Tumgik
NICA
Author: Marlyn Lumanta Pardo
PART 5 ANG LIBRO
Sa ilalim ng puno duon kami nag pahinga. Naalala ko si lola at si Father Sebastian. Misteryoso parin ang pag kakaruon ko ng marka sa aking batok.
Lucas: "Asaan na ang Diyos mo Nica?
Bakit ka nila pinapahirapan ng
Ganito?"
Sinabi niya ito na parang nangaasar habang pinaglalaruan ang kanyang patpat na kahoy.
Ako: " May dahilan ang lahat ng ito.
Pagsubok man ito o hindi, alam
ko hindi tayo pababayaan ng
Diyos na Ama at ni San Miguel."
Lucas: " Kung ako sayo Nica pagiisipan ko ng mabuti yan."
Tumayo ito daladala ang kanyang mga kagamitan. Sinundan ko siya at nag simula na din kami sa aming paghahanap ng kuweba ni Lumen.
Ano kaya ang karanasan ni Lucas? Bakit ganun nalang siya makapag husga?
Isang kuweba ang aming nasilayan. Halatang may naninirahan dito dahil may liwanag na nanggagaling sa luob nito. Ngunit nung palapit na kami napansin ko may pulbos na nakapalibut sa kuweba.
Pamilyar ang pulbos na ito parang may na basa na ako tungkol dito.
"Pulbos ng Kamngyan" itoy ginagamit para pang proteksyon laban sa masasamang elemento.
Lucas: "Mauna ka na sa loob, ikutin ko
lang ang paligid para sigurdong ligtas tayo.
Ako: "Gusto mo ba sumama ako?"
Lucas: "Huwag na,
pumasok ka na sa loob."
Pag pasok ko may mga sulo na nakasabit sa dingding ng kuweba.
Ang daan patungo sa loob ay kurbado kaya hawak hawak ko ang aking pat pat habang naglalakad para sa kung ano mang sorpresa na nakaabang.
Ngunit sa halip ay isang Libro sa lamesa at papel na may mga dasal sa wikang Latin.
Panay ang tingin ko sa paligid pro walang tao. Binalikan ko ang lamesa.
Ang sigil sa libro ay ang parehong marka na mayroon ako sa likuran ng aking leeg. At ang mga salitang nasa papel ay aking nabasa na sa libro ni father Sebastian.
"Sino ka?"
sabi ng isang matandang babae sa likuran ko, habang may hawak na isang mahabang kahoy na may hiyas sa ibabaw nito.
Nagulat ako ng dumating siya pro nung narinig ko ang kanyang kalmadong boses, naramadaman ko na hindi siya masamang tao.
Ako: " kayo po ba si Lumen?"
Lumen: " Oo, ako nga. Bakit ka nandito?
At ano ang kelangan mo?
Ako: " Ako po si Nica, hindi po ako
taga rito pero dinala nalang po
ako ng tadhana sa lugar na ito."
Lumen: "Matagal ko na tinalikuran ang
pag gamit ng itim na
kapangyarihan. Kaya, kung yun
ang iyung pakay umalis ka na."
Ako: " Hindi po!"
Tumayo ako para lapitan siya na
parang nakikiusap.
"pero, aling Lumen paano po titigil
ang mga Aglao kung hindi niyo po
bawiin yung sumpa?"
Lumen: " hindi ko na pwedeng bawiin
ang sumpa. Ang kelangan
natin
malaman ay kung paano sila
labanan. Dahil walang silbi
ang pag bawi ng sumpa
Nica. Alagad sila ng
Demonyong na
si Baal."
Ako: "kaya po ba kayo may libro na.
yan?
Napansin ko na pinagmamasdan niya ang aking sing sing.
Lumen: " Oo, at alam mo ba na may.
kaugnayan ang Sing sing mo
at ang librong ito?
Ako: " kung ang sing sing ko at ang
libro ay may kaugnayan.
Baka kaya niyo din po ipaliwanag
Ang sigil ni San Miguel Arkanghel
Na nasa batok ko?
Hinawi ko ang aking buhok pinakita kay Lumen ang Marka. Hinarap niya ako at biglang niyakap habang nakangiti.
