamilya nya para lang sayo. Lahat ng kasuwailan, lahat ng kagaguhan, lahat ng pagsisinungaling ginawa nya para lang mapagtakpan kung sino ka talaga bilang tao tas tangina mangagago ka? Wow ha. Pogi mo erp. Tas eto, natawa ako dito tangina, nung may babae ka tas kaklase mo pa. Tas sasabihin mo sa kapatid ko, ipaglaban ka? Agawin ka dun sa babae? HALA GAGO KANG TUNAY HAHAHAHAHAHA ang gwapo mo pukinangina ka. HAHAHAHAHAHA Saan mo nakuha yang lakas ng loob na yan ha? Ipaglalaban ka ng kapatid ko eh ikaw nga mismo di mo sya maipaglaban? Wow. Aagawin ka ng kapatid ko when in the first place di ka naman dapat magpaagaw kung mahal mo talaga kapatid ko. Eto real talk ha, hindi mo naman talaga mahal o minahal yung kapatid ko e. Ginagamit mo lang sya. Ginawa mo syang wallet na hihingian mo ng pera tuwing kailangan mo ng kung ano ano. Ginagawa mo syang parausan mo ng panahong naglilibog kang putangina ka. Ginawa mo syang tanga sa ilang taon na nagsama kayo. Mahal mo sya? Kung mahal mo sya bakit mo nagawang gaguhin sya? Mahal mo sya? Bakit ka naghanap ng iba? Mahal mo sya pero hindi mo sya hinahayaang magdesisyon para sa sarili nya? Mahal mo sya pero bablackmailin mo sya tuwing di mo gusto yung ginagawa nya? Wow. Bilib na ako sayo. Sobrang bilib na ako sayo. Nung nagpaulan ng kakapalan ng mukha at kakupalan, sinalo mo lahat. Grabe. Hindi na lang ako makapagpigil kasi putangina tangang tanga pa din kapatid ko sayo. Friends kayo pagtapos nyo maghiwalay? Aba gago. Friends para may perahan ka pa din ganon? Tangina napaka martir ng kapatid ko no? Papabaril ko to sa luneta tas ikaw papabaril kita sa buong pamilya namin, firing squad pa. Sabi mo pa sa kapatid ko mahal mo sila parehas. Wow. Hahahahaha. Patawa ka ah. Meron ka pang "Can I still call you babe?" Putangina ka hahahahahaha laughtrip pramis. HAHAHAHAHA Gago wag ka lang mapadpad samin tangina dudurugin ko buto mong punyeta ka. Wala akong pake kung ano man mangyari sakin ayoko lang na saktan mo ulit si Mika tangina ka mahal na mahal ko yang kapatid ko na yan, prinsesa namin yan tapos ginagawa mong gago. May araw ka din. Sa babae na "nang aagaw" sa kupal na yon, kabahan ka na teh. Gagawin nya din sayo yan. Kung ako sayo lubayan nyo yang walking disappointment na yan. Isa yang malaking salot sa lipunan. Ayun lang. Ay isa pa, Kabahan ka naman. Baka kailangan mo ng kaba ng konti kasi ang kapal talaga ng mukha mo.
1 note · View note
sprfcknqt · 8 years
Text
Tama na. Tahan na. Move on na.
