Tumgik
idlaesy · 5 months
Text
Happy birthday, strawberry guy.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
"Gusto talaga kita, kaya pinilit kong subukan ‘yung atin. Para ngang kaya kong kunin lahat ng oportunidad noon. At alam ko, kaya ko ring magbigay ng marami pang tsansa noon. Hindi sa hinihingi mo, pero ibinibigay ko sa iyo at sa sarili ko. ‘Yung mga limitasyong ako mismo ‘yung nagguhit, ako rin mismo ‘yung nagbubura. Sinubukan ko ring habaan pa kasi baka kailangan mo nga lang ng oras para iproseso. Baka kailangan mo lang mag-isip pa. Kasi nandoon na e, nakikita na kita, nakikita mo na ako. Baka may chance. Baka puwede. Pero hindi pala sapat ‘yung nagkakakitaan lang tayo. Para lang tayong nasa magkabilang gilid ng kalsada. Nagkakawayan. Nakikita lang natin ‘yung isa’t isa pero hindi tayo nagtatagpo..."
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
TANG INA PAREHO KAMI?!
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Gago... pareho kami ng tats.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-11 ng Disyembre, 2023
Lunes, 01:21 n.u. 
Klyde, 
Hi. Nakakainis talaga kapag may bakanteng oras ako. May panahon akong isipin ‘yung mga nangyari nitong nakalipas na araw. Minsan nga iniisip ko, baka gusto ko lang mag-overanalyze, baka gusto ko lang may puntahan. Baka gusto ko lang may ubusan ng oras. 
Ewan. 
Hindi mo ako kinausap ngayong araw. Bago ako tumalon sa bakit mo kaya ako hindi kinausap ngayong araw, gusto ko munang itanong kung bakit mo ako kinakausap… anong pumasok sa isip mo at kinakausap mo ako? 
Pagod na akong maging backburner. Hindi ko na kayang bumalik doon. Kahit medyo gumaan ‘yung pakiramdam ko no’ng sinabi mo na hindi naman marami ‘yung babaeng nakausap mo noon, kung babalikan ‘yung mismong pangyayari na ‘yon, hindi ganiyan ang scenario. Nasaktan pa rin ako. Pinagdudahan ko pa rin ‘yung sarili ko. Naramdaman ko pa ring kailangan kong makipagkompitensya. Nabawasan man ‘yung bigat, babagsak pa rin naman ito sa tapos na lahat ng ‘yon nang malaman ko kaya halos wala rin yatang silbi. 
Hindi ako okay. At hindi ko pa rin alam kailan ako magiging okay. Ang problema ko, nakahanay. Nagpapaunahan pa sila minsan kung sinong unang reresolbahan. Pero ang top priority ko talaga ngayon: ang thesis ko. Gusto ko na ‘tong matapos. Gusto kong may pagkuwentuhan ng nangyari sa amin sa defense, gusto ko sanang ikaw, pero parang hindi ikaw ‘yung tamang tao na dapat kong kuwentuhan nito. Kahit na gusto ko sanang ikaw at maging ikaw ‘yung tamang tao. Takot ako. Takot ako na baka hindi ko makuha ‘yung sagot na gusto ko. Takot din ako na baka panibagong disappointment lang na naman ‘yung makuha ko. 
Kinuwentuhan mo ako kung paano ka sa dati mong nagustuhan. Never again pa kamo. Natutuwa ako na gano’n ka. Natutuwa ako na may gano’ng side ka pala. Na nagkaroon pala ng ganoong Klyde. Gusto ko nang maniwala na iba si Clyde kay Klyde.
Natuwa ako. Pero naawa rin sa sarili. Bakit naman kasi ako ‘yung naabutan ng ganiyang Klyde. Kaya mo naman yatang maging taga-motivate na tao, base sa kwento mo. Pero bakit wala akong nakuhang gano’n? Hahaha, hindi sa nag-expect ako, pero hiniling ko ‘yan noon. Sa tuwing malungkot ako at mag-isa ako… at ikaw sa screen ‘yung sanang kasama ko. 
Hindi mo kasalanan. Hindi ko alam kung trauma response ba ang hoe phase mo. Naawa lang ako. Tapos sasagi sa isip ko na ang unfair naman kasi bakit gano’n. Pero okay, makakalimutan ko rin naman ito. Lilipas din naman lahat ng ‘to. 2024 na ilang araw na lang. Pipilitin kong kalimutan lahat ng ‘to. Kahit pa makita ko itong mga sulat ko tungkol sa’yo, iiwan ko sila lahat. Hindi ko buburahin, pero ilalagak ko siguro. 
No’ng tinanong mo ako kung pinagsisihan ko bang nakilala kita, kahit pabiro man ‘yan, seryoso ‘yung sagot ko na hindi. 
Hindi naman ako nagsisi. Seryoso rin ‘yung sagot ko no’ng sinabi ko na pangit ‘yung ginawa mo… at ayaw ko na talagang maulit ‘yun. 
Itong ginagawa mong pagkausap sa’kin, pakiusap lang, bigyan na natin ng linya. Ayoko nang mag-tiptoe, ayoko nang manghula, ayoko nang bumalik sa dati. Ayaw ko na ng gano’n. Kapag naiisip ko, parang may humuhukay pa rin sa tiyan ko. Hindi ko talaga gusto. 
Minsan gusto kong maging masamang tao. Gusto kong mag-reply ng anong gagawin ko sa mga sine-send mo. Gusto kong barahin ‘yung mga chats mo, pero si Klyde ka kasi. Hindi ka naman normal na asungot lang. Si Klyde ka at may hatak ka pa rin nga siguro sa buhay ko. Hindi man ganoon kalakas, may mga pagkakataon pa rin na maiisip kong si Klyde ka at hindi kung sino lang. 
