Tumgik
lilrireads · 3 years
Text
Essays you may like to know my thoughts about...
1. What do you make of the controversial issue regarding the so called retraction of Jose Rizal? Did he or did he not retract?
     The said Retraction of Jose Rizal is all about his supposed reversion to the Catholic Faith, this became controversial because Jose Rizal is known to openly criticized the Catholic Church with his writings. If the said retraction is true then Jose Rizal is someone who changed what he stand for in the end. There are claims about the said retraction of Jose Rizal, according to these claims Rizal wrote the retraction paper on December 29, 1896 where he take back everything he wrote against the Catholic Church. Documents of the said retraction had been studied for a long time, even saying that Rizal was convinced in converting and writing the document by Fr. Vicente Balaguer, a priest he had been with in Dapitan. Claims also stated that he wrote this retraction because he wants to legally married Josephine Bracken, his last lover. However with the claims about his retraction there are many raised arguments and counter arguments that people want to present. One famous counter argument is about the forgery of the document itself. Wherein the handwriting of Rizal in the document is being criticized, also the said eyewitness, Fr. Balaguer had not been consistent with his testimonies. Bracken also failed to provide documents that will support their so called marriage to proved that the retraction is true. Even with Jose Rizal's death the retraction is still a controversy that until now experts are studying to find the truth. There are still a divided opinion about the retraction of Rizal, people who believes in the retraction and those who don't.     Personally, I don't care if Jose Rizal did retract or not, it will not change the fact that he was the one that awakened the Filipino's knowledge of nationalism. He is still the same Jose Rizal who had his writings created changes in the Philippine Colonial society during the Spanish period, he is still the same hero who somehow led us to our independence. Truthfully it is hard for me to believe in the retraction of Rizal however, I don't have the right to not believe in the so called changed of heart. So even with doubts I decided that it's okay to be undecided is this issue about Rizal. Like I've said it won't changed the fact that Jose Rizal is a hero to our nation. Also knowing the truth of the past is not easy, the truth we may know now may not be the truth before. So I believe that's the reason why until now there is still no absolute truth known to us. Experts continuously do their best to know the truth, maybe they will in the future because history never change itself, it us who can make new history for the future. 2. How would you describe the Filipino brand for nationalism? How exactly are you going to express nationalism as a Filipino?
     Filipino Nationalism refers to the awakening and support towards a political identity associated with modern Philippines leading to a wide-ranging campaign for political, social, and economic freedom in the Philippines. Devotion for one's country is what nationalism is. A country’s identity is seen through its culture, traditions, religions, beliefs, and even the unity or togetherness of the people in it. The history of the Philippines reflects the kind of nationalism the Filipinos have. Filipino heroes stood and fought to preserve the Filipino identity and attain freedom and independence. Naturally Filipinos have maintained this sense of nationalism over time, to have a pride in one's country to fight for what we believe in and to preserve our beliefs and cultures that deems us as Filipino.     I think Filipino nationalism have it's own brand from other countries, well nationalism differs each country but as a Filipino I also take pride in our sense of nationalism. It's not just the love of our country that I admire, it is also the love of our own identity. Identity is something that is crucial for us because it is what others have stolen, the ones who took advantage of our weakness have stolen who we are. Now that we are sort of free from their grasp it's natural for us to have pride for who we are. Though I believe that we should not see nationalism as a way to think that we're above others or others are below us. I want nationalism to be solely us having our own sense of pride and love for our identity and for our country. As a Filipino I can express nationalism by doing what every Filipinos should do. Like respecting the country's flag especially when it is risen. Also the country's national anthem requires us to respect and sing it with pride.I also believe that we should always value our culture and our traditions, even if cultures differs in every region it is still our own heritage. I will also like to include that being aware of our current national issues is a form of nationalism itself. We should not be oblivious to the current happenings in the country. If I can do something for my country then I will do it. even if it's just simple for others, the love for one's identity and nation should be instilled in our hearts. It is something that no one can take away from us.
3. Explain briefly the purpose and the importance of this particular article in the Philippine Constitution.
     The Philippine Constitution Article is the Constitutional Commissions. This article is divided into 4 parts A) Common Provisions, B) The Civil Service Commission, C) The commission on Election, and D) The Commission on Audit. Article 9 of the Philippine Constitution Constitutional Commissions focuses on different areas of its scope. That's why it is divided into four, so that each focused area will have a substantial explanation each section of it. Each constitutional commissions have their own power and functions, and every one of it is important in our constitution. First part is the Common Provisions, in here it is stated how each constitutional commission are independent and don't rely on one another. They are independent because , they are constitutionally created, they have independent powers of appointment and they have their own procedural rule. This article is important in the Philippine constitution because it provides the qualification needed by each commission for it to run smoothly. Each of these commission have an important part in our institution and to be able to maintain it should be part of the Philippine constitution. Each commission are created to be independent because it holds the power that may affect other institutions or sectors. For each commission to not be influenced by others is a must for a just usage of each commissions.
4. Is Federalism the type of government that suits well in terms of providing solutions to some pressing problems of the country?
      Federalism is a system of government where governmental powers and responsibilities are assigned or shared between the national government and the regional and local government. Each level has some genuine autonomy from each other and each level is primarily accountable to their respective electorates or constituencies. It is basically dividing the power of the country into different regions and each regions will act as their own for their own only.  Federalism have its own advantages and disadvantages, it could be a good thing to become a federal government for the country so each region will have their own budget and own power to provide for the people, on the other hand it can also create more opportunity for people to abused their power in each region. Implementing federalism in our country will take a long process, there are a lot of things that should be focused on first in our current government. To have a charter change at this time is not a good idea in my own opinion. At this time changing our government to federalism will not provide solutions to all the country's problems. What the government should think of first is to solve these pressing problems, a sudden change of government will only add headache to the government. Federalism is not bad at all, it is actually proven a good type of government by many countries. However the state of our country today is not god for this big of a change. A lot of the pressing problems of the government can be solve without federalism, some seated officials are just afraid to take actions because certain powerful people may block them so. The Philippines should increase their power first, having a strong national security, creating a just means in the political scene and preserving the resources in our country while making use of it. There are a lot of things to do first before we're even close to have a successful change in our government system.
