Tumgik
rhayrebac · 2 years
Text
Pwede Manwal sa Eleksyon 2022
Kahit na hindi tayo nabiyayaan ng isang konkretong pulitika at matapang na pamunuan, maswerte parin tayo dahil sa dami ng tinamaan ng covid-19 at sa dami ng sira ulong nagbanta na magugunaw na ang mundo, sa awa na dyos heto tayo ngayon updated lagi sa Facebook at sa buhay ng mga influencer sa Youtube. Kahit na hindi man natin nakamit ang inaasam na mawawala ang drugs sa loob ng tatlong buwan. Maniwala parin tayo at wag makakalimot sa sinabi ni Cayetano na sampung libo bawat pamilya. Next.
Malapit na naman ang Eleksyon. Pipili na naman tayo ng pinuno na iba-bash natin sa social media pagdating ng araw. Mahirap pumili kung sino sa kanila pero kailangan sumubok, dahil kung mananatili tayong takot at walang tapang na pumili ng taong pagkakatiwalaan, katumbas yun na hinayaan natin laging nakalubog si Juan Dela Cruz tuwing may kalamidad.
Sabi sa bolang kristal, mababa ang standard ng pilipino pagdating sa decision making, lalo na sa pagkilatis ng kandidato. Sa dami ng facts o babasahin na meron basihan mas pipiliin natin paniwalaan ang fake news. Sabagay, mas madali kasing manood ng tiktok kesa alamin ang katotohanan. Maliit na bagay lang kasi ang tingin natin sa politika. Maliit na bagay pero halos magpatayan na sa comment section sa social media.
Hindi kita dinidiktahan, gusto ko lang sabihin na sana wag mong hayaan na nakawin ang sarili mong desisyon sa pagpili ng pinunong pagkakatiwalaan mo. Yung kandidato na sa tingin mo ay merong magagawa para sa nakakarami at para sa hinaharap. Dahil kung pipili ka base sa mapapala mo sa kandidato at sa sariling interes mo ay wala kang pinagkaiba sa kandidatong iniisahan mo. Isipin mong mabuti, kung paano ka itrato ng isang kandidato para makuha ang boto mo. Ay yun ang tingin nya sa mga pilipino. Kaya ganyan din ang lideratong ibibigay nya sa bayan mo. Byeee
2 notes · View notes
rhayrebac · 4 years
Text
"Stay at home save the world".
Ang kaso sa bansa natin, maraming pamilya ang walang tirahan at kung meron man siksikan ang isang pamilya at hindi kayang magtagal sa loob ng bahay, lalo na sa panahon ngayon na tag init (lintik na gobyerno kasi walang pa aircon). Kaya habang nanonood ka sa smart tv at naglalaro ng mobile games sa smartphone mo. Akala mo ganun din ang ginagawa ng karamihan? Hindi po. Marami sa atin ang kailangan lumabas para humanap ng mapapakain sa pamilya. Maraming pilipino ang sapat lang ang kita sa pang araw-araw, kung ano ang kinita yun ang nakalaan para sa buong araw, kung may sumobra pangtaya yun sa jueteng.
Nagrereklamo ba ako? Hindi po. Nais ko lang po ipaalam na ang bisa ng home quarantine ay sa pakikiisa ng lahat. At kung hindi nakikiisa ang lahat dahil sa di natutugunang pangangailangan, nawawalan ng saysay ang sakripisyo ng bawat mamamayan at ekonomiya.
Kailangan natin ng bayanihan, pero mas mainam na gawin ito bago pa lumala ang sitwayon. Higit ngayong panahon ng quarantine na kailangan matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao. Hindi naman mareklamo at makulit ang pinoy kung magse-serbisyo lang ng maayos ang gobyerno.
Ay Opo kayo na po ang kausap ko. Sana po kung gaano nyo po ginalingan nung kampanya (may pasayaw-sayaw at may pa jingle na pinipilit isingit ang pangalan sa kanta, nakakahiya diba?) upang magtagumpay na makaupo sa pwesto, sana ganun din kayo ngayon, kung saan higit na kailangan kayo ng mga tao.
