Tumgik
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
- Lorax
4K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Text
The Lorax: Hindi Lang Basta Palabas
Tumblr media
Image from google
Ang The Lorax ay isang “3D computer-animated film” na lumabas noong ikalawa ng Marso, 2012. Ito ay base sa The Lorax ni Dr. Seuss. at tungkol ito sa isang batang nagngangalang na Ted at ang siyudad ng Thneedville kung saan siya nakatira. Naghahanap ng tunay na puno si Ted upang mapanalo ang puso ng iniirog niyang si Audrey. Ayon sa lola niya, dapat siyang pumunta sa kinaroroonan ni Once-ler na nakakaalam sa mga nangyari sa mga puno at kung nasaan makakahanap ng isa.  Bitbit ang labing limang sentabos, isang pako at isang matandang matandang suso, tumakas si Ted papunta sa labas ng Thneedville at nagulat siya sa kanyang nakita. Kahit na maraming pinagdaanan si Ted na pananakot, dahil sa pagpupursigi niya, nailigtas niya ang Thneedville at ang mundo sa labas nito.
Nakikita sa Pelikulang The Lorax ang ilang mga ideya at paniniwala ni Dr. Seuss at ng mga lumikha ng pelikulang bersyon nito. Ipinapakita din nito ang mga pangyayari at paniniwala ng panahon kung kailan lumabas ito. Una, ang Thneedville ay isang representasyon ng magiging itsura ng mundo sa hinaharap kung ipagpapatuloy ng kasalukuyang mundo ang mga ipinaggagawa nito. Ayon sa mga tauhan sa pelikula ang Thneedville daw ay puno at ibinubuo ng plastic at mga artipisyal na bagay. Ayon sa statista.com umabot ng 288 milyong “metric tons” ng plastic ang naigawa noong 2012 (Statista). Rinerepresenta din ng Thneedville ang ideyal na  mundo para sa mga tao ng panahong iyon. Nagsimula ang pelikula sa isang “music number” ng mga nakatira sa Thneedville. Ayon sa kanta ang Thneedville ay puno ng mga baggong kotse, bahay at lupa. Para sa kanila perpekto na ang Thneedville at mananatili itong perpekto. Ngunit naipakita din na ang ideyal na ito ay may naidudulot na masama. Ang mga puno  sa Thneedville ay ginagawa sa mga pabrika at nangangailangan ng 96 na batterya. Ang hangin sa Thneedville ay puno ng pollusyon kaya ang mga nakatira doon ay bumibili ng malinis na hangin na inilalabas ng isang makina. Ang mga malilinis na hanging ito ay nakalagay sa malaking lalagyan ng tubig. Katulad ng kadalasang ginagamit kasama ng mga “water dispenser”.  Ang pagbenta at pagbili ng malinis na hangin ay nagkatotoo. Noong 2013, may isang Tsinong milyonaryong na nagngangalang Chen Guangbiao na nakabenta ng walong milyong lata na puno ng malinis na hangin. (Mosbergen) Nagsimula siyang magbenta ng hangin noong Septembre ng 2012. (Mosbergen) Hanggang ngayon, maraming nagbebenta ng malinis na hangin tulad ng kompanyang Aethaer. Ang mga naninirahan sa Tsina ang kadalasang bumibili nito dahil sa lebel ng pollusyon sa kanilang bansa. (McKenzie) Maihahambing ang Aethaer at si Chen Guangbiao kay O’hare at ang ibinebenta niyang hangin.
Pangalawa, ipinapakita ng pelikula ang kaugalian ng mga tao sa panahong lumabas ito tulad ng paniniwalang kahit wala kang gawin magiging maayos din ang lahat sa bandang huli at hindi pagpansin sa mga epekto ng polusiyon at global warming dahil hindi nila ito nakikita. Sa umpisa ng pelikula may batang lumalangoy na nagsimulang lumiwanag pagkatapos niyang umahon. Walang ginawa ang mga magulang niya. Hindi ikinekwestyon ng mga tao kung bakit madumi ang hangin nila at wala silang ginagawa upang ayusin ang problemang ito.  Ayon sa kanta sa simula ng pelikula, ayaw malaman ng mga tao ng Thneedville kung saan napupunta ang mga “smog”, basura at kemikal nila. Sa eksena kung saan unang beses ni Ted lumabas ng Thneedville, nagulat siya sa nakita niya. Walang mga puno o senyales ng buhay sa labas ng kanilang siyudad.