“Bakit sa dinamirami ng tao sa mundo, bakit ako pa?” “Bat ako pa ang dapat masaktan at ipagpalit?” “Bat ako pa ang dapat paiyakin ng gagong lalaki na yan?” “Bakit ako ang dapat mahirapan ng ganito?” Marahil ilang beses mo ng natanong yan sa sarili. Marahil alam mo naman yung sagot sa mga tanong na yan, sadyang ayaw mo lang tanggapin kasi nga, ayun, masakit. Marahil naiiyak ka na lang habang iniisip yang mga tanong na yan lalo na kung sasabayan pa ng biglang maaalala mo yung mga sinabi nya sayo nung panahong maghihiwalay na kayo. Hiwalay na kayo ngayon. Ewan ko, di natin alam kung sino ba may kasalanan eh. Sabi mo may bago kasi sya, pero maiisip mong may kulang kasi sayo kaya naghanap sya ng iba. Sabi mo mahal nya yung babae, pero sabi nya mahal ka din nya at nacoconfuse pa daw sya. Sabi mo sayang yung pinagsamahan nyo kaya di mo sya maiwan, pero mahal nya na yung isa e o kinikilig lang daw sya? Kada maisip mo yung totoong dahilan, may pangontra ka. Pinagtatanggol mo agad sya. Lagi mong nilalagay yung blame sayo. Ikaw may kasalanan kahit ang totoo sya tong gago na naghanap ng iba. Girl, di maghahanap ng iba yan kung kuntento na yan sayo. Oo sayang yung pinagsamahan nyo, isang taon mahigit pero di mo ba naiisip na mas sayang yung kinabukasan na darating kung titiisin mo lahat ng sakit at hirap, pati na ang panloloko para lang makasama sya? Sabi nga sa That Thing Called Tadhana, wala sa tagal ng relasyon yan, kung di ka na nya mahal, hindi ka na nya mahal. Saka anong friends pa din kayo after nyo maghiwalay? Pwede ba? Pwede kayong maging friends kung after ilang years na at parehas ng nakamoveon pero kung kakahiwalay nyo lang tas friends agad? Besh ano besh, parang pagtapos kunin ng magnanakaw lahat ng gamit mo, sinabi mo sakanyang “uy keep in touch ha, nakawan mo ulit ako next time.” Ang bobo pakinggan. Pala judge ako no? Pero excuse me, dumaan na din ako sa katakot takot na heartbreak pero sa bawat heartbreak na yon di ako nagpapakain sa lungkot at lumbay instead ginagamit ko lahat ng sakit at hirap na yon bilang dahilan para lumaban ako kasi kaya ka nasasaktan, patunay yan na buhay ka at lumalaban. Kasi pag nanatili kang tuod dyan na walang nararamdaman, maging robot ka na lang forevs! Eto payo lang bilang ate mo ha, madaming lalaki dyan na pwedeng magmahal sayo. Eh ano naman kung wasak ka na? Kaya nga may dadating na bago para buuin ka e. Malay mo sya talaga yung perfect piece sayo kasi kung mags stay ka sa taong di naman karapatdapat, para ka lang humihinga pero hindi ka talaga buhay. Ayan, ngumiti ka lang. Isipin mo na isa lang sya at mas madami pa ang mga taong nagmamahal sayo. Andito kaming pamilya mo, may mga pinsan tayo, mga tito at tita, lolo at lola, mga kapitbahay, mga kaibigan, kaklase, kahit na sino pa yan. Madaming nagmamahal sayo. Gawin mo lahat ng bagay na magpapasaya sayo lalo na ngayon at malaya ka na. Ayun ang magiging stepping stone mo sa pagmomove on kasi nung panahong kayo pa ng gagong yan, lagi kang nililimitahan sa mga gusto mo. Kung gusto mo magsuot ng sexy na damit, gow! Kung gusto mo magmakeup, aba willing ako magturo! Kung bet mo may makilalang ibang boys, pakilala kita ang daming gwashie at brainy na masisipag magaral sa PLM noh, wag ka magstick sa taong madaming bisyo (e.g. computer at yosi). Tara burger Mcdo tayo, libre kita sissy. Ako lang magiging kakampi mo sa panahong iniwan ka na ng taong akala mo sya na talaga. Tuloy pa din ang awit ng buhay mo. Kaya mo yan. 😊
0 notes
sprfcknqt · 8 years
Text
Eto na ang huli... (para kay t at g)
