Tumgik
sailorvoice · 3 years
Text
Siya si BFC
JULY 24, 2021
ISANG CHEMIST, SAILOR O FARMER – IYAN ANG GUSTO NIYANG MAGING. PERO NI ALINMAN SA MGA IYAN AY HINDI SIYA NAGING. NI HINDI NIYA AKALAIN NA SIYA AY MAGIGING ISANG DUBBER, BROADCASTER, O AKTOR – MALAYO SA KARERANG GUSTO NIYA SANANG TAHAKIN.
TANONG NIYA SA AMIN, “ANO ANG UNA MONG DIALOGUE?” ANO NGA BA? MAHALAGA PALA ANG UNANG MGA SALITANG BABANGGITIN NAMIN. GAANO MAN KAHABA O KAIKLI, MAHALAGA ANG MGA ITO. KAILANGAN NAMIN ITONG TANDAAN. KAILANGAN NAMING ISAISIP MABUTI. KAILANGAN NAMING ISAPUSO. KATULAD SA MGA PELIKULA, WALANG MALAKI O MALIIT NA ROLE, ANG BAWAT ISA AY MAHALAGA. LAHAT AY MAY PURPOSE. LAHAT TAYO. ANO NGA BA ANG PURPOSE NAMIN BAKIT KAMI NARIRITO? IN ORDER TO FIND OUT, WE HAVE TO BE READY TO RESPOND TO THE CALL IKA NIYA. ARE WE READY? IF WE ARE, THEN WE TO LISTEN. IPINAUNAWA NIYA ANG KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG AT PAGSUNOD SA MGA UTOS. “OPO, MAHAL NA HARI!” TULAD NG SINASABI NG LINYANG ITO, NAKINIG AT SUMUNOD SIYA NUNG NAG-UUMPISA PA LAMANG SIYA SA INDUSTRIYA. IYAN ANG KANYANG UNANG DIALOGUE. IYAN ANG KANYANG SIMULA. APAT NA MGA SALITANG NAGDALA SA KANYA SA TAGUMPAY NA TINAMASA NIYA SA KANYANG KARERA. TAGUMPAY NA MINSAN AY MUNTIKANG LUMAMON SA KANYA DALA NG KASIKATAN AT NG PERA. NAPAGDAANAN AT NALAMPASAN NIYA, KAYA HETO AT MADIIN NIYANG IPINAALALA NA HUWAG NA HUWAG KAMING MAGING ALIPIN NITO.
MARAMING ARAL AT INSPIRASYON KAMING NAPULOT SA KANIYANG KUWENTO, SA BUHAY AT KARERANG TINAHAK NIYA MAGMULA NOON MAGPA-HANGGANG NGAYON. LAHAT KAMI AY TALAGANG NAKATUTOK AT NAKAABANG SA BAWAT KANYANG SASABIHIN NA PARA KAMING NAKIKINIG SA RADYO DRAMA. KULANG ANG ISANG ORAS NG PAKIKINIG SA KANIYA. PERO SAPAT NA IYON PARA MABAGO ANG AMING BUHAY. MARAMING SALAMAT SA IYO, SIR.
SINO BA SIYA? SIYA SI BERNARD FACTOR CANABERAL.
0 notes
sailorvoice · 3 years
Text
Ikaapat na Araw
JULY 31, 2021
ALAS NUEVE NA NAMAN. ORAS NA NG CVAP.
MASAYA ANG LAHAT, HINDI NA TULAD NUNG UNANG ARAW NA MAHIYAIN PA ANG KARAMIHAN. NGAYON AY HALOS MAG-UNAHAN NA ANG MGA KA-BOSES SA MIKROPONO PARA MAKAPAGSALITA. NAGING PAMILYA NA RIN KASI ANG CVAP BATCH 8, LAHAT KAMI MAGKAKAPATID NA ANG TURINGAN. #SEPANX IS REAL NGA RAW IKA NI SIR JEFF, PERO SABI NAMAN NI SIR RICH EH HINDI DITO NAGTATAPOS ANG LAHAT. MARAMI PA KAMING PAGSASAMAHAN IN THE NEAR FUTURE. KASAMA RIN BILANG CO-HOST NUNG UMAGANG IYON SI MS. NICOLE FROM CVAP BATCH 7. AT SIYEMPRE HINDI PA RIN NAWALA ANG NAG-IISANG VOICING QUEEN, MS. NIKIE.
