Tumgik
Text
KASARIAN,KARAPATAN, AT HEGEMONYA NG LIPUNAN
Matagal ng isyu ang pagsasama ng karapatan at kasarian sa isang lipunan. Noong unang panahon pa lang ay malaki na ang lamang mga lalaki kaysa sa mga babae, mas magandang pamumuhay, mga karapatan, at mga gampanin sa buhay. Nagtatamo sila ng mga karapatang hindi naibibigay sa mga kababaihan, tulad ng edukasyon, pagboto, at pagbibigay opinyon sa isang usapin. Palagi lamang nasa loob ng bahay ang mga dalaga habang natututo sa labas ang mga lalaki, ang kapangyarihan ay palaging hinahawakan ng mga lalaki at naniniwala silang lalaki lang ang may karapatan at kakayahan pamunuan ang isang nasasakupan. Sa paglipas ng panahon, bagamat hindi nawala ay nagbago naman ang kalagayan ng mga babae, nadagdagan ang kanilang karapatan, nakakapag labas na ng saloobin at pinapayagan narin sa mga gawing dati ay hindi nila nagagawa— tulad ng pagboto at pagkuha sa pwesto upang mamuno. Nagkaroon nga ng mga pagbabago pero hindi parin maiaalintana na ang bayan ay tumatakbo parin sa sistemang patriyarka, na kahit anong gawin o isipin ay mas nakalalamang parin ang mga lalaki kaysa sa mga babae, kahit ilang beses patunayan ng mga pag aaral na ang lahat ng kayang gawin ng lalake ay magagawa din ng mga kababaihan. Hindi parin maiiwasan ang mga katagang “kababae mong tao” at “lalaki ka ba ha” o di kaya mga katagang “pataasan ng ihi” na halata namang hindi pwedeng gamitin sa kababaihan dahil hindi nito kaya umuhi ng nakatayo. May stigma pa ang lipunan na pag maraming kasintahan ang isang lalake ay okay lang at isa pa itong komplimentasyon para sa kanya habang pag ginawa ito ng babae ay makakarinig na siya ng mga panghuhusga at pangmamaliit sa pagkatao niya. Halimbaway ito “PAG ANG LALAKI MARAMING NOBYA OKAY LANG KASI LALAKI SIYA AT NATURAL LANG YON SA KANILA, PERO PAG ANG BABAE MARAMNG NOBYO SASABIHAN NA SIYA NG POKPOK, MALANDI AT KUNG ANO ANO PA”. Mayroon pang mga pangyayari kung saan ang mga trabahante ay hindi kumukuha ng mga babaeng emplyado sa kadahilanang pang LALAKE kuno ang trabaho (eg; driver at karpintero) na kung tutuusin ay kaya rin naman gawin ng mga kababaihan na may sapat na kaalaman at eksperyensiya sa mga bagay na yan. Isa pang bagay ay ang paggamit sa mga babae bukang palamuti sa isang produkto, mga car shows, mga music video mga kanta at mga kalendaryo kung saan ang buong katawan ng isang dalaga o babae ang ginagawang desenyo para mad kumita ito ng malaki. Kaya mahirap talaga ang pagsamahin ang kasarian at karapatan sa isang diskusyon dahil marami itong pwedeng puntahan at buksan na mas malawak pang usapan. Kung noo’y ang mga babae ang lumalaban para sa pantay na pagtrato at karapatan, sa panahon ngayon namay ang mga parte ng LGBTQ COMMUNITY. Isa pang naiwan sa atin ng mga mananakop ay ang sistema ng hegemonya, kung saan ang kapangyarihan at pag kontrol sa isang lipunan ay pinamumunuan ng ibang bansa o hindi kaya ng nga mayayamang nilalang. Sila ang nagtatakda kung paano mag isip amg lipunan, kung paano dapat mamuhay ang mga simpleng mamamayan. Ang kumukontrol sa lipunan ang bahala sa mga produktong dapat tangkilikin ng masa, at malungkot mang aminin hindi ito alam ng nakararami at wala silang pakielam kahit ganto na ang nangyayari. Hangggang kailan ba natin hahayaan na kontrolin tayo ng nga pulpol na naghaharing uri na yan? Hanggang kailan tayo papayag na manatili sa baba habang kanilang ginagawang hagdan at baitang upang mapunta sa taas, hanggang kailan tayo magiging tulog sa mga totoong pangyayari? Hanggang kailan tayo magpapakulong sa mga hunghang na yan? Kailan nga ba natin makakamit ang totoong kalayaan? Sana ay dumami pa ang nga taong mulat sa katotohanan nang nakaimpluwensiya ito sa iba. Sana sa mga susunod na henerasyon ay nagbago na ang ating kinatatayuan sa buhay.