Ang susunod na punto ay naipakita rin ng palabas, ang pagpapahalaga ng mga tao sa Pera. Si O’hare at Once-ler ay parehong nagging matagumpay na may-ari ng mga kompanya. Parehas silang na lasing sa kapangyarihan, katanyagan at pera. Nagging mas importante ang pera sa kanila kaysa sa kaligtasan ng mga tao at ng kalikasan. Si O’hare at Once-ler ay representasyon ng mga “businessman” sa panahoong iyon.
Pang-apat, Ipinapakita ang paghahalaga ng may akda sa mga puno dahil sa importansya nila. Ipinapaalala ng pelikula ang mga ginagampanan na papel ng mga puno. Ang mga punong Truffula ang tirahan ng mga hayop. Sila ang gumagawa ng mga bunga upang may makain ang mga hayop at lumilikha sila ng Oxygen. Sa The Lorax ang mga puno ay ipinutol ni Once-ler sa ngalan ng kaniyang kumpanya at produkto. Hindi niya naisip na palitan ang mga punong ipinutol niya. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang pera na makukuha niya at ang pagtagumpay ng kaniyang kumpanya.  Dahil sa pagputol niya ng mga puno, dumami ang pollusyon at nawalan ng tirahan ang mga hayop .  Maitutulad si Once-ler sa mga “Illegal loggers”. Noong 2012, maraming namatay dahil sa Typhoon Bopha. Kabilang sa mga dahilan ng pagkawask nito sa Compostella Valley ay ang pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa “Illegal logging”. Hindi lang ang Typhoon Bopha ang nakapatay ng maraming tao kundi pati na rin ang Typhoon Sendong. Lalala lang ang mga bagyong paparating dahil sa global warming at masmaraming mamatay kung ipagpapatuloy ang pag putol ng mga puno. (Hance)
Panglima, ang istorya ng The Lorax ay iginawa para sa mga bata kaya ang mga punto at mensahe  nito ay madaling makita. Ipinapakita nito ang paniniwala ng may-akda na ang kabataan o susunod na henerasyon ang pag-asa. Para sa may-akda, hindi importante kung mag-isa lang o bata pa basta may kagustuhang ibago ang mundo magagawa ito. Makikita ito sa linya ni Once-ler. “Hindi ka lang basta bata tulad ng hindi lang iyan basta supling” at sa linya ni Lorax na “Kung hindi mo paghahalagahan, hindi gaganda ang mundo”.
Ang The Lorax ay hindi lang isang palabas dahil madami siyang itinataglay na impormasyon tungkol sa nakaraan at sa maaring kinabukasan. May kakayahan itong impluwensiyahan ang isang henerasyon o ibahagi ang mga pagkakamali ng henerasyon. Ipinakita ng The Lorax ang isang inaakala o itinuturing nating Utopia ay maaring gawa lamang sa plastik at artipisyal. Ipinakita nito na kahit isang bata ay maykakayahang magpasimuno ng pagbabago. Ibinabaliwala ng The Lorax ang mga palusot na kadalasang ginagamit upang makatakas sa responsibilidad tulad ng “mahina ako, kakayanin na ito ng ibang masmalakas”. Pagkatapos panoorin ang The Lorax, ako rin ay maibibilang na sa kasaysayan dahil sa mga natutunan ko mula dito. Lahat ng mga paniniwala ng panahong nakabaon sa The Lorax ay naipasa sa akin at dadalhin ko ito sa aking paglalakbay sa buhay.
Sanggunian
Hance, Jeremy. Illegal logging, mining worsened impact of Philippines’ killer              typhoon. Mongabay.com. December 6, 2012. web. June 22, 2018.
McKenzie, Sheena. The smell of success? $115 bottles of British air sold to                Chinese buyers. CNN. February 8, 2016. web. June 22, 2018.
