Tumgik
Text
EAT Showtime !
           Tuwing tanghalian malamang sa malamang isa sa dalawa, Eat Bulaga at Showtime ang pinapanood nating mga pinoy. Ang dalawang programang ito ay siyang nagapagood vibes sa ating pang araw- araw na buhay.Maraming mga tao ang laging pinagkukumpara ang dalawang programang tio, kung ano daw ang mas maganda,mas nakakatawa, original at mas nakakatawa. Ang Eat Bulaga at Showtime ay puno lagi ng katatawanan dahil halos komedyante ang mga host nito. Kung pagkukumparahin kung sino ang mas matagal malamang ang Eat Bulaga dahil 36 yyears na ito sa industriya habang ang Showtime ay 6 na tao pa lamang. Sabi ng iba ang mga segment daw ng Showtime gaya ng Ms. Pastillas at Clash Of Celebrities ay pawang ginaya lang diumano mula sa Eat Bulaga.
          Hindi naman talaga natin ito direktang masasabi dahil baka malay mo may isa lamang coincidency. Laging pinaghahambing ang kalyeserye ng Eat Bulaga at realiserye ng Showtime. Ang aldub ng Kalyeserye at Ms. Pastillas ng Realiserye ay parehong nagsimula dahil sa Social media. Kung tutuusin nauna naman  talaga ang Aldub kung kaya’t sinasabi ng marami na gaya-gaya ang It’s Showtime. Parehas lang namang naghahatid ng ngiti sa ating labi ang dalawang programang ito. Kung gusto mo sa Eat Bulaga edi sa channel & ka kung gusto mo ng Showtime edi sa channel 2 ka manood. Huwag na natin itong pagkumparahin nang sa gayo’y puro kasiyahan lamang ang ating matamo sa kanila at hindi away. :D  
0 notes
Text
ECE 1-2
          Napabilang ako sa seksyong ECE 1-2 kung saan di ko inaasahan na ang seksyong ito pala ay sadyang masaya pero magulo. Noong unang araw ng pasukan, siyempre nagkakapaan muna kami ng pag-uugali. Nagpapakilala sa isa’t isa, nagtatanungan kung saan galing at nagkwewento tungkol sa sarili ay ilan lamang sa mga mapapnsing tagpo sa unang araw naming magkakasama. Sadyang napakatahimik ng aming seksyon noong unang dalawang linggo ng pasukan. Napapansin kong sa bawat pagdaan ng araw ay unti-unti na ring lumabas ang kulit ng bawat isa kung kaya’t kami’y umiingay na. Nangunguna sa kaingayan ang kaklase kong si Cia at Anne. Walang patawad kong magpatawa si Cia at si Anne naman ang tagatawa. Siyempre hindi mawawala sa klase ang mga matatalino. 
          Napansin naming ang mga mas matatalino sa amin ay may grupo na rin na pinangungunahan ni Jairon na una pa lang ay nagpakita na ng kanyang katalinuhan. Naging presidente namin si Anj. Nakikita sa kanya ang dedikasyon sa pagtupad ng kanyang mga tngkulin bilang presidente ng klase. Tunay siyang maaasahan at masipag. Lagi na ring nagsasama-sama ang mga Dota Boys sa amin. Hindi ako makahalubilo sa kanila dahil hindi naman ako nagdodota. Ang pinakamalapit na kaibigan ko sa seksyong ito ay sina Jherald at Chuaseco. Masaya silang kasama lalo na si Chuaseco na mahilig mangtrip ng ilang tao. Nakilala ang seksyon namin sa kaingayan. Sabi ni Maam Diona, Kami rin daw ang pinakamagulo niyang hawak. Ito ang ECE 1-2.
0 notes
Text
Dramatic Fall
We define hero as a person who has an exceptional service to mankind and sacrificed his/her life until honored after death. When we hear this definition, the first people we remember is Rizal, our National Hero. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA in his full name is very well-known not only in our country but also in the world. This is because of his extreme heroism to fight for the freedom and equality during the abusive government of the Spaniards in our country. He is always subjected in many different history books. He is the George Washington of our country.
           Rizal is the first one who persuade many Filipinos to open their eyes and look for the wrong doings of the Spaniards to them. Rizal used his passion to write by writing different novels. The biggest Novel of him is the NOLI ME TANGERE and the EL FILIBUSTERISMO. This novel reveals the improper system of the Spaniards Government especially those Spanish priest. This is one of the reasons why he was punished death by the Spaniards.
