Tumgik
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
millenial el fili babes boys x instagram profiles
i’d like to thank the smol el noli fandom on twitter for this
364 notes · View notes
Text
Drugs
By: Rolyn Mae C. Esteves
"Drug misuse is not a disease, it is a decision, a decision to step out in front of a moving car. You would call thay not a disease, but an error of judgment."
In our society today we face many contemporary issues. But the problem that draws the most controversy is the use of illegal drugs. Do you think the use of these unprescribed drugs will benefit you? If you think yes, then you must think twice. Drugs cost you more than just your money, but your life!
Intake of illegal drugs may result to the destruction of the brain cells of the user that may lead to multiple organ dysfunction later on. Also, it leads to disturbance of the mental perception of a user that impairs his or her righteous thinking.
So what do we do now? Prevention is always better than the cure. Let us prevent the widespread of illegal drug abuse by starting it at our own home, let us teach our household members, let us be an example of a drug-free society towards a peaceful and blissful community.
0 notes
Photo
Tumblr media
Paliwanag: 
 Ang saking tulang pinamagatan ”Bakit ka ba nauso?” ay tungkol sa diskriminasyo na nararanasan nating lahat ng dahil langsa pagiging unique okakaiba ng bawatisa ay nakakaranas na ito ng diskriminasyon tungkol dun sa sa pinagkaiba niya sa kanyang mga ksamahan. Nalulungkot isipin na hangang sa henerasyon ngayon ay hindi pa din bukas ang kaalaman ng nakakarami at hindi nauunawaan ang iba nating kapwa.
0 notes
Text
TUNAY NA AKO
ni: Nicole C. Vasaylaje
Mahirap magpakatotoo, Lalo na't alam kong iba ito sa paningin ng ibang tao,  Hindi ko akalaing hahantong sa sitwasyong ito,  Ang maging isang multo ng tunay na ako. Minsan nga naisip ko na ipakita ko na kaya,   Kaya lang, hindi pa rin e! Di ko kaya!  Ikaw ba naman tignan ng mga matang nagsasabing,"Ay, ba't ganyan ka?"  Kaya eto ako ngayon, isang taong walang magawa. Ngunit aking napagtanto na isa nga lang pala ang buhay ko, Ayoko nang magtago at sawa na rin akong mangloko, 
 Wala naman akong tinatapakan na tao,  Kaya ba't ko pa itatago ang tunay na ako? Ngayong nagawa ko na, Hindi ko maisidlan ang  kasayahang aking nadarama, Wala na rin sa wakas ang nakapulupot sa akin na kadena, Ngayong naranasan ko na ang kahulugan ng tunay na malaya.
Paliwanag: 
        Ang aking tulang pinamagatang "TUNAY NA AKO" ay patungkol sa isang taong nais ipakita ang kanyang tunay na kasarian. Natatakot siya noong una sapagkat alam niyang malaki ang posibilidad na makaranas siya ng diskriminasyon. Ngunit hindi ito naging hadlang sa pagpapakita ng kaniyang tunay na kasarian. Ngayon, kahit alam niyang may mga mata pa ring nakatingin sa kanya, hindi na siya natatakot dahil matagal na niyang tinanggap at minahal ang sarili niya.
Dahilan:
          Napili ko po ang topic na ito sapagkat napakahalaga ng ginagampanan ng Kasarian at Seksuwalidad lalong lalo na sa mga teenagers na nasa adolescence period pa. Ito ang panahon na nakakaranas sila ng kalituhan kung anp at sino ba nga ba sila. Ginawa ko ito upang mamulat sila na hindi mo kailangang magkunwari dahil iyon ang dikta ng tao o ng nakasanayang kultura. Hindi naman kasalanan ang maging ikaw. Kasalanan iyon ng mga taong pinipigilan na maging ikaw.
0 notes
Text
“”ANG TAGUMPAY SA LIKOD NG PANGUNGUTYA NG IBANG TAO”
By: KATRINE NOELLE C. SERRANO
AKO SI MARA CLARISSA DANTE O MAS KILALANG “MC” ISANG TAGA TUTUBAN QUEZON CITY.ANG AKNG MGA MAGULANG AY PATAY NA NOONG KAMI AY NASUNUGAN NOONG AKO AY APAT NA TAONG GULANG PA LAMANG.NGUNIT AKO PA RIN AY MAPALA SA KADAHILANANG AKO AY NAILIGTAS NA AKING TIYUHIN NA SI ROBERTO MARASIGAN.SILA NA RIN ANG KUMOPKOP SA AKIN DAHIL WALA NA AKONG MATUTULUYAN.
