Tumgik
charisse-n · 2 years
Text
Gender roles
Ang GENDER ay ginagamit upang tukuyuin kung isang tao ay lalaki o babae (masculine/ feminine).
Tumblr media
Paano?
Sa ating lipunan ay mayroong tinatawag na GENDER ROLES kung saan ito ang nagsasabi kung paano dapat gumalaw ang isang tao. NGUNIT ang gender ay hindi tumutukoy at maaari pang hindi nakabatay sa kung anong sexual o reproductive organs mayroon ang isang tao. Ang pagkakaroon ng gender roles ay maaaring magdulot ng gender stereotypes na maaari ding humantong sa pagkakaroon ng diskriminasyon.
Tumblr media
Halimbawa ng gender stereotypes:
Sa media:
Kadalasang pinapakita sa mga media tulad ng tv ay mahinhin at emosyonal ang mga babae samantalang ang mga lalaki ay agresibo at matapang. Halimbawa nito ay sa cartoons, ang kadalasang super heroes o nagliligtas ay mga lalaki.
Tumblr media
Sa edukasyon:
Ang mga lalaking estudyante ang inahaasang magulo at malikot habang ang mga babae ay hindi. Hindi nagiging magkahalubilo sa laro ang mga babae at lalaki sapagkat inaasahang iba ang larong panlalaki kaysa sa babae tulad ng doll, basketball, cars at iba pa. Ang mga babae ay inaasahang magaling sa arts, english habang ang mga lalaki ay sa math at science.Pagtutungtong naman ng kolehiyo ay inaasahang "naaayon" sa kasarian ang kukuning kurso. Halimbawa sa lalaki ay pagpupulis at pagiging piloto habang ang mga "pambabae" ay pagiging nurse at guro.
Tumblr media
Sa trabaho:
Inaasahang magagaan na trabaho lamang ang kaya ng mga kababaihan at ang mga mabibigat na trabaho ay para sa mga kalalakihan. Dahil dito bihira, matanggap sa trabaho ang mga kababaihan dahil binabase nila ang pagtanggap ayon sa kasarian. Minsan naman kahit matanggap ang babae , mas mataas pa din ang binibigay na sweldo sa lalaki kaysa sa babae sa parehong trabaho.
Tumblr media
Sa pamilya:
Sa mag-asawa, ang babae ang inaasahang maglilinis sa bahay, mag-aalaga sa anak at magluluto habang ang lalaki ang inaasahang kumita ng pera at mag-ayos ng sirang gamit sa bahay (appliances, etc.).
Sa lipunan:
Ang mga kadalasang inaasahang lider ay lalaki at sinasabing mahina ang kakayanan ng mga babae upang mamuno na isang lipunan. Gaya ng nakikita sa media, ang mga lalaki sa lipunan ay inaasahang matapang, hindi naiyak, malakas, hindi nangangailangan ng tulong at ang kabaligtaran ng mga ito ang inaasahang sa mga babae.
Epekto:
Dahil sa gender stereotyping, maaaring hindi ma-express ng isang tao ang tunay at lahat ng kanyang nararamdaman dahil baka madiskrimina. Bilang isang babaeng teen-ager, naaapektuhan ako nito sapagkat dahil sa pagkakaroon ng gender streotypings medyo nalilimitahan ang kakayanan ng mga kababaihan. Ngunit sa tingin ko, sa panahon ngayon ay nabawasan na ang pagkakaroon ng gender stereotyping kaya wala na itong masyadong epekto sa akin. Sa panahon ngayon ay marami na ang naniniwala na pantay dapat sa lipunan ang babae at lalaki. Nagkakaroon na rin ng batas tungkol sa pagkakapantay ng lahat ng kasarian o gender.
~
"Every man has a feminine side, and every woman has a masculine side. It is important to use discipline with intuition and to use intuition with objectivity." - Paulo Coelho
(Photos not mine. Credits to the rightful owners.)
Salamat po sa pagbabasa. -Charisse Navarrete
0 notes
charisse-n · 2 years
Text
Dinastiyang politikal sa bansang Pilipinas
Tumblr media
Pagpapakahulugan:
Ang Dinastiyang politikal o Political dynasty sa ingles ay pagiging involve ng halos buong angkan sa politika.