1 note · View note
lilrireads · 5 years
Text
Ngayon ay Lumaban para sa Bayan
Ako mismo bilang isang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay nakakakita ng mga kilusang ubod sa katapangan upang ipagsigawan ang karapatan ng mamamayan. Hindi ko maipagkakaila na ako din noon ay lubos na bulag at nagbibingi bingian sa kanila. Hindi iniintindi ang kanilang pinaglalaban at mas lalo pang binabalewala ang kanilang ginagawa. Oo, napaka bobo ng aking mga pagkakamali. Ngayon na mas naunawaan ko na ang kanilang misyon, ako ay lubos na humahanga sa kanila. Dahil walang kapalit nilang pinaglalaban ang karapatan ng bawat isa sa atin, kahit hindi sila kinikilalang mga bayani ang puso nila ay bukas pa din sa pagsigaw ng karapatan na dapat ibinibigay sa atin ng gobyerno. Ang lipunan ng ating bansa ay madumi at mapaglinlang, ang mga taong mayroong lakas ng loob na lumaban ay siyang mga mulat at nakakakita ng kasinungalingan ng gobyerno.
Ang paksa na aking pagbabasehan sa blog na ito ay isinulat ni Antonio Tujan Jr. na pinamagatang The Social Movement and the Current National Political Scene. Ang paksang ito marahil isa sa mga mahirap na gawin. Ito ay nagsasaad ng mga kakilusan na nagaganap sa ating bansa at tumatalakay sa mga kabulukan ng ating gobyerno. Kung maalala ninyo ang huli kong blog ay tungkol sa transformative education, ang huling paksa na iyo n ay makikitang kaugnay lamang ng aking paksa ngayon. Maikokonekta ko lang din dito ang tungkol sa transformative education. Dahil nabanggit din sa sulatin ang pagkatuto natin sa paaralan na siya ding nagiging daan upang malinawan tayo sa mga kaganapan na nangyayari sa ating lipunan. Dito unang nahahasa ang mga miyembro ng kilusang panlipunan. Ang paaralan ay siyang nagiging unang hakbang ng pagkatuto nila. At ang natututunan ng mga it sa paaralan ay siyang nagiging daan sa malawak na kaalaman nila sa ating lipunan. Ito ang kahanga hangang katangian ng mga miyembro ng kilusang panlipunan, ang kanilang mga natututunan sa paaralan ay ginagamit nila upang tulungan ang mamamayan. Hindi naiiwan ang karunungan sa loob ng paaralan kundi nagagamit ito upang magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan.
Ang mga kilusang Panlipunan ay nakakagawa ng pagbabago sa bayan. Oo, masasabi kong totoo nga ito. Dahil sa katapangan ng mga miyembro ng kilusan, nagkakaroon ng boses ang mga naaapi ng ating lipunan. At ang mga taong walang ka muwang muwang sa kaganapan ng lipunan ay namumulat sa tunay na kalagayan ng bansa dahil sa tulong ng mga taong ito. Panahon na din siguro upang makapag isip isip tayo, kung ano nga ba ang kaya natong gawin para sa ating bayam. Sa dami ng problema ng ating lipunan, sa daming isyung nagpapahirap sa kapwa natin mamamayan. Mainam lang na magkalakas loob na din tayo upang kumilos. Hindi ito ginagawa para sa sariling interes lamang. Ito ay para sa bayan, ang magandang lipunan na nais natin makamtam ay makakamit lamnag kung tayo mismo ay may lakas na ng loob upang tumulong sa mga taong tumutulong sa buong bayan.
Ang paksang ito ay marami pang sangay na dapat pag usapan, tulad ng kung ano nga ba ang mismong sitwasyon ng ating lipunan. Ang iba pang paksa na nakapaloob dito ay makikitang nabigyan ko na ng eksplenasyon sa mga nauna kong blog. Dahil malawak ang sangay ng Kilusang Panlipunan nais ko na lamang bigyan ng pokus ang mga kabataan na siyang maagang namulat at maagang gumawa ng paraan para tumulong sa ating lipunan. Kung gusto natin ng pagbabago, kumilos tayo. Laban para sa bayan, laban para sa mamamayan. Oras na para magising tayo, at ngayon na dapat tayo kumilos. Huwag na tayong pumikit muli, lalo na at nagising na tayo sa katotohanan ng ating lipunan. Kaya ngayon nais kong magbago na tayo, bawat isa sa atin ay may kakayahan upang baguhin ang ating lipunan kaya naman hiwag tayong matakot maging tama.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Tunay na Pagkatuto sa Edukasyong Limitado
Sa mga nakaraang paksa na aking tinalakay makikitang nakapagbigay na ako ng aking kaisipan tungkol sa kabulukan ng sistema ng ating edukasyon. At narito nanaman ako ngayon upang magbigay ng ng sarili kong pagkaunawa sa sulatin ni Antonio Tupian, Jr na pinamagatan na Transformative Education. Sa paksang ito bibigyan diin ang ginawang konsepto ng edukasyon, na kung saan naniniwala tayo na ang edukasyon ang susi sa kaunlaran.
Hindi naman maipagkakaila na mahalaga talaga ang edukasyon sa ating mga bm
uhay. Ang konsepto ng edukasyon ay nagiging daan natin upang matamasa ang maginhawang kinabukasan. Sa nakaraang mga blogs ko, nabanggit ko ang kabulukan ng sistema ng edukasyon. Ang pagiging komersyalisado, ang pagiging elitista at ang pagiging kolonyalisado ng edukasyon ay nabigyan ko na ng diin. Sa paksang ito bibigyan ko ng repleksyon ang aking naintindihan sa sulatin na transformative education. Lubos naman talaga naimpluwensiyahan ang utak k ong sulatin na ito.
Akin nga namang napagisip isip na ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang naiiwan sa loob ng silid-aralan. Ang tunay na pagkatuto ay ang pamamahagi ng impormasyon na natutunan sa ibang tao. Ang edukasyon na naibabahagi sa iba ang pinakamagandang klase ng edukasyon ba maari nating matamo. Magandang baguhin natin ang mala robot na sistema na kung saan tanggap lamang tayo ng tanggap ng impormasyon. Dapat ang ating mga natututunan ay nagiging bala natin sa giyera ng buhay.
Alam naman natin na bulok man ang sistema ng ating edukasyon sa bansa, mainam pa din na tayo na mismo ang gumawa ng paraan upang palaganapin ang ating pagkatuto. Gamitin natin ito sa mga bagay na magpapaunlad ng ating lipunan. Mainam na tayo na mismo ang gumawa ng hakbang upang makatulong tayo sa mga taong hindi nabigyan ng pagkakataon na matuto. Ang isang pinupunto ng Transformative Education ay ang dapat na maging gampanain ng mag-aaral. Tayo dapat ay maalam sa mga kaganapang nangyayari sa ating lipunan, pinupunto na dapat tayo ay mulat at may kamalayan sa isyu sa ating lipunan.
