Tumgik
femilynate · 5 years
Text
The Social Movements and the Current National Political Scene ni Antonio Tujan, Jr
Ang social movement ay binubuo ng grupo ng taong may iisang idelohiya para ipaglaban ang ikabubuti ng bawat miyembro ng lipunan, sila ay tinatawag na ralihista o aktibista na kung saan sila ay nag iingay upang marinig ng mga opisyal ng gobyerno na nakatakip ang mga tenga sa mga problema na isinisigaw ng madla na di nila marinig o di talaga nila nais marinig dahil hindi ito kayang masulusyunan at ayaw masulusyunan. Wala naman sigurong ipaglalaban kung walang nakikitang mali ang mamamayan mula sa mga trapong nakaupo sa gobyerno. Tulad na lamang noong panahon ng "people power" isa na ito sa pinaka malawak na "social movement" na ginawa ng mga Pilipino kung saan sila ay nag tipon-tipon upang patalsikin sa pwesto ang mga dating pangulong na si Ferdinand Marcos at Joseph Estrada sa kadahilanan na mayroong nakikitang katumalian sa kanilang pamamalakad bilang pangulo sa kanilang administrasyon at termino, ang pag-aaklas na ito ay nag tagumpay. Isa lamang yan sa mga ipinag laban ng mamamayan na tinugunan ng ating gobyerno isa rin dito ang pag sigaw ng mga kababaihan sa kanilang karapan na nabigyan din ng batas, at marami pang iba. Noon sa aking pag aakla na ang mga ralihista ay mga taong binabayaran upang tuligsain ang gobyerno at para saakin sila ay dagdag lang sa trapiko sa mendiola at minsan ay dagdag polusyon sa kalikasan ang panununog nila sa mga imahe at dagdag pa din dito ang pag "vandalism" nasa isip isip ko na dahil sa kahirapan ng buhay sila ay tumatanggap ng lagay kung bakit nila ito ginagawa.Ngayon kapag may nag tatanong saakin kung saan ako nag aaral madami ang mga kumento na papuri dahil ang PUP ay isa sa mga tanyag na paaralan sa Pilipinas ngunit mas marami ang patungkol sa pagiging aktibista, ang mas malala nilang sinasabi saakin ay "ah taga PUP tapos Political Science, kayo yung pakilamero sa gobyerno" hindi ko alam kung paano ko sya tatanggapin kung ito ba ay isang papuri ngunit sa kanyang tono ay siya ay nangmamaliit ng tao. Bakit ganito natin isipin ang mga taong ipinag lalaban lang ay ang mga taong naapi, kung sino pa itong nag bubulag bulagan sa nangyayari sila pa itong may ganang magalit at ginagawang katatawanan ang mga taong lumalaban para sa kabutihan ng lahat? Mas mabuti na ngang ikaw ay nangengealam sa mga nangyayari sa bayan imbes na sinasayang ang oras sa mga wala namang katuturang bagay. Hindi mali ang mag rally dahil wala namang masama na ipaglalaban tama. Napaka daming problema ang bansa ang hindi nakikita ng gobyerno at walang pakialam na mamayang Pilipino, paano pa tayo uunlad nito kung ang mismong gobyerno ang nag gigipit sa mga mahihirap at kung hindi ito ipag lalaban ng tinatawag niyong NPA sino ang mag tatanggol sa mga nasa laylayan at naaapi, mananatili na lang sila kung nasaan sila dahil wala silang sapat na kaalaman na binabasura lang sila ng ating gobyerno? Sino nga ba ang tunay na salot sa lipunan ang mga lumalaban o ang nag bubulagbulagan?
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Transformative Education
ni Antonio Tujan, Jr.
Balikan natin ang aking isang blog ukol sa MisEdukasyon kung saan itinatak sa isipan ng kabataan na ang edukasyon ang mag papaunlad sakanya sa kahirapan. Ayon sa akda madalas na tinatanong sa mag aaral kung para saan at bakit ito nag aaral madalas ang sagot ay “para makapagtapos at makahanap ng trabaho” hindi natin sila masisisi kung bakit ganito ang pananaw nila sa buhay dahil ito ang itinuro sakanila ng kanilang mga magulang at ng lipunang ating gianagalawan. Kung hindi ka mag aaral, ikaw ay walang alam at mananatili kang mahirap at mangmang, na di kana makakaahon sa buhay o mawawalan ka ng kinabukasan. Dahil ang edukasyon daw ay paraan sa paghahanda sa mga kabataan upang harapin ang tunay na buhay sa hinaharap. Ang pag bibigay ng eduksyon ng mga magulang para sakanilang mga anak ay isang obligasyong na sila ay pagtapusin sa pag aaral, kung sa gayon mawala man sya sa mundo, ang buhay ng kanyang anak ay hindi maghihirap ito ay itinuturing pamana ng isang magulang. Hindi lingid sa ating kaalaman kung gaano kabulok ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na pati ang asignaturang mag papaulad bilang isang Pilipino ay nais pang ipagkait ng mismong gobyerno. Dahil ang gusto nila tayo ay matuto kung paano makipag kumpitensya sa mundo. Dito papasok ang Philippine 2000 noong panahon ni dating presidente Fidel Ramos na kung saan ginagamit at pinag aaralan ang pag sasalita ng wika ng mga dayuan ang wikang Ingles, dahil isinusulong ng ating pamahalaan ang industriyalisasyon, hinuhubog tayo ng ating gobyerno upang maging trabahador ng mga hegimonyang bansa. Gustuhin man natin o hindi, itong ang katotohanan na nagaganap sa ating lipunan.