IPINAKILALA NA RIN AGAD NI SIR JEFF ANG UNANG PANAUHIN NAMIN SA ARAW NA IYON, WALANG IBA KUNDI SI MS. JANEANE SANTOS MULA CVAP BATCH 2. IBINIHAGI NIYA SA AMIN ANG IBA’T IBANG PARAAN PAANO KAMI MAGKAKAROON NG GIGS – ANO ANG MGA DAPAT NAMING GAWIN. GAYUNDIN NAMAN ANG MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAKAKUHA NA KAMI NG PROYEKTO AT KAPAG NATAPOS NA ITO. KAILANGAN DAW NAMING TANDAAN ANG TATLONG MGA SALITANG ITO – PRACTICE, PRACTICE, PRACTICE. IBINAHAGI NIYA RIN SA AMIN ANG KANYANG MGA NAGING KARANASAN SA PAGIGING ISANG VOICE ARTIST. TALAGA NAMANG NAPAKA-INFORMATIVE.
MATAPOS NUN AY SIYEMPRE ORAS NA NG AMING VOICE MASTER. BINIGYAN NIYA KAMI NG MUNTING PASILIP SA KANYANG STUDIO. NAGKAROON NG VIRTUAL STUDIO TOUR NUNG UMAGANG IYON. NAGBIGAY DIN SIYA SA AMIN NG TIPS KUNG PAANO MAG-SET UP NG SARILI NAMING HOME STUDIO GAMIT ANG MGA KASANGKAPAN NA SWAK LANG SA BUDGET NAMING MGA NAG-UUMPISA PA LANG. AT DAHIL MALAPIT NA RAW KAMING GUMRADUATE SA CVAP, SINABI NI SIR CHOY MALAPIT NA NAMANG MADAGDAGAN ANG MGA TINATAWAG NA CERTIFIED VOICE MASTERS. SILA LAMANG DAW ANG PWEDE AT NAKATALAGANG MAGTURO SA MGA GUSTO RING MAGING VOICE ARTIST. SILA KUMBAGA EH ANG MGA DISIPULO NI VOICE MASTER. SINO NAMAN KAYA SA BATCH NAMIN ANG SUSUNOD NA MAGIGING CERTIFIED VOICE MASTERS? AABANGAN NAMIN IYAN. SA DARATING NA INVOICETITURE MULI NAMING MAKIKITA SI SIR CHOY, AT SIYEMPRE SA FACEBOOK AT YOUTUBE.
NUNG HAPON NA IYON AY AMING NAGING PANAUHIN ANG FOUNDER NG FOOD RESCUE PH, ISANG NON-PROFIT ORGANIZATION NA SI SIR MAC FLORENDO MULA CVAP BATCH 3. BUKOD SA PAGIGING ISANG VOICE ARTIST, ISA RIN SIYANG MAGICIAN. KASAMA DIN NAMIN ANG ISA PANG PANAUHIN MULA NAMAN SA CVAP BATCH 5, SIYA AY SI SIR TUMNIC BALABAT. PAREHAS SILANG NAGBAHAGI NG KANILANG MGA KARANASAN SA BUHAY PARTIKULAR ANG MGA KARANASAN SA PAGIGING ISANG VOICE ARTIST. NAGKAROON DIN KAMI NG PAGKAKATAON NA MAKAPAGTANONG SA KANILA NG ILANG MGA PERSONAL NA KATANUNGAN. KINAPULUTAN NAMIN NG ARAL AT INSPIRASYON ANG KANILANG MGA KWENTO. SA KABILA NG KANILANG MGA NATAMASANG TAGUMPAY AY NANATILI PA RIN SILANG MAPAGPAKUMBABA. TATAK CVAP NGANG TALAGA!
BILANG PANGHULING PASABOG, BINIGYAN KAMI NG ISANG GROUP ACTIVITY NA SIYA NAMANG NAKAKAPANABIK TALAGA. ITO AY ANG GROUP DUBBING. ALAM KONG HINDI LANG AKO ANG NATUWA NUNG MALAMAN ITO. NAPILI NG AMING GRUPO NA I-DUB ANG ILANG MGA EKSENA SA SIKAT AT PABORITONG ANIME NG MARAMI LALO NA NG MGA BATANG 90’s, ANG YUYU HAKUSHO (O GHOST FIGHTER). SOBRANG SAYA AT NAKAKAHANGA ANG MGA KA-BOSES NAMIN. ANG GAGALING NG LAHAT!