Panahon na upang baguhin ang sistema ng edukasyon na masaydong pasibo at nakikiagos nalang sa galaw ng buhay. Ang transformative education ay nagsasabi na ang mismong edukasyon na ating tinatamasa natin ngayon ay maaring maging daan sa pag unlad ng ating lipunan. Kailangan nalang nating matutong kumilos ng makatutulong sa ating bayan. Ano nga ba ang nais kong ipabatid sa aking mga binigyang diin. Aaminin ko sa inyo na minsan na din akong naging pasibo at nakiki sunod lang sa pinapagawa ng paaralan.
Ako ay bunga ng parehong pribado at pampublikong paaralan. Masasabi ko na ako nga ay natuto noon ngunit totoo naman na nalimitahan na lamang sa loob ng silid-aralan ang aking mga natutunan. Ngayon lamang nagbibigay linaw sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman. Dito sa Sintang Paaralang ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ako’y unti unting nagigising sa kalagayan ng ating lipunan. Hindi ko sinasabing ako ay magaling na kaysa sa iba, dahil sa totoo lang kulang pa. Kulang pa na mulat lang ako sa kalagayan ng bansa. Dapat matuto din tayong kumilos, kumilos para sa bayan. Hindi mabuting nasa loob lamang ng silid-aralan ang mga debate natin tungkol sa kalagayan ng bansa. Hindi naman silid-aralan ang nahihirapan kundi ang ating mga kababayan. Kaya may mga lumalaban at may mga nagsasalita upang mabigyan ng boses ang mga taong walang muwang sa ating lipunan. Limitado man ang ating Edukasyon ngunit hindi ito magiging dahilan pata malimitahan ang kakayahan nating kumilos para sa bayan.
1 note · View note
lilrireads · 5 years
Text
Mula sa Bayan, Para sa Bayan
Ang paksa ko ngayong araw ay isa sa mga paksang dapat natin pagusapan. Ito ang mga kaganapang nangyayari sa ating lipunanan ngunit nababalewala na lamang. Mula sa sulating Literatura ng Anakpawis na sinulat ni Rogelio L. Ordonez nais kong bigyang atensyon ang kondisyon ng ating lipunanan. Alam naman natin na hindi ito perpekto, pero sa blog na ito nais kong ipakita kung gaano na nga ba kalala ang bulok na sistema ng ating lipunan. Kamusta na nga ba ang mga nasa ibaba?
Ang sulatin ni Ordonez na nagbiigay atensyon sa mga taong naaapi ng mga nasa itaas. Binigyang linaw ang nararanasan nilang buhay sa mga kamay ng mga taong mapagsamantala. Ang sulating ito ay siyang nagbuklod ng mga literaturang matapang na isinulat para sa bayan. Ang mga literaturang malinaw na nagbigay atensyon sa bulok na sistema ng bansa at sa mga hegemonyang mapangapi na nakaupo sa taas. Ang mukha ng ating lipunan ay mapanghusga, nabubulag tayo sa kasinungalingan na binigyang diin saatin ng sistema.  Kaya naman nais kong bigyang pansin din ninyo ang tunay na kalagayan ng ating bansa.
Takot, takot ang umiiral sa gobyerno tuwing may bagong akda ang mga uring anakpawis. Ang kanilang mga literatura ay nagsisilbing boses ng masa na siya namang dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang mga literaturang tumatalakay sa romansa, hiwaga at mga kababalaghan ay  mababaw lamang na parta ng literatura. Kaya ang mga akdang ng uring anakpawis ang siyang nagsisilbing taga mulat sa mga taong bulag at nagpapakain pa din sa mapang aping sistema.
Ngunit masipag ang mga nasa itaas, masipag silang pagtakpan ang mga kagaguhan nila sa ating lipunan. Mas nabibigyang pansin ang mga pantasyang sulatin at palabas kaysa sa mga hinanain ng mga uring anakpawis. Ang masa ng anakpawis ang mga taong nagdurusa sa mga kamay ng mge hegemonyong mapangapi. Hanggang ngayon patuloy pa din ang paghihirap nila habang patuloy ang pagyaman ng nasa itaas.
Gusto ko din bigyang pansin ang sistema ng pyudalismo sa ating bansa. Matagal na panahon ng laganap sa ating bansa ang sistemang ito, matagal na nating nakikita anhg paghihirap ng mga taong lugmok sa kahirapan. Naghihikaos na sila pero patuloy pa din ang pang aaping natatamasa nila sa ganitong sistema. Ang sistema ng pyudalismo ay nakaikot sa konsepto ng panginoong may-ari. Sila ang mga taong may labis na lupain at ginagamit ila ang mga magsasaka upang magkapera at lumaki pa ang kanilang mga kapangyarihan. Hindi pa ba sapat na naghihirap sila? Sila ang nagbubungkal ng lupa, sila ang umaani, pero lahat ng yaman napupunta sa isang tao lamang.
Ako ay labis na nagsusumamo sa kalagayan ng ating bansa. Kung inyong babasahin ang sulatin ni Ordenez madami pa kayong makikitang literatura na nagbubunyag sa kabulukan ng ating sistema. Ang mga literaturang ito ay siyang nagsisilbing boses ng masa, ito ay direktang atake sa mga naka upo sa itaas. Rebolusyunaryo man para sa iba, ito ay unang yugto ng paglaban sa kanila. Kaya ikaw, huwag mong hayaang manatili kang bulag. Panahon na para mamulat sa katotohanan at huwag mong hayaang ma opresa pa ang mga taong mula sa bayan na nagsusulat para sa bayan. Sila ay biktima, tayo ay biktima din. Kaya mainam na huwag magpakatanga at umalis na sa kuwebang ating kinalakihan. Malaki ang ating bansa, marami pa ang nagdudusa kaya ikaw gumising ka na.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Babae ka lang!
Ang sulatin na aking susuriin sa araw na ito ay isang napakagandang paksa na labis akong interesado. Ang blog na ito ay isinulat ko mula sa akda ni Isagani R. Cruz na pinamagatang Ang Kabastusan ng mga Filipino. Ang sulatin na ito ay isa sa mga akdang nagpukaw ng aking atensyon. Bilang parte ng kababaihan ang nilalaman nga ng akda ay nagbigay ng mga kaisipan na nais kong italakay sa inyo. Ang patuloy na paglaganap ng baluktot na kaisipan ukol sa kasarian ay dapat ng matigil sa ating lipunan. Babae, Lalaki, bakla o maging ano ka man, karapatan mong marespeto at mabuhay ng payapa dito sa mundo.