1 note · View note
rhayrebac · 4 years
Text
Covid-19
Kung babasahin mo lahat ng news tungkol sa Covid-19, bilang ng death rate, yung bilis ng human transmition o makahawa at ang magiging epekto sa buong mundo. Sinisiguro ko sayo na mas gugustuhin mo nalang mag stay sa bahay forever. Pero kung wala kang choice, pwede kang mag stay sa buhay ko basta wag lang forever. Hindi biro ang covid-19, na katulad lang ng pagluklok natin ng mga kurakot sa Senado. Hindi rin akma na isisi nalang natin ito sa Gobyerno, dahil sa kabilang banda tayo rin ang pumili sa kanila. Kaya magtiis tayo sa gobyerno na meron tayo dahil kasama tayo sa gobyerno.
Hindi lang ito tungkol sa sablay na health system o kakulangan ng test kit para mas madaling ma trace ang possible cases, kundi tungkol ito sa mangyayari pa sa hinaharap. Walang gamot or vaccine ang corona virus, hindi ito katulad ng jowa mo na kapag sinaktan ka pwede kang humanap ng kapalit para mawala ang sakit.
Hindi sapat ang hygiene kit at relief goods na ipangtapat natin sa ganitong virus. Nakakahanga ang pagtutulungan ng mga pilipino sa gitna ng trahedya, pero mas mainam kung gagawin ang bayanihan bago pa man dumating ang trahedya. Kaya bago pa mahuli ang lahat.
1. Makipag cooperate sa 14 days to 21 days quarantine. Sa ganitong paraan, kung halimbawa nag positive ka madaling ma trace ng mga health workers ang nakasalamuha mo.
2. Iwasan ang makipag kwentuhan sa labas, dahil sa huli pag nakuha na nila ang loob mo. Uutangan kana nyan.
3. Wag basta basta mag share ng fake news o tsismis. Tandaan mas mabilis po kumalat ang tsismis sa bansa natin kesa sa virus. Kaya parang awa nyo na kung hindi verified news or galing sa mga matitinong news agencies wag nyo ng e share. Hindi nakakatulong.
4. Ok lang mag share ng pagkain at hygiene kit pero wag sa facebook, mas ok mag share kung iaabot mo ito sa kapwa lalo na yung mga sapat lang ang naimbak na pagkain.
At sa huli, hindi lang magtatapos sa covid-19 ang trahedya kundi mas marami pa sa hinaharap. At walang ibang magtutulungan kundi tayo lang, tayong makukulit na Pilipino. Kaya Ikaw umayos ka, kung hindi mo kayang mag stay sa bahay mo mag Tiktok ka sa loob ng Covid-19 Isolation Room.
0 notes
rhayrebac · 10 years
Text
Ang hirap sa internet! Ang dami ng nagtuturo sa kabataan kung paano umibig at kung paano mag move on. Pero wala namang makapagturo kung paano maglaba, maghugas ng pinggan, tumulong sa mga gawaing bahay at pagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral. 
7 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
09/29/2014
Galing akong North Edsa kagabi. hindi para mag pictorial, matagal na akong tumigil sa pag momodel. As usual para makipag inuman na naman. Dapat sa Restorante La Caprecciosa sa Timog kami mag iinum, kaso lang nung tinawagan ako ng ka-inuman ko at tinanong kung san kami mag inum nahirapan akong bigkasin ang pangalan ng bar. Kaya sabi ko Padis Point nalang tayo sa SM North. So far ok naman ang venue, maraming magagandang babae sa paligid. Masarap rin talaga mag inum kapag may mga nakikita kang mga babae lalo na kung magaganda pero pag pangit masarap magwala at magbasag ng bote. Hehe.
Nung kalagitnaan na ng inuman biglang may nagkakagulo sa katabi namin table. Away magbarkada, pagkakarinig ko sinulot daw ang syota tapos biglang nagmumurahan na at biglang may sinapak. Tapos yung ibang kasama parang naghahamon na kung sino daw ang matapang. Kaya ang ginawa ko, bumunot na ako.. ng pangbayad sa ininum namin para makauwi na. Mahirap na baka madamay pa kami dun.