NANG AKO AY NASA UNANG BAITANG AT HANGGANG APAT NA BAITANG NANG “HIGHSCHOOL” AKO AY NAKAHAKOT NG MGA IBA’T-IBANG PARANGAL.NGUNIT HINDI ITO ANG NAGSILBING DAAN UPANG MAKAIWAS AKO SA DIKRIMINASYON.
NOONG AKO AY LABING ANIM NA TAONG GULANG AKO AY INIWAN SA AKING TIYAHIN NA BABAE NA SI MANANG TESSA.SI MANANG TESSA ANG NAGSILBI KONG INA NOONG AKO AY NAG AARAL NG KINDER HANGGANG IKAANIM NA BAITANG.SIYA AY NAGING MALUPIT NA TAGA MAPANGALAGA SA AKIN.
SA PAGMULAT KO NANG AKING MGA MATA SA UMAGA ,AKO NA AY KANYANG GINIGISING UPANG MAG IGIB NG TUBIG PARA SA PAGLIGO NG KANYANG MGA ANAK.NA MINSAN AKO AY NAUUBUSAN KAYA’T AKO AY LAGING NAHUHULI SA KLASE.KAPAG NAMAN AKO AY PUMAPASOK NG KLASE AKO AY LAGING NAPAGTATAWANAN NANG DAHIL SA LUKOT NA UNIPORME,SIRA ANG AKING SAPATOS TILA ITOÝ NAKA NGANGA NA AT DI P NAKAKAPAG SUKLAY.MARAMI AKONG NAGING MGA KAKLASE NA AYAW AKONG KASAMA AT KAIBIGANIN DAHIL SA AKO AY WALANG MAGULANG AT MAHIRAP LAMANG.
NANG AKO AY UUWI NA SA AKING BAHAY.NAPANSIN KONG MAY NAKASUNOD SA AKING GRUPONG MGA LALAKI.AT ANG MGA ITO AY MGA LALAKING NANGUNGUNA SA PANG BUBULLY SA AKIN.
AKO AY NAGMADALI PAUWI NGUNIT AKO RIN AY KANILANG NAABUTAN KAYA NAMAN AKO AY KANILANG PINALIGIRAN.HANGGANG SA HUMANTONG NA KINUHA NILA ANG AKING BAG,PINAGPUPUNIT ANG AKING MGA NOTEBOOK AT ITINAPON SA BASURAHAN ANG IBA PANG LAMAN NITO.HINDI PA DOON NATATAPOS ANG KANILANG PANG BUBULLY, SILA PA RIN AY PATULOY AKONG PINAGSASALITAAN NG “KAWAWA WALA KANG MAGULANG””MUKHA KANG GUSGUSIN””ANG BAHO MO NAMAN””DI KA NABABAGAY SA ESKWELAHAN NA PINAG AARALAN NAMIN””HAMPAS LUPA KA”AT KUNG ANO ANO PA.AKO AY TUMAKBO NA LANG AT UMIIYAK HABANG AKO AY PAUWI SA BAHAY NG AKING TIYAHIN
NANG MAKARATING AKO SA BAHAY ISANG ANAK NG AKING TIYAHIN ANG NAKAPANSIN SA AKIN. AT TINANONG AKO NA ..
JOSEPH:MARA BAKIT KA UMIIYAK?