Lumen: "Nica, yang marka na yan ay
nakuha mo nung ikay
pinanganak. Ikaw ang napili
ng arkanghel na maging daan
para labanan ang masasamang
Elemento.
Kung ganun matutulungan ko si Lumen sa kanyang pakikipagsapalaran. Pero kelangan ko parin malaman ang pag gamit ng kung ano mang kapangyarihan na meron ang singsing at ang sigil.
Naalala kong bigla si Lucas. Bakit hindi pa siya bumabalik? Hindi kaya kinuha na siya ng mg Aglao?
Ako: "may kasama po ako
Na dapat susunod sa akin. Pero,
kalahating oras na po wala parin
siya.
Hindi ako mapalagay. Kelangan ko mahanap si Lucas.
"Kelangan ko pong balikan si Lucas.
Nagaalala ako baka kung napano na
siya."
Kahit na mahiwaga ang pagkatao ni Lucas nagaalala parin ako sa kanya.
Lumen: "Hindi natin siya pwedeng
hanapin ngyun gabi. Sigurado
nagmamasid na ang mga
Aglao. Dito ka na mag pagabi."
Naghanda si Lumen ng hapunan.
Isang plato ng kamote.
" kumain ka na muna,
Alam ko nagugutom ka na."
Ako: "Bakit niyo po naisipan na ihinto ang pag gamit ng itim na kapangyarihan?"
Lumen: " Nung sinumpa ko ang mga
Aglao. Nagalit ng husto si
Baal. Pina sugod niya ang
Kanyang mga alagad.
Akala ko katapusan ko na.
nagising ako na natabunan
ng dugo sa kadiliman. Ngunit
May liwanag akong nakita.
Sinundan ko ang ilaw at
inakay ako sa kweba na ito.
At agad agad pinalibutan ko
Ang kweba ng pulbos ng
kamangyan.
Liwanag? Hindi kaya ung liwanag na nakita ko sa gubat nuong hinahabol ako ng mga aglao at ang liwanag na nag dala kay lumen sa kweba ay iisa?
Tumblr media
2 notes · View notes
NICA
Author: Marlyn Lumanta Pardo
PART 4 KULTO
“Because he loves me,” says the Lord,
“I will rescue him;
I will protect him, for he acknowledges my name.
Psalm 91:14
Lucas: " Nica, gumising ka na kelangan natin makaalis ng maaga.
Inaasahan ko na pag gising ko, nasa bahay na ako. Hindi pala, siguro nga kelangan ko talagang tapusin ang misyon na ito. Baka ito yung sinasabi sa akin ni lola nung nabubuhay pa siya.
Na darating ang araw na susubukan ang aking pananampalataya.
Inabut ni lucas ang isang set ng mga damit.
Lucas: " kelangan mo na yatang magpalit." sinabi niya ito habang nakangiti.
Hindi ko pinansin ang kanyang ngiti. Sa hiya ko. Dahil halos dalawang araw ko na suot itong pajamas ko.
Ako: "kanino galing ito." habang sinusukat ko ang mga ito.
Lucas: "huwag mo na itanong!" importante may masusuot ka. Baka pati lamok umiwas sayo."
Nagpunta na ako sa banyo para maligo at mag bihis. Napabahing ako sa amoy ng mga damit. parang ang tagal na talagang nakatago sa kaban.
Pag labas ko ng banyo inayos ko namn ang aking buhok.
Ako: "Lucas sa tingin ko kelangan ko din ng sandata. Para kahit magkahiwalay man tayo eh may magagamit man lang ako."
Inaantay ko ang sagot ni lucas pero pag lingon ko. Nakita ko na parang gulat na gulat ito. Na parang natulala.
Ako: "may nasabi ba akong mali?"
Lucas: " aahh , wala naman! Nagulat lang ako may marka ka pala diyan sa likod ng leeg mo?"
"ahm, pano ka nagkarun niyan?"
Ako din ay nabigla dahil nalimutan ko na na may marka ako sa likod ng aking leeg. Ito ay ang tatak ni San Miguel Arkanghel.
