Tumgik
cbg-eja · 4 years
Text
Monday - September 28 - Day 31
BIEN: Good morning ddd!! Been looking forward to this day! Mamayang 12am makakapag usap narin tayo! Woah! so excited!! Kaw ba d? What are your thoughts? Kwento mo mamaya ah..
Di ba mag uusap tayo mamaya d, sigurado anong oras nanaman tayo matutulog kaya binalak ko talaga mag paalam kay Boss Rene na mag admin works muna bukas kasi baka pag nag operate ako eh inaantok ako baka may mang yari lang Hahaha buti tumawag kanina may pinapagawa tas nag paalam narin ako pumayag naman sabi ko d “Boss wala pa po ako rest day baka naman po bukas pwede mag admin works muna po ako para mapahinga yung katawan ko” Hahaha 😂 pumayag d nag paalam nadin ako sa Prod Head at Plant Manager dito okay naman sila. Kaya kahit hanggang 6am pa tayo mag usap oks lang Hahaha tas kaninang work maaga ko kasing nakuha yung quota today ginawa ko natulog ako Hahaha 😂 para may tulog naman kahit konti.
Wala naman masyado ganap ngayon d, pag dating sa boarding nag laba agad ako ganun na ginagawa ko ngayon d nilalabhan ko agad yung sinuot ko hirap matambakan eh.
Kanina pa ako tingin ng tingin sa oras sabi ko ang tagal naman mag 12am juskuuu Hahaha 😂 so excited na eeehhh
------------------
DIANE: Nagulat ako hindi ako masyadong nahirapan magising pero alam ko inaantok ako. 9:30 ako nakadating ng office at alam mo ba sobrang lutang ko. Nagtimpla ako ng coffee tas ang nalagay ko ay malamig na tubig, puno na yung cup nung narealize kong malamig yung nasa loob, sabi ko “ay bobo putek na yan”, so naisip ko init ko na lang sa microwave. Nakatulala ako habang hinihintay yung coffee uminit tapos nung tumunog nagulat ako bakit hindi mainit. Gurl, naka-cool yung settings. Tinawanan ako ni kuya jbe namin sabi niya “Eddy okay ka lang ba?” hahaha tinawanan ko lang sya tas chinange ko na yung settings sa warm, natulala ulit ako while waiting tas pagkakita ko umapaw ung coffee sa microwave, kahit di pa tumutunog eh binuksan ko na para di masyado magkalat, taena napakasabog ko, ang lagkit tuloy tapos nilinis ko yung microwave kasi may konting tumulo. Tinatawanan pa rin ako ni Kuya Ronnie tas pinangalandakan pa ung kasabugan ko. Napaso pa ako ng slight dun sa cup kasi ang init na nya hahahha
Anywaysss, nagpadala din ako kay Pau ngayon, tas yung babaeng yun napaka-demanding hahaha nagpadala din kasi ng pastillas ang mama at may nakahiwalay na balot for her. Pinadala ko sa JBE ng C5 kaninang mga 10:30 pero nakadating sakanya mga 5:30 na, mimura na nya ako kanina pa pero sabi ko di ko na kasalanan yun. Epal talaga hahahaha.
I was pre-occupied by work today. Walang admin si Ms. Rose, so as usual, the admin works are mine. Nakakasanay na din pero nakakapagod yung work lalo na pag sabay sabay. We are kind of busy din sa laboratory and we’re in the middle of exploring new test kits. Kakasabog kakainis. Pero alam mo ba ang nasa isip ko? Tatawag ka kaya ng 12AM mamaya? Hmmm i hope so. Kahit mixed up yung emotions ko I can’t stop thinking about you. Hayyy anong ginawa mo sakin Bien. Pero fuck this is the last day. The 1 month is freaking over!!!! Can’t wait to talk to you tomorrow.
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Sunday - September 27 - Day 30
BIEN: Mga 4:40 am ako nagising d ayaw ko na matulog di naman na ako inaantok ginawa ko lang hanggang mag 5:00 am is titigan mga pictures mo and I can’t believe parin na akin ka. Sabi ko sa sarili ko “shet this is my girl? napaka swerte ko naman” ewan ko d hindi parin ako makapaniwala eh. Alam mo ba gustong gusto ko naririnig na sinasabi mo sakin yung “sa'yo lang ako” ang sarap sa tenga and puso eh, alam mo naman ding seloso ang d mo kaya siguro i like hearing that Hahaha pero Akin kalang talaga!! Walang aagaw! Mapapaaway ako ng di oras Hahaha jk 😂 pero sayo lang din ako d. I’m giving you the assurance na sayong sayo ako. Sorry madrama Hahaha
Tinext ako ni mama kaninang umaga kinakamusta ako tas tinanong kung nakapag simba ako tas kung nabati ko na daw ba si mommy (kapatid nya yun d, birthday nya kasi today, nasanay lang rin kaming tawagin syang mommy kasi mga anak nya mommy tawag sakanya) don’t worry mameemeet mo naman silang lahat sooon 😊 but first kila mama at papa muna syempre then after sa mga tiga Bulacan neee 😊
Kaninang mga after lunch nasad ako d ☹ di kasi ako sanay na ganito Sunday ko tas hindi pa ako makakapag simba today hayyss inisip ko nalang na looking forward ako at mag uusap na tayo kaya umokay naman ako but feeling ko talaga may kulang Sunday ko ☹
Saw your ig story, cinnamon ba yun d? parang nahihilig kana sa cinnamon ahh pero sorry madadagdagan pa ng sweet ref mooo Hahaha hintayin mo lang yung cakeee so excitedddd 😊
Texted you one dot. Nag message kasi si ex sa ig sabi lang naman nya is pakibura ko daw chat namin sa messenger. Ayaw ko replyan hanggat hindi ko napapaalam sayo d. Hindi ko alam, gusto ko mag paalam muna sayo eh pero nabura ko naman na matagal na pati ig chat namin.
Nag brewed coffee ulit akooo Hahaha sakto sa panahon eh malayup!! lakas ulan eh jan ba d? Naulan ba? kumain kana pala? I’m sure yung binigay ni mama mo yung kinain mo, sarap ng mga food mo ngayoooon, kainggit Hahaha 😂
---------------------
DIANE: Ang aga ko ata nagising ngayon pero yung totoo lumipat lang ako ng higaan tapos natulog ulit hahahaha nagstart ako ng paint by numbers pero inaantok talaga ako. Paggising ko 7PM na tapos super dilim nagulat ako. Yung mama ko naiinis na sakin kasi kahapon tulog ako magdamag tapos ngayon din HAHAHAHA ngayon lang naman ulit to eh. Naligo agad ako tapos pagkakita ko sa phone ko may text ka. Well, wth hahahaha. Nakaka-ewan ung feeling. This is just my thoughts pero sana maintindihan mo. Di tayo makakasimula hangga’t nanjan siya naka-aligid sayo at nagmemessage pa. I know how that goes. I understand na bago pa lang kayo nagbreak at halos 2 months na pero di mo maalis yun sakanya dahil may walong taon kayong pinagsamahan. Naiisip ko pa lang yung 8 years, kahit ako manghihinayang. She will never hear a thing from me dahil di ko naman talaga ugali yon. Ayokong pumatol sa totoo lang, wala ni katiting na urge sakin para imessage siya gaya ng pag-message nya sakin kasi I always want to be the better person. Naiintindihan ko yung side nya dahil nasaktan siya pero tuwing nagkakaganyan siya feeling ko ang laki ng kasalanan ko sakanya. Sinabi mo naman ng wala talaga pero sometimes,honestly..I can’t take that off my mind. Its a good thing na nangyari to kasi parang hiningi ko to as a sign. Sabi ko pag sa loob ng isang buwan at hindi nagmessage yung babae, its a good sign to continue. Pero sabi ko kapag once na nag-message to, its a sign to take it slow o kaya wag na lang muna kasi may nasasaktan tayo. To tell you the truth, this is what I am afraid of, this is what’s holding me back and I can’t stand to see a person miserable tapos tayo ang rason bakit siya malungkot. I want to be happy of course. I want to be happy with you, you know that. Nasatin ang desisyon pero kung ako ang tatanungin mo ngayon, I dont wat to give you up but please lets take it slow. Pero if the wait is no longer bearable I will understand if hindi na lang. This is just my thoughts pero thank you for telling me na nagmessage sya. Wala lang yun for you pero ako nalulungkot ako for her. Siguro nakita o kung gaano na na ako ka-late natulog kagabi pero eto lang tumakbo sa utak ko. Lutang nanaman ako bukas pero bahala na.
