Tumgik
paulinecaren · 6 years
Text
Killer.
Bakit ganon, may mga tao na masaya pag nakikita kang nahihirapan. Pinagtatawanan pa nila pag umiiyak ka o nasasaktan. Masaya ba kayong pag-tawanan kung paano nag-pakatanga yung isang tao sa pag-mamahal? Nakakalungkot lang. 
0 notes
paulinecaren · 7 years
Note
How are you?
I’m not okay. I’m sad, I’m tired. I’m alone.
But that doesn’t mean I quit. I’m still breathing and there is still tomorrow for me. Yes, my heart is aching, but I do know that I’m crying because I experienced it. and That is called LIFE. 
0 notes
paulinecaren · 7 years
Text
Moving on.
Paano nga ba mag-move-on?
Ayon sa aking karanasan, eto ang ilang mga payo, para sa inyo, at sa akin na nasa proseso ng pag-move-on,
1. Ask question. Alamin mo kung anong nangyari. Yes, reality hurts, but its the truth. Kumbaga, pag alam mo kung anong dahilan, mas madaling intindihin. Hindi ko sinabing mas madaling tanggapin, kundi mas madaling intindihin. Minsan kasi, pag hindi mo alam anong nangyari, hindi mag sink in sa sarili mo na wala na. There comes the time na mag-iisip ka na lang ng posibleng nangyari, maaring yun nga ang nangyari, pero paano kung hindi. Mas mapapadali ang pagtanggap mo sa isang bagay na alam mo kung saan ka nagkulang, o nagkamali o kung ano ba talagang nangyari kung bakit wala na, nang sa ganun, alam mo din kung ano dapat mong susunod na gawin.
2. Ask yourself. Tama ba na nasasaktan ka dahil sa kanya? Tama bang nahihirapan ka sa mga tapos na, mga nangyari na. Tell yourself its not your fault. 
 “It is not my fault na niloko niya ako, I gave my very best.”
 “It is not my fault na kailangan naming maging LDR dahil may kanya-kanya kaming pangarap sa buhay at naka-buntis sya ng iba”
 “It is not my fault na binalikan niya yung nanay nung Anak niya kahit pa sinasabi nya sa akin na ako ang mahal niya”
but also don’t blame, mahirap yun. oo mahirap, kasi dun tayo nasanay e, yung manisi ng iba, para mapagaan ung pakiramdam natin, maninisi tayo. but lets try not to. wala naman na kasing magagawa yun e, just try to free yourself of the BURDEN, but don’t let others carry it. 
3. Cry. Yes, CRY. Ako, I listen to sad songs, break up songs, sad movies, I reminisce our happy memories. Kasi gusto kong iiyak lahat e, hindi ko gustong makalimutan yung mga memories na yun, pero gusto kong mawala yung PAIN na kasama sa tuwing maaalala ko yung mga memories na yun. I want na sa susunod na maalala ko sila, mapapangiti na lang ako. CRY a river. Its a powerful tool para malaman mo na minsan sa buhay mo, nagmahal ka, nasaktan ka. DON’T erase the memories, that is a part of who you are, of what you learned, of what you experience, It is not always happiness. Theres the PAIN and SADNESS for you to treasure the Happy memories.
4. LOOK BACK. Hahaha, You might say, ano ba to? Move on nga e, tapos look back. Yes, I said look back, titignan mo lang naman eh, ibig sabihin tapos na yun, nakalipas na, OO, miserable ka pa din ngayon. Pero tapos na. Ikaw na lang nag makakapag-sabi kung gagawin mo ulit sa future. pero the thing here is: it is already in the PAST. Maari ka pa ngang mapa-ngiti, iiyak uli. tapos magugulat ka, NAGING MASAYA ka din kasi. Sabihin mo man o hindi. 
5. Assess your situation now. As in yung ngayon. Wala na siya, may iba na ba siya, nasaan ka ngayon. Anong araw na ngayon. Sinong mag-bbirthday. Sino ang presidente ng Pilipinas. May trabaho ka ba mamaya. Kumain ka na ba? Anything. Just be PRESENT!! Kasi, you cannot do anything anymore about the PAST. Hindi mo na yun mababalikan, pero yung ngayon, pwede mo pang mabago. 
