Tumgik
Note
Sa mag asawa
Saalin po? 😂
6 notes · View notes
Text
Tumblr media
1. "Wag kang mareklamo" - Pinili ng Diyos ang mga Israelita pero pagka nahihirapan sila or may isang oag subok na dumadating nandoon ang punto na nagrereklamo sila sa Diyos. Okay lang ang minsan na mag reklamo ka pero kung sa bawat tatahakin mo ay mag rereklamo ka or isisisi mo sa iba yung nga pinag daraanan mo doon na tayo magkakaroon ng problema dahil sa bawat buhay ay iba iba tayo ng pinagdaraanan, ibat iba tayo ng pagsubok na tinatakbo kaya bawal mag reklamo di porket nagkasama kayo sa isang takbuhin e buong journey mo makakasama mo siya tandaan ang Diyos lang ang makakasama mo sa bawat takbuhin ng buhay mo. Pwedeng magpahinga, pero bawal ang huminto at mag reklamo.
Tumblr media
2. "Bawal mag duda" - Ang mga israelita ay nagtalo kung pinapatnubayan ba sila ng Diyos o hindi sa verse 7 ng exodus 17. Ang bawat tinatahak natin sa buhay ay may patnubay ng Diyos kaya wag mong iisipin na hindi ka niya sinasamahan mali yun, mali ka ng iniisip dahil mahal tayo ng Diyos. Kaya bawal ang magduda mag tatampo sayo ang Diyos. He is the Jealous one 😊 buti pa sa tao nag titiwala ka pero sa Creator mo nag dududa ka Mali yun!
Tumblr media
3. "Bibigyan ka niya ng kasama" - Si Moises hindi siya nag iisa binigyan siya ng kasama ni Yaweh si aaron at si hur nung nangangawit na si moises kumuha sila ng bato at pinaupo si moises at itinaas ang kamay niya noon ay nasa isang pakikipaglaban si josue at dahil sa pagtutulungan nila nalupig ni josue ang mga kalaban. Ganyan ka din sa pag lilingkod ang sabi nga 2 is better than one. Hindi ka mabubuhay sa isang ministeryo ng nag iisa ka lang hanap ka ng alam mong magiging kasangga mo o manalangin ka ng makakasama mo sa ministry "Hindi jowa ha?" Kundi ministry buddy mas madaming kasing magagawa pag may kasama ka at makakatulong sa pag lago mo ndi lang sa ministry kundi sa spiritual.
Tumblr media
4. "Kasama mo ang Diyos sa laban" - Mapa spiritual battle man yan o kung saan man isama mo siya sa mga laban mo tiyak na magtatagumpay ka isuot mo din palagi yung armour mo yung prayer at ang word of God tiyak na ndi ka magagapi. Sabi nga e pag hindi ka na nag babasa ng salita ng Diyos "Delikado ka na". Sa buhay natin yun ang wag na wag natin iwawaglit sa ating buhay ang armour kasi ang pananalangin doon natin kinakausap ang Diyos at ang pagbabasa ng bibliya doon nagsasalita ang Diyos saatin kaya Wag na Wag natin iyon aalisin parang mga cellphone lang natin yan ndi nawawala sa katawan natin.
Tumblr media
5. Sumunod at magtiwala sa gagawin niya - tandaan sumunod ka lng dahil di ka niya dadalhin sa mali kasi all-knowing God siya alam niya ang lahat ultimo bilang ng buhok mo alam niya kaya ang gagawin mo lang sunod lng and hayaan mong kumilos siya sa buhay mo.
Tumblr media
God bless 😊
3 notes · View notes
Text
Tumblr media
1. "Wag kang mareklamo" - Pinili ng Diyos ang mga Israelita pero pagka nahihirapan sila or may isang oag subok na dumadating nandoon ang punto na nagrereklamo sila sa Diyos. Okay lang ang minsan na mag reklamo ka pero kung sa bawat tatahakin mo ay mag rereklamo ka or isisisi mo sa iba yung nga pinag daraanan mo doon na tayo magkakaroon ng problema dahil sa bawat buhay ay iba iba tayo ng pinagdaraanan, ibat iba tayo ng pagsubok na tinatakbo kaya bawal mag reklamo di porket nagkasama kayo sa isang takbuhin e buong journey mo makakasama mo siya tandaan ang Diyos lang ang makakasama mo sa bawat takbuhin ng buhay mo. Pwedeng magpahinga, pero bawal ang huminto at mag reklamo.
Tumblr media
2. "Bawal mag duda" - Ang mga israelita ay nagtalo kung pinapatnubayan ba sila ng Diyos o hindi sa verse 7 ng exodus 17. Ang bawat tinatahak natin sa buhay ay may patnubay ng Diyos kaya wag mong iisipin na hindi ka niya sinasamahan mali yun, mali ka ng iniisip dahil mahal tayo ng Diyos. Kaya bawal ang magduda mag tatampo sayo ang Diyos. He is the Jealous one 😊 buti pa sa tao nag titiwala ka pero sa Creator mo nag dududa ka Mali yun!