Medyo lasing na rin naman ako kaya ok na rin na umuwi. Pagdating ko sa MRT Station parang fans day ni Daniel Padilla, ang dami ng tao. Siksikan hanggang sa pagpasok sa train. Putragis talaga! Ang hirap pala makipagsiksikan sa train kapag lasing ka. Dapat talaga may priority seat ang mga lasing sa train, para hindi kami nahihirapan. Dapat binibigyan ng advantages ang mga lasing sa biyahe, para maiwasan ang disgrasya at makauwi ng ligtas sa kanya kanyang bahay.
Akala kasi ng iba, ang sarap sarap ng buhay ng lasengero. Kung kayo kaya ang maubos ang pera, sumuka sa sobrang kalasingan, lumakad ng suray-suray pauwi, tapos pagdating ng bahay papagalitan pa. Hindi naman siguro deserving na ganun ang ituring natin sa mga lasenggero. Dapat bigyan natin sila ng heroes welcome pagdating ng bahay. Dahil sa dami ng pinagdaanan nilang pagsubok makauwi lang, dumating silang ligtas at walang pagsisisihan kinabukasan.
3 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Karamihan sa mga babae, hanap sila ng hanap ng mga lalake na kaya silang buhayin, yung kayang ibigay lahat ng gusto nila. Ang hindi nila alam, yun din ang hinahanap ng mga lalake ngayon.
10 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Kung single ka at hindi mo pa naranasan ang makaroon ng lovelife. Kung hindi mo pa naisuko ang tinatago mong ari-arian. Gusto kong ipaalam sayo na wag magmamadali pagdating sa pag-ibig, wag kang maiingit sa mga mag jowa, kahit na walang nagkakagusto sayo dahil pangit ang pagkagawa ng pustiso mo, maswerte ka parin. Dahil hindi mo nararanasan ang mga problema na pinag-dadaanan ng mag jowa.
5 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Hay naku, Mga babae talaga, masyadong sensitive. Onting pagkakamali lang mag o-overthink agad. They care way more than they should.Ang bilis magpalit ng mood from sobrang kulit to sobrang tahimik. Paulit -ulit ng tanong na kumain kana ba? Minsan nakakabobo na. Onting problema lang iiyakan agad. Hindi lang ako nagpalit ng brief in two weeks pupunahin. Hindi mo lang ma text ng Good morning, magagalit. Makikipag break, tapos kinabukasan makikipag balikan din. Umayos nga kayo Girls, kung ano ang intensyon nyo sakin Tell me! 
6 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Global Warming
Pilipino, naka move on kana sa hagupit ni Ondoy, Habagat, Lindol, at Yolanda, isama mo na rin ang sex scandal ng mga artista. Kaso lang, sa pagtakbo ng panahon at pag-ikot ng mundo marami pang kalamidad ang kailangan mong harapin, katulad ng ex mo na isinusumpa mo na at ayaw mong makita kahit kailan, may makilala kang bago pero mas masahol pa pala sa kanya. Kung minamalas nga naman.  Hindi maaring hayaan nalang natin ang mga nagdaang kalamidad. Napakalaking hamon sa atin ngayon ang global warming. Ayon sa talakayan ng Climate Change Conference na ginanap noong November 2013, pangatlo tayo sa pinakamalubhang maaapektuhan ng Climate Change sa buong mundo. Galing talaga natin, konteng sira nalang sa kalikasan mangunguna na tayo. Marami sa mga doomsday scenario na sini share natin sa facebook ang malapit ng magkatotoo. Noong nakaraang Yolanda, sinabi ng mga nakatira sa Victory Island, Guiuan Samar na hindi na pwedeng balikan ang isla dahil sa tumataas nang sea level. Hindi maaring matuwa nalang tayo dahil suspended ang klase. Hindi pwedeng murahin nalang natin ang mga pulitiko sa social media. Hindi pwedeng makuntento nalang tayo sa kung anong magagawa ng gobyerno at kung gaano kalaki ang ibibigay na donasyon ng ibang bansa. Dapat gumawa rin tayo ng hakbang kung paano tayo makakatulong. Paano nga ba? 1. Makibahagi o magbasa tungkol sa Climate Change. Sinisiguro ko sayo na mas importante to kesa mga artista na pina-follow mo.  2. Salain ang mga natatanggap mong impormasyon, alam naman natin na lahat ng tao sa social media ay nagiging news reporter. siguraduhin mong maigi lahat ng sini share mo, para hindi ka maging katulad ng sinusumpa mong reporter.  3. Kilalanin ang mundo, kumalap ng mga impormasyon kung paano ka makakatulong sa kalikasan. Hindi laging sarili mo ang iniisip mo (awts. kakahiya).  4. Sa oras ng kalamidad, iwasan ang pagki click ng mga link na walang kwenta. Spam yun! Maraming nag-aabangan ng makabuluhang balita at wala silang pakialam kung nagkakape ka sa Starbucks. Huwag rin buksan ang message ng ex mo na gustong makipagkita dahil malamig. Virus yun.