Iniisip ko kung espesyal ka ba talaga o ginawa lang kitang espesyal sa buhay ko? Nasa isip ko lang ba ‘to? 
Gusto kong i-send sa’yo lahat ng sulat na meron ako. Iniisip ko kung bago mag-Pasko o Bagong Taon o kung ise-send ko ba talaga. Kasi para saan, ‘di ba? Kaya lang, gusto ko na talaga sila pakawalan. Gusto kong isipin na natunton niya naman ‘yung dapat niyang puntahan. Na nasabi ko naman sa’yo lahat bago ko ‘to iwan lahat. 
Gusto kong isipin na wala akong dapat pagsisihan dahil natapos ako nang maayos. Kahit sa ganitong paraan lang. 
Palagi, 
Alpha
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
ayokong ipakita 'yung tattoo ko dahil pareho tayo ng nasa isip
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
sobrang random na nandito siya sa panaginip ko... hindi ko naman siya iniisip kagabi.
napanaginipan ko si klyde. pumunta raw ako sa kanila. grabe. may field. may mangga, may baka, may kubo, may nakasampay na mga damit. andon bahay nila. may poso sa kaliwa. maikli yung tubo. ang payak.
at alam mo ba, pauwi, naglakad lang kami. umulan bigla. sinuong namin. sabi ni klyde, ito na yung pangarap naming maligo sa ulan. basang-basa kami pag-uwi. sa poso, nagbomba ako. nong maliligo na kami, biglang umiyak si klyde. as in iyak. ako pa nga nag-shampoo sa kanya, hanggang sa dumating nanay nya tas pinaliguan siya. di ko alam bakit sya umiyak. pero feel ko may idea ako nun, kasi tatlo lang sila sa bahay. wala si jared.
nong nakita ko pala yung manggahan, tuwang-tuwa ako, sabi ni klyde sa tatay nya yun. kukuha raw kami mamaya.
may bantay sa bukid. di ko kilala, pero kababata ni klyde. kinukwentuhan pa nga ako.
kita ko bukid. kulay green karamihan.
sinundo ako ng pinsan ko. si jj at si jaybee. tinatanong ni klyde kung nagustuhan daw ba sya ng pinsan ko, sabi ko lang, di naman importante.
sa bahay nila, may dalawang kwarto, pero may isang kama papunta sa kusina. di ko alam sinong natutulog doon.
kinausap ako ng nanay ni klyde. pinapakita pa sakin mga pictures nila ni jared.
nagising ako. basta, nagising ako nung susunduin na ako.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
December 07, 2023
Nakakainis talaga ugali mo minsan.
1 note · View note
idlaesy · 6 months
Text
November 11, 2023
Saturday, 11:11 PM
Klyde,
Gusto lang kita ulit sulatan.
Magulo na naman ‘yung isip ko. Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa mga susunod na buwan kung sakaling basahin kong muli itong mga liham na ginawa ko.
November 11 ngayon, saktong 11:11 ko rin ‘to ginawa.
Nahihirapan pa rin ako sa thesis ko. Ni hindi ko alam anong kalalabasan nito. Ayaw ko pa namang maging “puwede na” ‘yung gawa namin. Naiinis ako kay Jyle, hindi naman dapat kami ngarag ngayon kung nung una pa lang nag-edit na siya. Ang dami niya rin kasing tinenggang oras. ‘Yung iba kong kagrupo, hindi ko alam anong ginagawa. Si Bonna yata sa graphics. Si Jude, ayun nagta-tally, pero tiyak may aayusin na naman ako ro’n. Hindi naman gumawa ‘yun nang pulido na talaga e. Si Joyce, hindi ko rin maintindihan. Lagi na lang idinadahilan na nag-aalaga siya ng pamangkin. Hindi ba puwedeng huwag muna? Paano kung magdahilan na lang din ako? Ano mangyayari sa amin?
Ako nga lang nagre-revise ng papel namin e. Wala naman silang ginagawa bukod sa mag-edit. Mahirap naman talaga itong post production. Pero kailangan ko rin naman ng tulong. Hindi naman puwedeng ako lang nang ako rito.
Napapagod na ako. Lagi na akong pagod.
Ito pang sa simbahan. Nakuwento ko bang bumalik ako? Sumusubok ako ulit bumalik. Kailangan ko ulit ng makakapitan. Sabi naman nila, lagi lang Siyang nandiyan, tatanggapin Niya naman ako. Nagagalit kaya ang Diyos kapag nilalapitan lang Siya kapag may kailangan sa Kaniya? Hindi naman siguro siya nagtatanim ng sama ng loob. Kasi kung oo, edi hindi siya Diyos.
Sumali ako sa SocCom, org ‘yan sa simbahan, Social Communication. Sabi ko, sayang ‘yung kurso ko, baka puwedeng dito ako. Pero ang nakakainis, hindi naman ako sanay mag-edit. Naalala mo ba ‘yung sa Anakbayan mo na hindi kita matulungan kahit gusto ko? Hindi naman kasi talaga ako sanay magkikilos sa Canva. Kainis. Pinapagawa sa akin ‘yung kalendaryo para sa 2024. E ngarag na nga ako sa thesis. Hindi ko kaya. Naiinis ako. Sa akin na iniasa ‘yung gano’n. Chat pa nang chat na when daw matatapos. Kaya ito na naman ako, tinatakasan na naman sila. Gusto ko na naman mawala sa social media.
Kaka-deact ko lang ng mga account ko. IG at Facebook. Ayoko nang i-deact ‘yung Twitter ko dahil nung huling beses na ginawa ko ‘yun, na-delete lang ‘yung account ko.
Baka pumunta pala talaga ako ng Baguio, pero hindi ko alam kung sino ‘yung totoong makaksama ko. Kung si Ghee Kaye ba o si Emielle. Gusto naman nila pareho. Hindi ko rin alam kung aabot pa ba pera ko e sobrang dami ng gastos namin sa thesis. Ang gastos talaga.