Tumblr media
3. "Bibigyan ka niya ng kasama" - Si Moises hindi siya nag iisa binigyan siya ng kasama ni Yaweh si aaron at si hur nung nangangawit na si moises kumuha sila ng bato at pinaupo si moises at itinaas ang kamay niya noon ay nasa isang pakikipaglaban si josue at dahil sa pagtutulungan nila nalupig ni josue ang mga kalaban. Ganyan ka din sa pag lilingkod ang sabi nga 2 is better than one. Hindi ka mabubuhay sa isang ministeryo ng nag iisa ka lang hanap ka ng alam mong magiging kasangga mo o manalangin ka ng makakasama mo sa ministry "Hindi jowa ha?" Kundi ministry buddy mas madaming kasing magagawa pag may kasama ka at makakatulong sa pag lago mo ndi lang sa ministry kundi sa spiritual.
Tumblr media
4. "Kasama mo ang Diyos sa laban" - Mapa spiritual battle man yan o kung saan man isama mo siya sa mga laban mo tiyak na magtatagumpay ka isuot mo din palagi yung armour mo yung prayer at ang word of God tiyak na ndi ka magagapi. Sabi nga e pag hindi ka na nag babasa ng salita ng Diyos "Delikado ka na". Sa buhay natin yun ang wag na wag natin iwawaglit sa ating buhay ang armour kasi ang pananalangin doon natin kinakausap ang Diyos at ang pagbabasa ng bibliya doon nagsasalita ang Diyos saatin kaya Wag na Wag natin iyon aalisin parang mga cellphone lang natin yan ndi nawawala sa katawan natin.
Tumblr media
5. Sumunod at magtiwala sa gagawin niya - tandaan sumunod ka lng dahil di ka niya dadalhin sa mali kasi all-knowing God siya alam niya ang lahat ultimo bilang ng buhok mo alam niya kaya ang gagawin mo lang sunod lng and hayaan mong kumilos siya sa buhay mo.
Tumblr media
God bless 😊
3 notes · View notes
Text
Devotion - May 27, 2019 Prayer : Lord, Maraming salamat  po sa gabing ito upang makapag aral po ng iyong salita. Patuloy Panginoon na turuan niyo po ako at bigyan niyo po ako ng pusong marunong magpaturo at patuloy po na samahan niyo po ako at ipaalam niyo po saakin kung ano po yung mga dapat at nararapat ko pong gawin, maging batayan po ito upang mas lumawak pa po ang aking kaalaman at pagkatuto. Maraming salamat po, Amen.
Book of Proverbs King Solomon wrote the book of proverbs. The book of wisdom. Verse : Proverbs 2
1. Seek God and His wisdom - I seek mo yung word ng Lord, Syempre hindi yung word niya maging mismo ang Diyos na nagbibigay sayo ng word, ng directions kung ano yung mga dapat mong gawin upang maging maayos ang iyong buhay and after mo ma seek ma tatagpuan mo ( find) kung ano yung gustong sabihin kung anong gustong ipagawa/Sinasabi sayo ng Diyos. 2. Keep His word- Keep His word not only keep pero isinasagawa, ng sa gayon God will keep you sa judgement dahil alam niya na ginagawa mo yung pinapagawa niya sayo bilang isang anak niya. At ma preserve ka dahil umiiwas ka sa gawa ng masama at hindi ka nagpapadaig sa gawa ng masama. 3. Pleasant soul- Pag nagawa mo ito, mararamdaman mo na sumaya yung puso mo kuntento ka sa kung ano man ang nagawa mo dahil alam mong ito ang pinapagawa sa iyo ng Diyos hindi dahil command ito ng Diyos pero mahal mo yung lumikha ng utos. God loves us kaya niya ginawa yung mga utos na ito hindi para pahirapan tayo pero para maramdaman natin na concern siya saatin kahit na nagkakasala tayo still God Loves us. Kaya kung gagawin mo kung ano ang nasusulat and kung gagawin mo ito ng buong puso na walang hidden agenda i assure you na ma peplease mo si Lord and syempre magkakaroon ng kapayapaan sa puso mo.
Prayer : Lord maraming salamat po sa iyong word, and nakikita ko po dito na kulang pa po ang aking kaalaman bilang isang anak mo bilang isang servant mo kaya patuloy po na nanghihingi po ako ng wisdom po sa inyo sa bawat gagawin ko po kaakibat po nito ang pangungusap mo, yung pag gabay mo Panginoon. Lord, More of You Lord, Less of me. ayoko po na sa bawat gagawin ko ako lamang ang makita, Let your glory shine. Let your word speaks, Let my actions show na ikaw lamang po yung siyang nakikita saakin. Sa bawat salita ko Panginoon patuloy niyo po akong samahan sa lahat ng aking gagawin. Maraming salamat po Panginoon. More wisdom, more love, more more peace from You. Thank You, I praised and Adore you. Amen.
2 notes · View notes
Text
Fear God Alone
Devotion - May 26, 2019
Book of Proverbs 1 King Solomon wrote the book of proverbs. The book of wisdom.
Proverbs 1 : 7 - The fear of the Lord is the beginning of knowledge, but fools despise wisdom and instruction.
What will you gain if you fear God?
1. Wisdom - Magkakaroon ka ng wisdom, Madidirect yung path mo sa tama. Ang wisdom hindi lang yan nakukuha sa pagbabasa ng isang libro or what ito ay binibigay ng Diyos upang maging maayos ang pag dedesisyon sa sarili mo man, sa pakikipag kapwa tao, sa iyong pamilya, sa iyong negosyo ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng wisdom kung ano ang tamang gawin sa isang bagay.