*Ako, I am working. nasa abroad ako, and it’s really difficult for me to move on, pero I have a JOB, I have upcoming exam. I have family to feed.* 
pag maisip mo yung sitwasyon mo ngayon, maiisip mo na wala na sya sa sistema mo. Na hindi na dapat sa kanya umiikot ang mundo mo. 
6. TALK to your Friends/Family.  Yes, wag solohin ang problema. Yung mga tunay na nagmamalasakit sayo, yung mga taong kahit ilang beses mo ng iniyakan, nandyan pa din sa tabi mo. Konti na lang ang mga taong ganyan, napaka-swerte mo pag meron kang ganyan. Pero wag mo din silang i-overload. Tanungin mo din sila kung kumusta na sila, and as a friend give them advice too. Matatawa ka na lang, na alam mo naman pala yung mga solusyon sa problema mo, at pag narinig mo yun sa sarili mo, mapapangiti ka. 
7. Do NEW stuff. Libangin mo yung sarili mo, make new friends, Do something fun. Humanap ka ng bagong pag-lilibangan, There is always something new to do. Yung mga bagay na hindi mo nagagawa noon, gawin mo ngayon. but still know your limits.
8. Write a LETTER. Para kanino? Para sa kanya. Para sa taong gusto mong kalimutan. Funny? Yes maybe. Pero its a way, kung saan masasabi mo lahat ng hindi mo nasabi. Lahat ng nakabaon sa puso mo kaya nahihirapan ka. Minsan kasi, kaya ka nahihirapan kasi madami ka pang akala e, yung madami ka pang “Kaya pala...” “Kaya mo pala ako niloko kasi gusto mong balikan ung ex mo, hindi mo naman kailangan gawin yun e, sana kinausap mo na lang ako, mag-paparaya naman ako e, at least alam ko na hindi mo na ako mahal, hindi yung niloko mo pa ako, mas masakit kasi...” at lahaaaaaat ng gusto mong sabihin. then, read it to yourself. Sulat mo din yung, mga masasayang memories, write there how you are thankful sa mga panahon na magkasama kayo, sa mga panahong napasaya ka nya. sa mga natutunan mo sa kanya. Include there what you are SORRY for, hindi lang siya ang mga may nagawang MISTAKES sa relationship niyo, syempre ikaw din. And then lastly, say your GOODBYE. oo kahit hindi mo pa kaya. ISULAT mo lang. Para ka lang nagsusulat ng Reaction paper na kailangan mong ipasa sa teacher mo. Hindi mo naintindihan pero sabi nila ganyan daw dapat. Mag-Goodbye ka na.
9.  LET GO, LET GOD and PRAY. Kaya tayo nilalayo ni God sa mga taong hindi para sa atin, kasi ayaw nya tayong masaktan, pero pag nasaktan ka. KASI AYAW MONG MAKINIG. It happened to me, hindi lang once, madaming beses, pinapakita sa akin ni God na maling tao yung pinagbubuhusan ko ng atenyon at pag-mamahal. Pero makulit ako, kahit na nasaktan na at naloko ako, kapit na kapit pa din ako, marami na syang SIGNS na pinakita sa akin, pero ako tlaga ayaw kumawala. Hanggang sa narealize ko na lang na, Grabe, 8 taon na akong inilalayo sa taong yun pero hindi ako nakinig. Kaya ngayon, sobrang sakit. Parang nanay mo lang yan e, sinabi na nyang wag ka tumakbo ng matulin, kasi pag nadapa ka, masasaktan ka. Hindi ka nakinig. Nadapa ka, nagkasugat ka. Pero di ba, natuto ka.
10. ACCEPT. Lastly, Acceptance. Pinakamahirap ata gawin. kasi nga umaasa ka pa e, Okay lang na hindi pa mag-move on. Pero tanggapin mo na hindi na PWEDE PA. Wala na. Tapos na. Yung mga katanungan mo, dapat nasagot mo na. Yung mga hindi mo pa nasasabi, dapat nasabi mo na. Tanggapin mo ng tapos na yung yugto niyo, at meron pang darating, maaring hindi pa ngayon, after ilang years, pero merong nakalaan para sayo. 
