Tumgik
chescaxfil14 · 11 years
Text
Pasasalamat (atbp.)
Tapos na ang kurso ko sa FIL14 at masasasabi kong hinding hindi ko malilimutan ang experience kong ito dahil kay G. Samar. (Sir, kung nagtataka po kayo kung pa`no po kayo naging maaaring paksa ng blog, well, nabanggit niyo naman po `yung sarili niyo nitong linggong ito kaya, tada! :D Naisipan ko pong pasalamatan kayo sa kahuli-hulihang blog entry ko. Haha. Segue. :D)
Nang nag-enlist ako sa klase ni G. Samar, hinanda ko na ang sarili kong mahirapan. Sari-sari ang narinig ko tungkol sa kaniya ngunit ang pinaka-pinakinggan ko ay ang sinabi ng matalik kong kaibigang si Jessica Orense. J Prep kami nang una kaming magkakilala. Tinanong niya ako kung Biodegradable ba o hindi ang balat ng saging na katatapos niya lang kainin. Nagulat ako dahil noon, nanibago akong may batang may pakialam sa ganoong bagay. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang `yun noon. Kaya nanghula na lang ako. Mabigyan lang siya ng sagot. Simula noon, naging matalik na kaming magkaibigan.
  Kabadong kabado ako nang tanungin ko siya kung ano ang mga dapat kong asahang pagdaanan kay G. Samar. Nagulat ako sa sagot niya. Sinabi niyang hindi naman masyadong terror si G. Samar. Maraming pinagagawang pagsasanay ngunit kapag naman daw pinaghirapan at talagang binigyan ng oras, nakikita naman daw niya ang pagsisikap ng kaniyang mga mag-aaral. Ang mga paalala niya lang sa `kin ay H`wag matakot maging malikhain at “Think outside the box”. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil dito.
  Nagustuhan ko si G. Samar. Natuwa ako sa estilo niya sa pagtuturo. Kawili-wili para sa `kin ang mga pagsasanay na pinagagawa niya sa amin. Malaki ang pagpapahalaga niya sa creativity at dahil dito, nais ko siyang pasalamatan. :)
  ♔♔♔♡♔♔♔
  G. Samar,
            Maraming salamat po sa isang `di malilimutang semestre. Talagang nag-enjoy po ako sa klase niyo. Sa bawat araw, hindi ko po naisipang isang pabigat ang iyong klase. Sana napagsilbihan ko po kayo bilang beadle niyo.
            Sa totoo lang po, para sa `kin, kakaunti na lang po ang mga gurong tulad ninyo (O minamalas lang talaga ako sa mga guro ko. Haha. Pero sa case ko po, totoo po `yan. Haha). Maraming salamat po sa pagbibigay ng halaga sa lahat ng anyo ng creativity. Napaka-open-minded niyo po kaya talagang nahihikayat kaming mga mag-aaaral na ipakita ang mga kaya naming gawin.
            Alam ko pong hanggang ngayon, marami pa rin akong kailangang matutunan. Hindi pa rin po ako bihasa sa gramatiko at pagbabaybay. Ngunit nakatitiyak po akong marami po akong natutunan mula sa inyo. May mga nagbago naman po sa akin at nag-improve naman po talaga ako. J
            Salamat po sa walang-sawang pag-eencourage sa amin sa bawat pagsasanay na ginagawa namin.  Salamat din po sa paggamit ng paraan ng paggradong pabor sa amin. Haha. Sobrang laking karangalan pong mabigyan ako ng pagkakataong maging guro ko po kayo. :)
            Sana po, matagal pa po kayong magturo upang marami pa po kayong ma-inspire na mga estudyante. Maraming maraming maramingggg salamat po. Sana po, patuloy po kayong biyayaan ng Diyos dahil alam ko pong karapat-dapat po kayo sa mga iyon! Sa muling pagkikita po. Ingat po palagi.
  ♡Chesca :)
PS. Simula po noong kinwento niyo `yung tungkol sa praning moment niyo sa LRT/MRT, medyo napapa-isip na rin po tuloy ako sa tuwing sasakay ako doon. -,- Hahaha. Wala lang. Share ko lang. =))
0 notes
chescaxfil14 · 11 years
Text
Diary ng Isang Hopeless Romantic
                  Sa kalilipas lang na linggo, pinagpatuloy ang pagtalakay ng mga maikling kuwento ni Tony Perez. Bahagyang napag-usapan din sa klase ang nobelang sinulat ni G. Samar na Walong Diwata ng Pagkahulog. Nabanggit niya kung ano ang mga pinagdaanan niya noong siya’y nagsisimula pa lang magsulat.