2. Teacheable Heart - Pag may takot ka sa Panginoon alam mo kung paano magpakumbaba at Kung may Pagtuturo dapat may nagpapaturo. Kung bibigyan ka ng wisdom ng Panginoon tapos ikaw mismo ayaw mo sundin yung wisdom na binibigay niya sayo then hindi ka matututo. Wag kang mamili ng mga taong magtutuwid sayo, Wag kang mamili ng Pastor na mag pepreach na puro blessings lang paano ka bibigyan ng wisdom ng Diyos kung namimili ka ng magtutuwid sa iyo dito sa lupa? Kung hindi mo kayang kainin yung salita ng Diyos galing sa isang taong hindi mo gusto kung paano siya magturo? Dapat in any ways dapat marunong tayo magpaturo, tumanggap ng pagtuturo upang alam natin kung paano natin tatanggapin yung wisdom na ibibigay ng Diyos sa kahit saang kaparaanan..
2. Self Control - Makakapag timpi ka sa sarili mo na kahit na minsan below the belt na yung ginagawa sa iyo ng tao pero dahil may takot ka sa Diyos, Magtitimpi ka. Iisipin mo muna yung magiging kakahinatnan nung gagawin mo bago ka gumawa ng hakbang. Sa pag sasalita, Yung sasabihin ko ba ay makakatulong or makakasama ? Makakasakit ba ito o mabibigyan ng katuwaan or matututo ba ang aking pagsasabihan? Sa gawa, Kung sasaktan ko ba siya magiging ok na ba ako? o mas lalo lang kaming ndi magkakasundo? Kung hindi ang lahat ng iniisip mo malamang hindi ito makakatulong hindi lamang sayo ngunit maging sa kasama mo. Kaya Kontrolin mo ang iyong sarili dahil ang may takot sa Panginoon ay nagtitimpi.
3. Love - Kung may takot ka sa Lord magkakaroon ka ng pagmamahal na nanggagaling mismo sa kanya. When you fear God mamahalin mo yung mga taong iniisip mo na hindi kamahal mahal, Yung mga taong nakagalit mo, Yung mga taong nanira sayo Pero ang sabi ng Lord " Mahalin mo sila dahil minahal kita." That's a commandment at kung mahal mo sya at kung may takot ka sa kanya susundin mo iyon dahil alam mo na iyon ang tama at iyon ang nararapat na gawin. Pag minahal mo yung mga taong kagalit mo magkakaroon ka ng kapayapaan sa sarili mo, Pati ang paligid mo magiging payapa dahil alam mo sumusunod ka sa kung ano ang inuutos sa iyo ng Panginoon.
Prayer for tonight :
Lord, Maraming salamat po sa gabing ito na binigyan mo ako ng pagkakataon upang makapag devotion muli. Panginoon, Patuloy niyo po akong turuan, at bigyan niyo po ako ng nagpapaturong puso kung nalilihis man ako Panginoon patuloy niyo po akong paalahanan upang ng sa gayon ay hindi po ako malihis ng tuluyan ng Landas. Lord, Patawarin mo din po ako sa nagagawa kong kasalanan at kung nalihis man po ako Panginoon salamat dahil sa pagtutuwid na hindi mo po ako pinababayaan. Lord, thankyou po grabe yung natutunan ko sa devotion ko. maraming salamat po. Amen.
0 notes
Text
TO THE WOMAN OF GOD:
Be an ESTHER, bold and courageous enough to stand for the truth, to voice your opinion and fight for the good of others, even when it means to sacrifice yourself. If God has put you in a position, it is for a purpose. Never be afraid to heed that inner voice.
Be a RUTH, loyal in all your relationships, walk the extra mile and don’t quit when things get tough. Someday, you’ll see why it was all worth the effort.
Be a LYDIA, let your homes be open, let your hands be generous, let your hearts be big enough to help anyone in need. Joy is greatest when shared.
Be a HANNAH, never cease to pray. It will never be in vain.
Be a MARY, humble and submissive. You don’t have to be great for God to use you, you just need to obey.
Be a DORCAS, use your talents, however small it may seem to bring a smile on someone’s face. You’ll never know how much it can mean to someone.
Be an ABIGAIL, remember how each decision can turn your life around for good or bad. Be wise.
Be an ELIZABETH, never doubt what God can do. He is the God of many miracles.
Be a MARY MAGDALENE, never let your mistakes and judgments of other people stop you from experiencing the joy of Jehovah.
Be a REBEKAH, never forget that true beauty lies within. Draw all your loved ones closer to God through your Christ-like character.
Lastly be a SARAH, age doesn’t matter. Trust & believe that all things are possible with God according to His time.
“She is clothed with strength and dignity, and she laughs without fear of the future.” - Proverbs 31:25
5K notes · View notes
Quote
For you have made the LORD, my refuge, Even the Most High, your dwelling place. No evil will befall you, Nor will any plague come near your tent. For He will give His angels charge concerning you, To guard you in all your ways.
