Tumgik
lenabuncaras · 1 year
Text
Book Three: The Giving Tree
“Sir Cheese, sure ka na ba rito?”
Surprising, hindi lang kami ni Jazmin ang nandito ngayon sa iisang table sa library. She was with Bamboo, isa rin sa mga estudyante ko sa Humanities and Art Appreciation. She’s nice, she has a toothy smile and sweet voice. Medyo makulit din gaya ni Jazmin, but tolerable. Exposed naman ako sa makukulit.
Ipinakita nila sa akin ang librong pinagagawan ko sa kanila ng analysis. It was a children’s book. Yung makapal book cover at iilang pahina lang din ang laman na makapal din ang papel.
It was weird, maybe? Kasi nasa college na sila. They were sophomores, and Jazmin was taking my subject kahit naghalo na ang year niya as third and fourth year.
“The Giving Tree,” pagbasa ni Bamboo sa title, “by Shel Silverstein.” Tiningnan pa niya ang back cover na may picture ng punong may nakasandal na bata. “Hindi ko pa ’to nababasa, Sir Cheese. Maganda ba ’to?” Natawa siya nang mahina. “Sorry na agad, sir, hindi ako reader ng mga pam-baby na books.”
“It’s okay. Magkaka-insight kayo diyan.”
Binuklat niya ang ilang page hanggang dulo nang hindi ’yon binabasa. “Maikli lang, shems! Sige, basahin namin ni Jazmin.”
Sumamâ tuloy ang tingin ni Jazmin kay Bamboo. “Nandamay ka pa.
“Bhe, assignment natin ’to. Talagang madadamay ka.”
Si Jazmin muna ang nagbasa. Si Bamboo tuloy ang inurirat ako kasi alam na nagbabasa lang din ako ng non-academic book.
“Sir, di ba, anak ka ni Sabrina Dardenne?” curious na curious na tanong ni Bamboo.
Matipid akong ngumiti saka tumango. No wonder, nakilala niya ang mommy ko. Panay labas ba naman sa commercials, paanong hindi makikilala.
Ipinatong niya ang magkabilang braso sa mesa saka tumunghay sa akin. “Bakit ka naging teacher, sir?” usisa niya.
“Kasi wala akong choice,” natatawa kong sagot kahit pabulong na. Itinuro ko na lang ang building sa kaliwa namin. “Pinalipat ako rito kasi nanganak yung dapat na prof n’yo.”
“Hahaha! Kaya pala!”
“Ssshh! Quiet!” sigaw ng librarian sa dulo.
“Ay, sorry, sorry po.” Napatakip tuloy siya ng bibig saka yumuko pa para tanungin ulit ako. “Pero nakikita namin kayo sa kabilang building, sir. Ano pong work n’yo aside sa pagiging prof?”
“Sa archives ako, nagko-collect ng data ng school. Admin task din minsan.”
“Ooohh . . .” Namilog ang bibig niya at napatango-tango pa. “Ang pogi mo, sir. May kapatid ka ba? Beke nemen . . .”
Ako na ang napatakip ng bibig gamit ang kinuyom na kamao. “Yeah, meron. Ka-age n’yo lang din. Kaso girl siya.”
“Ay, sayang naman.” Napanguso pa si Bamboo at akala ko, hindi na magtatanong, pero matapos silipin ang binabasa ni Jazmin, nagtanong na naman.
“Di ba, sikat parents mo, sir? Paano sila maging parents sa ’yo? Hindi ka ba nate-tempt maging model din sa magazine o kaya billboard?”
“Haha!” Tipid ang naging halakhak ko at napailing sa tanong. “Ang mommy ko, mahigpit. Ang daddy ko, hindi. Most of the time, sa daddy side ako. Wala naman silang expectations sa ’kin maliban sa huwag akong magda-drugs.”
“Grabe naman sa huwag magda-drugs, sir. Pero may point naman.”
“Yeah, malaki ang point.”
“Walang pressure, sir? Kasi parang dito lang yata kayo sa uni. Tagong-tago pa. Tinatago nila kayo sa public?”
“Huy, hindi, a.” Napailing agad ako. “Wala namang pressure. Hindi ko rin kasi masyadong ine-expose na anak nila akong dalawa unless kailangan.”
“Pero ang ganda ng lahi n’yo, sir, ha. Ang expressive ng mata n’yo. Ganyan ba talaga kayo tumingin sa tao?”
“Paanong tumingin?”
“Yung parang in love na in love kayo sa kausap n’yo.”
“Pfft!” Si Jazmin na nananahimik, biglang napatakip ng bibig saka siniko si Bamboo. “’Te, tahimik na, ’te.”
“Nagtatanong lang naman, grabe.”
Pagsulyap sa akin ni Jazmin, saglit ko siyang kinindatan. Napasimangot siya pero napangiti rin pagkatapos.
“Tapos na ’ko, ikaw na magbasa.” Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Jazmin, at naabutan ko pang pasimpleng hinatak paalis ng libro yung bookmark kong nakaipit doon saka niya itinago sa notebook niya.
“Mabilis lang ’to, ha?” paniniguro ni Bamboo.