Una sa lahat nais ko munang magbalik tanaw sa unang panahon upang tignan ang kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan noon. Ilang libong taon bago magkaroon ng modernisadong sibilisasyon ang mga lalaki at kababaihan ay may kanya kanyang kahalagahan sa tirahan. Ang mga kalalakihan ay umaalis upang mangaso at kumuha ng pagkain samantalang ang mga kababaihan sa naiiwan sa kanilang mga tahanan. Maaaring isipin ninyo na taong bahay lang naman ang mga kababaihan, mga lalaki pa din ang nangangaso. Sa totoo lamang, ang mga kababaihan lang ang naiiwan sa maliit nilang sibilisasyon, sila ang nagpapanatili ng kaayusan ng tirahan at sila ang nag aalaga sa mga kabataan. Oo nangangaso ang mga kalalakihan, ngunit hindi dapat basta bastang binabalewala ang tungkulin ng kababaihan. Lalo na kung bumabalik lamang ang mga kalalakihan upang makipag talik sa babae at aalis ulit upang mangaso at magpayaman.
Habang tumatagal at nagiging modernisado na ang sibilisasyon, nagkaroon na ng konsepto pamilya dahil ang mga yaman na naipon ng kalalakihan ay mauuwi lamang sa wala kung wala silang mapapagmanahan nito. Dahil sa ganitong paraan nabuo ang konsepto ng pamilya, ang kalalakihan ang naging haligi ng tahanan. At ang mga kalalakihan angnaging “may-ari” ng pamilya’t tahanan. Sa kasamaang palad hanggang ngayon ang konseptong ito ay nasa utak pa din ng mga tao.
Dahil na din dito nabuo ang feminismo, ang layunin ng feminismo ay hindi upang kunin lahat ng kapangyarihan sa lalaki kundi ang magkaroon ng pantay na pagtingin sa kasarian at pantay na responsibilidad sa tahanan. Layunin nitong ipatupad ang karapatan ng kababaihan sa pulitika, ekonomiya at lipunan. Unti  unti namang naisasagaw ng feminismo ang mga layunin nito, nagkaroon ang kababaihan ng karapatang bumot at tumakbo sa posisyon, kung dati’y bawal magtrabaho ang babae ngayon naman ay madami ng prominenteng kababaihan na nagtratrabaho sa buong mundo. Hindi man naging madali, sa pa konti konting tagumpay ng kababaihan ay nagpapakita ng pag asa sa lahat.
Ang diskriminasyon laban sa kasarian ay matagal na dapat naalis sa ating lipunan. Hindi dapat natin hayaan na patuloy pa itong lumaganap sa ating bansa. Ako, bilang isang babae, nararanasan kong mabastos tuwing umaga habang ako’y naglalakad papasok sa paaralan. Ang takot na nararamdman ng aking puso ay sobra at di maganda. Ayaw niyo din naman siguro mangyari ito sa inyo. Kaya magtuong tulong tayo sa magandang pagbabago. May mga taong hindi kayang magsalita para sa sarili nila at tayo dapat na may kakayahan ang maging daan para mailabas nila ang kanilang saloobin. Mapa babae man, lalaki bakla , tomoboy o kung ano pa. Hindi dapat tayo nakakaranas ng diskriminasyon dahil pare pareho lang tayong tao. Lalo na at pareho lang tayong mga Filipino. Sabi sakin “Babae ka lang!” sabi ko naman “Babae ako. Babaeng may pinaglalaban.” At sama sama tayong ipaglaban ang kapayapaan.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Tulala sa Harap ng Pekeng Pantasya
Sa loob ng ilang dekada, ang pelikula ay labis na tinatangkilik natin. Sinong magaakala na maging ang pelikula ay may tinatago din palang hindi maganda. Bago ko simulan ang pagbibigay paliwanag ukol sa sulatin na nais kong talakayin nais ko lamang sabihin sa inyo na ang tekstong aking binasa ay isinulat ni Nicanor G. Tiongson at pinamagatang Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang “idolo”: Apat na Pagpapahalaga sa Dula at pelikulang Pilipino. Ang blog na ito ay magbibigay linaw sa inyo tungkol sa apat na mukha ng pelikulang Pilipino.
Ang pelikula ay labis na popular sa ating bansa. Buwan buwan bagong pelikula ang lumalabas sa sinehan at patuloy pa din itong tinatangkilik ng masa. Ano ba ang nais kong ipunto sa blog na ito. Napaka simple lang, ipapakita ko lamang ang mukha ng pelikula na kapansin pansin ngunit di natin pinapansin.
Una sa lahat ay ang konsepto ng Maganda ang Maputi.Ipinapakita nito na nakatali pa din ang isip natin sa kolonyal na mentalidad. Na kung saan maging sa ating mga pelikula ang siyang hinahangaan pa din sa kagandahan ay ang mga may lahing Espanyol o Amerikano. Maganda ang Maputi, kitang kita naman sa mga pelikula na ang mga bida ay siyang mga magaganda, maputi, matangkad at matatangos ang ilong. Ito ang pagiisip na hindi naalis sa atin, ang mga tulad pa din nila ang mas nakatatas maging sa mga pantasyang ginagawa natin. Ang pagiisip na ganito ang dahilan ng patuloy na maglaganap ng mapanghusgang kaisipan ng mga Filipino. Maging ang sarili nating kulay at itsura ay nagiging mas mababa nalang kung ikukumpara sa mga puti.
Ang sumunod na mukha ng pelikula ay ang  konsepto ng Masaya ang may Palabas.Dito nabibigyan pansin ang kahiligan natin sa mga katuwa tuwang palanbas. Ito din ay nakuha natin sa kolonyalisasyon ng mga dayuhan sa ating bansa. Komedya na ubod ng tawanan ay labis na tinatangkilik dahil hilig natin na tumawa na lamang kahit pagod na. Isa pang punto nito ay kung saan may mga temang puno ng iyakan, agawan ng asawa, pag ampon sa tunay na anak at iba pa, na magkakaroon ng masayang katapusan. Dahul dito nagkakaroon tayo ng menatlidad na magkakaroon tayo ng masayang kinabukasan kung hihintayin lang natin ito at wala tayong gagawin. Mali iyon, napaka mali.
