Tumgik
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahalin mo sarili mo.  Kaya mo yan. Sige na.  Hindi ka man ang pinakamagaling sa maraming mga bagay,  Ikaw ang pinaka nagsisikap sa lahat ng tao. Ikaw ang pinakanaghihirap sa lahat ng tao. Ikaw ang pinakalumalaban sa lahat ng tao.  At kahit hindi nila nakikita ang paghihirap na dinadaanan mo, ‘yun na nga talaga yon. Ikaw lang talaga ang makakakita ng lahat ng ‘yon. Ikaw lang ang kayang makaintindi sa lahat ng ‘yon. Ikaw lang ang magmamahal sa sarili mo at wala nang iba. Kunin man nila ang lahat sa’yo, hindi nila makukuha ang iyong laban. Matagal ka nang lumalaban. Matagal ka nang nagmamahal. Kung mayroong mga bagay na hindi mo maipaghihiwalay sa pagkatao mo, eto na ‘yon.  Huwag kang mapapagod lumaban. Huwag kang mapapagod magmahal. 
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Hindi naman yata ako tunay na makata,  Sapagkat ang makata ay may likas na daloy sa kanyang mga salita. Ang kaniyang sulat ay sa angking talino nagmumula,  Lumalapat ang bawat salita sa salita, nang napagakaganda Hindi naman yata ako tunay na makata, Sapagkat ang talinhaga ko’y sa puso nagmumula, Kung ang makata’y nakasalalay sa kaniyang talino, Maaari mo nang sabihin ako’y gunggong - isang bobo, Tanga na sa pagmamahal nakapako, Tanga na kapag umibig, ay todo-todo Tanga na nababasbasan ang dila sa pananalita At ngayon pagibig mo’y siyang sinusumpa Sapagkat ang pagibig mo ang sa aki’y nagturo Na mas malawak pa ang mundo sa nalalaman ko,  Na nay mas hihigit pang ligaya sa buhay At mayroong lungkot na walang humpay. Hindi naman yata ako tunay na makata, Sapagkat totoo ang aking mga salita. Ang nais ko lamang ay ang pagibig sa puso’y mapalaya Sa pagsusulat at pagsambit ng mga inaalay na tula.
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahal na Roxane, Sa tuwing ika’y hinahaplos ng hangin sa mukha, Alalahanin mo'ng aking mga kamay na mapangalaga. Sa tuwing ika’y nilalamig sa gabi, Damhin mong aking yakap na mapagmahal ang init. Sa tuwing ika’y nakakaalala sa akin, Isipin mong ika’y aking aalalahanin Sa lahat ng pagkakataon, Sa bawat kilos at pagsulong  Kahit masuong sa panganib Kahit manghina man ang dibdib Kahit ano pa man, ang dumating at magdaan Ika’y mananatili sa puso’t isip, magpakailanman. Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahal ko, patawad, panandalian ako’y mawawala, sapagkat pagsusulat ay hindi ko magagawa. Huwag magalala, sapagkat ikaw ang dulo at simula. Ika’y mananatili sa aking puso’t diwa , sa bawat pagtulog sa gabi, at paggising sa umaga.  Nagmamahal,  Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Photo
Tumblr media
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Ang lahat ng tao ay may taning sa kanilang buhay, May nakatakdang oras bago sila mamatay. Ang iba’y nabibigyan ng hanggang higit sa sandaan, Habang ang iba nama’y hanggang labing-walong taon lamang. Kahit ganiyan ang patakaran ng mundo, Napakaraming tao ang hindi pa rin natututo Buhay nila’y sinasayang sa kung ano-anong bisyo Sarili lang ang iniintindi, at walang pakikitungo Hindi ba nila naiiisip o naiintindihan Na ang mundo’y may matinding pangangailangan Para sa mga taong may prinsipyo at paninindigan May angking kabutihan at katapangan panglaban Mahal kong Roxane,  Ikaw ang dahilan Kung bakit ako lumalaban Kung bakit ko hinaharap ngayon ang kamatayan Ito’y dahil pinairal mo sa’king pagkatao ang pagmamahal Sa aking paglaban ito’y taus-pusong maitatanghal. Ito’y dahil pinaniwala mo ako na may pag-asa at kabutihan at ito’y dapat alagaan at huwag pabayaan. Ang lahat ng tao ay may taning sa kanilang buhay, Alam kong hindi ko magagawang dito mamatay, Ako ma’y itinakda na lumaban dito hanggang dulo Huwag magalala, sapagkat ako’y uuwi sa’yo Dahil itinakda akong manahan at mamatay sa piling mo, Pangako. Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Minamahal kong Roxane, Sa wakas - sanlibong salamat Nakapananabik ang makatanggap muli ng sulat Sagot sa mga liham na iyong taus-pusong tinatanggap Sagot sa sanlibong mga pasakit at mga pangarap Ikaw ang sagot sa anumang pasakit Maging galit ay iyong napapawi Sa isang bigkas mo, ako’y napapaawit Kahit sa panahon na ako’y naririndi Ikaw ang sagot sa simpleng mga pangarap Na magkaroon ng kasama panghabambuhay Hindi ko na kailangan pang maghanap Dahil ang pangarap ay nasa iyong mga kamay Pero higit sa lahat, Ikaw ang sagot sa kung mayroon bang langit Dahil balang araw, kapag buhay ko’y bawiin Sa iisang lugar, ako’y Kaniyang ibabalik At iyon ay sa iyong piling Aking kanlungan, aking tahanan Balang araw ako’y iduduyan ng tadhana  Pabalik sa iyong dalampasigan Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Photo
Tumblr media
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Roxane, masaya ako Dahil kahit papaano Ating mga puso’y tuluyang pinagtatagpo Tila dalawang ilog na pinagiisang dulo Huwag mangamba na ang aking ilog ay matutuyo Patuloy lamang ang daloy ng aking pagsuyo Sa panahong ito, na sa sulat lamang tayo nagkikita Aking ibubuhos ang buong diwa sa mga salita  Hahayaan ko ba na ang bulaklak ay malanta Kung ang nais lamang nito’y aking paggunita? Roxane, aking sinisinta Araw-araw ikaw ay aking ginugunita Kung sa bawat pagalala’y, bulaklak ay nagbunga  Sa’yo inaalay, sanlibong harding sa hiraya nilikha Roxane, Ikaw ang paraluman,  ang bukal na pinagmumulan Ng lahat ng salita, himig at kundiman Tandaan, aking ilog ay dadaloy magpakailanman Sapagkat aking irog, ikaw ay aking pinahahalagahan. Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahal kong Roxane,  Ang ganda mo’y walang katulad,  Natatangi at hindi natitinag, Kumikislap maging sa mata ng bulag.
Sapagkat ang tunay na kagandahan mo’y Hindi ang panlabas Kundi ang kabutihang loob Na iyong sa aki’y pinamalas
Iyan ang nararamdaman ko sa puso mo Iyan ang isang bagay na huwag sanang magbago Iibigin kita mawala man ang iyong magandang anyo Iniibig kita dahil sa iyong pagkatao
Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Photo
Tumblr media
Oktubre 24, 1942 Mahal kong Roxane,  Ang ganda mo’y walang katulad,  Natatangi at hindi natitinag, Kumikislap maging sa mata ng bulag. Sapagkat ang tunay na kagandahan mo’y Hindi ang panlabas Kundi ang kabutihang loob Na iyong sa aki’y pinamalas Iyan ang nararamdaman ko sa puso mo Iyan ang isang bagay na huwag sanang magbago Iibigin kita mawala man ang iyong magandang anyo Iniibig kita dahil sa iyong pagkatao Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
O irog ko, mula noong ika’y lisanin Mundo’y kay bilis na nagbago Sanlibong mga bagay naging pasanin  Habang hindi matanaw ang dulo Matatapos pa ba ang paghihirap? Magkikita pa ba tayo? Tila lahat yata’y naging pangarap Maliban sa pagibig mo Iyon ang nagiisang bagay na nanatiling totoo Nararamdaman ko sa kalalim-laliman ng aking puso Sa mundong nawalan ng kulay at ligaya Pagmamahal mo’y hindi natitinag ang ganda Ito’y naging salamin sa aking mga mata Ako’y natutong tumingin lagpas sa nakikita Roxane, kailan ma’y hindi ko inakala na sa kabila ng dilim at hirap, laging mayroong pagasa Nagbago man ang mundo, May mga bagay pa rin na hindi nagbabago. Salamat Roxane, dahil ikaw ang bumubuhay sa pag-asa sa aking puso. Ako’y lalaban hanggang dulo, hanggang sa tayo’y muling magkatagpo. Nagmamahal, Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahal kong Roxane, Ang kalawaka'y tahimik  Tila buong mundo'y umiidlip  Dinig lamang ang pusong nananabik Umaawit - sumisigaw hanggang sa iyong masagip  Kung nasaan ka man ngayon, Damhin mo ang dagundong  Ang halong sakit at ligaya  Sa pagmamahal na ginugunita  Napakasarap na ika'y inaalala  Ngunit napakasakit na sa piling ko'y wala ka Alam ko na sa oras na tayo'y magkakasama  Ang buong mundo at ang puso'y magiging mapayapa.  Naghihintay, Nagmamahal, Christian 
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Mahal kong Roxane,
Patawad sa isang araw na pinagpaliban
Ako'y nilagnat - pero huwag magalinlangan
Dahil ito'y bumaba rin kamakailan
Bunga ng pagod, pagkalugmok at sakit
Tila pati kamatayan ay nangaakit 
Tinanggihan maging ang alok ng langit
Pangalan mo lamang ang laging sinasambit 
Roxane! Roxane! 