At sana, sa panahong makilala mo na yung taong inilaan para sayo. Handa ka na, handa ka ng muling mag-mahal, matuto, masaktan, at umiyak. Yung tipong pag maaalala mo yung nakalipas mo, masasabi mo na lang na “Natuto na ako” 
0 notes
paulinecaren · 8 years
Photo
Tumblr media
0 notes
paulinecaren · 8 years
Photo
Tumblr media
When I thought, being up high is better. But then I realize, even I'm on the lowest point, if I got you is still the best thing.
0 notes
paulinecaren · 8 years
Quote
Never go backward.
Brain
0 notes
paulinecaren · 8 years
Text
Switzerland Experience
Hi, Oh my Gosh, Yung last kong blog was about 4 years ago?! Well,marami nang nangyari after that post. Marami na, na hindi ko na maalala yung iba. Pero ngayon, parang ang sarap magsulat uli. Parang ang sarap uli mag-kwento sa mga taong walang pakialam, o sa mga taong hindi ko kilala. Parang ang sarap lang mag-sabi ng kung ano-ano. Parang ang sarap lang mag-muni-muni. Like before ko isulat to, I just read my last blog about how hard my life was. and the truth is, its still is. Life is still hard. 
Switzerland, April 09, 2016
I’m o my way to my 7th Month here in Switzerland as an Au Pair. You might wanna know what an Au Pair is.
a young foreign person, typically a woman, who helps with housework or childcare in exchange for food, a room, and some pocket money.
Usually 18-25 years old female, single, no kids are the one who can be Au Pair, pero mahirap na maging Au Pair dito sa Switzerland, since they banned na in different cantons.
Well, as I’ve said, I am an Au pair, on my 7th month here. I started last September, 2015. Before this, I struggled so hard. pero kahit naman ngayon naman, marami pa rin pag-subok eh, pero atleast Im receiving more money -_-. Hahahah
I want to really share the Story, pero sa susunod na siguro. tinatamad ako ngayon -___-
0 notes
paulinecaren · 10 years
Conversation
Hi!
Hi !!
0 notes
paulinecaren · 12 years
Text
Unrelated
Dear ____________, 
Im writing this letter just vent my feelings out. Im about to explode and burst in tears. Ang hirap na, hirap na talaga, tapos sasabayan pa ng mga movie-movie na yan. Akala ko tuloy ako si basha ng "One More Chance" o si Mae ng "Paano na kaya" pero hindi eh, kasi sa movie definite na ang ending, na magkakabalikan sila, or magkakatuluyan in the end madami lang talagang circumstances na dumadating. Pero sa buhay natin talagang iba di ba? Hindi natin alam ang ending, ang mahirap pa dun, you'll always takes the risk, kahit hindi mo alam kung ano kalalabasan. How i wished na sana pelikula na lang ang buhay para ma.edit, may take 2 o 3 o 4, may cut tska alam mo na yung ending may script , pero hindi ibig sabihin nyan gusto kong mag artista. Parang ang ganda lang. Haisst buhay nga naman, Kanina naghahanap ako ng trabaho, pero ang nakita ko lang volunteer, para sa akin pwede na yun kasi dagdag experience din yun di ba? Pag uwi ko masaya kong ibinalita yung kinalabasan ng lakad ko, akala ko matutuwa si papa, ewan ko, parang hindi yata, dagdag gastos daw kasi dahil magpapamasahe ako, na hindi naman ako ang sasahod, tsk, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kasi naman pinipilit nya akong magtrabaho, one step forward na nga ako sa goal ko, sa panahon ngayon, wala ng hospital ang kukuha sa walang experience na gaya ko. Sa inis ko nasabi ko na " ayaw mo ata eh? wag na lang" Nagsisi ako sa isip-isip ko, mali yung nagamit kong mga words, pero hindi ko kasi