0 notes
Text
MASANG NAGKAKAISA
Nakaukit na sa kasaysayan ang mga pagpupulong ng mga mamayang Pilipino pag nakikitang May mga opisyales na umaabuso sa kapangyarihan nito. Maaring nakuha natin ito sa mga ninuno maging lumaban at nagaklas laban sa mga dayuhang sumakop sa ating bayan. Ang mga tinaguriang “people power” mapa 1,2,3 pa yan ay nagpapakita lamang ng mga kayang gawin ng masa kapag ito’y nagsama sama at lumaban para sa iisang dahilan. Ang pagtutulungan, pagdadamayan at pagkakaisa ay hindi na bago para sa mga Pilipino, kaya nga’t mayroon tayong salitang “bayanihan”. Ayaw na ayaw ng mga mamamayan na nasasakal sila, lalo na’t niloloko, gagawa at gagawa itong mga ito ng paraan upang kumawala at maipanalo ang nasabing kompetensiya. Tulad nalang ng pagtitipon tipon ng nga tao sa EDSA upang patalsikin ang noo’y naghaharing si Marcos, nang makakita ng butas at nang magkaroon na ng sapat na lakas at kompedensiya milyon milyon ang nahikayat makiisa para sa kalayaan ng buong bansa laban sa Martial law. Noong nalaman nilang tiwali at hindi maayos na pinuno si Erap, ay naulit ang pagtitipon na ito, para patalsikin siya sa puwesto. Kung obserbahang maigi, napakalakas ng pwersang kayang ilabas ng pagsasama sama ng masa para sa pinaglalabang iisang dahilan, bawat isa sa kanila ay nagpupunta sa ganitong pagkikita kita dahil sa iisang mithiin. Magandang ipakita na nagkakaisa at kayang magkaisa ng mga mamamayan ng isang bansa, sumisimbolo ito na ang bawat isang natipon doon ay mayroong kamalayang panlipunan, mayroong pakialam sa nagaganap sa bayan, at higit sa lahat mayroong pakisama at pakialam sa kapwa niya. Gamit ang pwersa ng mamamyan, nakapagtatakda ito ng mga bagay na gusto mangyare ng nakararami. Sa pagdalo sa mga gantong uri ng pagkikita, nararamdaman ng isang indibidwal ang pagiging kabilang niya sa isang makabuluhang pangyayari na magaganap at maitatala sa kasaysayan, makakaramdam ito ng “belongingness” at makikita ang tunay na “identity”. Magbubukas din ito na makita niyang minamahal niya ang kanyang bansa at mayroon siya nung tinatawag na pagiging nasyonalismo. Dapat nating tandaan na walang mahinang boses o maliit na tao pag pwersa na ng masa ang lumaban. Ang isang boses, kasama ng ibang boses ay magiging napakalakas na sigaw. Ang tao kasama ng iba pang mga tao ay makakalikha ng higante. Walang tatalo sa pwersang pinagsama sama ng lakas ng loob, damdamin, at nang iisang mithiin.