Ang “transformative education” ang nakikita kong makakatulong upang mamulat ang mga mag aaral sa kung ano ang reyalidad ng buhay.Di lamang ang sistema ng edukasyon ang mapagbabago nito maging ang pananaw ng mga tao sa ating lipunan. Gustong iparating ni Antonio Tujan Jr, na di sapat ang natututunan natin sa apat na sulok ng ating silid aralan, at sa mga librong pagka-kapal na ang gobyerno ang nag tala. "Syllabus" mula sa kagawaran ng edukasyon at kurikulum na dapat ituro sa nakalaang oras at madalas na ito'y hindi natatapos sa binigay na panahon na kinasanayan na ng bawat estudyante. Dito nakasaad ang ibat’ibang uri ng mga istratehiya na maaring gamitin upang baguhin ang kurikulum ng edukasyon nariyan ang "critical thingking" o pag iisip ng kritikal, na hindi dapat tayo basta basta naniniwala sa kung ano ang sabihin saatin dito tinuturuan tayo kwestyunin ang mga bagay upang lumawak pa ang ating nalalaman. Ang "social commitment" ay di sapat na ikaw ay may kamalayan sa nangyayari sa ating lipunan na dapat tayo ay nakikilahok sa pag gawa ng aktion. Gaya na lamang na ang mga guro ang susi sa "transformative education" dahil sila ang may kakahayang mag impluwensya ng mga mag-aaral, na sakanila magmumula ang pag mumulat sa nangyayari saating paligid, dahil ang "transformative education" ay mas kinakailangan ng pagiging malikhain,disiplina at pagsisikap dahil sino pa ba ang mag tuturo sa mga kabataan ng reyalidad ng buhay, kundi ang mga guro na naghuhubog saatin bilang isang mamayan. Sa kabuuan sinasabi sa akda na dapat tayo ay makialalam at ibahagi ang ating nalalaman upang sa gayon mag karoon pa ng pag asang mag bago ang sistema ng edukasyon at ng ating lipunan.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Literatura ng uring Anakpawis
ni Rogelio L. Ordonez
Ang literaturang ng uring anakpawis ay tumatalakay sa ibat ibang sulatin o akda kung saan pinapakita ang reyalidad ng buhay at mga problema sa ating bansang ginagalawan. “Anakpawis” sila ang uri ng mamamayan na naliligo sa sariling pawis upang magkaroon lamang ng pangkain sa araw araw o mga nag hihirap sa pagtratrabaho ngunit walang sapat na sweldo, katulad na lamang ng magsasaka, mangingisda, mga trabahador at mang gagawa na nais umunlad sa buhay. Nais ihayag ng mga akdang ito na ipamulat sa mamamayan ang kahirapang nagaganap sa lipunan gawa ng mga ganid sa kapangyarihan at yaman na ating opisyal ng gobyerno, na imbes na tulungan tayong umahon sa hirap ay madalas sila ang nagpapahirap saatin at kung sino ang mayaman mas lalong yumayaman. Kaya hindi mo rin masisisi ang mga taong lumalaban para sa bayan, mga taong bukas ang mata at kaisipan para sa tunay na ikakaunlad ng bayan. Sila ay kung tawagin na ralihista o sa panahon ngayon, mga “NPA” o palaging tutol sa patakaran ng gobyerno na ang layunin lamang na ipakita sa mga walang pakialam na opisyal ng gobyerno at mga nagtatakip ng tenga at mata na mamamayang Pilipino ang tunay kalagayan ng ating lipunan. Sa kadahilanang takot mawala sa kapangyarihan tayo ay pinagkakaitan ng kaalaman at ito ang tinalakay ni ginoong Ordonez sa kanyang akda, ang “poverty porn” na kung saan sa isang palabas ginagamit sa “media” ang kahirapan upang makakuha ng simpatya ng madla maraming palabas ang gumamit nito, kagaya ng Wowowin, Eat Bulaga, Rated K, Wish ko Lang at maraming pang iba na ipinapakita ang buhay ng isang taong naghihirap at tinutulungan ito ng ito sa pmamagitan ng pag bigay ng limpak limpak na salapi at kakaramput na pangkabuhayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ang mga palabas na