Tumgik
isunnysideup-blog1 · 7 years
Text
Bakit??
Bakit pinaramdam niya pa sa akin na magiging ayos pa yung sa amin.Bakit binitawan niya pa ako ng salita para umasa ako.Bakit habang lumalaban ako para sa aming dalawa,masaya naman pala siya sa isa.Bakit Ganun yung mga nangyayari?Gusto kong maintindihan pero diko magawang maintindihan.Durog na durog na yung puso ko sobrang sakit na ng nararamdaman ko.Na sana kung panaginip lang lahat to utang na loob magising na sana ako. Mali ba yung patuloy padin akong nangangarap para sa aming dalawa kahit hindi kami. Akala ko paguwe niya dito sa pinas,okay na kami.Or yun yung way para maayos namin yung sa amin nun.Akala ko pagsinundo namin siya sa airport pag uwe niya ako yung gusto niyang agad makita.Akala ko ako padin yung makakasama niya gumala pag uwe niya.Akala ko ako padin yung mamamalantsa ng damit niyang susuotin.Akala ko ako yung kukuha ng damit niya oag maliligo na siya.Akala ko ako padin yung oorder ng pagkain namin pag kumakain kami sa labas.Akala ko ako padin yung makakasama niya habang buhay hanggang sa pagtanda naming dalawa.Akala ko kasama niya padin ako sa mga pangarap niya na sabay namin pinangarap nuon.Pero lahat ng yun akala ko lang pala. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang makitang masaya pag uwe niya.Hindi ko alam kung makakaya ko bang makita na hawak niya yung kamay ng babae na yun at hawak din ng babae nayun yung kamay niya.Sasabog na ang isip ko at puso ko sa mga nangyayari nato. Iniisip ko palang na nagkakausap sila sa fb hindi ko na alam yung gagawin ko.Pero wala akong laban eh,dun siya masaya at sa akin naman siya nasaktan. Hanggang sa huli naming pag uusap,lumaban padin ako.Pero wala.Natalo padin ako.Natalo yung pagmamahal ko sa kanya ng kaligayahan na nararamdaman niya para sa tao na yun. Mahal na mahal na mahal ko siya.At dahul mahal ko siya hinayaan ko nalang siya kyng san siya magiging masaya.Kahit yung dulot nun sa akin ay sobrang sakit.Totoo pala na pag mahal mo yung isang tao,gagawin mo lahat at magpaparaya ka para sa kaligayahan niya. Hindi ko lang alam kung paano ako magsisimula ulit.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.Buong buhay ko lagi siyang kasama sa lahat lahat ng ginagawa ko.Lagi ko siyang iniisip.Kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula na ako nalang mag-isa na wala na siya. Titignan ko nalang yung fb niya,titignan ko nalang kung online siya.Ganun nalang ang gagawin ko kasi ayoko maging pagulo sa kanilang dalawa.Hangang siguro na makita ko yung picture nilang dalawa.Na alam ko na para akong sinaksak ng isang daang beses sa sobrang sakit ng mararamdaman ko nun.Pero wala eh,kasi nga dun siya masaya.Ano ba naman laban ko dun,mahal ko siya mahal na mahal pero hanggang dun nalang lahat. Gumuho ang mundo ko.Gumuho ang mga pangarap ko para sa amin.Hindi madalu tong nangyari sa akin.Hindi ko alam hanggang kaylan ako iiyak nalang bigla sa umaga.Hindi ko alam kung hanggang kaylan ako iiyak tuwing gabi. Lumaban ako hanggang dulo.Kasi nga mahal na mahal ko siya at siya lang ang kailangan ko sa buhay ko para maging masaya akong tuluyan at makompleto ang buhay ko.Pero lahat ng yun naglaho.Alam ko naman dahil sa akin kaya nangyari to.Pero beside that lahat naman ginawa ko para maayos yung sa amin.Pero wala na nakakaiyak isipin na parang gusto kong magpakalunod sa tubig at magpaagos sa dagat para mawala na ako sa mundong ito.Para hindi na ako nasasaktan pa.Para hindi na ako masaktan pa sa mga susunod na araw na darating. Hanggang kaylan ko ba mararamdaman tong sakit na to.Hanggang kaylan ba ako magdudusa? Na sa hangang huli.Umaasa padin ako na kahit hindi naman na dapat.Umaasa ako na yung saya na nararamdaman niya sana'y panandalian lang.Na yung pag-asa nato na napakaimposible.Na yung pag-asa na sinasabi ko ay sobrang sakit lang yung mararamdaman ko. Mahal,mahal na mahal kita.Na sana'y lagi kang mag-iingat.Wala akong ibang nais kundi yung maging masya ka buhay mo kahit hindi na ako ang dahilan. Mahal.Hanggang dito nalang ba talaga?