AT BAKIT GANYAN ANG ITSURA MO >MAY NANAKIT BA SAYO ? (ANG TANONG NI JOSEPH)
MARA:WALA KUYA JOSEPH OKAY LANG PO AKO .PASOK NA PO AKO SA LOOB.(ANG SAGOT KO KAY JOSEPH)
NANG MAKALIPAS NA ANG ARAW MALAPIT NA ANG AMING PAGSUSULIT SA HULING KWARTER NG AKING PAGIGING IKAANIM NA BAITANG.NANG BIGLANG MAY LUMAPIT SA AKIN SA ISANG CANTEEN NA DI KALAYUAN NA PASUBO PA LAMANG AKO NG PAGKAIN NG BIGLANG NAG “HI”SYA SA AKIN.SYA ISANG ISANG BABAE NA NAGNGANGALANG “FRANCHESKA VELASERAN”.SIYA AY ISANG BABAE NA ANAK NG ISANG CO-FOUNDER NG AMING EKWELAHAN.AKO AY NAGULAT AT BIGLANG SABI KONG��
MARA:NAKO PO HUWAG PO KAYONG LALAPIT SA AKIN BAKA PO PANG DIRIAN KAYO NG IBA KAGAYA NG GINAGAWA NILA SA AKIN
(ANG SAGOT NI FRANCHESKA)
FRANCHESKA:NAKO ! MARA HAYAAN MO SILA ,SILA LANG NAMAN AY NAIINGGIT SAPAGKAT IKAW LAGI ANG NASA TOP NG KLASE. (DAGDAG PA NYA) HUWAG MONG HINAHAYAAN NA APAKAPAKAN KA LANG NILA SA HALIP MAS GAWIN MONG DAAN SILA UPANG MAS MAGING AKTIBO AT MATAGUMPA KA SA BUHAY.
MARA:SALAMAT FRANCHESKA.NGA PALA BAKIT KA LUMAPIT MAY NAIS KA BANG SABIHIN ?
FRANCHESKA:WALA NAMAN ANG GUSTO KO LANG AY MAKIPAG KAIBIGAN.
MARA:NGUNIT BAKIT AKO ? EH MAS MARAMI NAMAN MAS MAYAMAN AT MAGAGAMDA SA AKIN ?
FRANCHESKA:MARA ANO KA BA ? SA PAGPILI NG KAIBIGAN DI HADLANG ANG KAHIRAPAN AT KATAYUANG ITSURA.SIGE NGA ISIPIN MO NA MAY KAIBIGAN KANG MAGANDA NGUNIT MASAMA ANG KANILANG UGALI ? PAPAYAG KA BA NUN MARA ?
MARA:HINDI SYEMPRE
FRANCHESKA:SEE KAYA SAYO AKO LUMAPIT DAHIL ALAM KO SA SARILI KO NA TOTOO KA AT MAY MABUTI KANG PUSO.
MARA:SALAMAT NAMAN AT NAKITA MO ANG TUNAY KONG PAGKATAO.
TARA SABAY NA TAYO KUMAIN.
PAGKATAPOS NG MASINSINAN NA KWENTUHAN NAMIN NI FRACHESKA AKO AY TUWANG TUWA NA PAPUNTA SA AKING KLASSROOM UPANG KUMUHA NG PAGSUSULIT SA ARAW NA IYON.NANG MATAPOS ITO TILA AKO PA RIN AY INANTAY NI FRANCHESKA AT PATULOY NA NAGKWENTUHAN TUNGKOL SA AMING BUHAY.
NANG MAKARATING NA RIN AKO SA BAHAY NG AKING TIYAHIN TILA SYA AY GALIT NA GALIT AT SINABING …
MANANG TESSA:HOYY MARA ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO !! BAT WALA PANG SINAING AT TUBIG SA BANYO? DI BA SINABI KO NAMAN SAYO NA PAG ORAS NG UWI NG KLASE UMUWI KA NA AT MARAMI KA PANG GAGAWIN DITO SA BAHAY.
MARA:EH MANANG TESSA NAPA ENJOY LANG NAMAN PO AKO SA PAGSAMA AKING BAGONG KAIBIGAN NA SI FRANCHESKA.
MANANG TESSA:AH DUMADAHILAN KA PA NG GANYAN !? HINDI MO BA ALAM NA WALA KA SA LEBEL NILA ? MAHIYA HIYA KA NG MARA DI KA ANAK NG MAYAMAN TSAKA YANG ITSURA MO TIGNAN MO NGA DI KAGANDAHAN.ABA ANG LAKAS NAMAN PALA NG LOOB O AT NAUTO MO YANG SINASABI MONG KAIBIGAN.
MARA:HINDI NAMAN PO AKO GANON.
MANANG TESSA:AH SUMASAGOT SAGOT KA PA !! TEKA .