Ako: " Ngayun ko lang din naalala."
Pitong taong gulang ako nung ginawa ito ni Father Sebastian. Matalik siya na kaibigan ni lola. Madalas nasa bahay yun na parang pamilya nadin namin."
"Matagal ko na din hindi nakikita si father simula nuong namatay si Lola. Naalala ko lagi niya ako binabasahan ng libro tungkol sa mga anghel at mga kapangyarihan nito."
At ang lagi daw nakabantay sa akin ay si San Miguel Arkanghel.
Lucas: " Naniniwala ka naman?"
Napansin kong parang pinagpapawisan si lucas at parang balisa.
Ako: "Lucas? Okey ka lang bah?
Lucas: "Sagutin mo ang tanung ko!"
" Dahil kung naniniwala ka nga. Bakit, tayo nasa ganitong sitwasyon?"
Ako: "Oo, naniniwala ako!" " kahit ano pang mangyari at kahit saan tayo mapadpad. Alam ko na may mga Anghel na nakabantay sa atin na sugo ng Diyos.
Tumayo si Lucas sa pagkakaupo bitbit ang kanyang mga gamit.
Lucas: "halika na ,at baka gabihin pa tayo sa daan."
Hindi ko na muna pinansin ang kanyang reaksyon. Alam ko maliliwanagan din siya.
Samantala sa paglabas namin sa bakuran ni Mercedez nakaramdam ako ng ginaw. Ngyun ko lang naramdaman ang hangin at ngyun lang din ako nakakita ng mga puno at mga halaman.
Bakit nga kaya puro patay ang mga halaman sa loob ng bakuran? At parang walang hangin. Pero, hindi ko na tinanong si Lucas tungkol dito dahil alam ko naiinis parin ito.
Lucas: "kakailanganin mo itong kahoy sa pagakyat natin sa bundok."
"nilagyan ko na din yan ng lubid para pwede mong isabit sa likuran mo."
Ako: "Salamat Lucas."
Lucas: "tanghali na, kelangan makahap tayo ng ilog para makahanap ng makakain." "sigurado akong gutom ka na at para makapag pahinga din tayo."
Mayamaya may nakita kaming ilog . Nakakatuwang tingnan. Nasabik akong bigla sa tunog ng tubig . Binaba namin ang aming mga gamit. At nagpunta kami sa ilog. Ginamit ko ang kahoy na dala ko para pang huli ng isda. Kahit hindi naman ako kasing galing ni lucas nakaramdam parin ako ng saya. Dahil, naalala ko si Papa. Dahil siya ang nagturo sa akin mangisda na gamit lang ang kahoy.
Nagsilab si lucas ng kahoy para lutuin ang aming huling isda. Pagkakain nag masid namn ako sa paligid. Umakyat ako sa malaking bato para makita ko ang "Talon".
Hindi ko inaasahang mahulog akong bigla.
Ako: "Aray!" "nabalian yata ako."
Lucas: "oh asan na ang mga anghel mo?"
Tinayo ako ni lucas at inalalayang sa ilalim ng puno. Umopo kami para na din makapag pahinga.
Lucas: " Magiingat parin tayo pag nakita na natin si Lumen. Makapangyarihan siya.
Napansin ko biglang umilaw ang krus nang aking sing sing. Tinago ko ito para hindi makita ni Lucas. Pinikit ko ang aking mata habang tahimik nanagdadasal.
"Diyos ko, salamat po at lagi niyo pong pinapaalala na kasama ko kayo. Gabayan niyo po kami sa aming paglalakbay.
Lucas: "kaya mo na bang maglakad?"
Kelangan makarating tayo sa kweba ni Lumen bago mag dilim."
Ako: " kaya ko namn. Huwag ka mag alala may tungkod naman ako.mawawala din itong sakit mamaya."
Niligpit na nmin ang aming pinagkainan at kami ay nagsimula na ulit maglakad.
Inabot parin kami ng gabi, kaya binibilisan na namin ang aming pag lalakad.
Umilaw nnmn ang aking sing sing kaya pasikreto kong pinasok ang aking kamay sa bulsa.