Dito, ipinapasa sa mga kamag-anak o inihahalal sa ibang posisyon ang kanilang kadugo upang sila parin ang namumuno o manatili ang kanilang kapangyarihan sa isang lugar sa pagdaan ng panahon.
Ito ay laganap na noon pa man hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo kung saan tinatawag itong monarkiya. Nagagamit nila ang kanilang yaman at impluwensiya upang ang kanilang pamilya padin ang mamuno hanggang sa kasalulukyang panahon.
Tumblr media
Naipagpapatuloy ang mga proyekto para sa bayan.
Madaling naisusulong ang mga bagay-bagay dahil malawak ang kapangyarihan sa pamahalaan.
Ang mga taong nasa gobyerno ay maasahan dahil naging mabuting lider ang kamag-anak nito.
Tumblr media
Nawawalan ng tunay na “checks-and-balances” sa gobyerno kung saan pwedeng magdulot ng korupsyon.
Nakasisira sa esensiya ng demokrasya dahil sila lang ang palaging mamumuno.
Nagdudulot ng kahirapan at kawalan ng pag-unlad
Nagbubunga ng hindi magandang politika at pagdurusa ng pangkaraniwang mamamayan
Tumblr media
Ang magandang epekto ng political dynasty ay mayroong kaakibat na hindi magandang epekto. Halimbawa, ang pagpapatuloy ng mga proyekto para sa bayan, maganda ito dahil hindi natitigil ang magandang proyekto ngunit nagdudulot ito ng kawalan ng pag-unlad kung laging pareho ang projects at ideas sa pagdaan ng madaming taon. Kahit walang political dynasty maaari pa din namang ipagpapatuloy ang magandang proyekto ng nakaraang administrasyon ng bagong administrasyon at maaari pa itong madagdagan kung maayos ang ibinoto at nanalo as public official kahit hindi pa nila ito kamag-anak.
Sunod na magandang epekto ng political dynasties ay pagiging maaasahan ng kamag-anak ng nakaraang administrasyon. Sa tingin ko kahit gaano kagaling ang isang public official ay maaari pa ding hindi maging kwalipikado ang kanyang asawa, anak, apo na gustong pumalit sa kanya. Kahit kwalipikado naman ang kamag-anak nito, sa tingin ko ay dapat mabigyan pa din ng tyansang manalo ang ibang hindi nila kamag-anak dahil hindi lang naman ang pamilya nila ang kwalipikado sa buong Pilipinas.
Para sa akin, mas marami ang di magandang epekto ang pagpatuloy ng political dynasties kaya dapat itong iwasan. May mga batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng political dynasty tulad ng 1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Ito ay may loophole na nage-enable sa pagpatuloy ng political dynasties.Mayroon ding ibang inihain noon pa man na Anti-Dynasty Bill, ngunit hanggang ngayon, wala pa ding naipapasang anumang batas para hadlangan ang political dynasties.
Tumblr media
Maaaring hindi na ito mawawala kasi masyado na itong laganap at mukhang imposibleng may maipasang Anti-Dynasty Bill sapagkat karamihan sa dadaanang proseso nito ay ang pagpayag ng mga miyembro ng kongreso na nanggaling sa political families.
Tumblr media
May nakita akong article na dapat mawala ang kita sa politika upang mawala ang paghahangad ng pami-pamilya na pasukin ang politika at gawing family business, na hindi dapat ganoon kadali para sa mga nahalal na opisyal na kumita ng salapi, upang ang tumakbo lamang ay ang tunay na nagnanais na maglingkod nang tapat sa bayan.
Sa tingin ko kahit patuloy na tumakbo ang mga na sa political families, nasa mamamayan pa din ang desisyon kung iboboto nila ang kandidato dahil sa apelyido o dahil ito ay kwalipikado.