Marahil minsan akong naging kontrabida. Kadalasan pa ay sa mga love story ng iba. May sarili naman akong love life eh bat ko pa nagagawang pakealamanan yung sa iba. Bakit di ko na lang magawang maging masaya para sakanila? Oo inaamin kong hanggang ngayong hindi ko pa rin tanggap ang kung anong meron kayo. Oo inaamin ko na napapailing ako tuwing nababasa lahat ng kasweetan nyo. Inaamin ko din na humihiling ako na sana isang araw maghiwalay kayo para mapatunayan ko na tama ako at mali kayo. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito. Marahil kasi parehas kayong mga kaibigan ko. Isang taon ko na syang kaibigan at ikaw simula kolehiyo naman. Siguro kasi dahil na din sa aking mga nalalaman. Doon muna tayo sa dahilan bakit ayoko maging kayo. Mabait sya sa mabait, mapagbigay, at matalino din naman. Pero yung nakasira lang sakanya eh yung pagiging babaero nya malamang. Kapag nalalaman ng ibang tao na nakakausap mo sya, sandamakmak na "bakit siya?" at "isasama ka lang sa koleksyon nya" ang maririnig mo sakanila. Ngayon naman ilalahad ko, lahat ng bagay na positibo. Kung bakit mabuti na din na sya yung nakilala mo. Kung bakit sana hanggang sa dulo kayo. Una pa lang ako na tong tumulak sayo na kilalanin mo sya bilang mabuting tao. Ako yung nagsabi sayo ng mga bagay na kulang na lang sabihin ko na siya ay santo. Ako rin yung nagsabi ng "isipin mo sya as company na gumagawa ng porn pero nagbago na sya kasi horror movie na ginagawa nya. Pero ang image nya sa mga tao eh porn company, pangit yung tingin nila sayo kasi nanonood ka ng horror film na gawa ng former porn company. Pero dahil naniniwala ka sa company na yun na nagbago na nga sya, gagawin mo lahat para ipaglaban sya kasi ayun na nga ang ginagawa nya ngayon." Naaalala ko na ginamitan pa kita ng mga PR terms para lang ipaliwanag na dapat syang bigyan ng pagkakataon. At eto na nga, binigyan mo na sya ng pagkakataon pero ako naman ang kumokontra ngayon. Nagawa kong magsalita ng kung ano anong bagay tungkol sakanya. Nagawa kong awayin sya at di naging maingat sa mga salitang binitawan ko na tinanggap nyang lahat at hinayaan ako pero ikaw naman ang nagtatanggol sakanya ngayon. Di na tayo nagkakaintindihan at parati na lang nagtatalo. Ang laki na ng pinagbago ng kung anong meron tayo. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit parang ngayong okay na lahat ako naman ang nanggugulo? Natatakot ako. Natatakot ako na baka ilayo ka nya samin. Natatakot ako na baka sa sobrang pagmamahal mo sakanya matulad na naman sa kung ano yung nangyari sayo ilang buwan nang nakararaan. Natatakot ako na magbago ka kasi ngayon pa lang ang laki na ng pinagbago mo. Pero anong magagawa ko. Nandyan na kayo sa "ligawan stage" kuno. Ang magagawa ko na lang ay tanggapin kayo at hayaan sa desisyon nyo. Matagal ko ng tanggap yung kung anong meron kayo, nilalayo ko lang sarili ko para kung sakaling magkagulo na kayo e hindi nyo ako idadamay. Sana maging masaya kayong dalawa. Ikaw, alagaan mo si Isge. Mahal na mahal ko yan. Pag sinaktan mo sya, kalimutan mo na na naging kaibigan kita.
1 note · View note
sprfcknqt · 8 years
Text
Malaking bagay na yung proud sa'yo yung pamilya mo. Yung sila yung taga "ang galing mo anak!" kahit na ang score mo lang eh kalahati ng perfect score. Sila yung taga "anak ko yan!" tuwing mababanggit pangalan mo sa isang competition kahit na runner up ka lang. Sila yung taga "okay lang yan, may susunod pa naman" at hindi ka pinepressure sa lahat ng gawain na alam nilang ginawa mo naman lahat para lang maganda ang kalabasan. Di ka man ipagmalaki ng ibang tao, wala ka man maging fans dahil ordinaryong tao ka lang na tweet ng tweet o pala post sa fb, atleast may taong nakasuporta sayo at nagsisisigaw ng pangalan mo na di man literal na sigaw pero kitang kita mo sa mga mata nila na sobrang proud sila na anak ka nila at proud sila sa kung anoman ang ginagawa mo para maipakitang binibigyan mo ng worth lahat ng hirap nila. Wala lang. Naisip ko lang bigla. Buti na lang sinusuportahan ako ng magulang ko sa course na pinili ko at di nila ako pinagtulakan sa course na gusto nila o kaya di nila ako pinepressure na "anak dapat mag DL ka" o "anak dapat gumraduate kang magna cum laude." Hinahayaan lang nila ako at di porket hinahayaan ako eh papabayaan ko lang lahat at magchichichill chill lang ako ngayong college hanggang sa gumraduate. Alam ko naman gagawin ko at ang maganda dun, kahit may maabot man lang ako ng konti (o sige sasabihin nyo konti talaga maaabot ko kasi maliit ako) eh proud sila kasi nagawa ko yon ng ako lang mag isa at nang di nila pinagtutulakan sakin yung gusto nila. Wala lang. Masaya lang ako. 😊😀😀
1 note · View note
sprfcknqt · 8 years
Text
minsan talaga mapapa "ayoko na" ka na lang.
