Tumgik
denberstuff · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Buhay drayber.
Sa likod ng isang manibela ay isang taong maraming kwento at pinagdaanan sa buhay. Tulad ng sasakyan, maraming paghihirap ang dinaanan nito bago makarating sa paroroonan at ganon din sa tao. Ako bilang estudyante, marami narin akong napagdaanan sa buhay at dadami pa ito sa mga susunod na hakbang ko sa aking buhay.
Simula ng matuto akong magmaneho, wala na akong ibang ginawa kundi mag-maneho ng mag-maneho. Sa tuwing may biyahe kami ng aking pamilya, ako lagi ang pinagmamaneho. Minsan ay nagtataka sila kung ba ako nangangalay? Ang sagot ko naman ay hindi.
Hindi dahil ito talaga ang gusto kong gawin, kahit magbiyahe pa ako ng buong araw ay hindi ako mapapagod. Dito ko nailalabas lahat ng aking damdamin maging masaya, takot at lungkot. Sabi ng iba ay sa una lamang masaya ang pagmamaneho pero pag tumagal na ay hindi na ito nakakatuwa, pero saakin nama'y hindi. sa tatlong taon kong pagmamaneho ay hindi ko iyon sinabi sa tana ng buhay ko dahil nga ito talaga ang gusto kong gawin. Dahil gusto kong magsaliksik kung saan saan kaya naman gusto ko rin maging isang flight attendant at piloto. Sa pagmamaneho ko rin natutunan na dapat umabante ka lang ng umabante at wag nang balikan ang nakaraan at tignan at ipagpatuloy ang paglalakbay dahil mas marami ka pang masasaliksik.
Maraming tayong kwento sa buhay kahit ang mga taong kilala natin. Base naman sa aking kaalaman, maraming akong napapansin na nilalait ang kanilang sasakyan samantalang yung nagsasalita mismo ang baka walang sasakyan. Huwag nating husgahan ang isang tao dahil sa kanyang sasakyan dahil hindi natin alam kung ano ang kwento nila dahil may kwento ang kanilang sasakyan. Tulad ng pagkakaroon ng sentimental value na baka ito ang una niyang sasakyan, baka ito ay regalo ng kanyang mahal sa buhay, baka ito ay kanyang paghihirap sa buhay upang makuha ang gusto niyang sasakyan. Marami pang posibleng kwento iyan kaya hayaan nalang natin sila at isipin ang sariling buhay, hindi yung nanghuhusga ng ibang tao kung ikaw mismo ay walang ganong bagay.
Sa mga taong naghahangad ng mga bagay bagay, wag kayong mapagod na mangarap dahil ito lang ang libre. HAHAHAHA. Biro lamang, pero totoo, libre ang mangarap walang makakapigil sayo. Mangarap ka ng mangarap, paghirapan mo at ito rin ay makakamit mo sa tamang panahon. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo agad, makukuha mo ito pero sa tamang panahon.
Nung panahon na ako ay nangangarap magkaroon ng sasakyan ay hindi ako tumigil sa aking pangarap, tinuloy tuloy ko ang aking pangarap hanggang sa naglabas kami ng Toyota Vios 2017 model nung november 25, 2017. Napakalaking achievement nito para sakin dahil bata pa lamang pinapangarap ko ng magkaroon ng sariling sasakyan ngunit ngayon meron na. Magulang ko naman ang gumagamit ng sasakyan😹😹. Pero kahit papano ay nakamit ko na ang isa sa mga pangarap ko at marami pa akong makakamit na pangarap sa daan.
kaya kung kaya ko, kayang kaya niyo rin! Huwag makinig sa sinasabi ng iba na wala tayong makakamit. Mangarap lang ng mangarap para sa ating pangarap!
1 note · View note