Tumgik
boxedroom · 6 years
Text
When Thanos snapped his fingers, we turned to dust.
To JRG,
I never thought I would be writing again.
But these are the moments that help ease my pain and declutter my mind.
Last time, I said I could wait for more than a month, but you sounded so desperate that I had to give in asked you to meet up.
Spontaneity, it's a very bad habit of mine that I can't get out off. It's very ironic that me who earns by making plans for a living went out of my way just to see you.
Looking back, I felt manipulated. I let it slide because you know what? I like you.
Oh boy, my ex is haunting my thoughts right now. "Have a little respect for yourself", he said.
After our first meeting you started to change. Maybe I was not the person you were looking for. Maybe you are actually in love with someone else and it made him realize that and now he loves you back. There are too many maybes in your story that I guess would go unanswered.
But one thing is for sure, I did my best to show you who I am.
The irony of the thing is, the more I want you to like me, the less you like me back. And it felt like I've been chasing an idea of you rather than you as yourself. And I'm sorry if I made you feel that way.
Days went by, Thanos snapped his fingers and like half of beings in the universe, our relationship started to crumble and turned to dust. And now we're at the ashes of what could've been. If only that god damned star lord could've just waited for 5 mins for Spiderman and Iron Man to take off that mother effing gauntlet.
Thank you for your time. I was happy. I hope you were.
Best,
G
1 note · View note
boxedroom · 9 years
Text
balang araw (25 Sept 2015)
Minsan, masarap isipin kung ano ang pwede mangyari 'Sing linaw ng salamin, Walang bakas ng dumi,
Ang mga pangarap na unti-unting Nabubuo na parang sineng digital Na masarap panoorin ng paulit ulit
Ikaw ang bida, Ikaw ang may kontrol ng mga Susunod na eksena, Ikaw ba ay papaapi at babawi sa huli? Ikaw ba ay maglalakbay, bitbit lang ang iyong sarili?
Ngunit sa huli, Lalabas ang mga tabing, At ang pangarap mo'y magtatapos,
Kaya't mangangarap kang muli Mangangarap ng paulit ulit, Na "sana, ako din", "Balang araw, ako din"
Sapagkat ang mangarap ay mabuhay Ang pagsusumikap para marating ang pangarap, Pagsisikap para mabuhay ng dahil sa pangarap, Sa pangarap nabubuhay ang iyong pagsisikap,
Upang balang araw, ikaw din Na sana, ikaw din
Sinasabi mo sa iyong sarili ng unti - unti "Malapit na, kaya pa" Sa susunod ako na ang magiging bida, Ng istoryang aking binuo, Habang nakatingin, Sa labas ng salamin, Mula sa iyong kinauupuan, At nag iisip, Na "Sana, balang araw, ako rin"
0 notes
boxedroom · 9 years
Text
kamusta ka? (24 Sept 2015)
Hindi ako makahinga, Tuwing naalala ang araw ng sinabi mong tayo'y tapos na.
Hindi ako makahinga, Nalulunod ako sa ating mga masasayang alaala, Hindi na ako nakakahinga
Lumangoy tayo Sa karagatan ng pagmamahal at pagpapakasaya Sa karagatan ng pangako mong tayo lang dalawa Lumangoy tayo. Tangina!
"Hindi ako marunong", noo'y sabi ko. "Hindi ko kaya" Ang sabi mo, "wag kang magaalala, Aalalayan kita"
Nilangoy natin ang dagat Hanggang sa ang taong atin lang nakikita Ay ang isat isa Lumangoy tayo hanggang sa gitna ng kawalan Lumangoy tayo hanggang sa napagod ka
Sinabi mo, "ayaw ko na" "Ako'y pagod na"
"wag mo akong iiwan" "wag mo akong bitawan" Kahit ilang beses akong nagsumamo, bumitaw ka Kahit alam mong hindi ako marunong lumangoy Bumitaw ka
Unti-unting nilamon ng tubig Habang nakikita kong papalayo ka, Ang init ng sikat ng araw sa ibabaw ng tubig, Wala na, Napalitan na ng lamig
Nalunod ako sa galit, Nalunod ako sa pagsisi sa sarili kung bakit ako nagpabigat
Kaya ka ba napagod? Ikaw ba ay nalulunod at hindi na rin makahinga? Sinabi mo agad sana, Para binitawan kita at nang makaahon ka, Bibitawan kita dahil mahal kita, Binitawan sana kita, dahil minahal na kita
At nang ako'y iyong iniwan, Ninais kong lumangoy at umahon, Ibinaon ang sakit sa limot at sa paglipas ng panahon
At nang ako'y muling nakahinga, Akala ko tapos na Hindi pa pala, Limang taon ang lumipas at ikaw ay muling nagpakita
Nalulunod muli ako, Nalulunod at hindi makahinga, Nalulunod sa saya, Nalulunod sa sakit, sa hapdi ng mga sugat na nagsara na iyong muling binuksan nang sinabi mong, "Kamusta ka?"
0 notes
boxedroom · 13 years
Text
Unang Kabanata: Takipsilim
Binilisan ni Magus ang pagtakbo mula sa bangkay ni Arman. Alam niyang mahuhuli siya ng mga aswang kung susubukan pa niyang kunin ang katawan ng kanyang amo. Mabilis ang mga pangyayari. Naglalakad lamang sila sa may Roxas Blvd. ng bigla silang sinalubong ng isang pangkat ng mga aswang at inatake. Kahit makapangyarihan pa si Arman, hindi niya kinaya ang biglang pag atake ng isang aswang sa kanyang likuran. Mabibilis ang mga aswang at kung hindi si Arman ang kasama ni Magus, malamang ay pareho na silang namatay. Nakakalayo na si Magus ng muli niyang sulyapin ang kinalalagyan ni Arman. Nandun parin ang mga aswang. Malamang ay pinagpipiyestahan na nila ang kaluluwa ng punong santelmo. Bilang isang dugong bughaw, matagal tagal din bago mauubos ang lahat ng katawang espiritu ni Arman. Alam ni Magus iyon kaya madali siyang nakatakas mula sa mga aswang.