Tumblr media
Salamat po sa pagbabasa. -Charisse Navarrete
0 notes
charisse-n · 3 years
Text
"Globalization is incredibly efficient but also so far incredibly unjust" -Pascal Lamy (Former European Commissioner for Trade)
Ano nga ba ang globalisasyon?
Ang Globalisayon ang pagsulong ng pandaigdigang kalakalan o international trade sa pamamagitan ng pagbubukas ng pambansang hangganan at pagbabawas sa paghihigpit sa pag- angkat ng produkto. Sa madaling salita, ito ay internasyonal na integrasyon.
Tumblr media
Paano nakaaapekto ang Globalisasyon?
Ito ay may malaking ambag sa kung ano ang nasa kasalukuyan. Noon pa lamang ay makikita na ang globalisayon tulad noong 1400-1750 kung saan naging tanggap ng iba't ibang bansa ang simbahang katoliko.Ngunit mas lalo itong lumawak kasabay ng paglago ng teknolohiya tulad ng eroplano, smartphone, at internet kung saan mas napapadali ang pagkakaroon ng palitan at pagtutulungan sa mga gawaing kultural panteknolohiya, pampolitika at pangkapaligiran ng iba't ibang lugar.
Magandang epekto
Ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang bansa ay isa sa magandang epekto ng globalisasyon.Dahil sa malayang kalakalan nagkaroon sa Pilipinas ng mura at mabilis na transportasyon at komunikasyon.Napalawak din nito ang ating kaalaman sa siyensa at kabuhayan.
Tumblr media
Sa kasalukuyang panahon, ang maaaring maging magandang epekto nito ay pagkakaroon ng papaunlad pa lamang na bansa ng proteksiyon sa panganib na sakupin o pagsamantalahan ng mas mauunlad na bansa.Maaari ding matugunan ang problema ng mga bansa ukol sa edukasyon, kapaligiran, organisadong krimen, at kahirapan.
Tumblr media
Sa kabila ng ganitong magagandang epekto, maaaring mas higitan ito ng mga nakapipinsalang mga epekto ng globalisasyon.
Hindi magandang epekto
Pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap.
Pagkawala ng uniqueness ng isang bansa dahil sa pagpapalitan ng mga kultura kung saan nagbibigayang daan ang mga indibidwal upang sumalo o makibahagi sa pinalawak na panlipunang relasyon.
Kapag ang isang bansa ay bumagsak mahihila din ang iba pang mga bansa.
Maaaring ang likas na yaman sa mga developing countries ay mapagsasamantalahan sa mabilis na paraan.
Ang mga lokal na negosyo ay hindi kayang matugunan o mapapantayan ang internasyonal na pamantayan o international standard.
Epekto sa aking personal choices sa buhay
Tumblr media Tumblr media
Nakaapekto ito sa akin tulad sa pamimili ng damit, kadalasang sinusuot ko ngayong damit ay ang mga uso ngayong sa pilipinas na nakuha mula sa ibang bansa Ganoon din sa hairstyles. Sikat ang bansang Korea ngayon sa pilipinas kaya kadalasang nauuso din sa Pilipinas ang mga uso sa South Korea.
Mayroon din sa aking playlist na kantang nagmula sa ibang bansa kung saan ang iba ay nanggaling sa OST ng mga pinapanood kong movie or series na gawa sa ibang bansa na sumikat din sa Pilipinas sa tulong ng social media.Sa mga kanta o palabas ko din kadalasan na eencounter ang iba't ibang linggwahe na minsan ay na-aadapt ko.
Tumblr media
Naka-apekto din ang globalisasyon sa aking choices sa pagkain tulad ng pagkahilig sa milktea, samgyupsal at iba pa.
Mayroon pa bang bahagi ng aking buhay na maituturing kong 100% Filipino?