PSALMS 91:9-11 NASB (via gracefaithworks)
#myrefuge
62 notes · View notes
Text
Sa Aking Future husband❤
Magandang gabi, Irerequest ko lang sana marunong ka magluto 😂 marunong naman ako kaso mas maganda kung marunong ka din. hehehehe Mahilig ako sa lahat ng ulam 😂 kaya wala kang magiging problema sa akin 😂 pero sana kahit tumaba ako e kaso mataba na ako hahahhaa mahalin mo padin ako. Mahilig ako sa fries, kape at milktea 😂 bilhan mo lang ako nun masaya na ko 😂 kasi mababaw lang ang kaligayahan ko. Pero isa lang ang hinihiling ko sana tanggapin mo ako, yung past ko yung lahat ng flaws ko. Yung alagaan mo lang ako sapat na sa akin yun, Sa ngayon mahalin muna natin si Lord ng buong puso at ipakita natin sa kanya yung da best natin bilang isang anak niya. Mahal na mahal kita di pa man kita kilala.
Your future wife,
Jezzel :)
5 notes · View notes
Text
Para sa aking future husband 10-21-2018
Dear future husband,
Hi, unang sulat ko ito sayo :) alam mo ba na hindi ka nawawala sa isip ko and keep asking God na sana kahit na ipakilala ka lang niya saakin. Minsan may mga nasasagi sa isip ko na mga katanungan na ano kaya yung itsura mo? Matangos kaya ang ilong mo? Kulot ka b ? heheheeh minsan nakakaisip ako ng certain na tao kagaya nung unang crush ko sa church na iniiisip ko na kaya hindi pa siya nag aasawa kasi baka ikaw na yun, yung binigay ng Lord para sa akin, o kali man ung isang youth pastor na anak ng ninong ko ang dami kong iniisip na baka ikaw na yon pero iniisip ko din at hinihiling ko sa Panginoon na kung anong ministry or mission ang ginagawa ko ay ganun din ang ginagawa mo na kung anong vision ang pinakita sayo ng Lord maging same tayo kasi ayokong malayo ulit sa Panginoon dahil magkaiba tayo ng ginagawa sa buhay. Gusto ko lang sa relasyon natin is si Lord lang ang ma-glorify sa magiging buhay natin soon. Im not praying for a perfect partner pero yung request ko sa Lord alam ko na ibibigay niya yun sa tamang panahon pag ready na tayo at pag nasulit na natin ang pagiging single natin i know na malayo layo pa ang lalakbayin natin as a single man and woman of God pero soon mamemeet din kita at masasabi natin sa isat isa na ikaw at ako ay perfect fit sa isat isa kasi nasa center natin si Lord. Alam ko na pinagdadasal mo din ako pero sa ngayon gawin muna natin ang magpapasaya sa Panginoon. Mahal na mahal kita alam ko na mag memeet din tayo soon.
Your Future Wife,
Jezzel
0 notes
Text
DEVOTION OCT. 17, 2018
BOOK OF PROVERBS
PROVERBS 2 TALKS ABOUT HOW TO LISTEN WELL, HOW TO OBEY TO GOD NOT ONLY SAY YES TO GOD BUT TO OBEY HIM WHOLE HEARTEDLY. GOD IS ALWAYS THERE FOR US, HINDI NATUTULOG ANG DIYOS BUT HE ALWAYS GUIDE US IN ORDER TO HAVE A GREAT LIFE OR A GOOD LIFE AS WE WALK ON OUR JOURNEY. GOD WILL GIVE US A WISDOM ON WHAT WE SHOULD DO ON OUR LIVES.
- Minsan sa buhay natin we neglect how God moves, minsan iniisip natin sa buhay natin an dahil sa lakas ko to dahil sa karunungan ko ito na minsan nagkakaroon tayo ng pride pagdating sa Diyos na hindi na sya na goglorify minsan nasasabi na natin na glory to me, not glory to God. Pero in order to have a successful life is to obey God, to leave everything to Him, yung mabigyan sya ng kapurihan sa buhay natin, To give Him glory alone. We must ask for wisdom in order po na maging masagana po ang buhay natin habang sumusunod po tayo sa Panginoon. Never na umasa sa sariling karunungan pag ganun ang ating ginawa nako ang buhay natin ay babagsak and hindi tayo magtatagumpay, asahan na natin yan kasi minsan sa buhay natin nararanasan na natin ang tagumpay na nararanasan natin dulot ng ating sariling karunungan pero in the end sa sobrang taas natin magugulat nalang tayo na babagsak tayo ang kailangan talaga natin na hingin sa Panginoon ang mababang loob and yung wisdom na nanggagaling sa Panginoon and never na gumawa ng isang hakbang na walang pahintulot ng Lord.