Anumang hirap at sakit ay aking malalagpasan 
Madalas itanong sa akin kung bakit pa ako lumalaban
Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang dahilan
Roxane,
Patawad muli sa araw na pinagpaliban
Tandaan mo lang lagi at huwag kakalimutan 
Ang pagibig ko'y sa'yo, magpakailanman
Nagmamahal,
Christian
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Madaling araw nanaman at ako'y nagsusulat Maubusan man ng bala, wag lang ng panulat Dahil ang aking mga salita, ang siyang panangga  Sa tunay na kalaban sa panahon ng giyera: Ang kalungkutan. Ako'y nagsusulat nang walang kapaguran  Puso'y binubuklat at tinatatakan Ng lahat ng pangako at alaalang namagitan Ako'y nagsusulat para wala ni isang makalimutan  Ang makalimot ay hindi naituro sa akin Maging ang mga mali ay aking aalalahanin  Isang pagkakamali ang hindi sa'yo napadama Kung gaano ka sa aki'y, kamahal at kahalaga  Mahal kita. Wala nang hihigit pa sa'yo.  Tunay ngang kalungkutan ang kalaban ko  Sapagkat kailan pa kaya ito maipadadama sa'yo? Sa iyong harap, o ika'y kayakap Kapiling, katabi, magkadikit ang ating mga labi  Kung maari! At kung hindi,  Ay sapat na sa akin ang ito'y masabi, Mahal kita. Wala nang hihigit pa sa'yo.  Sa katunayan, Matagal na iyang nakatatak sa aking puso, Araw araw akong nagsusulat Para lang maipadama sa'yo.  Mahal kita. Wala nang hihigit pa sa'yo. 
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Namamahay sa aking puso Mga alaala ng ating mundo  Na nabuo sa mga panaginip At sandosenang mga awit 
Sanlibong tala ang nakaukit sa langit Sandosenang mga himig ang naiawit  Sandaling pagtatagpo ng mga puso - ngunit bakit  Ang maligayang buhay sa piling mo'y ipinapagkait 
Nabubuhay sa aking dugo Ang pagibig na sa iyo'y pinangako Mamahalin kita kahit dugo'y dumanak  Mamahalin kita hanggang sa huling patak
Sanlibong tala ang pumuputok sa langit Sandosenang mga sigaw ang nakikiawit  Sa mga sandaling nawawalan ng puso at bait  Ang mabuhay sa piling mo'y aking sinasambit 
Ikaw ang tanging Bumubuhay sa akin
0 notes
mangarap-magmahal · 8 years
Text
Hanggang kailan ko kailangang tiisin  Ang mawalay sa'yo, aking ligaya Napakalupit na tayo'y ipinaghiwalay Siya mismo ng tadhana
Akalain mong darating ang trahedya  Sa sandaling puso natin ay pinagkaisa Pinagtagpo ng musika   Pinagbuklod ng kanta 
Tila ang buong awit ay siya ring itinadhana Kay pait na hindi nagtagal ang ating ligaya Pero mahal ko, huwag kang magaalala  Darating rin ang panahon na tayo'y muling magkikita  
0 notes