0 notes
isunnysideup-blog1 · 7 years
Photo
Tumblr media
Hindi ko maintindihan yung mga pangyayari ngayon.Nitong january lang madalas kaming nagkakausap,tapos ang saya pa namin pag naguusap kami kahit hindi kami.Ramdam ko na binigyan niya ako ng chance para sa relasyon namin.Binibiro pa nga niya ako na nababawasan daw yung chance na binibigay niya sa akin kasi panay akong umaalis nun pero kasama ko yung aso ko nun si kylee syempee dun palang umasa na ako.Hanggang feb okay kami.Pero lagi ko padin siyang pinipilit na ayusin na yung sa amin.Pero ayaw niya, kasi natatakot na siya sa akin.Natatakot na daw siya na masaktan ulit sa akin baka daw kasi hindi niya na makaya lalo't nasa malayo siya.Sige naintindihan ko.Pero ako ginagawa ko padin lahat lahat para mapatunayan sa kanya na karapat dapat akong balikan niya.Pero nagulat nalang ako.Oo andun na ako sa part na nasaktan ko siya.Pero nalaman ko nalang na may nagpapasaya na sa kanyang iba.Tinanung ko siya kung merin na daw ba.Sabi niya sa akin oo meron pero hindi pa kami pero masaya ako.Gumuho yung mundo ko nung nalaman ko yun.Syempre ako umaasa eh,sabi niya ayusin ko daw muna yung sarili ko ganyan ganyan magreview daw kasi may exam ako para makapunta ako sa korea kasi pag andun na daw ako malaki daw yung chance na maging okay kami.Tang ina.Hindi ko alam na ganun pala.Bago ko nalaman yun,bago nung araw na yun gumawa ako sa movie maker ng slideshow ng mga pictures namin sinend ko sa email niya may message pa nga ako sa kanya nun.Inexplain ko sa lanya lahat lahat nung nararamdaman ko na hindi ko siya kayang mawala.Hindi ko siya kayang makitang hawak ng iba.Kaya pala nung gabi nun naghihintay ako ng message niya wala siyang sinabi.Kaya kinabukasan tinatanung ko siya kung meron na nga yun nga meron na nga.Hindi pa namand daw sila kaya wag ko daw gawan ng issue agad.Eh san ba yun pupunta diba dun din.Iyak ako ng iyak ako nun nalaman ko,chat ako ng chat sa kanya na baka pede ako naalng ulit.Sobrang kulit ko sa kanya tawag ako ng tawag pero hindi niya sinasagot.Sabi niya sa akin mag kaibigan padin daw kami at wala daw makakasira nun.Sobrang close kasi yung both parents namin.Kaya daw hindi na nila ako maalis sa pamilya niya at dapat daw yun daw yung dapat maintindihan ng mamahalin niya sa future.
0 notes
isunnysideup-blog1 · 7 years
Photo
Tumblr media
Bakit ako gumawa ng tumblr? Kasi yung tweeter account ko hindi kaya yung kadramahan ko sa buhay.Meron lang siya 140 chr.So I decided to make tumblr account para nadin hindi ako mabaliw tuluyan sa mga pangyayari sa buhay ko.
0 notes
isunnysideup-blog1 · 7 years
Photo
Tumblr media
I don't know,how to start my blog about this woman.Yes,the woman in the picture.Last november 3 2016, I broked her hearth by giving up our long distance relationship.Ang dahilan ko lang naman nun sa kanya dahil,nasasakal ako sa kanya in a way na lahat ng account ko sa social media alam niya may times pa nga na siya yung unang nakakabasa ng mga messages ko sa mga account bago ako.Nung una, okay pa eh pero nung umalis siya papuntang korea mas lumala.Naintindihan ko naman siya kasi mahal niya ako.Pero alam niyo yung,pag sobrang pagmamahal pala nakakasakal na and yung pagmamahal niya walang tiwala na kasama siguro meron but hindi ganun kabuo.Nung one month na kaming hiwalay tumawag siya sa akin video call.Yun yung time na gusto niyang ayusin yung sa amin pero di ako pumayag.Mahal na mahal ko naman siya kaso natatakot ako na baka mamaya maulit nanaman yung dati na baka mamaya masakal nanaman ako sa kanya.Dumaan yung ilang buwan pa,oo nagkakachat kami pero di yung usuall na ginagawa namin before.Hangang dumating yung time na ako na yung nagpupumilit na maayos yung sa amin.Pero ayaw niya.Pero hindi ako sumuko kasi mahal ko eh.Sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko nung iniwan ko siya ang laki ng kulang.Hindi nadin ako naging masaya kasi alam ko sa sarili ko siya lang yung makakapagpasaya sa akin.Hindi kuna nakwento lahat kasi ang daming mga nangyari.Alam ko lang ngayon sobra sobra ko pading mahal tong tao nato kahit na ngayon hindi na ako ang gusto niya.
0 notes