“Oo, mabilis lang ’yan.”
Ang lalim ng buntonghininga ni Bamboo saka binasa ang libro habang nakaabang na sa gilid ang notebook niya para sulatan.
“Once there was a tree . . . and she loved a little boy,” pagbasa niya sa unang passage. Tumahimik din siya pagkatapos habang naglilipat ng page.
Nangangalumbaba lang ako habang pinanonood si Jazmin na magsulat sa notebook niya. For sure, kailangan kong basahin ang lahat ng inputs nila about the book.
“Tapos na ’ko, sir,” biglang sabi ni Bamboo at mabilis na isinara ang libro. Pagtingin ko sa reaksiyon niya, nakasimangot na siya. “Nakakabuwisit talaga mga lalaki! Mga manggagamit!”
Napaurong naman ako paatras habang gulat na gulat! Hala siya!
“Galit na galit, ’te?” natatawang sabi ni Jazmin.
Mataray na itinuro ni Bamboo ang libro. “Sige, ano’ng tawag mo sa ginawa ng boy kay Tree? Di ba, ginamit lang siya?”
Napatakip ako ng bibig habang nagpipigil ng tawa.
“Affected na affected, ha.” Hinatak na ni Jazmin ang libro at inipit ulit doon ang Cheesedog Was Here bookmark ko.
“Sir, grabe naman ’tong mga pinababasa mo sa ’min,” reklamo ni Bamboo. “Children’s book ba ’to? Bakit ang lalim ng hugot?”
“Natuwa ka ba sa story?” tanong ko kahit natatawa pa rin.
“Sir, hindi ’to nakakatuwa. Ang rupok ni Tree! Yung ilang beses ka nang hinuthutan tapos iniwan ka na lang after mong magbigay, kada balik, parang walang nangyari, bigay pa rin!”
“Ibig sabihin n’on, pure and unconditional love ang meron si Tree kay Boy.”
“Hindi, sir, walang pure love-pure love dito. Magrereklamo ako sa analysis ko, bahala ka diyan.”
Natawa na lang ako kay Bamboo. Na-curious tuloy ako sa laman ng analysis ni Jazmin kasi hindi naman siya umimik sa pinabasa ko.
“Ikaw, Jazmin, natuwa ka ba sa story?” tanong ko at nangalumbaba na naman para hintayin ang sagot niya.
“Hmm, sakto lang, sir. Parang same sa parable of the prodigal son. Yung kahit nilayasan na siya ng anak niya at halos maging failure na ’yon sa buhay; pagbalik sa kanya, tinanggap pa rin niya nang buong puso.”
Naituro agad ni Bamboo si Jazmin. “Ay, agree ako diyan, bhe.” Tumango-tango pa siya. “Siguro kung parent’s perspective ’to, kahit nakakabuwisit, tatanggapin ko na.”
Actually, I want them to understand how unconditional love works, and how selfishness of an individual affects the whole perspective. And why happiness and contentment matters to an individual.
May point sa buhay ang tao na sobra-sobra silang magbigay sa mga mahal nila, na halos wala nang matira sa kanila para lang maging masaya ang mga taong ’yon. Ang kaso, meron at meron pa ring mga tao na kahit alam na nilang inuubos mo na ang sarili mo para sa kanila, hindi nila kayang tumanaw ng utang na loob. May mga taong hindi marunong makontento.
There’s something beautiful about love na masarap i-reciprocate, and we tend to get angry for someone na alam nating inaabuso na pero binabalewala lang kasi nga mahal nila.
We get mad because we see love on one side and injustice on the other. We get angry because we expect it to be returned, but the person who loved more received nothing in return.
Bamboo’s anger has a point. Kasi nakatingin siya sa side na may injustice na nagaganap. But Tree’s love is somewhat conditional at one point: gusto lang niyang maging masaya si Boy kaya willing to give siya ng kahit ano para lang sa happiness na ’yon.
But Bamboo’s perspective came from a romantic viewpoint. Ang anger niya, galing sa couple’s perspective.
Ang viewpoint na binanggit ni Jazmin ay tungkol sa love related sa family. Mag-iiba ang perspective ng titingin sa book kapag binasa ’yon sa ganoong way.
Some parents will give up everything for their children. It’s unselfish love over selfishness. That no matter how wrecked their children are, kahit gaano pa ka-worse ang decision na gawin ng mga anak nila, kapag umuwi ang mga ’yon sa kanila galing sa malayo matapos silang iwan, tatanggapin at tatanggapin pa rin nila kasi anak nila ’yon. Kahit bali-baligtarin man ang mundo, kadugo nila ’yon, at laging bukas ang pinto nila sa mga anak nila kahit gaano pa kasakit sa ulo ng mga ’yon.
“Ikaw, Sir Cheese, ano say mo rito?’ tanong ni Bamboo nang matapos siya sa pagsusulat. “Hindi ka ba nainis?”