           Well-known that Jose Rizal is being exiled in DAPITAN because Spaniards sais that he rebels to them. Rizal was punished death through firing in BAGUMBAYAN, Manila which is known as LUNETA PARK.
            Before Rizal was punished death, he was tied elbow to elbow. How hurts is being tied elbow to elbow in his back. Rizal was not allowed to face in front to where the people gunner is. Because the Spaniards think that he was a EREHE, he must turn around and face against them. Few meters away from them is the Spaniards who have also guns targeting them. The 7 men didn’t wanted to fire Rizal but because they were forced to go it they have no choice. If they didn’t fire, they will be killed by the Spaniards Soldiers in the back of them. Based on Fr. HIZON, a priest w/c is close to the Spaniards, the 7 men decided to pull the trigger but only 3 bullets from them will be targeting Rizal and the remaining will fired but not targeting him. This decision made the night before Rizal’s execution. When the Spaniards commander commands “FUEGO”. The gunshots were received by Rizal. The 3 men don’t want to suffer Rizal before he will die that’s why targeted him in the part where Rizal die rapidly. The 3 gunshots were found in Rizal’s left back part, right shoulder and rape.
           Rizal died exactly 7:03 in the morning. In this moment, the sun rose and Rizal died facing the sun. historians symbolizes it like Rizal is saying “Don’t think that my death is a failure but a success. Even do I’m physically dead, my learning’s is still be read in different book.” This death is said to be a Dramatic.
0 notes
Text
Eleksyon na naman !
            “Eleksyon na naman! Oh kay tulin nga araw!” Eleksyon na naman at panahon na naman para bumuto ng mga napupusuan nilang kandidato ang bawat isa. Ang bilis talga ng araw, parang kailan lang nanalo si Pnoy sa pagkapangulo tapos bababa na siya sa knyang pwesto. Ang pagpili ng mga lider ng bansa ay isang malaki at importanteng karapatan at responsibilidad ng bwat mamayan ng isang demokratikong banasa. Kanina lang umaga nagsimula ang pagkuha ng mga gustong tumakbo sa 2016 ng kanilang COC ( Certificate of Candidacy) sa Comelec. Lahat siyempre gustong malaman ang lahat ng kakandidato nang sa gayo’y makapagisip-isip na ang taumbayan sa kanilang pipiliin. Alam naman natin na tuwing eleksyon dito sa Pilipinas ay laging may hindi magandang gawain ang nagyayari. Ngunit sa aking palagay mababwasan na ito sahil sa higpit ng Comelec pero hindi parin natin masasabi kung ito’y sapat na.
              Marami ng mga nagdaang eleksyon ang mayroon nangyaring dayaan. Isang halimbawa nito ay ang nangyari kay Miguel Zubiri kung saan nagbitiw siya bilang sendor dahil di umano’y hindi siya dapat nanalo sa pagkasenador dahil sa dayaan noong 2005 election yata iyon at siya’y pinalitan ni Coco Pimentel. Sa mga probinsya, sa palagay ko ay may mangyayaring dayaan sa pagboto lalo na ang Vote Buying dahil sa hirap ng buhay ng ilang kapwa natin pilipino doon ay maaring kumpit sila sa patalim. Nawa sa darating na elekson, ang ating magulang at mga kamag-anak ay maging matalino sa pagpili ng mga lider sa bansa dahil lahat tayo’y apektado sa kung ano man ang magiging resulta.
0 notes
Text
Ang Aking sarili
                  Ui! Kamusta ? Ako nga pala si Rolly pero sa bahay Rj ang tawag sa akin. RJ dahil ito pinaikling Rolly Jr. Kapangalan ko kasi ang aking papa. Pangalawa ako sa 4 na magkakapatid at ako ang tanging Moniko Iho ng pamilya. Gusto kong magkaroon ng lalaking kapatid pero wala eh puro babae sila. Mayroon akong masayang pamilya kahit puno kami ng mga problema. Ang bonding ay ang manood ng mga programa sa telebisyon. Paborito ko ang kalderetang buto-buto ng baboy lalo na yaong luto ng aking Tita sa Valenzuela. Sa mga luto ng aking mama pinakbet at mga sinabawang isda naman ang aking paborito. Dahil isang panadero si Papa, nakahiligan kong kumain ng tinapay lalong lalo na yong gawang ensaymada ni Papa. Malakas akong kumain pero hindi ako tumataba. Nakakapagtaka nga ee.
