Tumgik
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Nakalimutan kong kalimutan ka...
Sa mga nagdaang panahon ika'y hindi malilimutan sapagka't bahagi ka ng aming buhay, kapatid.
Tumblr media
Buhay mo ay napakahalaga, nasa sinapupunan ka pa lamang ika'y alagang-alaga ng ating mahal na ina. Ngunit mabilis mo kaming nilisan sa murang taon pa lamang. Hindi mo tuloy naranasan ang mamuhay sa mundo. Marahil tama nalang ata yun upang hindi mo maranasan ang pasakit ng buhay at maging masaya na lamang sa langit kasama ang mga angel at ang ating panginoong maykapal.
Kung ikaw man sana ay nabuhay, siguradong mahal na mahal ka ng ating mga magulang. Ibibigay lahat ng iyong kailangan upang mabuhay ka nang walang hinanakit sa buhay. Sana'y masaya ka sa iyong paglalakbay sapagka't kamiay masaya rin at hinding hindi ka nalilimutan.
0 notes
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Ang aking paglalakbay
Sa pagdaan ng panahon o sa panahon ng aking buhay sa ngayon ay nabigyang diin o linaw ang tunay na kahulugan ng buhay. Na ang buhay ay ating karanasan kung ano ang kasiyahan at kalungkutan. Nagdudulot man ng kapaguran ngunit nagbibigay parin lakas para sa susunod na bukas.
Sa kaliwang litrato ay makikita ang isang paslit na malusog at tila’y walang kamuwang muwang pa sa mundo. May pagkamakulit hanggang ngayon at may pagkakataong napapagalitan dahil sa kakulitan at nakakagawa ng kamalian. Naglalaro ng text, tagu-taguan, habol-habulan at iba pang larong nahuhumaling ang mga bata. Nakakamiss yung mga panahon na tila’y mga laro lang ang pinoproblema. Ang pagliligo sa ulan, dagat kasama ang kapwa bata. Ngunit sa aking pagtanda, dapat intindihin na hindi lahat mananatili at permamente ang mga bagay, tao at pangyayari.
Sa kasalukuyan bahid ang puno ng poot ngunit isinasawalang bahala na lamang sapagka’t ganiyan talaga ang buhay na dapat maranasan. Hindi maaaring masaya lang kailangan mayroon ding kalungkutan. Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan ating maiisip na ibang-iba ang karanasan na nangyari. Sana maulit muli ang mga oras sa aking nakaraan upang mabalikan ang walang anumang problema ang dinaranas sa buhay.
Sa yugto ng aking buhay, napagtanto ko ang kaibahan ng dati sa ngayon at ang kagustuhan kong ang ngayon ay magiging karugtong ng bukas.
Tumblr media
2 notes · View notes
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Letra-to #5: Larawang Sanaysay
Musika ang tanging aking kasama sa tuwing ako'y nag-iisa. Musika ang aking kasiyahan. Kung sa iba ito ay nakakarinding pakinggan ngunit para saakin sa pagpapatugtog nito, ito ang aking libangan. Sa bawat mensahe ng kantang aking naririnig may bahid nang lungkot, pagkatuwa at sakit ang aking nadarama. Sapagka't sa musika ko natutugma ang aking nararamdaman at parang sinasabi nito ang mga bagay na hindi ko kayang bigkasin. Parang ang bawat musika na aking pinakikinggan ay siyang naglalarawan at nagsisiwalat kung ano ba ang tunay kong nararamdaman.
May masayang musika para sa mga taong masaya, mayroon ding senti para sa mga taong gustong mapag-isa at nalulungot, may mga kanta na kuhang-kuha ang atensyon ng mga kabataan, isang musika na malumanay sa pandinig at kadalasan mayroong mga kantang inspirasyon sa taong nagmamahal. Tunay ngang maganda at malaki ang naging bahagi ng musika sa buhay ng tao. Ito'y nagpapagaan at nagdudulot ng kasiyahan sa bawat isa saatin, lalo na't sa hirap ng buhay ngayon sa pamamagitan ng pakikinig ng musika gumiginhawa ang ating pakiramdam. Kaya't ang musika ay kakaiba.