“Hmm.” Nagkibit-balikat ako. “It’s a clear way of showing na kapag ang tao, naging self-centered, nakaka-damage sila sa ibang tao na naturally a giver. Kung lagi mong iisipin ang sarili mo at hindi mo iko-consider ang mga taong nagmamahal sa ’yo, baka hindi mo na mapansin na ikaw ang umuubos sa kanila habang minamahal ka nila.”
“Grabe sa hugot, sir. Ang tanong ko lang, kung nainis ka ba, haha!”
“Hindi naman siya nakakainis. Depende siguro kung paano mo siya titingnan. May klase pa ba kayo?” Tiningnan ko silang dalawa.
“Ako, sir, meron,” sabi agad ni Bamboo. “After lunch, may NatSci pa ’ko.”
“Ikaw?” tanong ko kay Jazmin.
“Mamaya pang 3, sir,” matipid na sabi niya. “Dito muna ako sa library.”
Napatango-tango naman ako. “Okay. Dito na lang din muna ako sa library.” • Bamboo's character by @EithneAoife
• Next update: January 17, 2023, 7 PM
6 notes · View notes
lenabuncaras · 1 year
Text
Book Two: The Selection
“Dream mo ba talaga magturo, Sir Cheese?”
Napatingin agad ako kay Jazmin kasi nag-uusisa na naman. Usual tambayan na niya yata ang library after class. Nauna naman ako rito, nasa ibang table siya kanina. Lumipat lang ako ng mesa nang makita ko siyang nandito rin at nagbabasa ng hiniram na libro.
“Bakit mo natanong?” sabi ko.
“Itong book.” Ipinakita niya ang cover ng binabasa niya. The Selection ni Kierra Cass. “Naisip ko lang, what if may ganito talaga in real life. Yung parang hindi ka puwedeng mangarap para sa sarili mo kasi you were born for something else na hindi mo gusto.”
“Hmm.” Tumango-tango naman ako habang iniisip ang point niya. “Ano ulit ang question?”
Natawa siya nang mahina at binuklat ulit ang page ng binabasa niya. “Dream mo ba talagang magturo.”
Nagusot ang magkabilang dulo ng labi ko saka umiling. “Actually, dream kong mag-explore sa napakaraming lugar.”
Mula sa pagkakayuko, sumulyap siya sa ’kin. “Travel?”
“Kinda.” Tumango naman ako. “Nakakapag-travel naman ako every quarter. May means naman ako to travel.”
“Tapos work mo ’to rito. Matagal na ba?”
Natawa naman ako nang mahina at marahang umiling. “Actually, nitong summer lang ako nag-start magturo.”
“Oooh.” Namilog ang labi niya saka tumango-tango, naagaw ko na naman yata ang atensiyon. “Kaya pala hindi ka familiar as prof. Kailan ka nag-apply? Nitong summer lang din?”
Pilit na pilit ang ngiti ko nang tumingin sa kung saan. “Hindi ako nag-apply.”
“E?” Napaurong naman siya at sinukat ako ng tingin. “Paano ka nakuha? Referral, gano’n?”
“Sa archives ako, initially.” Itinuro ko ang building sa kaliwa na tanaw sa second floor kung nasaan ang library. “I was working sa data collection. May bachelor’s degree ako sa library and information science. May master’s degree ako sa humanities and social science. Hindi ko first choice maging professor since exposed ako sa restorations and other nerdy whatnots.”
I could see the sparkle in her eyes, mukhang bilib na bilib sa pinagsasabi ko kahit pa in reality, tagasalansan lang ako ng mga maalikabok na folder at libro sa shelf.
“Pero ang bata mo pa. Genius ka siguro,” sabi niya, nakangiti nang kaunti.
“I don’t think it has something to do with the IQ. Masaya lang talagang maging curious,” sagot ko.
“Kinuha ka nila roon,” sabi niya, tinuturo ang building na katuturo ko lang din.
Alanganin akong ngumiti. “Yeah, parang. Nasa maternity leave kasi yung nag-iisang prof nila ng humanities dito and wala pang applicant na humanities ang major. Mas marami ang medical-related and hospitality and culinary applicants since ’yon ang maraming estudyante rito sa school.”
“Sa bagay.” Tumango-tango na naman siya. “Mahirap ding mangarap kapag mahirap ang papangarapin.”
“But dreams are relative,” dagdag ko. “’Yang book na binabasa mo, before ko ’yang mabasa, may nakakuwentuhan ako about diyan. Her name’s Alvic.”
Ate Alvic is a criminal data analyst and she’s working at a background checking company. The nature of the work wasn’t a surprise kasi family business din siya ng lola ko kay Momsky. Medyo maliit siya, parang hanggang balikat ko lang. Cute, mukhang huggable. Ombre ang buhok na wavy, and the nature of her work wasn’t that visible sa looks, but she has piercing eyes. And she looked so sweet and friendly.
What surprised me was the book choice.
Most of the time, I judge the book by its cover—literally. Kasi separate ang creator ng book cover and their rights, separate din ang rights ng author. So I have to look at the book parts by parts and credit where credit is due.
The cover is nice, bluish, and “girly” kaya hindi na rin ako nagtaka na ’yon ang naisipan niyang basahin. Bago sa akin ang book, new stock din yata kasi maayos pa ang book cover.