ito ay isang malaking “palabas” lamang. Hindi lang ito pagtuturo kung paano tumulong at magmalasakit sa kapwa gamit ang “charity” ang palabas na ito ay may pansariling interes na ginagamit ang mahihirap upang makakuha ng katanyagan sa larangan ng “media”. Ang pinapakita rin sa “poverty porn” ay kahit ikaw ay tunay na naghihirap maging mapagpasalamat ka pa rin dahil may taong mas mahirap pa sa kalagayan mo. Ganito bulok ang sistema ng ating lipunan pinakakita lamang saatin kung ano ang nangyayari ngunit hindi tayo tinuturuan paano natinwawaksan ang kahirapan bagkus pinapaniwala lang tayo nito na kahit ikaw mahirap may tutulong at tutulong sayo kung kaya’t normal sa isang lipunan ang may mahirap. Ang literatura ay napakahalagang kagamitan upang tayo ay mamulat sa reyalidad ng buhay ngunit hindi na ito gaanong napapansin dahil na rin sa mga walang kwentang bagay na iniindorso ng mapanlinlang na lipunan upang lumihis saating isipan ang mga problemang nagaganap sa ating bayan. Walang pag babago kapag walang nais mag bago dahil marami pa rin sa mga Pilipino ang nag bublagbulaan sa pangyayari sa lipunan takot ipaglaban ang tunay na karapatan.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Ang Kabastusan ng mga Filipino
ni Isagani R. Cruz
Ang akda ay tumatalakay sa ibat-ibang uri ng gahum sa ating lipunan, lalo na ang pagdodomina ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, sa akda rin mahihinuha ang mga nabubulok na isipan ng mga Pilipino at dito mapapailalim ang pag kakaiba ng “mass culture at popular culture” kung ito ay hindi mo uunawaiing mabuti tiyak ay ikaw ay malilito sa kung ano ang ninanais ipahayag ng sulatin. Ang makamasang kultura ay hindi katumbas sa Ingles na mass, ayun kay Isagani, ang masa ay salitang pampulitika at hindi lamang ito tumutukoy sa katayuang pang ekonomiya o panlipunan ng nakararaming Pilipino. Dahil sa kolonisasyon umusbong din ang sikat na kultura, ito ay nagsasaad kung ano ang sikat ito ginagaya nating mga Pilipino. Hindi natin mapag kakaila na mahalaga ang mga kulturang ito para saatin ngunit nais din ipahayag ng teksto na hindi sapat na unawain lang natin ang nangyayari saating mundo bagkus dapat din na ang manunulat ay palawigin ang mga kaisipan ng mamamayan upang magkaroon ng kaalaman para sa pagbabago saating lipunan. Naalala ko ang isang babasahin na ikinuwento ng aming guro tungkol kung saan ba nag mula ang patriyarkal ito ay “The Origins of the families, state, and private property” ni Fedrick Angles na kung saan noong unang panahon ay walang kwenta ang mga kalalakihan dahil ang ginagawa lamang nila ay humanap ng makakain at anakan ang mga kababaihan at gawing parausan, noon hindi ito “big deal” sakanila dahil mayroon silang kalayaan sa pakikipag talik at ang mga kalalakihan ay makasarili, iniisip lang nila ang kanilang sarili kung paano sila mabubuhay. Sinasabing mas may kapangyarihan ang kababaihan dahil sila ay humahawak ng responsibilidad ng isang komunidad at bilang isang ina. Ngunit dahil sa pag-aari ng mga gamit dito nagkamalay ang mga kalalakihan na sino ang mag mamana ng kanyang kagamitan kung hindi nya alam kung sino ang kanyang anak dahil kung kani kanino siya nakikipag talik, dito nabuo ang pamilya at ang pag aari maging ang kumonidad dito ang mga kalalakihan ay nagtatakda ng kanyang pag aari, at umusbong ang halaga ng “virginity” dahil ang kalalakihan ang bumubuhay sa pamilya dito naging dominante ang mga kalalakihan, di lamang sa sarili nyang pamilya maging sa lipunan kung kaya’t mas mataas ang tingin sa kanila kumpara sa mga babae.