AT KAHIT HULING SABADO NA, WALA PA RIN KAMING KAWALA SA BUGSO AT DALUYONG NG MGA HOMEWORKS. HETO PA ANG MGA DAGDAG NA KAILANGAN NAMING GAWIN:
DAY 4 BLOG, DAY 4 VLOG, GROUP DUBBING VIDEO, INDIVIDUAL CVAP TESTIMONIAL VIDEO.
HULING SABADO, PERO HINDI HULING ARAW NA MAGKIKITA AT MAGSASAMA-SAMA KAMI.
IKAAPAT NA ARAW.
0 notes
sailorvoice · 3 years
Text
Ikatlong Araw
JULY 24, 2021
OO, ALAS NUEVE ULI… WE KNOW THE DRILL.
ISANG PANIBAGONG ARAW NA SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW SA KAALAMAN.
ISANG MASAYANG PAGBATI ANG HATID SA AMIN NI SIR RICHARD ABALOS AT SIR JEFF PEREY SA PLENARYO. MULA CVAP BATCH 7, SINAMAHAN SILA NI MS. CJ SA PAGSALUBONG SA AMIN. ALWAYS PRESENT ANG MAGANDANG CVAP PROGRAM DIRECTOR SA PLENARYO, THE VOICING QUEEN MS. NIKIE ESMERO.
AS USUAL, NAGSIMULA SA KUMUSTAHAN, KULITAN AT KWENTUHAN ANG AMING UMAGA. PAREHAS NA ARAW PERO NGAYON AY KAKAIBA KUMPARA SA DALAWANG NAUNANG SABADO. ITO AY ESPESYAL. MAYROONG ISANG MALAKING PANGALAN SA INDUSTRIYA NG MASS MEDIA ANG NAIMBITAHAN PARA MAGBIGAY NG TALK SA AMIN. KUNG SINO MAN SIYA… SORPRESA.
NAGBIGAY SI VOICE MASTER SA AMIN NG MGA PAYO SA PAGBABASA NG SCRIPTS. NABANGGIT NIYA ANG CADENCE AT PROSODY NA DALAWANG IMPORTANTENG ASPETO NG LANGUAGE. HINDI LANG BASTA BASA ANG KAILANGAN NAMING GAWIN. KAILANGAN DIN DAW SAMAHAN NG PAGGALAW NG MGA PARTE NG KATAWAN PARA MASAMBIT NAMIN ANG SCRIPT NANG NAAAYON SA HINIHINGING EMOSYON. GAYA NUNG NAKARAANG SABADO, NAGPAALAM MULI SI SIR CHOY MATAPOS ANG ISANG ORAS MAHIGIT NG PAKIKIPAG-USAP SA AMIN. SA SUSUNOD NA SABADO NA NAMAN.
SINUNDAN NAMAN NILA SIR RICH AT SIR JEFF ANG NAUNANG DISCUSSION NI SIR CHOY. ITINURO NILA SA AMIN ANG MGA PAMAMARAAN NG PAGLALAGAY NG MARKA SA SCRIPT. MALAKING TULONG ITO SA AMIN LALO NA’T NAGSISIMULA PA LANG KAMI BILANG MGA VOICE ARTIST.
ITINURO NAMAN SA AMIN NI MS. NIKIE ANG IBA’T IBANG BRANDING AT MARKET STRATEGY – BRAND NAME, NICHE, LOGO, SIGNATURE VOICE, DEMO, MARKETING MATERIALS, DOCUMENTATION. ANG ILAN SA MGA ITO AY MAYROON NA KAMI AT NAGAWA NA NUNG MGA NAKARAANG LINGGO.