She asked me one time when I was working as a student assistant dito sa library, “Ano ang masasabi mo sa mga nagku-quiet quitting sa work or nabu-burn out?”
Hindi naman sa nagrereklamo ako bilang student assistant, pero tiring ang work in a sense na parang paulit-ulit ang gagawin mo araw-araw. Papasok sa library, magsasalansan ng books, mag-e-encode, uuwi. Kinabukasan, ganoon ulit.
Lifeless.
Sabi ko na lang, “May karapatan naman po ang lahat ng taong ma-burn out or mag-quit kung hindi na nila maramdaman ang growth sa work nila. Siguro kailangan din ng passion sa ginagawa. Kasi kapag hindi ka passionate sa ginagawa mo, hindi mo talaga siya magugustuhang gawin. Mentally, ide-drain ka talaga niya kasi you’re forcing yourself to do something na, in the first place, hindi mo naman ginusto.”
“What if ginusto mo naman siya before? Passionate ka roon sa job before, pero na-burn out ka na lang katagalan. Kaya pa ba siyang ma-ignite ulit?”
Hindi ko ’yon agad nasagot. I was twenty, barely earning for myself, umaasa pa rin sa allowance ng parents, but I worked sa library for a discounted tuition fee kasi malapit na rin ang graduation ko.
Privileged kid, yes. But I didn’t want to stay doon sa privilege na, feeling ko, hindi fair.
“Hindi ko po alam ang isasagot about work, Ate,” pag-amin ko. “Pero let’s say, ganito na lang po. Passionate po kayo noong una, then that means, at first, you like what you’re gonna do. Hindi siya forced labor o kaya imposed rule na dapat doon ka magwo-work kasi nasa batas. Ako po, gusto ko itong ginagawa ko rito sa library kasi ang mga head namin dito, mababait sila. Doon sa kabilang building, maraming masusungit na admin at nakakatamad mag-assist doon kasi parang lagi silang nagagalit kahit wala ka pang ginagawa.”
Mahina siyang natawa saka napatango. “Yeah, pamilyar ang eksena.”
“Nasa workplace din po yata nakadepende ang passion. Kapag po supportive sa inyo ang environment, hindi naman po nakakawalang-gana mag-work kasi alam mong may superior na su-support sa inyo.”
“May point,” napapangiting sabi niya. “Pero ikaw. After mong mag-student assistant, mag-e-aim ka ba sa higher position kahit alam mong toxic ang magiging superior mo?”
Pilit na pilit akong ngumiti saka umiling. “Neck-and-neck situation po kasi ’yon. Noong nasa student council po ako tapos tinataas nila ang position ko, hindi ko naman alam na required palang maging makapal ang mukha at makipagtagisan lagi sa mga rooting din sa higher position. Pero ako naman po ’yon. Kung okay lang po sa inyo at palaban kayo, support!” Natatawa akong nagtaas ng kamao para sa kanya.
Nakikita ko kay Ate Alvic na rooting pa siya ng something more sa status niya that time, and I saw nothing wrong about that. It was part of growing na hindi ka puwedeng maging stagnant sa kung ano ka lang ngayon. You have to change the course of your life and you have to decide for yourself.
“Graduating ka na ba? Ano’ng course mo?” tanong niya sa ’kin, tumango naman ako.
“Yes po, graduating ng information science. Pero sa next, next year pa po ang graduation ko kasi irregular student po ako.”
“Oh, I see.” Tumango-tango naman siya sa isinagot ko. “Dream course?”
Mabilis akong tumango. “Yes po.”
“Suwerte mo naman. Bihira kong marinig ’yang course mo.”
Naiilang akong ngumiti saka napahimas ng batok. “Wala po kasi masyadong pera pagka-graduate, sabi nila.”
“Hindi naman siguro. Buti na-pursue mo.”
“Yes po. Supportive po kasi parents ko.”
“Suwerte mo sa parents mo.”
“Sobra po. Plano ko rin pong mag-master’s degree habang waiting ng graduation ko.”
“Wow. Ang sipag mong mag-aral.” Kitang-kita kong napabilib siya sa sagot ko. Hindi naman sa masipag, gusto ko lang talagang gumawa ng dissertation para may ilalaman din ako rito sa library someday na gawa ko.
“Kayo po, graduate na kayo?”
Alanganin siyang tumango. Parang oo na parang hindi.
“Dream course n’yo rin po?”
Mabilis siyang umiling, walang sinabing kahit na ano.
At that moment, napaisip ako. Sobra-sobra siguro ang privilege na meron ako para piliin ang course na talagang gusto ko. Kasi ang daming estudyante na nag-aaral lang for the sake of diploma at masabing naka-graduate. Pero iilan lang ang gusto ang pinag-aaralan nila.
“Pero ikaw,” dugtong ni Ate Alvic, “kung sakaling graduate ka ng hindi mo gustong course, ipu-pursue mo pa ba ang dream course mo kung wala ka nang time to do other stuff for self-satisfaction?”
Tinitigan ko siyang mabuti kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Self-satisfaction po na ano specifically?”