Pangatlo ay ang konseptong Mabuti ang Naaapi, naiintindihan niyo naman siguro ang nais kong ipunto sa parteng ito. Ang mga pelikula na nagpapakita ng mga taong inaapi at pinagkakaitan ng lahat na sa huli ay aangat sa buhay at makakapaghiganti. Dahil dito naniniwala tayo na mabuti ng mahirpan at magtiis dahil gaganda din ang aking buhay. Sobrang negatibong pag iisip ang ganito, nagiging martir ang mga tao dahil nasasanay na silang makita sa telebisyon ang mga eksenang malayo sa katotohanan.
Ang huling mukha at konsepto ng pelikula na nais kong bigyang pansin ay ang konsepto na Maganda pa ang Daiginig. Sa totoo lamang isa itong pananaw ng mga tao sa totoong buhay. Dahil sa mga napapannood natin na pelikula nagiging realidad na ito sa atin ngunit ito’y pantasya lamang. Walang masama kung managinip ka sa humiling ng mga bagay na mangyari sayo. Ngunit may totoong buhay, may reyalidad na dapat mong galawan. Gumising ka na sa iyong mga pantasya, hindi lahat ng nasa pelikula ay tama. Paulit ulit nalang tayong binibigyan ng maling pag asa at maling pananaw sa buhay, kaya oras na na mamuhay tayo sa reyalidad at hindi sa pekeng pantasyang ibinigay satin ng mga dayuhan.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Hubo’t Hubad sa Mata ng Publiko
Tayo ay isinilang sa panahon ng makabagong teknolohiya, maswerte na tayo kumbaga. Nasa mundo tayo kung saan nangunguna ang siyensiya, agham at teknolohiya. Lubos ang modernisasyon sa mundo kung saan mas napadali na lahat ang mga bagay bagay na noon ay napakahirap maatim. Tulad na lamang ng pag bilis ng komunikasyon. Kung noon pagsusulat ng letra ang nagsisilbing pagkalap at paglahad ng impromasyon ngayon ay may mga teknolohiya na nagpapabilis sa pagbibigay ng mensahe. Mayroon ng mga selpon, internet, kompyuter at iba pa na siya namang nagpadali sa pagkonekta ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar.
Ang imbensyon ng mga ito ang naging daan sa malawakang pag-unlad ng ating daigdig. Lalo na ang pagdating ng internet sa ating mga buhay. Dahil dito nagkaroon ng panibagong paraan ng pamumuhay ang mga tao ngayon mula sa mga tao noon. Kung noong unang panahon limitado lamang ang mga taong nakakausap at nakakasalamuha ng isang tao, ngayon kahit sa isang pag post lamang ng litrato libo libo na ang makakakita nito. Nagkakaroon ng koneksyon ang mga tao mula sa iba’t ibang parte ng daigdig dahil dito. 
Ilan lamang sa halimbawa ng mga ito ang paggamit ng Facebook, Twitter at Instagram. Kung saan nagiging parte na ito ng buhay ng bawat isa. Ang mga social media na ito din ay nagiging daan sa pabilis na pagkalap ng balita at pagpasa ng impormasyon. Maging ang mga politiko din ay ginagamit ang social media upang ipang publiko ang kanilang mga plataporma. May mga tao naman na ginagamit ang social media araw araw. Ang mga social media na ito ay nagsisilbing talambuhay ng bawat taong nakain na ng sistema ng internet. 
Lingid sa ating kaalaman ng nakararami na malaki ang negatibong epekto ng lubusang paggamit ng internet. Buong pagkatao mo na ang hinain mo sa publiko,dito ipinapakita mo sa nakararami ang mga bagay na meron ka at ang mga lugar na napuntahan mo na. Ganun din ang madalas na nakikita sa ibang tao. Dahil dito mahirap ng makuntento ang tao sa kung anu mang meron sila, hahangarin na din nila ang nakikita nila na meron ang iba. Hindi lamang yan ang isyu na nasi ko ipunto. Ang paggamit ng internet bilang isang talambuhay mo ay nagbibigay daan sa mga masasamang tao na gamitin ang mga bagay bagay laban sayo. Hubo’t Hubad ka na sa mata ng publiko, nakikita na ng tao ang buong pagkatao mo dahil ikaw mismo ang nagpapakita nito sa buong mundo.
Ganito na ang normal na nangyayari sa ating lipunan, hindi natin maipagkakaila ang mga kaganapan na binigay ng modernisadong panahon sa atin. Responsibilidad natin na alagaan ang ating mga sarili at hueag hayaan na buong pagkatao natin ang ipakita sa publiko. Walang masama sa paggamit ng internet, ngunit nararapat lang na may limitasyon tayo dahil kapakanan din natin ang nakasalalay dito.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Wikang Makapangyarihan, Wikang Naghihikaos sa Bayan
Ang Kapangyarihan ng Wika, ang Wika ay Kapangyarihan ni Conrado de Quiros. Ang sulating ito ang magiging paksa ng aking blog ngayong araw. Ito ay tungkol sa isang bagay na lubos nga namang makapangyarihan, ang wika. Wika ay ang pondasyon ng bawat bansa, ito ang nagsisilbing susi sa pagkakaisa. Parang sirang plaka na nga ang aking depenisyon ng wika ngunit ito ang katotohanan. Ang wika ang nagsisilbing koneksyion natin sa isa’t isa, sobra itong makapangyarihan at ito ang sarili nating pagkakakilanlan.
Ilang daang taon na ang lumipas mula ng masakop tayo ng mga Espanyol at ng Estados Unidos.Sa mga panahong nasakop nila tayo masasabi kong naipakita nila sa atin ang kapangyarihan na taglay ng wika. Nagsimula sa mga Espanyol na kung saan ang kanilang taktiko ay ang pagdadamot ng sarili nilang wika, dahil batid nila na mas magiging madaling intindihin ang wika sa Pilipinas at gamitin ito upang ituro sa mga tao ang kristyanismo na nais nilang malaganap sa bansa. Dito makikitang nagtagumapay nga sila, ang paggamit ng wikang Espanyol ay esklusibo lamang sa mga maralita at hindi ito itinuro sa mga dukha.