0 notes
Text
EDUKASYONG MAHIRAP MAHANAP
Bago pa man dumating ang mga Amerikano mayroon nang edukasyon ang mga katutubo, kaya hindi dapat tayo magpasalamat sa mga kano at higit sa lahat ay hindi natin utang na loob sa kanila ang edukasyon. Ang katotohanan pa nga’y ginamit lang nila ang edukasyon para impluwensiyahan at kontrolin tayo. Sila ang nagtatakda ng mga libro, paraan ng pagtuturo at kurikulum na ituturo sa mga estudyanteng Pilipino dahil gumagawa sila ng mga robots na balang araw ay kanilang pa pakinabangan. Itinatakda nila ang mga estudyante ayon sa kinakailangan nilang trabahante. Ang edukasyon natin simula elementarya ay parating nakabase sa libro, 123 abc at mga rhymes, isang bagay na dapat binabago. Dapat habang bata pa lamang ay matuto na ang bata sa realidad ng buhay, matuto itong pahalagahan at mahalin ang bansang kanya ginagalawan. Hanggang mag high School, ang tinuturo at mariing pinagtutuunan ng pansin ay mga formula sa math, pagsasalita ng Ingles at mga eksperimento sa science. Bibihira lamang ang nga gurong handang turuan ang bata ng mga kaganapan sa lipunan at mga katotohanang makapagpapaiba sakanila kumpara sa mga robots na ginagawa ng Amerika. Sa panahon ngayon ay nararamadanan na ang pagdagdag sa bilang ng mga gurong handang magturo ng mga bagay na hindi lamang nakapaloob sa apat na sulok ng silid aralan o ng paaralan. Nadadagdagan, pero hindi parin sapat, oo nadadagdagan pero kulang parin sa bilang. Mahirap makakita ng gurong gumagamit ng transpormatibong edukasyon o ang epektibong edukasyon, hindi lang nito layon na makapag kabisado ang estudyante ng math formulang kahit kelan hindi niya magagamit sa kanyang buhay. Ang ganitong uri ng edukasyon ay naglalayong bigyan ang mga estudyante ng mahahalagang kaalaman at kasanayan, kasabay nitong tinuturo ang pagkakaroon ng estudyanteng yon ng responsibilidad hindi lang para sa kanyang sarili at pamilya, kundi pati sa lipunan. Ang ganitong uri ng edukasyon din ang susi para mabago ang bansa, dahil ang misyon ng transpormatibong edukasyon ay para gisingin ang mga natutulog na kaisipan at damdamin ng kabataan. Ang edukasyong ito ay nagpapalaganap ng kamalayang panlipunan at nagtatakda ng mga dapat gawin ukol dito. Asahan na ang produkto ng isang transpormatibong edukasyon ay mga kritikal magisip na mamamayan na hindi tahimik at handang mag ingay kapag may nakitang katiwalian na nagaganap sa lipunan.
1 note · View note
Text
DALAWANG URI NG TAO SA ISANG LIPUNAN
May mga literaturang inilathala para magpasaya,aliw, at pang palipas oras, meron din upang magpaluha’t magpaibig, ang pinaka kakaiba ay yung mga lathalaing hango sa tunay na buhay na hangad ay magbigay inspirasyon, magmulat at maghikayat na buksan ang kanilang mga mata sa tunay na nangyayari sa paligid— ANG REALIDAD NG BUHAY. Mga sulating naglalayong isulat ang katotohanan at kalampagin ang isip ng mga mamamayan ukol sa mali at hindi pantay na pagtrato ng mga burgisang mamayan o naghaharing uri laban sa mga tao sa laylayan o mga uring Anakpawis. Mga akdang handang tumuligsa sa payapang paligid na niluluto ng mga malalaking tao at handang magpakita ng dalawang uri ng taong nabubuhay sa mundo. Ang mga umaapak at ang mga naaapakan, ipinapakita nito ang mga paghihirap at pagpapahirap na nararanasan at pinaparanas ng dalawang uri ng tao. Sa isang talakayan ay natutunan ko ang mga salitang “POVERTY PORN” o ang pag gamit sa mga mahihirap at paghihirap para kumita, maaaring sa porma ng pelikula, adbertismo, negosyo, o pulitika. Ito ang paggamit sa kahirapan upang kumalap ng simpatiya at awa sa iba, upang makapag prodyus ng mataas at malaking donasyon mula sa mga bulag na mamamayang kumakagat sa mga ganitong palabas ng nga kapitalista para narin masabing malinis nila ang kanilang mga konsensya. Kahawig nito ang isa pang katagang “ROMANTICIZING POVERTY” kung saan sinasabi nilang “ang mga mahihirap kahit walang wala na ay nakukuha parin maging masaya” ngunit hindi nila naiisip na hindi naman dahil sa walang wala sila kaya sila masaya, at hindi kailanman magiging kanin at ulam, panulat at kwaderno, sabon at gamot ang kasiyahan na sinasabi nila. Ang mga maling pagtingin, pag iisip at inekwalidad sa lipunan ang nagtutulak sa ibang mga kahanga hangang manunulat na imbes na kita mula sa ka kilig kilig na pagtatapos ng isang nobela ang inisusulat ay ang hangad sa kita ng gawa ay kamulatan ng mga mambabasa base sa totoong nagaganap sa lipunan. Mga lathalain na nagsasaad na ang mga pawis magsasaka, mananahi, drayber, tindera, atbp na hindi sapat na nababayaran at walang tamang kompensasyon ay may kapalit na limpak limpak na salaping natatanggap ang mga naghahari hariang uri. Mga sulating nagpapakita ng tunay na buhay, nga karanasan, at halimbawa sa pang araw araw ng isang indibidwal na nabibilang sa uring Anakpawis. Mga lathalaing pag maipabasa ay magbibigay ng totoong impormasyon sa mga mambabasa; sa kung paano at sino ang nagpapatakbo at humahawak ng ekonomiya. Paano nga ba tumatakbo ang isang ekonomiya? Gamit ang pagod at pawis ng nga simpleng mamamayan at mang gagawa pero sino ang humahawak nito? Mga kapitalistang burgesya. Mga impormasyong sapat na para magmulat at magpalawak ng kamalayan sa iba. Amg mga sulating ito ay hindi lamang natatapos sa pagbubukas ng mata at isipan ng mga indibidwal, sa pagdakila at pagbibigay simpatiya sa mga uring Anakpawis, ngunit iminumungkahi din nito ang nga dapat gawin sa pagkatapos mabasa ang mga nasabing akda, tulad ng paglaban at pagtuligsa sa mga naghaharing uri, pagbibigay ingay sapat na para malaman nila na tayo ay may pakialam at handang ipaglaban ang ekwalidad at karapatan ng bawat isa. Makiisa sa uring Anakpawis dahil kung wala sila, walang tayo. Ang laban ng mga napagsasamantalahang Anakpawis, ay laban ng lahat.