                Mahilig akong manood nga mga Suspense at Sci-Fi Movies kasi paborito ko ee. Bonding namin ng aking papa ang manood ng mga sports program sa Telebisyon lalong lao na ang Basketball. Mahilg akong manood ng mga basketball pero hindi naman ako marunong maglaro nito. Pagdating naman sa pag-aaral, hindi naman ako ganoon katalino kung kaya’t pagsisipag na lang ang ginagwa ko. Mahiyain ako kung kaya’t takot akong magrecite dahil baka magkamali ako at pagtawanan ng iba kung mga kaklase. Simula Elementary ganito na lagi ako, takot magsalita sa harap ng tao at takot mapahiya. Noon recitation nga namin sa History, naka singko ako dahil namental block ako dahil sa pressure na wag magkamali. Isa rin pala akong perfectionist paminsan-minsan dahil gusto ko lahat ay oraginisado at tama. Ilan lamang ito sa aking mga katangian. Abangan niyo na lang ang iba pa.
0 notes
Text
Katamaran
                Maraming mga tao ang inaatake ng ganitong sakit araw-araw. Ito ang sa palagay kong pangunahing sakit ng bawat isa. Nakakatawang isipin dahil bawat isa ay nakakaranas ng katamaran sa bawat oras. Hay naku, nakakatamad isipin kugn saan ba nagmula ang ganitong pag-uugali! Ito ba’y inihagis pakalat ni Satanas pagkatapos ay sinalo ng sangkatauhan ? Nararanasan ito karamihan ng mga estudyante tulad ko. Halimbawa katamaran sa pagbabasa, paggawa ng assignment, pagrereview at iba pa. Likas na nga yata sa amin ang sakit na ito. Araw-araw akong may ganitong karamdaman. Sa katunayan, tinatamad nga akong tapusin ang blog na ito dahil ang gusto ko lamang ay ang matulog at walang gawin.
               Normal lang naman sa isang tao na tamarin na gawin ang isang bagay ngunit hindi normal ang maging Juan Tamad lagi. Sa aming kanto maraming mga Juan Tamad na naghihintay ng biyaya na babagsak sa langit. Naniniwala akong walang dahilan ang isang tao na tamarin dahil tayo’y binigyan ng katawan ng panginoon upang mapaunlad ang sarili. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Bill Gates na isang kasalanan sa diyos kapag pinanganak kang mahirap at pagkamatay mo’y mahirap ka pa rin. Katamaran ang maaaring magpabagsak sa atin.
0 notes
Text
BAYANI ng Buhay Ko
                  Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pagpapakahulugan sa salitang bayani. Matalino,malakas,mabait at iba pang positibong bagay na agad nating naiisip tuwing napapag-usapan ang mga bayani. Gusto lagi natin na dapat ang mga bayani ay laging panalo sa isang digmaan o anumang kaguluhan. Kung ito ang ilan iba naman ang sa akin. Para sa akin ang bayani ay aong taong ginagawa ang lahat upang mapagtagumpayan ang bawat yugto ng laban sa buhay nang walang sinasaktan. Tulad ni Rizal, ang ating pambansang bayani,kahit malaki ang galit niya sa mga kastila dahil sa baluktot nitong pamamlakad mas pinili niyang laban sa kanila sa paraan ng pagsusulat o diplomatiko dahil alam niyang sa pamamagitan nito wlang masasaktang tao pilipino man o mga kastila.
                Mayroon tayong kaniya-kaniyang bayani dahil mayroon tayong sariling pamantayan sa pagtukoy nito. Ngunit para sa akin ang bayani ng buhay ko ay wlang iba kundi ang aking mga magulang. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa kanila. Sila ang nagbigay buhay sa akin kasama ang panginoon. Simula pagkabata sila na ang aking tagapagligtas sa anumang bagay na maaaring magpahamak sa akin. Ang aking mga magulang ang nagsisilbi kong guro upang matutunan koang aral ng tunay na buhay. Naging pasaway man ako sa kanila, hindi pa rin sila nagsasawang mahalin at arugain ako. Ang buhay ng wala sila ay tila isang kwartong madilim na wlang kandilang gagabay sa akin. Magkakaiba man tayo ng eksaktong kahulugan ng bayani isa naman ang pagkakaparehong nais ihatid ang pagiging matapang.