Eto ang malaking kaibahan na ginawa ng Estados Unidos, sa halip na ipagdamot ang wikang ingles sa mga Filipino. Ginamit pa nila ang wikang ingles upang maging sandata upang mapasunod ang mga Filipino. Naging mautak ang mga Amerikano dahil nagmukha silang mabuti sa pagtuturo sa atin ng wika nila. Dahil dito naging basehan na ng talino at estado sa buhay ang pagsasalita ng wikang ingles. Naipasok ng mga Amerikano sa utak ng mga Filipino na ang wikang ingles ang susi sa makamundong pag unlad. Ang wikang ingles ang magiging dahilan upang lumawak ang sakop ng Pilipinas sa makikipag ugnayan sa ibang mga bansa. Paniwalang paniwala tayo sa kalokohan ng Estados Unidos.
Ngayon ang sarili nating wika ay talaga namang pumapangalawa na lamang sa mata ng mga tao. Nagiging kataw tawa na ang mga hindi marunong sa salitang ingles. At ang mga magagaling magsalita ng wikang imgles ay nagiging modelo at magandang halimbawa ng isang matlino at maranghang tao. Tila ba tuluyan na nating binabalewala ang sariling nating wika. Maging sa pang asraw araw na gawain ang wikang ingles na din ang ginagamit upang maging sosyal ang nagsasalita.
At tulad ng sinabi ko sa mga nakaraang blogs ko, ayokong maging hipokrito at aaminin ko na naging isa din ako sa mga Filipinong nalason ng utak ng Estados Unidos tungkol sa wikang ingles. Hindi ko nabigyang halaga ang sarili nating wika. At madaming kabataan na tulad ka na minsan ding nabulag at tuluyan oa ding nagbu bulag bulagan sa epekto ng paggamit ng wikang ingles sa ating lipunan. Panahon na upang mahalin naman natin ang sarili nating wika, dahil ang wikang Filipino ay payuloy na naghihikaos at unti unting nawawala. Huwag nating hayaan na mabura ang sarili nating pagkakakilanlan. Bawat isa sa atin ay dapat malaman ang kahalagahan ng sarili nating wika. Dahil tayo ay may iisang lahi, may iisang kultura at iisang wikang Filipino na bumubuo sa ating sarili.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Edukasyong Mapili: Filipinong Mapagmalaki
Titulo pa lamang ng blog na ito, alam kong batid niyo na ang paksang aking nais na talakayin. Maaaring magtanong kayo na bakit edukasyon nanaman ang paksa ko. Ang dalawang blog na una kong sinulat ay tungkol sa edukasyon. Hindi pa ba ako tapos na talakayin ito? Oo, edukasyon nanaman ang paksa ko ngayon. Makikitang napakalaki ang sakop ng edukasyon at maraming argumento ang pwede pang pagusapan ukol dito. Sa totoo nga , kulang pa ang tatlong blog upang mabigyang linaw ang bawat aspeto ng kalagayan ng edukasyon sa ating bansa.
Ang akdang pagbabasehan ng aking sulatin ngayon ay sinulat ni Bienvenido Lumbera, pinamagatan itong, Edukasyonpara sa Iilan: Kung bakit Asal Mayaman si Pedrong Maralita. Maaring nakakakuha na kayo ng ideya sa magiging laman ng blog ko ngayon. Si Lumbera ay isang napakagaling na manunulat at ang kanyang mga akda ay napaka gandang unawain lalo na ng mga mag-aaral na kagaya ko. Siya din ang sumulat ng sulatin na binagbasehan ng aking huling blog. Ngayon isa nanaman sa gawa niya ang nais kong gawan ng blog at ibahagi sa inyo ang aking nasa isipan ukol dito.
Ang punto ng diskusyon na ito ay nakadiin sa mga pribadong paaralang pantangi sa ating lipunan. Kung hindi niyo batid, ang mga paaralang ito ay mga pribadong paaralan na layuning turuan ang mga mag-aara na may-kaya. Oo may-kaya, mga pamilyang may-kayang bayaran ang mataas na pang matrikula. Karaniwang mag aaral ng mga paaralang ito ay galing pa sa mga pamilyang makapangyarihan sa ating ekonomiya. Dahil madalas na kurso ng mga paaralang pantangi ay Commerce o Business Management na kung saan makakatulong sa mga magaaral na panatilihin ang yaman na mayroon sila at palawakin pa ito sa hinaharap. Ilang halimbawa ng mga pribadong paaralang pantangi ay ang Ateneo, La Salle at San Beda. Iilan lamang yan sa maraming pribadong paaralan na makikita sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ano nga ba ang nais kong ipahiwatig sa inyo inyo ukol sa mga paaralang ito. Alam ko namang pansin niyo na , ang mga paaralang binanggit ko ay di lang basta bastang pribadong paaralan. Ito’y mga paaraalang hindi mapasukan ng ordinaryong mamamayan lamang. Ang mga paaralang ito ay naging modelo sa mata ng mga tao na ito ang nagunguna sa iba pa. Dahil sa pagiging esklusibo nito sa iilan.
Nakikita niyo na ba ang bagay na nais kong ipunto? Oo, ito ay ukol sa estado ng buhay ng isang tao. Makikitang sa mga unang bagay na sinabi ko ang mga paaralan na aking binanggit sa purong pang mayaman lamang. Dahil isa sa punto ni Lumbera na mayroon ding malaking agwat ang estado ng buhay ng tao sa kanyang pinagaaralan. Ang bansa natin ay mayroon ding mga pambublikong paaralan na magbibigay ng libreang edukasyon sa iilan, nanditoang Unibersidad ng Pilipinas, ang Politeknikong Paaralan ng Pilipinas at iba pang pampublikong paaralan na itinayo ng gobyerno para sa mga taong lugmok sa kahirapan at di kayang makapag aral. Ngunit kahit ang mga paaralang ito ay nagiging pantangi na din dahil iilan lamang ang nabibigyan ng tyansa upang makapag aral dito.
Dito nakikita natin na nagiging mapili nga ang edukasyon ng ating bansa, sabi nga ni Lumbera edukasyon para iilan lamang. Maraming punto ang maaaring maibigay ng sulatin na ito ni Lumbera pero ang direksyon ng blog ma ito ay maaring iba sa inaasahan niyo. Oo binigyang diin ang laki ng agwat sa estado ng mamumuhay ng tao at sa uri ng edukasyon na maaring makuha ng mga ito. Ang mga nasa pribadong pantanging paaralan ay naka pokus sa komersyo at pagpapalaki ng yaman ang madalas na ituro sa iba. Samantalang ang mga nagaaral sa pampublikong paaralan ay nagaaral upang magamit pa din ng mga taong nasa taas. Ito ay nagiging paulit ulit na nangyayari sa ating lipunan. Pero isang bagay na nais kong bigyang pansin sa sulatin na ito ni Lumbera ay ang kanyang pagbibigay diin sa nagiging asta ng mga mamamayang Filipino sa ating bansa. Makikitang sa aking titulo nakalagay ang mga salitang Filipinong Mapagmalaki ito ay dahil nabigyang linaw ako sa sinabi ni Lumbera na kung saan ang mga Filipino as asal mayaman pa din kahit anong estado ng buhay ang meron siya.