Tumblr media
0 notes
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Clinic sa Paaralan
Sa panahon ngayon maraming naaaksidente at nagkakasakit na nangyayari tulad ng nasasagasaan, iba't ibang sakuna at mga nagaganap sa ating komunidad. Hindi natin masasabi kung saan o kailan magaganap ang aksidente kaya sa ngayon ay kailangan sa paaralan na mapalagu at magkaroon ng maayos na clinic ito. Dahil sa kakulangan ng kagamitan at gamot sa clinic ng paaralan, kailangan pang umuwi ng mag-aaral sa kaniyang bahay upang uminom ng gamot. Kaya ang mga may sakit sa tiyan, ulo at iba pa ay hindi nagagamot agad dahil sa walang gamot ang mapapainom sa kanila at tanging asin lang ang maipagagamot. Makatutulong man ang asin para maalis ang sakit ngunit kailangan parin ang capsule na gamot upang maging maayos ang pakiramdam ng isang mag-aaral at kailangan rin ang sapat na kagamitan tulad ng first aid kit, mga gamot at iba pa na kinakakilangan ng mga teachers at students na nagkakaroon ng sakit.
Bilang isang mag-aaral na nangangarap ng magandang pagpapatakbo ng clinic sa paaralan, sa pamamagitan ng pagpapaalala sa nakatataas na mabigyan ng sapat na gamot ang clinic ng paaralan upang magkaroon ng maayos na pag-aalaga sa isang mag-aaral na may sakit. Ito ay paalala upang maresolbahan ang isa sa mga problema ng paaralan. Ang pagkakaroon ng clinic ay may magandang maidudulot sa ating paaralan tulad ng kapag may mga kasong, ang mga estudyante ay nakarasan ng mga sakit malubha man ito o hindi. At kung mayroong aksidente tulad ng may nasusugatan, tayo ay laging handa at mabilis ang aksyon. Ang pagkakaroon ng clinic ay mahalaga lalo na sa mga iba’t ibang sitwasyon na maaaring mangyari sa ating paaralan gaya ng pag kakaroon ng earthquake, pagkakaroon ng pag baha na maaaring pag kuhanan ng sakit gaya ng dengue at iba pa. Sa pagkakaroon ng maayos na clinic ay magiging alerto tayo at magiging handa sa mga ibat ibang sitwasyon, aksidente at sakit. Ngunit hindi ito madaling isagawa kaya kailangan ng suporta at pagkakaisa ng bawat guro at studyante.
Ang kalusugan ng studyante ay kailangan upang maging maayos ang pag-aaral. Dapat alalahanin ang kanilang kalusugan upang maprotektahan sa mga sakit.
1 note · View note
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Tumblr media
Nakakakilabot sa balat, nakakatindig balahibo. Sa kuwento palang ay nakakatakot na, paano pa kaya sa totoong buhay.
1 note · View note
ginoongkilay-blog · 5 years
Text
Ako bilang ako
Minsan naisip ko kung ano at sino na kaya ako pagkalipas ng sampung taon. Ano na kaya ang aking kalagayan pakalipas ng maraming taon. Magiging matagumpay ba ako o isang hamak na ordinardong tao lamang na patuloy nanangangarap makamit ang pinakahihintay na kaginhawan na matagal nang hinahangad.
Ang aking pangalan ay CYRIE GERNALE. Isang Senior High Student sa paaralang ST. LOUISE DE MARILLAC SCHOOL OF BULAN at tinatahak ang Accountancy, Business and Management Strand ngayon ngunit ang gusto ko talagang kunin ay STEM sapagka't ito ang konektado sa pangarap kong maging isang "MARINE ENGINEER", hindi ko alam kung paano at bakit ABM pa yung nakuha ko. Kung tutuosin maganda din naman yung ABM. Kaya ngayon aking pinaghuhusayan ang pag-aaral upang mahubog at madagdagan ang kaalaman ng aking isipan sa pagkamit ng pinapangarap sa buhay.
Ang hirap talagang magdesisyon lalo na kung pareho mong gusto ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Isa pa sa nahihirapan akong mamili ay yung gusto kong sports, sa kasalukuyan nakahiligan kong maglaro ng basketball ngunit gusto ko ring maging tanyag na manlalaro ng table tennis. Ano kaya ang aking mararamdaman kung ang lahat na pinapangarap ko sa buhay ay mangyari o makamit ng sabay sabay sa kasalukuyan kahit na hindi ko inaasahan?
Sa ngayon nananatili pa ring isang malaking katanungan sa aking isipan kung "Sino nga ba ako". Aaminin ko hindi pa ganon kalawak ang pag-iisip ko kahit disesyete na ako nahihirapan akong mamili kung ano nga ba talaga ang gusto ko at kung ano yung tatahakin ko pagkalipas ng taon.
Tumblr media
5 notes · View notes