“Hmm . . .” Tumingin siya sa itaas, parang nag-iisip. “Let’s say ako, may work na kasi ako. May family na ako. Kung mag-aaral ulit ako sa dream course ko, practical pa ba?”
Mabilis naman akong tumango. “Limitless naman po ang pag-aaral. May nakaka-graduate po kahit 70 years old na. Siguro po, mas lamang ang pagpili n’yo ngayon sa priority kaysa sa dream course. Kasi ang tao naman, kung priority niyang marating ang dream niya, ’yon ang ipa-prioritize niya. But since may second-thinking moments kayo, mas nangingibabaw ang happiness and self-satisfaction n’yo sa ngayon kaysa sa dream course n’yo. It will consume time po kasi. Mag-aaral kayo, mahahati ang time n’yo. Of course, kayo po ang magde-decide kung sino o ano ang deserving paglaanan n’yo ng oras sa ngayon.”
Matipid ang naging ngiti niya sa akin habang tumatango. “Yeah.”
“Importante rin naman po kasi ang oras. Kapag lumipas na ’yon, hindi mo na ’yon maibabalik. Kayo pa rin po ang pipili kung ano ang uunahin n’yo sa ngayon; kung mag-aaral kayo o yung ibang bagay.”
Ang lalim ng paghinga niya at patango-tango lang na isinara ang binabasa niyang lubro. “Kapag lumipas na, hindi na maibabalik . . .” pag-ulit niya sa sinabi ko. “What if possible na makabalik ka. Babalik ka ba sa nakaraan para itama ang isang major wrong decision na naging malaki ang impact sa buhay mo right now?”
Tinitigan ko pa siyang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng tanong.
Twenty pa lang ako. Hindi ko alam kung may narating na ba ako sa buhay na life-changing para sumagot sa tanong na ’yon.
“Sorry po pero hindi po ako babalik,” sabi ko agad saka nahihiyang umiling.
“Why?”
“Kasi po naniniwala ako sa relation ng isang buhay sa buhay ng iba. If babalik ako sa nakaraan tapos may babaguhin ako, ibig sabihin, marami rin akong buhay na mababago at mababago rin ang future. Everything happens for a reason. Binigyan din kayo ng choice beforehand. Hindi n’yo na po mababago ’yon kasi nangyari na.”
Ganoon lang din siguro karami ang regret sa buhay ng tao na lagi silang nagki-cling sa past, and they all wanted to change it.
I have my own fair share of regrets, but the more I cling to them, the more I couldn’t move forward to have a better future.
Hindi kasi puwedeng mag-rely lang lagi sa past kasi mino-mold lang n’on ang magiging future mo na lalo kang mai-stuck sa lugar na dapat matagal mo nang nilisan.
Choice ng tao kung gusto niyang mag-grow. And the first way to grow is to step out sa dark place kung saan sila na-stuck. It wasn’t easy kasi iba-iba nga naman ang pace ng buhay. But then again, pace means moving from one place to another kahit gaano pa kabagal. It wasn’t about staying at one place, and magically, magmu-move ka na sa kabila.
“Ako, dream kong makapagtayo ng café,” sabi ni Jazmin. “Wala pa ’kong budget, pero someday, sana.”
“Kaya ’yan. Need mo lang din ng solid support,” sabi ko.
May kinuha na naman siyang bookmark sa libro. “Cheesedog was Here,” pagbasa niya at ibinalik na ulit ’yon sa page. “Grabe, sipag magbasa, sir. May favorite quote ka rito? Nakakabisado mo ba ’to lahat?”
“By birth you have been blessed, and it is time to acknowledge that blessing,” sabi ko.
Biglang lumapad ang ngisi niya. “Hala, angas!” Itinuro niya ang isang page sa libro na may highlight. “Dito naman, ‘It's the fear of looking stupid that keeps you from being awesome.’” Inilipat niya ang tingin sa akin. “Wait, okay lang bang sulatan ang mga libro dito?”
Natatawa akong tumango. “Hindi sa nang-e-encourage, but it was a good way to tell everyone na galing ka sa book, and you read everything from the paper to its soul.”
“Pero ikaw, bookmark lang. Hindi mo sinusulatan.”
“Kasi kapag ako ang nagsulat diyan, sana nagsulat na lang din ako ng separate book review sa dami ng sasabihin ko.”
“Hahaha! May point ka diyan, sir.”
Isinara na niya ang libro at nginitian ako. “Kumakain ka ng kwek-kwek, sir?”
Nakangiti akong tumango. “Yeah.”
“Libre mo ’ko, sir.”
“Hahaha! Jazmin, Jazmin, Jazmin.” Napailing na lang din ako. “Sige, tara sa labas. Kain tayo.”
• co-created by @akosiaey
• Next update: January 15, 2023, 7 PM
8 notes · View notes
lenabuncaras · 1 year
Text
Book One: Tao Te Ching
Pinanghawakan ko ang Hotdog ko.
Wait, parang ang sagwa pakinggan.
Pinanghawakan ko ang pagiging Hotdog ko.
Puwede na. Okay.