Sa tingin ko unti na lamang ang 100% Filipino na gawi ko ngayon .Isa dito ang paggamit ng po at opo bilang paggalang. Mula pagkabata ay ito na ang gawi ng karamihan sa mga Pilipino.Ang isa pa ay ang mga tinatawag na larong pinoy, ito ang pinagkakaabalahan ko noong di pa napakauso ng gadyet o bihira ito ipagamit sa bata. Marami ang larong hindi ginagamitan ng gadyet pati sa ibang bansa ngunit mayroon din ang Pilipinas na sariling larong naimbento tulad ng patintero, luksong baka, tumbang preso at iba pa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mayroon ding mga pagkain sa pilipinas talaga nagmula na hanggang ngayon ay madalas parin kinakain ng mga pilipino tulad ng adobo, sinigang, bulalo, sisig at iba pa na aking paborito. Isa pa sa maituturing kong 100% Pilipino ay ang paniniwala sa mga pamahiin (paniniwala ng mga matatanda na madalas ay walang batayan at hindi maipaliwanag kung bakit kinakailangang sundin), halimbawa nito ay huwag matutulog na paharap sa pinto dahil hihilahin ni kamatayan, magpaputok ng malalakas sa bagong taon upang itaboy ang malas, at marami pang iba.
Paano ko naiimagine ang Pilipinas kung wala itong bakas ng impluwensiyang resulta ng globalisasyon?
Sa tingin ko kung walang globalisayon, ngayong taong 2021 , ang pamumuhay sa Pilipinas ay parang noong taong 1800 kung saan hindi pa gaanong karami ang nadidiskubre.Dahil pantay-pantay lang kakayahan ng isip ng tao upang mabuhay, sa tingin ko kung walang globalisasyon ay mayroon pa din ang mga sinaunang Pilipino na kakayahan madiskubre ang iba't ibang mga uri ng siyensa at teknolohiya, hindi ngalang gaanong kabilis tulad kung madami ang nagbabahagi ng kani-kanilang bagong diskubre.
Tumblr media
Sa tingin ko ang ating pinaka maiiba ay ang ating salita dahil napansin ko na karamihan sa salita ng mga pilipino ngayon ay hango mula sa salita ng ibang bansa.Maiiba rin ang paraan ng pagsulat na maaaring maging baybayin at maiiba rin ang paraan ng pakikipagkomunika sa ating kapwa(gestures).
Salamat po sa pagabasa. - Charisse Navarrete
(photos not mine. Credits to the rightful owners.)
1 note · View note
charisse-n · 3 years
Text
Kahirapan, kailan mawawakasan?
youtube
Mapapanood sa dokumentaryo ng Rappler na pinamagatang "tatlong araw" ang pamumuhay ng isang pamilyang kapos sa pera kung saan minsan isang beses sa tatlong araw lamang nakakain.
Iba't ibang isyung makikita sa dokumentaryo:
1. Unemployment
- Ang unemployment ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho.Ito ang sanhi ng iba't iba pang isyung makikita sa dokumentaryo. Ang kawalan ng trabaho ng magulang o tagasuporta sa isang pamilya ay nagdudulot ng kakulangan sa pagkain, edukasyon at iba pang pangunahing pangangailangan.
Tumblr media
Ang kanilang ilaw ng tahanan na si Geraldine Buenaflor ay walang disente o pang araw-araw na trabaho dahil sa kakulangan ng edukasyon at sa sakit na epilepsy. Ang kanilang ama ay unemployed dahil sa kakulangan ng edukasyon at pagiging matanda na. Isa sa dahilan ng unemployment ay diskriminayon. Marami ang maaaring maging disenteng trabaho ngunit marami rin ang nangangailangan ng trabaho kaya mas pinipili ng mga nagmamay-ari ng negosyo ang mga nakapagtapos ng pag-aaral, mas bata, maganda ang kalusugan o walang sakit at iba pa.
2. Teenage-pregnancy
Pang-apat ngayong taon ang Pilipinas sa may pinakamataas ng teenage- pregnancy rate sa South East Asia. Ang teenage-pregnancy ay pagkabuntis ng mga edad 20 pababa. Isa ito sa mga isyung dapat bigyang pansin sa Pilipinas.
Tumblr media
Ilan sa mga sanhi ng maagang pagkabuntis ay kawalan ng paggabay ng nakatatanda,kawalan ng impormasyon sa nasabing isyu, kuryosidad at pagrerebelde. Gaya ng sinabi ni Geraldine Buenaflor ay wala na siyang magulang at kasama sa buhay kaya napagdesisyonan nya ng mag-asawa at sila ay nagkaroon ng pitong anak kung saan ang kanilang panganay na anak ay nabuntis sa edad na 18 years old.
