Tumgik
intellectualvanity 6 years
Text
Totoo, May dalawang TOTGA Ako Part 1
Wassah Readers! Random Reminisce tayo today. 馃榿
Derecho tayo, tawagin natin siya sa pangalang "Jared".
First time na nakilala ko si Jared nasa 2nd year college ako, kaklase ko siya sa swimming class. Taga ibang course siya (Med Tech), pero pinag isa nalang kami ng class dahil iilan lang naman ang mga studyante sa swimming. Single pa ko nung time na yun. Tapos ang cute talaga niya sa paningin ko. Matangkad at pogi. Sobra.
Siya unang nag approach saken. Di ko pa nga masyado makita muka niya dahil wala akong salamin. Swimming eh! Haha! May tinanung lang siya about sa swimming na di ko maalala. Friendly ang approach niya. Friendly lang talaga siya. Wala naman akong naramdamang malisya. Pagtapos ng swimming class, hiningi ko number niya. Kapal ng muka ko eh. Ni wala akong idea kung single ba siya o hindi.
Tapos parati ko na siyang kinukulit non. Dun ko lang nalaman na single pala siya. Pero nung napansin ko na di niya ko itetext hanggat di ko siya kinukulit, medyo napagod na ko. At yung ultimate na pangyayari na nakapag palayo sakin? Yung time na inask ko siya anong gingawa niya tapos ang reply niya "Eto, nagbabasa ng Pond's whitening facial wash".
Sa isip ko, SHET! BAKLA PALA SIYA!! Kaya pala parang hindi siya interesado. Since then, di ko na siya kinausap or tinext.
Fast forward a year later. May bf na ko, yung asawa ko ngayon. Yun yung mga panahon na natuto na ako mag ayos, gumamit ng contact lens, mag rebond, etc. So masasabi ko talagang one of the chix na talaga ako noon. Maganda katawan, maganda muka, maliban lang sa kalooban. 馃槀
Tumblr media
(Eto yung mga panahon na chix pa ko. Ngayon hindi na. Mataba na kase. Hahahah!)
Can't remember kung 3rd year or 4th year kami ulit nagkita. Nagkasalubong kami sa gate ng university. Pero di na ako nag hi, nagkunwari nalang ako na di ko siya kilala. Tutal wala na din naman siyang balak kausapin ako. Ayoko din kasi mapahiya lalo na kasama niya ata ang grupo ng classmates niya.
Then nagulat ako na after ilang minutes or an hour, may nagtext na unkown number.
"Grabe suplada ka na".
Nagduda na ako na si Jared yun. Pero xempre baka mapahiya lang ako na nag aassume ako kaya tinanung ko parin. At confirmed, siya nga ang nagtext.
Sabi ko hindi ako suplada. Siya yung unang nawalan ng gana na makausap ako at hindi interesado kaya hindi ako ang suplada. Siya ang biglang hindi na namansin.
Medyo guilty ako sa part na to dahil ito rin yung time na nafo-fall out na ko sa bf ko. Ewan ko bakit ganun ang timing ni Jared. Nung single pa ko di niya ko pinapansin, siguro dahil nerdy look at di naman ako ganun ka ganda nung time na first time niya akong nakilala.
Nagsisi din ako na bakit di ako nakipag break agad sa bf ko, para nung time na pinansin ulit ako ni Jared, hindi magmumukang malandi ang mga sumunod na actions ko. Di ako nakikipag break sa bf ko noon kahit na fall out na ko sa kaniya dahil alam kong mahina siya sa ganun. Alam kong di niya kakayanin. I'm not trying to justify, yun talaga ang totoo para sakin.
From good morning texts, napunta na sa kwentuhan, yung kwentuhan napunta na sa personal na pakikipagtagpuan. Hanggang sa nagkaron na ng I love you-han.
Secretly, nakikipag kita ako sa kaniya. Lalo na pag magkaiba ang clasa namin ng bf ko. Nakilala na din ako ng mga classmates niya. Di ko alam kung alam din ba ng mga classmates niya na may bf ako? Pero di ko talaga itinago na may bf ako. Alam din ni Jared na may bf ako. Pero nakakapagtaka na lagi kaming inaasar as couples ng mga kaklase niya. If I remember correctly, nasabi ko din sa kanila na may bf ako kasi may nagtanong noon kung kami ba ni Jared. Sabi ko hindi friends lang kasi may bf ako.
