Tumgik
cristalramosssss 4 years
Text
"IRAYA MANGYAN"
Tumblr media
Ang mga Iraya mangyan ay naninitahan sa Occidental Mindoro,partikular samga munisipalidad na Abra de Ilog,Paluan,Mamburao at Santa Cruz,sila ay mayroong kulot na buhok.
Tumblr media
Ang kasuotan ng mga Iraya mangyan ay gawa sa tuyong balat ng kahoy,dinurog nila ito upang makagawa ng patag at malambot na tela.Blusa para sa mga kababaihan at palda para sa mga kalalakihan.
Tumblr media
Sila rin ay gumagawa ng garapun,bandeha at platong may iba't ibang sukat at disenyo,gamit ang kasanayansa paghabi ng nito.
4 notes View notes
cristalramosssss 4 years
Text
Matalinong
Manggagawa Kalasag Ng
Bansa ! 馃嚨馃嚟
Jolina Calivara Subong聽|February 18,2020聽|聽Employee Tips聽|聽馃憸聽|聽聽聽聽聽
Matalinong Mangagawa! Kalasag ng Bansa
Bilang isang Manggagawa, kinakailangan na alam mo ang iyong mga karapatan upang maging maayos ang iyong pag hahanapbuhay.
Paminsan ay nagkakaroon ng mga hindi kanais nais na pangyayari sa pinagtatrabuhan kaya maiging alam nating lahat ang ating mga karapatan.
Narito ang ilan sa mga karapatan ng kailangan na malaman ng mga Manggagawa sa kahit anong Industriya:
1.Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho.聽Karapatan ng isang manggagawa ang tamang bayad para sa oras ng trabaho. Sakaling mag-over-time ang isang manggagawa, dapat bigyan siya ng karapat-dapat na pasahod. Kabilang din dito ang pag tamang pasahod sa mga nag ta trabaho sa gabi mula alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
2.Lingguhang Pahinga.聽Dalawampu鈥檛 apat na oras ang kailangang pahinga pagkatapos ng anim na araw na paggawa, at kailangan din ng konsultasyon sa mga manggagawa ukol sa kanilang araw ng pasok at pahinga.
3.Patas na Oportunidad.聽Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi mahalagang nakakamit mo din ang parehong oportunidad katulad ng ibang manggagawa.
4.Seguridad ng panunungkulan.聽Hindi maaaring patalsikin ang isang empleyado ng walang mabuting dahilan at kailangan dumaan muna ito sa tamang proseso.
5.Karapatan ng mga Kababaihan.聽Hiwalay ng palikuran o banyo, bihisan o lugar ng pahingahan para sa mga manggagawang babae. Kasama rin dito ang karapatan ng nagbubuntis na magkaroon ng panahon upang makapanganak.
6.Ligtas na Lugar na Trabaho.聽Ang bawat trabahador ay may karapatan na magkapag-trabaho ng walang panganib sa kanilang buhay o kalusugan. Ito ay dapat siguruhin ng mga employer o amo.
7.Tamang Edad ng Paghahanapbuhay.聽Ang legal na edad ng paghahanapbuhay ay labing walong taong gulang. Ngunit pinapayagan din naman ang ilan na may edad na hindi bababa sa labinlimang taong gulang kung may patnubay ng magulang at hindi mapanganib ang kanilang gawain.
8.Karapatan bumuo o makapag organisa ng isang lehitimong union.聽May karapatan na makipag-talastasan o makipag-usap tungkol sa kaniyang trabaho, mga hinaing at mga ninanais matupad sa kanilang trabaho, lugar ng paggawa at iba pang kaugnay nito.
Ang anumang karapatan ng mayroon ka bilang manggagawa ay dapat na alamin at pag-aralan. Binuo ang mga karapatang ito upang ikaw ay pangalagaan upang mas maging produktibo, malusog at mainam ang iyong maging serbisyo sa iyong pinapasukan, at upang kumita ka para sa iyong sarili.
Mahalaga ang ginagampanan ng bawat indibidwal na manggagawa sa sektor ng paglilingkod maging sa bansa. Ikaw ang mistulang susi sa pakikibaka at pagpupunyagi ng bansa pagdating sa Ekonomiya. Maging matalinong manggagawa upang magpunyagi sa iyong kinabibilangang propesyon o Trabaho .
Para sa iba pang artikulo tulad nito, maaring pumunta sa ating聽Career Advice聽at聽Employee Tips聽section ng ating blog.
Credits to: Irsmael Escolar
Tumblr media
Article Reference聽: @philjobnet
64 notes View notes