Hindi dahil sa gusto kong maging hotdog in generic form, pero may mga nickname kasing okay lang kahit malayo sa real name.
I was in Grade Two when everyone officially named me Hotdog. I still write my Carlisle Arjeantine name kapag kailangang isulat, but nickname? Hotdog talaga.
Everyone was calling me Hotdog—kahit ang mga teacher, para lang din hindi sila magkamali sa pagsabi ng pangalan ko.
I was Hotdog Mendoza way back then. To be honest, hindi siya weird na nickname, because I had a classmate, and she was named as Kukay. I found Hotdog a bit presentable than Kukay during those days.
I was enjoying being Hotdog in an empirical manner when I realized, there was nothing special about being Hotdog.
First Year High School, ang random ng thought, everyone knew me as Hotdog while some called me Arjan. My mom used to call me Cali, and it was confusing me in another level kasi hindi ko alam kung ano ang dapat itawag sa akin.
You had a freaking name, and it was legally applied, and no one wants to use it for you, even yourself.
Same kay Kukay. Ang real name niya, Angelica Marie Joy R. San Vicente. But no one called her Angelica or Marie or Joy, or any of it but Kukay. Like, dude, for real?
Symbolic for me ang nickname na Hotdog kasi sobrang rare kong kumain ng hotdog kahit noong bata pa ’ko. Laging cheesedog. So, I asked my dad some time when I was six, “Pops, bakit may ganito na white sa hotdog?”
It was a white, gewy substance, dripping at the tip of the hotdog. And damn, it sounded so not safe for work, but it was.
“Cheesedog naman kasi ’yan, hindi ’yan hotdog,” sagot ni Popsky.
“Bakit po may cheese?”
“Kasi special kapag may cheese. Kapag, wala, common hotdog lang siya.”
Intrusion! Intrusion!
But yes, it was a sudden flashback during my childhood days na kapag may cheese, special.
Ang bibingkang may cheese, special.
Ang ensaymadang may cheese, special.
Ang putong may cheese, special.
Ang burger na may cheese, special.
There might be something about cheese that makes everything so special.
“Kaya pumayag kang maging Cheesedog?”
Ah! My mind was wandering around, kausap ko nga pala si Jazmin pero Z.
“Cheesedog is a good source of discussion, anyway,” sagot ko.
Jazmin pero Z is my student. Humanities class.
Well, she’s . . . she’s interesting. Very . . . interesting in a sense that she found me in a place where no one wants to look for me.
There’s something about the timing na hindi ko ine-expect. There’s something about the idea na ang sarap i-look forward because someone found you where you’ve been.
She’s cute. I like her eyes. Mukha siyang Korean na Taiwanese. Cute ang ilong, hindi matangos pero parang nakakatuwang pindutin kasi maliit. Bilugan ang mukha tapos may bangs na nagsasariling paling kahit anong suklay niya paharap. Hindi ako sigurado sa haba ng buhok kasi laging nakatali, lalo pa’t mahangin dito sa area dahil nga nasa highland. Madaldal. Kind of madaldal na mahirap bentahan ng idea. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses niyang tinanong ang pagiging Cheesedog ko. Nag-explain na ’ko’t lahat, tinatanong pa rin niya.
“Bakit ito ang pinahanap mo sa ’min?” tanong niya, itinaas ang librong kanina pa niya binabasa—kung binabasa nga ba niya kasi dinadaldal din niya ’ko samantalang gumagawa nga ako ng lesson plan.
“Because I want you, guys, to understand that book?”
“Tao Te Ching by Lao Tzu,” pagbasa niya sa librong pinababasa ko sa buong klase for a reflection paper. “The Book of Way.”
Saglit akong tumigil sa ginagawa at nangalumbaba habang tinuturo ng sign pen ang librong hawak niya.
“Itong book, nakita ko ’tong binabasa ng nauna sa ’kin. Her name is Cherminne. I was nineteen when I first found this.”
Ako pa ang nagbuklat ng page at ipinakita ang bookmark ko roon sa page na may memorable line for me.
“We wu wei,” nakangiting sabi ko. “When nothing is done, nothing is left undone. Kung wala kang ginawa, meron kang ginawa. Wala nga lang.”
Napapangiti siyang nagtakip ng noo at parang nahihiya sa sinabi ko, umiiling pa. “Puwede bang bumalik na lang tayo kung bakit ka naging si Cheesedog, sir?”
It was fascinating, for me. Si Ate Cherminne kasi, virtual assistant siya. Sobrang broad ng pagiging VA, and I was a student way back then. She has an expressive eyes, and she looked at me like she was reading me until the very fiber of my existence.
Maybe sa experience? Iba rin siguro ang questions sa buhay ng may experience sa wala. And nineteen years old wasn’t that old enough to know something about life in general. And she’s double my age.
Ate Cherminne and I were on the same table, and she was reading that book habang naghihintay ako sa kanya. We had a small talk, some questions about life, as in sobrang random na hindi naman normally pinag-uusapan ng dalawang taong hindi rin naman magkakilala.
She asked, “Tingin mo, simple lang ang buhay?”
I answered, “Yes po.”
