Tumgik
joshuadurango01-blog · 6 years
Text
“The Irony of Humanity”
“Your concern is human rights, mine is human lives” (Duterte, SONA 2018)
A self-confessed “man of many flaws and contradictions”, the Philippine President with an iron fist, Rodrigo Duterte, now on its way of uniting the country and achieving its inclusive growth. However, his intensive campaign about war on drugs has led to thousands of extrajudicial killings, raising human rights concerns.
The concept may be problematic but human rights are a vital component of most modern democracies.
Human rights allow a person to live with dignity and in peace, away from the abuses that can be inflicted by abusive institutions or individuals. It is a concept that has been constantly evolving throughout human history. But the fact remains that there are rampant human rights violations and has been a subject of concern and controversy in the Philippines.
What has been happening in the Philippines is tragic and unconscionable.
Every year, as mandated by US Law, the State Department comes up with a report on the human rights situation in every country. The Country Reports on Human Rights Practices, noted that the Philippines continued to be plagued by human rights problems. The significant problems, according to the report include extrajudicial killings, criminal justice system and a widespread corruption and abuse of power. Indeed, the value of human rights as a proposition and as a principle just cannot be overemphasized. There is too much of human rights that is couched in hypocrisy.
Moreover, Philippine President vowed in his third SONA that he would continue his murderous “war on drugs,” saying “it will be as relentless and chilling as on the day it began”. The President seemed to be unapologetic about his grim campaign and its fallout, pursuing to cracked down the crime associated with drugs and criminality more generally.
He claimed that drug dealing and drug addictions were major obstacles to the Philippine’s economic and social progress, enabling him to act proactively and address the issue of drugs in a non-constructive way with widespread violations of human rights.
Furthermore, those who dare challenge President Duterte and his reprehensible policies are accused of drug trafficking charges and arrested themselves. Without disclosing credible evidence or convening a fair trial, President has ordered the arrests of scores of politicians accused of drug-trade links; three such accused mayors have died during police arrests, often with many other individuals dying in the shoot-outs. This concludes the lacking of transparency and accountability of the government nowadays.
By early December, nearly 6,000 people had been killed: about 2,100 have died in police operations and the remainder in what are called “deaths under investigation,” which is shorthand for vigilante killings. But for those who surrendered which placed into a so-called treatment centers, large problems still remain. Treatment for drug-addiction is highly underdeveloped and under provided in the Philippines.
Nevertheless, there are signs that human rights specialists are beginning to fight back. Religious and civil society groups are already mobilizing to push back against the state-sanctioned killings. They have adopted diplomatic approaches to achieve their goals of protecting and safeguarding human rights.
Yet, the condemnation of unjustifiable and reprehensible policies still far from its resolution.
As expected, President Duterte in his recent SONA once again took a swipe on human rights advocates. Basically, the right to life describes the essential right to live. When human rights are violated and the dignity of the human person is demeaned, the quality of life is also devalued, however, the lives of every Filipino whose condition Duterte wish to improve shall be protected from criminals and corrupt officials. President concerned both the present and the future, whereas, he know what crimes can do to the youth of this country.
“Human rights are both rights and obligations. The state - or the government is obliged to “respect, protect and fulfill these rights.”
-Josh-
5 notes · View notes
joshuadurango01-blog · 6 years
Text
“Dakilang Tanga”
Umiiyak, tulala, tuliro. Ganoon nga ang pakiramdam ng taong bigo. Bigong maangkin ang pagmamahal na kaytagal hinintay at pinagtiyagaan. Lupaypay ang puso na tila puro hapdi at pagsisisi ang nararamdaman. Waring ang mundo’y binalot ng dilim at ako’y nakakulong sa pihit ng kawalan. Nakakatawa mang isipin pero isa ako sa mga dakilang tanga, na minsan kahit ginagago na, kinikilig pa. Napakasakit gunitain na dahil sa masidhi kong paghahangad ng tunay na pagmamahal mula sa kanya, nakalimutan kong pahalagahan ang sariling puso, patuloy paring nagbubulag-bulagan kahit ito’y nagdurugo. Tama nga sila na tanging panahon lang ang makakapaghilom sa sugat, na darating ang araw na buong tapang kang babangon at lalaban sa mga hamon. Masaya akong nalampasan ko ang pagsubok at ngayo’y isang matatag na Jane Duran ang masisilayan niyo.
Tandang-tanda ko pa noong unang araw ng eskwela. Weirdo ako noon, nakaeyeglasses pero matalino. Unang taon ko iyon sa kolehiyo kaya’t napakaexcited kong pumunta sa unibersidad, excited akong makilala ang aking mga kaklase, kaibigan at siyempre, si crush. Sa aking pagtungo papunta sa silid-aralan, may napansin akong isang mestisong lalaki na nakasandal sa punong mangga. Tahimik ito at parang napakalalim ng iniisip. Walang kurap ko siyang tinitigan ng matagal hangga’t nagkabanggaan sa unang pagkakataon ang aming mga mata. Biglang tumigil ang oras at ang hanging dumadampi sa aking balat ay lumalamig, nagsitayuan ang aking mga balahibo at hindi ako mapakali. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad niyang inalis ang kanyang tingin at biglang lumayas. May kakaibang bumabalot sa aking puso’t isip na binalewala ko agad. Ligalig akong pumasok sa isang silid pero laking gulat ko nang makita siya muli. Magkaklase kami kaya’t paminsan-minsan, sinusulyapan ko siya. Doon ko napagtangto na noong una pa lang, gusto ko na siya.
