Tumgik
janinejunco · 4 years
Text
Tumblr media
Ating Wika, Ating Mahalin
Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao
Tuwing buwan ng agosto’y sabay-sabay nagdiriwang
Tayong mga Pilipino’y nagkakaisa
Lalong pinagyayaman ang ating wika
Maging Ilokano man, Bisaya o maging Tausug
Sa wikang ginto, Pilipinas ay busog
Waray, Cebuano, Illonggo’t marami pang iba
Gamitin at mahalin, bigay ng dakilang lumikha
Iba’t ibang salita man ang banggit
Sa puso’t kaluluwa’y iisa lang ang gamit
Buong pagmamahal itong ipagpunyagi
Kayamanan ng buhay, dugo, at lahi
Mayamang kultura ating sinasalamin
Makulay na tradisyon ipamamahagi din
”Wikang Pambansa” ating mahalin
Gamitin ng tama’t paglingkurang tapat
Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan
Wikang Pilipinong noo’y ating ipinaglaban
Nawa’y ingatan at laging alagaan
Lubos na mahalin, kailanma’y huwag papabayaan
#nationalism
1 note · View note