Tumgik
gomer-prince · 4 years
Text
Ang Aking Pascua
Good day guys, Merry Christmas sa inyo, alam nyo ba guys ang saya ko ngayong pasko,sobrang ramdam na ramdam ko ang tema ng pasko at yun ay magmahalan, magbigayan ay magpaka tawaran hayyyyyyyyy sarap ng feeling......
Alam nyo ba na sa bawat Christmas na dumadaan feel na feel ko ang ginhawa sa isip at katawan,.Ang saya mula pa lang umaga ng kapaskohan, pagmulat ng aking mata makikita ko ang aking pamilya na busy sa pag gagayak upang magsimba, ganun din ang iba naming kapitbahay, lalo na ang mga bata na sabik na sabik isuot ang kanilang mga bagong damit,sapatos at bag na dadalhin, katulad ng lng ng anak ko at mga pamangkin ko na sabik na sabik pumunta sa church at dumertso sa ibat ibang bahay upang mang hingi ng aginaldo, sarap nila pagmasdan, nakiki pag siksikan sa maraming tao kung san may mamimigay ng kung anu ano,maaring pera,lobo,o kaya naman pagkain, kahit ano pa yang pinapa migay na yan walang pakialam basta makikipag siksikan upang makakuha, ang sarap pagmasdan lalo na kapag naka kuha na lilipat sa iba, ganun ang gawa ng maraming kabataan at maging matanda man,.at pag uwi naman namin sa bahay dun ka naman makaka kuha ng ibat ipang regalo mula sa ibat ibang tao, ung iba galing sa mga ninong at ninang ng mga bata,ung iba naman mula sa mga lolohin, tiyahin,tiyuhin,at maging mula sa mga magulang, sarap na sarap akong mag masid sa aming mga pamangkin at sa aming mga tiyuhin, mga asa asawa at kay papa at mama na tuwang tuwa habang nagbukas nang regalo, Ang sarap sa pakiramdan na mag papasalamat, sila o tayo mula sa ating natanggap kahit ito ay simpleng bagay, kasi yung maalala lang tayo ng mahal natin sa buhay ay nakakagaan na ng ating kalooban hayyyyyyyyy....talagang magiging speechless ang isang tao......halos yung iba pa nga katulad ko is nangingiyak ngiyak pa sa sobrang kaligayahan....
Pero take note guys kung ano man ang natanggap natin ay dapat hindi pa rin nating makalimutang mag pasalamat sa poong maykapal sa lahat lahat dahil binigyan nya tayo ng malakas na pangangatawan, magandang panahon ng kapaskuhan,buong pamilyang nasasakupan,at higit sa lahat sa buhay na sa ati'y pinahiram upang mai pag patuloy ang ating buhay.
Sa lahat lahat nang mga biyayang ating natanggap. maraming maraming salamat po sa inyo O Lord.......Aming Panginoon
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
Pagsubok
Sa bawat pag mulat natin ng mata alam ko na alam nyo na dapat handa tayo sa mga pagsubok natin na kakaharapin sa kasalukuyan, at mga darating pang panahon tulad na lang ng mga naging karanasan ko sa buhay at mga hinarap kong pagsubok ngayong magpapa alam na taong 2019.
Alam nyo ba guys na ang taong 2019 ang isa sa taon na lilipas ang sumubok sa kakayanan ng katawan ko, sumubok sa tibay ng pagkatao ko, sumubok sa pagnanais kung unti-unting makamit ang mga pangarap ko, sumubok sa pananampalataya ko sa diyos, at higit sa lahat ang 2019 rin ang nag turo sakin na kaya ko palang harapin lahat ng pagsubok, dapat lang talaga meron tayong tiwala sa sarili, sipag, tiyaga at pagpupursige, pagyakap o pagtanggap sa pagkaka mali upang hindi na ito maulit, pag mamahal sa sarili at pananampalataya sa diyos ay laging ipagitna sa anumang sitwasyon na kakaharapin.