Sa akda ay tinatalakay ang gahum ng kalalakihan isa na dito na ang tingin ng sa isang babae ay isa lamang regalo kung saan pwede mong ipamigay kung kani-kanino kaakibat nyan ang gahum ng payabangan o mas kilala sa tawag na “pataasan ng ihi” na kung saan nasusukat ang iyong kapangyarihan sa lipunan, makikita mo na agad na hindi pwedeng mag hari ang babae dahil sa kanilang pag ihi sila ay mga nakaupo. Ngunit iba na ang panahon ngayon, ang mga kababaihan ay lumalaban para sakanilang karapatan, natatakot ang mga kalalakihan sa maling konsepto ng peminismo na sa kanilang pag aakala na nag peminismo ay pagpapalakas sa kababaihan upang sila ang mag hari, ngunit ang layununin lang ng kababaihan ay ang pag pantay na pagtingin at pagtrato sakanila, na kaya din nilang gawin ang mga gawain ng mga kalalakihan, gaya na lamang ng pag boto, pag aaral, at pag tratrabaho at marami pang iba. Sa panahon ngayon kahit na may karapatan na ang kababaihan hindi pa rin maiiwasan ang pagbabastos sakanila at pagamando ng kalalakihan sakanila kung kaya’t hindi tumitigil ang kbabaihan sa pag laban ng kanilang karapan dahil hindi natin mapag kakaila na marami sa mga kababaihan ay mulat na sa nangyayari sa lipunan at hindi nila hahayaan na sila ay apak-apakan lang.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang "idolo": Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino
ni Nicanor G. Tionson
Hindi natin mapagkakaila na ang pelikulang Pilipino ay isang popular na "broadcast medium" sa Pilipinas at ito rin ang dahilan kung paano napabilis ang paglaganap ng wikang Pilipino noon. Ang panunuod ng pelikula ay paraan upang tayo ay mag aliw o magpalipas ng oras ngunit hindi rin natin namamalayan na ang pelikula rin ang nag nagnanakaw ng ating panahon mula sa mga mahahalagang bagay na dapat natinh gawin. Ang pelikula rin ang ang nagtatakip sa kung ano ang reyalidad ng buhay, dito pinapaniwala tayo sa kung ano ang nangyayari sa pelikula ay may posibilidad na mangyari din saatin. Isa sa halimbawa na hindi masamang maging mahirap sa buhay sa simula gaya na lamang ng bida sa pelikula, dahil sa huli naman nito ay makakaahon at magtatagumpay ito sa buhay, dahil dito binibigyan tayo ng pelikula ng "false hope" kung paano natin tignan ang ating buhay.
Ang mga idolo sa palabas ang naging batayan din natin ng tunay na kagandahan, na kung saan kasalanan ng maging kayumanggi. Kung ating susuriin madalas na ginagawang bida sa isang pelikula o palabas ay maputi o mestizo at mestiza na malayo sa kulay ng mga purong Pilipino na kulay kayumanggin ang balat. Madalas na ginagampanan lamang ng mga kayumanggi at isang katawa-tawang karakter o bilang kanang kamay ng isang bida. Dahil sa impluwensya ng kolonyal na pag iisip mula sa mga Amerikano, karamihan sa mamamayang Pilipino ay nag wawaldas ng kayamanan at bilhin ang produktong pampaganda upang maging kaaya aya sa mata ng lipunan na maging kamuka ng mga dayuhang mapanlinlang na may maputing balat, matanggos na ilong, masaganang hinaharap at matangkad. Lingid sa kaaalaman ng karamihan na ginagamit ang pelikula upang baguhin ang ating pananaw na mas ginagawa tayo nitong tamad, upang sagayon maging bulag tayo at malimitahan ang ating kaalaman sa tunay na nangyayari sa ating lipunan o "media foreplay". Hindi baleng matagal na oras kang nakaupo at nakasubaybay sa palabas basta't ikaw ay naaaliw. Ano ba ang masama sa pag aaliw? ang aking sagot ay wala, dahil ang panunuod ng pelikula ay isang paraan upang makapag-pahinga o matakasan ang reyalidad ng panandalian lamang hindi ng pangmatagalan. Hindi masamang manuod ng palabas, ang gusto lamang ipunto sa akda ay dapat hindi