Dahil sa laki ng agwat sa estado ng buhay ng mga tao, ang mga nasa itaas ay nagiging modelo na sa paningin ng mga nasa ibaba. Ito ang isang bagay na gusto kong ibatid sa inyo ang nasa isipan ko. Ang mga nasa ibaba ay labis na naghihirap sa pag aaral upang maka ahon at makaangat sa hirap ng buhay. Ngunit bihira lamang itong mangyari, naghihirap pa din ang nakararami sa atin. Subalit pansin ko at alam kong napapansin din ninyo ang kaugalian ng mga tao na iniidolo ang mga taong nasa itaas. Nagiging modelo sila ng kung ano ba dapat ang imahe na dapat ipakita ng isang tao kahit hindi naman sila pantay ng estado. Nagiging mapagmalaki ang mga Filipino, mapagmalaki sa mga bagay na di naman kayang panatilihin ng estado nila sa buhay. Ang siyang biniboli ng mga mayayaman ay nagiging sikat sa masa at mga bagay na na dapat mabili at magkaroon ang mga tao.
Kokopya at kokopya nalang ba tayo sa mga nasa itaas?
Panahon na para itigil na ang pagidolo sa mga taong nasa itaas ng estado ng buhay. Hindi pantay pantay ang ang kinalakihan nating parte ng lipunan. Magkaibang mundo kumbaga. Kasinungalingan nalang sa sarili ang pinapairal kung ikaw ay nagiging masaya sa mga bagay bagay na nakukuha at nagagaya mo sa iba. Panahon na para gamitin ang utak natin at pagtuunan ng pansin ang ibang mahahalagang bagay. Hindi ang mga materyales na nagiging lason na lamang sa ating mga mata at nagiging dahilan ng patuloy na paghihirap upang umangat sa lipunan. Isang napakalaging agwat ang nabuo sa ating bansa, ito man ay tungkol sa edukasyon o sa estado ng buhay. Kung nais natin itong pagpantay pantaying mahabang proseso pa ang aabutin, maaring hindi ito imposible ngunit siguradong hindi ito magiging madali. Tayong lahat ay Filipino, tama na siguro ang pagbubuklod buklod ng iba’t ibang grupo. Panahon na siguro na magkaisa tayo upang magkaroon ng tyansa na umangat ang ekonomiya ng ating bansa.
Eto lamang ang nais kong ipahiwatig sa blog na ito. Ang sulatin ni Lumbera ay maikli lamang ngunit ang mga katanungang pumasok sa aking isipan ay nagpatong patong na sa dami. At sana magkaroon ng araw na lahat ng aking katanungan ay malinawan.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Edukasyon: Tuta ng Kolonyalisasyon
Ako nanaman ay naririto upang magbigay ng aking kaisipan ukol sa isang paksa na aming napag aralan sa loob ng silid-aralan. Ang paksang ito ay pinamagatang Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipan na sinulat ni Bienvenido Lumbera. Ang paksang ito ay angkop sa huling blog na aking sinulat ukol sa Misedukasyon ng bansa. At hindi nga naman nalalayo ang sulitin ni Lumbera sa paksa ng Misedukasyon sa bansa.
Nakapukaw ng aking atensyon ang unang mga pahina sa sulatin ni Lumbera. Sa simula palang binigyang diin na ni Lumbera ang pagkaalipin natin sa imperyalismong Estados Unidos. Matatandaang ang paghahari ng Estados Unidos sa bansa ay lumipas na ng sandaang taon at ayon kay Lumbera tayo din ang naging sanhi upang mapatagal ang paghahari nila sa ating bansa. Lubos akong napaisip sa mga hinaing argumento ni Lumbera sa kanyang sulatin kanyang nilinaw na ang pagbibigay nila ng edukasyon sa ating bansa ay isang malaking paglilinlang sa ating mga kaisipan. Base sa aking mga nabasa, ang edukasyon ang naging susi ng Estados Unidos upang tayo ay maging alipin nila at habang tayo naman ay walang ka muwang muwang at tila pa nagpapasalamat sa kabaitang ipinakita ng Estados Unidos pagkatapos ng insureksiyon. Ang kapayapaan na ipinatikim saatin ng mga Amerikano ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Malaking pagbabago nga sa ating ekonomiya ang pagpapakilala ng edukasyon sa masa, dahil sa huling mananakop na mga Espanyol limitado lamang noon ang mga nabibigyan ng karapatang makapag aral. Ngayon na binigyan tayo ng Estados Unidos ng isang bagay na siya nga namang bumulag sa ating mga isipan tayo ay naging masaya dito. Ang edukasyong ipinakilala satin ng Estados Unidos ay magbibigay sa atin ng maraming katanungan. Kung bakit limitado lamang ang mga aralin ukol sa ating sariling bayan. At kung bakit halos lahat ng ating pinag aaralan ay nakabase sa bansang di naman natin pinagmulatan.
Oo, ang sistema ng edukasyon natin ay nakabase sa sistema ng Edukasyon ng Estados Unidos. Mapapansin na karaniwang mga mahalagang tao sa kasaysayan na una nating nakikilala ay ang mga taong puti ma hindi naman natin kadugo. Ang edukasyon ito ang naging sanhi ng panibagong pananaw ng mga Filipino sa antas ng buhay ng tao. Wikang ingles ang naging basehan ng katalinuhan at naging bulag na ang taong bayan sa mga bagay na di naman dapat pinag tutuunan ng pansin. Ang paggamit ng sarili nating wika ay di na nabibigyang halaga, dahil pinupuri ang mga taong likas kung makagamit ng wikang ingles. Maging ang wikang ginagamit panturo sa paaralan ay naging wikang ingles na din.
Hindi ba dapat sariling wika natin ang ating tangkilikin?