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Saturday - September 26 - Day 29
BIEN: Woah! kapagooood as usual Hahaha but nasasanay na ata ako d. Grabe lakas ng ulan kanina buti bago ako umalis kaninang umaga pinasok ko yung mga nilabhan ko kundi basa nanaman lahat yun Hahaha
Bumili nanaman ako ng isaw, BBQ, at betamax d Hahaha alam ko masama lagi yun pero minsan ko lang kasi madatnan yun ng ganitong oras usually ubos na tinda nila kaya bumili ako, yaan mo baka next week na uli ako bumili Hahaha 😂
Yasss!! Na book ko na lalamove para sa cake mo on September 29 expect mo na may tatawag sayo ne? Hahaha kahit alam mo naman na this time 😂 I’m so excited na talagaaaa sana di epic fail and magustuhan mooo Hahaha 😂
Tamang basa lang ako sa Viber convo natin d hanggang sa antukiiiin. Kumain kana pala d? I’m sure ang sasarap ng mga pinadala ni Mama mo our moms is the best chefs di ba Hahaha kainggit ka nga eeehhh sanaol 😂
Oy Edrianne Joy E. Asuncion wag ka masyado mag pa stress sa work neee kagaya ng napag usapan natin isipin mo nalang trabaho lang yan matatapos din. Tyaka kayang kaya mo yan neee galing galing mo ehh you can do it!! Talk to you soon 😘
-----------------------------
DIANE: Messaged you in the morning and mukhang nagworry ka talaga :( sorry di ko sadya pero okay ako i swear. Tinanghali na nga ako ng gising pero nagising lang talaga ako kasi dumating yung padala ng mama ko :(((( Dumating yung mga favorites ko and di ko maiwasang malungkot and sumaya at the same time. Hayy nako ung nanay ko napaka-oa talaga magpadala, ulitmo plastik labo para sa basura eh pinadala kala mo naman wala akong mabibiling ganun dito. Pati damit nagpadala pa e sandamakmak na ung damit ko dito, kelangan ko na nga magdeclutter. Sa sobrang overwhelmed ko sa mga padala, hindi ako nakakain agad at pastillas ung inuna ko HAHAHA nakatulog kasi ulit ako tapos paggising ko e gabi na, yung nanay ko daming missed call nakasilent pala phone ko hehehe. Nagsorry naman ako pero alam naman na nya yun kung gaano ako katagal matulog. Tapos ung isa jan, nakapindot pa ng video call halatang nag-babackread yung murit HAHAHAHA huli huli pero di kulong. Bwisit ka kasi lagi mo binabalik yung pagiging masungit ko sayo nung unang beses tayo nagkita AHAHAHAH pero sorry talaga HAHAHAH bawi na lang ako pag magkita na tayo ;) CHAR HAHAHAHAH wag ka masyado kiligin jan?? HAHAHAHA jk 2 days to go murit!!!! excited na ako makausap ka ulit araw-araw!!
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Friday - September 25 - Day 28
BIEN: Ayun mahigit isang oras lang tulog ko Hahaha 😂 pasaway kasi yung isa jan jk! sobrang saya nga kagabi as in! pero parang nakukulangan ako sa effort ko sayo sorry for that d pagod lang bawi nalang ako neee 😘
Hahaha grabe di ko expect yung email ni Boss Rene sayo today yung nag thank you sya sa coffee na binigay moooo sabi sayo nagustuhan nya eh pero feeling ko nag paparinig lang yon kasi wala na daw Hahaha 😂 bigay mo sakin yung kape ako maniningil sakanya d Hahaha joke pero masaya ako na kilala ka ni Boss Rene at papakilala pa kita sa lahat ng malapit sa puso ko 😊
Di ba d nainom ako ng kape nakadalawa na ako tas may nurse kasi dun kumukuha ng BP sabi ko “baka mataas yan Sir, puyat po ako at nakadalawang kape na” Hahaha 😂 sabi “medyo maatas Sir pero nasa normal range pa naman”
Di ba nag chat pa tayo ng umaga nun d nag send ka pa nga ng nakapaganda at cute mong faceeee 😍🥰 Hahaha pero pag tapos natin mag chat namimiss kita agad ☹ sabi ko nalang malapit naman na yung 29 tiisin ko nalang Hahaha pero naadik na ata ako sayo gusto ko lagi kita kausap
Aga ko umuwi d mga past 5:00 pm. Actually maaga talaga ako natapos sa ginagawa ko alam mo ba kung ano pampatay oras ko? nag babasa ako ng convo natin sa Viber ayun parang tanga lang ako tawa ng tawa mag isa Hahaha 😂 buti walang masyado tao sa office may audit kasi sila kundi nakita na nila ako na tumatawa Hahaha 😂
Dahil maaga ako nakauwi nakabili ako ng ihaw ihaw Hahaha nakabili ako isaw at tenga d pag kasi late ako nauwi lagi ubos na yung tinda kaya di ako nakakabili. Sarap!! Bili tayo dun pag napunta ka dito Hahaha kailan kaya yun neee.
Tas nag laba ako ng mga damit ko medyo madami rin ako nilabhan kaya medyo pagod. Parang maaga ako makakatulog ngayon d kulang tulog natin eh tas kaninang mga 2:00 pm antok na antok talaga ako Hahaha napapapikit talaga ako, ginawa ko nag hilamos ako ng mukha para magising 😂
Ikaw ddd kuu? Kamusta araw mo? dami ka bang work? Pagod ba? Kung nanjan lang ako aasikasuhin kita agad. Susunduin kita sa baba palang, ako mag dala ng bag mo, ako mag tanggal ng shoes mo, naka ready na yung pamalit mo, pag luto ka, kwentuhan ka, patawanin ka, landiin ka, at kung ano ano paaa sana magawa ko yun soon nee nee neeee. Sana mahimbing tulog mo mamaya d. Good night. 😘
Mga 11:00 pm nagising ako and nakita ko yung post mo sa Tumblr tinext kita and nag message ako sa'yo sa Viber. Sorry talaga ddd 😔
-----------------------
DIANE: Its a Fridayyyyy and this is gapang to weekend. Puyat at pagod ako pero okay lang sakin legit hahaha magkachat pa tayo ng umaga tapos tawang tawa ako kasi nagemail si Sir Rene nanaman. Hayyy nako kakulit niyo!! HHAAHHAHAA at nahuli pa kita kinukuntyaba si Ate Carol, hay nako ka!! Sabi kong wag na eh hahahaha kahit pa galing kay Sir Rene yan hahahaha kakahiya adik. Nung umaga super chill pa at asikaso lang ng deliveries pero pagkadating ng hapon ay nako girl, sunod sunod yung utos at gawa. Nagpaconference ung anak ni RSA, si CLA tapos yung listahan ng to-do for the new lab ay napaka-OA :(((((( kaya sorry nagpost ako dahil sobrang pagod talaga ako, I had to prioritize kaya napupuno nanaman ako, di ko na din napansin yung message mo dahil pagkauwi ko ay naligo agad ako at gumapang na halos sa kama. I checked your social medias first tapos nagpost tas bagsak na, di naman naka-silent yung phone ko pero hindi ko narinig yung mga texts mo, sobrang pagod lang talaga ako. Sorry I had you worried pero sobrang pagod ko lang talaga. Okay lang sana sakin yung puyat ako pero iba pala pag may kasamang pagod na. Sorry talaga. I messaged you naman pero sana don’t feel bad na. I’m sorry b :(  
1 note · View note
cbg-eja · 4 years
Text
Thursday - Septmber 24 - Day 27
BIEN: 8:00 am tumawag si Boss Rene may tinanong lang pero unang unang nya sinabi “putangina guinto ang payat payat mo na ah Hahaha” sabi ko “hindi pa naman po Boss Hahaha” tas may tinanong lang tas sabi nya “oy sabihin mo sa girlfriend mo wala na kaming kape dito” Hahaha natawa ako grabe 😂 tas sabi ko “ako po Boss meron pa bahala po kayo jan” sabay tawa Hahaha 😂 sabi “loko loko mas kailangan namin yun mas marami kami iniisip” sabi ko nalang “sige po Boss sabihin ko po” 😂😂
Alam mo na siguro yung rant ko about sa work ddd insert ko nalang ulit dito yung pinost ko sa Tumblr
“Sorry kailangan ko lang talaga to ilabas baka di ko na kayanin pag kinimkim ko lang.
Minsan lang ako mag mura na mura talaga pero putangina talaga sobrang pagod ko na simula nung Tuesday na 14hrs. Shift tapos pag dating ng boarding may papagawa pa, yung gusto mong gawin na iba hindi mo na magawa dahil itutulog mo nalang dahil sa sobrang pagod. Both physical and mental ang kailangan, syempre exhausted kana after the 14hrs. Shift  tas papagurin ka pa ulit. Tinatry ko nalang tapusin agad para may time ako sa iba kong planadong gawin pero haysss talaga hirap ng dalawa ang trabaho.
Ang saya saya ko kanina na 12hrs. Shift lang yung sched, makakauwi ako ng maaga, madami ako magagawa na planado kong gawin tas biglang tatawag yung isang Boss mo may pininapagawa tas kailangan na daw bukas tas yung kasama mo pa iniwan kapa kanina, hello? di pa po ako SMFI sirain ko mga makina nyo eh. Hindi naman ako nag rereklamo, kaya ko naman gawin lahat ng yan but pag pahingahin nyo naman po ako hindi naman po ako robot. Chineer up naman ako ni Boss Rene kanina kaya thank you po.
Gusto ko naman work ko tyaka ngayon lang naman tong 14hrs. Shift hanggang sa makabalik yung mga ibang tao na nag pa PCR test. Kayang kaya ko pa naman siguro napuno lang talaga ako kasi sabay sabay ang work.
Tawagan ko nalang si mama mamaya. Iiyak ko nalang to. Hirap.”
Then you texted me actually naiiyak ako ng mga panahong yun pero habang binabasa ko message mo gumaan pakiramdam ko and I thank you for that d. Tas nag usap tayo, 9:40pm - 5:00 am na ba nun d? Basta kwinento ko, kinomfort mo ako, naging okay ako, nag kwentuhan tayo, nag kulitan, nag landian. Thank you talaga 🥺 pano na ako kung wala ka.