Gusto ko lamang irekomenda ang mga babasahing “Literatura ng Anakpawis ni Rogelio Ordoñez at ang Modern Principalia ni Dante Simbulan.
2 notes · View notes
Text
“KAHIT KAILAN HINDI DAPAT SISIHIN ANG KAPWA BIKTIMA, MAY MAS MALAKING PWERSA ANG KUMOKONTROL SA BAWAT PANGYAYARI” “magbayanihan imbes na magsisihan”
0 notes
Text
“HINDI LAHAT NG KABATAAN, AY PAG ASA NG BAYAN”
0 notes
Text
PSST! SILIPAN MO ANG BUHAY KO
Tayo, ngayon, ay nabubuhay sa panahon ng teknolohiya kung saan ang isang “click” o pindot ay maraming magdala sayo da kabilang dulo ng mundo. Maaari kang magtamo ng kaalaman, makakuha ng isang bagay. Sa teknolohiya nakapaloob ang gadyet, sa gadyet nakapaloob ang internet, sa internet nakapaloob ang social media, nakapaloob sa social media ang buhay ng bawat taong gumagamit nito. Ang social media ay pwedeng tawagin na makabagong “diary” o talaarawan ng isang indibidwal, ang pagkakaiba lang ay maaari itong mabasa ng lahat hindi lamang ng sumulat. Ang pag gamit ng mga website ay parang operasyon sa loob isang ospital na napapanood sa telebisyon habang isinasagawa, maaaring ikaw ang nanonood sa lahat ng ginagawa, o ikaw ang binubuksan at pinapanood. Depende parin yun kung gaano ka kasikat at kung gaano karaming tao ang interesado sa mga nagaganap sa buhay mo, mga nag aabang sa mga impormasyong ilalabas mo at isasapubliko. May mga taong halos lahat ay nais nang ipaalam ang lahat ng ginagawa nito sa buong araw, gustong isiwalat ang buong buhay, buong pagkatao nito. Bakit? Kase gusto niya ng atensyon, gustong gusto niya ang atensiyong nakukuha mula sa publiko. Bawat kilos, bawat pupuntahan, bawat litrato at mahahalagang impormasyon, lahat iniaalay sa sa internet. Ngunit may isang kasabihang nagpapaalala na “ANG LAHAT NG SOBRA AY MASAMA” maaari itong magamit mula sayo, maaari rin itong nakawin mula sayo. Mas maraming atensyon ay nangangahulugan ng mas maraming taong nakasubaybay, maaaring kaibigan o kaaway. Mas maraming mata na handang humusga at mas maraming bibig na handang magbigay ng opinyon, papuri man o pangungutya. Hindi lahat ng tagasubaybay ay kaibigan, ang iba ay humahanap lang ng butas at tawanan ang kamalian ng iba. Isang magandang dulot ng internet dala ng labis na pag gamit ay nauubos nito ang oras ng isang indibidwal upang gumawa ng mas produktibong bagay, mga makabuluhang bagay na maka pagpapaganda ng buhay niya sa labas ng social media, SA REALIDAD. Nakakalimutan na niyang makielam sa problema ng iba, problema ng kanyang pamilya, problema ng mas naka lalaki pa niyang pamilya- ang lipunan. Wala siyang pakialam sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin, krisis ng bansa, korupsiyon ng gobyerno at mga anomalya sa mga opisyal nito. Kahit nalabag ang karapatan niya, edi lalo na ng Kababayan niya. Ang website o social media sa mga taong hindi mahusay sa pag gamit nito ay nagpapalawig ng kawalan ng kamalayan sa lipunan at hinihikayat nito na pagtuunan nalang ng pansin ang sarili at kung ano ang maaari niyang ilagay o makita sa website. Mayroong mabuting dulot ang internet, ang dapat lang ay marunong itong gamitin sa wasto at tamang oras at ang mga limitasyon sa pag gamit nito.
