Tumgik
mamshi · 6 years
Text
d i s c l a i m e r
Tumblr media
The views and opinions of the bloggers do not reflect the views and opinions of the reader, the blog, the website, our teacher, our parents, and the city.
0 notes
mamshi · 6 years
Text
Welcome Mamsh
Tumblr media
Welcome, mamsh! Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit wala ka pang jowa? Kung pangit ka ba? Pangit ba katawan mo? Kapalit palit ka ba? Then why diba, mamsh? Andito kami para malinawan ka naman kahit konti.
0 notes
mamshi · 6 years
Text
Mamsh, dapat alamin mo muna kung handa ka na. Meron kaming limang sensyales para at least mabigyan ka ng idea kung keri mo na ba
0 notes
mamshi · 6 years
Text
1. Time Management
Tumblr media
Unang senyales, kaya mong imanage ang oras mo. Mamsh, kung akala mo ay malaDisney princess ang mga relasyon, hindi. Hindi kayo pakanta kanta o pasayaw sayaw lang. Hindi ka din niya isasakay sa magic carpet niya. Relationships require a lot of time, effort and commitment. Dugo at pawis ang kinakailangan para umandar ang relasyon niyo. Dapat alam mo kung paano balansehin ang mga tao sa paligid mo. Once na nagkajowa ka na, dapat alam mong hindi lang puro kasiyahan with friends or busy sa pangsariling kasiyahan dahil dalawa na kayo na iisipin mo, dapat mabigyan mo din siya ng oras mo.
3 notes · View notes
mamshi · 6 years
Text
2: Na-set mo na ang Priorities mo
Tumblr media
Pangalawang senyales, naset mo na ang priorities mo sa buhay. Mamsh, kung teenager ka pa lang like us, mag-aral ka ng mabuti. Prioritize your studies. Magliwaliw ka na din muna magfriends at lagi makipagbonding sa family mo. Dahil marami pang oras. Hindi mo agad mahahanap ang ‘the one’ mo na pakakasalan mo. Hindi ko linalahat kasi marami naming high school couples na kinayang iabot sa kasalan. Pero, you know mamsh, syempre nakpagpakasal sila dahil may pera sila. May pera sila dahil dahil may magaganda silang trabaho. Maganda mga trabaho nila dahil nakapagtapos sila ng pag-aaral. Nakapagtapos sila ng pag-aaral dahil nag-aral sila ng mabuti. Yung nakilala mo ngayon, wag mo ubusin lahat ng oras o ibigay ang lahat sa kanya. Wag na wag mong gawing mundo ang alam mong tao lang.
3 notes · View notes
mamshi · 6 years
Text
3: Before you make it Official, make it Legal
Tumblr media
Pangtalo, dapat may basbas o pahintulot ka na ng magulang mo. Mamsh, unang una sa lahat, kailangan payag na sila diyan sa gusto o binabalak mong gawin. Dahil kung iniwan ka niyang gusto mong jowain, sila lang din naman yung andyan parin diba? At syempre, alam naman natin yung mga katagang ‘mother knows best’ syempre fathers din diyan. Malaking posibilidad na ayaw ka nilang payagan dahil alam nilang hindi ka pa handa. Atsaka diba meron din yung isa sa famous lines ng mga mahal nating magulang na ‘papunta ka pa lang, pabalik na ako’. Medyo applicable mamsh kasi nagging teenager din sila. Pero syempre kung desisido ka naman na at alam mong kaya mo na, edi ipakita mo sa kanila na kaya mo. Ipakita mo na responsable ka na.
Tumblr media
3 notes · View notes
mamshi · 6 years
Text
4: Be Open Minded
Tumblr media
Pang-apat, Pag kaya mo nang maging open minded. Hindi yung pang networking mamsh ah. Yung lalawakan mo yung isipan mo na hindi lang kayong dalawa ang tao sa mundo. Yung iintindihin mo siya at hindi mo pangungunahan ng mga emosyon mamsh. Dapat marunong ka nang tignan yung bigger picture. Wag kang maging praning. Dapat kaya mong magtiwala sakanya kasi may tiwala din siya sayo. Hindi mo siya kailangang angkinin kasi hindi mo siya pag-aari, hindi siya desusi. Hindi ikaw ang magsasabi kung ano yung mga dapat at hindi niya dapat gawin. Kasi kung mahal ka niya siya na mismo ang may alam kung ano makakabuti sa relasyon niyo.
2 notes · View notes
mamshi · 6 years
Text
5: Learn to Love Yourself
Tumblr media
Panghuli, last but definitely not the least na senyales. Kapag alam mo na mahal mo ang sarili mo. Mamsh, paano ka magmamahal ng ibang tao kung ikaw mismo hindi mahal ang sarili mo? Paano mo maiintinidhan ang iba eh kung yung mga desisyon mo sa buhay, hindi mo pa napag-iisipan? Kapag mahal mo kasi sarili mo, alam mo yung worth mo. Alam mo din na you should never settle for anything less. Alam mo yung deserve mo at confident ka. Confident kang gawin yung mga bagay na alam mong magpapsaya sayo o yung mga hindi naman dapat. Isa pa, kapag mahal mo sarili mo, hindi mo na kailangang maging ibang tao. You know that being you is beautiful. Mawawala yang mga insecurity mo sa katawan, maiiwasan yung pagkukumpara. Hindi din dapat isinasantabi na rinespeto mo sarili mo. Kapag kasi may respeto ka sa sarili, kaya mo iset yung boundaries ng mga pwedeng gawin ng mga tao sayo. The way you see yourself is how others see it too.
2 notes · View notes
mamshi · 6 years
Text
Message for U
Eto na nga mamsh, nasabi na namin ang 5 karaniwang senyales na alam namin. Hindi kami love experts at hindi din naman ganon karami experiences namin pero sana sa mga ito, naliwanagan ka kahit papaano. Sana makatulong ito sa mga desisyon na gagawin mo kapag gusto mo na magkajowa. Dahil sa mga to, malalaman mob a sa sarili mo kung jowable ka o hindi.
Tumblr media
1 note · View note
mamshi · 6 years
Text
See yah later Mamsh!
O siya, medyo napahaba na ata to. Pwede niyo kaming kwentohan o tanungan. We assure you mamsh na we will respond as fast as we can. Sana ay naenjoy at may nalaman kayo sa aming blog. Til next time, mamsh!
Tumblr media
1 note · View note