1 note · View note
sprfcknqt · 8 years
Text
John Michael
Kilala mo lang naman ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag may nakita kang bagay na gusto mo.
Kilala mo lang ako pag nasa mall tayo.
Kilala mo lang ako pag kailangan mo ng manlilibre sayo.
 Kilala mo lang naman ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag nababagot ka na.
Kilala mo lang ako pag wala kang makatext o makausap.
Kilala mo lang ako pag wala ka ng ibang mayakap.
Kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag alam mong makikinabang ka.
Kilala mo lang ako pag alam mong mauuto mo ako, tangina.
Kilala mo lang ako pag wala ng ibang nakakakita.
Oo, kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
Kailangan mo lang ako pag di ka na pinapansin ng iba.
Hanap ka ng hanap ng ibang makakasama
Pero putangina ako naaalala mo lang ako pag nangangailangan ka.
Hindi ako freezer na pupuntahan mo pag kailangan mo ng makakain.
Hindi ako wallet na kakalikutin mo pag kakailanganin.
Hindi ako laruan na pagtapos mong lapirut lapirutin
Ay tsaka mo babalikan pag sobrang bagot ka na din.
Alam mo, ayoko lang sabihin to.
Minsan pakiramdam ko ginagamit mo lang ako.
Mahal? Putanginang pagmamahal yan.
Mahal ka ba kung kilala ka lang pag may kailangan?
Kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
At ako naman nagpapauto sayo kasi mahal kita.
Dapat pangalan mo John Michael, diba?
NanJOHN lang pag MICHAELangan ka.
Tama na, nakakatawa din pala ako.
Bibirahin kita ng mga salitang ganito.
Pero bandang huli pag ako'y nilapitan mo,
Tatanungin kita, “Anong gusto mo tara bibilhin ko.”
0 notes
sprfcknqt · 8 years
Photo
Tumblr media
“I think girls are so strong you know, and girls can play music and guitars and drums and sing just as loud or as well as the boys” - Hayley Williams
784 notes · View notes
sprfcknqt · 9 years
Text
Hindi ko alam kung bakit ang daya daya, makakilala ka ng isang tao tapos magiging interesado ka sa kanya hanggang sa magkausap na kayo palagi at mas lalo mo siyang makilala. Lilipas ang oras na hindi mo namamalayan, aabutin kayo ng madaling araw ng hindi nauubusan ng paguusapan. Madaming kwentuhan, maraming tawanan, wala pang problema at puro lang kasiyahan. Nagdaan ang mga araw at ilang buwan na pala kayong magkakilala, ang saya lang kasi ngayon ka nalang ulit naging ganito, ganito kasaya, ganito ka ganadong gumising kasi alam mong may panibagong araw nanaman na magkakausap o makakasama mo siya. Magkakamustahan, magtatanong kung ayos lang ba, magkwkwento kung anong nangyari sa araw na iyon na tila wala panibagong usapan nanaman. Hindi nauubusan ng sasabihin, hindi nauubusan ng tanong, hindi nauubusan ng mga corny na joke para lang mapatawa ang isat-isa, ang saya lang ng ganito. Isang araw parang may iba, ibang pakiramdam, yung puso mo ang lakas ng tibok kapag kausap siya, palagi mo na siyang iniisip at hindi ka mapakali kapag hindi siya kausap, every minute check ng phone, stalk ng stalk sa lahat ng social media accounts niya at inaantay mong magtweet or magstatus ng kung ano man na related sayo. Nagaantay ng sign na baka gusto kana niya at pwede mo ng sabihin na gusto mo siya. Bawat araw mas minamahal mo na siya, ginawa mo yung mga bagay na hindi mo akalaing magagawa para lang maparamdam na espesyal siya sa buhay mo at ganun mo siya kamahal, niligawan mo siya at kung may gusto man siyang kainin, craving sa ganito o kung ano man dali-dali kang pupunta sa tindahan at dadalhan siya, magugulat siya at halatang halatang kinikilig pero itatago niya sayo. Dumating ang birthday