(KUMUHA SI MANANG TESSA NG ISANG KAWAYAN AT IPINALO NYA ITO SA AKIN ,ITINIWARIK NYA AKO PABALIKTAD UPANG AKO DAW AT MAGTANDA NA UMUWI NG MAAGA).
NANG MATAPOS ANG ARAW NA IYON NAKITA AKO NANG INA NI FRANCHESKA AT SINABING..
BB.MARGA:OH! MARA BAKIT GANYAN ANG ITSURA MO ?
SINO ANG GUMAWA NYAN SAYO ? PARANG DI BABAE ANG TURING SAYO ?
MARA:WALA HO BB.MARGA MALIIT NA GALOS AT PASA LAMANG PO ITO NGUNIT KAYA KO NAMAN PO
BB.MARGA:NAKO KUNG GANYAN LANG NAMAN GINAGAWA NG TIYAHIN MO ABA’Y AAPUNIN NA LAMANG KITA .
MARA:NAKO PO BB.MARGA NAKAKAHIYA NA PO KUG GANON MARAMI NA PO KAYONG NATULONG SA AKIN .SAPAT NA PO YUN.
BB.MARGA:HUWAG KANG MAG ALALA HIJA WALA NAMAN AKONG HINIHINGING KAPALIT ANG AKIN LANG AY MAPABUTI KA.
MARA:KAYO HO BAHALA.
NANG MAKALIPAS ANG MARAMING TAON AKO NA AY ISANG GANAP NA VALECERAN KAPATID NI FRACHESKA NA LABIS DIN IKINATUWA NITO.AT SABAY KAMING DALAWA LUMIKOM NG MGA GANTIMPALA AT GINAWARAN NAMAN AKO NG “VALEDICTORIAN”.DITO NAGSIMULA ANG TAGUMPAY KO AT NAGPATULOY AKO NANG TUMUNTONG AKO NG KOLEHIYO NA NAKAHAKOT DIN AKO NG IBAT IBANG PARANGAL .GINAMIT DIN AKO PANG LABAN SA MGA IBAT-IBANG KONTES TULAD NG “QUIZ BEE” “TULANG MALAYA “AT IBA PA .AT NANG MAKATAPOS AKO NG KOLEHIYO AKO NA RIN AY NAKAPAG PATAYO NG ISANG PAARALAN NA KUNG SAAN DITO NAPAG AARAL KO ANG MGA IBAT IBANG BATA NA WALANG SAPAT NA PERA SA PAG AARAL.DITO SA PAARALANG ITONG PINATAYO KO AY LIBRE NA ANG LAHAT NG GAMIT NA KANILANG PANG ISKWELA.AT DI LAMANG ESKWELAHAN ANG AKING NAPATAYO KUNDI NAKAGAWA DIN AKO NG ISANG MUSEUM NA PUNO NG IMAHE NG MGA TAONG MAHIHIRAP AT IBA SA ATING KULTURA .
ARAL
:ANG BUHAY AY PAIKOT IKOT LAMANG NGUNIT KAILANGAN DIN NATING BUMANGON SA ATING PAGKAKADAPA.MINSAN MAY MABIGAT NA DARATING NGUNIT BIGYANG PANSIN NATIN ITO UPANG MAGING MAGAAN PARA SA ATIN . AT GAWING ARAL SA BWAL PAGSUBOK NG ATING BUHAY.WAG GAWING HADLANG ANG SARILING KATAYUAN SA BUHAY UPANG TAYO AY MAGSIKAP AT TAPUSIN ANG ATING NASIMULAN TUNGO SA ATING TAGUMPAY NA INAASAM.SA PAGHARAP SA ATING PAGSUBOK WAG TAYONG PAPAAPEKTO SA SASABIHIN NG IBA KUNG TAYO AY NASA IBABA NG ANTAS NG LIPUNAN.MAS MAGING BUKAS ANG ATING ISIP UPANG MAS DI TAYO AGING BAON SA ANO ANG DISKRIMINASYON SA ATIN. AT UPANG TAYO DIN AY MAS MATANGGAP NG LIPUNAN MATUTO TAYONG GUMAWA NG MABUTI AT MAS PAGTUUNAN ANG MAS MAKAKAUNLAD PARA SA ATIN BILANG ISANG INDIBIDWAL.
0 notes
Text
Bawal Ngunit Bakit Sumugal?