Kung gusto mo balikan text ko nun sayo here it is:
“Hi d! Good morning 😊 ganda ng gising ko kahit na kulang tulog Hahaha 😂 nag alarm kanina ng 5:30 yung cp ko di ba, ay nako d hindi ko nakayanan sizz ginawa kong 6:00 natulog pa ako Hahaha 😂 parang nahihilo ako na ewan eh but pag gising ko ng 6:00 oks naman naaa binilisan ko naman ang pag ligo Hahaha 😂 oy pero mabango to no amuyin mo pa eh Hahaha jk tas nag dala ako ng apat na Essenso tignan natin kung maubos ko Hahaha 😂
I just wanna thank you my dd kagabi, thank you for being there for me, thank you and you made me feel okay, much much better (nasan na mga trabaho?! Bigay nyo sakin lahat yan Haha jk), thank you for reminding me na hindi ako nag iisa, na nandyan ka, thank you for reminding me also na we should not hide our feelings na dapat ishare iyun to one another,  thank you for your time, sa pakikinig, sa mga advise, thank you din sa kilig moments and sweetness overload kagabi Hahaha sorry landeee 😂 I’ll cherish that for the rest of my life, thank you talaga. Hindi ko na alam siguro gagawin ko pag wala ka dd. Jan kalang ah wag kanang aalis!! 😘😘😘 aray!!”
-----------------------------
DIANE: Dati parang sanay naman ako pumasok everyday sa office pero bakit ngayon parang Thursday pa lang nakaka-drain na HAHAHAHA we’re quite busy sa new laboratory dahil pakonti konti nagsstart nanaman yung gagawin. Nagseminar ulit ako for logistics today at parang half day pa lang information overload na ako. Hanggang4mb lang ata ang kaya ko today. May konting admin works si Ms. Rose kaya nadididvert ako attention ko sa work. Nakakapagod na din yung away ni Ate Erica at Ate Carol hahahaha kulang na lang talaga referee ako neee. Hindi sa may kinakampihan ako pero nakikita ko naman ung nangyayari, sakit na ata talaga ni Ate Erica to, I can’t think of a way para marelaize nya na may mali din talaga sakanya. Sobrang pasensya na ata yung binibigay namin sakanya pero bahala na. Hayyy
Di ko namalayan ung oras na uwian na pala, I was always checking your tumblr tas nagtataka nga dahil these past few days parang hindi ka pala-post. I had a feeling na sobrang busy mo so pinabayaan ko. Sakto pagtingin ko after mga 6 na ata, may long post ka :( my baby is having a bad day. I can’t help but to reply and ayun nagusap tayo. Sana talaga I somehow eased the exhausting feeling that you have. That’s exactly how I felt nung nagusap tayo tapos sobrang pagod ko pero you managed to give me my peace of mind. Idk how you do it pero sana you’ll do it for a long time. Nakakagigil ka talaga kausap sa phone ne, napakaligalig mo tas may bago nanaman tayong pauso. Lecheng aray na yan HAHAHAHA 25 ko na sinusulat tong para sa 24 kasi madaling araw nanaman tayo natapos magusap, ayaw kasi magpa-awat nung isa jan sabing 12 lang eh. Ayun naging 4:30 nanaman. Buti na lang din at sa office ka lang ngayon. Nagmessage naman ako sayo at sana tumatak sa utak mo yung mga sinabi ko. Magaling ka at wala kang hindi kayang gawin. God will never put us on a situation we cannot handle. Kung may maitutulong lang ako sayo why not pero for now moral support muna hahahahaha sana ma-comfort kita personally soon tapos pa-aarayin para mawala pagod mo AYYY CHAR HAHAHHAAHA pero ayun for the nth time. If you need me, I’m just a text or call away. Through your highest and darkest times.
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Wednesday - September 23 - Day 26
BIEN: Good morning ddd!! Napanaginipan kita alam mo ba Hahaha pero naalala ko lang is may “mua” sa chat ko tas sabi mo “ay kiniss nga” Hahaha 😂 yun lang naalala ko d. Tyaka pala si Ate Carol shocks! Hahaha remember na aalamin ko kung nasan ka ng Sept 29 sakanya daw ako nag tanong kung nasa office ka ba or hindi tinawagan ko pa Hahaha 😂 siguro sobrang excited ako kaya napanaginipan ko yun.
Sobra pagod nanaman sa work d as usual grabe kaninang umaga ngayon lang ulit ako napagod ng ganon as in ako muna gumawa ng lahat Hahaha pag dating ng hapon wala na ako energy tas inaantok ako pero chill nalang kasi pag na prepare na yung raw material ko kwekwento ko naman yun d pag nag usap tayo about sa work koooo pero sobra napagod talaga ako pero worth naman kasi ganun nanaman output namin kakaproud lang sa sarili Hahaha pampatanggal pagod tas nag kapaltos ulit ako sa paa at nag kasugat pa sa daliri 😔 oks lang naman ako kaya ko pa naman! Hahaha 😂
Binabalak ko mag rest day sa Sept 29 d pero dapat papasok ako ng Sunday para makita nila na hindi ako absenero sana payagan akoooo. Ayan ah ganyan ka kaspecial sakin 😂 gusto ko makausap ka ng matagal eh bakit baaaa
Kanina sobra lakas ng ulan tas pag dating ko tinignan ko agad mga nakasampay ko, nabasa lahat! Hahaha laban nalang ulit tas sa loob na isampay 😂 Nag timpla ako ng brewed coffee moooo saktong saktong sa panahon eh malayup!
Pumasok ka ba sa office ngayon d? siguro hindi kasi Wednesday, Thursday Friday ka pumapasok sa offfice di ba? Kumain kana ba? kain ka ah! wag na wag mo papabayaan sarili mo neee and ingat ka always. Basa lang ako ng convo natin sa Viber until antukin ako. Good night d talk to you sooooon… 😘
PS: 11:35 pm inaantok na ako d. Natatawa talaga ako at napapangiti pag binabasa ko convo natin Hahahaha ikaw ba d? natatawa karin ba? 😂 malayup grabi naka 1 lang electric fan ko Hahaha
--------------------
DIANE: Pumasok nanaman ako today dahil kelangan ako ng boss ko at syempre no choice tayo hahahhaa napagod ako pero okay lang naman sakin ne. Laban lang hahahha di tayo pinalaki ng sexbomb para bumawi, laban laban lang HAHAHAHAHHA jk. Nothing special today kasi work lang halos at hirap na hirap na ako sa requirements pero kaya pa naman hahaha may mg atumutulong naman kahit naiinis nanaman ako kay Ate Erica dahil nakikisali nanaman siya. Kausap namin ung isang manager tapos biglang nakisali. Tinanong nung Manager kung kanino tinurn-over yung test kits requirement bigla ba namang sumagot si Erica na “Sakin”, gurl na-caught off guard ako wala man lang ako nasabi HAHAHAHA tas si ate carol nakisingit sabi niya, “Ah si Ate Erica lang yung nagreceive pero kay Eddy binigay lahat ni Maam Reg pati files, sakanya din in-endorse ung supplier”. After non nakapagsalita na ako tas nasagot ko ung mga tanong nung manager regarding test kits. Medyo napahiya si Erica pero wtf naman kasi. Kung maka-“sakin” ka gurl. HAHAHAHA wala naman ako intensyon na pahiyain siya pero kung sakanya talaga yun, masasagot nya yung mga hanap nung Manager. Feel ko nag-act cool na lang siya pero in reality lowkey napahiya sya. Okay naman kami, tumabi pa nga ako sakanya hahaha anyways di ko na siya ginagawang big deal. Had a long day sa office and I went home tapos I talked with my parents. Same problem pero kaya to. Pray lang. I hope you had a good day bb ko! Highest output ka ba ulit? HAHAHAHA wag mo masyado galingan. I miss you!
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Tuesday - September 22 - Day 25
BIEN: Before 5:00 am gising na ako at nakapag isip isip. I know that you’re scared madami kang iniisip but sana sabihin mo sakin lahat lahat ng yun para mabigyan natin ng sagot kung ang issue ay ang ex ko d, we can slow things down naman til masatisfy yung worry mo sakanya, kung ang issue naman ay you’re scared because baka maulit nanaman nangyari sayo before, hindi naman ako ganung tao, siguro part of slowing down din ay mas kilalanin pa natin yung isat isa para pag pinasok natin tong relationship nato is sure tayo na hindi ka mag woworry na hindi ko magagawa yung mga ginawa sayo ng ex mo. Ang pinaka issue ko lang naman is kagaya ng sinabi ko dati na yung closure mo sa ex mo, talagang nasasaktan ako kapag naiisip ko yun parang feeling ko there’s a part of you na hindi sakin and hindi ko kayang makita na nasasaktan? ka dahil sakanya. I’m always here for you d, anytime.