1 note · View note
Text
NOW SHOWING: “TAKAS SA REALIDAD”
Ang buhay natin ay ngayo’y nakabatay na sa mga palabas o pelikula. Inaayon natin ang mga pangyayari at nararamdaman sa kung ano ang ating napapanood, isang pekeng realidad kung ako’y tatanungin. Isang impluwensiya ng pelikula sa mamamayan ay ang pagtingin nito sa kagandahan. Syempre para maging maganda ang isang indibidwal kailangan siya ay mayroong kutis na kasing puti ng gatas, nagpupulahang mga labi na parang isang mansanas, matatangos na ilong, naghahabaang mga biyas na nagbibigay sakanya ng matangkad na pangangatawan na kung susuriing mabuti ay ang mga katangian na wala ang isang Pilipino, bagkus ito’y kabaligtaran ng mga katangian na mayroon tayo. Di gaano kataasan, pango, morena, ito ang tunay na ganda ng isang Pilipina. Ang iba’t ibang bansa ay may kanya kanyang natatanging mga katangian, ngunit kasabay nang pagyabong ng pelikula dala nito ang isang katangian ng kagandahan na dapat paniwalaan ng lahat. Kaya naman ang mga Pilipino ay nagsimulang magkaroon ng kani kanilang mga “insecurities” sa katawan. Ang na mga ito’y nagkakandarapa bumili at gumamit ng mga kolonyal na produktong nag aalok ng maputing kutis at matangkad na pangangatawan, may iba pa ngang umaabot sa pagpapa ayos ng ilong o retoke kung tawagin. Bakit? Simple lang, dahil tingin nila mas gumaganda sila sa mga katangiang ito, dahil ito ang itinatatak ng mga palabas at pelikula, lokal man o kolonyal. Syempre ang lokal na itsura o yung hindi kagandahan ay madalas nauuwi para sa komediya, hindi maaaring maging bida, kontra bida pwede pa. Isa pang impluwensiya ng pelikula ay natututo ang mga manononood nito na isunod ang buhay nila base sa kanilang sinusubaybayan, umaasa silang magkakaroon ng buhay na meron ang isang bida- na kahit maapi api, maghirap, at masaktan ay ayos lang, dahil sa dulo aangat at gagaan din ang kanilang buhay. Nasa kanila ang huling halakhak kung baga, ang tagumpay. Tingin niya na sa isang banda ng buhay niya ay aangat din siya kahit walang ginagawa tulad ng nangyayari sa buhay ng isang bida. Bilang konklusyon, ang pelikula ay isang materyal na pang aliw lamang walang leksiyon o halaga kahit matapos, hindi dapat ito isinasabuhay o ginagamit bilang pag asa. Hindi ito dapat ginawang pattern ng isang buhay. Ang pelikula ay gumagawa ng pekeng realidad upang itakas ang mga tao sa katotohanan ng buhay. Ginagamit ito ng mga indibidwal upang hindi isipin ang mga problema at aliwin na lamang ang sarili, inuulapan nito ang pag iisip ng mga indibidwal na huwag ng makielam sa mga totoong isyu ng lipunan, manatinili nalang sa kinasasadlakan at matutong makuntento sa kung ano man ang mga binabato sa kanilang buhay. Ang pelikula ayon kay Nicanor G Tiongson ay sumasalamin sa isang larawan kung saan ang daigdig ay maganda, makatarungan, at payapang tahanan ng sanlibutan.