Dahil sa profile picture ko noon na naka eyeglasses tapos dalawang ponytail, nabansagan ako ng mga classmates niya na "Gokusen".
Tumblr media
(No copyright infringement intended. Hindi ko lang talaga ma-recover yung profile picture ko noon kasi sobrang tagal na talaga at di ko na maalala anong email ang ginamit ko)
May one time na nilibre niya ako ng mcdo. Yun yung time na nagspend kami ng time together. Dun ko nalaman na matalino talaga siya kasi pinakita niya sakin mga exams niya. Nanliit ako kasi mas mataas pa mga grades niya sakin. Hahahahah!
Ang sarap niyang titigan. Minsan nako conscious akong kumain dahil ayokong may ika turn off siya, naiwan na food sa ngipin, pagkain sa muka, etc. Yun nga lang may mga time na pinipilit kong tumawa dahil ang corny niya. medyo na turn off ako sa kaniya sa kababawan ng jokes niya. Hahahhaha! 馃槀 Harap-harapan ko din siyang tinanong kung bakla ba siya kasi medyo malambot siya kumilos. Pero confirmed na lalake talaga siya. Pano, pink yung theme ng myspace niya. Hahahaha!馃槀
May time din na nag request siya kung pwede ba raw niya akong ihatid sa bahay namin. Pumayag naman ako. (Take note, hindi na alam ng bf ko ang mga nangyayari, but I'm not proud of it ok? Hindi tama ang actions ko) pero hindi rin natuloy kasi nag extend yung oras ng class nila. Sumama loob ko kasi pakiramdam ko napaasa niya ako. Inaway ko siya non. Nalimutan ko na kung anong sinabi ko pero yun yung first time na nag away kami. Dun palang naramdaman ko na mukang di kami magiging compatible para sa isang long term relationship.
Then dumating na yung time na lumakas loob ko na makipag break sa bf ko. Sinabi ko sa kaniya lahat, na hindi ko na siya mahal at nafo-fall na ko kay Jared.
Pero di siya nagalit. Umiyak siya at lumuhod. Nagmakaawa na wag ko siyang iwan dahil di niya kakayanin. Lahat gagawin niya mag stay lang ako. Grabe ang iyak niya nung gabing yun. Dun ko rin narealize na yung bf ko handang i-sacrifice ang lahat. Doon biglang nagkaron ng sobrang linaw na distinction sa kanilang dalawa.
Si Jared ayaw ng compromise kaya nag aaway kami. Medyo corny kaya minsan nabobored akong kausap siya. Wala siyang challenge kausap.
Yung bf ko mahal na mahal ako at alam kong yung ugali niya ang magpapatagal ng relasyon namin.
Kaya nung same night na yun, imbes na uuwi akong break na kami ng bf ko, umuwi ako na tinapos ko na ang relasyon namin ni Jared.
Nung una ayaw niya, ka text ko lang siya eh. Ang gusto niya makipag break ako sa bf ko. Pero ayaw talaga niya. Hindi ko maalala kung anong sinabi ko. Pero ginamitan ko na siya ng mga ultimate na masasakit na salita para di na siya umasa sakin. Para tumigil na siya. Sobrang guilty ako non pero ayokong ipakita dahil pag nagpakita ako ng kahit maliit na weakness, baka mamisinterpret niya yun as "hope" na magiging kami, na mahal ko parin siya.
Pagtapos non di na kami nag usap ulit. Pero di pa dun natapos ang kasamaan ng ugali ko...
Everytime na mag aaway kami ng bf ko, bigla ko siyang kino-contact. Parang ginagamit ko nalang siya pag feeling ko nababakante ako. Pero so far di naman tumalab panlalandi ko sa kaniya. Lagi na niya akong nirereject. From time to time nag aattempt parin akong kausapin siya bigla. Ewan... Andun parin ang attraction ko sa kaniya. Di ko alam bakit.
Pero pakiramdam ko siya yung nagpupuno ng mga bagay na wala sa bf ko. Pag anjan silang dalawa, feeling ko buo na ko. Napaka selfish oo alam ko.