Lucas: " sssshhh! Parang may nakasunod sa atin.
Napatingin ako sa likuran ko. Hinila ako ni Lucas sa may puno. May mga babaeng sumasayaw. Nakaitim sila na belo at ang hahaba ng mga buhok.Nagtatawanan sila. Hinay hinay kaming kumikilos para makalayo.sa kanila. Kaso may naapakan si Lucas na patay na sangay ng puno. Narinig ng mga "Aglao" ang ingay. Sabay silang napatingin kung saan kami nakatago.
Lucas: "Nica! Takbo!"
Hindi na ako nakapag isip basta akoy tumakbo.
Hindi ko maintindihan kung bakit naglalakad lang ang mga Aglao pro parang ang bilis parin nila. Nagkahiwalay kami ni Lucas. May nakita ako ilaw sinundan ko ito. Ngunit sa pag sunod ko bigla akong nahulog sa bangin.
Ako: "Aray!
Ano bang nangyayari sa akin nagiging malamya na ako. May naririnig akong babae na kumakanta. At may tumatawag ng pangalan ko. Umopo ako habang nakatingin sa taas.
Mercedez: "Nica, saan ka na? Masaya ako dahil nakilala kita."
Hawak ko ang aking sing sing at pinikit ko ang aking mga mata.
Mercedez: "Huwag ka na mag tago, mahahanap din kita.
Nagdasal ako sa wikang Latin
"St Michael the Archangel Prayer In Latin n proelio, contra nequitiam et insidias diaboli esto praesidium. Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, in virtute Dei, in infernum detrude satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo. Amen."
Mayamayay may gumgagalaw sa ulo ko. Nagulat ako at napatayo. Lubid?
Lucas: " itali mo sa bewang mo at hihilahin kita."
Umaga na pala. Kaya pala biglang nawala ang mga Aglao.
Tumblr media
0 notes
Title: NICA
Author : Marlyn Lumanta Pardo
Genre: Horror/Fiction/Fantasy/thriller
Story description:
A story about a girl named "Nica"
Who"s faith was being tested and how she fought against evil.
"San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa. Siya Nawa. "
PART 1 SINGSING
Byernes na sa wakas pahinga nnamn. Masaya akong nagpapaalam habang papalayo sa aking mga kaklase.
dahil, nandiyan na si Papa para akoy sunduin.
Habang nag mamaneho
ang aking ama, ako nmnay kumakain ng Banana-Q. Binili niya ito bago niya ako sinundo sa eskuwelahan. Medyo mainit init pa nung aking hawakan.
Papa: "Dumaan muna tayo sa Hardware ha! at may bibilhin lang ako."
Ako: Opo papa ( habang ngumungaya)
Biglang bumagsak ng malakas ang ulan nung nasa harap na kami ng Hardware. kaya mabilis na lumabas si papa ng sasakyan, habang ako naman ay naka upo lang at tinatapos ko ang aking kinakain.
Agad agad namang bumalik si Papa dala dala ang kanyang mga pinamili.
Maya mayay napakamot sa ulo nung makita niyang nagsisimula na bumagal ang takbo ng mga sasakyan.
Papa:"heto na, nagsisimula na ang traffic, sana makauwi tayo ng maaga."( sabay halik sa aking nuo)
Sa lakas ng ulan halos hindi mo na makita ang daan.
Nabigla kami nung may parang nabundol ang sasakyan.
Papa: "ano yun!?"lumabas agad si papa. Tiningnan niya ang harap ng sasakyan. Napasilip din ako sa bintana. Nakita nmin na may batang patayo na may daladalang basket.
Tinatawag siya ni Papa at tinatanong kung nasaktan ba siya. Pro tumakbong papalayo ang batang lalaki. Nakakapagtaka bakit hindi man lang siya nasaktan. Eh parang ang lakas nung pagkakabundol sa kanya.
Halos alas otso na ng gabi nung nakarating kami sa bahay. Sinalubong namn kami ni mama na may dalang payong.
Mama: " bilisan niyo mag punas at mag palit at tayoy kakain na."
sabi ni mama habang hinahanda ang hapag kainan kasama aking mga tiyahin.