1 note · View note
Text
ANG WIKANG KINALIMUTAN
Ang wika ay isang makapangyarihang bagay. Kaya nitong magpasunod at magbuklod ng mga tao, kaya nitong manghikayat at magpasiklab ng damdamin. MAYROONG MGA KAKAYAHAN ANG WIKA, una ay maaaring maging daan para ng emosyon o saloobin ng isang indibidwal, pangalawa magagawa nitong tukuyin kung ano at sino ang isang indibidwal— ang estado nito sa buhay. Ito ay maimpluwensiyang bagay na pwedeng maging kapangyarihan, makakayanan nitong kumontrol ng mga mamayanan o kahit ng isang lipunan. Ang wika ang tila ginagawang batayan ng talino ng isang tao. Sa kasalukuyan, isang wika ang namamayagpag sa bansang hindi niya naman pagmamay ari, ito ang wikang Ingles. Ito ang sukatan ng antas mo sa buhay, pag magaling ka sa Ingles, matalino, mayaman at magaling ka agad. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa maraming Pilipino. Ang mga bata edad 2-5 ay kinakausap sa wikang Ingles, pinapapanood ng mga Ingles na bidyo tulad ng “Johnny Johnny yes papa, wheels on the bus at old M Donald had a farm” meron pa ang mga international na mga kanta at sayaw tulad ng mga Korean pop ito ay sa kadahilanang para pag pasok sa eskwela ay marunong na ito mag Ingles at madali ng turuan dahil ang mga eskwela ay gumagamit ng wikang hindi kanya, wikang Ingles. Ang ganitong mentalidad ay unti unti nang lumawak, sa produkto tulad ng “Starbucks, H&M, Uniqlo atbp” kung saan ang tatak ang binabayaran hindi ang mismong produkto. Ito ang mga produktong pag nabili mo tila ba sosyal at mayaman ka na kahit ang ginamit mong pambili neto ay isang buwan niyo ng pangkain. Patuloy ang paglaganap at pagiral sa kabataan. Bakit ba pag purong Tagalog ang wikang pinipiling gamitin ng isang tao, nababawasan ba ang sukat ng kaalaman nito, tila kinakalimutan na natin ang sarili nating wika, ang tunay nating lenggwahe. Isang halimbawa nito ang mga pribadong paaralan na nagpapatupad ng polisiyang “English only please” o ang pag gamit ng wikang Ingles sa lahat ng pagkakataon, naglalayon itong pagyamanin at payabungin ang wikang kolonyal sa mga bata. Nakakatawang isipin na nagkakandarapa tayong matuto ng ibang wika, kung ang wikang Tagalog nga hindi natin magamit ng tama. Ni minsan ba, napaisip ka na itama pa ang maling bigkas o pagkakabuo mo sa Tagalog na pangungusap? Ang gamit ng NANG AT NG, ang mga malalalim at purong Tagalog na hindi mo naiintidihan, ni minsan ba naisip mong hanapin sa internet anong kahulugan nito? May iba pa nga na hindi kaya bumuo ng isang pangungusap na puro Tagalog lang ang salitang gagamitin, palaging taglish. Ang punto dito ay, hindi masamang tumangkilik at maging bukas sa pagkatuto ng ibang wika, sana lang ay prinaprioridad mo kung ano yung sarili mong wika at hindi mo ito kinakahiya gamitin. Sa panahon ngayon, kung nakapagsasalita lamang ang wikang Tagalog ay malamang nagmumura na ito sa inis.
1 note · View note
Text
PANGARAP NA EDUKASYON.