AT AYUN NA NGA, DUMATING NA ANG ORAS NG SORPRESA. CVAP TALKS! KAUNA-UNAHAN ITO SA CVAP BATCH NA MAY ISANG MALAKING PANGALAN SA INDUSTRIYA ANG NAIMBITIHAN PARA MAGBIGAY NG TALK SA MGA TULAD NAMING ASPIRING VOICE ARTIST. ANG AMING PANAUHING PANDANGAL SA ARAW NA IYON AY WALANG IBA KUNDI ANG BOSES SA LIKOD NG “GABI NG LAGIMMMM… AAWWOOOO!!!!”, SI MR. BERNARD FACTOR CANABERAL, ISANG BATIKANG BROADCASTER, AKTOR, MANUNULAT, MOTIVATIONAL SPEAKER… ISANG MAGALING NA VOICE ARTIST. TALAGA NAMANG KINAPULUTAN NAMIN NG ARAL ANG KANYANG KWENTO. TALAGANG TUTOK ANG BAWAT KA-BOSES HABANG SIYA’Y NAGSASALITA. SINO BA NAMAN ANG HINDI? MINSAN LANG SA BUHAY NAMIN ANG MAKAHARAP AT MAKAUSAP ANG ISANG TULAD NI SIR BERNARD. MENTOR DIN SIYA NI SIR CHOY. WALANG DUDA. ANG GALING NILA. LUBOS KAMING HUMANGA. NAGBIGAY SA AMIN NG INSPIRASYON ANG KANYANG KWENTO. TALAGANG TUMATAK SA AKIN ANG SINABI NIYANG, “WAG KAYONG MAGPAALIPIN SA KASIKATAN AT SA PERA.” NAGKAROON NG MUNTING Q&A PORTION MATAPOS ANG KANYANG TALK. NABIGYAN NG PAGKAKATAON ANG ILANG MGA KA-BOSES NA MAGTANONG KAY SIR BERNARD. MATAPOS IYON AY NAGBIGAY DIN SIYA NG ISANG LIBRO SA ISANG KA-BOSES NA NAKASAGOT NG KANYANG TANONG – “THE HUMAN VOICE IS THE ORGAN OF THE SOUL.” SINO ANG NAGSABI NG MGA KATAGANG ITO? HENRY WOODSWORTH LONGFELLOW. OO, SIYA NGA IYON.
MATAPOS ANG VERY INSPIRING TALK NI SIR BERNARD CANABERAL AY NAGKAROON KAMI NG GROUP ACTIVITY. DITO AY NAGAMIT NAMIN ANG AMING MGA NATUTUNAN NUNG UMAGANG IYON AT GAYUN DIN NAGAMIT DIN NAMIN ANG MGA ARAL NA NAKUHA NAMIN MULA SA KWENTO NI SIR BERNARD. ANONG ACTIVITY IYON? ZOOM-ARTE, PARA KAMING MGA ARTISTA SA ISANG RADIO DRAMA. BINIGYAN KAMI NG 30 MINUTO PARA MAPAG-USAPAN NG BAWAT GRUPO ANG IPI-PRESENTA SA PLENARYO. AYUN AT NAPAKASAYA TALAGA NG ACTIVITY NA IYON! MARAMI SA AMING MGA KA-BOSES ANG MAY POTENSIYAL NA MAGING RADIO DRAMA ACTOR/ACTRESS.
NAGTAPOS ON A HIGH SPIRIT ANG ARAW NAMIN NA IYON, PERO SIYEMPRE MAY PABAON SA AMIN NGAYONG WEEKEND. NAGBIGAY MULI SA AMIN NG MGA HOMEWORKS. KAILANGAN NAMING MAKAGAWA NG MGA SUMUSUNOD:
DAY 3 BLOG, DAY 3 VLOG, TONGUE TWISTERS (10 RECITATIONS EACH OF ENGLISH AND TAGALOG), CVAP MANTRA (GROUP RECORDING), ZOOM-ARTE GROUP VIDEO.
BUKOD SA INDIVIDUAL OUTPUT, KAILANGAN NA RIN NG GROUP OUTPUT. MAS CHALLENGING ITO AT PANIGURADO EH MASAYA. KAYA NAMAN KAILANGAN NANG GAWIN BAGO PA TULUYANG MATAMBAKAN NG TRABAHO!
IKATLONG ARAW.
0 notes
sailorvoice · 3 years
Text
Ikalawang Araw
JULY 17, 2021
ALAS NUEVE ULI NANG UMAGA…
HANDA NA NAMAN KAMI SA PANIBAGONG ARAW NA PUNO NG KAALAMAN.
MULI AY SINALUBONG KAMI NI SIR RICHARD ABALOS AT SIR JEFF PEREY NG ISANG MASIGLANG PAGBATI SA PLENARYO. KASAMA RIN SI MS. CHILL FROM CVAP BATCH 7. SIYEMPRE KASAMA PA RIN SI MS. NIKIE ESMERO, ANG CVAP PROGRAM DIRECTOR.