By: Aubrey Jane D. Ambrosio
Kalalakihan ang nag-umpisa
Kababaihan ang nag-luwal
Kabataan ang naging bunga
Kaya pang-aalipusta sa kanilang lahat ay bawal
 Isang isyu ng lipunan na hindi malutas
Iniindang kahirapan ang pangunahing dahilan
Isinusuko ang dangal mula sa Itaas
Iniisip na prostitusyon ang tanging paraan
 Nakababahala at nakalulumbay
Na seksuwal at pisikal na pang-aalipin
Naghahari na sa mundong salat sa gabay
Na sa tunay na pagmamalasakit ay bitin na bitin
 Gahamang mga puso sana’y magbago na
Ganoon rin sana ang mga pusong takot at walang laban
Gawaran ng pag-ibig at pagpapahalaga
Gawing inspirasyon si Maria na walang bahid ng dungis at kasalanan
 Sa milyon-milyong nagdurusa kada taon
Sana’y makamit niyo po ang hustisya
Siguradong mahal kayo ng Panginoon
Sa kabila ng lahat ng natatamo niyong panghuhusga
 Alay ko rin ito sa buong pamilya na tinatawag na “nasyon”
Ating isaisip na hindi lamang pamahalaan ang dapat makialam
Aabante ang mundo kapag may kooperasyon
Ang lahat ng taong sa kaunlaran ay nag-aasam
 Ungkatin ang natatagong kaalaman
Unahin dapat ang edukasyon at pangarap
Umasa na ang tunay na kayamanan at kaligayahan
Ulap at kalangitan lamang ang magpapalasap
 Bawal ang kapusukan na maaaring humantong sa kamatayan
Bawal din ang nagpapagamit at nagpapalamang
Bawat tao ay may karapatan
Bakit kaya ang iba’y nagagawang manlinlang?
Paliwanag:                                                                                                         
Napagpasyahan ko pong sumulat ng isang tula na may temang prostitusyon sapagkat nais kong maibahagi ang aking saloobin tungkol rito. Sa pamamagitan ng tulang ito, nais kong sabihin na bawal ang pang-aabuso at pangmamaliit. Na umaasa pa rin ako na matutuldukan na ang isyu na ito. Na wala na sanang mabiktima ng ganitong uri ng pang-aalipin ng dahil sa kahirapan. Marami pang ibang paraan upang masolusyunan ang prostitusyon tulad ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad ng gobyerno, edukasyon at iba’t-ibang institusyon na tumututol dito. Ang mga solusyong ito ay epektibo sa mas mahabang panahon. Kailangan nating ipaalam na hindi natin sinusuportahan ang nakagawiang “slavery” na ito. Nawa’y maghari sa bawat isa ang purong pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanilang kapwa. Huwag tanggalan ng dignidad ang sinuman sapagkat ito’y ipinagkaloob ng Panginoon at hindi dapat maglaho.
0 notes
Text
Article III, 1987 Constitution
By: Gabrielle Allende S.P. Borromeo
Tumblr media
Aralin 10: Karapatang Pantao ang napili kong topic sapagkat para sa akin, ito ay isa sa mga isyu na dapat pagtuunan at bigyang solusyon ng lahat. Umiikot ito sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay, bagamat ay kalakip nito ang buhay ng isang tao. Mula sa pagsilang hanggang sa pagkamatay ng isang tao, mayroon siya nito.
           “Hindi lahat ng tao, nagpapakatao. Hindi lahat ng hindi nagpapakatao, walang karapatan bilang tao.” Naisip ko ang slogan na iyan sapagkat para sa akin, ito ang katotohanan pagdating sa karapatang pantao. Gaya ng sabi, madali maging tao ngunit mahirap magpakatao. Ngunit hindi dahil hindi nagpakatao ay dapat na siyang alisan ng karapatan. Ang karapatan ay hindi para sa nagpapakatao lamang, bagkus ang karapatan ay para sa tao.
           Nais kong ipabatid sa lahat ang tunay na kahalagahan at kagamitan ng karapatang pantao, sapagkat marami ang umaabuso rito. At ang naisip ko na isa sa mga paraan nito ay ang paggamit ng slogan.