Iskwater, dukha, at hampas lupa- mayaman, sosyal at anak ng Diyos- nabubuhay, nasa gitna, nakakaraos. Ang siyudad ay nahahati batay sa estado mo sa buhay. Ito ang nagbibigay ng mga karanasang sakop lamang ng iyong kapasidad na kinabibilangan mo. Ang mga ito ang magdedeklara kung ano at sino ka. Sabi nga nila “Life is Unfair” lalo na kapag mahirap ka, hindi pabor sayo ang swerte. Kaya namat gustong umunlad at mabago ng nga mahihirap ang kanilang estado. Para makalaban sa malupit na mundo at ang nakikita lang nilang paraan para magawa ito ay gamit ang edukasyon. Hindi nga lang yung pampublikong edukasyon kung saan ang kanilang makakasama ay katulad din nilang salat sa yaman. Ang ninanais ng iba ay mapadala sa mga pribado at pantanging paaralan kung saan ang matrikula ay katumbas na ng buhay nila. Tinataya nila ang kanilang buhay at pang kain. Handang sumuka ng dugo para lang maipasok ang kanilang mga anak sa mga paaralang ito, kapalit “kuno” ay magandang kinabukasan, mabilis na trabaho at asensadong buhay. Na habang nag aaral ka sa ganoong uri ng eskwela ay mas mataas sila sa kapwa nila maralita. Para naman sa estudyanteng nag aaral sa maganda at tanyag na eskuwela na nag aasal mayaman, ginagawa nito ang lahat para lang makipagsabayan kahit ang ibig sabihin pa nito ay itakwil ang kanyang pagkatao at pinagmulan. Mas gugustuhin niya ng magarang produkto at pamumuhay kahit hindi nila ito kaya. Pipilitin apakan ang likod ng mga magulang para maging mataas, matututong isipin ang sarili at mawalan ng pakialam sa paligid. Lahat ng ito’y dulot ng taliwas na edukasyong hatid ng mga pribadong paaralan, mga hindi tuwid na prinsipyo at pag gastos, mga pamamaraan kung paano dapat mamuhay at ang malayo sa realidad na mga pangarap. Sa kabilang banda hindi lahat ito dapat isisisi sa mga pribadong paaralan. Sa halip ay dapat ang gobyerno ang gumagawa ng paraan ukol dito. Kung naibibigay lamang ng buo ang mga pondong nakalaan para sa mga pampublikong paaralan upang sa ganon ay magkaroon ng mga pagbabago dito. Mas maayos na mga pasilidad, mga libro at kumpletong kagamitang kinakailangan, mas komportableng paligid at mga gurong sapat na nabibigyan ng kompensensya. Sa ganitong paraan mas pipiliin ng mga naghihirap na magulang na ipasok ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan, mas magtitiwala sila sa kalidad ng edukasyong maihahatid ng mga pagbabagong ito at mas panatag ang loob nilang isipin na kahit hindi pantangi o pribado ang eskwelahan na pinapasukan ng kanilang mga anak ay maaari parin iyong magtamo ng magandang kinabukasan. Sa pagpapatupad nito maaaring matulungan ng gobyerno natin ang pamilyang naghihirap ba kahit papaano makaahon at mabawasan ang kanilang paghihirap.
1 note · View note
Text
MADUMING MOTIBO SA LIKOD NG EDUKASYON.
Ang ating bansa ay tila makinang na perlas sa mata ng nga dayuhang bansa, ito ang maaaring paliwanag sa ating kasaysayan kung saan tayo ay nilinlang at pilit na sinakop ng tatlong makapangyarihang bansa. Napaka sayang balikan at alalahanin na pilit nilabanan ng nga yumaong nga bayani ang pananakop na ito. Nagbuwis na kani kanilang buhay para sa kasarinlan at kalayaan ng bansa, ngunit lumaya nga ba ang bansang kanilang pinaglaanan ng sakripisyo? Hindi na nga lubusang lumaya ang bansa sa kamay ng dayuhan, ang masama pa ay tayo rin ang may gumugusto nito. Hinahayaan natin lalo na ng mga pinuno ng bansang ito na kontrolin nila tayo. Dulot ng mga maling pamumuno at walang paninindigan na mga pinuno, kailanmay di tayo magiging lubusang malaya. Edukasyon ang isa sa mga hindi halatang paraan ng pananakop sa isang bansa, ito’y isang magandang taktika para itago ang mas malaking motibo na gustong mangyari ng isang makapangyarihang bansa. Pinalalabas nila na maganda at mabuting bagay ang binibigay nilang edukasyon kung saan kumakagat naman dito ang mga taong hindi nakakaintindi sa proseso. Gamit ang edukasyon, pinapasok nila ang utak ng mga tao at pinipilit baguhin ang kultura nito sa pamamagitan ng librong hango sa kultura at gawain ng mga kano. Kapag ang kultura ng isang tao ang naapektuhan mo, maaari mong mahikayat ang puso nito na gawin, gamitin, at bilhin ang mga produktong ginagamit mo. Ang kolonyal na edukasyon ay naglalayong putulin ang mga mag aaral mula sa kanilang nasyonalismo at lasunin ang mentalidad nito upang sila na mismo ang magtaboy sa kanilang bansa’t kultura. Ngunit may mga paraan para putulin ang ganitong kaisipan, maaaring palawakin pa ang impormasyong nagsasaad na masama ang pagkakaroon ng kolonyal na edukasyon para makatulong ito magbukas sa isipan ng ibang mga estudyante, magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga asignaturang nagtuturo sa mga ganitong uri ng bagay. Subalit itoy kabaligtaran sa nangyayare sa kasalukuyan, ang mga “sanang” asignatura na makakapagpapamulat sa mga tao ay pinatatangal na mula sa kurikulum ng mga paaralan, bakit? Sa hindi malamang dahilan. Pangalawa, ang suporta ng gobyerno ukol sa pagpapalakas ng mga historya ng bansa~ mga museo, palabas, at mga programang nagpapakita at nagpapaalala ng pagka Pilipino ng bawat mamamayang naninirahan sa bansa. Ang pinaka importante ay sa bawat indibidwal na dapat maging bukas ang isipan at mulat sa katotohanan. Ang isang indibidwal na marunong magmahal ng sariling nasyonalismo at pipiliing lumaban mula sa kolonyal na panghihikayat ng mga maimpluwensiyang bansa. Isang indibidwal na gugustuhing tulungan imulat ang kapwa mula sa ganitong iskema ng maruming edukasyon.