Eto ang magiging result pag nag obey ka sa Lord at pag humingi ka ng wisdom na galing sa kanya :
1. God will protect you and will direct your paths. - Bakit poprotektahan? kasi through wisdom doon nakikipag usap ang Panginoon sa taong involve kung may kaalitan ka man sa isang tao sya ang magsasalita para sayo hindi na dadaan sa madugong usapan pero magkakaroon ng isang maayos na usap. Minsan hindi mo na kailangan magsalita, minsan ang lord na mismo ang kikilos para sayo para maipaglaban kung ano man ang pinaglalaban mo at kung para sa Diyos naman ang ginagawa mo wala namang magiging problema doon dahil alam mo na sya ang kikilos sa bawat laban ng buhay mo. Ang kailangan mo lang gawin is mag aral ng kanyang salita at manalangin upang makakilos ang Diyos ng mapayapa sa susuungin mong problema.     - Will direct your paths - Itatama ka niya sa lahat ng dadaanan mo magkamali ka man ay alam mo itatama ka ng Lord at alam mo na ibibigay ng Lord yung the best future na ibibigay ng Lord sa buhay mo. sabi din sa isang verse sa bible na "Commit all your ways to the Lord and He will establish your path" - {Proverbs 3:6}
2. He kept the path of judgement - Parang sa pag po protect ng Lord pero eto naman is about sa pag huhusga, sa pag jujudge ng kapwa natin, Kung paano tayo mag judge ng tao at kung paano tayo i judge ng tao na nakapaligid sa atin. Minsan kung paano tayo mag judge ng taong nasa paligid natin is ganun din ung balik sa atin ganun din nila tayo i jujudge. Kagaya sa Lord pag gumawa tayo ng mali pantay pantay lang ang judgement, pantay pantay lang ang paghuhusga walang favoritsm dahil lahat tayo anak ng Diyos so hindi na kailangan na magtangi pagdating sa paghuhusga, dahil kung ano ang itinanim natin ay sya nating aanihin sa pagdating ng tamang panahon. Open ang mata ng Diyos sa lahat ng bagay at patas ng magbigay ng parusa. Parang sa isang magulang kailangan nilang paluin ang isang anak na pasaway hindi dahil hindi niya mahal ito ngunit upang matuto tayo, kagaya ng padidisiplina ng Diyos sa atin na ayon sa kanyang judgement ay may karampatang pagpapalo yun at pag aayos sa kung ano man ang ginawa mong mali pero para saatin naman ang ginagawa ng Lord hindi para sa wala lang kundi para matuto tayo sa buhay.
3. If you have a wisdom from God you are free from sin. - God give us a free will to do what is right and do what you want but you need to accept the consequence. Ang wisdom na binibigay ng Lord wag mong iwawalang bahala pag ikaw ay binigyan niya ng isang signal or isang wisdom wag mong sayangin kasi iyon ang kailangan mo upang mapagtagumpayan mo ang isang bagay na alam ng Diyos na kailangan mo ng kanyang patnubay, kailangan mo ng salitang nanggagaling sa kanya upang makaiwas ka sa gawa ng kaaway at maging sin-free ka sa mga ginagawa ng kaaway sa buhay mo. Pero kailangan mo munang katakutan ang Diyos bago ka bigyan ng isang karunungan na sya lamang ang nakakapagbigay. sabi nga sa proverbs 1:7 the fear of the Lord is the beginning of wisdom. Paano ka magkakaroon ng wisdom na nanggagaling sa Panginoon kung hindi ka naman natatakot sa kanya, kung hindi ka natatakot na gumawa ng mali, kung bawat pag papaalala niya sayo hindi niya pinapakinggan paano ka na? Dahil ang wisdom na nanggagaling sa Panginoon ay hindi basta basta kailangan mo nito ang matinding relasyon sa Panginoon. Seek His presence always, Seek what you really need sa Panginoon na alam ko na ang lahat ng ginagawa saatin ng Panginoon is kailangan natin sa buhay natin. Let His work be glorify, Let His light be magnify pero magagawa lang yun ng Lord kung iimpart mo sa puso mo ang bawat binibigay ng Panginoon na kaalaman. Walk your Talk, Let God's wisdom be show and gawin mo yan para sa ikakalauwalhati ng pangalan ng Panginoon.
0 notes
Quote
Lord it does not matter kung may love life or wala ang mas kailangan ko ang pagkalinga mo sa akin at ang Love na galing sayo
Tumblr media
1 note · View note
Text
HIS blood is thicker than your sins.
ACT 10:15, 10:34-:35
15The voice spoke to him a second time,"Do not call anything impure that God has made clean."
34Then Peter began to speak: "I now realize how true it is that God does not show favoritism.
35but accepts men from every nation who fear him and do what is right.
 -       Sa buhay natin minsan nararanasan natin na akala natin sa ating mga sarili ang dumi-dumi natin. We think that we are not worthy for God. We think also na hindi na tayo worth mismo sa kung ano ang pinapagawa ng Lord sa atin na hanggang sa ma under estimate natin ang mga sarili natin hanggang sa mawala ang fire sa puso natin bilang kanyang mga follower (parang IG lang or Twitter – na kung pweding I unfollow sa isang click lang makakalayo na tayo doon sa mga taong sinusundan natin sa mga social media) But God tells us na kapag sumunod ka hindi tinitignan ng Lord kung gaano karumi ang nakaraan mo or kung gaano ka kabangis noong hindi ka pa nanunumbalik sa kanya. Ang LORD never kang I jajudge niyan madalas na tayo pa ang nag ja judge na iniisip natin agad “iniwan na ba ako ng Diyos? Pero in the first place pag feeling natin na parang nawawala na sya icheck din natin ang ating mga sarili baka tayo na ang nawawala o baka tayo na ang lumalayo sa kanya. Ang Lord kahit gaano ka pa karumi or gaano man kasalimuot ang buhay mo pag lumapit ka sa kanya pag sinurrender mo ang mga kamalian na nagawa mo sa kanya lahat ng kasalanan mo ay ma wawash out! Hindi lang matatabunan, kundi parang isang plato na sobrang kalat pero pag sinabon at binanlawan ng tubig nagiging malinis muli. Ang grace ng Lord ay sobra sobra, nag uumapaw, higit pa sa iniimagine mo.