niya at gumawa ka ng surprise kasi sabi niya alam niyang magiging malungkot nanaman at isang karaniwang araw lang ang birthday niya pero ikaw nageffort ka para pasayahin siya at gawing espesyal ang kaarawan niya, mga balloons, cake at mga sulat ginawa mo to kasi nga mahal na mahal mo, nung nakita ka niya masayang masaya siya at gulat na gulat kasi hindi siya nageexpect sayo na kaya mong gawin yon at dahil don naging masaya siya sa birthday niya. Mas naging masaya kayo, mas naging exciting kasi nakakapunta kana sa kanila. Nakakapagmovie marathon, nakakapagfoodtrip na, nadadalhan mo na siya ng gamot kapag may sakit siya at mas open kana sa panliligaw kasi kilala kana sa kanila. Ayoko na alalahanin pa ang masasayang memories na yon kasi tangina ang sakit lang na hindi mo alam kung ano ng totoo sa mga kwento niya, hindi mo alam kung ano pa ang paniniwalaan mo kasi nakapagsinungaling siya sayo, oo matatanggap mo pa sa una o pangalawa pero umabot na kasi sa pangatlo eh. Sinabi mo naman sa kanya na ayaw mo sa lahat ng nagsisinungaling pero nagawa niya, binuild up niya yung sarili niya sayo na may halong kasinungalingan, tinakpan lahat ng baho ng mababangong mga salita, pinaniwala sa mga imbento at masakit pa non kasi nagtiwala ka ng lubos, pero kahit ganon tinanggap mo siya, naging okay kayo saglit tapos eto na ang susunod na pagsubok, nagsabi siya sayo na nalulungkot daw siya kasi nagkalkal ako ng past niya pero ang sakit lang kasi iba ang kwento niya eh, kung hindi ko pa yun nalaman, mabubuhay ako sa kasinungalingan, magiging masaya sa mga hindi totoo. Magtitiwala sa nanggago. Nanghingi ka ng space pero anong ginawa niya? Sinabi niyang wag ka na ding bumalik. Ikaw nga kumapit eh pero siya ang bilis bumitaw, ang bilis sobra. Napagtanto mo na lahat talaga ng pangako napapako, lahat ng pinanghahawakan mong sinabi niya nawala na. Pinili niyang tapusin ang lahat sa kabila ng mga ginawa mo. Ang sakit lang na binigay mo ang lahat sa isang tao pero ganun lang kadaling i-suko ang lahat. Ano ka ngayon? Nakatulala? Naluluha? Nasasaktan? Oo kasi yung taong mahal na mahal mo, iniwan kana, hindi kumapit kung hindi bumitiw, hindi tinupad ang mga pangako kung hindi pinako, hindi naging happily ever after kung hindi tragic. Paalam na .. Paalam na sa mga memories niyong dalawa, paalam sa nararamdaman mo para sa kanya, paalam na sa mga ngiti na dahil sa kanya, paalaam na sa saglit na kasiyahan na napalitan ng kalungkutan. Ngayon alam mo ng kahit ano pang gawin mong alaga, pagaaruga, pageeffort, may mga taong iiwan ka ng basta basta at hahayaan kang magisa at ang masaklap pa dun ay naubos na ang lahat at wala kang tinira para sa sarili mo. </3
2 notes · View notes
sprfcknqt · 9 years
Text
Ang saya lang na gigising ako sa umaga tapos maghapon tayong magkasama. Maghapong magtatawanan at maghapong mag aasaran. Tapos manonood tayo ng movie na habang umiiyak ako eh humihilik ka kasi naboboringan ka sa istorya. Pag nagising ka naman na, paghahandaan mo ako ng sandwich tapos ako naman yung makakatulog pagkatapos kumain. Pinakamalungkot lang na parte ng araw ko ay yung oras na para umuwi ako. Oras na hindi sigurado kung magkikita ba tayo sa susunod pang linggo o baka sa susunod na buwan na naman kita makita. Namimiss na agad kita kahit ilang minuto pa lang akong nakakauwi.... Miss na agad kita.
0 notes
sprfcknqt · 9 years
Text
Ang Una at Huling Katagang Gusto kong Sabihin Sa'yo
"Crush pa din pala kita.
Oo, ikaw.
Ikaw na nakilala ko dati.
Ikaw na dating kalaro ko. 
Ikaw na parating humihiram ng crayons ko. 