Nagpatuloy ako sa aking kahibangan pero pilit kong tinatago ang totoong damdamin upang hindi niya ako layuan. Isang hapon, nang ako’y nag-iisang naglalakad sa kanto papunta sa bahay, nagkasalubong kami at nag-usap sandali. Napakakulit niyang kausap na parang isang sampung taong gulang na bata, napakasarap pakinggan ang kanyang maginoong tinig na palaging bumubuga ng nakatutuwang biro, nakakapang-akit ang kanyang mapupulang labi - siya nga pala si Niel Ortiz, ang bumihag ng aking puso. Hindi ko namalayang ang layo na ng aming nalakad at kanyang inihatid ako sa bahay na mas nagpaligaya sa aking puso. Matatamis na ngiti ang kanyang naging tugon sa nauutal kong labi sa pagsabi ng paalam. Pumasok ako sa bahay na may dalang kilig at ngiting di mapapantayan ninuman. Ang sandaling pag-uusap namin ang naging hudyat sa pangmatagalan at kadalasang pag-uusap. Simula nun, naging matalik kaming magkaibigan, buong araw na magkasama tuwing klase, palaging nagtsitsismisan kapag sabado’t linggo, mistula kaming pisi na nakatali sa isa’t isa. Dahil sa kanya, natutuhan kong magbago, magpaganda, magbihis-babae upang sa ganong paraan, baka mapamahal din siya sa akin na higit pa sa kaibigan. Nanatiling matibay ang aming pagkakaibigan na lalong lumalim sa pagdaan ng panahon.
Waring ako’y natutulog sa isang mahabang panaginip, panaginip na kung saan ako ang prinsesa at siya ang aking prinsipe, panaginip na kaytagal kong ninais. Buong buhay akong umaasa na may patutunguhan itong aming pagkakaibigan. Sa kilos na kanyang pinapakita at pag-alagang pinapadama, inakala kong may gusto din siya, na may malalim siyang pagtingin sa akin, subalit akala ko lang iyon, akalang mas nagpakirot sa sakit. Dumating ang araw, nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigang lalaki. Napakalakas ng kanilang hiyawan at tawa nang may sinabi si Niel kaya’t ako’y nakiusisa’t palihim na nakinig sa tabi. Sa aking pakikinig, biglang pumatak ang aking luha at kumaripas ako ng takbo na walang nakakaalam. Napakahapdi ng pagkakasampal ng katotohanan sa akin pero patuloy pa rin akong naniniwala sa kanyang mga kasinungalingan, baka nga’t isang bahagi lang iyon ng kanyang biro sa mga kaibigan. Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ako sa aking nakikita’t naririnig. Wala namang nagbago sa kanya kaya’t binaon ko lang iyon sa limot. Hindi na natiis ni Jel at Jenny, mga kaibigan kong maaasahan sa buhay, ang ako’y gisingin sa katotohanan. Matagal na nilang alam na binilog lang ako ni Niel at naaawa sila na ako’y isang laruan lamang, ginagamit kapag kinakailangan. Tama nga sila, oo nga’t ako na ang gumagawa ng mga proyekto, takdang-aralin at sumasagot sa papel ni Niel tuwing pagsusulit. Kay tagal ko iyon tiniis kasi mahal ko siya, handa akong magpakatanga para lang ibigin niya. Naghandog ng mga payo ang dalawa kong kaibigan hanggang mapagnilay kong idilat ang mga mata sa aking mga illusyon. Ang pag-aakala kong panaginip ay isang parte ng mapait na bangungot.
Kinalaunan, paminsan-minsan na lang akong nakikipagsalamuha kay Niel at humahanap ako ng dahilan para maiwasan siya. Kada gabi akong umiiyak at tanging unan ko ang nakakaalam sa labis kong pagdurusa. Palagi kong kinukulong ang sarili sa madilim na sulok, nagmumuni-muni ngunit blangko ang isip. Guhong-guho ang aking pag-asa na magmahal muli. Tama na, awat na dahil wala na, tapos na.
Lumipas ang dalawang semester at maligayang natapos ko ang unang taon sa kolehiyo sa harap ng pagkabagabag at pagkabigo sa pag-ibig subalit ang katangahan kong iyon ang pumanday sa aking sarili na matutong bumitaw kapag naghihingalo ka na sa pagkapit dahil ang hirap kumapit kung ikaw lang ang nagpupumilit. Ngayon, ito’y isang alaala na lamang at ipinagmamalaki kong ibahagi sa inyo ang aking kuwento ng katangahan.
