Tumgik
onevoiceperday-blog · 9 years
Text
Day 2 - Yaya
4:00am 
Tulog pa ang lahat pero gising na ako. Kaunting hilamos bago magluto ng agahan. 
Masakit ang tilamsik ng mantika sa balat pero parang sanay na yata ang mga kamay ko. Di ko na nararamdaman ang init. Sa totoo lang, mas masakit ang di ko maramdaman ang dampi ng kamay ng bunso ko. 
Gagraduate na siya ng kinder. Sobrang liit niya pa noong huli ko siyang nakita. Buti nga at tinanggap pa ako ulit ni Ma’am at Ser. Tagal ko ding nawala.
Pero ang iniisip ko na lang, di nasasayang ang pagod ko. Sa bawat saglit na namimiss ko si Sandra, inaalala ko na lang na dahil sa paglayo ko kaya siya nakakapag-aral sa private school. Sa bawat di ko pagkain sa labas kapag day-off, mas masarap ang kinakain niya sa bahay. Sa bawat pag-aalaga ko kina Shin at Mei-Mei, mas naalagaan ni Inay si Sandra. 
Kumukulo na ang tubig at nainin na din ang kanin. Malapit na magising si Ma’am at Sir. Kailangan na gisingin ang mga bata. 
Gising na din kaya si Sandra? Namimiss na din kaya niya ako?
0 notes
onevoiceperday-blog · 9 years
Text
Day 1 - Kuliglig Driver
Naknamputsa! Ang inet!
Pst! Isang gulaman nga. Bilisan mo. Ang ineet.
Ang taba naman nitong Ale’ng ‘to. Hirap na hirap yung mutor. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Pumupugak na yung makina. Buti humingi ako ng dagdag. Ang layu-layo ng Capulong.
HOY! Tumabi ka nga dyan! Sagasaan kita eh!
Di kita nakita boss. Sorry. Ngayon lang naman ako naghatid dito eh. Di ko alam.
Putangina nung pulis na yun. Wala na ngang pasahero, nangotong pa. Makarma ka sana.
‘Tay, may sakit nanaman si bunso. 
Hoy Berto! Saan ka pupunta? May sakit yung anak mo.
Iinom.
0 notes