Tumgik
czrnsntsmrn-blog · 5 years
Text
Di ko maintindihan
Bakit sa t’wing may isang taong nawawala ang daming mga “kaibigan” o mga “taong malalapit” sa kanila ang nagpopost sa social media ng “Mamimiss kita, mahal na mahal kita sana nasabi ko ‘to nung buhay ka pa.”, “Ang daya mo iniwan mo agad kami.” , “Sabi mo ganito... sabi mo ganiyan..” ang my deep condolences para sa mga taong namayapa na ang mga taong mahal nila, and it triggers me at the same time. Bakit kailangang ipost yung mga salitang yon? In the first place hindi naman talaga nila naipakita na may halaga yung taong yon nung nabubuhay pa siya? Bakit kailangan kug kailan kinitil na niya ang sarili niyang buhay atsaka eeksena ang mga “MaHaL Sa BuHaY” nung taong namatay? ano point ng sinasabi na mahal niyo sila? Eh hindi nila yun naramdaman? Di naman na nila makikita yun eh, kasi wala na sila. Sana, sa mga taong malapit sa inyo, patuloy kayo magpakita ng totoong aruga at pagpapahalga sa kanila, wag niyo idaan sa social media, kasi hindi naman yun nararamdam. 
0 notes
czrnsntsmrn-blog · 6 years
Text
Itim na Paru-paro
Nagmula sa uod
Nabuo para maging isang itim na paru-paro
Malayang lumilipad sa kawalan,
Dumapo sa magandang bulaklak.
Binugaw ng maraming madla
Dahil sa kakaibang ganda
Na itinuring na malas
At walang silbi sa kapaligiran.
Lumipad sa Malayo,
Dumating ang ulan.
Umiyak ng madahas
“Bakit di ako tanggap ng lahat?”
Malakas na kulog
Sumunod ang bilis ng kidlat
Tinamaan ang itim na paru-paro
Saba’y nanghina at namatay
#Tula #Pinoy #Depression
0 notes