 1.    Wag mo ng tawagin ang sarili mo na marumi pag nilinis ka na ng Panginoon -  Pag nagrepent na dapat tuloy-tuloy na ang pagbabago, wag ng tatalikod pa.Ang pagbabago na kasama ang Diyos tinatanggal nito ang mga bagay na tingin ng Diyos na hindi mo kailangan tatanggalin niya ito sa iyo. Wag ng titingin pa sa mga past na kasalanan na nagawa mo na tapos na yun nilinis ka na ng Panginoon. At kung ikaw alipin ka parin ng mga nakaraan mong kasalanan aba mag isip isip ka baka may mali sa paglapit mo sa Panginoon kaya madali kang mahatak ng kaaway. Ang kaaway susubukan niyan ang lahat yung mga alam niya na kahinaan mo doon ka niya dadalihin at kung hindi ka sensitive enough, at kung nabago ka na ngunit ang sarili mo ay paulit ulit na nalilinlang ng kaaway dapat alam mong pag labanan paano ba?
 A.    Basa ng Bible – Magbasa, mag aral ng salita ng Diyos. Kung ikaw nagbabasa ka ng bible alam mo kung paano mo mapaglalabanan ang gawa ng kaaway hinding-hindi ka basta basta mag papadaig sa gawa ng kaaway dahil alam mo na kasama mo ang Diyos.
B.    Pray – Magdasal. Hindi lang dapat sa bible dapat nag pepray din tayo para masabi din natin kung ano ung mga blessing at mga trials na dumadaan sa buhay natin. Mahirap maglakad sa isang landasin na hindi kasama ang Panginoon at hindi makakatulong kung hindi mo sya kasama.
C.   Fellowship – Ang fellowship ay nakakatulong din upang mapaglabanan mo ang mga pagsubok, yung mga temptation sa buhay mo. Pag may nakakausap ka about sa spiritual yung mapagkakatiwalaan mo at kayang mong I open sa kanya  - I open mo sa kanya para mabigyan ka din niya ng payo kung ano yung mga dapat mong gawin at ganun din sya upang makapag palakasan kayo sa isat isa ang sabi ng sa isang kanta “Two is better than one” daig ng dalawa ang isa kaya fellowship lang at maghanap ng spiritual buddy mo na makakatulong mo mapaunlad ung spiritual life niyo.
 2.    Walang kailangang itangi, Lahat tayo ay Paborito niya – Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa kahit ikaw pa ang pinaka masamang tao, kahit na ikaw ang pinaka sa lahat pag binago ka ng Panginoon at nakita mo ang purpose mo sa buhay mo hindi mo na maiisip na ang Diyos mahilig magtangi, Hindi magagawa ng Diyos na magtangi lamang ng isa  dahil tayo ay may kanya kanyang purpose at kanya kanyang Gawain sa buhay na binigay ng Lord ngunit pantay pantay ang pagtingin sa atin ng Panginoon kasi minsan sinasabi ng mga tao pag pumapasok sa loob ng church elementary palang ako nadidinig ko na ito : Masusunog kami dyan, Mga banal lang ang nasa church, Simba simba pa paglabas gagawa din ng kasalanan. Ayaw lamang nating aminin na pag pumasok tayo sa simbahan kayang baguhin ng Lord ang nasa puso natin, yung mga bagay na akala natin na nakakapag pasaya sa atin tinatanggal ng Panginoon upang Makita natin kung ano ung mga nasa likod na blessing na ibibigay niya sa atin. Hindi magagawa ng Diyos na magkaroon ng Favoritism dahil sa buhay talaga may unang pinagpapala at may nahuhuli naman kasi ng may process pa kasi tinitingnan pa ng Lord ung puso natin at ung capacity natin na hawakan mismo ung bagay na pinagkatiwala sa atin ng Diyos. Lahat ng bagay may sapat na panahon upang ibigay sa atin ng Panginoon ang kailangan lang ay maghintay. Kaya hindi kayang magtangi ng Diyos dahil mahal niya tayong lahat.
 3.    Kapag bumalik ka sa Panginoon gawin ang tama at ang nararapat bilang isang anak niya – Pag bumalik sa Panginoon, Wag ng tatalikod pa muli. Wag nang balikan ang mga dati mong ginagawa. Kung dati adik ka sa panonood ng Pornography dahil binago ka na n gating Panginoon hingi mo sa kanya ang pagsama mo upang mapaglabanan mo yung panonood nito hilingin mo na tanggalin sayo ito na patuloy kang tuluyan upang matanggal sayo ang pagka adik sa maling Gawain at maadik ka sa panonood ng mga preachings, ng mga trainings, sa pagbabasa ng Bible sa pagpepray at sa pakikipag fellowship. Wag mong sayangin ang buhay mo sa walang katuturang bagay, sa walang patutunguhan kundi kapahamakan sa dulo. Ang Lord pag hiningi mo sa kanya na samahan ka niya gagawin niya talaga yun upang mabago ka ng tuluyan at Makita mo ang purpose mo bilang anak niya bilang isang servant niya. Balik ka na sa Panginoon habang hindi pa huli ang lahat habang kaya pa nating maglingkod, habang kaya pa nating sambitin ang pangalan niya. Mahirap kung huli na ang lahat kapag narealized natin at matanda na tayo nakakilala sa Panginoon sasabihin natin sa ating mga sarili na “ sayang ! kung noon pa sana ako nakakilala sa Panginoon ng sa ganoon mahaba pa akong makakapag serve sa kanya”.Tara balik na hinihintay ka na ng Lord.