Hindi ko na alam anong mangyayari sa akin. Dati rin naman mukha akong bahala na. Tsaka na isipin kapag nandiyan na, pero ngayon kasi, gusto ko talagang maging Laude. Alam ko sasabihin mo hindi naman importante itong mga parangal. Ako rin naman, gusto ko na lang maging pangkaraniwan. Pero hindi naman kasi para sa akin ‘to, para na sa pride ng magulang ko. Ang tamad-tamad ko na rin sa bahay, nakakahiya kung puro aral na nga lang ako tapos wala pa akong award.
Pagod na talaga ako. Hindi pa tapos mag-edit si Jyle. Hindi ako puwedeng magsulat ng Chapter 4 and 5 nang wala ‘yung video at post-evaluation nung video. Ang nagiging pampalipas oras ko, itong pagbabasa ng AU sa TikTok.
Hindi ko alam kung may TikTok ka na, pero parang dati yata, may lumabas sa contacs ko na mukha mo. May hawak na gitara pa nga yata icon mo ro’n tapos ‘yung username nakakatawa. Ewan ko kung aktib ka ro’n at kung nahahagip ng FYP mo ‘yan. Nakakainis lang din na dahil sa mga AU na ‘yan, minsan gusto ko ng kausap. Minsan iniisip ko ikaw. May mga character sa AU na parang tayo. Ganoon din yata ako kakulit sa iba. ‘Yung mga funny na banat, nagawa natin ‘yun e.
Ano pa kayang puwedeng gawin? Wala na akong Netflix account. Hindi ko alam kung mapapanood ko ‘yang kay Carlo sa 16. Ayain mo kaya ako? Sige na oh. Sana ihipan ka ng hangin. Or kung makapal mukha ko sa oras na ‘yan, baka ako pa ‘yung mag-aya sa sarili ko.
Hahahaha, bahala na.
Sabi sa’yo e, mahilig ako sa bahala na talaga. Mag-ingat ka palagi at galingan mo sa thesis mo!
Palagi,
Alpha
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
November 09, 2023
Thursday, 09:53 PM
Klyde,
Sa’yo ko muna ia-address ‘yung ibang isusulat ko kasi hindi ko rin alam sino pa ‘yung puwedeng maging addressee nito.
Sobrang gulo ng isip ko. Sobrang nababaliw ako sa thesis namin. Video ‘yung output namin at hindi ko alam kung magiging maganda ba ‘yung magiging edit niyan.
Nagbe-breakdown na ako at nakakailang overthink na. Para na nga talagang sasabog utak ko. Hindi ko naman alam sino kakausapin ko. Tinry ko sa mga kaibigan ko, pero hindi sila nagsi-seen, pakiramdam ko busy rin. Busy ka rin kaya?
Grabe, naiiyak na ako. Malapit na ‘yung defense namin. Alam kong hindi ako magaling, Klyde. Karaniwan lang. Pero sa field na ‘to, parang hindi okay ‘yung marunong ka lang, hindi puwedeng dahon ka lang, dapat bulaklak ka. Dapat hindi ka lang kulay green.
Minsan gusto ko ‘tong isisi sa mga desisyon ko no’ng January. Na baka hindi ako nahihirapan nang ganito kung hindi ko pinili ‘yung mga kaibigan ko over sa grupo ng puro magagaling sa section ko. Pero kapag naiisip ko ‘yan, kapag binabalikan ko ‘yan, lalo lang akong na-stress. Lalo lang akong nalulungkot, lalo ko lang sisisihin ‘yung sarili ko.
Hindi talaga ako magaling. Sa defense, kung sakaling magkasisihan, pakiramdam ko, ako ‘yung ilalaglag nila. Ayaw ko sana ‘yong isipin, pero kasi wala man lang ako nakukuhang update galling kay Jyle. Hindi ko alam kung anong progress na meron sa post production namin. Ang bilis ng araw. November na agad. Wala pa kaming nagagawa bukod sa shoot. Hindi ko na alam gagawin ko. Manluma na lang yata ‘yung kaya ko.
Ang hirap mag-breakdown sa dorm. Hindi naman ako makapaglakad dito kasi hindi ko naman kilala ‘yung mga tao rito. Hindi ko rin kabisado ‘yung mga daan.
December 5 defense namin. Sana okay ‘yung output. Sana hindi pangit. Sana maayos. Sana, please.
Gusto ko na lang gumraduate. Pero gusto ko ring umambag sa kabaklaan.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-25 ng Setyembre, 2023
Lunes, 10:32 n.g.
Kay Klyde,
Alam mo namang nagustuhan talaga kita, ‘di ba?
Gusto ko lang isulat, at gusto ko lang din alam mo. Dahil sobrang hindi rin talaga ako mapapakali kung matapos ang buwan na ‘to nang hindi ko nasasabi sa’yo. Hindi ko gustong ireklamo lang ‘to sa mga kaibigan ko, kasi ikaw naman ‘yung mismong dapat na nakakaalam. Ikaw rin naman ‘yung involved.
Siguro, ito ‘yung tatawanan natin sa mga susunod na buwan o taon. Pero ‘tsaka ko na iisipin ‘yung mga dadaang araw. Basta ngayon, gusto ko lang muna ilabas lahat ng nararamdaman at naramdaman ko. Pakiramdam ko rin makatutulong ‘to sa akin, dahil hanggang ngayon, medyo may bigat pa rin, may binibitbit pa rin ako.
Nagustuhan talaga kita. Siguro dahil talaga ‘yun sa mga pagkakatulad natin. Sa kanta, sa pelikula, sa galit sa gobyerno, sa mga kabadingan, sa ilang mga pananaw na binabali natin. Gaya mo, at gaya ng lagi kong sinasabi, mahirap humanap ng mga interesanteng bagay sa isang tao. Mahirap kumonekta.