3 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Ibalik ang Pinoy Educational Program.
Hoy Mambabasa, naalala mo pa ba yung kanta na Pagmulat ng mata, Langit nakatawa Sa batibot,Tayo nang magpunta, Tuklasin sa batibot Ang tuwa, ang saya.
Year 1995 una ko napanood ang batibot sa telibesyon, yun din ang taon na nagkaroon kami ng T.V. Hindi buo ang araw ko dati kapag walang Batibot. Chikiting Patrol. Hiraya Manawari. Sineskwela. Math Tinik. at iba pang mga educational program. Sila lang naman ang nagturo sakin kung paano magbilang, gumamit ng po at opo, ang nagturo na cat ang english ng pusa at dog naman ang english ng aso. Ang nagturo na 2 ang tamang sagot sa tanong na 1+1 hindi 11. Ang nagpakilala sakin ng A.E.I.O.U. Sila rin ang dahilan kung bakit di na ako nag pre-school at kinder, deritso grade 1 agad. Wag mo na itanong kung bakit. Game!
Year 2003 nawala na sa ere ang batibot at sumunod naman dito ang paglipat ng ibang educational program ng abs-cbn sa cable channel. Hindi na pang masa. Wala ng mapanood na educational program ang mga batang juan na walang cable.
Malayo na ng narating ng industriya sa telebisyon, may mga widescreen tv na tayo na kasinglapad ng buong bahay ang sukat. Napapanood na natin ang mga live coverage sa labas ng Pilipinas, napapanood natin via livestream lahat ng laban ni Pacquio, mga balita na nangyayari sa buong kalupaan o kahit sa ilalim ng karagatan. May mga pa 3d effect pa tayo, wireless at usb powered technology. Nakakamangha talaga, ang layo na ng narating natin, pero parang naiwan ang mga bata.
Nakakalungkot, habang nagbibilang si Dora ng Uno, Dos, Tres, wala ng magtuturo sa mga batang Pilipino ng Isa, Dalawa, Tatlo. Habang nakikipaglaban si Naruto sa mga kalaban nya, wala ng magtuturo sa mga bata kung ano ang tama at mali at kung paano gumamit ng po at opo.
Nakakalungkot isipin na sa pamamagitan ng media/TV, di lang kultura ang nawawala sa atin, pati na din ang asal na matutunan natin sa telibisyon. Dapat maging instrumento rin ang palabas sa mga telebisyon sa pagtuturo ng magandang asal at educational learnings sa mga bata. Dahil most of the times nanonood ng t.v. ang mga bata karamihan sa napapanood nila ginagaya nila.
Masyado tayong nakatuon sa kung ano ang trending at uso, pero nakakalimutan natin kung ano ang kailangan ng kabataan.
Kaya sana lang, sa mga namulat o kinagisnan ang mga educational program noong panahon, wag sana natin kalimutan silipin ito sa youtube para sa mga kabataan o sa magiging anak natin at sa susunod pang henerasyon.
Hahayaan nalang ba natin ang kabataan maadik sa mga computer games, kiligin sa mga telenovela, at maki-abang kung anong bagong trending na expression sa social media. Nakakalungkot. Lalo na yung karamihan sa mga kabataan ngayon na wala na ibang inisip kundi kung papaano sila gaganda/guguwapo. Pero pagdating sa kaalaman, walang ibang masabi kundi Boom Panees.
4 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Nasyonal Artis!