tayo basta bastang sumasang-ayon sa kung ano ang ating napapanuod at dapat maging matalino tayo sa paggamit ng ating oras, na mas gugulin natin ito sa pag papaunlad ng ating sarili at ng ating bansa, dahil ang pelikula ay isang komersyalisado at ang mga elitista ang namamalakad dito. Ayon sa akda "paano nga ba uunlad ang ating bansa kung ayaw harapin ng Pilipino ang mapait na katotohanan ng lipunan, kung lagi na lamang siyang nagpapakandarapa sa mga palabas" dito sinasabi na madami sa mga Pilipino ngayon na mas pinipiling maging ignorante o walang pakialam sa ating lipunan. Para saakin huwang nating hayaan manipulahin ng pelikua ang ating isipan bagkus tayo ay maging produktibo upang sa ikakaunlad ng ating sarili at para sa lipunan.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet
ni U Z. Eliserio
Sa kasalukuyang panahon tayo ay malayang nakakagamit ng moderong teknolohiya, di natin mapagkakaila na halos lahat tayo ay my gadyet "cell phone, computers, laptops" at marami pang uri nito. Dito makakagamit tayo ng mga "Apps o application" gaya nalaman ng "social media" na kung saan tayo ay may nakakasalamuha gamit ang "internet". Ang kagandahan ng "internet o socia media" ay mapapabilis ang pakikipag komunikasyon at madaling makapag pakalat ng impornasyon. Kung dati kinakailangan pa na magsulat ng liham at ipadala sa "post office" at mag hihintay pa ng ilang araw bago ito matanggap at maibalik impormsyon. Ngayon gamit modernong teknolohiya, madali na lamang ang komunikasyon, isang minuto at isang pindot lamang ay maari ka ng makipag usap kahit na kayo ay malayo sa isat isa, mayroon ding "face time o video call" kung saan maari mo pang makita ang iyong kausap.
Ngunit sa panahon din natin ngayon natuto tayong maghayag ng ating saloobin at damdamin maging ang bawat pangyayari saating buhay ginagamit natin ang internet upang ibahagi ito. Mayroon ding hindi magandang naiidulot ang pag gamit ng "internet" lalo na kung ito ay ginagamit mo sa maling paraan o gamit na hindi pinag iisipan."Pag sasalsal sa internet" bakit ito ang salitang inihalintulad ng manunulat na si Eliseryo upang ilarawan ang pangyayari sa lipunan at "socia media". Ang pagsasalsal ay isang pribadong ginagawa nang mga kalalakihan at ang "internet" naman ay isang pampublikong lugar kung saan maaring mag hayag ng kung ano ang nais mong ibahagi sa mundo ng "cyber space". May ibat ibang uri ng tao na gumagamit ng "internet" isa na rito ay ang taong gumagamit lamang para sa madaliang komuniksyon, pangalawa mga uri ng tao na nag nanais lang ng aliw o "entertainment", isa din ang mgataong gusto lamang ay makipag kaibigan, ikaapat ay taong gusto lag maghayag ng saloobin at nraramdamn na hind nila masabi sa personal at may mga mamamayan din gumagamit lamang upang mag pasikat na nagpapakandarapa para lang sa saglit na katanyagan na ultimo pampribadong impormasyon na bagay na dapat isinasarili nalang eh gustong ihayag upang makapukaw ng atensyon mula sa publiko, hindi natin sila masisi kung bakit ganito sila mag isip dahil ito ang itinuro ng isang "toxic" na "society". Ayan ang gustong ipalabas ni Eliseryo sa kayang akda na ang mga mamamayan ay madalas hindi nagiingat sa kung ano ang ipinapaskil sa "wall" sa mga "socia media accounts" na kung saan nagdudulot ito ng kapahamakan na madals hindi natin namamalayan. Sa ngayon laganap ang "fake news at cyber bullying" na maaring makasira ng buhay ng isag tao. Kung kaya't dapat maging matalino tayo sa pag gamit ng "internet" dahil ito ay repleksyon ng iyong pagkatao sa kung ano ang ginagawa mo sa "social media" ito ay mag sisilbing pag kakakilanlan mo sa mundo ng "cyber space".