Na-realize ko na hindi ko pa rin pala kayang tumagal sa ganitong set up. Ibig kong sabihin ay ‘yung set up natin na babanat ka habang alam mong gusto kita.
‘Yung pag-remove ko sa’yo sa mga social media accounts ko, ginawa ko ‘yun para sa sarili ko. Para hindi na ako makibalita. Hindi na kita makita at tuluyan na akong mawalan ng paki. Hindi ko alam kung nakatulong nga ba sila, gayong gumagawa pa rin ako ng mensahe para sa’yo.
Medyo may kirot pa rin pala talaga kapag naiisip ko na nagustuhan natin ‘yung isa’t isa at hahayaan na lang nating gano’n ‘yun. Siguro dahil pangatlo ka na sa gumawa sa’kin niyan. Pakiramdam ko umuulit lang lahat. Kaya rin siguro palaging binabansag at pinang-aasar sa akin ‘yung ikaw eka ‘yung babae na nagustuhan pero never ni-pursue. Itinatawa ko na lang, nakikitawa na lang ako. Kasi ano bang magagawa ko? Pero huy, naiintindihan ko ‘yung rason na sinabi mo sa’kin noon kung bakit hindi mo ako ipe-pursue.
Maikli na ‘yung tingin ko sa buhay. Siguro dahil sa mga taong nawala, sa mga kaibigang nawala recently, mga literal na nawala. Natatakot na naman tuloy ako mamatay. Baka dahil sa kawalan ng kamalayan anong buhay ang mayroon pagkatapos nito. Hindi naman na ako naniniwala sa langit. O dapat ba simulan ko nang maniwala ulit para hindi na ako matakot? Hindi ko alam kung maiintindihan mo ‘yung ganitong phase ng buhay ko, baka sabihan mo na naman ako na ang tanda ko na naman at ganito ako mag-isip. Pero ayun nga, gusto ko na lang gawin ‘yung gusto ko at ‘yung tingin kong magpapasaya sa akin.
Gusto talaga kita, kaya pinilit kong subukan ‘yung atin. Para ngang kaya kong kunin lahat ng oportunidad noon. At alam ko, kaya ko ring magbigay ng marami pang tsansa noon. Hindi sa hinihingi mo, pero ibinibigay ko sa iyo at sa sarili ko. ‘Yung mga limitasyong ako mismo ‘yung nagguhit, ako rin mismo ‘yung nagbubura. Sinubukan ko ring habaan pa kasi baka kailangan mo nga lang ng oras para iproseso. Baka kailangan mo lang mag-isip pa. Kasi nandoon na e, nakikita na kita, nakikita mo na ako. Baka may chance. Baka puwede. Pero hindi pala sapat ‘yung nagkakakitaan lang tayo. Para lang tayong nasa magkabilang gilid ng kalsada. Nagkakawayan. Nakikita lang natin ‘yung isa’t isa pero hindi tayo nagtatagpo.
Ang dami no’ng mga pagkakataong sinubukan ko na i-meet ka. Pero baka hindi ka rin talaga ready, at sa isip ko, kaya ko pang maghintay. Kaya kahit na paulit-ulit sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na hindi ko deserve ‘yung ganitong treatment, na hindi mo ako deserve, tumuloy pa rin ako. Simula no’ng natutunan kong hindi piliting itaas ‘yung sarili kong pag-iisip kaysa sa nararamdaman ko at sa nararamdaman ng iba para sa akin, hindi na ito tungkol sa kung deserve ba natin ‘yung isa’t isa o kung sino ‘yung mas karapat-dapat.
Hindi ko kayang magalit nang matagal. Na minsan hiniling ko. Na sana nagalit na lang ako, dahil mukhang mas madali ‘yun. Pero at some point, hindi mo naman kasalanan ‘tong nararamdaman ko. Nilagay ko rin naman ‘yung sarili ko sa gano’ng sitwasyon. Nagkusa rin naman ako. Nag-expect ako ng mga changes at progress. Iginaya kita sa mga pamantayan ng dapat, na kesyo dapat ganito ka na kasi ganito na ‘yung edad mo. At mali ko ‘yun dahil mayroon ka namang sarili mong timeline at phase.
Ayoko namang putulin itong koneksyon natin, na nakakatawa dahil sinubukan kong gawin noon.
Siguro naging parte ka ng mga normal na araw ko, Klyde. Hindi espesyal, normal lang talaga. Payak. Kaya siguro no’ng hindi na tayo nag-uusap, parang may hindi na normal sa araw ko. Hindi ko masabi na may kulang. Pero sigurado ako na hindi normal.
Puwede ba ‘yun? Hindi kulang, pero hindi rin normal?
Gusto ko pa rin namang maging magkaibigan tayo. Gusto pa rin kitang makausap tungkol sa mga kanta, sa mga banda, kina Bullet at Ang Bandang Shirley, sa mga Asian na pelikula, sa mga sulat, sa mga ka-cringe-an ng buhay, at sa mga pagkilos.
Maikli man ang buhay, malay pa rin natin, sa ikli ng panahong meron ako at ikaw, magkita pa rin tayo isang araw.
Palagi,
Alpha
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-22 ng Agosto, 2023
Martes, 02:00 n.u.
Hi.
Sulatan muna ulit kita. Magulo na naman isip ko.
Pinanood ko ‘yung The Last 10 Years kagabi. Umaasa ako na magkakaroon tayo ng discussion about doon. Wala lang. Nasanay na lang ako na gano’n tayo. Pero sineen mo lang message ko. Iniisip ko, baka hindi mo natapos ‘yung movie? Minsan pa naman inaantok ka kapag nanonood. Or baka masyado kang emosyonal para pag-usapan pa?