Habang nagbibihis ako napansin kong may dugo ang aking daliri.
Ako: "ano ba yan!
Sumabit yata sa singsing ko.
Pamana pa sa akin ni Lola ang sing sing. Naalala ko sinabi sa akin ni lola wag na wag ko daw tatanggalin ang singsing sa daliri ko.
" kaya Nica maliit na sugat lang yan." (binubulong ko sa sarili ko)
Hinugasan ko ito at nilagyan ng ointment. At bumaba para kumain.
Madami kami sa bahay, kasama nmin ang mga kapatid ni papa at syempre si Lola at si Lolo.
Ang sarap ng ulam! Paboritong kong sinigang na baboy. Sabay sabay kami lahat kumakain. At madalas si Papa ang nag dadasal para sa lahat.
Habang silay abala sa pag uusap ako namay napasilip sa labas.
Uncle Doy: "ang lakas ng hangin, isara mo na yang bintana."
Parang may bagyo. Sa sobrang lakas ng hangin nabali ung isang puno ng niyog sa tapat ng bahay.
Mama: "Akyat ka na sa taas, pahinga ka na."
Ako: Mama pwede ko ba tapusin muna ung aking binabasang libro bago ako matulog?
Mama: "o sige basta wag ka masyadong mag puyat ha!"
Habang akoy nakatalukbong ng kumot may hawak akong flaslight binabasa ko ang aking libro. Napaisip ako ano na kaya ang nagyari dun sa batang nabundol ng sasakyan kanina?
Habang nagbabasa ako ng libro hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Kinabukasan...
pag gising ko, sobrang liwanag halos hindi ko maibuka ang aking mga mata. Kaya tinakpan ko ng aking mga kamay ang liwanag na nakakasilaw habang akoy bumabangon sa kama.
Saan ako?
Tila nasa ibang bahay ako.
Hinayhinay kong binuksan ang pintuan. walang tao?.. At sobrang tahimik halos marinig ko na ang sarili kong hinninga.
Saan na sila at kaninong bahay ito?
PART 2 KULTO
Parang sa panahon pa ng mga kastila ginawa ang bahay na ito. Ang laki ng mga bintana at gawa sa magandang klaseng kahoy. Ang sahig namay gawa sa marmol.
"pano ako napunta sa bahay na ito?"
May nakita akong larawan ng dalawang babae. Parehong maganda. Ngunit may punit ito sa gitna. Sa tabi ng larawan may isang kahon na may mga larawan ng bituin na nasa gitna ng pabilog na guhit.ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito?
May narinig akong kaluskus, sa gulat ko na sagi ko ang kahon at na laglag ito sa sahig. Ang daming patay na dahon. Pinulot ko agad ang mga larawan at ibinalik sa kahon. Pagakatapos ay inikut ko ang buong bahay. Ang daming silid. pro, walang tao.
Natatakot na ako. Bakit ako nandito?
D ko na mapigilan umiyak. Gusto ko nang umuwi. Asan na sila mama at papa?
Umupo nalang ako sa gilid sa takot at kaba. Madami akong tanong na hindi ko masagot. Pro nag dasal ako naway gabayan ako ng panginoon. Naalala ko ang aking singsing.
Ang sing sing na gawa sa ginto at may cruz na gawa sa diyamante.
Ako: "Diyos ko, wag mo po ako pabayaan."
May ingay sa labas parang may kumakanta. Agad agad akong tumayo para puntahan ung ingay na aking naririnig.
Parang nanggagaling sa hardin.
Nung palapit na ako sa kinaruruonan ng ingay. Hinay hinay akong nag tago sa isang malaking puno sa harap ng hardin. Nung aking tiningnan nakita ko isang grupo ng mga tao na para bang may binubulong sa hangin. Ibang salita ang gamit habang nakatayo at naka tingin sa lupa.
Paulit ulit nilang sinasabin ang mga salitang "ut vocant vobis Baal"
Ano ito? Ano ang iBig sabihin ng mga salitang un?
Lalo akong natakot pro nilalakasan ko ang aking loob. Gusto ko lumapit sa kanila.