Woah!! Grabe yung 1st day of 14hrs. shift d. Dito kasi sa Bulacan hinati sched ng swab kami yung nauna nung Sept 18 tas yung next is ngayon Sept 22 so yung operation ng planta is 1 shift lang kasi half lang yung available na mga tao kaya inextend ng 2hrs. tas kasi matagal start up tas kung ano ano pa. 7:00 am to 9:00 pm putekkk sobrang pagod physically and mentally ☹ di na ako makatayo Huhuhu ☹ nag ka paltos pa ako sa paa pero okay lang worth yung pagod kasi yung output ko ngayon is pinakamataas in the history sa Bulacan! woah! achievement for me ito, gustong gusto ko na sayo una ipaalam kaso hindi pwede eh kaya dinaan ko nalang sa ig story Hahaha 😂 Pag kauwi ko ng bahay ay grabe nag bukas pa ako ng laptop may tinatanong kasi sila Sir Bernie kanina kaya tinapos ko pa yun. Kakain sana ako kaso hindi na ako nagutom ang dami kong nainom na tubig ngayong araw Hahaha 😂 yung 1.5L kong tumbler naka apat na refill ata ako. After ko maligo hilata agad ako d! Hahaha 😂 eto ngayon nag tatatype ng diary. Sobra sakit ng paa at katawan ko sana makatayo pa ako bukas Hahaha 🤣
Na order ko na pala yung cake mooooo ☺ I’m so exciteddddd!! 😁 ready kana ba? syempre hindi kasi di mo alam Hahaha 😂 sana maganda kalabasan at magustuhan moooo. Gagawa pa ako ng paraan para malaman kung nasan ka ng September 29 Hahaha 😂 kung nasa office ka ba or sa condo. Kanino kaya ako mag tatanong? Hmmm 🤔 I’m thinking kay Ate Carol or kay Pau Hahaha tignan natiiiin basta malalaman ko dapat!
Saw your ig stories today. Yung last mo is yung mirror selfie na super cutiieeee mooo 🥰😍 mas lalo nalakainlab Hahahaha! Kakagigil kaaaaa! pero mukhang super pagod ang dd ko at late kana umuwi ☹, dami ba ginagawa d? Alam kong kayang kaya mo naman yan nee, galing galing nyan si Ms. Eddy ihh yan paaaa ddd ko kaya yaaaan. Always remember that I’m cheering for you neeee! You can do it! Kumain kana ba? or madami kang nakain sa office? basta ingat sa pag uwi muriiit and yung mga reminders ko ah! missing you like crazyyy.. Good night d! 😘
-----------------------
DIANE: Nakatulugan ko yung movie HAHAHAHAHA pero ang alam ko patapos na din ako nung nakatulog ako. Nasa office lang ako today and I tried drinking Essenso for the first time, di ko kinaya nilagyan ko ng creamer at konting sugar. Nagising ako for the whole morning because of that coffee pero di kinaya nung tanghali, siesta na din kasi HAHAHHAA ba naman yan. Di ko namalayan naka-4 na coffee na ako. Late na ako nakauwi dahil supppppeeerr daming gawa tapos bukas daw ulit :(( saw your story din pala and wow bakit ganito yung nararamdaman ko, i’m teary eyed (parang tanga lang) HAHAHAH pero ahhhhhh thats my babyyyyyyyy. Galing galing mo talaga. Nakakawala ng pagod yung achievement mo kasi bago ka pa lang jan pero ang galing galing mo na. Hayyy im super proud of you bbbbb
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Monday - September 21 - Day 24
BIEN: Balik na ng Bulacan d sumama sila Tita Tess at Tita Lily (yung nag paaral sakin) mga kapatid ni papa. Mga 5:30 am kami umalis sa bahay ganda ng skyyy pero mas maganda ka 😜 pinkish d, wish you where here para makita mo din. Tulog kalang jan muriitt.
Naiirita ako d ang iingay nila Hahaha well ganun talaga mga kapampangan pero naman sizz mag kakatabi lang kayo bat pa kayo nag sisigawan Hahaha 😂 yung earphones ko kasi isa lang, kaya isang tenga lang may music pero kahit siguro dalawa maririnig ko parin sila Hahaha 😂 nakwento ko lang sila para malaman mo ang daldal nila at maiingay talaga pag nag kwentuhan. Ikaw d pumasok ka ba today? malamang kasi Monday ngayon nee anyways ingat ka lagi d! 😊
Mga 8:00 am na kami nakarating dito sa Bulacan d sabi naman nila okay yung place ko kulang lang daw ng mga ibang kailangan Hahaha gaya ng lagayan ng damit, shoe rack, sofa, etc. pero overall maganda daw. Biniro pa ako ni Tita Lily nung paalis na sila sabi d “di natin alam pag umalis tayo si Bienson may tatawagan na yan, sasabihin nya dun sa kausap nya "umalis na sila punta kana dito”“ Hahaha natatawa nalang ako pati sila natatawa lang din, wala naman comment sila mama’t papa tumatawa lang Hahaha 😂 di ko alam kay tita kung nag paparinig o kung ano parang gusto na may ipakilala na ako Hahaha sabi ko nga sayo wala pa ako napapakilala talaga personally sa family ko ang tagal mo kase Hahaha joke! darating din tayo jan 😊
Tas d wthellll si papa humug sakin 🥺 sya nag initiate sabi sakin "oh una na kami, mag iingat ka dito” tas sabay hug at beso grabe ang saya pala d naiiyak ako 🥺 never felt that before Huhuhu tas si mama syempre kumiss din pero di ko talaga inexpect si papa 🥺 parang feeling ko proud sya sakin Huhuhu naiiyak ako habang tinatype ko to ang saya lang parang mas ginanahan akong mag work.
Balak ko sana manuod ngayon ng fave movies mo pag dating kaso tumawag si Boss Rene sakin inutusan ako kasi hindi daw nya matawagan si Ian kaya sakin pinagawa mali daw kasi ginawa nya. Naiinis ako Hahaha planado ko na mag chill lang ngayon pero napatrabaho ako oks lang naman sakin pero kasi si Ian dapat alam na nya yun eh tatapusin ko nalang agad para makapanood ako Hahaha
Gahhdddd!! nakita ko story mo yung natutulog ka! 😍 si ate carol ata kumuha dun but guurrrl you got me meltin’ haayyysss super cutiieeee 🥰😍 sarap pisilin ng pisngiii 🥺 kagigiiiiillll kaaaaa!! sorry in advance kung gawin ko man yun in the future pag di ko napigilan Hahaha 😂 peace
Mga 4:00 pm ko na natapos yung pinapagawa ni Boss Rene then after that nag linis ako ng bahay kakapagod dd Hahaha tas nag ayos din nung mga binili ko super excited na ako gamitin yung brewer Hahaha mamaya mag kape akoooo bleee 😋
PCR results are out na pala and negative ako. Thank God!! 🙏
Napanood ko na yung Stuck in Love!! Hahaha I really liked it kala ko hindi happy ending eh masasad ako. Lesson learned sa movie is dapat sundin si heart! don’t be scared alam ko mahirap mag trust but how do you know kung hindi mo susubukan? and your past will be your guide para hindi na ulit mangyari ang dati. Dapat din najan si partner through thick and thin, tama ba Hahaha drama sorry matutulog ako ng maaga ngayon d. Its 10:10 pm na mag 14hrs. shift daw eh hanggang sa makabalik yung iba sa planta kaya kailangan ko ng lakas Hahaha ikaw d kamusta? kumain ka ba? kain ka muriitt wag mo pabayaan sarili mo neee good night!! 🤗
PS: patulog nalang ako nakita ko ig story mo pinapanuod mo din Stuck in Love. Alam mo ba dun sa scene na yun naalala kita. I understand na you’re scared and I’m ready to wait until you’re ready oki? kahit gano katagal pa yan d. Isa rin yun sa na realized ko na masyado tayong mabilis and we need to slow things down. Willing to wait naman po ito.
-------------------
DIANE: Pasok nanamannnnn. I saw your story at mukhang nagtatrabaho ka pa din sa bahay hahaha mukhang busy ka pa din. Yung murit na to kala ko di siya bibili ng coffee brewer agad agad. Pagkakita ko sa story nya meron na sya HAHAHAHA adik talagaaaa. Mababaliw talaga ako sayo ne. Nasa office ako at madaming ginagawa pero yung frustration ko na gustuhin kang kausapin is too strong HAHAHAHA gusto kitang i-hug kakabwisit ka. Bat ka ganyan :((((((((( It was a long day in the office and I was kind of updated with you today dahil marami kang stories. Nakita ko din you’re currently watching my all time fave movie na Stuck In Love. There are so many reasons why I love that movie, pero syempre the bottomline is, it is relatable, not just for me but I think for everyone. We see how people love and how they always get hurt, ending we get scared to the idea of love. I always wish to find a love that I’m never scared dahil alam kong nanjan lang yung taong yun para sayo hahahaha ang corny pero anywaysss gustong gusto ko yan hindi lang dahil sa nakakarelate ako pero the message itself hahahaha maraming message na sinasabi lagi kaya pinapaulit ulit ko para tumatak sakin. I think 2016 pa lang paborito ko na yan and hindi ako nagsasawa. Isunod mo yung The Choice kasi mas deep yon hahahhaha hindi siya ganun ka-wide like stuck in love pero the lesson in there is very very remarkable hahaha okay no spoilers. Sana mapanuod mo pag may time ka hahaha as far as I can remember may pasok ka na ata bukas. Back to work bbb!! Tama na yang kakachill mo hahaha charot you deserve that rest ano po
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Sunday - September 20 - Day 23
BIEN: Pag kasimba d natulog agad ako Hahaha antok na antok ako eh tas nagising ako mga mag 11:00 am na tas alam mo ba simula nun kung ano ginawa ko Hahaha actually nung Friday ko pa pinaplano to na bigyan ka ng cake on September 29. Appreciation cake lang d gusto ko lang mag thank you sa lahat, sa lahat ng ginawa mo for me. Napapasaya mo talaga ako ng sobra and gusto ko din mapasaya ka. Your happiness is also my happiness.