Akala ko hindi tayo magkakausap today. Baka kaya mo ako sineen kasi ikaw naman ‘yung lumalayo. Grabe, ‘no? Kakaiba na tumatakbo sa isip ko. Ang gulo nila. Hindi sana creepy ‘yung dating sa’yo.
Uy, nagtataka pala ako kung bakit naka-Quiet Mode ka sa Instagram. May ano ba? Ayaw mo ma-chat do’n? ‘Di ba ‘yung feature na ‘yun, walang matatanggap na notif. Parang naka-silent. Hmm, may iba ka pa nga kayang kausap roon sa IG? Ayaw mo magambala? Grabe. Nakakatakot pala itong mga iniisip ko. Magulo talaga siya ngayon.
Alam mo, isa ko pang naisip, what if, ‘yung mga pinapanood nating movie at ni-suggest lang sa’yo ng iba mong nakakausap na babae. Tapos pinanood ko… medyo nakakaawa ako kapag nakumpirma ko ‘yan. Hahahaha, kasi sinusubukan ko talaga na sabayan ka. Pero paano kung habang sinasabayan kita, may sinasabayan kang iba…
Grabe, ayoko na talaga ng ganitong pakiramdam. Minsan gusto kong maging manhid. Ayoko na ng ganito. Sobrang confusing ng ganitong stage. Bakit ba kahit alam kong hindi ko deserve ‘yung ganito, nandito pa rin ako? Ilang beses ko na rin namang pinamukha sa sarili ko ‘yan. Pero tingnan mo, nandito pa rin ako.
Iniisip ko na lang, hahayaan kita. Hahayaan kita rito. At hindi ako mag-e-expect nang malala sa’yo. May goal naman na ako sa buhay: gumraduweyt. Pagkatapos niyan, mag-iiba na talaga prioritie ako. Kaya hahayaan na lang kita. Hahayaan kitang maging mababaw at malalim sa mga conversation natin.
Sana hindi magdire-diretso itong pag-asa ko na baka maging pareho na tayo ng crisis na pagdadaanan dahil third year ka na. 3rd year din naman ako nag-mourn sa someone na makakaintindi sa akin.
Iniisip ko rin na siguro magiging mabilis tanggapin sa akin lahat na hindi tayo pwede kasi malayo ako kung hindi ka lumalandi sa iba. I mean, kung hindi ka nakikipag-usap sa iba. Na malayo rin.
Nagko-contradict kasi sinasabi mo. Sabi mo hindi ka ready, hindi mo kaya, pero humaharot ka pa rin sa iba. Hindi ko alam kung gusto mo lang bang subukan sa iba o ano e. Hindi ko talaga alam. Sobrang hirap mangapa.
Siguro ang pinakaayaw ko na lang mangyari sa akin ay ‘yung ma-Tom ako. Ayokong maging si Tom na sasabihan ni Summer ng “I just woke one day and I knew… what I was never sure of you.”
Ayoko. Ayokong mangyari sa akin ‘yan.
Sana maging plain na lang lahat ng ‘to. Kaya lang nakakainis kasi ang lakas mo talaga sa akin. Alam mo bang wala kaming kuryente kanina. Pero dahil doon sa chat mong fit check, na may kasamang vid, napa-redeem ako ng rewards sa Dito. Parang tanga. Kaya kong gawin ‘yung mga ‘yon para sa’yo. Nakakainis. Nakakainis na kaya ko gawin request mo. Kaya kong maghanap ng comment mo sa live ni mi-gan at i-haha sila. Ang tanga. Para akong tanga na nag-scroll doon kakahanap ng comment mo. Para lang ma-boost ka. Para lang magkaroon ng reactions ‘yung comment mo.
Kinukwestyon ko pa rin minsan bakit ako nag-stay sa conversation natin. Hindi ka naman katulad ng mga nakausap ko. Ni hindi ako makapagreklamo sa’yo kagaya no’ng reklamo na nagagawa ko sa mga dati kong kausap. Na-try ko once, ‘yung sa kay Kent. Gumaan loob ko na bina-bash mo siya. Kaya lang, sobrang dalang ng mga ganiyang pagkakataon. Sobrang dalang na parang nakikinig ka sa mga reklamo ko.
Minsan naman, iintindihin ko na lang. Na baka hindi mo lang talaga alam anong sasabihin mo. Baka naiipit ka sa sitwasyon ko. Baka hindi kayang hawakan ‘yung mga ganoong kwento.
Susubukan ko na lang gawin ‘yung mga pinlano ko.
Bahala na.
Sa ngayon, gusto pa kita.
Gusto pa rin kita.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
August 18, 2023
Friday, 1:37 am
Cause maybe you'll finally choose me after you've had more time.
Backburner pa rin kita. Nakakainis na iniisip ko pa rin na baka kailangan mo nga lang ng oras para i-figure out lahat. Baka kapag tumagal, kaya naman pala natin subukan.
Medyo hindi rin pala maganda itong pagiging risk taker ko. Kasi ayaw kong may naiiwang bakit sa akin. Ay, pota, pero isisi ko na lang ‘to sa katangahan ko. Katangahan na lang silang lahat. Mas mabilis pa tanggapin kapag sinabing natanga ako sa ganiyan e.
Wala lang din ako magawa ngayon. Pota, naging hobby ko yata paggawa ng sulat. Hahahaha. 3rd year ka na. 3rd year din ako no’ng na-feel ko na hindi na panggaguhan ‘yung kailangan ko. Hindi na ako panlaro. Matanda na ako para diyan. Sana ikaw rin. Para pocha, nandito ako kapag ready ka na.
Ano ba, wala lang ba ako magustuhan? Ikaw lang ba nandyan? Ang gulo ng utak ko ngayon, ah. Gusto ko kasi kontrahin lahat.