Gamitin natin ang ating kalayaan upang mag hayag sa kung ano ang nagyayari sa ating lipunan hindi sa kung ano anong bagay na walang katuturan. Tayo ay tumulong sa pag mulat ng mga saradong kaisipan ng mga mamamayang walang pakialam sa pangyayari sa ating lipunan, gamitin natin ang pag sulat ng blog upang mag hayag at mag bigay impormasyon sa mga taong nangangailangan.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan
ni Conrado de Quiros
Bakit mas ginagamit pa natin ang wikang Ingles kumpara sa sarili nating wika? Marami sa ating kabataang Pilipino ang dalubhasa sa pag gamit nito at karamihan sakanila ay hindi na alam kung paano mag salita ng purong wikang Filipino. Hindi natin sila masisisi kung bakit mas eksperto pa sila sa pag gamit ng Ingles keysa sa sarili nating wika dahil ito ang kinalakhan at itinuro sa kanya na dapat pag aralan ang wikang Ingles upang ikaw ay makahanap ng trabaho lalong lalo na sa ibang bansa upang ikaw ay umunlad, dahil ang wikang ginagamit sa interbyu ay Ingles. Itinanim din sa ating isipan na dapat magaling ka sa Ingles para masabing ikaw ay matalino at edukado at para hindi ka mapag iwanan ng lipunan, ganyan ba makapangyarihan ang wikang Ingles para ganyan din mag isip ang mga Pilipino? Na walang ibang maisip kundi gayahin ang mga dayuhang mapanlinlang? Na lingid sa kaalaman ng karamihan na ang wikang Ingles ay hindi purong grasya para sa katulad nating mga Pilipino na hindi lang ito itinuro para gamitin pang komunikasyon ito rin ang kanilang paraan ng kolonisasyon. Ikakaunlad ba natin bilang isang mamamayang Pilipino ang pag gamit nito o ito ang nagging dahilan kung bakit naghahati ang mamamayan? Dahil sa pag gamit ng Ingles ginagawa itong batayan ng kapasidad ng iyong kaisipan at katayuan sa buhay, kung ikaw ay gumagamit ng Ingles ikaw ay mayaman at matalino at makakarating ka sa itaas ngunit kung kulang ang iyong kakayanan sa paggamit nito ikaw ay babansagang dukha at bobo o walang alam na ikaw ay mananatiling nasa ilalim. Marami ang nalilinlang sa pag aakalang ang Ingles ang makakapag paunlad ng ating ekonomiya, maging ang ating gobyerno, nakakalungkot at nakakagalit mang isipin na mismong ating gobyerno pa ang nag nanais na tanggalin ang pag tuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo na mismong ating sariling wika ay gustong ipagkait ng nabubulok na sistema ng ating gobyerno. Marami ang bansang maunlad gaya na lamang ng Thailand na kahit iilan lamang ang mahusay sa Ingles sila ay nananatiling tigreng bansa, samantalang tayo na ibinibida ang pag gamit nito ay nananatiling basang sisiw dahil dito nangangahulugan lamang ito na hindi wikang Ingles ang mag papaunlad ng ekonomiya at turismo ng ating bansa. Kumpara sa mga mauunlad na bansa sa Asya sila lamang ay humahango o nanghihiram ang sakit kasi nating mga Pilipino nagpupumilit tayong kopyahin at palitan ang sariling atin ng isang bagay na hindi naman nagmula saatin. Ano ba ang dapat nating gawin upang tangkilikin at mahalin ang sarili nating wika? Ayon sa akda ni de Quiros nararapat lamang natin palakasin ang wikang pambansa at ito ay wikang Filipino at kailanman hindi iyo dapat maging Ingles, hindi ko sinasabi na kapag pinalakas natin ang Filipino ay gusto na nating pahinain o pabagsakin ang Ingles dahil hindi naman masamang pag-aralan at gamitin ito bilang pangalawang lengguwahe natin na dapat hindi natin itakwil at kalimutan kung ano ang una nating lengguwahe dahil ito ay sariling atin, hindi natin dapat ito ikahiya bagkus ito ay ating ipagmalaki at ibahagi sa ibang kultura kung gaano kaganda ang ating wika na hindi lamang ito koleksyon ng mga salita kundi ang wika ay isang buhay na bagay na tumutubo mula sa puso ng isang bayan, isang bayang Pilipinas.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Edukasyon para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita ni Bienvenido Lumbera