                  Simula noong nakapasok ako sa Ateneo, hindi na ako nakapagsusulat ng mga blogs. Pero dahil sa kuwento ni G. Samar, pinukaw nito ang manununulat sa loob ko.
                  Hindi ako bihasa sa pagsusulat ng mga nobela at kahit ng mga maikling kuwento man lang. Ngunit bilang isang tipikal na tao, marami akong naiisip na maiikling kuwentong bunga ng aking pag-araya. Isa sa mga `yon ang Diary ng Isang Hopeless Romantic.
                  Hindi ko kadalasang sinusulat ang mga ideyang maaaring mabilang sa koleksiyong ito. Kadalasan, naiisip ko lang ang mga ito sa pinaka-random na panahon at tila automatiko itong nabibilang sa #DiaryNgIsangHopelessRomantic.
                  Nais kong ibahagi sa blog entry na ito ang isa sa mga naisip ko para sa Diary ng Isang Hopeless Romantic.
-----------------------------------------------------
Mayo 5, 2013
Hay. Nakita ko na naman siya. Nakatutuwang isiping kahit hindi kami madalas mag-usap ay tila may paraan pa rin ang tadhana upang muli kaming magkita. Sa tatlong beses na pagpunta ko roon, tatlong beses ko rin siya nakita simula noong una ko siyang nasilayan. Kapag sinusuwerte nga naman, oo. :)
Umupo ako sa kaniyang tabi. May nagsimulang debate sa aking isip. “Naku! Baliw ka talaga. Ilang beses ka nang tumatabi sa kaniya! Baka makahalata na `yan!” “Hindi, hindi. Chill ka lang, girl! Ang kapal naman niya kung iisipin niyang sinasadya mong tumabi sa kaniya.” “Eh, pero totoo naman, `di ba? Sinasadya mo naman talaga.”
Tayo. Upo. Tayo. Hindi ako mapakali sa dapat kong gawin dahil mas naaburido ako sa kung ano ang nilalaman ng kaniyang isip. Tiningnan ko siya. “Ano kayang iniisip niya? Nahahalata na kaya niya ako?” “Huy! Huwag mo ngang tingnan `yan nang ganiyan. Kapag nakita ka niyan, naku po! Tiyak na mabibisto ka.” “Totoo. Pero, paano naman niya makikitang tinitingnan ko siya kung 'di niya rin naman ako tinitingnan, `di ba?”
Kaya sa loob loob ko, naisip kong hindi naman siguro masama kung mahuli niya ako. Kasi totoo, `di ba? Mahuhuli ako kapag lang tiningnan niya rin ako at bakit ko naman ikalulungkot `yun? Naistorbo ang debate sa aking isip nang biglang hawakan niya ang aking kamay.
“Ha? Ano `to? Ba’t bigla niyang hinawakan ang kamay ko?” “Huwag ka na ngang umangal! Lubusin mo na lang `yan.” “Siguro, matagal na rin niya akong pinagmamasdan. Hay. :')” Wala pa ring humpay ang pag-agos ng sari-saring posibilidad sa isip ko na sinabayan ng pakiramdam na kahit kalian ay di ko pa nadarama.
Ngunit matapos ang ilang sandali, binitawan na niya ako. Nadismaya ako dahil ang mala-teleserye feeling ay nagwakas na. Bigla na lang nawala nang parang bula.