Pero eto ang huling mensahe ko para sayo "Jared":
Totoo minahal kita noon. Sorry dahil paulit-ulit kitang nasaktan. Pero kailangan kong pumili. Alam ko rin na mas malakas ka. Yun yung dahilan kung bakit di kita pinili, dahil kaya mong mabuhay nang wala ako. Di ko kasi kaya yung idea na yun, na di mo ko kailangan. Sorry talaga dahil di ko manlang inisip kung anong nakaka buti sayo, lagi ko lang iniisip ang sarili ko. Nakipag friends na ako sayo noon, pero narealize ko na di talaga pwede dahil paulit-ulit lang din akong mahuhulog ulit sayo. Kaya na cut off ko na lahat. Pero salamat sa lesson at pagpapa realize sakin ng maraming bagay. Mas nakadagdag ka sa maturity ko. Sobrang thank you sa lahat ng oras na pinasaya mo ako. Weakness mo talaga ang mag joke dahil corny. Hahahahha! Di ko sure kung na-trauma ka sa lahat ng mga sinabi kong masasakit na salita sayo, pero sana mapatawad mo ko. Pati na rin sa paulit-ulit kong nonsense na panlalandi sayo knowing na wala akong balak na maging tayo... Hanggang ngayon andon parin feelings ko.
"In another life, I will be your girl. We keep all the promises, be us against the world"
Pero eto na. Kailangan ko nang isara ang nakaraan. After this post, I'll treat this past as "non-existent". Therefore, no further questions will be entertained.
Tumblr media
Bahala kayo kung ma-search niyo siya. But I won't give out his name kasi tahimik na buhay namin parehas.
Sa susunod na buhay nalang "Jared". Yun eh kung aayusin mo na ang timing mo. Hahahah! 馃槀
This Chapter of My Life is Officialy CLOSED.
- June 18, 2018
0 notes
intellectualvanity 6 years
Text
Father's Day
Wala akong photos na nakuha ngayon. Ewan. Siguro dahil di rin ako masaya. Wala naman akong kinalakihan na tatay.
May Stepfather ako na sobrang bait.
Minsan curious ako ano kaya feeling ng may tatay? Yung kinalakihan talaga na tatay.
May time noon na nasa Jollibee ako, naghihintay sa asawa ko habang nakapila siya para umorder at nakaupo naman ako para i-save ang pwesto. May katapat ako na mag-ama. Yung batang babae parang mga 5 yrs old and yung tatay niya (alam kong tatay niya dahil tinatawag niyang "daddy") parang nasa mga 30's.
Tapos na kasi kumain yung tatay at hinihintay nalang niyang matapos kumain yung anak niya. Matagal siyang natapos dahil kwento siya ng kwento at talagang buong atensyon na nakikinig ang tatay. Pinupunasan niya ang bibig ng anak niya pag may kumalat na sauce ng spaghetti, tinatalian ng maayos buhok niya pag may buhok na humaharang sa muka niya. At nung mga sandali na yun naiyak ako...
Kasi yun yung mga bagay na kahit kelan, hindi ko na mararanasan. Hanggang ngayon, tuwing makakakita ako ng mag-ama, naiiyak parin ako dahil pinagluluksa ko yung kawalan ng chance na ma-experience pa yun dahil matanda na ako. Siguro, darating din yung time na matatanggap ko rin yung realidad na yon...
- June 17, 2018 Sunday
0 notes
intellectualvanity 6 years
Text
Clark. Work Related
Pumunta kami ng Clark as representatives dahil hindi makakapunta yung Director General namin. Wala talaga akong alam sa Aviation kung tutuusin pero madali siyang magets at hindi ganun ka-technical ang Aeromart Summit.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Daming foreigners! Haha! 馃槀
Kailangan din kasi nila ng network, mga companies kasi na nagbebenta ng aircraft parts, etc. May balak din silang gawing "Aerocropolis" ang Clark, lahat ng may kinalaman sa aviation or aeronautics dun na ilalagay.
Pero kung dun ililipat company namin? Nako. Sobrang hirap dahil masyadong malayo. Paano nalang ang commute papunta dun.
Para sakin napaka promising talaga ng project na to. Kaso sana mauna yung bullet trains or anything na makakapag ease ng transportation from Manila to Clark. Makakatulong din kasi to sa pag de-congest ng traffic sa Manila.
- June 4, 2018 Monday
0 notes
intellectualvanity 6 years
Text
A Ball of Energy, Toxic Energy
Nakakapagod din talaga na maghandle ng pagiging toxic sa sarili. More than 20 years din kasing na spend ang buhay ko sa negativities.
