Tumgik
Conversation
Hi?
0 notes
Text
Na-aalala mo pa ba...
Naalala mo pa ba nung bata pa tayo mahilig tayong maglaro sa ilalalim nang punong iyon iniukit pa nga natin ang mga pangalan natin sa punong iyon tanda nang pagkakaibigan natin. Naalala mo pa ba noong pareho tayong napagalitan dahil sa kalokohan natin. Partners in crime tayo diba. Naalala mo pa ba noong may mga nambubully sakin sa school at ikaw ang taga pagtanggol ko. Sabi mo pa nga ikaw ang superman ko Naalala mo pa ba nung sabay tayong kumakain sa mamihan nila Tatang Joey at sabay rin tayong umuuwi galing paaralan. Naalala mo pa ba noong wala akong kapartner sa sayaw nagpresinta kang maging partner ko kahit pa kapartner mo na noon ang crush mo sabi mo pa 'mas importante ang bespren ko'. Naalala mo pa ba noong graduation natin noong elementary at valedictorian ka grabe proud na proud ako sayo nun at minention mo pa ako sa speech mo. Naalala mo pa ba noong inilakad kita sa babaeng napupusuan mo. Ako pa nga taga bigay ng mga regalo mo sa kanya eh. Naalala mo pa ba noong naging kayo nang nililigawan mo. Grabe muntik na kitang masuntok eh halos mawalan ka na nang time sakin. Naalala mo pa ba noong naging tutor kita sa Math. Kaya kada Sabado nasa bahay ka at nililibre kita ng miryenda Naalala mo pa ba noong napilayan ako dahil sumali ako sa basketball ikaw pa nga nagdala sakin sa clinic eh sabay sermon kesyo di daw pang babae ang larong basketball. Haiisst. Naalala mo pa ba noong nag break kayo nang girl friend mo ginawa mo akong panyo nun eh. At tinulungan kitang makamove on. Naalala mo pa noong prom sinayaw mo ako nun at dun ka umamin na may gusto ka sakin grabe napaka romantic nun. Naalala mo pa nung pumunta ka sa bahay para sabihin sa magulang ko na umaakyat ka nang ligaw sakin at grabe ang tuwa mo noong nung pinayagan ka. Naalala mo pa ba nung nililigawan mo ko hatid sundo mo ako nun eh. Naalala mo pa ba noong nag post ako sa facebook na nagugutom ako kahit na gabi na yun. Nagulat na lang ako nang tumawag ka sakin at nasa labas ka na pala nang bahay may dalang pag kain. Naalala mo pa ba noong sinagot kita. Champion pa nga ang team niyo sa basketball eh. Kaya sobrang saya mo. Naalala mo pa ba noong pinakilala mo ako sa mga magulang mo grabe ang kaba ko noon akala ko di nila ako magugustuhan. Naalala mo pa ba noon na kada Linggo nag sisimba tayo. Naalala mo pa ba na ang tawagan natin ay Hart imbes na Heart kasi sabi mo para unique eh tinaggal mo lang naman yung letter 'e' eh. Naalala mo ba noon na pinakilala kita sa magulang ko. Lahat ng flavor ng ice cream binili mo kasi di mo alam ang gusto nilang flavor. Naalala mo pa ba noon na gabi gabi tayong nag uusap sa cellphone magdamagan yan hanggang sa makatulog ang isa saatin. Naalala mo pa ba noong graduation natin noong high school Salutaturian ka grabe proud na proud ako nun sumigaw pa akong I LOVE YOU HART!  kahit na nakakahiya. Naalala mo pa ba noong kailangan mong umalis ng bansa dahil may sakit ang papa mo na nasa States. Naalala mo ba noon na kahit malayo tayo sa isa't isa nagagawa pa din nating mag usap o mag videocall. Naalala mo pa noon na sana two years na tayo kaso biglang lumabo ang relasyon natin. Wala na tayong komunikasyon Naalala mo pa ba na sabi mo babalik ka at sinabi ko rin na mag hihintay ako...Hart Mahal na mahal kita nasan ka na.. Naalala mo pa ba yung mga magagandang alala natin? Hart...Naaalala mo pa ba ako? -Your Hart
0 notes