HINDI PA RIN NAWALA ANG KUMUSTAHAN, KULITAiN AT KWENTUHAN TUNGKOL SA NAKALIPAS NA LINGGO. MAYROONG IBANG MGA KA-BOSES NA NAUMPISAHAN NA ANG MGA HOMEWORKS, PERO MAS MARAMI ANG MEDYO NANGANGAPA PA RIN KUNG PAANO GAGAWIN O UUMPISAHAN ANG MGA IYON. GAYUNPAMAN EH MASAYA ANG BAWAT ISA SA PANIBAGONG ARAW NA PAGSASAMAHAN NAMING LAHAT.
UNANG PANAUHIN NG UMAGA AY SI SIR JOSHUA SIMEON MULA SA CVAP BATCH 1. MAY ISANG TAON NA RIN MULA NUNG NAGTAPOS SIYA SA CVAP, AT ISA SIYA SA MAITUTURING NA MGA MATAGUMPAY SA LARANGAN NG VOICE ACTING. BINITIWAN NIYA ANG KANYANG DAYJOB PARA PAGTUUNAN NG PANSIN AT MAGING FULL-TIME BILANG ISANG VOICE ARTIST. GAYUNPAMAN EH HINDI NIYA IPINAYO SA AMIN NA BITIWAN ANG AMING MGA TRABAHO O PROPESYON. KUNG KAYA NAMAN DAW NA PAGSABAYIN ANG AMING PROPESYON AT PAGIGING ISANG VOICE ARTIST EH BAKIT HINDI? NAKAKAHANGA LANG DIN DAHIL HOME-BASED SIYA AT NAPAKARAMI NIYANG MGA PROYEKTONG NAGAWA AT GINAGAWA. NAG-IWAN SIYA SA AMIN NG ISA SA MGA PABORITO NIYANG POCHOLOGY, “YOU DON’T HAVE TO WORK HARD, YOU DON’T HAVE TO WORK SMART, YOU JUST HAVE TO WORK FAST.” SINABI NIYANG ALISIN NAMIN ANG PAGLILIMITA SA MGA SARILI NAMIN, SA AMING MGA KAKAYAHAN AT DAPAT NA ITULAK ANG MGA SARILI PATUNGO SA PANGARAP NAMIN. IKA NGA RAW EH, “DAIG NG MAAGAP ANG MASIPAG.”
SUMUNOD NAMAN SI SIR TUMNIC BALABAT MULA CVAP BATCH 5 NA SAGLIT NA NAGBAHAGI NG KANYANG ORAS SA AMIN. MAIKLING KUMUSTAHAN. PAGBUTIHAN DAW NAMIN ANG AMING MGA GINAGAWA RITO SA CVAP DAHIL MAYROONG CVAP AWARDS NA IGINAGAWAD SA MGA KA-BOSES NA MAY NATATANGING GAWA O AMBAG SA CVAP. NAKAKA-EXCITE NA MAY GANITO RIN PALA. PARANG FAMAS AWARDS LANG ANG DATINGAN. KAABANG-ABANG TALAGA KAYA DAPAT PAGBUTIHAN!
MULI, HETO NA ANG PINAKAHIHINTAY NG LAHAT NG MGA KA-BOSES – ANG PAGDATING NG AMING MAESTRO. “EHH EHH OHHHH!” KUMUSTAHAN MUNA KASAMA SI SIR POCHOLO, AT MULI EH NAGBAHAGI SIYA NG ARAL MULA SA KANYANG MGA NAGING KARANASAN SA INDUSTRIYA NG MASS MEDIA. NAGBIGAY SA AMIN NG TIPS SI VOICE MASTER TUNGKOL SA PAGBO-BOSES. HINDI RAW DAPAT MAGING MONOTONOUS KAPAG NAGBO-BOSES. DYNAMIC ANG BOSES NG TAO, AT MAAARI ITONG MABAGO AT MAS MAPAGHUSAY PA. DAHIL HINDI KAMI NAKIKITA NG MGA TAO AT BOSES LANG ANG MARIRINIG MULA SA AMIN, DAPAT MAGING KAPANI-PANIWALA ANG MGA SALITANG BIBITIWAN NAMIN. KAILANGANG MAY EMOSYON DIN NA MARAMDAMAN SA BOSES, KUNG MALUNGKOT O MASAYA, GALIT O NATATAKOT MAN. BINIGYANG DIIN NI VOICE MASTER NA MAY TATLONG ELEMENTO NG BOSES ANG MAHALAGANG DAPAT NAMING TANDAAN – PITCH, VOLUME AT TEMPO. ITONG TATLONG ITO ANG KAILANGAN NAMING I-WORK OUT. AYUN MATAPOS, ANG ISANG ORAS MAHIGIT NA KUWENTUHAN, EH NAGPAALAM NA MULI SI SIR CHOY. KITAKITS NA LANG DAW ULI KAMI SA SUSUNOD NA SABADO.
