Tumgik
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Ang aking paglalakbay
Ang unang litrato ay ang panahon na ang aking ina lamang ang nag aayos saakin mula damit na kanyang tinahi hanggang sa pag lalagay ng kolorete saaking mukha. Noong una wala akong kaalam alam sa pag aayos saaking sarili ngunit andyan siya para saakin ay mag ayos. Sa kanya ko natutunan kung paano mag lagay ng mga kolorete sa mukha at paunti unti ako na ang nag aayos saaking sarili pag may mga aktibidad na hindi gaano bongga. Tuwing may mga ganap ay dapat maayos ang aking sarili at siya ang gumagawa non. Ang pangalawang litrato ay ako na ang nag ayos saaking sarili, galing sa mga natutunan ko sakanya. Ngayon ay nakakaya ko na gawin ang mga ginagawa niya saakin. Ngunit kahit kaya ko na gusto ko pa rin na hindi mag bago ang mga panahon na siya pa ang nag aayos saakin. Gusto ko lamang na siya ang umaayos saakin at walang iba. Siya ang kasama ko sa paglalakbay saaking buhay, lahat ng suporta niya ibinibigay niya saakin. Di ko nakikita ang sarili ko na wala siya dahil pag wala siya di ko kaya, sakanya halos umiikot ang aking buhay. Ilan lamang yan sa mga pinag bago ko, marami pa akong pinagbago may maganda at may hindi maganda. Isa sa mga magandang pagbabago saaking buhay ay ang natutunan ko kung paano mapag-isa at hindi naka depende sa iba, natutunan kong tumayo saaking sariling paa na hindi kinakailangan an kanilang tulong. Isa rin sa medyo hindi ko magandang pinagbago ay ang palagi ko silang sinasalo tuwing kailangan nila ng aking tulong. Kahit may nagagalit na saakin patuloy ko pa rin silang tinutulungan. Andyan ako pag kailangan ko sila ngunit sila wala pag kailangan ko naman sila ngunit ako'y sanay na dahil ganyan na saating mundo ngayon. Ito ang konting pagbabago saaking paglalakbay
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Larawang Sanaysay
Isang bagay na maihahalintulad ko saaking sarili mula pa pag kabata ay ang papel at lapis. Isang blangkong papel na kagaya ko nung ako'y binuhay dito sa mundo. Walang laman at walang kaalam alam gaya ng papel blangko lamang. Ngunit habang ako'y lumalaki nadaragdagan ang kaalaman ko sa buhay, nadaragdagan ng mga pangyayaring hindi malimutan katulad ng lapis na nandyan lang upang punan ang blangkong papel. Dalawang bagay na daan upang pangarap ko'y matupad, ang maka pagguhit ng magagandang larawan. Di ako bihasa pag dating dito pero nais ko pa rin maipakita ang aking kakayahan kahit kaunti. Ito na lamang ang talentong meron ako, ano pa ang gagawin ko kundi ipagmalaki ito. Dalawang bagay na balang araw tutulong saakin upang ako'y maging asensado sa buhay. Isang papel at lapis na maihahalintulad ko sa aking buhay mula simula.
Tumblr media
0 notes
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Paaralan ko tulong ko
Nais kong ipaalam sa aming punong guro ang nakikita kong problema tungkol saaming palikuran. Kung maaari ay mapanatili ang kalinisan ng aming palikuran dahil mismong iniihian rito ay madumi dahil hindi nalilinisan ng mabuti. Isa pa sa problema ay ang mga lamok at uod. Habang tumatagal dumarami na sila at meron ng tinitirahan ang mga lamok, ako ay nag aalala dahil posible itong maging sanhi ng dengue at ito ay delekado para sa mga studyante. Ito ang pinaka nakakuha ng aking pansin ang security guard na si Mendez dahil habang may mga tao sa loob ng pambabaeng palikuran ay basta basta nalang niyang binubuksan ang pinto nito at minsan ay pumapasok siya sa loob at mag lilinis kung maaari ay mapag sabihan ito dahil hindi ito magandang tignan siya ay lalake at basta basta nalang pumapasok sa palikuran ng babae. Nais kong lang maging malinis ang palikuran at ang nakikitang kong solusyon dito ay linisan ng mabuti an bawat sulok ng palikuran lalo na ang iniihan. At para sa lamok kung pwede ay lagyan ng pangontra para sa lamok at wag mag- stock ng tubig sa balde dahil yun ang sinisimulan tirahan ng mga lamok.
1 note · View note
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Aking nalimutan ang limutin ka
Aking nakalimutan, ako pala'y iyong iniwan, na iyong nararamdaman ay unti unting lumalaho, lumalaho na parang bula. Ako nga pala'y iyong tinalikuran na dahil nais mo palang lumaya, lumaya mula sa pagka kakapit ko sa iyong mga kamay. Nakalimutan kong tuluyan ka na palang umalis, umalis at pumunta sa iba. Ikaw pala ay hindi na akin dahil ikaw ay pag aari na ng iba, pag-aari na niya. Hindi ko alam kung ano ang iyong dahilan, tayo naman ay masaya, pero ba't ika'y biglang nawala? Mahal kita, mahal mo ako, ano ang kulang? Presensya ng iba, presensya niya.
Nakalimutan kong kalimutan ka dahil sa mga ala-ala, ala-ala nating kay ganda. Nakalimutan kong kalimutan ka ang taong minsan ay nag bigay sakin ng saya, sayang di matutumbasan ng iba. Ngayon ika'y unti- unting bumabalik at nag sisimula uli. Ika'y tuluyang bumalik at aking tinanggap muli.
Nakalimutan kong kalimutan ka dahil mas naalala kong ibigin kapa ng tuluyan, nakalimutan kong kalimutan ang aking nararamdaman dahil ikaw pala ay aking pang mahal
Tumblr media
0 notes
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Masustansya ngunit di ko gusto ang lasa
Tumblr media
1 note · View note
binibiningtans-blog · 5 years
Text
Nota na bumuo sa musika
Sa isang madilim na kwarto ay naroon ang inspirasyong nag tataglay ng musika. Tanging ang musikang ito ang nag papakulay sa kanyang pagkatao. Isang dalagitang sumasabay sa agos ng maalon niyang buhay. Mabait sa mabait, masungit sa masungit. Hindi mo akalaing isa siyang mabuting dalaga dahil sa taglay nitong napaka misteryosong mata.
Sa lugar kung saan napapalibutan ng mga mapanghusgang bibig, diwa niya'y namulat. Ngunit hindi naranasan ang musika sa tunay na mundo. Subalit hindi ito naging hadlang upang makamit ang kasiyahang nais niyang maranasan. Hilig niyang gumawa ng mga disenyo, pag guhit ng mga letra at senaryo na namana naman niya sa kanyang ina. Bukod rito namana niya ang katangian ng kanyang ama, ang pag salita ng mabilis. Ilan lamang ito sa mga katangian ng dalaga.
Ang dalagitang ito ay nag ngangalang Nathalia Tan na lumaki sa puder ng kompleto niyang pamilya. Kompleto subalit hindi perpekto. Isa, dalawa, tatlo, apat. Apat sila sa kanilang pamilya. Lumaki na hindi nakasanayang bumati sa magulang tuwing kaarawan ng mga ito at tuwing araw ng mga tatay at nanay. Ngunit ganito man ang kaniyang pinapakita hindi maitatago na mahal niya ang kanyang mga magulang.
Ito ang nota na bumuo sa musika.
Tumblr media
3 notes · View notes