Maraming masamang epekto ang teenage-pregancy sa pamilya at ekonomiya tulad ng kawalan ng sapat na nutrisyon at edukasyon para sa bata dahil karamihan sa mga edad 20 pababa ay wala pang trabaho na kayang bumuhay ng bata. Ito lamang ay magiging dagdag sa bubuhayin ng mga lolo at lola nito na maaaring wala ring sapat na kakayahang ibigay ang pangunahing pangangailangan ng bata na nagreresulta sa posibilidad nitong makadagdag sa mga unemployed kapag siya ay tumanda na. Gayon din ang pagkakaroon ng anak sa tamang edad ngunit walang sapat na pangtustos para sa pangunahing pangangailan ng mga ito.
3. Isyung pang-edukasyon
Napakahalaga ng edukasyon upang tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng tao dahil ito ang nakatutulong sa kanila na makapaghanapbuhay nang maunlad at matiwasay.Maraming ang pampublikong paaralan kung saan libre ang edukasyon ngunit marami parin ang walang access dito.
Tumblr media
Isa sa dahilan nito ay kakulangan ng pagkakataon na makapag-aral. Upang makapag-aral sa libreng paaralan ay nangangailangan ng birth certificate kung saan may bayad noon, nangangailangan din ng pera sa pagbili ng papel, notebook, lapis, uniporme , pang proyekto at iba pa. Ang ibang bata din ay malalayo sa mga paaralan.Ngayong nagkapandemya, nadagdagan na ang mga kailangan tulad ng gadyet at internet.
Ngunit meron ding mga paraan upang maipagpatuloy pa din ang pag-aaral kung ito lamang ay ipra-prayoridad ng mga magulang at ng estudyante.Ika nga nila "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." Pero iba-iba din tayo ng desisyon, ang ibang magulang ay mas pinaprayoridad ang pagkain pang araw-araw ng buong pamilya, imbes na ipambili ng pangangailangan sa eskwelahan ay ipambili na lamang ng pagkain. Imbes na nasa pag-aaral ang oras ay tumulong na lamang kumita ng pera, tulad ng panganay nilang anak na si Gemmelyn Buenaflor kung saan nagdesisyon ng tumigil nalang sa pag-aaral.
4. Kahirapan
-ito ang resulta ng unempleyoment at kakulangan sa edukasyon.Ito ay magiging paulit-ulit lamang kung walang sisira nito.
Kung ang isang bata ay ipinanganak sa mahirap na pamilya, nagkakaroon sya ng mas maliit na oportunidad na makaangat sa buhay hanggang sa kanyang pagtanda na maaaring maipasa sa kanyang magiging anak. Ito ay dahil kung ang iyong pamilya ay kapos sa pera, ang pag-aaral ay maaaring hindi maging prayoridad at kadalasan ng trabaho ay nangangailangang makapagtapos sa pagaaral.
Para sa akin upang mabuwag ang pag-ulit-ulit ng kahirapan ay ang pagsusumikap magkaroon ng sapat kaalaman at pag bibigay oportunidad sa magiging anak na makapag-aral ngunit kung hindi ka sigurado na maibibigay ang pagkakataong iyon ay huwag na mag-anakupang hindi na maipasa sa magiging anak ang kahirapan.
Salamat po sa pagbabasa. -Charisse Navarrete
(Photos not mine. Credits to the rightful owners.)