Ikaw na seatmate ko at parati kong ka row.
Ikaw na minsang isinigaw ang "crush kita" sa classroom.
Ikaw na taga libre ng tagpipisong naka plastic na mani at beans.
Ikaw na kasama kong maghintay sa sundo ko.
Ikaw na tumatawag araw araw at gabi gabi sa telepono namin na kahit pinagagalitan na ako eh mas pinipili kong magkausap tayo. 
Ikaw na di nakakalimutang ngitian ako kada mapapalingon sayo. 
Ikaw na di nagsasawang patawanin ako. 
Ikaw na nasa likod ng nickname ko. 
Ikaw na dahilan kung bakit excited akong pumasok lagi sa school. 
Ikaw na nagpatibok ng puso ko sa murang edad. 
Ikaw na nagparamdam kung paano magmahal kahit di pa dapat. 
Ikaw na naging dahilan kung bakit dati gustong gusto kong nagsisimba tuwing alas tres ng hapon pag Linggo at nagno novena tuwing malapit na ang piyesta. 
Ikaw na naging partner ko nung naging mama Mary ako.
Ikaw na biglang tumawag para sabihing ayaw mo na.
Ikaw na dahilan bakit natutong makinig sa malulungkot na kanta. 
Ikaw na unang nagpaiyak sakin ng dahil sa pag ibig. 
Ikaw na unang nagparanas na hanggang kaibigan lang pala talaga. 
Naaalala ko yung di ko talaga alam kung bakit masaya ako tuwing nagkakasama tayo. 
Naaalala ko na narealize kong crush kita nung napanood ko sa isang palabas na nagkagustuhan yung dalawang magkaibigan. 
Inisip ko na baka ganun din tayo. 
Inisip ko na baka sa ganun matutuloy yung pagkakaibigan natin.
Inisip ko na balang araw magiging tayo.
Naaalala mo pa ba nung niligawan mo ko?
Sa bahay ng isa nating kaibigan. 
Parati mo na din ako nun tinatanong kung pwede ba akong ligawan na kahit wala akong ideya kung ano ang "ligaw" eh umoo ako at hinayaan kang manligaw. 
Hinawakan mo kamay ko at masayang binulong sakin ang katagang "i love you." 
 Naging tayo at dahil di ko alam kung paano mag handle ng relasyon e napalayo ka. 
Hindi ko alam na ako din pala dapat lumalapit ng kusa. 
Di ko alam na hindi pala sapat yung pagmo movie marathon natin sa bahay ng isang kaibigan tuwing oras ng siyesta.
Di ko alam na dahil dun nawala ka na pala ng tuluyan. 
Saglit lang naman naging tayo pero napakalaki ng bahagi mo sa buhay ko.
Ikaw nga kasi yung crush ko, unang crush ko. 
Unang pag ibig at unang pagkabigo.
Nang dahil sayo natuto ako. 
Natuto akong alamin at siguraduhin muna kung ano ba talaga ang pag ibig.
Natuto na baka may mga bagay talagang hanggang kaibigan lang. 
Natutong umibig pa kahit nasaktan na. 
Natutong lumaban kahit isinuko na.
Oo, crush pa din kita. 
Nakakakilig ka pa din at nakakatuwa. 
Pero alam mo nabago? 
Yung pagmamahal ay tuluyan ng nawala. 
 Salamat nga pala sayo. 
Salamat kasi kahit saglit lang naging tayo eh naranasan kong mahal mo ako. 
Wag kang magalala dahil minahal naman din kita at hindi ako nagsisi. 
Ang pinagsisihan ko lang NOON eh hinayaan na lang kitang umalis at iwanan ako. 
Pero may mabuti namang naidulot yung pang iiwan mo. 
Oo, naipakilala ko na siya sayo.
Yung taong nagpaparamdam sakin ngayon ng mga pinaramdam mo noon. 
Yung nagpapasaya sakin ng doble pa sa nagawa mo. 
Magkakasama na nga pala ulit tayo no? 
Hindi ko pa din maiwasang hindi mailang sa tuwing nagkakausap tayo. 
Di ko alam kung kilig o ilang e. 
Naiilang ako kasi diba nga crush pa din kita. 
 Crush kita. 
Crush pa din kita pero hanggang dun na lang yon..... 
At ayun na siguro ang makabubuti.”
0 notes