She smiled at me. “Why?”
“Simple lang ang life because it’s more of living and knowing why you live?” hindi sure na sagot ko.
“If simple lang, bakit mahirap maging masaya?”
“Hmm.” I really thought about that part. “Subjective po siguro ang happiness. Siguro nakadepende ’yon sa source of happiness nila kaya mahirap.”
“So, dahil ba sa constant craving nila for something they do not have, kaya mahirap maging masaya?”
“Kung happiness po ng ibang tao ang magkaroon ng maraming pera pero tambay lang po sila, mahirap po talaga. O kaya kung gusto nila ng T-Rex.”
Tinawanan lang ako ni Ate Cherminne sa sagot ko.
But really, isa ’yon sa mga tanong sa mundo na madali sanang sagutin kung pare-pareho lang ang meaning ng happiness para sa lahat.
Maybe it was about that constant craving gaya ng sabi ni Ate Cherminne, or maybe it was about the contentment na kung enough for you ang kung anong meron ka, you’ll feel happy kasi satisfied ka na. You don’t have to crave for more, you don’t have to ask for anything else.
Maybe it was about perspective, depende kung saang side ka tumitingin.
“When people see some things as beautiful, other things become ugly. When people see some things as good, other things become bad,” pagbasa ni Jazmin sa isang page ng book. “Ang philosophical nitong book, parang nakakabobo basahin, sir. Parang gets ko na parang hindi.”
“Pero ikaw, ano ang definition mo ng happiness?” usisa ko habang tinititigan siya.
“Hmm. Quiz ba ’to? May score ba ’to, sir? Exempted na ba ’ko kapag sinagot ko?”
Tinuktukan ko siya ng sign pen sa ulo bago ko binalikan ang lesson plan ko. “Magbasa ka na lang.”
“Ang definition ko ng happiness, sir, kapag busog ako, hahaha!” biglang sabi niya kaya napasulyap ako. Hawak-hawak na naman niya ang bookmark na iniwan ko roon. “Cheesedog Was Here.”
“Ibalik mo ’yan, ha?” utos ko.
“Opo, ito na po, ibabalik na.” Isinilid niya ulit ang bookmark sa page ng libro. “May favorite quote ka rito sa book, sir?”
“Meron,” sagot ko, sinusundan ng tingin ang ginagawa niyang paglipat sa libro.
“Natatandaan mo pa?”
“Yeah. I am different from ordinary people.”
Bigla siyang tumawa sa ’kin. “Ang GGSS! Legit ba?”
Ako naman ang napangiti sa kanya. “Joke lang, ang bilis mong maniwala.”
“Kaya ko nga tinanong kung legit ba. Grabe siya, ha. Pero seryoso, natatandaan mo pa?”
“Yep!” Tumango naman ako. “If you want to become whole, let yourself be partial. If you want to become full, let yourself be empty. If you want to be reborn, let yourself die. More like if you want to be one, become one.”
“Sir, hindi na makatao subject mo. Nakakabobo na, ha. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa I exist; therefore, I am mo. Sumisingit ka pa ng nakakasira ng utak.”
“Mag-aral ka kasing mabuti.”
“Business naman kasi kinukuha ko, sir, hindi naman philo. Uy, meron pang isang bookmark. Taray!”
Dinampot niya agad ’yon, pero kaiba sa bookmark ko, pilas lang ’yon ng papel na sinulatan.
“Every moment that passes by is a new piece of time, a new chance to make things right as they were before, a new start to do good as it was written for us long ago. Every life has an opportunity to change its ways if it wants to be happy again,” pagbasa niya roon. “Buti pa ’to mabilis arukin. Wala ka bang ganito, sir? Kaysa yung one plus one mo.”
“Hahaha! Magbasa ka na. Ikaw una kong tatawagin bukas sa recitation.”
“Hoy! Namemersonal ka na!”
“Hahaha!”
Life is composed of simple things that make us happy. A simple joke, the laughter of a cute kid, a short conversation with someone you adore, a cute toy. And I guess it wasn’t complicated at all. We just have to look at it as something worth its existence.
• co-created by @coffeexated.
• Next update: January 13, 2023, 7 PM
4 notes · View notes
lenabuncaras · 1 year
Text
i. Yunik
Unique.
One word lang pero mabigat ang meaning. Hindi mo kasi matatawag na unique ang isang existing idea kung walang normalcy.
Sinasabi ng mga nakakausap ko na lahat daw ng tao, kakaiba. Pero kung kakaiba ang lahat ng tao, then dapat normal na 'yon. Kasi kung nasa equal state silang lahat of being unique, what makes them unique kung naka-align sila sa iisang lugar lang?
Carlisle Arjeantine D. Mendoza. Unique name, sure na walang hit sa NBI. Nakuha ni Momsky ang Carlisle sa fictional character na may vampire theme. Idinikit pa sa pinaarteng Argentine, which means made of silver—ironically, weakness ng mga vampire. Sana pinangalanan na lang niya akong Superman Kryptonite.
Unique.