0 notes
charisse-n · 3 years
Text
Climate Justice
Ang buong mundo ay nakararanas ng climate change o pagbabago ng klima dahil sa paginit ng daidig. Ito ay nagsimula noong matagal na panahon na ngunit isa parin ito sa malaking problema sa mundo. Ang mga paunlad pa lamang na mga bansa tulad ng Pilipinas ay hindi gaanong nakaka-contribute sa mga carbon-dioxide emission na sanhi ng pagbabago ng klima ngunit tayo ang mas naapektuhan sapagkat kaunti lamang ang ating kagamitan upang mabawasan ang epekto nito sa ating bansa. Kaya tayo ay naghahanap ng hustisya (Climate Justice), na panagutin ang mga korporasyon o ang mga carbon majors na nagdudulot ng pinaka matinding polusyon sa hangin sapagkat maaari lamang nating makamit ang hustisya sa klima kung ang mga mayayamang bansa at korporasyon ay naging responsable para sa kanilang mga aksyon.
Tumblr media
Epekto ng Climate Change
Isang halimbawa ng climate change ay ang Yolanda na naganap dito sa Pilipinas kung saan libo libo ang namatay.Isa sa biktima nito ay si Agit Sanio, kilala sa pagbibigay buhay sa kulturang pilipino sa pamamagitan ng kanyang pagkahilig sa mga tattoo at musika, kung saan dalawa lamang sa pamilya nila ang nakaligtas.Sobra ang bilis ng pagtaas ng tubig na nagresulta sa pagdami ng nalunod.Mahigit 6000 ang namatay sa Yolanda at dahil sa climate change tiyak na mauulit pa ang ganitong sakuna kung hindi ito aagapan.Madalas din binabanggit ang bagyong yolanda noon pati na ng mga banyaga bilang babala sa climate change.
Ayon kay Peter Frumhoff, Union Concerned Scientist, hindi lang malalakas na bagyo ang dulot ng climate change, meron ding pagtaas ng mga tubig at matinding init o el niño na damang dama sa Mindanao lalo na sa Bukidnon noon kung saan nagkabitak bitak ang mga sakahan na may malaking apekto sa mga magsasaka.
Ayon sa bidyo, sa ibang malalaking bansa tulad ng mga bansa sa Europa at America, pagsinabing climate change, magbabawas lang sila ng konting damit panglamig dahil umiinit ang kanilang winter ngunit dito sa Pilipinas pag sinabing climate change, tag-gutom, malalakas na bagyo, may namamatay at grabe ang epekto.
Tumblr media
Ang bidyo sa ibaba ay ang dokumentaryo ni Howie G.Severino ukol sa climate justice. Ipinakikita dito ang mga hakbang na ginagawa upang labanan ang climate change.
youtube
Magandang nagawa na solusyon
Isa sa ginawang hakbang ng mga bansa ay noong 2015, nagkaroon ng pinaka mahalagang pagpupulong ng mga bansa sa kasaysayan, sa Paris, “Ang conference of parties or cop21”, ito ay pagpupulong ukol sa mga hakbang na gagawin para malabanan ang Climate Justice kung saan nakasalalay dito ang kinabukasan ng planeta.
Nagkasundo sa paris ang halos 200 countries na umaksyon para hindi na tumaas ng 1.5 dgree celcius ang temperatura planeta. Naghain ng petisyon ang Greenpeace Southeast Asia at Philippine Rural Reconstruction Movement. Ayon sa petisyon , dapat imbestigahan ang 50 miltinational companies sa Pilipinas na may malaking kotribuyon sa pilipinas. Sa paris din, nangako ang pilipinas na babawasan ng 70% ang carbon emission dito bago ang 2030.
Hindi Magandang nangyari
Hindi siguro gaanong kaepektibo ang kasunduan ng iba't ibang mga bansa sa pagbabawas ng carbon emission lalo na mga malalaking kumpanya sapagkat walang parusa sa mga hindi tutupad.
Kasabay rin ng pangakong babawasan ng 70% ang carbon emission sa Pilipinas ay nagbigay rin ng pahintulot ang gobyerno sa mga pribadong kumpanya na magpatayo ng 23 planta ng mga coal (ang pinaka maruming fossil fuel) dahil ito'y mas mura at dahil kulang sa enerhiya ang maraming lugar sa pilipinas.
