Tumgik
gialdegz · 4 years
Text
Nararapat bang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?- Gial De Guzman
Tumblr media
Ang Filipino at Araling Panlipunan ay Pinag-aaralan ng Elementarya hanggang sa High School kadalasan ng makikita na kasama sa kurikulum ang dalawang asignaturang ito sa kolehiyo may ilan ilan na lamang na paaralan tulad na lamang sa paaralan ni Jeunnezeanne Penyaflor. Ayon sa napanood kong bidyo naging kontrobersyal ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, ang sinasabi nila ay hindi naman inalis ang Filipino ngunit inilipat lang ito sa Senior High School kung saan kapag sila ay nakatapos na ng High School mas bibigyang pansin na ng mag-aaral ang kanilang major subjects. Ayon sa alyansa ng tagapagtanggol ng Wikang Filipino ay halos 38,000 na guro na nagtuturo ng Filipino ay mawawalan ng trabaho, ang sinabi naman ng gobyerno ay sasailalim sila sa “retooling” upang sila ay makapag turo ng ibang asignatura ngunit ang iniisip ng alyansa ay parang binabasura na nila ang pag-aaral ng Wikang Filipino, naniniwala sila na pinapatay ng bagong kurikulum ang kaalaman ng estudyante sa sarili nitong wika at literatura, at sa tingin nila ay dapat sa lahat ng antas ng paaralan ay mayroong asignaturang Filipino kung pagpapahalagahan ang wikang Filipino. Mayroon pang isang asignatura na nabababalewala na at balak nang hindi ituro ito sa High School at iyun ay ang Philippine History o Ang Kasaysayan ng Pilipinas, at dahil sa bagong kurikulum ililipat na raw ito sa elementarya lalo na sa Grade 5 at 6, mahalaga raw ang pagtuturo ng Philippine History sa high school mas malalim daw kasi ang mga paksa tungkol sa ating kasaysayan, ang sabi naman ng Dep-Ed ay pagsamahin nalang ang Philppine History sa World History, ang opinyon naman ni Jamaico Ignacio ay mahirap na ipagsama dahil hindi dedicated ang paksang iyun sa mismong paksa na tinatalakay, isa pa dito ay maaring makalimutan ng mga estudyante ang kanilang natutunan nung sila ay Grade 5 at Grade 6 kapag sila ay tumungtong ng kolehiyo.
Subalit mayrong mga magagandang epekto ang kurikulum na ginawa ng CHED at Dep-Ed, ngunit ako ay di sumasang-ayon sa mga naging desisyon nila dahil hindi nila nabigyan ng hustisya ang pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo at ang pagtanggal ng Philippine History sa high school, di nila nakita ang maari maging epekto nito sa mga estudyante unti-unti nilang pinapatay ang ating kaalaman sa asignaturang Filipino at Philippiine History, para saakin ay mahalaga ang pag-aaral nitong dalawang asignaturang ito dahil nagkakaroon tayo ng inpormasyon kung saan tayo nanggaling at nalalaman natin ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa dokumentaryo nagkaroon ng pagsusulit ang baitang 10 at tiniginan nila kung naalala pa nila yung tinuro sa kanila noong sila pa ay Grade 5 at 6, nakita nila sa 7 out of 20 lamang ang pumasa, pinapakita dito na dapat hanggang kolehiyo dapat pinapag-aralan parin ang asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.
Sa aking konklusyon, dapat pangalagaan natin ang wika at kasaysayan natin upang kapag nakasalamuha tayo ng isang banyaga at nagtanong saatin tungkol sa historya ng ating bansa ay masasagot natin ito. Mahirap man na idagdag ang Filipino sa kolehiyo pero dito kasi natin makikita ang pagpapahalaga natin sa ating wika, hindi nagtatapos ang pag-aaral kapag ika’y nakatapos ng kolehiyo. Sa kurikulum na isinagawa dapat pag-isipan nila ito ng mabuti dahil ang kaalaman ng mga bata ang nakasalalay dito tulad ng sinabi ni Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.
https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
Larawan: http://greatchristianacademy.com/buwan-ng-wika-2020-calls-for-bayanihan-in-times-of-pandemic/
0 notes
gialdegz · 4 years
Text
Kahalagahan ng Wikang Filipino - Gial De Guzman
               Importante ang Wikang Filipino saatin dahil nagsisilbi itong komunikasyon natin sa pang araw-araw na buhay, ngunit ayon kay Mila Villanueva guro ng Filipino sa baitang 11 sa San Pedro Relocation National High School sa apat na dekada niya na pagiging isang guro sa asignaturang Filipino ay nakita niya ang pagbabago ng ating wika, nagkakaroon na ng mga salita na kasing tunog ng wikang Ingles tulad na lamang sa salitang “Komunikasyon” na sa Ingles ay “Communication” at dito na nanghihina ang wikang Filipino dahil sa kasalukuyang panahon ay nahihirapan ang mga bata intindihin ang mga salita dahil hindi na nila ito naririnig sa kanilang paligid at di narin nila maintindihan ang mga malalalim na salita ng wikang Filipino.
Kung ako ay tatanungin kung ako ba ay sumasang-ayon sa mga sinabi ni Mila at ang sagot ko ay sumasang-ayon ako sa kaniyang mga sinabi dahil patuloy ngang nawawala o nanghihina ang ating wika mayroon nga siyang sinabi sa bidyo na nagsimula ito sa pagkakaroon ng internet at text messages humina sila sa disiplina sa tamang paggamit ng baybay o salita. Marami na saatin ang mga nagsasalin ng mga salita o di kaya ay kumukuha tayo ng salita at binibigyan natin ito ng bagong kahulugan tulad na lamang ang salitang “kanser” ang orihinal na ibig sabihin ng salitang iyan ay sakit pero dahil sa impluwensya ng ibang tao ay nabigyan ito ng panibago pang kahulugan, kadalasan ginagamit ang salitang “kanser” sa mga “online games” at ito ay tinatanggap ng ating kapwa dahil sunod ito sa tinatwag na “trend” ng ating bansa.
Ang ating wika ay wala iyan sa ibang bansa ngunit mayroon tayong mga salita na galing sa mga espanyol noong sinakop nila tayo sa mahigit 300 na taon pero kung titignan natin wala ito sa mga lenguahe ng ibang bansa tulad na lamang ng bansang amerika tanging ingles lang kanilang wika at ang wika pa nila ay hindi nanggaling sa kanila ngunit nanggaling ito sa mga Briton. Mahalaga na pangalagaan natin ang wikang Filipino sapagkat kasama ito sa ating kultura at dapat ipagmalaki natin ito dahil mayroon tayong wikang ganiyan. 
Dokumentaryo
https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o
2 notes · View notes