Bata palang ako, gigising ako sa umaga ng galit, matutulog ako ng galit. Ganun ang buhay ko araw-araw for 27 years.
Napaka dysfunctional ng pamilya namin. Ganito magiging itsura kung bibigyan ko sila ng diagnosis.
Lolo : Borderline Personality Disorder at the same time alcoholic (almusal niya alak, dinner niya alak)
Lola: Narcissistic Personality Disorder
Mama: Bipolar
Tito: Borderline
Tita: Normal, medyo nagger lang minsan.
Lumaki ako sa lolo at lola at ginawa nila akong literal na katulong pagtapak ko ng grade 3. Hindi ako nag e-exaggerate dahil totoo. Eto ang daily routine ko noon..
Weekdays
Morning: gising 5am, bili ng pandesal. Maligo ng 6am tapos lakad papuntang school ng 6:30am
12noon: uwi ng bahay para kunin ang lunch na luto ng mama or lolo ko. Pero di nagtagal nagbayad na rin ng service lola ko. Service na maghahatid ng lunch sa school.
Uwian galing school: mag saing, luto ng dinner, maglaba, maghugas ng pinggan. Maglinis ng bahay. Magplantsa. Natatapos ako ng mga 9pm or 10pm. Antok na antok na ko, sobrang pagod at wala nang oras para gumawa ng assignment or mag review.
From top 2 sa academics, unti unti nang nag decline ang grades ko. Di naman bagsak o pasang awa, nasa top 10 parin pero ayun, laging nasa 6,7,8 nalang.
Nung nag college ako, grabe. IMPYERNO. Yung mga kaklase ko puro anak ng mayaman. Grabe ah, pinag aral pa ko ng Lola-Tita ko tuition lang sagot niya. Takte, SQUATTER LEVEL LANG INCOME NAMIN! TAPOS PAPASUKIN AKO SA SCHOOL NG MGA MAYAYAMAN?? Sana di nalang ako pinag aral. First year palang gusto ko na umayaw. Kaso siyempre, takot ako magpasimula ng family drama nung mga panahon na yun.
As in literal na pang tuition lang. Walang pamasahe o allowance. Kaya payat ako noon dahil halos wala akong kinakain. Pano ba naman kase, yung same routine ko ng pagiging katulong mula elementary, dala ko hanggang college. Buti pa nga yung totoong katulong may sweldo eh.
Hindi ako nagluluto ng baon ko dahil pinapambawi ko sa tulog ang oras ko. Gigising ako 4:30am, dahil ang first class ko 7am ng umaga. Tapos ang traffic sa Alabang-Zapote road eh 1hr 45mins to 2hrs. Last class ko 9pm ng gabi. Uuwi ako ng 10 or 11pm.
WALA AKONG PAMBILI NG PAGKAIN, WALA AKONG ORAS PARA KUMAIN
Tapos etong mga kamag anak ko, taas ng expectations. Nag e-expect kayong ako magpapayaman sa inyo pero wala kayong balak na tumulong manlang na makapag function ako ng maayos? Ayos din kayo eh noh.
As much as possible no contact ako sa mga kamag anak ko ngayon dahil galit ako sa kanila. Unang una, alam naman nilang nang gugulpi lolo at lola ko pero walang naglakas loob na tumulong.
Pangalawa, ang tingin nila samin mga linta na pineperahan sila. Kung yung tito ko at lola ko oo. Sobra sobra sila manghingi, parang obligado pa mga kamag anak ko na bigyan sila ng pera dahil mahirap sila. Pero ako? Yung kapatid ko? Takte, nilinta ba namin kayo??? Puro kayo "Pera sa mga kapatid lang namin, wala na sa mga anak at apo". Mga tae kayo.
Nagsusumikap ako ngayon na ayusin yung sarili kong buhay nang walang tulong niyo. Dahil naabsorb ko lahat ng toxicity sa buhay dahil sa inyong lahat.
- June 03, 2018 Sunday
0 notes
intellectualvanity 9 years
Text
No Holds Bar
This serves as an introduction to my blog which will be all about MY thoughts. I could be too mature at times, I could be too immature. If you don't like my posts, then unfollow. I'm saying this so you won't waste time attempting to start a debate about my opinions. I'm not saying that opinions are not welcome here, my point is, if your intention is to MAKE me think like you then fuck off, I have my own thoughts, I don't need yours. This is my blog, my brain, my thoughts.
0 notes