Hindi ko na iisa isahin ang lahat Ng panyayari sa buhay ko, Ang eshashare ko na lng sa inyo is yung pinaka malaki at sumubok sakin, una ay nang mawalan ng trabaho ang asawa ko, na labis ipinanghina ng loob ko dahil iniisip ko paano kami kung magpapatuloy na wala siyang trabaho, lalo na at nag aaral ako, may anak kami na dapat suportahan at may mga pinagkaka utangan na dapat pagbayaran, ramdam na ramdam ko ang awa ko sa anak ko na minsan pa nga inisip ko na huwag nang ituloy ang pag aaral ko, sa halip ay mag trabaho na ako upang ng sa ganun ma suportahan ko ang pamilya ko, pero hindi ako sumuko ganun din ang asawa ko nagpursige mag hanap Ng trabaho kasi parehas kami nang hihinayang sa pag aaral ko,pero nakahanap Ng trabaho asawa ko yun nga lang sa manila Ang Isa ko na namang problema ay sino ang magbabantay sa anak ko habang kami ay wala, pero isa na lang naisip ko Yun ay dalahin si totoy sa eakwelahan at laking pasasalamat ko at nagkaroon ako ng mga guro na naiitindihan ang sitwasyon ko,. Salamat Po talaga mam and sir,
Pero alam nyo ba guys ang isa sa pagsubok na muntik ko ng hindi kayanin eh nung pamilya ko ang makasamaan ko ng loob dahil ramdam ko ang pag iisa naming mag ina nun, malayo ang asawa mo tapos may kalapit ka ngang kamag anak pero sila pa yung mag hihila sakin pababa para itigil Ang pag aaral mo kesyo ganun, kesyo ganyan, noon yun pero bago Ang pag silang nang diyos ay ok na kami ulit, pero labis akong thank to god kasi sa kanya ako kumukapit at naniniwala kaya hanggang ngaun eto pa rin ako patuloy na inaabot ang mga pangarap, at patuloy na lalaban sa darating na taong 2020 at sa darating pang taon.
Kaya sa inyo dyan guys alam ko na maging kayo ay may kinakaharap na pag subok pero lagi lang nating iisipin na hindi tayo biibigyan ng diyos nang mga pagsubok na hindi natin kakayanin, lagi lang tayong maniwala, manampalataya sa diyos at dapat maging matalino tayo sa pag didisisyon sa buhay.
Salamt uli guys........
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
Iniirog Kung Sinilangan
Good day guys, here I am again welcome to my 3rd blog, guys kung lokasyon lang naman ang pag uusapan, na gusto nyong pasyalan, o kaya naman ay gusto nyong lumanghap nang sariwang hangin isa lang ererekomenda ko sa inyo, punta na kau sa lugar kung saan ako ay naninirahan at kung saan lagi naming pinag papasyalan, Ito ay sa Camarines Norte, Ang Camarines Norte ay hinati sa dawang distrito ito ay ang bicol speaking town and Tagalog speaking town, guys sinisigurado ko sa inyo ang kasiyahan na inyong mararamdaman, at sa tanawing tiyak na kayo ay mamamanghang tunay dahil sa ganda ng Camarines Norte.
Kung ang nais nyo ay mamasyal, mag swimming, o mag hiking man dito na kayo sa Camarines Norte dumeretso tiyak ang kasiyahan nyo, tulad na lng halimbawa ng Calaguas Island na matatagpuan sa Vinzons Camarines Norte na may mala asul na tubig, white sand at mga taong siguradong ang loob ninyo ay mapapalagay dahil sa galing nilang mag entertain sa inyo, cguradong busog rin kayo dahil mga pagkain dito ay cguradong magugustuhan nyo, busog na kayo solve pa sa experience nio rito.
Kung ang hanap nio naman ay swimming na deretso hiking eh di sa Daguit naman kayo ito ay matatagpuan sa Labo Camarines Norte tiyak magugustuhan nio umakyat sa mataas na kagubatan, at tiyak rin na magugustuhan nyo ang lamig nang tubig na dadampi sa inyong balat hindi lang yun meron din kayo dito matatgpuang talon na siguradong magugustuhan nio,.