  Prayer :
          Lord, maraming salamat po sa umagang ito na nakapag devotion muli ako oh Diyos patuloy Panginoon na baguhin niyo po ako for the better at hindi para sa worst. Lord use me effectively sa mga ministry niyo po na pinagkatiwala po sa amin. Maraming salamat po. Lord continue Lord na pag alabin mo po ang puso ko sa pag lilingkod sayo na ikaw lamang po ang Makita ko. Maraming salamat po sa pangalan ni Hesus, Amen.
0 notes
Text
Be called of God - Though a sinner he will use for his greater purpose
Minsan sa buhay magugulat na lang tayo na minsan tatawagin tayo ng Diyos. Madalas nagiging si Jonas tayo na patago tago o kali man si Peter na pag nandyan na sa problema kinakatatwa na ang Diyos. Dito sa pag aaralan natin makikita natin na kahit ano man ang kasalanan mo galing ka man sa pinaka makasalanang tao, o ang tingin mo man sa sarili mo ay hindi karapat dapat pero pag ginamit ka ng Panginoon, pag tinawag ka niya madaming mangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Minsan magugulat ka nlng minsan naman ma a amazed ka nlng dahil grabe ang pagkilos ng Diyos pero kailangan muna pag na expirience mo ito dapat ang puso mo ay maayos sa harapan ng Diyos. 
For three days he was blind and did not eat or drink anything.
10 In Damascus, there was a disciple named Ananias. The Lord called to him in a vision, “Ananias!” “Yes, Lord,” he answered.11 The Lord told him, “Go to the house of Judas on Straight Street and ask for a man from Tarsus named Saul, for he is praying. 12 In a vision, he has seen a man named Ananias come and place his hands on him to restore his sight.”13 “Lord,” Ananias answered, “I have heard many reports about this man and all the harm he has done to your holy people in Jerusalem. 14 And he has come here with authority from the chief priests to arrest all who call on your name.”15 But the Lord said to Ananias, “Go! This man is my chosen instrument to proclaim my name to the Gentiles and their kings and to the people of Israel. 16 I will show him how much he must suffer for my name.”17 Then Ananias went to the house and entered it. Placing his hands onSaul, he said, “Brother Saul, the Lord—Jesus, who appeared to you on the road as you were coming here—has sent me so that you may see again and be filled with the Holy Spirit.” 18 Immediately, something like scales fell from Saul’s eyes, and he could see again. He got up and was baptized, 19 and after taking some food, he regained his strength.
1. Sometimes we are blind to our purpose - Hindi lang minsan ngunit madalas tayong bulag sa kung ano ang pinapagawa ng Diyos sa atin. Minsan din nagbubulag bulagan tayo sa kung ano nga ba ang purpose natin kung ano talaga ang pinapagawa niya para sa atin. Baka naman sa sobrang bulag ka na sa kung ano ang pinapagawa sayo ng Diyos ee pati siya hindi mo na din makita to the point na wala ng sense ang mga sinasabi niya sa iyo at baka sa sobrang bingi mo na ndi mo na din madinig ang instruction niya kasi nga dahil sa bulag tayo baka pati yung pandinig natin ay maapektuhan na. WAG NAMAN SANA! MAHAL KA NG DIYOS at never mong takpan ang mata mo at ang tenga mo sa pinapagawa niya sayo. kasi kung gagawin mo yan nagmamalaki ka na sa kanya, sign yon ng disrespect. sana wag naman natin taguan ang Diyos. gawin natin kung ano yung makakapag pasaya sa kanya.
2. God will return your sight to the things you need to do - Ibabalik ng Lord yung paningin mo sa mga bagay na ipapagawa niya sayo, or sa mga bagay na pinapagawa niya sayo na minsan nawawalan ka na ng pag asa, ng desire para doon sa bagay na iyon pero wag kang malungkot, wag kang mawalan ng pag asa. Manalangin at hingin sa Panginoon yung panibagong sigla, yung desire mo na makapag lingkod ng the best, yung maibigay mo ung puso mo sa isang bagay na pinapagawa sayo ng Panginoon. Hingi mo sa kanya na ibalik niya ang init mo sa pag lilingkod, yung pagmamahal niya na nakakapag lakas ng loob sayo na patuloy na maglingkod, hingin mo ulit yon sa kanya tignan mo hindi ka niya bibiguin. Humingi ka ng wisdom na nanggagaling sa Panginoon, lakas ng loob, patnubay sa araw araw na ginagawa mo kung ano ang nais niya sa buhay mo na palakasin niya ang kalooban mo. at ibalik niya ang iyong paningin at ifocus ito sa mga mahahalagang bagay ng gustong ipagawa sayo ng Diyos.
3. God will use you to proclaim His goodness and share His love - Ihanda mo ang sarili mo gagamitin ka ng Diyos para sa great purpose niya para ma itaaas ang kanyang pangalan. Hinihintay ka lang ng Panginoon na lumapit sa kanya at ibigay mo ang sarili mo sa kanya upang makakilos sa syo at maipakita niya sayo ang mga bagay na kagilas gilas at mga bagay na hindi mo inaasahan na gagawin niya sa buhay mo ang kailangan mo lamang ay sumunod, at gawin kung ano ang gustong ipagawa ng Panginoon sa buhay mo. :) Wag mag alinlangan kasama mo sya sa bawat hakbang ng buhay mo.