Wala akong kapangalan sa klase. Buong school days ko, nakilala ako kasi unique ang pangalan ko. Pero buong school days ko rin, sobrang rare ng mga teacher na kayang i-spell at sabihin ang pangalan ko nang tama.
Karlisel Arjintayn.
Karlisli Arjeyantin.
Presenting the top two ways to murder my name.
Ang hirap sabihin! Mahirap na ngang sabihin, ang tagal pang isulat!
That was why I blamed my dad for not naming me when I was born. I was five, crying, asking him, "Popsky, palit ako pangalan."
"Bakit?"
"Hirap i-spell ng pangalan ko, e!"
"Papalit ka ng pangalan sa mama mo."
"Ayaw! Magagalit siya! Dapat ikaw na lang nagpangalan sa 'kin, e!"
Tinawanan lang ako ni Pops. Umiiyak na 'ko noon . . . at tinawanan lang niya 'ko.
Some adults mostly do that—laughing at something petty for them pero big deal sa bata. Yeah, funny nga naman kasi na parang ang dali lang magpa-rename sa civil registry at maglakad sa korte ng pagpapa-rename. But I was five years old, crying with painful fingers, just finished four pages of writing my full name in my writing notebook, asking to change my name.
"Sige, Hotdog na lang pangalan mo," sabi ni Pops. "Six letters lang 'yon. Gusto mo bang maging Hotdog?"
"Six letters?" sagot ko habang nagpupunas ng basang mata.
"Yes, six letters lang."
I was staring at my dad, and he was freaking serious, no sign of a joke on his face—and my dad is a funny guy. Later ko nang nalaman na kapag nagjo-joke siya, hindi siya tumatawa o nagpapakita ng sign na nagpapatawa siya. And my naïve five-year-old self was convinced that my dad was serious about naming me Hotdog for freaking sake. He was freaking serious! And I was sold for six freaking letters!
Hotdog D. Mendoza.
Unique.
Pinatawag ang parents ko, bakit daw Hotdog ang nakalagay sa notebook ko. My mom was fuming mad. Pinag-awayan nila 'yon ni Popsky.
Five years old, sobrang bata pa para magkaroon ng existential crisis dahil lang ayaw sa pangalan.
I grew up hating my name. I grew up not convincing myself that my name is unique. Hindi naman ako galit sa mommy ko dahil pinangalanan niya ako ng mahirap i-spell at sabihin na pangalan. Puwede naman kasi akong pangalanan bilang TJ o kaya Dan.
Pero habang tumatanda ang tao, nagbabago ang environment niya, napapalitan ang perspective. Part ng growth ang acceptance na puwede mo namang papalitan ang pangalan mo nang may tamang proseso, pero pangalan mo na 'yan. Identity mo na 'yan. The moment you carry your name, the same moment you exist in everyone's mind around you. Technically. Legally.
Unique.
Lahat ng tao, kakaiba. Lahat ng tao, special. And you know what makes everyone special? Normalcy.
Sa sampung tao na existing sa mundo, dapat siyam doon, normal para maging unique ang isa.
Sa bilyong-bilyong tao sa mundo na sinasabing lahat ay kakaiba, qualification bilang tao ang maging normal.
Mga irony sa mundo na kailangang mag-coexist kahit opposite idea sila . . . gaya ng meaning ng pangalan ko. Bampira at silver.
"Kung Cheesedog talaga pangalan mo, bakit?"
Oh. I almost forgot.
Kung naging Hotdog ako minsan sa buhay ko, bakit nga ba ako naging si Cheesedog?
♥♥♥
1 note · View note
lenabuncaras · 1 year
Text
Cheesedog is Here
"Cheesedog! Aha!"
Sa dami ng chances sa mundo, sa dami ng puwedeng mangyari, sa dami ng puwedeng makilala, sa dami ng oras na puwedeng magdaan, sa dami ng mga pagkakataong puwedeng lampasan . . . gaano kalaki ang chance na makita ka sa kalokohang ginagawa mo ng hindi mo inaasahang tao?
I started reading in this school library for almost five years. Five years, ni minsan, wala akong narinig na tumawag sa pangalan ko nang hindi ako tinatanong—and that was the first time.
Sa dami ng "Ano'ng pangalan mo?" na natanggap ko bago ko sagutin ang tanong na 'yon, unang beses kong tawagin sa nickname ko ng taong hindi ko kilala.
And you know what's magical about it? It only happened once.
She found me in places I've been.
And for the past five years, no one has attempted to find me wherever I went.
Sa dami ng mga pumapasok sa library,
Sa dami ng pinagpag kong alikabok sa mga estante,
Sa daming beses kong narinig sa librarian na bawal nga raw ang noisy,
Sa dami ng mesang ginagawang kama ng mga natutulog na estudyante,
May nag-iisang nakaalam ng existence ko sa binabasa kong mga libro . . . hanggang sa makilala ko na rin siya mula sa minsan ko nang natipuhang mga kuwento.
Wala namang espesyal sa pangalan kong Cheesedog . . . maliban sa ganoon daw talaga kapag mahal, laging may keso.
I exist; therefore, I am.
At papunta na ako rito . . .
♥♥♥
An interactive novel.
1 note · View note