Kung pasyalan ang paguusapan guy sa buong Camarines Norte, solve na kau tulad na lng sa daet,makikita nyo rito ang beach na dinadayo nang karamihan lalo na kung ayaw ng bumiyahe ng malayo, Ito ang Bagasbas beach, at ang San Jose beach, Alam nyo ba guys na kung sa manila may boulevard papahuli ba ang Camarines Norte syempre hindi kaya naman maliban sa mga beach na matatapuan sa daet makikita mo rin dito ang The Longest Boulevard, na pinagdugtong ang daan mula sa Vinzons,Talisay,Daet and Mercedes tiyak na masisiyahan kayo, at kung pag kain naman marami kayong pupuntahan sa Daet, anjan ang Jollibee, Sinangag plaza, McDonald's, Burogtian at iba pa at kung ang gusto nyo naman ay pagkain na hindi kayo aalis sa kinauupuan ninyo sa longest boulevard habang nag sasamyo nang masarap at malamig ng samyo nang hangin na nag mumula sa dagat don't worry guys andyan ang samut saring kutkutin lalapit sa inyo tulad halimbawa ng Balot, Penoy, Mani,Pugo at iba pa tiyak busog Ang kalamnan nio hmmm sarap.
At Alam ko rin naman na ang iba sa ating bakasyonista ay naghahanap Ng simbahan don't worry sa Camarines Norte meron rito tulad ng mga mamilagrosong simbahan sa Mercedes, Capalonga, Tulay na Lupa at iba pang simbahan sa ibat ibang sulok nang Camarines Norte,.kaya guys ano pang hinhintay nyo digdi na sa Camarines Norte, pasyal na........
Salamat guys Sana nagustuhan nio ang trip natin.......
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
LumPiaborito ko
Magandang araw sa inyo guys, ako si May E. Pacao nais ko sana sa inyong ipaalam ang isa sa pinaka gustong gusto o paborito ko sa buhay, alam ko naman guys na hindi lang ako ang may paborito maaaring Ito ay sa isang bagay na gusto nating Makita o gamitin lagi o kaya naman sa pagkain na gustong gusto nating balik balikan o baka naman ung iba may paboritong lugar na gusto laging puntahan at maging sa tao meron tayong paborito, maaring paboritong kulitin, paboritong galitin o paboritong paiyakin. Don't worry guys ang ipapakilala ko sa inyo is paborito kong pagkain o lantakan lalo na kapag may darating na okasyon na kahit anu pa man, itong pagkain na ito ay maaring ang pinaka unang sangkap is karneng baboy, gulay na sprouted, o kaya naman gulay na ubod, at minsan pa nga mini mix ang ibat ibang klaseng gulay yun talagang walang karne taung matitikman,purong gulay na lumpia kung baga pero kahit anung klaseng main ingredients pa yan basta Yan ay binalot sa lumpia wrapper, na kina papalooban ng samut saring sangkap tulad ng sibuyas, bawang, pamienta, carrots, egg, asin, magic sarap at iba pa, depende sa tao kung may idadagdag pa lalantakan ko yan.
Ang lumpia na pagkain ay tunay na masarap para sa akin, talagang kapag kumakain ako nyan ay hindi ko maiwasan na balik balikan, ito ay maaaring gawing ulam sa mainit na kanin na may sawsawang manghang na suka, o Kaya naman ay pwedeng merendalan ng buong tropa o ng kung sinu man, maari rin naman itong pasay pasayin lalo kung habang nanonood ng tv kasama ang family at ang iba pa nga ay kumakain nito habang kausap si kumare. Tunay talagang lumpia ay masarap lantakan.lalo na kung ito sa unang kagat pa lang ay kuha na agad ang laman,hmmmmmmmmmmmmm sarap nemen,.
Alam nyo guys kung natatakam kau mas natatakam ako, simple lng mag luto nyan guys, gagawa tayo ng lumpiang Shanghai, una mag hiwa ng pino o mag iraid ng sibuyas, bawang,carrots,pag sama samahin sa isang lagayan ang sibuyas, bawang,carrots,pamienta,giniling,egg, asin at magic sarap imix sila lahat lahat, minsan Ang iba gusto pa nila na gingisa ang karne at sangkap pero para sakin pag kamix ko lahat nito ay derederetso balot ko na, then saka ko sya piprituhin sa mainit mantika, at pag ito ay naluto na saka ko naman gagawin Ang sawsawang walang katumbas ang sukang tinimplahan ng sibuyas, paminta siling labuyo at iba pa hmmmmmmmmmmm sarap nakakatakam.
Lumpia Shanghai o lumpiang gulay pa man yan basta lumpia yan paborito ko yan sarap Naman. Lumpia pagkaing walang kasing sarap hmmmmmmm slamat guys sana nagustuhan nio.
