Tumgik
seanmalang · 3 years
Text
Bansang Pilipinas, ang bansang hindi sumusuko, ang bansang patuloy na uunlad, laban tayo, Pilipino !!! #CagayanNeedsHelp #TuguegaraoNeedsHelp and #RescuePH
0 notes
seanmalang · 4 years
Text
Ipagpatuloy ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo at patuloy na paunlarin ang wikang pagkakakilanlan sa ating bansa  Ni: Sean Ashley S. Malang
Ano nga ba ang mga maaaring epekto ng pag-alis ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo?. Ang asignaturang Filipino at Panitikan ay ibinabahagi na sa simula palang sa elementarya at sa sekondaryang antas ng paaralan, kung magiging mulat tayo sa kasalukuyan, isipin natin na lahat ba ng mga estudyanteng nasa kolehiyo naaalala pa ang mga bagay-bagay sa asignaturang ito?. Oo maaaring alam ng iba ngunit hindi karamihan, nakakapanghinayang tignan na mismong wika natin ay pinapatay na ng mga sarili nating kapwa mamamayan. Bilang estudyante, hindi ako sumasang-ayon sa pag-alis ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo, hindi ba kayo natitigatig sa mga nagaganap sa ating bansa, sa dami ng problema na dapat pang ayusin ay naisipan pang tanggalin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo?. Ang asignaturang ito ay parte ng ating pagkakakilanlan bilang mamamayang Pilipino, makabuluhan ito dahil sa asignaturang ito dito natin malalaman ang kahalagahan ng wika at ang ating mga nakaraan na naging bayani ng pambansang Pilipinas.
 Ako’y hindi sumasang-ayon sa pag-alis ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Ayon sa balita, may mga positibo at mga negatibong epekto ang pag-alis ng asignaturang ito sa kurikulum ng kolehiyo, isa sa mga positibong epekto ay ang pagbawas ng mga asignaturang kukunin sa kolehiyo, maari ding mas maging bihasa sila sa wikang Ingles dahil ito minsan ang ginagamit na wika sa mga pakikipanayam sa trabaho ngunit dapat pa ding ipatupad ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa mga negatibong epekto naman ay maraming mawawalan ng mga trabaho na nagtuturo sa mga asignaturang ito, isa pa dito ay pinapatay na ang wikang Filipino at ang nakakalungkot pa dito ay sariling mamamayan natin ang gumagawa nito. Magkaiba ang itinuturo sa elementarya at sa sekondaryang paaralan na kung saan kaya dapat panatilihin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo dahil sa kolehiyo dito pa natin mapapalawak ang kaalaman natin patungkol sa mga nakaraan at mga pinagdaanan ng mga kapwa natin mamamayang Pilipino noong mga sinaunang panahon na patungkol sa wika at sa bansa. Paano natin mamahalin at pahalagahan ang kasaysayan ng ating bansa kung ngayon palang ay pinapatay na natin ang pagkakakilanlan sa ating bansa at hindi tayo mamulat sa katotohanan.
                Isa sa mga karaniwang kasabihan na ating naririnig ay ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kung tatanungin natin ang ating mga sarili, maituturi pa ba nating pag-asa ng mga bayan ang kabataan sa pamamagitan ng edukasyon kung ang pagturo ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo ay tatanggalin. Bilang isang mamamayang Pilipino, bigyang halaga ang wikang ating pinanggalingan o ang pagkakakilanlan sa ating bansa. Ang wikang Filipino ay buhay at kailangang patuloy na paunlarin ito, at iwasang patayin ang sariling wikang pinagmulan ng sariling bansa. Kasama ito sa pagkakakilanlan natin na kung saan dapat nating mahalin ito at isabuhay ang wikang pinanggalingan natin. Magkaisa tayo bilang isang mamamayang Pilipino na mas bigyang buhay ang asignaturang Filipino at Panitikan sa ating mga buhay. Maisasabuhay natin ang ating mga nakaraan at ang mga ambag nila bilang isang kapwa mamamayang Pilipino.