0 notes
Text
BARADONG Tuwid na Daan
                Araw-araw na lang masikip ang daloy ng trapiko dito sa Maynila. Wlang pinipiling araw ang masikip na daloy ng sasakyan. Nakakainis dahil apektado ang maraming tao sa problemang ito. Bilang isang estudyanteng malayo saeskwelahang pinapasukan, kailangan ko pang magcommute nang ilang oras. Malaki ang epkto ng problemang ito sa akin at sa kapwa ko mag-aaral dahil nagiging sanhi ito ng aming pagkahuli sa klase. Sa haba ng biyae, mula sa bahay na malinis at presko pa ang itsura ay tila nagiging madumi kami dulot ng pagkakaupo ng matagal hinahalikan ng mga usok. Sa isang  normal na biyahe kung saan wlang masikip nga trapiko, inaabot lamang ako ng isang oras ngunit kapag barado ang daanan, inaabot ako ng 3 oras sa pagkakaupo. Sumasakit tuloy ang aking pwetan dahil sa pagkakaupo ng matagal.
               Sa aking palagay, isang sanhi ng masikip ng daloy ng trapiko ayang sobrang dami ng mga motorsiklo at sasakyan sa daan. Maraming mga sasakyan ang padagdag ng padagdag sa kalye. Kahit anong gawin ng ating gobyerno sa pagpapalit ng mga magmamando ng daloy ng trapiko ay hindi pa rin masolusyonan ang problema. Dapat sigurong limitahan ng ating gobyerno ang bilang ng sasakyan sa daan araw-araw. Dahil nga rin siguro sa trapiko kaya ako nagkakasakit. Hindi na nawawala ang ubo ko. Nakakalanghap  kasi ako ng maiitim na usok mula sa mga sasakyan. Sana nga magkaroon ng LRT station malapit sa amin papunta sa aming eskwelahan, PUP. Sa aking palagay, darating ang panahon kung kailan mas lalala pa ang problemang ito kung hindi agad mareresolba.
0 notes
Text
MY PARENTS
In my 16 years of existence my parents is always in my sides also in my siblings. My mother and father is a big blessing to us. They maybe strict but they are being strict was a reason. I don’t know what I feel when they not around. There are things that I’m always dependent to them of course.
My mother is a very lovable mom. She show his love to us by simply waking up early, cook food for us and doing some house hold chores. She was a cheerful person. She always smile especially when we are having bonding in our home. She washed our clothes even it was many. That’s how she love us. Just like an ordinary mother, she is strict. She want us to learn simply house hold chores. She is very friendly. She was knew by every one in our community. My mother is very good in cooking. I love eating especially when she cook PINAKBET. She always support us in what we are doing. When we don’t have enough money for our everyday expenses, she can always find away for eat like borrowing tour relatives or neighbor. She is a caring mother. Before herself, she always think us my siblings first.
Just like my mother, my father is always a great man to our family. He is always willing to sacrifice what he have, just to give our family’s daily needs. He is a smart father. When there is something ruined things in our house, he can rapidly repair it especially when our electric fan is malfunctioning. My father is very strict person especially in the cleanliness of our house. He always give us advice. He has a high ambition to us. My father is a baker. He has variouse in his feet that’s why it’s hard to him to work standing. To bake he must for along time and because of this the veins inside his feet started to burst and created large wound to his feet. I am very proud because I have a father who works even he was hurt by his wounds.
Both of my parents are such a blessing to us they have a big dreams to us that’s why they are not tired in working and caring for us. I don’t know that will happen to us if they are not around. We aren’t a rich family but we are blessed and happy family. They are the best parents for me.
t I’m sure that the problem in garbage will be ended not rapidly but I’m sure it will be in the future. 
