Tumgik
pluma-at-tinta · 20 days
Text
Sa pagbagtas sa mundong ibabaw
Ang emosyon ng tao ay talagang naguumapaw
Samu't-saring kwento sa aking tainga'y umaalingawngaw
Kay dalas tila ba'y may umaaligid na bangyaw
Pakiwari'y mahusay daw ako sa pakikinig
Pagkat nakaupo lamang at walang tinig
Kailan nga ba masasabi ang nais ibukambibig
Kung napakaingay nitong daigdig
Sa pagbagtas ng buhay natin sinta
Kailan nga ba ako magiging pluma
Dahil laging nagiging papel na sumisipsip ng tinta
Kabahagi ng mga hunatahang sila ang nagpinta
Kailan nga ba magkakasilbi ang luha
Na hindi lamang tubig-alat kung bumaha
Bagkus alaalang patunay na patuloy ang paglubha
Nitong kuwentong hindi maikatha
0 notes
pluma-at-tinta · 23 days
Text
Bahaghari
Bughaw ang kulay ng karagatan
Maging kulay ng kalungkutan
Anong salamangka kahihinatnan
Kung damdami'y iiwan na lang sa dalampasigan
Dilaw ang siyang kasiyahan
Ngunit bakit tila kabaligtaran
Bakit sa araw ay nakikipagsapalaran
Upang maging kabahagi ng iyong pinagkakaabalahan
Ang mga puno ay luntian
Kasama ang mga bulaklak na namumukadkad
Gaya ng pag-irog na di kailangan ng katwiran
Bagkus bunga ng malalim na huntahan
Yamang walang dahilan
Noon pa ma'y nagkakaintindihan
Pula ang naging sagisag ng katapatan
Tila ba'y sandugo nang nagtatambalan
Sa kabilang buhay mananatili ba?
O magiging abo ang alaalang naiwan
Sing-itim ng lubos na pagdadalamhati
Gaano nga ba kakulay itong pag-ibig?
0 notes
pluma-at-tinta · 1 month
Text
Kailan natin mapapatawad ang ating sarili sa mga pangarap nating bigo at hindi na kailanmang maabot pa?
0 notes
pluma-at-tinta · 2 months
Text
Pamamaalam
Para sa aking liyag,
Kumusta ka?
Alam kong hindi mo ito nais
Ngunit tayo man ay tanungin,
Sa ganap na ito malamang ito na ang pinili mong pinakawais
Hindi ko inakalang dito hahantong
Mga pagkakataong ika'y kapiling ay atin ring alaalang ibabaong
Malalim sa madilim na gabing paparoong
Dako kung saan mo muling sisimulan ang buhay na parang nakatira sa barong-barong
Masakit, at mas lalong mamimilipit kapag ang oras na ito'y dumating
Kung wala ka, may puwang sa akin na hinding hindi malalagyan ng katiting
Dahil hindi ako makahanap ng paraan kung paano aalisin ang pagkakabuhol ng puso ko sa'yo man din
Magdurugo ako na tila ba ang mga sugat mo'y akin
Dahil alam ko, at alam mo ring
Itatago natin ang isa't, isa malayong malayo sa puso nating dalawa
0 notes
pluma-at-tinta · 4 months
Text
Sa mundong puno ng pagbabaka-sakali, ikaw pa rin ang pinaka-paborito kong "Paano kung".
0 notes
pluma-at-tinta · 4 months
Text
Sa dulo, tayo ay magiging hamak na alaala at kuwento lamang.
1 note · View note
pluma-at-tinta · 4 months
Text
Pinili kong mahalin ka nang taimtim,
Dahil sa pag-irog kong payapa, walang hindi pagtanggap,
Sa gitna ng katahimikan, wala akong karibal magpakailanman.
0 notes
pluma-at-tinta · 4 months
Text
Ang iyong mga mata, tulad ng tala kung bumuhay sa aking diwa
Sa bawat titig, buong-buo akong napa-iibig.
1 note · View note
pluma-at-tinta · 2 years
Text
Gaya ng mga tala,
Pangarap ko'y isang parirala
Tanong ko'y kailan mahihila
Aking mga paang naglalakbay
Sa bawat tanong, hindi maikakaila
Palayo ng palayo sa dating inihula
Hanggang patak na lamang ng mga luha
Mumunting tanong saan mo ba ako madadala?
6 notes · View notes
pluma-at-tinta · 2 years
Text
Nakakasawa, nakakasama.
Hindi madaling 'wag isipin, pero dapat ka nang bumitaw.
Pinapangako kong babalik ako sa paghawak ng pluma.
0 notes
pluma-at-tinta · 2 years
Note
Lahat ng tula mo para sa mga one-sided na may constant communication, pano naman yung two sided kaso LDR?
Diba't dapat mas maging masaya dahil nagmamahalan ang dalawa? Ang tunay na pag-ibig hindi nasusukat ng agwat o ng panahon, dahil kahit ano pang itapat dito, 'di ito basta kumukupas.
0 notes
pluma-at-tinta · 2 years
Note
Kelan kaya siya dadating?
Di siya inaantay, kung may balak siya pumunta baka dapat matagal na siyang nakarating o baka natagalan lang kasi may pinaghandaan.
0 notes
pluma-at-tinta · 2 years
Note
Ang gaganda po ng tula niyo, pano ba natin mapapatunayan tg mahal na talaga natin ang isang tao?
Maling sabihin na pinapatunayan ang pag-irog, dahil sa pag-ibig kusa tayong nagbibigay kahit pa buhay natin ang maging kapalit. Kaya mapait pa talaga sa ampalaya kung hindi naman ito sinusuklian ng tama.
0 notes
pluma-at-tinta · 2 years
Quote
Tulad ng buwan, palaging may bahagi sa atin ang nakatago sa dilim ng kalawakan.
1 note · View note
pluma-at-tinta · 2 years
Text
Mija,
“Maaari mo ba akong samahan sa pinilakang-tabing?”
Isang katagang sa aking isipa’y nagniningning
Hindi man ito ang salitang pinakalalambing
Sa oras ko’y umubos, lihim na layunin
Liyag ko, nawa’y iyong mabutingting
Tunay na adhika mo’y sa ami’y sining
Hindi ka man laging nakikita sa mumunting piging
Pakatatandaan mong hindi ka kailanman tinignan bilang tining
0 notes
pluma-at-tinta · 3 years
Text
Napakaikli ng buhay.
Ngayon ko lang nakita kung gaano kaikli ang dalawang dekada.
Ngayon ko lang nakita na ang dami pa sanang bukas na magdaraan.
Aabangan pa naming lahat ang bawat isa tungong tagumpay.
Sa pagsisimula natin sa bagong yugto ng buhay, aking natalos na unti-unti rin tayong nilalagas.
0 notes
pluma-at-tinta · 3 years
Text
Mahirap maghanap, kung ang mismong taga-hanap ang nawawala.
~P-A-T
0 notes