Tumgik
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
TUNGKOL SA BLOG NA ITO
Ang mga Pilipino ay kumakain ng kabuuang 118.81 kilo (kg) na bigas taun-taon. Katumbas iyon sa 325.5 gramo (g) ng galingan na bigas araw-araw. Dalhin ang oras na ito upang pasalamatan ang ating mga magsasaka at pahalagahan ang kanilang pagsusumikap.
Ang blog na ito ay tungkol sa mga bayaning hindi binabayaran nang maayos ng lipunan ngayon, ang kawalan ng katarungan na nararanasan, ang ating sariling mga magsasakang Pilipino. Sa blog na ito, inaasahan namin na matulungan natin sila, bilang mga mabuting mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga donasyon drive na naka-link sa seksyon ng petisyon at donasyon. Alamin ang higit pa sa paksang ito at kung paano matulungan ang aming mga magsasaka sa seksyon ng karagdagang impormasyon. Sa wakas, tulungan ninyo kaming maikalat ang adbokasiyang ito sa iyong mga kaibigan ng pagbabahagi ng blog na ito sa kanila.
Rice supply adequate for 2020 - Official Portal of the Department of Agriculture. (2020, May 12). Official Portal of the Department of Agriculture.
0 notes
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Magsasaka ng Pilipinas
0 notes
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
Ibalik ang Lupa sa Tunay na Nagmamay-ari nito, ang mga Magsasaka!
Bago pa man tayo nagkaroon ng krisis sa pandemya, hindi na biro sa atin ang mga paghihirap at pagmamalupit na dinadanas ng mga magsasaka at mga ordinaryong manggagawa sa kamay ng mga korporasyon at panginoong may lupa sa kawalan ng tulong na nagmumula sa mismong gobyerno. Mula sa mga subsidiya para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo, sa ayuda para sa mga apektado ng lockdowns, napakalaki ng pagkukulang at pagsasawalang bahala ng gobyerno sa hinaing ng taong bayan na nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim na ating kinakain sa pang araw-araw. Sa kabila ng kanilang mahalagang gampanin bilang mga pundasyon ng ating lipunan, nagkaroon ng kawalan sa pagkontrol ng estado sa mga pumapasok na kalakal pang-agrikultura sa ating bansa at malaki  ang itinaas ng mga presyo nito mula nang maisabatas noong Marso 5, 2019 ang panukalang Rice Tariffication Law para sa mga magsasaka. Ang batas na ito ay naging daan sa pagkakaroon ng malawakang pag-iimport ng murang bigas mula sa ibang bansa at lalong bumaba ang presyo ng mga bigas mula sa mga lokal na magsasaka at lalo lamang inilubog ng batas na ito ang mga magsasaka sa utang at paghihirap. Hanggang ngayon, maraming magsasakang Pilipino ang walang seguridad at walang batas na kaya silang protektahan mula sa pananamantala ng mga malalaking korporasyon.
Bagamat napakaraming Agrarian Reform Programmes sa bansa, hindi ito sapat sa kadahilanang hindi ito naiimplementa nang maayos. At kahit na nagkaroon ng positibong epekto ang iilan sa mga programang ito, maliit na porsyento lamang ng mga magsasaka ang nakaranas ng benepisyo mula rito. Hindi nito nasupil ang ugat ng kahirapan sa mga probinsya at hindi nito binuksan ang pinto sa paguusap ukol sa tunay na pagbabago para sa mga lupang dapat ay para sa magsasaka. Ang dapat nating gawin para maging kaisa ng ating mga magsasaka, ay suportahan ang Comprehensive Agrarian Reform Programme o CARP. Ito ay mas progresibo kumpara sa mga nahuling programa. Hindi tulad ng Presidential Decree 27 na nagpopokus lamang sa bigas at mais, ang CARP ay binibigyang pansin ang lahat ng uri ng lupa at sakahan. Ang CARP ang naging daan para sa farmer’s rights land claims at upang makamit ang demokratisasyong rural. Oras na upang iahon sa hirap ang mga magsasaka at ang mga pamilya nila dahil kung tutuusin, hindi naman dapat sila naghihirap. Kami ay tumitindig at nakikiisa sa panawagan tungo sa pantay na karapatan ng mga magsasaka at mambubukid. Ibalik ang mga lupa sa mga tunay at nararapat na mayari nito, ibalik ang mga bukid sa mga magsasaka!
Para sa mga pagbabasa ukol dito, narito ang ibang pagaaral:
1 2 3
0 notes
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Magsasakang Nagpoprotesta
0 notes
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Agrikultura ng Pilipinas
0 notes
pagsulatgroup-3 · 3 years
Text
youtube
Gintong Butil, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo mula sa I-Witness
0 notes