Nakaupo lang ako sa may puno inaantay ko silang matapos. Para akoy makapag tanong. Ngunit dalawang oras na ang nakalipas hindi parin sila gumagalaw sa kanilang kinatatayuan.
Tumayo na ako at lalapit na sana sa kanila pro may biglang humila ng kamay ko. Isang batang lalake hinihila niya ako papasok sa loob ng bahay
Nagulat ako. Sino itong batang ito.
Ako:sino ka? Anong gnagawa mo?
Bitawan mo ako!
Lucas: ako si Lucas makinig ka sa akin wag ka maingay sumama ka nalang ... Delikado dito.
Ako: bakit delikado? San ba tayo? ( naiyak na ako sa takot )
Lucas: halika na sumama ka na ipapaliwanag ko sayo sa loob.
Pumasok na agad kami sa loob ng bahay. Sa pag mamadali naitulak ko ng malakas ung pinto. Hinila ako ni lucas at tinakpan ang bibig ko habang na sa likod ng pinto.
Narinig ko may gumagalaw sa labas ng bahay at parang may umiiyak.
Nung tumahimik na binitawan niya ako.
Ako: Lucas san ba tayo? Sino yung mga tao sa labas? At bakit nandito ako?
Lucas: "Yung mga tao sa labas ay isang kulto, na sinumpa ng isang makapangyarihan na mangkukulam.
Kumakain sila ng tao."
Ako: huh?! (d ko mapigilan ang luha ko sa pag tulo) ayoko na dito! Gusto ko na umuwi.
Lucas: " hindi ka pa makakauwi. Kelangan natin tulungan ang mga Aglao."
Ako: "anong aglao? At bakit kelangan natin sila tulungan?"
Lucas: "Aglao ang tawag sa kulto nila.
At kaya ka nga nandito para tulungan sila."
Ako: "pano nangyari un?"
Lucas: "ah basta maya ko na ipapaliwanag. Ang dapat mo malaman ngyun ay natutulog sila sa araw. Sa gabi sila naghahanap ng makakain .kaya mag tago muna tayo dito antayin natin ang pag sikat ng araw."
Ako: "bakit mo ako tinutulungan? Sino ka?"
Lucas: "hindi ko rin alam... Baka malalaman din natin pag natulungan na natin ang mga Aglao. Matulog na muna tayo."
Nagtago kami sa ilalim ng hagdanan.
Duon may isang silid na taguan ng mga lumang libro. Napaisip parang pamilyar ang muka ni Lucas. Parang nakita ko na siya dati. Parang kahawig niya yung batang nabundol ng sasakyan ni Papa.
Pro imposible.
Pro kahit hindi ko kilala si Lucas dahil sa takot ko tumabi ako sa kanya sa pag tulog.
Lucas: "sa makalawa hahanapin natin ung mangkukulam. Pahinga ka na muna.
Part 3 LUMEN
Pag gising ko wala na si Lucas sa tabi ko. Kinakabahan ako baka iniwan niya nalang ako bigla. Ano na ang gagawin ako kung ako lang mag isa. Pano ko matutulungan ang kultong sinasabi ni Lucas.
Lucas: " nagugutom ka na ba?"
Ako: nakakagulat ka nmn . Akala ko iniwan mo na ako.
Pro naririnig ko ang tiyan ko. mukang, gutom na talaga ako."
Lucas: "hindi kita pwedeng iwan. Ito kumain ka na. May nakita akong sardinas sa kusina. Kaya lang d ko maluto ...(natahimik at sabay ngiti)
Hindi kasi ako marunong magluto."
Ako: "hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak. Natatakot ako sa kung ano sasalubong sa atin sa pag akyat sa Bundok!"
Lucas: "wag ka mag alala. Hahanapin natin yung mangkukulam."
"Matutulungan niya tayo."
Ako: eh pano kung galit parin siya sa mga taong yun?
Lucas: "kelangan niyang mag patawad para narin sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kanyang anak."
Umupo ako sa harap ni Lucas sa isang gilid ng silid. Nag sindi ulit siya ng kandila.