Alam mo yung minimalist cake d? yun yung bibigay ko sayo Hahaha ang tagal ko nag isip ng design kung ano ba lalagay dun sa cake inabot ako ng hapon, hindi naman kasi ako artistic Hahaha 😂 pero beach theme yung pinili ko kasi alam ko mahilig karin sa beach eh tas pinalagyan ko ng mga text sa sides makikita mo naman Hahaha sana magustuhan mo 😊 excited na nga ako eh fyi lang ah ngayon lang ako mag bibigay ng cake sa babae Hahaha so special talaga yaaaan ❤
Saw your ig stories today mukhang nag luto si ate mo ah Hahaha pumapalag na ba sayo d? Wala parin tatalo sa luto mo! Excited na nga ako matikman mga luto moooo. Tas yung cinnamon hindi ako masyado natakam kasi mag hapon mga cake tinitignan ko HAHAHA 😂
Natutuwa nanaman ako sa mga reblogged natin at likes sa Tumblr para talagang nag uusap tayo ne Hahaha yun din yung binabasa at tinitignan ko lagi para di ka masyado mamissss..
Lakas ulan kumikidlat pa at kumukulog jan ba d? Katapos ko lang din mag impake 5:00 am daw kami aalis bukas eh aga no mga 7:00 am nandun na kami ano kaya gagawin ko mag hapon? ay nag download pala ako ng fave movies mo yung Stuck in love, The choice, at 10 things I hate about you panuorin ko bukas mga yun Hahaha so excited for thatttt. Kumain kana ba d? Kumain ka ah wag mo papabayaan sarili mo neee. Basa lang ako convo natin sa Viber til antukin ako. I miss you muriiit..
Hahaha muntanga ako! napapangiti at natatawa ako sa convo natin HAHAHA 😂 kakamiss ka kagigiiiilll!!…
--------------------
DIANE: Sakto lang yung gising ko, medyo wala akong ganap today pero antok na antok ako. Siguro naka-apat na gising ako eh. HAHAHAH nothing much today b. Nasugat pala ako pero idk saan ko nakuha, pagkagising ko eh meron na. Medyo mahapdi tas parang pasa ung feeling pero wala talaga ako idea paano HAHAHAHA sorry na agad. Mukhang mawawala din naman agad to. Nakita ko sa story mo yung Ever Enough and wondered paano mo nalaman yang kanta na yan!! HAHAHAHA akin yan eh popost ko pa naman inunahan ako hahahahaa pero oks lang no pero dibaaa :(((( mga kantahan yan nung highschool pero ang ganda hahhaha
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Saturday - September 19 - Day 22
BIEN: Good morning sa aking pinaka magandang dd! Hahaha peace po tayoo 😂 7:16 am ako nagising d ang aga ne Hahaha sobra ng isang oras lang tulog ko Hahaha yaan mo mamayang tanghali tutulog akooo. Tamang check lang ng email pag kabangon tas inutos ko lang kay Ian yung gagawin Hahaha sakanya naman dapat yun eh sila mag prepresent.
Mga 10:15 am nakatulog ako d Hahaha nagising ako ng mga 11:15 am tas naalala ko gigisingin pala kita today. So 11:30 am ginising kita and as usual tuwang tuwa ako sa morning voice ng dd kooo ☺ ang cute cute mo talaga pag bagong gising, yung boses is lutang pa Hahaha can’t wait na talagang gawin in person yuuuun 😊 then you sent me photo nahihiya ka pa nga, na kesyo magulo pa buhok mo, na bagong gising ka. Alam mo Edrianne Joy kung gusto mo makasama yung tao dapat kung ano itsura nya simula pag kagising palang hanggang sa pag tulog is dapat minamahal mooo kaya ako never issue sakin kahit anong gulo pa ng buhok mo or kahit anong itsura mo pa pag kagising as long as saakin ka gigising neee, tandaan mo yan neee kahit amoy laway kapa pag ihuhug parin kita at ikikiss, kahit gulo gulo pa buhok mo aamuyin ko parin yan.
Then you sent me a photo ulit na nasa office kana syempre ako napangangaaaa nalang. Ang ganda ganda talaga ng dddd koooo 🔥 kakagigiiil! tas nag message ka, tuwang tuwa ako syempreee at kinikiligggg ☺ nakakataba talaga sa puso yung mga ganong messages mo ddd sarap sa pakiramdam.
Tas nag paalam ako sayo na punta ako ng SM para bumili pa ng mga gamit needed sa boarding house. Bumili na ako ng coffee maker ddd!! yes meron narin akoooo sakawas! Hahaha makakainom narin ako nung binigay mong brewed coffee kabalik kooo 🤤
Tas nung kadating ko ng bahay binuksan ko agad yung TV para manuod ng She’s Dating the Gangster habang nanunuod ako nag titiklop ako ng mga damit kong nilabhan ni mama at nag impake na ako ng konti para madali nalang sa bukas. Ang ganda ng kwento ddd! nag teary eyes ako lalo na dun sa bandang ending dun sa namatay si Athena nakadantay pa sya sa balikat ni Kenji Huhuhu 🥺 pero i like it 👏
Sinimulan ko na mag basa sa Viber d Hahaha nakakatawa nga 🤣 muntanga tayoooo Hahaha pero ang saya saya ☺ hayyy namiss tuloy kita muriiit tuloy ko lang to hanggang sa antukin ako. Ikaw d kumain kana ba? kita ko story mo nanunod ka din ng she’s dating. Sana mahimbing tulog mo mamayaaaa. Good night my dd 😘
-----------------------
DIANE: Right after I posted here, nagmessage ka kaagad. We talked and most of the things I wanted to say eh nasabi ko na rin naman sa call. Pero uulitin ko, salamat kagabi b, hindi mo ko hinayaang matulog ng maraming iniisip. You don’t know how I truly appreciate it. Ngayon pa lang inaamin ko na overthinker talaga ako lalo na sa mga ganitong bagay. To tell you honestly, this is my bad side. A lot is going on in my head lalo na for an observant person like me. I do remember things at sana maintindihan mo na I have my good days and bad days. Most of the days they are really good but some days the sadness and self-doubt is consuming me, lalo na kapag may nakita akong nakakabother at nakakadisturb sa inner peace ko. But tonight, you made it go away. Idk how you did it pero I felt light and I had a good sleep after we talked. Buti na lang wala ka din pasok at wfh ka (yabang) at weekend din naman. Salamat talaga. 6am na tayo nakatulog hahahaha record breaking po ano, para tayong high-school HAHAHHAHA hayyy ang saya. Tapos kanina nagulat ako sabi mo you cant breathe HAHAHAHAHA wala naalala ko lang ung sa SDTG (sabi ko panoorin mo), wala lang hahahaha gustong gusto ko kasi yung book na yun before sa wattpad, gurl yung hagulgol ko dun kahit libro yon? Tumatak kasi sakin yung “I can’t breathe na yan”, kaya ever since pag may nagsasabing di siya makahinga yan ang pumapasok sa utak ko. Murit ka talaga ne, kakagulat ka bat ka ba nagsasabi ng ganun di mo naman alam meaning char hahahahahah di naman talaga common knowledge yun para lang sa mga nag-wattpad before ganon. Although nagbabasa pa rin ako sa wattpad from time to time dahil may favorite author ako dun, si Jonaxx. HAHAHAHA i love her stories nakakajeje pero maganda talaga I swear HAHAHHA wag mo ko ijudge sapakin kita. Yung pagkahopeless romantic ko e, lumalala dahil sakanya HAHAHA anywaysss share ko lang yun hahahha sorry random.
Ginising mo ulit ako dahil sasaglit ako sa office at sorry dahil mahirap nanaman ako gisingin HAHAHAHA sorry na agad pero hmmmm for the nth time at di ako magsasawa sabihin, thank you my bb for giving me my peace of mind, para akong nabunutan ng tinik to be honest –grabe di ako makahinga charot hahahaha. Thanks for being happy with me, it makes me happy too.
Umuwi din ako agad like what I said tas inaasar nanaman ako ni Ate Carol na masaya potek na yan hahahah sabi pa nya “Luh si Eddy sayang saya nanaman” HAHAHAH hay nako te carol pake mo ba. Charot hahahhaa.
9:00PM - Uyy saw your post at napanuod mo na yung SDTG HAHAHAHHAA kulet ka ah. I can’t breathe ka pa jan HAHAHA miss you agad murit
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Friday - September 18 - Day 21
BIEN: Swab day! Nagising ako ng mga bandang 2:30 am sa sobrang lamiggg nakatulog rin naman ako agad after mag isip isip Hahaha then nagising ako mga 6:00 am na d. Alam mo ba sinama ko sa impake yung jacket na binigay mo and yung ribbon dun sa cake na binigay mo na color gold baka kakasi pag balik ko wala na dun nag loloko kasi minsan yung lock nung main door ko kaya pag balik lalagyan namin ng second lock, okay na mawala lahat wag lang yung mga bigay mo! Hahaha 😂
Mga bandang 10:30 am na ako nasundo then diretso kami sa Pampanga to be honest kinakabahan ako Hahaha baka kasi nandun ka di ba Hahaha 😂
Ayun saglit lang pala nag papaswab dumating kami dun mga 12:00 pm na,12:30 pm tapos na kami buti konti lang taoooo sakit nung sa throat Hahaha mas nasaktan ako dun kesa dun sa ilong tas after lunch diretso balik na sa Tarlac d
Mga 3:00 pm kadating na ako dito sa bahay bili agad ako ng cake and ice cream gusto ko nga ikaw papiliin ko sa cake eh Hahaha sabi ko nalang yung chocolate cake nalang na may halong dark chocolate yun fave nating flavor ng cake eh Hahaha 😂 para satin talaga yun eh hindi kay mama Hahaha jk 😂 pero sarap sya ddd. Grabe sobra busog daming nakaeeeeen Hahaha
Saw your ig stories today dami nyo ring food busog ka din sigurooo then nag donate ka ng dugo di ba d? ano type mo? kasi ako ikaw eh! yieee Hahaha corny 😂 Type O kasi akooo gusto ko din nung key chain mong San Miguel! Hahaha ang ganda d
Eto na nga kita ko mga post mo sa Tumblr d yung super drained ka, pagod, kailangan mo ng peace of mind tas nag post ka pa dun sa account na parakaycbg na your really on your verge na. I’m super worried talaga sayo nun d kinakabahan ako na ewan 😔 tas eto namang si Renz nice timing din ito convo namin
Renz: Pre yung jowa mo na BPG. San nakatira?