NUNG HAPON NA IYON AY ITINULOY NI SIR RICH ANG LESSONS NA NAUMPISAHAN NANG ITURO NI SIR CHOY. ISA-ISANG IPINALIWANAG SA AMIN ANG ANIM NA ELEMENTO SA PAGGAWA O PAGKAKAROON NG IBA-IBANG CHARACTER VOICES – PITCH, PITCH CHARACTER, TEMPO, RHYTM, PLACEMENT, AT MOUTHWORK. MAY MGA PA-SAMPLE PA NGA SI SIR RICH AT SIYEMPRE ANG MGA KA-BOSES DIN SA PLENARYO. NAGTAWAG SILA NI SIR JEFF, AT ISA AKO SA MAPALAD NA NATAWAG. MEDYO NAKAKAKABA PALA ‘PAG NATAWAG PARA MAGSALITA, PARANG NUNG HIGH SCHOOL LANG.
SUMUNOD NAMAN SI SIR JEFF AT ITINURO SA AMIN ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT NAMING GAWIN PARA ALAGAAN ANG AMING BOSES. MARAMING MGA BAWAL. SA TOTOO LANG KUNG ANO PANG MASARAP KAININ AT INUMIN EH SIYANG BAWAL – KAPE, TSOKOLATE, ALAK, SPICY FOODS. PERO HINDI NAMAN DAW TALAGA TOTALLY BAWAL, BAWASAN LANG NAMIN ANG INTAKE AT SIGURUHIN NA KAPAG MAY PROYEKTONG GAGAWIN EH NAKAPAHINGA MABUTI ANG AMING BOSES.
MATAPOS NUN AY PINAG-USAPAN NAMAN, KASAMA SI MISS NIKIE, KUNG PAPAANO NAMIN MAHAHANAP ANG AMING NICHE O YUNG TARGET MARKET. SAAN RAW BANG LARANGAN KAMI NAG-EENJOY? ANO BA ANG MGA PROYEKTONG NAIS NAMING GAWIN? ANONG KLASENG VOICE ARTIST BA NAMIN GUSTO MAGING – VOICE OVER BA PARA SA MGA TV O RADIO COMMERCIALS; O CHARACTER VOICES PARA SA DUBBING NG IBA-IBANG PALABAS? SABI NI MISS NIKIE, KAILANGAN MAGKAROON KAMI NG SPECIALTY KUMBAGA AT HUWAG LANG MAGING “MASTER OF NONE”. GAYUNPAMAN, KAILANGAN MAGING BUKAS DIN DAW KAMI SA IBA-IBANG KLASE NG PROYEKTO. MAG-AUDITON LANG DAW NANG MAG-AUDITION. MAG-VOLUNTEER LANG DAW NANG MAG-VOLUNTEER. PARAAN DIN ITO PARA MAKILALA KAMI NGA MGA TAO.
AT DUMATING NA RIN ANG ORAS PARA AMING SALUBUNGIN ANG PANAUHING PANDANGAL SA HAPON NA IYON, ANG KAUNA-UNAHANG CLEFT SPEAKER SA BANSA, SI SIR ROBINSON TUMAMPOS MULA SA CVAP BATCH 7. HINDI NAGING HADLANG ANG KAPANSANAN NI SIR ROBINSON UPANG MAGSILBING INSPIRASYON SA MARAMING TAO, LALO NA SA AMING MGA NANGANGARAP MAGING VOICE ARTIST. SA NAPAKAIKLING PANAHON, MARAMI NA SIYANG PUBLIC SPEAKING ENGAGEMENTS, TALKS AND GUESTINGS. SADYANG NAKAKAHANGA. BINIGYAN NIYA KAMI NG LIMANG TIPS PARA MAGING BEST VERSION NG AMING SARILI – CHOOSE QUALITY PEOPLE, CHOOSE QUALITY MENTOR, TAK A RISK, READ BOOKS, KEEP ASKING. LAHAT NG ITO AY ISINAISIP AT ISINAPUSO NAMIN. ALAM NAMING NASA MABUTING MGA KAMAY KAMI. SA QUALITY MENTOR AT QUALITY PEOPLE PA LANG – TAMANG NASA CVAP KAMI.