-Josh-
2 notes · View notes
joshuadurango01-blog · 6 years
Text
“Ang Alamat ng Bayugan 3”
Sa isang malawak na Nayon, mayroong nag-iisang pamilyang naninirahan ng tahimik at payapa. Ang pamilyang ito’y binubuo ng ama, ina at anak na lalaki, at tinatawag silang pamilyang Bayug na hango sa kanilang apelyido.
Sampung taong nakararaan, dumaan sa matinding paghihirap ang mag-asawa. Halos mawalan na ng pag-asa ang mag-asawa sa kadahilanang hindi sila magkaanak. Hanggang mapagtanto nilang humingi ng tulong kay Bathala na nag-aanyong malaking punong-kahoy sa kanilang bakuran. Nag-alay ng sariwang dugo ng manok at nagsagawa ng ritwal ang dalawa upang dinggin ang kanilang hiling. Naghintay ng sampung minuto ang mag-asawa ngunit nakabibinging katahimikan lamang ang naging tugon sa kanila. Nag-uumiyak sa pakikiusap ang ina samantalang patuloy sa ritwal ang ama nang biglang nahimatay ang babae. Sa paggising ng inang, agad itong nagkuwento sa asawa patungkol sa kanyang pakikipag-usap kay Bathala sa pamamagitan ng panaginip, sabi nito,”Bibiyayaan kita ng anak na lalaki ngunit kailangan niyo itong bantayan sapagkat sa kanya ko isinalin ang hangganan(barrier) ng proteksiyon na magtatanggol sa mga nilalang laban sa mga masasamang elemento na nagbabalak na sumakop sa lupain, ngunit hindi dapat siya mapadpad sa katimugang bahagi ng lupain dahil doon ang lagusan na kapag dinaanan, mawawalan ng saysay at masisisra ang harang”. Nag-uumapaw ang saya ng mag-asawa ngunit dala nito ang responsibilidad na dapat pangalagaan magpakailanman.
Labing limang taong nagdaan, naging progresibo ang takbo ng pamilya, nagtutulungan, nagdadamayan at nagmamahalan ang isa’t isa. Binaon lamang sa limot ng magkabiyak ang katotohanan upang mabuhay sa ordinaryong pamumuhay ang anak. Lumaking balot sa katanungan ang lalaki na hindi man lang masagot-sagot ng kanyang mga magulang.Dala ng kuryusidad, umalis ng walang paalam at hinanap ang sarili sa pamamagitan ng paglalakbay. Buong pag-aalala at takot ang nadama ng mag-asawa sa kalagayan ng anak. Napaabot sa barikadang tila kristal sa linaw ang binata, dumaan at naaninag ang kadiliman sa labas na may halo-halong huni ng aswang, engkanto, kapre, tikbalang at iba pa. Kumaripas ng takbo ang binata at bumalik sa kanyang dinaanan subalit naglaho na ang barikada at binalot na ng kadiliman ang buong lupain. Huli na ang lahat ng kanyang madatnan ang kanilang kubo, pati ang malaking puno ay wasak na wasak sa pagsalakay ng kasamaan. Sa di kalayuan ay nasilayan niya nag-aagaw buhay na mga magulang, tanging iyak ang naging salita niya sa kanyang pagsisisi sa pag-alis at sa pagkakataon na iyon inilahad ng inay ang buong sikretong bumabalot sa kanyang pagkatao. Sa huling hininga nito’y sinabing ang dugo ng binata ang tanging makapagliligtas sa lupain upang magsagawa ulit ng harang, ang dugo nito’y kukusang dadaloy sa paligid ng Nayon at magpapalit bilang barikada. Walang pagdadalawang-isip niyang pinaslang ang sarili at nakangiting nakahandusay katabi ang kanyang mga mahal sa buhay. Bumalik sa dating anyo ang lugar, tinunaw ng liwanag ang kadiliman at nagsitubo ang mga halaman. Nagkatawang-anyong punong kahoy ang libingan ng pamilya na tila magkahawak ang mga sanga sa isa’t isa.
Lumipas ang ilang dekada, maraming tribo ang nandayuhan at nanirahan sa lugar dahil sa kasaganahan nito sa likas na yaman. Pero, kada buwan silang umaalay ng kung anu-ano at gumagawa ng ritwal ng pasasalamat sa tatlong matatayog na punong kahoy na tinatawag nilang Bayug Trees, pinaniniwalaan nila itong tagapagtanggol ng kalikasan na obligado nilang bigyang-galang. Lumipas ang ilang henerasyon, nagkaroon ng barangay ang Nayon sa pinakasentrong parte nito kung saan nakatirik ang mahiwagang puno, kinalaunan, pinangalanan na Barangay Bayugan 3 na galing sa punong-kahoy. Pasalin-salin ang alamat at unti-unting naglalaho sa pagdaan ng panahon.
-Josh-
2 notes · View notes
joshuadurango01-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
2 notes · View notes