Mosbargen, Dominique. Chen Guangbiao, Chinese Millionare, Sells Canned                Fresh Air To Combat Pollution. Huffington Post. January 29, 2013. web.              June 22, 2018.
Most Illegal logging ‘hot spots’ located in ‘Pablo’-hit provinces - DENR chief.              GMA News. December 6, 2012. web. June 22, 2018.
Statista. Global Plastic Production From 1950 to 2016 (in million metric tons).            web. Statista.com .  June 22, 2018.
0 notes
lantree ¡ 6 years
Text
UPLOAD
“UPLOAD”. “SHARE”. “POST”. “REACT”. UPLOAD. SHARE. POST. REACT. Ang siklo ng “Facebook”. Ang siklo ng aking paggamit nito. Ang upload ang paglilipat o pagbabahagi ng datos o impormasyon. Kadalasan ang datos ay ipinapadala sa “internet”. Kung titingnan ang share ay parang upload din dahil inililipat o ibinabahagi mo ang datos ng iba sa iyong “profile”. Ganun din ang post dahil inililipat mo ang iyong mga salita, larawan, bidyo, atb. sa iyong profile. Ganiyan din ang react dahil ibinabahagi mo ang iyong nararamdaman. Lahat ng ito’y nangyayari sa isang “social media platform” tulad ng Facebook. Halos limang oras o higit pa ang inaalay ko sa paggamit ng Facebook sa isang araw. 5x365 = 1825. Isang libo, walong daan at dalawang pu’t limang oras ng aking buhay taon taon ang ginagamit ko sa Facebook kaya imposibleng hindi ito magging isang malaking bahagi ng aking buhay.
Nagsimula akong gumamit ng Facebook noong ako’y na sa ika-limang baitang sa mababang paaralan. Bilang isang labing isang taong gulang na bata, sinisimulan ko palang galugarin ang mga social media platforms. Ito ang parte ng buhay ko kung saan hindi pa ako mahilig sumuot ng mga “in” or usong mga kasuotan dahil hindi ko pa nabibigyang pansin ang opinyon ng iba. Naalala ko nga na “ T-shirt” at “3/4th pants” lang ang lagi kong suot. Noong panahon na ito, sumisikat pa lamang ang larong “Petsociety” sa Facebook. Sa larong ito nakakalaro ko ang aking mga kaibigan. Kung tutuusin napalapit ako sa kanila dahil sa Facebook. Parang lumiit ang mundo. Nakakausap at nakakasama ko sila kahit bakasyon o hating gabi. Ang Facebok ay naging parang “teleportation device” na nagbigay sa akin at sa mga kaibigan ko ng kakayahan na magsama o pumunta sa ibang lugar. Dahil sa koneksyon na ito, na enganyo akong magbahagi ng mga post na satingin ko ay magugustuhan ng aking mga kaibigan o mga post na pakiramdam ko ay may relasyon sa akin at nauunawaan ko. Pinindot ko ang share sa mga post na tutol sa “body shaming”, sumusuporta sa “Gender equality” at mga post na tungkol sa mga bagay na tingin ko ay sumasalungat sa mga nararamdaman ko tulad ng mga post tungkol sa “insecurity”at “anxiety”. Hanggang sa ngayon ay ipinagpapatuloy ko pa rin ito. Dahil sa koneksyon na ito, natutunan kong pahalagahan ang opinyon ng iba.
Habang ako ay tumatanda, dumadami rin ang mga binabahagi ko sa aking profile. Nagbabahagi na ako ng mga post na may litrato ng mga sapatos o damit. Nagbago na rin ang tipo ng mga damit na isinusuot ko. Naging “hype” na o “athleisure”. Na kahiligan ko na ang mga “sneakers” at “branded” na sapatos. Pagdating ko sa “senior high school”, nagsimula nang sumikat sa Facebook and mga posts tungkol sa “Feminism”, “stereotypes”at “gender roles”. Nakakita ako ng mga bidyo sa Facebook tungkol sa mga gender equality “advocates”. Naunawaan ko sila dahil kahit ako nararamdaman ko ang pagkakaiba ng pagiging babae sa paigiging lalaki. Simula noon natatamaan ako tuwing naririnig ko ang “dahil babae ka dapat...” , “Kababaeng tao...”, “Dahil lalaki ka dapat...”, “Kalalaking tao...”. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging hadlang sa aking mga kagustuhan ang aking pagiging babae.