SA PAGTATAPOS NG ARAW, IBINIGAY NA SA AMIN ANG MGA HOMEWORKS. KAILANGAN NAMING MAKAGAWA NG MGA SUMUSUNOD:
DAY 2 BLOG, DAY 2 VLOG, 5 CHARACTER VOICES (AUDIO OR VIDEO), MONOLOGUES (FOR DRAMA, COMEDY AND HORROR), AVP OF YOUR LIFE, LETTER TO YOUR FUTURE SELF.
HINDI PA NATAPOS ANG MGA NAUNANG IBINIGAY NA HOMEWORKS, AT HETO NADAGDAGAN NA NAMAN. KAYA PA NAMAN. TULOY LANG!
IKALAWANG ARAW.
0 notes
sailorvoice · 3 years
Text
Unang Araw
JULY 10, 2021
ITO NA ANG ARAW NA PINAKAHIHINTAY KO KAYA NAMAN MAAGA AKONG GUMISING. NAG-EXERCISE PA NGA MUNA BAGO KO NALIGO’T KUMAIN. BAON ANG NOTEBOOK, BALLPEN AT HEADSET, HUMARAP NA AKO SA LAPTOP KO NA MAY HALONG KABA AT EXCITEMENT.
ALAS NUEVE NANG UMAGA, AT HETO NA NGA…
SA WAKAS NAKITA KO NA ANG MGA KA-BOSES NA MAY KAPAREHAS KO RING PANGARAP. MARAMI SILA, MARAMI KAMI. HINDI KO INAASAHAN NA GANITO KAMI KARAMI NA GUSTONG MAGING VOICE ARTIST. HINDI LANG SA IBA’T IBANG PANIG NG PILIPINAS MAGING SA IBANG PANIG DIN NG MUNDO AY MAY MGA KA-BOSES DIN NA NARITO: MAY MGA ESTUDYANTE, WORKING PROFESSIONALS, NANAY, TATAY, OFWs AT PWDs. MALAWAK ANG DIVERSITY NG AMING BATCH, PANIGURADONG MASAYA ITO.
ISANG MASIGLANG PAGSALUBONG ANG INIHATID SA AMIN NI SIR RICHARD ABALOS NA SIYANG NAGSILBING HOST NG PLENARYO KATUWANG ANG CO-HOST NIYANG SI MS. CHARISSA FROM CVAP BATCH 7. KASAMA NIYA RIN SINA MS. NIKIE ESMERO AT SIR RICHARD PEREY, ANG PROGRAM DIRECTOR AT ASSISTANT PROGRAM DIRECTOR. KUMUSTAHAN MUNA PARA SIMULAN ANG ARAW AT MAY ILANG MGA KA-BOSES DIN NA TINAWAG UPANG MAGPAKILALA.
ISANG PANAUHIN ANG NAGPAUNLAK UPANG MAGBAHAGI NG KANYANG KARANASAN SA PAGIGING ISANG VOICE ARTIST, ITO AY SI MS. PAU CASTILLO NG CVAP BATCH 3. IBINAHAGI NIYA SA AMIN ANG VISION, MISSION AT CORE VALUES NG CVAP. GAYUNDIN, NAGBAHAGI SIYA NG MGA TIPS SA PAGPILI NG AMING MAGIGING VOICE BRAND NAME. IPINAUNAWA NIYA RIN SA AMIN ANG KAHALAGAHAN NG VISUAL BRANDING. KAYA PALA PINALAGYAN NG FRAME ANG AMING MGA PROFILE PICTURE SA FACEBOOK, ITO PALA AY PARA SA PAGKAKAKILANLAN NAMIN BILANG KABAHAGI NG CVAP. NALAMAN DIN NAMIN ANG TINATAWAG NA “HORNET STRATEGY” NA KUNG SAAN AY TILA MGA HORNET KAMI NA SUSUGOD KAPAG MAY MGA JOB OPENINGS. MAY MAUUNA MUNANG ISA UPANG MAG-IWAN NG “AMOY” BILANG PALATANDAAN HANGGANG SA DUMUGIN NA NG MGA CVAP VOICE ARTISTS. KINAPULUTAN DIN NAMIN NG INSPIRASYON ANG KANYANG MGA PERSONAL NA KARANASAN.