alam sasabihin ko, God knows how i tried. Nag trabaho din naman ako eh, pero hindi yung trabahong inaasahan nya na maigagapang ko na ang pamilya. Ikakaen ko na lang sana yung inis ko, nagsalita ulit si papa: "ang taba-taba mo na, dapat sa yo hindi na kumakain" Ouch, it hurts. Hindi ako masyadong nasasaktan pag nilalait ako ng ibang tao, they dont know me, they dont know the story behind me. Pero yung sarili mong kapamilya? parang gusto kong sabihin harap-harapan, saksakin mo na lang ako ng matalim na kutsilyo, kasi mas masakit yung sinasabi mo, tagos hanggang buto. Hindi pa ako natatapos pero itinigil ko na ang pagkain, halos hindi ko maitingin yung mata ko sa ulam, masarap pa naman. Naiiyak ako sa loob ko. ang hirap pigilin ng luha. ang hirap din  pigilin ang gutom, kumakalam pa naman sikmura ko, pero di bale na lang. Naisip kong mag open ng yahoomail kasi mag ccheck ako ng messages, baka may nag reply na sa mga sinendan ko ng resume ko, sana . pero wala eh, puro mga notofications ng facebook. Nakakainis kaya nag open na din ako ng FB, ayun! right there and then may nakita ako, related sya sa BF ko, and though hindi naman sya kaselos-selos ng sobra, i just felt a tiny hand pinched me hard, tinawagan ko ang BF ko, and nag usap kami, in the end nagalit sya. ang hirap, ang dami mong iniisip, ang dami mong problema. Hahaha, alam mo, ang dami ko ring pangarap, mga pangarap na kaya namang abutin, paunti-unti, pero parang sa tuwing lalapitan mo yung mga pangarap na yun, may humaharang. Nakakaiyak. na habang sinusulat ko to pinipigil ko yung libo-libong luha na gusto ng pumatak. Hindi pwede eh, Hindi pwedeng makita, mahirap ipaliwanag sa kanila na napapagod ka. kasi sasabihin lang nila"Hindi lang ikaw ang napapagod, hindi lang ikaw ang may problema, lahat tayo, kaya wag ka mag inarte" Oo. tama naman sila eh, hindi lang naman talaga ako ang may problema, pero hindi naman kami pare-pareho ng problema, baka yung problema nila ay yung mga bagay na nginunguya ko lang sa araw-araw. JK, pero oo. ang dami, hindi naman lahat nakwento ko eh. 
Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang yung script eh. May take 2? ang hirap naman, magsusulat na nga lang madami pa ding mali. sige sa uulitin.
PS. hindi ko kwento to, konti lang.
Nagmamahal,
_______________
0 notes
paulinecaren · 12 years
Text
First we have: 
Tumblr media
And now we have: 
Tumblr media
☺More Laughs Here.
How can anyone say Facebook is better than Tumblr? Tumblr is designed for lazy people.
14K notes · View notes
paulinecaren · 12 years
Photo
Tumblr media
4K notes · View notes
paulinecaren · 13 years
Text
Day 09- Something you’re proud of in the past few days
MY PRC LICENSE :)
 -- JUST GOT MY LICENSE LAST NOVEMBER 10, 2011 :)
0 notes
paulinecaren · 13 years
Text
Day 08- Short term goals for this month and why
1. APPLY FOR MY TRAINING -- BECAUSE ITS MY OBLIGATION TO DO SO , IF NOT, I WOULDN'T WASTE TIME AND MONEY . 2. START SAVING -- SO THAT I DON'T HAVE TO CRY EVERY END OF THE MONTH 3. STOP WASTING MORE TIME IN INTERNET , :(
0 notes
paulinecaren · 13 years
Photo
Tumblr media
12K notes · View notes
paulinecaren · 13 years
Text
Day 07- A picture of someone/something that has the biggest impact on you
He's Jerald :)
0 notes
paulinecaren · 13 years
Text
How I used to cry..
Tumblr media Tumblr media
How I cry now:
★ Click here for more ★
24K notes · View notes
paulinecaren · 13 years
Photo
Tumblr media
53K notes · View notes