Sa panahon ngayon, kung ano ang pinapasukan mong paaralan ito ay nagiging batayan ngayon iyong estado sa buhay. Kung ikaw ay mag-aaral sa mga paaralang pantangi ikaw ay mayaman dahil mayroon kang pera upang mag bayad ng matrikula at kung ikaw naman ay sa pampubliko masasabi na ikaw ay dukha dahil hindi sapat ang yaman ng iyong pamilya upang pag aralin ka sa pampribadong paaralan. Sa panahon ng kastila may pera lamang ang nakakapag aral dahil kailangan mag bayad upang ikaw ay matuto sa pamamahala ng mga pari at madre. Sa pagdating ng mga kolonyalismong Amerikano sa paglalayon na sakupin ang Pilipinas ginamit nila ang edukasyon at binuksan ito sa publiko upang kahit ikaw ay salat sa yaman ikaw ay makakapag aral, ngunit sa edukasyong itinuro ng mga Amerikano ng iba ang pag uugali at pag iisip ng mga ito at patuloy na pinahina ang kaisipang pangrelihiyon. Di nagtagal napasakamay din ng mga Amerikano ang mga pribadong paaralan dahil sa kakulangan ng pondo ng ating gobyerno at dito nakipag ugnayan ang mga Pilipinong mayayaman sa kadahilanan na mapapangalagaan ang kanilang salapi at pag aari. Ayon kay Lumbera bahagi ng pakikipagtulungan ang pagtanggap sa kultura ng mga kolonyalista ang pagsisikap na maging kamuka ng mga dayuhang kinaibigan ng mga Pilipinong ganid sa kapangyarihan. Ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan ay kapag ikaw ay mayaman ikaw ay makapangyarihan at ikaw ang titingalain at gagayahin dahil ikaw ang nag tatakda ng pamantayan ng magandang buhay sa mga salat sa yaman. Ngunit kahit gumagapang sa hirap may mga Pilipino pa rin na gustong makipagsabayan sa mga mayayaman, na pinipilit gayahin ang pananamit, pananalita at ang buhay sosyal ang tawag sakanila ay social climber na kung saan bumibili ng mga bagay na di naman lubos na kailangan katulad ng mga mayayan at ito ay para ipakita sa lipunan na kaya mo ring makabili at gamitin ang kung ano ang meron sa mga mayayaman. Gayun din sa pagpili ng papasukang paaralan, marami ang nag hahangad na makapag aral sa Ateneo, La Salle, San Beda at marami pang paaralang pantangi, di dahil lang sa pag tapos mo ay madadala mo ang pangalan ng iyong paaralan upang ikaw ay makahanap ng trabaho kundi masabi lang na maganda ang kalidad ng edukasyon at ikaw ay edukado. Ngunit hindi ka mapapabilang sa pribadong paaralan kung ikaw ay walang pera at talino ngunit para sa may kapangyarihan napapalitan ng impluwensya ang talino, kung titignan natin mabuti mahihinuha natin na di lahat ng nag aaral sa pribadong paaralan ay mamatalino at mayayaman.
Bakit nga ba asal mayaman si pedrong maralita? Dahil ito ang itinuro at itinanim sa kanyang isipan na ang edukasyon ang mag aahon sakanya sa kahirapan na ang pagiging edukado ay katumbas ng produkto ng mga pampribadong paaralan. Nag pumilit si Pedrong maralita na makaahon sa mahirap nyang katayuan sa buhay at pinagsikapan na kahit maging kamuka lang ng mga mayayaman at masabi sa lipunan na kabilang sya sa maganda ang buhay. Hindi masamang mag hangad na makaahon sa hirap ng buhay bagkus ito ay ating pag sikapan upang makamit natin ang tunay na ginhawa yung hindi natin kailangan gumaya o mag panggap na kaya nating makipag sabayan sa mga matataas imulat ang mata at pag masdan ang kalagayan ng lipunan na dahil nabubulag tayo sa katotohanang mapanlinlang pangakong ginhawa at kasaganaan ng edukasyon para sa iilan.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin ni Bienvenido Lumbera
Sandaang taon na tayo ay inalipin ng imperyalismong Estados Unidos at nakakalungkot mang isipin na ating kapwa Filipino ang isa sa mga sanhi kung bakit napatagal ang pag hahari harian ng mga Amerikano sa ating bansa. Noong 1898 lubusan ng napasailalim sa kamay ng mga Amerikano ang bansang Pilipinas dahil sa Tratado ng Paris at lumipas ang taon, pumaslang, nagtortyur, at nanunog ng lupain ang mga kolonyalismong Amerikano ngunit tinakpan ang krimeng ito sa pamamagitan ng "Benevolent Assimilation" na idineklara ng pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley noong Disyembre 21, 1898, aniya ang mga Amerikano ay hindi kalaban kundi isanf kaibigan na tutulong upang protektahan at makamit ang kalayaan ng bansa. Dahil sabik sa kalayan ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol, tauo ay nag pauto at nagbulag-bulagan parabsa kalayaam na kailanman hindi natin naasam sa kamay ng mga Amerikano. Sinasabing ang bansang Pilipinas ay malaya na noong Hulyo 4, 1902 ngunit ipinaglalaban pa rin nina Artemio Ricarte at Macario Sakay na maranasa ng mga Pilipino ang tunay na kalayaan. Hindi din sila nag tagumpay at nanaig ang administrasyong