Trivia muna tayo. Alam nyo ba na ang isang National Artist ay makakatanggap ng cash kapag na proklama na syang National Artist. Kasunod nito ay makakatanggap sya ng monthly pension na 30,000 pesos hanggang sya ay mamatay. At ililibing sya sa libingan ng mga bayani. At alam nyo ba na ang perang ibinibigay sa National Artist ay galing sa pera ng bayan. At yung perang ibibigay sa kanya ay natira nalang sa ninakaw ni Napoles. Next!
  Morality issue daw ang dahilan kaya hindi naproklamang National Artist si Nora Aunor. Siguro dahil nag drugs sya at nagkaroon sya ng kaso. Pero kailan pa naging katumbas ng pagsasanto na maging alagad ng sining? Ede sana si Pedro Calungsod nalang ang pinili ng CCAA. Kung ganun pala ang basihan tanggalin na rin sa pagiging alagad ng sining si FPJ dahil sya ay babaero, isama na rin si Nick Joaquin kasi lasenggero sya.
Base sa sarili kong pananaw. Ang mga artist malalawak mag-isip, sa sobrang lawak minsan lumalagpas sa linya. Sinusubukan nila ang mga bagay na ayaw gawin ng iba. Dun sila humuhugot ng karanasan, para makadagdag sa lalim ng pag-arte, pagsulat, paglikha, o pagpinta. Si Maya Angelou na African American Artist, pinasok ang pagiging prostitute para lang masubukan kung ano ang damdamin ng isang prostitute. Walang alagad ng sining na sobrang santo, o kasing linis ng Alkaline Water. Halos lahat may duming nagawa kaya narating nila, naintindihan, naranasan ang mga bagay na takot tayong lahat na puntahan dahil karamihan sa atin nakatali sa na-established na batayan ng tama at mali.
Hindi ako Noranian, at hindi ako nabuhay sa panahong guy and pip. Nabuhay ako sa panahon ni Judy Ann santos at Wowie De Guzman. Pero naniniwala ako na karapat dapat si Nora Aunor maging pambansang alagad ng sining. Igawad sa kanya ang karangalan dahil totoo namang  magaling sya at ilang ulit nang nagbigay ng karangalan sa bansa. Kung ang ibang bansa ay nabigyan sya ng parangal, bakit hindi sya magawang bigyan ng bansang binibigyan nya ng karangalan. 
Wala tayong pakialam sa naging choices at decisions ni Nora Aunor sa kanyang buhay. Sining nya ang dapat natin timbangin, at bigyan ng pagpapahalaga ang naiambag nya sa pelikulang Filipino.  
Pero kung hindi talaga sya ang gustong hirangin na national artist ng ating pangulo, sana kahit si Janet Napoles nalang.  
3 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Para sa sambayanang galit na galit nung binugbog si Vhong Navarro, sa mga kabataang umiyak nung naubusan ng ticket sa Concert ng One Direction, pero walang pakialam sa usapin tungkol sa pagnanakaw ng mga pulitiko. Ok lang yun, naiintindihan ko kayo. Gusto mo ng loombands? isaksak natin sa baga mo. hehe Bakit pa ba kasi natin paglalaanan ng oras ang mala-teleseryeng Pdaf Scam? Ang laki na ng kuryente na sinayang ng taong bayan kaka-abang sa balita, ilang beses narin nasunogan ng sinaing ang ermats mo kaka-abang kung makukulong ba ang idol nyang artista, ilang lasengero na rin ang nagtalo kung paano na kaya ang sex life ni Denise Cornejo este Napoles pala, kawawa naman yung mga naglaan ng oras at pagod sa rally, magkano ba ang nagagastos tuwing may hearing? nag-aalala lang ako baka kasi lumagpas pa kesa dun sa ninakaw nila. Tanggap ko naman na bulok ang sistema. Naiintindihan ko naman ang makikitid na utak ng mambabatas. Mga abugadong pilit pinagtatakpan ang pag-nanakaw ng isang pulitiko kahit sumasambulat na ang ebedensiya. Mga media reporter na pinapaikot lang ang balita. Nakakatuwa kayo, sarap nyong kurutin sa singit.  Sigi na nga, sabihin na nating umuusad ang kaso. Meron ng nakulong at nasampahan ng kaso. Ang problema ang dami naman ng hinaing, gusto yata sa condominium sya ilagay, ano yun paglalaanan pa sya ng pondo. Kinuha na nga nila ang pera ng bayan, pati pa yung natira gusto pang kunin. May bartolina naman sa Muntinlupa dun sila bagay, mas safe pa. Next election Guys, iboto lang natin ang mga artista. Para laging may thrill ang buhay ng bawat Pilipino.