Naghihintay pa rin naman ako ng chats mo. Inaabangan pa rin kita. Pero mas madali ka nang i-seen ngayon. Parang wala na lang.
Magulo talaga ako ngayon. Medyo ino-overthink ko rin na dalawang semesters na lang, graduate na ako. Iba na ‘yung responsibility. Mag-iiba na rin tiyak ‘yung mga priorities ko. Gusto pa kaya kita no’n?
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-11 ng Agosto, 2023
Biyernes, 01:48 n.g.
Klyde,
Nanonood ako ng I’m Drunk, I Love You, at Klyde, naalala kita. Isa ‘to sa mga paborito mo e. Ganda rin talaga ng mga kanta rito.
Kanina, gusto ko lang talaga may nagpe-play na audio dahil sinusubukan ko matulog. Gusto ko ng ingay. Ingay na may nagsasalita. Kaya lang, bumangon din ako dahil pakiramdam ko may regla na ako, pumunta ako ng CR. No’ng pabalik ako sa kuwarto, nakita ko sa lamesa ‘yung 1.5 na bote ng Coke. Walang laman. Sinalinan ko ng tubig. Nilagay ko sa ref. Hahahaha, alam mo bang isa ‘yan sa mga pinag-aawayan dito sa bahay? Kapag walang tubig na malamig. Pagbukas ko ng ref, nakita ko itong may bawas na bote ng Kopiko “Lucky Day”, Thai ‘yung ibang sulat, hindi ko maintindihan. Kinuha ko, na-curious ako bakit may gano’n sa ref namin? Sa kapatid ko kaya ‘to? Bahala na. Dinala ko na lang hanggang higaan. No’ng tinikman ko, hindi ko nagustuhan ‘yung lasa, ang pakla. Tinamad akong tumayo ulit at maglakad hanggang kusina kaya tinitiis ko siyang lagukin hanggang ngayon. Nasabi ko ba sa’yong hindi ako pala-kape?
Pocha, late ko na na-realize na mas nakakagising nga pala ‘tong kape, kaya tiyak ko nang hindi na naman ako makakatulog nang maaga. At mas pocha, kasi ito na naman, sinusulatan na naman kita.
Minsan iniisip ko, naghihintayan lang kaya tayo kung sino ang unang magcha-chat? Kung sinong unang kakausap?
Nakakainis na nasa-justify ko minsan ‘yung pagka-miss ko sa’yo kapag may regla ako. Mag-aaway lang kami ng sarili ko tapos sasabihin ko, “Sige na, ngayon lang, may regla lang. Puwede ka makaramdam.”
Gustong-gusto kitang i-chat. Gusto kong magtanong kung tuloy ka ba sa pagba-bike mo mamayang 5 am. Gusto ko ring itanong kung may sinabi ba ‘yung mga kaibigan mo tungkol doon sa marami kong tawag.
Kaya lang… siyempre may kaya lang. Iniisip ko, baka may ginagawa ka. Sabi mo pa naman noon sa akin, busy ka, kaya hindi mo nacha-chat si Jia. Ito rin ‘yung rason kung bakit hindi ko magawang mag-chat sayo nang una e. Baka busy ka. Baka nanonood ka. Baka may kasabay ka manood… Baka kapag nag-chat ako, bigla mong masabi nang malakas sa kausap mo na nag-chat ako.
Hala, gusto ko tuloy itanong sa’yo ‘to ngayon. Sandali.
Tsinek ko ‘yung profile mo, hahahahaha, nakakatawa, nag-on pa ako ng Active Status sa Messenger. Active ka raw 36 minutes ago. Hala, nakatulog ka ba? Hindi ka na tuloy? E may notes ka pa sa IG na gumawa ka ng itinerary, ah? Mag-hi ba ako? Ugh.
Grabe itong mga tumatakbo sa isip ko. Medyo sumasakit pa itong tiyan ko. Sa kape ba? Tiyan ba ‘tong masakit sa akin o puson? Anak ng teteng.
At pala, dalawampu’t isang minuto na lang ‘tong natitira sa pelikulang pinapanood ko. Hay, Carson. Gusto ko na ring gumraduweyt.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
August 7, 2023
I think, writing is my therapy.
Sumusulat ako ngayon dahil gusto kong i-overanalyze itong nangyayari sa akin para ma-process ko nang sobra at maging logical na lang at hindi na isipin ‘yung emotional side nitong stage na ‘to. In short, ayaw ko nang makaramdam.
Huy pala, feeling ko, isa na sa mga pet peeve ko ay ‘yung mga nagka-cancel ng plans. Although, may mga pagkakataon na nararamdaman ko ring tamarin sa mismong araw no’ng planned event, pero mas pinipili kong gumalaw. Or if the other person ay bet na mag-cancel, tapos same kami ng nafi-feel, hindi na talaga ako tutuloy. Ang point: kailangan mutual decision. Ayoko rin ng majority wins, kailangan, kung lima kayo ‘yung lima na ‘yan, magka-cancel na lahat.
Nami-miss ko si Klyde. Hahaha. Ang funny, ‘no? Bakit ko nami-miss ‘yung taong nagparamdam sa akin na basura ako? Ang OA no’ng term, pero ayan na lang gamitin natin. Basura talaga. I mean, literal na he just treats me right when it’s convenient for him.
Hm (alam mo ba paano basahin ito? Gusto ko tamang tono, ah), alam ko sasabihin mo hindi ko deserve. Pero ano bang magagawa niyo? Ano ba magagawa ko e nami-miss ko nga? Pero kapag nandiyan siya, hindi rin naman ako gano’n kasaya. Normal lang. Tama lang para ituloy ‘yung araw.
Siguro naging parte si Klyde ng mga normal na araw ko, hindi espesyal, normal lang talaga. Payak. Kaya siguro ngayong wala na siya, parang hindi na normal ‘yung araw. Hindi ko naman masabi na may kulang, pero baka gano’n nga?