1 note · View note
Text
PEKENG EDUKASYON; mga lihim sa likod ng sistema
Ano nga ba ang kailangan tungo sa magandang kinabukasan o maski sa pag abot ng mga inaasam na pangarap? Sa panahon ngayon ang kailangan ng isang indibidwal ay edukasyon, edukasyon at edukasyon. Hindi na lamang ito nagtatapos sa pagkamit ng isang degree. Tila napakagaling ng istratehiya ng pananakop ng Amerikano, imbis na baril ang ginamit nila ay panulat at imbis na makita sila bilang mga mananakop, tinignan sila ng mga nakararami bilang mga bayani. Ang mga namatay na Pilipino sa digmaan, ang nga pinalayas na mga magsasaka sa kanilang mga lupain ay nabura sa isipan ng kapwa nila Pilipino ng pakitaan sila ng libro ng mga Amerikano. Ang mga Amerikano ang siyang nagpakilala satin ng edukasyon kung saan magpasa hanggang ngayon ay patuloy nilang hinahawakan, minamanipula at kinokontrol at ito’y mapapansin mo lang kung bukas ang iyong mga mata. Kung ikay mapagmasid makikita mo agad ito; sa mga babasahing libro na sila din ang gumawa at nagbenta, sa mga nilalaman ng mga libro na nakaayon sa kultura at gawain nila na malayo sa ating tradisyon at pagka Pilipino. Ang mga kursong priniprisenta ay base sa pangangailangan ng mga ulo ng internasyonal na negosyo upang maging sunod sunuran laruan na mabibili lang ang serbisyo sa mababang halaga. Dumaan rin ang edukasyon sa panahon ng diskriminasyon kung saan tinitignan ang pangalan ng eskwelahan na pinagmulan ng isang indibidwal bago ito matanggap sa isang trabaho. Nasasayang ang mga pinag aralan ng mga ito lalo na’t sila ay nakapagtapos sa tinatawag nilang “ mababang paaralan” hanggang sa panahon ngayon bagamat minimal ay mararamdaman parin ang diskrimasyong ito kung saan binibigyan label nila ang mga paaralan, halimbawa itong unibersidad na ito ay dapat gumawa ng ganitong mga tao, at ang iba ay para sa ibang uri uli ng tao at ito ay para mapakinabangan lamang sila ng mga mapagsamantalang negosyante. Pero sabi nga nila ang tanging pansamantala sa mundo ay PAGBABAGO. Tulad ng maraming bagay, nakamit din ng edukasyon ang pagbabago, hindi man ganun kalaki pero masasabi nating may nagbago, hindi nalang nakukulong sa apat na sulok ng paaralan ang itinuturo at natututunan ng mga estudyante. Mas marami na ang nga estudyanteng bukas ang isipan at handang lumaban gamit ang kanilang intelektwal na kakayahan para makamit ang kanilang pinaglalaban. Nagkakaroon na sila ng pake at kaalaman hingil sa mga nangyayari sa lipunan. Nagkakaroon na sila ng boses tungkol sa mga problema na kinakaharap ng bayan. Sa madaling sabi, hindi na sila handang magsawalang bahala, magtulog tulugan at matakot. Ang edukasyon ay hindi kasing simple ng iniisip natin, meron itong mga lihim na dapat bigyang pansin, mga problema na dapat solusyunan, at mga bagay na dapat baguhin. Hindi ito ganun kadali gawin at tapusin ngunit sapat ng ipakalat ang kaalaman ng isa tungo sa isa. Ang edukasyon ay dapat nagtuturo ng akademiko, moralidad, at nasyonalismo sa isang indibidwal para makabuo ng isang maayos at gumaganang bansa.
1 note · View note