Ako: "Gusto ko malaman kung anong nangyari sa mga aglao at kung pano sila sinumpa?"
Lucas: "Si Mercedes ang may ari ng bahay na ito. Siya din ang leader ng Kultong Aglao."
Ako: huh! Sila ba yung nasa labas ng bahay?
Lucas: " Oo, kasama si Mercedes sa sinumpa." Dati si Mercedes at si Lumen ay matalik na magkaibigan. ngunit nagalit si Mercedes kay Lumen.
Dahil, hindi nito nagamot ang kanyang anak sa pag kakakulam.
Namatay ang anak ni Mercedes hindi kinaya ang kulam na gnawa sa kanya ni Wakan.
Sa galit ni Mercedes tinipun niya ang kanyang mga alagad at kinuha nila ang nag iiisa ding anak ni Lumen. Inalay nila ito sa kanilang panginuon, na si Baal
Nagwala sa galit si Lumen.
para mas makaganti, kelangan niyang maging mas makapangyarihan. hinanap niya at pinaslang ang mangkukulam na si Wakan.
Kaya, napunta sa kanya ang itim na kapangyarihan.
Sumogod si Lumen, sa lugar kung saan nag sasama sama ang kultong Aglao.
Nag bitaw ng salita si Lumen.
"ut malediceret tibi!"
Pagkatapos niyang masabi ang mga salita umuwi ito sa kanyang tahanan. Hiniwa niya ang leeg ng manok at pinatulo sa ginuhit niyang bilog na may mga larawan at gamit ng mga kasapi sa "Aglao."
Ang lakas ng hangin nung mga oras na un habang nag dasasal si Lumen.
Napatayo si Mercedes. Bigla siyang nakaramdam ng init sa katawan at biglang sumakit ang tiyan.
Nakita niyang ganun din ang nangyayari sa kanyang mga kasamahan. Unti unti naglabasan ang kanyang mga ugat sa kamay. Sumakit ang ulo niya na parang mabibiyak pati ang kanyang panga parang halos matanggal sa sa sakit. Nagtaka siya, bakit biglang may dugo ang kanyang labi? Nung hinawakan niya ito nakapa niya ang kanyang ngipin...
"Anong nangyayari sa atin?"
"bakit may pangil ako?"
umiyak si Mercedes. Sinisigaw ang pangalan ni Lumen sa hangin.
"Lumen!" "Anong ginawa mo!"
Simula nuon ang kultong Aglao mas lalong kinatatakutan dahil kumakain na sila ng tao.
Ako: "pano natin sila matutulungan?eh mas malakas sila sa atin."
Lucas: "bukas aakayat tayo sa bundok hahanapin natin ang kuweba kung san nag tatago si Lumen.
Nag handa nang magagamit sa aming pag lakbay si Lucas.
Nakita ko meron siyang isang mahabang kahoy at pinatulis niya ang dulo nito gamit ang kanyang kutsilyo.
Meron din siyang lubid.
At mga dahon na nakabalot sa maliit na panyo.
Ako: para saan yang mga dahon nayan?
Napatingin sa akin si lucas parang nahihiya siyang sabihin sa akin ang sagot.
Lucas: ahh Pag nag kasugat tayo eh mabisa; siyang pang gamot.
Habang nilalagay niya ito sa loob ng kanyang bag may bote siyang mabilis na itinago sa bulsa niya .
Ako: para saan yang nasa bote?
Lucas: "wala yan!"
Ano kaya yun? Bakit hindi niya masabi sa akin kung ano yun..
Lucas: "lika na mag pahinga na tayo kelangan makaalis tayo ng maaga."
PART 4 SIGIL NI SAN MIGUEL (Archangel)
“Because he loves me,” says the Lord,
“I will rescue him;
I will protect him, for he acknowledges my name.
Psalm 91:14
Lucas: " Nica, gumising ka na kelangan natin makaalis ng maaga.
Inaasahan ko na pag gising ko, nasa bahay na ako. Hindi pala, siguro nga kelangan ko talagang tapusin ang misyon na ito. Baka ito yung sinasabi sa akin ni lola nung nabubuhay pa siya.