Minsan, sa delusyon ko, babalik si Klyde. Babalik siya. Kasi hindi niya mahanap ‘yung katulad ko sa mga bagong babaeng makakausap niya. Actually, hiniling ko ‘yan. Na ganiyan ‘yung mangyari. Oh, sasabihin mo na naman hindi ko deserve. Na dapat ‘yung lalaki na para sa akin, hindi na kailangang sumubok sa iba para masigurado niya na ako talaga ‘yung para sa kaniya.
Sus.
Iniisip ko, nakakulong na naman tayo sa pedestal. Baka hindi naman kasi talaga laging gano’n. Siguro ilalaban ko na ‘yung wala namang dapat at hindi dapat sa “pagkagusto”. Magandang term ‘yung “walang dapat at hindi dapat sa nagmamahal”, pero hindi ko naman kasi mahal si Klyde.
Ayun nga, wala naman yatang dapat na pamantayan. Alam kong hindi rin enough ‘yung masaya ka lang. Siyempre, kailangan mo ring maramdaman ‘yung iba pang emosyon na tuntungan ng yugtong ‘yan.
Pero ako, gusto kong sabihin na sakto na sa akin ‘yung masaya lang ako.
Wala nang kwenta ‘yung sinasabi ko.
Baka gusto ko lang sumaya. Gusto ko lang maging masaya. Sino bang hindi, ‘di ba?
Siguro para maging masaya, isipin ko na lang ‘yung mga inambag ko sa buhay niya? ‘Yung mga naturo ko. Siguro ang major ambag ko ay ‘yung nalaman ‘yung matagal niya nang hinahanap na term. ‘Yung “tuldik”. Sanay na rin siya gumamit niyan.
Nakakatuwa na may mga sumusubok pa ring pag-aralan ‘yan. Dahil sa kaniya, feeling ko, hindi pa mamamatay ang Wikang Filipino. Sana marami pang katulad ni Klyde. ‘Yung kuryosidad lang sa pag-aaral ng sarili nating lenggwahe, ha? Hindi ‘yung pagiging paasa niya at pag-hang sa’yo sa kung saan.
Gamitin ko na lang din ulit ‘yung bata pa siya. Hindi kami pareho ng hinahanap.
Medyo gumagaan talaga itong loob ko kapag ganito. I mean, kapag nagsusulat. Sabi sa’yo e. Theraphy ko nga yata ito. Kailangan ko lang mag-journal nang mag-journal para maging okay. Ganito man ako kay Migo e. Pati ro’n sa ex ko. Ang kaibahan lang, sinend ko sa ex ko ‘yung mga sulat na ginawa ko. Ngayon, hindi ko ise-send kay Klyde ‘to. I know better. Baka mamaya, ikuwento niya pa sa bago niyang makakausap. Hahahaha, hindi naman siguro siya gano’n, pero sus, kinuwento niya nga sa’kin ‘yung “obsessed thingy” ni ano. Paano kung magkaroon siya ng iba pang Alpha na pagkukuwentuhan nitong mga kaululan ko sa kaniya, ‘di ba? Paikot-ikot pa naman ang buhay. Minsan din by turn, baka turn ko nang maging topic sa usapan, tapos ako na ‘yung obsessed na nagkagusto sa kaniya sa mga kwento niya.
Hoy, hindi naman ako obsessed. At ang big word niyan. Huwag natin gamitin, okay.
Gago, 1:43 am na. Hindi ko na alam ano pa ginagawa ko rito. Gusto ko nang umuwi ng Bulacan. Baka sisihin pa ako nila Jethro kapag tumaasa itong bill ng kuryente namin si condo.
Manonood na lang ako ng Gilmore Girls. Bye.
Palagi,
Alpha
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-6 ng Agosto, 2023
Linggo, 08:07 n.g.
Klyde,
Kapag nafu-frustrate ako, gusto kong magsulat. At nafu-frustrate talaga ako sa nangyari sa atin. Siguro partly, kasalanan ko rin. Kasi ako naman ‘yung nang-seen, pero feel ko kasi, hindi ko talaga deserve itong treatment na nakukuha ko galing sa’yo, at may radar din ako na nagde-dating app ka. Pero, oo, malaya ka naman gawin ‘yan.
Ni-hide ko sa’yo ‘yung story ko sa main account dahil ayaw kong may balita ka sa akin. Pero at the same time, kung gusto kong mawalan ng paki, siguro dapat hayaan kitang makita mo ‘yung mga ginagawa ko. Dapat wala akong paki na alam mo ‘yung ginagawa ko.
Hindi mo kaya naiisip bakit hindi na lang tayo bigla nag-usap? Pagod na ako sa mind games, pero hindi ka kasi talaga confrontational kaya hindi ko na binuksan. Hindi ko na sinabi bakit.
Tangina, ang hirap-hirap ng ganito.
0 notes
idlaesy · 6 months
Text
Ika-2 ng Agosto, 2023
Miyerkules, 12:30 n.u.
Klyde,
Ngayon na lang ako ulit nakaramdam na may gusto akong baguhin sa sarili ko. Ayoko nang kontrahin. Ayoko nang isipin na baka rereglahin lang ako, baka nami-miss ko lang sila Mama, baka mag-isa lang ako. Ayoko nang isipin ‘yan. Gusto ko na lang magpokus sa gusto kong may magbago ngayong buwan. At kanino ba magsisimula lang ‘yon, hindi naman sa paligid ko, kundi sa akin.
Sinubukan kong huwag ka nang kausapin. Sa’yo talaga ‘yung first step kung gusto ko ‘tong simulan. Gusto kong putulin lahat ng koneksyon na mayroon ako sa’yo.