0 notes
Text
Ang Pagmamahal ay Walang Pinipiling Kasarian
By: Richel Joyce U. Benitez
Tumblr media
Ang paksa ng aking poster ay Kasarian at Sekswalidad. Ito ang napili kong paksa marahil sa kasalukuyan, marami pa rin ang hindi nakakaintindi at hindi binibigyang respeto ang mga miyembro ng lgbt community.
Ang poster na ginawa ko ay naghahayag na bigyang kalayaan ang mga lgbt na ihayag ang kanilang mga sarili na hindi binababa at kinaka-walang respeto sa lipunan.
0 notes
Text
Maria, Anong Nangyari?
By: Sydelle Mae D. Estrellado
Isang babaeng may mataas na minimithi,
Puspos sa pagaaral ng mabuti,
Ngunit winasak ka niya paunti-unti,
Maria, anong nangyayari?
 Pinilit mong bumangon para makapagtapos,
Ngunit sabi ng iyong ina, kayo'y kapos na kapos,
Sabi mo maria, ikaw na iintindi,
Hahanap ng paraan kahit pang sandali,
Maria, ano ang nangyayari?
 Nakahanap ka na pwedeng mapagtrabauhan,
Sabi nila sayo, sila na ang may sagot sa iyong pagaaralan,
Sumabak ka kahit walang kasiguraduhan,
Humawak ka sa patalim, iyang desisyon ang napili,
Maria, anong nangyayari?
 Maria, puro lalaki ang napuntahan mo
Kita ko sa mata mo ang pagkalumo,
Hinila ka niya, pinagbihis ng nakakalaswang pananamit,
Maraming mata sayo nakadikit,
Pinapunta ka niya sa gitna
Pinasayaw habang ika'y nanghihina
Maria, bigla ka niyang hinila, pinaupo sa tabi niya,
Mga maruming kamay ang humaplos saiyong hita,
Inamoy amoy ka niya para bang isa kang mamahaling putahe na gustong matikman
Maria, dinala ka niya sa isang kwartong binabalot ng kalaswaan,
Iiyak ka ng iyak habang inihiga ka niya sa kama ng kasamaan,
Bawat sulok ng iyong paraiso ay kanyang dinumihan
Oikit ng iyong mata'y pinipilit na hindi magising sa katunayan
Marikit mong imahe ay kanyang nilagyan ng kalawang
Upang magbenta sa nagnanais makaligtaan lang ang kailangan,
Maria, tila puting kumot ang bumabalot sa iyong katawan,
Katawang kanyang dinumihan,
Nakaupong luhaan,
Inipit niya ang perang kailangan mo,
Hinalikan ka niya sa noo, maria, awang awa na ako sayo,
Pinipilit mong kalimutan ang lahat pero huli na,
Dinumihan na nila ang dignidad mo para sa pera,
Maria, anong nangyari?
Paliwanag
A.    Patungkol sa topic
Prostitusyon ang aking napili sapagkat ito ay sumasalamin sa mga taong hirap sa buhay at mga humawak sa patalim upang "makaahon" sa kahirapan.
Ginagamit ang katawan o paggamit nito upang may pangtustos sa pang araw araw.
B.     Patungkol sa ginawa
Ito'y sumasalamin sa mga tao na natutukso dahilan sa kahirapan. Binigyan pansin rito ang mga kababaihan na gusto makapagtapos ngunit hinahadlangan ng kahirapan at mga ito'y hindi nakayanan at kumapit sa patalim at naging "bayarang babae" upang magkaroon ng pera na pangpaaral o para sa kanilang ikakabuhay.
0 notes
Text
Magkapatid, Kapit-Bisig
By: Andrea Nicole M. Dela Cruz
Ako ay Kristiyano,
Ikaw naman ay Muslim. 
Iba man ang paniniwala, 
Magkatuwang naman ang layunin. 