Me: Bakit pre?
Renz: Pre malapit ba siya megamall? May papasuyo ako sana pre. Boto nako sakanya pre.
Me: Puta ka kinabahan ako sayo. Tangina ka putaaa kala ko may nang yari na HAHAHAHA puta ka. Di kami nag uusap ngayon.
Renz: Hahahahahaha naydamo (mura to sa kapampangan, tangina ata yan Haha)
Pre kausapin mo naman sige na
Me: Sa 29 pa kami mag uusap
Renz: Tang inang yan. Pre bilang isang kaibigan tatanawin ko ng malaking utang na loob.
Me: Puta ka talaga kala ko may alam ka sa nang yayari sakanya ngayon Hahaha nakikita ko post nya e parang may ngyari
Renz: Ay ganon Hahahaha Pre kilala naman niya ako diba. Pero malapit ba siya megamall?
Me: Malayo Metro Manila sya sa St. Jude
Renz: Aydana, sayang naman. Wala ka kilala na malapit sa megamall pre
Me: Wala na
Ayun tumigil naman rin sa kakakulit d Hahaha sakto timing nya kala ko talaga alam nya nang yayari sayo. Sa sobrang worried di ko na napigilan itext ka tas yung reply mo pa nun parang galit kaya mas nag worried ako na may nagawa ba akong mali.
Then we talked from 11:00 pm to 6:00 am record breaking ano po Hahaha we talked about update in life, work, and kung ano ano pa ang kulit kulit at gulo gulo mo eh Hahaha basta super saya ko kapag kausap kita, syempre super kinilig diiin! Yieeee HAHAHA 😂☺🥰 landeeee pero thank you talaga d at sinagot mo tawag ko at sana nahanap mo yung peace of mind na gusto mo sabi ko nga na lagi mong tatandaan na sa'yo lang ako, buong buo, 101% I’m all yours, pag mamay-ari mo na ako, Edrianne Joy Escobal Ascuncion property na po ito. I want to say so bad those 3 magical words to you kagabi but gusto ko tayo na pag sinabi ko ulit sayo yun d but thank you thank you talaga! Sana lahat ng napag usapan natin is magawa natin soooon, gusto nakita makasama, I wanna hold you, hug you, kiss you, pag masdan ka habang natutulog, gisingin ka, pag luto ka, asarin ka at madami pang iba! Mamimiss nanaman kitaaaa muriiit usap tayo sooon. 😘
------------------
DIANE:  Its a Friday and pumasok ako today kasi its kain day sa office hahahaha. I made Spam Musubi and buti na lang gusto naman nila hahahha may dala ring chinese food yung isang manager kaya busog na busog kami. May blood donation drive dito sa Head Office tapos nagkayayaan kami na magdonate. GURL HILO AKO HAHAHA nakakaubos pala ng energy to tas kinailangan na kami bumalik sa office kaya di kami masyado nakapahinga. Antok na antok kami pagkabalik. Alsoooo, happy birthday to your mom!! Nakita ko parang umuwi ka ng Tarlac idk bat ka nakauwi hahaha pero naisip ko na swab test mo nga pala ngayon Mga 8 nakauwi na din ako naligo tapos magpapahinga na sana ako kasi inaantok talaga ako.
May aaminin ako, di naman sa pakialamera ako or what pero from time to time eh nachecheck ko ung ig story ng ex mo. Hindi naman account ko ung pinangchecheck ko pero nakikita ko ung posts nya. Hindi ako nakapagcheck these past few days pero today sabi ko bago ako matulog parang gusto kong magcheck ng profile nya. Nakakairita, grabe. Di ko alam kung nananadya ba yun pero to post something like that? I understand bago pa lang kayo naghiwalay at isa rin to sa mga kinakatakutan ko pero ayaw pa ba nyang pakawalan ka? I would completely understand because I know nagsisisi siya sa pagbabalewala sayo pero gurl you had your chance, why didn’t you take it? I dont want to own you yet dahil wala pa naman so wala akong magagawa. The choice is always up to you. Alam ko namang nagfofollowan pa rin kayo at wala sanang kaso sakin yun. Alam nya kung nasaan ka ngayon. Pero grabe hahaha wala na ako masabi. Iba talaga ung naiisip ko. Promise, sumangga sa utak ko na mag-let go na lang dahil hindi ko talaga kaya na walang peace of mind, mas mababaliw ako. Gusto ko lang talaga matahimik sorry. Kaya nagpost ako dun sa blog intended for you kasi yun talaga nararamadaman ko. Nanghihina pa ako at hindi makapag-isip ng tama. Writing this before ako makatulog, sana okay ako kinabukasan. Sorry this is what I feel.
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Thursday - September 17 - Day 20
BIEN: Ayun d buti nalang di masyado pagod ngayon nag office work lang ako pero 7am to 10 am nasa loob ako ng planta tas tinawagan ako ni Boss na kailangan nya daw ngayon ng mga GSMI na budget eh si Ian daw hindi nya kakayanin pag sya lang kaya tulungan ko daw, nag paalam naman ako sa mga heads dito pinayaagan naman ako.
Tas mga bandang 4:30 pm tinawagan ako ni Boss Rene may ibang pinagagawa. Madali lang naman tas mag fi-5:00 pm na di ko pa nasesend sabi sakin tinext ako “tagal. iinom na kami” HAHAHA natawa ako 😂 sabi ko sa sarili ko busit to nang iinggit pa Hahaha tas reply ko sakanya “Haha ito na po pasend na po bagal data po dito eh” tas reply nya d “haha. bilis. nauuhaw na ako” busit talaga Hahaha 😂 reply ko “sana all iinom po” nandun daw sya sa Pangasinan tas sabi ko nalang iinom nalang nya ako Hahaha kainissss. Mga mag 9:00 pm na ako nakauwi d wag po kayo mag alala kumain po ako sa planta neeee.
Swab test na bukas dd! bali susunduin ako dito ng tiga Tarlac tas balik ng Pampanga para pa swab tas uwi ng Tarlac, yes! makakauwi ako sa birthday ni mama Hahaha tyaka gusto ko din talaga umuwi nakakabaliw kasi. Excited nga ako nag iimpake kanina eh Hahaha September 22 pa ulit balik namin may pahinga ng ilang araw pero 21 pahatid na ako pabalik dito.
Ikaw d, kamusta work? Sabi mo pag tapos na ang ghost month ba yun? ay magiging busy na ulit, dami ka ba ginagawa? Just always remember na I’m cheering for you! kayang kaya mo yan! I believe in you, you can do it! go go go! 😊 basta lagi ka mag iingat pag uwi mo d and yung mga reminders ko po neee baka mamaya may pasa pasa ka nanaman pasaway kaa 😜 or naiwan mo nanaman door key mo, kumain ka rin ne po alam ko pag nakain kana sa office hindi kana kakain pag uwi, oks lang naman yun. I miss you muriiit. 😘
Natutuwa ako sa mga reblogged natin sa Tumblr para tayong nag sasagutan Hahaha pero nakaka relief din kasi parang nag uusap narin tayo kahit papaano. Alam mo ba this past days talaga ang hirap hirap para sakin miss na miss kita even when I’m at work naiisip din kita, na kamusta kana kaya, kumain kana ba, nakauwi kana ba, how’s your work, namimiss mo rin kaya ako, miss ko na boses mo, at ang dami pa Hahaha iniisip ko nalang lagi na bat ikaw nakakaya mo dapat ako din pero sa totoo lang talaga malapit na malapit na kitang tawagan talaga I really miss you my d. Twing gabi malamig tas madalas umuulan, nag titimpla ako ng Essenso na binigay mo wala pa ako brewer eh pero plano ko bumili this weekend para makapag coffee ako nung binigay mong brewed coffee 🤤
---------------------------------
DIANE: Wfh ulit today. Pinapaseminar ako ng Boss ko sa logistics, mukhang papatulungin ako dun sa isang ka-officemate namin. Panibagong terms nanaman hahahaha nakaka-alien to kakainis. Sana kaya kasi mukhang madugo din hahahaha bahala na. Yun lang nagawa ko buong araw, tinry ko makinig ng maigi baka mamaya tawagin ako tas wala akong masagot HAHAHAHA kinamusta rin kami ni Ms. Reg today napaka-clingy nyalately haha kakatuwa. Nagwowonder kamo ako every time kung anong ginagawa mo. Nakakain ka na kaya? Napapagod ka ba? Proud na proud ako sayo pero sana wag ka masyado magpagod. Ang hirap pa naman magisa baka magkasakit ka. Hayyyy hirap ng daming iniisip, sorry. Dapat di na ako nagiisip eh. Umalis ka nga dito sa utak ko ne hahahahaha
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Wednesday - September 16 - Day 19
BIEN: Hi d! As usual, sobra pagod nanaman Hahaha ang sakit ng paa ko ngayon Huhuhu lakad kasi ng lakad dun, dami minomonitor eh then tumatakbo din tas dami pang hagdan. Kanina mga 3:00 pm badtrip nawalan pa ng kuryente di ba nasabi ko gusto nung plant manager na tumaas output ko, eh ang ganda na nga takbo ng production ko kanina meaning mas dadami output ko tas bigla naman nawalan ng kuryente kaasarrrrr pero na-hit naman namin yung quota today pero kahit na sayang talaga! kainissss Hahaha namimiss ulit kita kanina ☹ saw your ig story today na yung nag cocoffee ka tas may “good morning indeed” ano ibig sabihin nun ah Hahaha sapakin ko yan if may ibang nag googood morning sayo Hahaha joke lang 😂 tas yung isang story mo pa na sama ka sa BMEG Binalonan Pangasinan Plant pag mag lalagay ng testing site dun, sama ka d para makalibot ka namannnnn nakakabaliw pag nasa condo lang parang ako ngayon Hahaha kakainis di ko alam gagawin ko pano ko lilibangin sarili ko other then matulog ng maaga. Balak ko ngang simulan na yung convo natin sa Viber kaso naisip ko sobrang masasasad ako. Sabi ko nalang next week nalang tutal lapit na yung 29! Woah! Can’t wait!!