Nakalulungkot man sabihin ngunit naging ganito din ang aking pananaw habang lumalaki, pinupuri ako ng paaralan sa husay ko sa paggamit ng wikang ingles. Ngunit hindi pa ako napupuri sa paggamit ng sarili kong wika. Naaalala ko pa na nagiging katawatawa sa mata ng mga tao ang isang taong ubod ng husay sa wikang Pilipino. Ayokong maging hipokrito pero totoo ngang minsan na din akong naging bobo. Ang aking pagiisip ay napasa ilalim ng kasinungalinang binuo ng Estados Unidos sa ating bayan. Ayoko na makita pa ang pagkakamali ko sa ibang mga kabataan. Totoo na mahalaga ang sarili nating wika at dapat ito ay panuloy na ginagamit natin sa pang araw araw at sa paaralan.
Ngunit hindi lang sa paggamit ng wikang ingles ang problema ng sistema ng ating edukasyon. Tulad ng aking sinabi kanina, ang mga paksang ating pinag aaralan ay naka akla sa sistema ng Estados Unidos. Maaaring sila nga ang nagpakilala ng edukasyon sa masa, pero bakit di pa din natin kayang iangat ang sarili natin mula sa pagkaka alipin sa kanila. Oo, totoong tayo’y alipin pa, ang ating isip ay naka angkla sa gusto nila. Akala niyo tayo ay malaya na? Isang malaking kasinungalingan lamang talaga ang kalayaang akala natin ay totoo. Oras na upang tayo ay makalaya sa lubid na nakatali sating mga isipan. Ako bilag isang mag-aaral ayoko ng makita pa amg mga kabataan na nalulunod na sa kaisipang itinanim satin ng Estados Unidos. Ayoko ng makakita pa ng mga kabatang kung makapag salita ng ingles akala mo mga Amerikano na di naman alam ang sariling wika ng dugong sakanila ay bumuo.
Mahaba habang proseso pa siguro ang kailangan upang lahat tayo ay mamulat sa katotohanan, ngunit hindi ito sapat na rason para ikaw ay magbulag bulagan. Sabi nga nila kung ikaw ay namulat na kasalanan na ang pumikit. Kaya naman sa paksang ito ni Lumbera dapat hindi lang ito binabasa , ito sin dapat ay isinasapuso. Isa ako sa mga estudyanteng nag prisenta ng paksa ni Lumbera sa klase, at ang bawat pahina na aking nabasa ay lubos ang kayamanang aking nakuha. Sana sa pagbasa ninyo sa blog na sinulan ko, malinawan din kayo kahit papaano. Edukasyon natin ay tuta pa din ng kolonyalismo, tayo at tayo lang mismo ang may kakayahang palayain ito. Simulan natin sa ating sarili ang pagbabago at ibahagi sa iba ang pagkatuto na angkop sa pagiging Filipino.
0 notes
lilrireads · 5 years
Text
Bulok na sistema ng Edukasyon
Ang pag-aaral ay isang pangarap na nais kong matamo, ang makapagtapos ay siyang magiging susi ng maaliwalas na kinabukasan ko. Oo, ito ang ideyolohiyang nakaubli saking isipan. Ang makapag tapos upang magkaroon nang silbi sa ating lipunan, ang makapag-aral upang guminhawa ang aking buhay. Isang pangarap ng nakararami, pangarap na sinabing sagot sa paghihirap natin. Mula sa mapayapang kalupaan ng Isabela, isang probinsyang maginhawa ang siyang pinagmulan ko. At ako’y tumapak sa lungsod ng Maynila upang makipag saparalan sa pag-aaral dito sa sintang paaralan ng PUP. Dito ko sisimulang abutin ang aking pangarap na makapagtapos.
Isang mapagpalang araw sa mga taong nagbabasa ng aking blog, ang sulatin na ito ay ginawa ko mula sa panonood ng bidyo ukol sa Misedukasyon ng ating bansa. Ako bilang isang mag-aaral ay nakararanas ng sistemang masasabi ko naman nangangamoy na sa kabulukan. Hindi sapat na suporta ng gobyerno ang naibibigay at maging mga diskusyon sa klase ay tila ba di nakaugnay sa ating lipunan. Ang edukasyon ay isang kayamanan, kayamanang hindi mapapalitan ninuman, mahirap ka man o ubod ng yaman ang edukasyon pa din ang isang bagay na nais mong makamtan.
Ang edukasyon natin sa PIlipinas ay hindi maganda, deretso ko nang sasabihin na hindi talga ito maganda. Ayon sa bidyong aking pinbanood nahahati sa tatlong katangian ang edukasyon sa Pilipinas. Ito ay ang Kolonyal, Komersiyalisado at ang Elitisata. Nabigyang paliewanag ng bidyo kung paano ang sistemang edukasyon ay mayroon ng mga katangian na nabanggit.
Una sa lahat ang katangiang kolonyal, alam namin natin na kolonyalismo ang pinagmulan ng edukasyon sa bansa. Hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang marka ng kolonyalismo sa sistema ng ating edukasyon. Mapapansing ang mga teksto ng aralin na itinuturo sa paaralan ay nakabase sa kulturang Amerika, maging ang paggamit ng wikang ingles ay laganap sa pagtuturo sa paaralan.
Pangalawang katangian ay ang Komersiyalisasyon, oo nagiging negosyo na ang edukasyon sa banda. Madaming pribadong paaralan sa bansa na ginagamit angmetrikula ng mga kabataan sa sarili nilang interes. Imbes na maging libre ang pag-aaral madaming negosyante na ang pumapasok sa edukasyon upang pagkakitaan ang kahalagahan ng edukasyon. Dahil dito wala ding magawa ang mga nag-aaral dahil limitado lamang ang mga pampublikong paaralan na suportado ng gobyerno.
At ang panghuling katangian ng edukasyon sa bansa ay ang pagiging Elitista nito. Dito nabibilang ang mga pribadong paaralan na esklusibo lamang sa mga mayayaman na kayang bayaran ang napalaking halaga ng matrikula. Ang mga paaralan na ito din ang humuhubog sa mga elitista na panatilihin at palaguhin ang kanilang kapangyarihan at kayamanan. Ang mga puntong ito ay sarili kong interpretasyon sa napanood kong bidyo, masasabi ko naman na ang bidyo na Misedukasyon ay nagbigay ng mga konstekto na angkop sa tunay na nangyayari sa edukasyon ng ating bansa.
Bulok ang sistema natin ng edukasyon, eto ang katotohanan na pilit itinatago ng gobyerno at patuloy na tinatanggi ng mga tao. Naniniwala tayo sa kasinungaligan ng magandang edukasyon na ipinagkaloob satin ng mga mananakop, lingid sa ating kaalaman na may mga negatibong aspekto ang edukasyon na ito. Ang habang tumatgal padami nang padami ang negatibong aspekto ng edukasyon sa bansa.
0 notes