kolonyal. Dumaan qng mga pangulo ng republika ngunit halos lahat sila ay sumasang-ayon lang sa kung ano ang idikta ng mga hegemonyang bansa. Kung ating babalikan sa aking huling blog, isinasaad doon na ang edukasyon ang ginamit ng mga Amerikano upang tayo ay sakupin at ito ang sanhi kung bakit umabot pa sa sangdaang taon na tayo ay inalipin. Ayon kay William Howard Taft ang unang gobernador ng Amerika ay magka-akibat ang kalakalan at ang edukasyon, ito ang ginamit upang palakasin ang pwersang Estados Unidos. Noong 1922, ayon sa mag asawang Austin at Josephine Craig ang kabataan ang madaling maimpluwensyahan kung kaya't ibinahagi ang edukasyon sa kabataan at ituro kung ano ang buhay ng mga Amerikano, kung ano ang pinag-aarqlan, hindi kung ano ang mga Pilipino, historya at edukasyon ng bansa. Kung ating titignan ang wikang Ingles ang dineklarang wikang panturo at pinaniwala tayo na ang pag-gamit nito ang paraang upang makamit ang tunay na edukasyon. Itinuturo rin naman ang edisyon ng Pilipinas ngunit mas binibigyang priyoridad ang pag gamit ng libro mula Amerika at pag turo ng kulturang Amerikano. Ang naging bunga nito ay ang mga Pilipino ay isinasabuhay kung paano mamuhay ang mga Amerikano, ginagamit ang wikang Ingles sa edukasyon at muntikang matabunan ng sariking wikang Filipino kasabay ng pag usbong ng paggamit ng taglish. Noong hanggang sa kasalukuyan pinaniniwala pa run tayo na habang lumalago tayo sa pag-aaral tayo ay yayaman at makakamit ang ating pangangailangan sa buhay. Kung ang edukasyon ang nagpahaba sa panunungkulan ng mga Amerikano saatin, gawin din natin na ang edukasyon ang mag papalaya sa Pilipinas mula sa mga mapang-abusong imperyalismo, suriin ang kalagayan ng ating kapwa at imulat natin ang ating isipan sa kasaysayan, politika, at edukasyon ng mga Pilipino upang makamit ang tunay at inaasam na kalayaan at demokrasya.
0 notes
femilynate · 5 years
Text
MisEdukasyon
Para saan ba ang edukasyon? Gaano ito kahalaga sa ating lipunan? Ano nga ba ang edukasyon? Marami ang nagsasabi na ang edukasyon ang natatanging yaman na hindi mananakaw ng kung sino man, ito daw ang mag papabago sa ating lipunan, ito ang hakbang upang ikaw ay makapag tapos at umunlad sa buhay, ngunit gaano tayo kasigurado na ang tinuturo saatin sa ating paaralan ay ang makakapag-paunlad saatin bilang mamamayang Pilipino? Kolonyalismo, kolonyalismo ang ugat kung bakit mayroon edukasyon saating bansa. Ang mga amerikano ang nagpakilala saatin ng edukasyon at ito ang ginamit nila upang tayo ay sakupin ng hindi natin namamalayan.Sa una hindi sila gumamit ng madugong paraan upang maging bayani sila saating paningin, sa pamamagitan ng paglakbay ng mga thomasites patungo saating bansa na saating isipan ito ang makakapag palaya saatin mula sa mga Espanyol. Sinakop tayo sa pamamagitan ng pag turo saatin ng sarili nilang historya, pamumuhay, kultura at wika na dapat natin silang gayahin at gawin kung ano ang meron sila ay itatak natin saating kaisapan dahil ito ay tama at nararapat at magpapaunlad saatin. Binulag tayo ng mga Amerikano sa elementarya hanggang hayskul ay ginagawa tayong "robotics" o "spoon feeding" na wala tayong karapatan na kwestyunin ang mga tinuturo saatin. Tayo ba ay tunay na naging malaya kung ang ating edukasyon sa kasalukuyan ay komersyalisado? Sa ating bansa karamihan sa paaralan ay pribado at karamihan hindi kapwa Filipino ang nag papatakbo at kung gusto mo ng magadang edukasyon at mag karoon ng magandang trabaho, sinasabi nila na mag "invest" ka muna sa sikat at may pribelehiyong paaralan. Hindi sapat na ang tinuturo lang saatin ay paano maging "globally competitive" dahil hindi tayo minumulat nito sa katotohanan, mga kursong inaakala nating mag papaunlad saatin, wala sa kaisipan ng karamihan na tayo ay magiging sunod sunuran at maging trabahador ng mga hegemonyang kumpanya at bansa. Ang tekstong ito ay nag sasaad kung paano tayo binulag at sinakop ng mga Amerikano patungkol sa edukasyon, palawakin natin ang ating isipan sa pamamagitan ng pag tuturo saating mga paaralan ng politika, edukasyon, at agham panlipunan, sariling historya namakakapag pamulat sa nakapikit nating mga mata at sa sarado nating kaisipan patungkol sa nangyayari saating lipunan.
youtube
1 note · View note