Nang na sa kolehiyo na ako, isang araw, isa sa mga kaklase kong lalaki ay nagsabing baliw ang mga babaeng feminista sa Amerika. Nang itinanong siya ng iba pa naming kaklase kung bakit iyon ang paningin niya, wala siyang mabigay na matinong dahilan. Naisnis ako sa kaniya dahil parang para sa kaniya hindi importante ang mga karapatan ng mga babae na ipinaglalaban ng mga babaeng iyon (“Tutal hindi kasi siya babae kaya hindi niya alam ang mga paghihirap na pinagdadaanan namin” ika ko sa aking isipan). Pagkatapos ng klase, kausap ko ang isa sa mga kaklase kong babae at pinag-usapan namin ang sinabi ng kaklase naming lalaki. Maririnig mo ang inis sa boses namin. Ipinagtatangol namin ang mga babaeng feminista na iyon at ang mga pangunahing dahilan kung bakit sila naging feminista. Bigla nalang, naisip ko na nagiging katulad ko na ang mga babaeng na sa ipinanood kong bidyo at hindi lang doon tumitigil iyon. Ang mga damit at sapatos na nasa profile ko ang mga tipo ng sapatos na isinusuot ko.
Isang araw, binigyan kami ng isang proyekto ng aming Filipino prof. At dahil doon naisip ko na kung titingnan sino ba talaga ang “nag-aapload”, ako o ang Facebook? Dahil lahat ng bumbuo sa aking pagkatao ay ang aking mga nakikita sa aking “newsfeed” at hindi mga bagay na nakikita ko sa aking lipunan. Halimbawa, hindi ko naman alam ang sitwasyon ng mga kababaihan sa Amerika ngunit ang mga opinyon nila ay nagging opinyon ko rin kahit na hindi naman ganoon ka lala ang diskriminasyon sa mga kababaihan sa aking lipunan. Hindi naman ako ang unang nakakaisip ng post sa aking profile. Ang aking mga ideya, pinaniniwalaan at mga opinyon ay galing sa mga post na nakikita ko sa Facebook. Kung hindi dahil sa Facebook, hindi ako maniniwala sa gender equality;hindi ako makikialam sa body shaming; hindi magbabago ang tipo ng mga damit na isinusuot ko; hindi ako magkakamaraming kaibigan dahil hindi ko magugustuhan ang mga bagay na gusto ng karamihan. May kinalaman ang Facebook sa mga pagbabagong nangyari sa akin. Nabuo “ako” dahil sa mga nakikita ko sa Facebook. Kung titingnan ang aking profile maiisip ng taong tumingin na isa akong babaeng maraming hilig, may maraming opinyon at “cool” dahil alam ang mga uso ngunit mukha lang akong ganoon dahil sa impluwensya ng Facebook. Isa nanamang siklo. Makikita ang post. Ibabahagi sa aking profile. Hindi ako. Magmumukhang ako. Magiging ako. Hindi ako ang nagbabahagi ng datos kundi ang Facebook (sa akin).
1 note ¡ View note
lantree ¡ 6 years
Text
What “chivalry” should be: “I want to do this good thing for someone else because altruism is awesome.”
What “chivalry” should not be: “I’m gonna do this ‘nice thing’ for a woman because she is a woman, but if she doesn’t respond in a manner which I deem appropriate I’m gonna call her an ‘ungrateful b****’ because I’m a petulant child who doesn’t understand historical gender dynamics.”
2K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
by jellyvamps
3K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
7K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Isa sa mga malulungkot na parte ng ating reyalidad :(
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
there’s always an insult.
4K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
340 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
by kimothyjoy
755 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
🍑❤️
Tumblr media
via shoezgallery
1K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Audio
Mahal mo ba talaga kung yung mukha lang??? 🤔🤔🤔
0 notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
89 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
153 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
#relatable ..
38 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
Me on valentines.. hahaha.
344 notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
1K notes ¡ View notes
lantree ¡ 6 years
Photo
Tumblr media
2018 so far thisislany.com/tour
53 notes ¡ View notes