Sinimulan ko sa dump account. In-unfollow kita, ni-remove sa follower. In-unfollow ko rin ‘yung pusa account ko. Iniisip ko nga kung ipa-public ko pa ba ‘yung account ko. Medyo nagtatalo pa kami ng isip ko riyan. Gusto kong wala kang balita tungkol sa akin, pero ayoko namang i-private ‘yung account ko dahil doon talaga ako nagpapansin sa mga artist na ini-stan ko. Ni-remove ko na rin lahat ng notifications ng pangalan mo sa Facebook ko. Ayaw kong nandoon ka. Ayaw kong nakikita kahit pangalan mo. Ayaw ko na.
Gusto kong putulin ‘to dahil hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Ayaw kong may inaasahan ako sa’yo, dahil alam ko, wala ka namang sinabi. Ayaw ko nang maging backburner kita. Ayaw ko nang isipin na baka kapag tumagal, may puntahan naman tayo. Ayaw ko nang hindi ako sigurado sa mga ganitong bagay.
Ayaw ko nang may maramdaman pa sa’yo kaya ko ‘to ginagawa. Ayaw ko na ring magpanggap na detached na ako, dahil kahit anong pilit ko sa pagsabi na wala na akong pakialam sa’yo, mayroon pa rin talaga. May paki pa rin ako, Clyde, at ayaw ko na. Ayaw ko nang magkaroon ng paki sa’yo.
Ayaw ko nang nakikita mo ‘yung mga ginagawa ko. Ayaw ko nang nakakausap kita tungkol sa mga bagay na gusto ko, sa mga bagay na interesado ako. Ayaw ko nang sabayan ka tuwing may mga ideyang sumasaglit diyan sa isip mo. Ayaw ko nang basahin ‘yung mga piyesang sinusulat mo. Ayaw ko nang maging proofreader mo. Ayaw ko nang alam ko na pareho tayo ng gusto. Ayaw ko nang pakinggan ka kapag kumakanta ka. Ayaw ko nang pakinggan ‘yung mga kantang sina-suggest mo.
Ayaw ko nang maging korni kasama mo. Ayaw ko nang maging cringe kasama ka.
Sa mga nauna kong sinusulat sa’yo, sinabi ko ro’n na kailangan ko talagang iligtas ‘yung sarili ko sa posibleng hatak nito sa akin. Siguro ito na talaga ‘yung totoo. Ayaw kong maging kaibigan mo kahit ayan ‘yung gusto mo dahil ayaw kong alam kong gusto mo ako pero wala kang ginagawa.
Unti-unti na rin akong hinihila no’ng mga hindi ko gustong ginawa mo sa akin.
Pinalipat mo ako sa instragam dahil may tumatawag sa’yong iba sa messenger. Umamin ‘yung babae. Hindi ko pa malalaman na may kausap kang iba kung hindi ko narinig ‘yung boses nong babae na nagtatanong kung ano ba kayo. Iniisip ko, hindi naman siya mako-confuse kung wala kang ginawa. Hindi naman siguro siya malilito kung ano kayo kung hindi mo siya hinarot, kagaya nitong ginagawa mo sa akin.
Palagi mong sinasabi na kamukha ko ‘yung ex mo. Hindi porke’t tumatawa ako tuwing sinasabi mo ‘yan, hindi porket hindi ako madalas magreklamo, hindi ibig sabihin no’n na ayos lang sa akin. Hindi okay, Clyde. Hindi okay pero hinahayaan kita, hinihintay ko na ikaw mismo ‘yung tumigil. Tumigil ka nga… saglit nga lang.
Hindi mo ako naririnig. Palaging ikaw ‘yung may istorya, palaging ikaw ‘yung may input. At ayos lang ‘yon. Hindi ako nagrereklamo na nagkukuwento ka. Gusto kong nagkukuwento ka. Interesado ako sa mga kuwento mo. Pero inasahan ko na gano’n din ‘yung gagawin mo kapag ako naman ‘yung may gustong ikuwento. Hindi kita sinasapawan sa lahat ng kuwento mo. Nakikinig ako palagi. Gusto kong makinig palagi. Pero sana, kahit kaunti, sana naramdaman ko man lang na gano’n ka sa akin.
‘Yung sa server n’yo ng ex n’yo. Wala naman talagang problema sa akin ‘yun. Hindi issue. Wala naman na siya ro’n, gusto ko lang talaga ipang-asar sa’yo no’ng nakita ko. Pero hindi ako natuwa sa reply mo na “Akala ko alam mo.” Hindi ko rin naisip na replacement ako. Pero no’ng ikaw ‘yung bumanggit, napa-oo nga na lang ako. Paano nga kaya kung nandoon lang ako bilang pamalit sa kaniya. Pero hindi talaga siya issue sa akin no’ng una. Walang problema kung bakante naman talaga ‘yun, pero pinanood kitang magpaliwanag, kasi for once, naramdaman kong may pakialam ka sa nararamdaman ko. For once, nakita kong gusto mo rin ako kausap dahil sabi mo, takot kang hindi na kita kausapin.
Gusto ko talagang hindi pansinin ‘yung mga ‘yan, dahil naniniwala ako sa potensyal mo. Tinuring naman kitang mabuting tao, may buhay sa labas ng internet, na baka 30% nga lang ng totoong ikaw itong nakikita ko sa screen. Pero sapat na siguro itong apat na buwan para sa potensyal na nakita ko. Magbabago ka pa naman tiyak, hindi ko man makita, pero matutuwa ako kung mangyari nga.
Sinend ko ito kahit ilang araw na ‘yung nakakalipas. Ayoko lang nang walang sinabi sa’yo. Kahit hindi ako sigurado kung kailangan mo ba ng ganito, isipin mo na lang na kailangan ko.
Hindi lang din talaga ako sanay na hindi napag-uusapan lahat.
0 notes