Tumgik
feenaaaaaa · 3 years
Text
"Ang pag dodoktor ay pangarap ko talaga. Ilang taon akong nag-aral para makamit kung nasaan ako ngayon kaya lahat ng Aking makakaya ay inaalay ko sa aking trabaho para sa mga taong nangangailangan ng tulong ko."
--Maydeline Bajelot-Dangca
Tumblr media
Sa dami ng nahihirapan dahil sa pandemyang ito, sa sakit na dulot nito, sa pamilyang nawalan, natatakot, at nangangamba nandyan ang mga health workers para gawin ang kaya nila. Mas iniisip nila ang mga pasyente at inuuna ito. Hindi nila kinakaya ang init ng mga suot nila at pawis, minsan pa nga ay nakakalimutan na nilang kumain. Ngunit hindi sila tumigil at nandyan parin para saatin.
Noong nakausap ko siya ay nag tanong ako ng mga katanungan at pinaunlakan naman niya ito. "Natakot ka ba?" Unang pagkalat palang ng Covid-19 ay natakot na ako sapagkat hindi biro ang kinahaharap ko. Humaharap ako sa madaming pasyente at may pamilya akong inuuwian. Nag dalawang isip pa ako kung kakayanin ko bang isakripisyo ang buhay ko o ang pangarap ko. Ngunit pumasok sa isip ko kung ano nga ba ang pangarap ko, ang makatulong sa marami lalo na ngayon. Hindi ko kayang isakripisyo nalang ang pangarap ko at hayaan silang mag-isa na lumaban. "Ano ang naging pag-subok na mahirap na kinaharap mo?" Ang pag-subok na kinaharap ko ay noong nalaman kong positibo sa covid-19 ang aking mama. Pinanghinaan ako ng loob at nawalan ng pag-asa. Lahat ng tulong na ginawa ko sa iba ay parang wala lang. Natakot ako na mawala ang aking ina kaya nag-dasal talaga ako sa Panginoon na sana gumaling siya sapagkat hindi ko pa kaya. Ngunit sa kasamaang palad ay kinuha na siya. Masaya ako dahil nakapagpahinga na siya. Ititigil ko na sana ang pagiging doktor ngunit ang huling salita ng Aking ina ang nakapagpalakas sa akin, "Nak, ipagpatuloy mo ang pag-tulong sa iba. Hindi man ako naka recover ngunit nagawa mo naman ang makakaya mo upang tulungan ako. Anak salamat. Ipagpatuloy mo ang pangarap mo mahal ka ni mama." Kaya nabuhayan ako at hindi pa rin naalis sa pangarap na gusto ko. "Ano ang lesson na nakuha mo sa pag-tulong mo at sa lahat ng pinagdaanan na kinaharap mo?" Para sa akin ay hindi talaga tumigil sa pangarap na gusto mo sapagkat kung saan ka masaya ay nakakatulong ka. Ang pagiging doktor ko ay hindi lang para maahon ako sa kahirapan ngunit may ibang rason kung bakit nga ba tinatahak ko pa rin ito, ang makitang masaya at gumaling na ang mga pasyente ay isang malaking haplos sa puso ko. Sobrang saya makita ang mga pasyenteng masaya at makakauwi na sa kanilang pamilya. Lahat ng pagod at hirap ko ay nawawala pag-nakikita kong masaya at magaling na sila. Ang gusto niyang ipahayag sa lahat "Huwag kang bibitaw sa pangarap mo kung alam mong maganda ang naidudulot nito. Maraming mga pag-subok na dadaan sa pag tahak mo ngunit tatagan ang loob at palaging isaisip ang Panginoon. Maraming pagkakataon na madadapa ka at mag da-doubt sa kakayahan mo ngunit alalahanin mo kung para saan ang pag-tulong mo. Sa pagtatapos ay gusto ko lamang pasalamatan si Maydeline Dangca sa pag papaunlak ng mga tanong ko. Sa mga frontliners na pagod, pawis at ang kanilang buhay ang inaalay para lamang maging ligtas tayo sa mapangambang sakit na tinatamasa natin ay malaking salamat sapagkat kung wala kayo ay paano na lamang ang mamamayang pilipino.
2 notes · View notes