Tumblr media
Paraang ginagawa ang mga mamamayan upang magkaroon ng climate justice
Para sa magkapatid na Saño, kilala sa mga ginagawa nitong muralsa na may magagandang adbokasiya, ito ay pag martsa mula italy hanggang france upang dalhin ang boses ng mga pilipino ukol sa climate justice. Sa kanilang paglalakbay nagiiwan sila ng mural bilang paalala tungkol sa climate change tulad ng mukha ng kanilang kaibigan si Agit Sustento ng Tacloban para ipaalala sa mga tao ang mga nasawi sa bagyong yolanda.
Tumblr media
Sa Tacloban mayroon silang planta ng enerhiya na hindi nagdudulot ng masyadong polusyon o climate change. Ito ay ang Leyte geothermal production field sa Ormoc, pangalawa sa pinaka malaking planta ng geothermal energy sa mundo.Ang enerhiya mula dito ay renewable, konting bahagi lang ng usok nito and ang may carbon dioxide, hindi tulad ng planta ng mga coal . 30% ng enerhiya sa Visayas ang galing na sa geothermal sources at maaari pa itong dagdagan sapagkat di hamak na mas malinis ang enerhiya ang galing sa geothermal, solar at ibang renewable ngunit kulang parin sa supply sa ating lipunan.Maaari matugunan ang kakulangan kung susuportahan ng gobyerno ang supply ng renewable energy.
Tumblr media
Suhestiyon ng iba kailangan na magiba ang pumuhay ang mga tao, lumayo sa mga mapanganib na lugar upang hindi paulit ulit na maging biktima ng climate change na tinatawag na adaptation ngunit marami parin ang hindi kayang hindi bumalik sa kanilang tahanan upang buuin ang kanilang tahan na sobrang nawasak ng bagyong yolanda ika nga iba maganda doon at nadoon ang pangkabuhayan nila at lilikas na lamang sila kung may bagyo na.
Konklusyon:
Tayong mga tao ang dahilan ng climate change, ang paggamit natin ng langis at iba pang fossil fuels ang isang pangunahing sanhi sa pagkawasak ng ating klima kaya tayo rin dapat ang gumawa ng solusyon. Sabi nga sa matagal na bansag ng mga aktibista sa Pilipinas, kung hindi tayo ang kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kailan pa?Upang mapagtagumapayan natin ang hamon sa ating planeta, tayo dapat ay magkaisa.
Salamat po sa pagbabasa. -Charisse Navarrete
1 note · View note
charisse-n · 3 years
Text
Once Upon a Tune- ni Gary Granada
     Ang kantang “once upon a tune” na isinulat ni Gary Granada ay hango sa tugtog ng mga nursery rhymes na nilapatan ng mga lirikong  nagtatalakay tungkol sa mga pulitiko at isyung panlipunan. Matagal na itong naisulat ngunit ang mga problemang nabanggit dito ay problema parin hanggang ngayon.
Tumblr media
                  Link ng bidyo: https://youtu.be/m5OLE7GsZY0
    Tinalakay sa kanta ang katiwaliang pangugurakot, minsan ay hindi natin malaman kung saan na napunta ang binayad na tax ng mga mamamayan sapagkat minsan konti lamang o wala silang natatapos na proyekto at marami parin ang suliranin sa bansa. Ang mga pulitiko rin ang madalas yumayaman o umaangat ang estado sa buhay, tulad nga ng nasa liriko, nakakabili sila ng kanilang mga luho na maaaring nanggaling sa pera ng taong bayan(tax) na nakalaan sa pagsasaayos ng bansa ngunit sila lamang ang nakinabang. 
   Nabanggit din dito ang pagbili nila ng boto ngunit kapag sila na ang nakaupo ay hindi nila maresolba ang problema ng bansa o makatulong sa kanilang nasasakupan tulad ng kanilang napangako.  Ang kanilang mata at tenga ay tila nakasara tuwing may hinaing ang ang taong bayan .Ang mga kamag-anak din ng mga pulitiko ang paulit-ulit na tumatakbo at nagkakaposisyon sa gobyerno na sa tingin ko ay hindi naman dapat. Sa susunod na eleksyon ay sana ang karapatdapat na manalo ang iboto ng mga pilipino upang umayos na ang ating bansa.                    
0 notes