Tumgik
markdacsil-blog1 · 6 years
Photo
Tumblr media
Bilang isang anak hinding hindi ko malilimutan ang aking pamilya, Si Tatay na nagtataguyod ng aming pamilya, isang masipag na ama at maunawain. Etong tatay na ito ay hindi sumusuko sa mga bagay bagay at ito ang sinabi niya sakin “pag sumuko, ikaw ang talo.” Si nanay naman ang nag alaga sakin simula bata eto ang iniiyakan ko tuwing ako’y may problema, kahit na lagi niya ako pinapagalitan at hindi ko parin maisip kung bakit mahigpit sakin ang aking nanay, siguro pinoprotektahan niya ako ng maayos dahil si nanay ang pinakang kadikit ko sa lahat, sabi nga sakin “mamas boy” daw ako, pero totoo nga. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako pag nag kukwento ako tungkol kay nanay. Nahihirapan na kasi siya sa kanyang sitwasyon na palaging may sakit pero sa kanya parin kami naasa kahit malalaki na kami. Eto ang pinakang magandang at pinakang dabest na nanay na nakilala ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sakin niya ibinigay ang gantong pamilya. Si Dada kilala bilang Lola, isa pa etong taong to mapag alaga at sa tingin mo ay hindi ka iiwan sa kahit anong problema. Masipag eto at masarap magluto ng kung ano-ano at yung dalawa kong ateng makukulit, si ate Kath at ate Mhe eto ang mga kapatid na sa lahat ng bagay kasama ko sa hirap at ginhawa kasama ko. Mahal na mahal ko silang lahat kahit na ako’y makulit at pasaway sa kanila. Si Nanay Lourdes Baes Dacsil, si Tatay Wilfredo Dacsil, si Hermiña Solleza, si Ma. Kathrina Baes Dacsil RN at si Engr. Ma. Cashmier Baes Dacsil. Mahal na mahal ko sila. Eto ang pamilya na palaban at hindi susuko.
0 notes
markdacsil-blog1 · 6 years
Photo
Tumblr media
Ako si John Chrismark Baes Solleza Edlagan Dacsil,  Nag-aral ako dati sa Elementarya ng Pakil at noong hayskul ay sa Liceo de Pakil. Hilig ko sa isports ay badminton at volleyball natuto ako nito noong ako’y nasa elementarya. Hindi rin ako mahilig humarap sa madaming tao, pero ito’y natutunan ko noong ako’y umapak sa hayskul at naging isa akong mananayaw sa Liceo. Isa rin ang musikero na kung saan namana ko ito’y sa aking mga kamag anak. Natuto ako mag gitara noong nasa grade 7 ako, noong grade 8 natuto ako humawak ng isang banda na kung saan doon ako namulat at naibigang mag banda. Natuto ako ng iba’t ibang instrumento katulad nalang ng Bass, Piano, Ukulele, at drums. Noong ako’y nakatapos ng hayskul nagkaroon ako ng award dahil sa aking mga talento na binigay ng Diyos. Hilig ko rin ngayon ay pag eedit ng vidyo dahil don nakaisip ako ng paraan para makapag upload sa Youtube. Makikita mo ang aking mga blog sa youtube hanapin mo lang etong pangalan na to “MarkDacsz.” Natutunan ko lahat ng aking angkin kakayahan sa pamamagitan ng panunuod. Isang katangian ko ay madaling lapitan at maunawain, masiyahin din akong tao. Sabi nila isa daw akong matiyagang tao pero sa tingin ko hindi, minsan tamad rin akong tao. 
0 notes