0 notes
Text
Improper Waste Disposal
One of the biggest problem in our country is the improper sewage system. Because we are a tropical country. We are often experience rainfall. From June to February rainfall is natural and this rain might be heavy to moderate only. Because of the trash in our canals and even in bodies of water like the river and bay, we are experiencing floods especially to those in low lands even the rain is moderate. Almost all the Filipino people are very irresponsible improper throwing garbage. Some of us throw anywhere when our garbage. This trash will cause of our canals w/c is the way where the water can flow.
           Because not simply throwing our garbage in the right trashcan, it really do a great effect to us people and in our country in general. Do you remember the time a Tropical Depression Named ONDOY entered to our country? Not only because it has a large amount of rainfall that’s why it causes floods but also because of the clogged canals where must water will flow until it reaches outside of the city. This floods taken hundreds lives. Because of the Andiscipline attitude of many of us the garbage that we throw from somewhere is coming back to us also.
           Many people like squatters are people where living near in the river any bodies of water . these people throw their Garbage directly to the water and when this garbage was stocked/stagnant many pests will be living their like sickness like leptospirosis.
           Our Government is doing a different solutions for these problem. They are having now the Flood Control Projects which cost hundreds of billions of pesos. They are also adding pumping station. The garbage also destroy our bodies of water like LAGUNA Lake. This lake is a source of income of some people near it then it is slowly becoming dirty. The MANILA BAY is like a sea of garbage. Many plastics were floating and the land below is also full of garbage I ma not contented those solutions I have already said. We must help the government. The best solution of this is educating ourselves in simple proper disposal and sewage system of our community we must segregate our garbage. If we will act I’m sure that the problem in garbage will be ended not rapidly but I’m sure it will be in the future.
0 notes
Text
Dela Paz nga pala.
               Hoy ikaw, samahan mo ako’t ipapasyal kita sa aming lugar. Ito nga pala ang aming komunidad, ang Dela Paz. Lingid sa iyong kaalaman katabi lamang namin ang Pasig City Jail. Hindi kami nababahala dail mataas naman ang mga pader. Sa unang tingin, isa lamang normal na pamayanan ang aming lugar ngunit habang tumatagal ka dito ay mararamdaman mong may nagbabago. Bueno ! Ang aming lugar ay daanan ng maraming tao dahil puro eskinita ang aming lugar. Sikat dito ang suman dahil mayroong pagawan nito dito. Kung tatanungin mo ako kung masarap aba’y hindi kita sasagutin.. Maituturing kung iskwater ang aming lugar dahil halata naman sa itsura nito ee. Dikit dikit ang mga tagpi tagping mga bahayat mga magagandang bahay. Sa isang lugar na ganito, malamang lahat ng tao’y magkakakilala. Kung hindi mag kukumare’t magkukumpare ay madalas magkakaaway. Kung kaya’t imposibleng wlang linggong walng nagbubulyawan sa aming lugar. Sana’y na nga akong gumising na ang unang naririnig ay mga mura at sigaw mula sa aming mga butihing kapit-bahay.
               Nakakatawang isipin na ang lugar namin ay maraming mga bata. Buwan-buwan may nagdadalang tao dito. Aakalain mo tuloy na isa itong Factory ng mga bata. Sa aming eskinita nagliliparan ang mga malulutong na mura. Hindi ito nanggagaling sa mga matatanda mula ito sa mga batang wala pang pitong taong gulang. Sadyang ganito kasaklap ang aming lugar pati ang mga bata’y nadamay sa magulong komunidad. Dahil magkakalapit lang ang mga bahay mraming mga tsismis ang mabilis na kumakalat na kung mamalasin ay nagdudulot pa ng mga away. Lubos na naawa ako sa ilan naming kapitbahay dahil sila’y sadyang mas mahirap pa sa amin. Yung tipong tsitsiryang bangus na lamang ang inuulam. At dito na nga pumapasok ang pagiging masipag ng karamihan sa mga tao dito. Ang lahat ay umiisip ng mga diskarteng hanpbuhay tulad ng pagtitinda ng mga turon, barbecue, mga palamig at iba pa. Ngunit ang masama lamang dito ay ang ibang mga tao ay gumagawa ng masama. Ayokong manghusga pero mayroong magnanakaw sa amin at ayon sa aking mga kapitbahay may ilan ring gumagamit rito ng pinagbabawal na gamot. Hindi ko sinasabing masama lahat ng tao dito bagkus ang ilan pa nga ay palakaibigan. O sige hanggang dito na lang.
0 notes