Na darating ang araw na susubukan ang aking pananampalataya.
Inabut ni lucas ang isang set ng mga damit.
Lucas: " kelangan mo na yatang magpalit." sinabi niya ito habang nakangiti.
Hindi ko pinansin ang kanyang ngiti. Sa hiya ko. Dahil halos dalawang araw ko na suot itong pajamas ko.
Ako: "kanino galing ito." habang sinusukat ko ang mga ito.
Lucas: "huwag mo na itanong!" importante may masusuot ka. Baka pati lamok umiwas sayo."
Nagpunta na ako sa banyo para maligo at mag bihis. Napabahing ako sa amoy ng mga damit. parang ang tagal na talagang nakatago sa kaban.
Pag labas ko ng banyo inayos ko namn ang aking buhok.
Ako: "Lucas sa tingin ko kelangan ko din ng sandata. Para kahit magkahiwalay man tayo eh may magagamit man lang ako."
Inaantay ko ang sagot ni lucas pero pag lingon ko. Nakita ko na parang gulat na gulat ito. Na parang natulala.
Ako: "may nasabi ba akong mali?"
Lucas: " aahh , wala naman! Nagulat lang ako may marka ka pala diyan sa likod ng leeg mo?"
"ahm, pano ka nagkarun niyan?"
Ako din ay nabigla dahil nalimutan ko na na may marka ako sa likod ng aking leeg. Ito ay ang tatak ni San Miguel Arkanghel.
Ako: " Ngayun ko lang din naalala."
Pitong taong gulang ako nung ginawa ito ni Father Sebastian. Matalik siya na kaibigan ni lola. Madalas nasa bahay yun na parang pamilya nadin namin."
"Matagal ko na din hindi nakikita si father simula nuong namatay si Lola. Naalala ko lagi niya ako binabasahan ng libro tungkol sa mga anghel at mga kapangyarihan nito."
At ang lagi daw nakabantay sa akin ay si San Miguel Arkanghel.
Lucas: " Naniniwala ka naman?"
Napansin kong parang pinagpapawisan si lucas at parang balisa.
Ako: "Lucas? Okey ka lang bah?
Lucas: "Sagutin mo ang tanung ko!"
" Dahil kung naniniwala ka nga. Bakit, tayo nasa ganitong sitwasyon?"
Ako: "Oo, naniniwala ako!" " kahit ano pang mangyari at kahit saan tayo mapadpad. Alam ko na may mga Anghel na nakabantay sa atin na sugo ng Diyos.
Tumayo si Lucas sa pagkakaupo bitbit ang kanyang mga gamit.
Lucas: "halika na ,at baka gabihin pa tayo sa daan."
Hindi ko na muna pinansin ang kanyang reaksyon. Alam ko maliliwanagan din siya.
Samantala sa paglabas namin sa bakuran ni Mercedez nakaramdam ako ng ginaw. Ngyun ko lang naramdaman ang hangin at ngyun lang din ako nakakita ng mga puno at mga halaman.
Bakit nga kaya puro patay ang mga halaman sa loob ng bakuran? At parang walang hangin. Pero, hindi ko na tinanong si Lucas tungkol dito dahil alam ko naiinis parin ito.
Lucas: "kakailanganin mo itong kahoy sa pagakyat natin sa bundok."
"nilagyan ko na din yan ng lubid para pwede mong isabit sa likuran mo."
Ako: "Salamat Lucas."
Lucas: "tanghali na, kelangan makahap tayo ng ilog para makahanap ng makakain." "sigurado akong gutom ka na at para makapag pahinga din tayo."
Mayamaya may nakita kaming ilog . Nakakatuwang tingnan. Nasabik akong bigla sa tunog ng tubig . Binaba namin ang aming mga gamit. At nagpunta kami sa ilog. Ginamit ko ang kahoy na dala ko para pang huli ng isda. Kahit hindi naman ako kasing galing ni lucas nakaramdam parin ako ng saya. Dahil, naalala ko si Papa. Dahil siya ang nagturo sa akin mangisda na gamit lang ang kahoy.
Tumblr media
3 notes · View notes