Di man sabihin 
Di man kapansin pansin 
Ikaw at ako Iisa ang pagkatao
Magkapit bisig 
Sa dignidad at prinsipyo 
Asahan mo sa init ng araw 
O buhos ng ulan 
Tayo ay magkapatid 
Tanging Siya ang sandigan 
Ano man di pagkakasundo malaon 
Ipagbubuklod ng pagkakataon 
Saan ka man dalhin 
Hangad ko'y yaong tagumpay 
 Ang pasakit mo 
Ay aking nadarama 
Dahil kapwa tayo 
May puso at damdamin 
Dahil tayo ay kapwa tao 
Madami man ang pagkakaiba 
Subalit dito sa mundo 
Patutunguhan ay iisa
Napili kong lumikha ng tula na may layunin kung saan ipinapaintindi sa bawat isa ang kahalagahan ng pakikipagkapwa tao anuman ang kanilang lahi. Upang magkaroon ng maunlad na mundo ay kailangan muna nating tanggapin at galangin ang ibang mga lahi. Nais kong ipahayag sa bawat isa sa atin na hindi hadlang ang pagkakaiba ng lahi sa pakikipagsandigan nating lahat.
0 notes
Text
Perception and Gender Roles
By: Anika Beatrice R. Carillo
Tumblr media
GENDER ROLES, ang napili kong paksa sapagkat napakarami nitong pagkakaiba-iba base sa kultura at paniniwala. Una kong gusto ihiwalay ito sa paksa ng karapatan pantao or human rights dahil naniniwala ako na dapat meron pagkakapantay pantay or equality dito. Pero pagdating sa gender roles naniniwala ako sa pagkakaiba-iba ng kalakasan ng lalaki sa babae. Merong mga kategorya na mas lamang ang isang kasarian sa isa. Ngunit ako rin ay naniniwala na ang sukat ay dapat dinadaan sa kakayanan ng indibidwal kahit lalaki o babae man sya. Importante din ito sa akin dahil pag iniisip ko ang kursong papasukin ko sa kolehiyo malamang maraming bago akong makikitang ibat ibang opinyon at ugali na ang pinagbabasehan ay ang kanilang paniniwala sa gender roles.
0 notes
Text
Ako’y Ako at Ika’y Ikaw
By: Elianah Marie M. De Vera
Para sa mga nanliliit sa akin, sana'y mabuksan na ang inyong mga mata
Dahil hindi naman pare-pareho ang lahat ah!
Ako'y ako, ika'y ikaw
Hindi lahat ng pagakapareho ay ating nasaklaw
 Kaya bakit turing ninyo sa akin ay para bang ako lang ang naiiba?
Dahil hindi ako tulad niyong ikinahihiya ang inyong pagkakaiba?
Dahil gusto niyong itago ang nakapagpapaangat ng isa sa iba?
Dahil gusto niyong matulad sa inyo lahat sila?
 Pwes sana naman kayo'y maliwanagan
Na hindi naman mali na panindigan!
Ang lahat ng bagay na nagpapaiba sa iyo
Dahil kung yayakapin mo ang iyong pagkakaiba'y mararating natin ang malayo
 Walang nakakaangat, walang nakalalamang
Kahit iba-iba ang ating natamong biyaya
'Pagkat nagkakapantay tayo sa ating karapatan
Hindi man sa hitsura, edad, katawan o kasarian
 Ako'y ako, Ika'y ikaw
Huwag mo akong piliiting maging katulad mo
Dahil mas nanaisin kong mahanap ang tunay na ako
Ngunit hindi dapat maging malamig ang ating pagtrato
Sa isa't isa
 Ako'y ako ika'y ikaw
Iba tayo ng kakayahan at kalakasan
Ngunit lahat tayo'y kayang mag-ambagan
Para sa mas maunlad at masayang kinabukasan
Kung kakayanin nating malimutan
Ang lahat ng di kinakailangang alitan
Dahil sa hitsura, edad, katawan o kasarian
EXPLANATION
               Diskriminasyon ang napili kong topic 'pagkat nakikita pa rin ito hanggang ngayon. Diskriminasyon dahil sa pagkkaiba sa hitsura, edad, katawan o kasarian. Ang tulang ito'y ginawa sa pananaw ng isang biktima ng diskriminasyon. Kanyang ipinahihiwatig na hindi dapat ikahiya ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. Hindi rin dapat maging iisa ang pamantayan para Malaman kung katanggap-tanggap ang isang tao sa mata ng lipunan. Sa halip na magkaroon ng mga alitan at pagmamaliit dahil sa mga pagkakaiba-iba ng hitsura, edad, katawan, kasarian o kakayahan, dapat matuto tayo kung paano ito matanggap nang lubusan at magamit ang pagkakaibang maiaambag sa lipunan upang sabay-sabay umunlad ang mga miyembro ito tungo sa kinabukasang pantay-pantay hindi sa pisikal at mental na kakayahan, kundi sa emosyonal at sosyal na karapatan.