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
Tunay kong Kayaman
Ang isang buhay nang tao ay, dumedepende sa bawat bagay, kalikasan at tao na nakapaligid sa bawat indibidwal Ito rin ay magiging mabuti o masamang pamumuhay depende sa diskarte natin sa bawat pagsubok na atin kinakagisnan, sa bawat pag mulat nang ating kahimlayan, Alam naman natin na ang isang indibidwal ay hind pwedeng walang pamilyang nasasakupan tulad ko na lang, ipapakilala ko sa inyo ang aking nakagisnang pamumuhay at pamilyang aking kinasasakupan
Ako si May Evidor Pacao, namulat ako sa simpleng pamumuhay, hindi kami mayaman, walang magarang sasakyan, hindi kami nakaka bili nang ibat ibang materyal na bagay pero masaya kami, dahil meron akong kayamanan na kahit kilan hindi maagaw ninuman yun ay ang aking pamilyang nakagisnan,. marami akong kinakaharap na pagsubok sa buhay subalit ni minsan hindi ko ito hinahayaang maging hadlang upang hindi ko abutin ang mga pangarap ko, dahil alam ko na meron akong pamilya na laging sa akin ay nakaagapay tulad na lng ng aking ama na nagngangalang Romeo A. Evidor, isang mabait, masipag istrikto minsan pero napaka responsable sa kanyang pamilya,.sya ung nagturo samin na huwag manlalamang sa kapwa, lagi kasi nyang sabi samin," Hindi na baleng tau ang maagrabyado huwag lang tayo ang mang agrabyado sa kapwa natin tao, yan Ang ipinamulat na salita samin nang aming ama,. Meron akong pangalawang ina at sya ay si Annabel Manjares, minsan hindi ko kasundo pero masaya kami na na naging parte sya ng aming buhay, dahil alam namin na napapasaya nya aming pinakakamahal na ama, meron akong mga kapatid Ang panganay ay si kuya Rommel Evidor masipag at tunay na maasahan, sinundan sya ni kuya Ronnel Evidor mabait masipag pero sobrang estrikto, ako ang pangatlo saming magkakapatid, iyakin at Moody maxado,. sumunod sakin ay si Romelyn Evidor, sobrang sipag, mabait at maganda,ang bunso namin ay si Meljon Evidor isip bata, may pag katarantadohan pero mabait at guwapo syempre kapatid ko hahahahhahh,.lahat kaming limang magkakapatid sa una ni papa ay may mga sariling pamilya na, na dapat suportahan at pag sumikapan na iahon sa kahirapan, pero syempre kahit pamilyado na kaming tao,Hindi pa rin nawawala Ang kagustuhan namin na iaahon sa hirap ang aming ama na laging samin ay umaagapay, hanggang sa kasalukuyan.
Tulad nang nabanggit ko meron ako pangalawang ina at sa kanya ay meron kaming 3 kapatid, Si Irish M. Evidor isang grade 8 estudent na sinundan nang dalawang elementary si Ronnie M. Evidor grade 5 at si Roe M. Evidor grade 3, hindi man kami parehas ng inang pinanggalingan pero hindi yun hadlang upang kami ay mag mahalan at magkaisa,,.sya nga pala nais ko pang pakilala sa inyo ang aking asawa at anak, Si Gomer Quintin Pacao Ang aking asawa mabait, masipag, maunawain pero may katandaan na, pero take note guys 7 years na kaming kasal, 7 years na nia akong pinagpapasenyahan sa ugali ko hahahaha kaya mahal na mahal ko yun ai, meron na rin kaming isang anak Prince Ghomeray Pacao ang ngalan, grabe makulit, iyakin, magastos at grabe Rin tigas ng ulo, palta rason pa sobra, pero mahal na mahal namin yan, anak ko rin ang kasa kasama ko hanggang sa pag pasok sa eskwela, nakahiligan na nang aming pamilya ang magsimba, mamasyal at kumain ng kung anu ano na kahit kilan hindi mawawala sa aming pusot isipan.
Labis kong pinag papasalamat sa diyos ang pamilyang meron ako, sila ang kayaman ko at alam ko rin na hindi ako iiwan kailanman.
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
I
0 notes
gomer-prince · 4 years
Text
I
1 note · View note