4 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Personally, i discourage you from trying to find a "mr right". With the endless stream of guys and all the talents, traits, quirks, and hangups each one has, there will never be a mr right for you (in the long run).
Sure. at first he may look, act, or seem like the perfect guy, but as time passes and you find out all the nasty stuff he carries or hides.. will he still be The Mr. Right?
It's better if you fall on love with someone who's just an ordinary person to start with, then as you get to know him in the long run, you'd realize that finally.. you've found your mr right..
5 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
School Days na naman. Nasa 1 Million na daw ang mga gumraduate na wala pang trabaho up to now. Mga students, tulungan niyo naman ang Pilipinas! Wag na kayong gumraduate next school year!
8 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Ginawa tayong iba-iba, binigyan ng kanya-kanyang pagkatao, pag-iisip, kakayahan, ugali, kahinaan at maging kanya-kanyang kapangitan. Kaya nga sa mundong mataas ang tingin sa taong may mataas na grado sa transcript of records at report card, mahirap makipagsabayan kapag di ka tulad nila. Lalo na kung di ka bibigyan ng pagkakataong umusad man lang kahit sa simula. Sana maintindihan mo na higit sa utak na magaling magmemorize, mas may bigat ang pusong marunong umunawa at magbigay halaga sa kapwa.
6 notes · View notes
rhayrebac · 10 years
Text
Gusto mo bang magka-girlfriend?
Ayun sa statistics, mas marami daw ang bilang ng mga babae kesa mga lalake. Pero hindi ibig sabihin nun na malaki ang tsansa na magkaroon ka ng maraming Girlfriend. Marami man ang babaeng nakikilala mo, nakakasalubong mo sa daan at mga nakikita mong sumasayaw sa dance floor ng hubot hubad, lahat yun ay pansamantala lang. Dahil ang babaeng mamahalin mo habang buhay at mamahalin ka rin pabalik ay iisa lang. Yun ay kung makahanap ka„ Walang ibibigay na direksyon para hanapin mo sya at walang formula na susundin para maging kayo. Hindi mahahanap sa google at sa yahoo o kahit ano pang search engine, pero kung makulit ka talaga at sanay kang mamboso, pwede mo naman syang silipin sa facebook. Hindi rin kailangan pumunta sa Quaipo para bumili ng gayuma. Ang kailangan mo lang gawin ay patunayan na mabuti kang tao at malinis ang intensyon mo para sa kanya at wala kang balak na nakawin ang kanyang cellphone. Sa totoo lang, maraming mga babae ang may mabubuting kalooban na tapat magmahal pero hindi nabibigyan ng halaga dahil may mga siraulong nilalang na mapagsamantala. Hindi natin pwedeng isisi yun sa Bagyong Yolanda. Walang babae ang pinangarap na masaktan o mabigo sa pag-ibig. At walang babae ang ginustong magbigti sa puno ng kamatis dahil sa kapalpakan sa pag-ibig. Lahat sila ang tanging hangad ay ang maging masaya katulad ng mga ka loveteam ni John Llyod Cruz sa pelikula. Hanep! Aminin mo man o hindi, darating sa punto na ang babae ang magiging dahilan kung bakit nagsisikap ka sa buhay. Kung bakit ka nagkaroon ng pangarap, kahit wala ka naman talagang pangarap. Ang dahilan kung bakit ka nagbago, kahit wala naman talagang pag-asa na magbago. Ang dahilan ng pagpapa-pogi mo, kahit na alam mong pangit ka.
18 notes · View notes
rhayrebac · 11 years
Quote
Napakahusay talaga natin pagdating sa pang-gagaya sa Hollywood. Mula porma, salita, kanta, tv show, kahit yung kulay ng buhok at iba pang pisikal na meron sila kuhang kuha natin. Pero pagdating sa isyu ng pagiging responsable sa pagtayo sa sariling paa ng mga taga kanluraning bansa, hindi makuha-kuha ng karamihan sa atin yun.
8 notes · View notes