0 notes
seanmalang · 4 years
Text
Wikang Filipino o Wikang patuloy na nagbabago Ni: Sean Ashley S. Malang
          Mga kabataan sa kasalukuyan ay nabababad na sa mga teknolohiyang ginagamit natin sa pang araw-araw, katulad na lamang ngayon na pati ang edukasyon ay nasa sistemang pa teknolohiya na din. Ang karaniwang dulot ng teknolohiya ay ang pagkalimot sa pagbaybay ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap at iba pa at mas napapansin ang mga salitang bago na nabubuo dahil sa paggamit ng teknolohiya. Sa mga dulot na ito ay magkakaroon ng malakas na epekto lalo na sa asignaturang Filipino, nakakalimot tayo ng tamang pagbaybay sa mga salita at ang tamang pagbuo ng isang pangungusap. Bilang estudyante, ako’y sumasang-ayon na dapat pang bigyan pansin ang paggamit ng Wikang Filipino sa paaralan, mga ibang kabataan ngayon dulot ng teknolohiya ay naging wikang Ingles ang unang wikang natutunan na nakakapanghinayang isipin dahil dito sila nanggaling ngunit sariling wika nito ay nalilimutan. Bigyan din nating pansin ang katangian ng wikang Filipino, para sa akin isa sa mga katangian na aking binibigyan pansin ay ang wikang Filipino ay patuloy na nagbabago, sa mga dulot ng makabagong teknolohiya at ang iba ay nabubuo din ng mga tao na kung saan nasa atin na din naman ang pagbabagong ito at kahit patuloy itong nagbabago, huwag nating kalimutan na mahalin pa din ito. 
             Sumasang-ayon ako na mas bigyang pansin pa ang paglalahad ng wikang Filipino sa paaralan, ang mga rason ko dito ay upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa mga malalalim na salita, maging maayos ang paggawa ng pangungusap at ang tamang pagbaybay ng mga salita, at maisabuhay ang wikang Filipino. Mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa pamamaraan ng mga talasalitaan na kung saan magkakaroon sila ng bagong salita na magagamit din nila sa pagbuo ng mga pangungusap at iba pa. Maging maayos at mahusay ang paggawa ng mga pangungusap at maibaybay ng maayos ang mga salitang inilalagay sa paggawa ng mga pangungusap at iba pa. Maisabuhay ang wikang Filipino dahil ito ang wika ng bansang pilipinas at patuloy na mahalin ito dahil ito ang wika na ating pinagmulan. Ang nangyayari sa kabataan ngayon ay nabababad sa makabagong teknolohiya at ang gusto kong mangyari ay kahit nabababad tayo sa mga makabagong teknolohiya ay maisapuso pa din ang wikang Filipino at alam pa din kung paano gumawa ng maayos na pangungusap, maayos na pagbaybay ng mga salita, at patuloy pa din mapalawak ang mga kaalaman ng kabataan ngayon sa Wikang Filipino.
             “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang isda” - Jose Rizal. Sisimulan ko ang aking konklusyon sa isang kasabihan ni Jose Rizal, ang punto dito ni Rizal ay dapat isapuso ang sariling wika kung saan ka nanggaling. Wikang mamahalin mo habang buhay dahil masaya kang dito ka nanggaling kasi kung titignan natin ay may mga ibang tao na binabaliwala ang sariling wika na kung saan ay nakakapanghinayang tignan dahil tayo mismo mga mamayang Pilipino ay minamahal ang sariling wika. Ang mga unang wika ang ingles ay nakakapanghinayang din dahil sa mga makabagong teknolohiya na ginagamit pero dapat wikang Filipino pa rin ang pangalagaan. Pilitin natin maging mulat ang mga kabataan ngayon lalo na sa sariling wika at buhayin ang wikang Filipino sa kanilang mga buhay.
1 note · View note