Saw your posts sa Tumblr parang may problem ka d? Sabihin muna please para mawala na yang iniisip mo kung ano pa yan. Wag ka masyado nag aalala sakin I’m okay naman eh kahit na hirap basta para sayo d! Bilib na bilib nga talaga ako sayo nakakayanan mo kahit ganto tayo. Nung unang gabi ko nga dito ay nako grabe talaga sobrang sad kung di lang ako nag linis nun baka nabaliw na ako ng tuluyan Hahaha basta bilib na bilib ako sayo d sabi ko nalang sa sarili ko “sya nga nakakayanan nya, ako din dapat” for you, for us!
PS: sa sobrang antok naiwan ko bukas ilaw sa labahan (may pinag manahan pala ako Hahaha joke 😂)
------------------------
DIANE: Wfh ako today and gurl sobrang nakakatamad nanaman bumangon dahil hindi naman naulan pero ang gloomy ng weather. Wala ako masyado nagawa tbh kasi wala naman akong PR talaga. Tyaka nakatulog ako ng 5PM awit na yan, nagising naman ako nang bandang 7. I had a bad dream, you were sad daw tapos nagsstory ka tas chinag ka ng ex mo na “Are you sad? you want me to comfort you?” TAapos nireplyan mo na OO!!! HAY NAKO SAPAK KA TALAGA SAKIN CHRIS BIENSON. Kaya sorry sa mga napopost ko. Kung ano ano naiisip ko ne. Iba yung feeling ng panaginip ko, feeling ko totoo e. Buti na lang talaga naiintindihan mo ung sapak ko hahahahaha kaya thank u b. You da best. Ayoko na managinip ng ganun pagkagising ko naiinis talaga ako HAHAHAHAHA. Thanks for making me feel better with your posts and for the assurance that I need. Kakabaliw ka ne. Wala masyado today b dahil wfh naman. How are you adjusting sa new work mo? Wag ka sana mapagod masyado :(((( 
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Tuesday - September 15 - Day 18
BIEN: Aga ko nagising d mga mag 4:00 am, malayup! nakakumot ako naulan kasi, syempre tinignan ko muna mga social media mo kung ano ganap sayo miss na miss talaga kita tas natulog ulit ako d.
Sa work d first time ako iniwanan nung nag tuturo sakin as in mag hapon ako yung nag ooperate and nag mamanage ng mga tao, nakakapagod! physically and mentally Hahaha napressure pa ako kanina nung binisita ako ng plant manager sabi pataasin ko daw yung output napataas ko naman kahit konti d pero kanina talaga pressure na pressure ako gusto na kita ichat talaga Huhuhu tas mga hapon 3:00 pm namimiss kita ng sobra ☹ as in nasasad ako, sabi ko tignan natin mamaya pag kauwi kung kaya kong hindi mag chat or text sayo. Bilib na bilib nga ako sayo pano mo nakakaya yung ganto. Konting konti nalang talaga mababaliw na ako.
Pag kauwi ko, sobrang pagod ako. Sakit ng likod at paa ko! Hahaha oks lang naman pero pagod nga talaga nilibang ko nalang sarili ko sa guitar hanggang sa inantok d. Ikaw ba murit? kamusta work? Wala na ako balita sa work moooo kwento mo namannnn. Basta tandaan mo mga reminders ko sayo at mag iingat parati neee.
Lakas ng ulan dito mag hapon kaya malayuup
d dyan ba? Nga pala lahat ng isusulat ko sa diary nato starting today is tinaype ko bago matulog d ang hirap kasi sa planta laging may ginagawa but I’m always checking your Viber/IG/Tumblr kung ano last seen mo or may story ka ba or may post ka ba. Sana maging okay na kasi baka di ko kayanin lagi ako pagod tas gusto ko ikaw kwentuhan ko ng mga ngyari para mawala pagod ko. You’re my pain and stress reliever. I miss you d.
---------------------
DIANE:  Pumasok sa office ulit today. Ang hirap bumangon dahil super lakas ng ulan tapos napakalamig pa. My kind of weatherrrr. I was kind of okay pero I can’t help but to still worry. Tried not to think about it and just continued to help my boss with their report. Aaanndd tumabi ako kay Ate Erica today pero wala din naman ako masyadong imik dahil busy din naman dahil sa pinapagawa. Chinat din ako ni Sir Kim about dun sa boxes for your PPEs ata. Maaga din ako nakauwi today. I’m sorry wala nanaman ako masabi, napagod ata ako kakaisip nung isang gabi kaya I decided to sleep early today. I am writing this before matulog dahil gusto ko may makausap at mapagkwentuhan kahit papano. Its your 2nd day at work and feel ko di ko masyado kelangan magworry sayo dahil kayang kaya mo naman yan and you’re a fast learner. Laki ng tiwala ko sayo eh (wink) Wag ka sana masyado magpapagod at laging kumain ng tama. ‘wag mo masyadong galingan b baka mapromote ka kaagad? hahaha jk Good night my bbb I hope you’re doing fine
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Monday - September 14 - Day 17
BIEN: Instead of 5:30 am and 5:45 am yung alarm ko, 5:15 am and 5:30 na sya Hahaha inagahan ko d para masanay na katawan ko pero 7am - 7pm talaga pasok ko. Ganun parin morning routine ko pag kagising check ko yung Viber mo kung anong oras last seen mo tas check ko IG mo kung may story ba tas Tumblr mo check ko, dun sa mga yon lang ako nagiging updated sayo eh hayyss kakamiss ka.
Ayun sa work naman since I’m new, turo dito turo dun. Dami kong natutunan today. Sad nga lang agad akong nilipat sa isang section eh ang saya saya nanung naturo sakin na section challenging pa. Kwento ko lahat sayo d pag nag usap tayo.
You Viber me pala today asking me kung kay Kim mo ba tatanong yung mga deliveries basta sabihin mo lang sakin yan pag inuutusan kana nyan ako bahala papabugbog ko Hahaha joke 😂
Ayun nakauwi na ako mga 7:15 pm super pagoood!! sumakit likod ko d Hahaha bumili lang ako iken sa ministop for dinner, malapit lang yun dito walking distance lang. Ikaw ba d? How’s your work? Nakauwi kana ba? I wanna hear it. Usap tayooo kung pwede lang sana. I miss youuu my dddd grabe kung hindi lang pagod katawan ko talagang tinawagan na kita, agad lang ako nakapag pahinga eh feeling ko nga mas napalayo ako sayo ☹ hindi na kasi tayo work related pero oks lang pareho namang San Miguel but alam mo ba d other than my family, you’re also the reason why I’m working so hard. Inspired talaga ako sayo. Hope you’re okay d dito lang ako lagi! 🤗 nga pala naalala ko lang August 13 di ba nung umamin ako sayo Hahaha happy one month sakin 🤣 Hahaha
--------------------------
DIANE: Pumasok ako sa office today. Nakatulog naman ako pero paputol putol nga lang. I don’t think I can sleep well. Konti lang gagawin ko dapat sa office today but my Boss asked me if I can assist her today with her reports. Wala tayong choice and wala naman ako ginagawa kaya okay lang sakin. It was exhausting when I got home and the first thing I did was to call my mom. Di ko din nakayanan dahil I also broke down. Ayoko na sana makita pa ung mama ko na umiiyak pero di ko din kaya ung emosyon ko. Gusto kong umuwi. Di ako mapakali na ganun yung mama ko. Sorry wala ako masyado masabi ngayon dito pero I’m so pre-occupied. I hope everything will get better, ang hirap ng walang mapagsabihan ng gantong problema pero sanay naman akong sarilihin mga family problem namin. People always know me as a very private person kaya ayun nakakasanay talaga.
After we ended the call, I felt guilty dahil nagbreakdown agad sa mama ko tapos siya nagpapakatatag.
Siguro to comfort me, my mom told be na magpapadala na lang daw siya ng mga paborito ko at wag daw ako mag-alala dahil sa pasko makakauwi naman daw ako. I hope she’s really fine. I miss you murit, I hope you’re okay diyan and I’m sorry I had to share this here.