Kailangan malaman agad ng konseho ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi pwedeng magtagal na walang pinuno ang kanilang angkan dahil kaguluhan ang idudulot nito hindi lamang sa mundo ng mga engkanto pati na rin sa mundo ng mga tao. Nang mabatid ni Magus na ligtas na sa kanyang kinaroroonan nagsimula na niyang awitin ang mga katagang makakalipat sa kanya sa ibang lugar. Sa pagkabigkas niya ng huling salita, nawala na siya sa kanyang kinatatayuan at sa isang madilim na silid, hinarap siya ng tatlong engkantong nagaabang sa kanya.
"Nasaan ang punong santelmo, Magus?" tanong ng isa sa kanila. Ang babaylan na si Naya. Isa sa mga tagapagbantay kagaya ni Magus.
"Masamang balita Naya. Naglalakad kami sa may baybay ng bigla kaming sinugod ng mga aswang" tugon ni Magus. Tiningnan niya si Naya at ang mga katabi nito na si Abel at Hibram, pawang mga tagapagbantay. "Wala na....wala na ang punong santelmo."
"Paanong nangyaring hindi nakatakas si Arman, Magus?" tanong ni Abel. "Nakaligtaan mo ata ang iyong tungkuling protektahan ang punong santelmo?"
"Alam mo naman ang mga aswang Abel" depensa ni Hibram. "Walang makakapantay sa bilis nila maliban sa mga tikbalang. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung paano ka nakaligtas Magus."
"Nakagat na siya ng aswang bago pa man siya makatakas kaya wala na siyang ibang magawa kundi ipasa sa akin ang singsing ng santelmo at silaban niya ang kanyang katawang tao. Nagawa ko lang makatakas nung magkatawang espiritu na siya at...."
"Tama na muna yan. Kailangan na natin hanapin ang papalit sa punong santelmo" sabi ni Naya. "Habang wala pang punong santelmo ay nasa panganib ang ibang mga engkanto. Hibram at Magus, kayo na ang bahalang kumausap sa ating mga angkan at sa iba pang mga engkanto."
"Abel, kailangan natin malaman ang buong pangyayari sa pagkawala ng punong santelmo. Magbabayad ang mga aswang na iyan sa ginawa nila kay Arman!"
"Ako na ang bahala Naya." sagot ni Abel. "Kunin mo na ang singsing mula kay Magus at ibigay yan sa papalit sa kanya."
"Kung alam ko lang kung saan nakatira ang bata..."
"Sa Las Pinas, Naya." sabi ni Magus. "Nasa Las Pinas ang mga anak ni Arman."
***
"Mukhang tagumpay ang plano mo, Lilian" isang bulong mula sa isang sulok ng madilim na silid na kinalalagyan ni Lilian.
"Naguumpisa pa lang kamo. Tumawag sa akin si Malach at nagpasalamat sa inihanda ko sa kanila. Ang hindi niya alam patikim palang iyan ng piyestang mangyayari sa mga susunod na araw. Bubusugin ko siya at ang mga kapwa niyang aso." humithit pa ng isa si Lilian at kasabay noon ay naglaho ng parang bula usok lamang mula sa nahulog na upos ng sigarilyo ang nakikita sa silid.
itutuloy...
0 notes
boxedroom · 13 years
Text
balang araw...
marami sa atin ang mahilig mangarap. kung minsan pa nga eh, sa ating mga pangarap umiikot ang buong buhay natin. tayo ay nag-aaral para makapagtapos, nanliligaw para magkanobya/nobyo , nagtatrabaho para may panggastos. buong buhay nating unti-unting binubuo ang ating mga pangarap.
hindi ako naiiba, may mga pangarap din ako.
may mga pangarap akong natupad...
balang araw makakatapos din ako ng pag-aaral
may mga pangarap din akong di natupad...
balang araw magiging doktor ako
may mga pangarap na simple...
balang araw makakabili ako ng sarili kong gamit
mayroon namang hindi...
balang araw magkakaroon ako ng sarili kong pamilya
may mga pangarap na hanggang pangarap na lang...
balang araw magiging akong sikat na artista
mayroon ding ipinagpipilitan...
balang araw gagaling din ako kumanta
sa sobra dami ng aking mga pangarap, hindi ko na alam kung paano sila tutuparin. hindi ko na alam kung paano ako kikilos. sa buong 25 na taon ko na sa mundong ito, mas kaunti ang mga pangarap na natupad sa hindi. ngunit, may mga pangarap na hindi mawawala sa aking isipan at sa tingin ko'y kailanma'y hindi magbabago.
balang araw may magmamahal sa akin ng tapat
ngunit, paano kung sawa ka ng mangarap? I AM STUCK. nauubusan na ata ako ng aking mga pangarap. ang buhay ba ng tao ay katumbas lang ng kanyang mga pangarap? gaano ba talaga kahalaga ang pangarap? I FEEL EMPTY. parang inuubos ko lang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay. I FEEL USELESS. hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I AM LOST.
mayroon pa naman akong pag-asang natitira. ngayon, hindi ko alam ang aking gagawin. baka bukas o sa ibang araw baka may kasagutan na ang aking mga katanungan, para.....
balang araw matutupad din ang mga pangarap ko.
0 notes
boxedroom · 13 years
Note
WHAT IS YOUR FAVORITE INANIMATE OBJECT?
a pen.
0 notes