Ay. Tapos na pala ang Our Father. #HuwagKasingAssuming
- Wakas :) -
0 notes
chescaxfil14 · 11 years
Text
Si Luna Luningning :)
Para sa Pagsasanay Blg. 6 at 7, pinagawa kami ng unang labas ng sarili naming komiks. Natuwa ako sa pagsasanay na ito dahil bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang pag-guhit. Sa kasawiang palad, simula noong pumasok ako sa kolehiyo, hindi ko na ito madalas nagagawa dahil sa dami ng dapat kong gawin. Mga bagay na mas importante daw kaysa sa pag-guhit. Mabuti na lang at nagkaroon kami ng pagsasanay na ganito at nagkaroon din ako ng pagkakataong gumuhit muli. Sa totoo lang, kahit nahirapan ako dahil nga matrabaho ang pagsasanay na ito, hindi ko siya itinuring bilang isang pabigat. Inalala kong isa itong biyaya dahil kailan pa ulit ako mabibigyan ng pagkakataong gumuhit, `Di ba? :) Isang linggo ang binuhos ko para sa tatlong pahinang ito at bagamat hindi ito kasing-ganda ng naisip ko, kontento naman ako sa naging resulta ng pinaghirapan ko. :) 
Kay Sir Egay, kung nababasa niyo po ito, maraming-maraming salamat po sa pagbigay ng pagsasanay na ganito. Isa po ito sa pinaka-nagustuhan kong pagsasanay (so far). Sa simpleng pagbibigay ng ganitong pagsasanay ay napasaya niyo po ang mga katulad ko. (Dahil sigurado po akong marami pang mga estudiyanteng nawalan na rin ng oras upang gawin ang mga bagay na kinahihiligan nila dahil inilalaan na ang oras sa pag-aaral).
At ito na nga ang unang labas ng aking nilikhang komiks; Ang Luna. Ningning. Luningning. ★
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
chescaxfil14 · 11 years
Text
♡♡♡
Chesca Magnayon FIL14 Seksiyon E G. Samar
Nitong nakalipas na linggo, napag-usapan sa klase ang kasaysayan ng Filipino komiks. Kasabay rin ng pagtatapos ng linggong ito ang kaarawan ng isa sa pinaka-importanteng tao sa akin. Ito ang aking lola. :)
Siya ang nag-alaga sa `kin simula noong bata pa ako at malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Dahil dito, napagpasya kong i-dedicate ang blog entry para sa linggong ito sa kaniya. Pinili kong gawin siyang bida sa mga simpleng komiks na nilalaman ng blog entry na ito dahil kadalasan, may mga pagkakataon kung kailan naiisip niyang `di siya napahahalagahan dahil hindi niya natamasa ang makapagtapos ng pag-aaral. Ginawa ko ang blog entry na ito upang ipakita na sa kabila noon, pinagmamalaki't pinahahalagahan ko siya at hindi sukat ng halaga ng isang tao ang narating niyang edukasyon.
Gumawa ako ng ilang komiks na nagpapakita ng mga karaniwang mga nakatutuwang pangyayari o araw-araw na bloopers ng aking kyut na kyut na lola. :)
NOTE: Nikki ang aking palayaw sa bahay at mga kamag-anak :)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
TRIVIA: Sa lola ko ako natutong manood ng wrestling :)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mensahe para sa aking lola: Maligayang Kaarawan po! :) sana po, na-ibigan niyo po itong mga ginawa kong komiks para sa inyo. Maraming-maraming salamat po sa pagsasakripisyo po ninyo alang-alang sa amin. :) Mahal na mahaaaal ko po kayo! :) Sisikapin ko pong bisitahin kayo sa lalong madaling panahon. Maligayang Kaarawan pong muli!
Tumblr media
0 notes
chescaxfil14 · 11 years
Text
Ang Kaibigan Kong Grammar Nazi
Ni Franchesca Nicole H. Magnayon FiL14; Seksiyon E
————————————————————————————————————————————-
Napag-usapan sa klase ang mga kadalasang nakaliligtaan ng mga mag-aaral. Nilalaman ng blog entry na ito ang isang chat ng dalawang magkaibigan.
Kung pupunahin, hindi gaanong marami ang mga Grammar Nazi para sa wikang Filipino kung ikokompara sa wikang Ingles. Grammar Nazi ang tawag sa mga taong napakametikuloso sa gramatiko. Wala silang pinalalagpas na kahit anong taliwas sa tamang gramatika. Mapapansing sa pakikipagtalastasan sa kapwa, bihira ang pagbibigay ng pansin sa tamang gramatiko.
Ito ang isang situwasyon kung saan may Grammar Nazi ngunit sa wikang Fiipino naman.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Meme na ginamit ay hindi sa akin. Nagmula ito sa: http://ragecollection.com.
1 note · View note
chescaxfil14 · 11 years
Text
El Bimbo Variation
Ang litrato ni Paralumang nasa ibaba ay iginuhit sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsusulat ng pangungusap na “Kamukha mo si Paraluman noong tayo ay bata pa”
Tumblr media
Kapag tiningnan nang malapit ang guhit:
Tumblr media
1 note · View note