PS: Naalala ko pala na one month na simula nung umamin ka sakin. That makes me really happy. I miss you.
0 notes
cbg-eja · 4 years
Text
Sunday - September 13 - Day 16
BIEN: Mga 5:15 am nakami nakaalis papuntang Bulacan d. Last seen mo 5mins ago bat gising kapa? Hindi kaba makatulog? Wag mo kasi ako masyado isipin d Hahaha joke! 😂 saw your ig story 3:34 am gising kapa at nag kakape paaaaa pasaway kaaaa tulog kana dyan muriiit..
Bandang 7:30 am nakarating kami sa Bulacan d tas nag simba ng 8:00 am bagong gawa yung altar dun sa Bulacan ang ganda superrrr tas after mag simba pumunta kami sementeryo binisita sila Amang at Inang, lolo’t lola ko d, parents ni Mama. After nun balik kila Ninang sa bahay ng kapatid ni mama tas may dala kasi akong cake yung bigay mo d nung nilabas ko tumitingin mga aso nila Hahaha 😂 parang gusto eh naalala ko nanaman si corgiii 🥺 Hahaha bili na po tayoooo
Mga bandang tanghali d natulog kasi ako sa may kusina may higaan dun eh tas parang naalimpungatan lang ako tas nagising ako ng konti tas naririnig ko usapan nila mama at ninang chinichismis kana ni mama sakanya d HAHAHA 😂 di ko alam bakit ganon topic nila basta rinig ko lang na kwinekwento ka ni mama na ikaw nag bigay ng cake na dala ko, katrabaho kita, San Beda ka graduate, Cum Laude, matalino, marunong mag luto, mag laba, mag drive tas tinanong ni ninang kung girlfriend naraw ba kita sabi ni mama “hindi pa pero papakilala daw agad pag girlfriend na raw na nya, ngayon lang nag kwento si Bienson ng ganyan sakin” tas naririnig ng mga pinsan ko at yung boyfriend ng pinsan ko Hahaha 😂 tas nung paalis na kami sabi nung boyfriend ng pinsan ko naririnig ng lahat to ah “kailan mo ba papakilala bago mong girlfriend?” sabi ko “soon pag naging kami na” tawa lahat Hahaha 😂
Mga 1:30 pm d dumating kami dito sa San Ildenfoso. Nag hakot tas iniwan na nila ko mga 3:00 pm after that nag linis ako grabee kapagoood!! mga 8:00 pm na ako natapos mag linis Hahaha sobra pagodddd kaya maaga rin ako natulog, gustong gusto kita makausap kasi homesick na homesick ako at narinig mo pa ata umiyak si mama mo d kita ko sa Tumblr post mo ano ba ngyari d? Sana okay na lahat, kita ko pa story mo yung kung mag black hair ka ba basta ako kahit ano pa yaaaaan gusto ko lang kita makausap at makasama. Kung hindi lang ako pagod panigurado kinausap na kita. As in pag kahiga ko agad tulog ako d.
-----------------------
DIANE: Parang 5am na ata ako nakatulog and medyo tinanghali ako ng gising, medyo lang dahil nabulabog ako sa tawag ng mama ko. Yung nanay ko parang hindi nasanay sakin na tanghali nagigising lagi. Pambungad lagi sakin “Ano ba yan tulog ka pa rin?” HAHHAAHA naggrocery ako ng mga 3pm and I know you’re bound for Bulacan today. Malamang alam ko kasi sinabi mo sakin HAHAHA pero nakikita ko din sa stories mo, murit talaga pinicturan pa yung cake eh. Proud ka jan siz? hahahahah kakatuwa din naman.
I got home ata round 5:00 na din, I immediately took a shower nagpatuyo ng buhok tas nagpicture HAHAHA tas 6pm natulog kasi parang kulang ung tulog ko kanina. I woke up at around 8pm with my Ate calling sa messenger. Idk if okay lang sayo magshare ako ng family matters but eto.. umiiyak siya nung nag-answer ako. Nagshshare naman na sya sakin before pa and ayon she is struggling sa ibang bansa, nagbreakdown sya today and gusto na nya umuwi. Back in the US naman kasi before she was really okay, lalo na at may family rin kami don na malapit. Ngayon kasi sa Canada wala talagang nandun to help her. To cut the story short nagka-problem sa working visa nya ni hindi man lang nya sinabi samin mag-iisang taon na. Naiinis ako sakanya dahil di nya sinabi agad pero naaawa ako sakanya. While talking, di namin napansin ng ate na sa groupchat pala namin kami nagvivideo chat, nagulat na lang kami bigla sumama sila mama and nakita yung itsura nung ate ko. Wala balak sabihin nang ate ko sa ngayon pero knowing mama, she would insist for her to know what’s happening. Di yun titigil kaya pinilit ko yung ate ko na sabihin na lang. Umiiyak yung mama ko and I can’t bear to see it. Ang hirap makita yung nanay mo na nasanay kang lagi lang matatag. I had to make adjustments here para maayos yung papel nya don, medyo mahihirapan ang ate dahil may pandemic pa pero buti na lang din may friends ang mama dun pero pag walang nangyari she will have to go back home here. I’m fine sa adjustment na mangyayari pero its more than okay dahil ako lang naman ang nandito sa Manila madalas. Ayoko masyado maglagay details here pero you can ask me na lang about this. I can’t get this out of my mind but I’m praying for this. Sana maayos and I believe it will. Soon.
1 note · View note
cbg-eja · 4 years
Text
Saturday - September 12 - Day 15
BIEN: 5:45 am Good morning d!! ang ganda ng gising ko 😊 nakausap kasi kita kagabi eh napakagaan at sarap sa feeling sana lagi nalang ganto. Sigurado tulog kapa. Gisingin kita laterrrr 😘
Pag ka dating ko sa office nag timpla agad ako ng kape mo Hahaha actually I’m looking forward talaga this morning na makatimpla ng coffee mo sarap kasi dddd. Bibili talaga ako ng brewer para makainom ako ng coffee mo sa Bulacan.
8:00 am tinawagan kita at ginising. As always, your morning voice ghaaaadddd!! you got me melting 😍 so cutiiieeee!! Haysss gigil na gigil ako sayo! Hahaha 😂 sorry po neee. Ayun syempre inaasar nanaman ako ni Renz Hahaha yaan mo sya basta gusto kita makausapppp. Hirap mo talaga pabangunin neee kailan ko pa ibahin yung oras para dumilat ka Hahaha 😂 but thank you that you let me wake youuuu. Mamimiss nanaman kita dddd haayyssss.
9:29 am nag text ka. Naluha talaga ako dun at na sad ☹ but masaya din syempre ito reply ko d kung gusto mong balikan.
“Di ko kayang di mag reply.
Shemaaayyyy naluha ako Huhu muriiiit ka talaga Edrianne Joyyyy! 😢 but at the same time sobrang saya haayyyyssss grabeeee sobrang thankful talaga ako sayo at naparamdam mo sakin ito, hindi ko rin maexplain but my heart is also full, thanks to you my d. Gusto ko ishare sayo lahat lahat na nang yayari sa buhay ko mapa good or bad thing man yan even the small things gusto ko rin ishare and ganun din naman ako I wanna be there for you when you experiencing that events. Lalo na sa mga achievements mo like yung savings mo na okay na, proud na proud ako sayo neee, ang hirap kaya ng ginagawa mo kaya ko kinamusta kagabi yun kasi alam kong big deal sayo. Basta ang saya saya ko sayo! and always remember that I’m always here for you d. 🤗😊 Thank you!! ❤”
Sa work naman d tuloy lang turnover ko nag paturo ulit si Ian mag PR. Natapos ko naman lahat ng kailangan ko iturnover d. Sabi ko good luck nalang kay Boss Rene mabait naman yun.
Pag kadating sa bahay, nag impake agad. Grabe sobrang pagodddd Hahaha ikaw d? Musta? kita ko story mo ah kumain kayo nila Pau sa Pampanga? Lapit nasa Tarlac yun dapat pinadiretso mo na d Hahaha 😂 lagi ka mag iingat ne po. Missing you already!
---------------.
DIANE:  Woke up again with the sound of your voice. Thank you for waking me up :(( may bago na akong alarm clock HAHAHAH jk. Ngayon pa lang magsosorry na ako dahil mahirap talaga ako magising. Kelangan may 1 hour adjustment dahil hirap na hirap ako dumilat ewan ko kung :(( hayy will you still love me the same? HAHAHAH charot. Anywaysss, had to wake up early today dahil dadaan ung ate and papa ni pau sakin to get their face masks na inorder. Ang aga ko nga nagising pero 2pm naman na sila pumunta dito AANNDD! sinama nila ako kumain sa SM North (buti na lang nakaligo na ako hehe) and I was home before 8 na kasi may curfew sila hahaha. It felt good actually, buti na lang nanjan si pau dahil she has kept me sane during this quarantine lalo na nung wala ka pa. She has been my support system ever since. Gago lang kami magusap madalas pero may sense din ung friendship namin HAHAHAHA kinwento ko rin sakanya na nagbigay ako ng cake, syempre inasar nanaman ako hays HAHAHAHA
Tumblr media
Nakatulog ako saglit but I had a hard time sleeping afterwards. Read some of my old books and nag-coffee pa ako, grabe nababaliw ata ako at di nanaman kita makakausap but I’m fine tho it’s a good things dahil nakapagisip din ako. 17 days to go and I miss you.
0 notes