AT HETO NA NGA ANG HIGHLIGHT NG ARAW NA ITO, ANG ORAS NA PINAKAHIHINTAY NG LAHAT NG MGA KA-BOSES, ANG PAGDATING NI THE VOICE MASTER SIR POCHOLO DE LEON GONZALES.
BAGO PA MAN NAMIN SIYA MAKITA AT MARINIG NA MAGSALITA, NAGKAROON NA KAMI NG PAUNANG PAGKILALA SA KANYA NUNG BASAHIN NAMIN ANG KANYANG LIBRO, ANG “GUSTO KONG MAGING VOICE TALENT”. HINDI TALAGA BIRO ANG KANYANG MGA PINAGDAANAN MULA NUNG NAGSISIMULA PA LAMANG SIYA SA MURANG EDAD MAGPASA-HANGGANG NGAYON. MARAMI ANG PILIT NA NAGBABA SA KANYA AT NANGMALIIT, NGUNIT SA KABILA NG LAHAT NG IYON AY HINDI SIYA SUMUKO. TALAGANG NAKAKAHANGA AT NAGSILBING ISANG INSPIRASYON ANG KANYANG KWENTO SA AMING LAHAT. HALOS MAIYAK KAMING LAHAT LALO NA NUNG SINABI NIYA SA AMIN NA “HINDI PAGIGING SELFISH ANG MINSANG PILIIN ANG MGA BAGAY NA MAGPAPASAYA SA IYO, NA HINDI KALABISAN ANG SUNDAN ANG PANGARAP MO…” (non-verbatim). MAIKLI NGUNIT SIKSIK SA MGA ARAL AT INSPIRASYON ANG NAGING ORAS SA AMIN NI SIR POCHOLO. SABI NIYA KADA LINGGO AY ISA O ISA’T KALAHATING ORAS LANG DAW NAMIN TALAGA SIYANG MAKAKASAMA SA PLENARYO. GAYUNPAMAN AY NAPAKASAYA NG BAWAT ISA SA PAGKAKATAONG IBINIGAY SA AMIN NI SIR POCHOLO NA MAGING BAHAGI NG CVAP.
NUNG HAPON NA IYON AY NAGPATULOY LANG ANG KUMUSTAHAN AT PAGPAPAKILALA NG ILANG MGA KA-BOSES. MAYROON DING Q&A PORTION NA NAGANAP SA PAGITAN NG MGA KA-BOSES, AT NILA SIR RICHARD AT SIR JEFF. KAHIT PAPAANO AY NAGING MAS KOMPORTABLE KAMI SA MGA KA-BOSES NAMIN NA MAKAKASAMA NAMIN SA APAT NA SABADO PARA SA TRAINING. HINATI NA RIN KAMING LAHAT SA IBA’T IBANG “BREAK-OUT ROOM” NA TINATAWAG, AT NAPABILANG AKO SA “BR ROOM 6”. DITO KO NAKILALA ANG MGA KA-BOSES NA MAKAKASAMA KO SA MGA GROUP ACTIVITIES: SINA LUKE, ROBB, ARMEL, SAM, AUB AT MAAN. KASAMA RIN NAMIN SI SIR ADRIAN MULA SA CVAP BATCH 6 NA AMING MAGSISILBING COACH.
IBINIGAY NA ANG MGA HOMEWORKS NAMIN, KAILANGAN NAMING MAKAGAWA NG MGA SUMUSUNOD:
GROUP NAME, VOICE BRAND NAME, BLOG/WEBSITE, SOUNDCLOUD ACCOUNT, VIDEO STREAMING ACCOUNT, DAY 1 BLOG, DAY 1 VLOG, 3 TV COMMERCIALS, 3 RADIO COMMERCIALS AT 5 AUDIO VISUAL PRESENTATIONS.
NAKAKALULA ANG DAMI NG MGA GAGAWIN, PERO AYOS LANG DAHIL KAKAYANIN NAMANG LAHAT ITO!
MASAYA ANG UNANG ARAW, NAPAKASAYA. SA WAKAS AY NAIHAKBANG NAMIN ANG AMING PAA PATUNGO SA AMING PANGARAP. UMPISA PA LANG, MARAMING HAKBANG PA, AT MALAYO PA ANG AMING TATAHAKIN PARA MAGING ISANG VOICE ARTIST. MARAMING KAILANGANG PAGDAANAN AT TAPUSIN. AT KAILANGAN NANG UMPISAHAN ANG MGA HOME WORKS.
UNANG ARAW.
1 note · View note