0 notes
Text
LGBTQ = HUMAN
By: Frances Wayne Abad
Tumblr media
Ang aking gawa ay nakabase sa aking paniniwala na hindi dapat hiwalay ang rights ng lgbtq community sa human rights dahil bakla, lesbian, etc., tao parin sila na may dignidad. Ang pananaw at opinion ko sa paghiwalay ng karapatan ng lgbtq sa human rights ang diskriminasyon at ang pagtrato sa kanila na parang iba sa tao. Kundi, dapat ang karapatan ng lgbtq ay nasa ibaba ng human right at hindi nahiwalay.
0 notes
Text
Black Lives Matter
By: Mary Patrece Carpio
Tumblr media
Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang diskriminasyon sa ating paligid. Noong unang panahon pa mayroong diskriminasyon sa lahi at nawalan ng karapatan ang mga itim bilang mga tao. Sila ay inaabuso, minamaltrato, at hindi pinapahalagahan ng lipunan. Lumipas ang panahon at sa kabutihang palad, nabawasan na ang labis na pangdidiskrimina sa mga itim. Naging kulungan ang diskriminasyon para sa kanila dahil hindi nila nakukuha ang kanilang mga karapatang gawin ang kanilang nais. Ang mga itim ay hindi sinasali sa ibang bagay at nilalayo sila sa ibang tao. Pinandidirian, nilalait at hindi pinapahalagahan at dahil sa diskriminasyon, nakukulong sila sa kanilang sariling mga isipan. Mahalaga na magkaroon sila ng boses at paninindigan bilang tao dahil ito rin naman ay karapatan ng lahat. Mahalaga rin ang kanilang paninindigan upang hindi sila basta basta natatapakan at naaabuso ng iba. Black Lives Matter. Upang sila’y makalaya, kailangan nating intindihin kung ano ang mga pinagdadaanan nila at ibigay ng walang kapalit ang mga bagay na dapat nilang matamo.
0 notes
Text
Gender Roles
By: Maryjoyce Bodino
Tumblr media
Ito ang aking napiling topic sapagkat nagpapakita sa aking ginawa ang mga papel na ginagampanan ayon sa kanyang kasarian. Natututuhan mula sa pagkabata sa pamamagitan ng kanilang  mga magulang, pamilya, relihiyon, lipunan at iba pa. pinagtitibay din ng pagmamahal ang kanilang pag-uugali.  Halimbawa nalang nito ay ang mga magkasintahan, ang ating mga magulang, si nanay na ilaw ng tahanan at si tatay na padre de pamilya. Nagpapakita din dito na hanggang sa paglaki  ay  naipapakita ang ginagampanang papel ayon sa kanyang kasarian.
0 notes
Text
Malaya sa Anumang Aspeto ng Buhay
By: Patricia D. De Leon
Tumblr media
Paliwanag:
Bawat pilipino ay may karapatan maging malaya, maging malaya sa lahat ng bagay. Ang pagiging isang LGBT ay hindi hadlang upang magamit ang iyong mga karapatan. Ang pagiging malaya ay hindi naaayon sa kasarian. Ginawa tayo ng Diyos at binigyan nya tayo ng kapangyarihan maging malaya sa anong gusto natin saating sarili. Karapatan maging malaya upang makamit ang mga pangarap sa buhay. Kahit kakaiba pa 'man ang kasarian.
0 notes
Photo
Tumblr media
RACISM By: Daniela A. Demetria Napili ko itong topic dahil mas nakita ko ngayong naging mulat ako sa mga isyung kinahaharap ng buong mundo na nagiiba ang pagtingin ng mga tao dahil sa kulay nito. Hindi na natin naririnig ang boses ng bawat isa dahil hindi natin matanggap ang ang kanilang katauhan. Explanation: Ang aking iginuhit ay isang tao nirereprisenta nito ang bawat isa buong mundo. Gusto ko sana makita ng bawat isa na iisa lang tayong lahat kahit iba man ang kulay mo. Sana ay mas tignan ng bawat isang makakakita nitong iginuhit ko ang mensaheng gusto kong iparating.
0 notes