Prayer : 
Panginoon, maraming salamat po sa umaga na ito na nag aral at natuto po ako sa mga salitang binigay niyo po sa akin. Panginoon patuloy po na kumilos ka sa buhay ko gamitin mo po ako sa ikakalago ng iyong ministeryo na mas madami pong makakilala sa pag sheshare ko po ng pag ibig mo sa kanila. at wag po akong mabulag at maging bingi sa kung ano po ang pinapagawa niyo po sa akin. Maraming salamat Panginoon. Patuloy mo po akong gamitin oh Diyos. :) Salamat po Panginoon sa pangalan ni Hesus, Amen.
0 notes
Text
Devotion time! :D
Tumblr media
1 note · View note
Text
HOW TO HAVE A RIGHT HEART BEFORE GOD?
Paano ba magiging pag tawag ng Diyos sa atin ? Ito ba yung pagpapakita sa iba na sumasaba tayo? or kung pinapatama natin sa Panginoon ang ating mga puso, ang ating mga ginagawa sa kanyang harapan?
1. Pray & Repent - Magdasal at humingi ng tawad sa Panginoon. Ang paghingi ng tawad sa Panginoon ay sign n ikaw ay nagpapakumbaba sa harapan niya. Parang sa magkasintahan lang yan kung papairalin mo ang pride mo at hindi ka hihingi ng tawad sa kanya maaring humantong sa hiwalayan pero kung ikaw humingi ka ng tawad sa kanya, konting suyo lang yan magkakaayos na din kayo. Humingi ng tawad sa Panginoon. hindi masama ang humingi ng tawad, ang masama is alam mo ng mali sige ka parin sa pag gawa non dahil lang sa naliligayahan ka , lahat ng bagay ay may katapusan. kaya ikaw bago umapak sa kahit aning ministry i make sure na yung puso mo ay tama sa harap ng Diyos. hindi lang sa harap ng tao, or ng crush mo.
0 notes
Text
DARE YOU TO MOVE.
ACTS 7:3 Leave your country and your people,’ God said, ‘and go to the land I will show you.’[a]
1. Leave your comfort zone : Naranasan mo na bang umalis sa lugar na panatag ang loob mo yung pakiramdam mo ayaw mo ng umalis? Paano kung hindi ka tinawag ng Lord sa lugar na iyon at tinawag ka niya sa ibang lugar? susunod ka padin ba? Or mag sstay ka padin sa comfort zone mo para maging comportable ka ?
Mararanasan mo ang tunay na pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng pagalis sa sarili mong bayan, ang sabi nga wala namang naging bayani sa sarili niyang bayan. Hindi ka makakapag serve ng maayos pag hindi ka lumabas ng comfort zone mo o baka maging panatag ka lang kasi may ministry ka sa lugar na iyon pero hindi naman talaga un ang tunay na plano ng Lord para sayo. Maging sensitive kung saan ka dinadala ng Panginoon Maaring sa dati mong tirahan, or sa mga madalas mong puntahan doon ka nilalagay ng LORD para ipangaral ang kanyang salita. Be sensitive din sa kung ano yung gusto niyang ipagawa sayo bilang isang tagapaghatid ng kanyang salita and BE WISE sa kung ano ang gusto niyang ipagawa sayo sa lugar na yon. 
2. God sent you to be a ruler and deliver of God’s message - Saan ka man nilagay ng Lord sa isang larangan nilagay ka niya upang mag overseas. mangasiwa at maghatid ng salita ng Diyos at wag mo itong itago dahil ang pagkilos ng Diyos sayo ay lantad at ganap at halata. kaya ikaw wag kang kumilos ng tago. kumilos ka ng halata kasi si Lord halata syang kumilos sa buhay mo. 
3. Obey - Hindi ka tatawagin ng Lord sa isang lugar kung wala siyang pinapagawa sayong mahalagang misyon. May purpose ang lahat ng bagay ang kailangan mo lang gawin ay sumunod para makita ang nasa likod ng mga plano nya na masusurprise ka na kakaiba ang pagkilos at paggabay na ginagawa niya sa buhay mo. Yung kamay niya na naka antabay sa mga taong gusto kang awayin or i cursed at pagpalain kung sino man ang nag bebless sayo. Pagsumunod ka wala kang talo, pag sumunod ka sa Panginoon lahat ng mga bagay na imposible mong nagagawa magagawa mo kasi nga kasama mo sya sa lahat ng gagawin mo. OBEY FIRST.
Prayer: 
Lord, maraming salamat po sa blessing na binigay mo po saamin. Lord continue to guide us, protect us, love us, mold us, use us. Lord patuloy po namin makita kung ano ung gusto mong ipakita saamin, magawa po namin ung gusto mong ipagawa saamin. Continue to search our hearts. Pumasok ka sa puso ko yung lahat lahat saakin ay baguhin mo. Patuloy o Diyos na kalingain mo ako sa panahon na nanghihina ako. at nawawala sayo. Lord mahal na mahal kita and Ayokong mawala sa plano mo. Maraming salamat po. In Jesus name Amen.
0 notes
Text
Be ready for GOD’S revelation.
Tumblr media
1 note · View note