Tumgik
baddassladyredd · 3 years
Photo
Tumblr media
ANG DASAL PARA SA KAGANDAHAN
Poong Doktor, bukod kang pinagpala, Mukha ng mga Maria ay nasasaiyong palad. Sambahin ang ngalan mo. Mapasa akin ang kagandahang nais ko, Sundin ang reseta mo para sa mukhang nais ko. Bigyan mo ako ng bagong pagkatao, bagong mukha, at bagong pagkakakilanlan. At patawarin mo ako kung hindi man ako makabalik, Sa ubos na ang pera ng matandang lalaking may saltik,
Para nang pagpapatawad din namin sa mukha naming bumabagsak, nalalagas at sa dati'y bumabalik. At huwag mo kaming ipahintulot sa pagtanda at Iadya mo kami sa kapangitan. Amen. Arts by: Melissa Grimes
0 notes
baddassladyredd · 5 years
Video
//August 3, 2019 [2.17 PM]
                                              CLOWN’S MASK
   In a span of minutes or hour, I will take you to the world of clowns where in everyone looks and seems to be happy. Take my hand and come with me through out this journey.  WARNING: Once you take my hand, there’s no turning back!
Tumblr media
But before we jump in to the portal, What is a Clown?
A Clown is an entertainer who wears silly clothes and makes people laugh by performing tricks without speech.They does abnormal things just to make everyone laugh.  Without further ado, Let’s go and jump in to the portal!
Tumblr media
                      WELCOME TO THE WORLD OF MENTAL ILLNESS
         Yes, Yes! We are in the world of Clowns in which they all have mental illness. Do you still take the challenge? Or are you scared that you are one of them? Well my bad, there’s no turning back. 
Tumblr media
              Are you happy? Do you feel loved? Do you feel lonely? Do you lose your purpose and importance? Or do you pretend to look fine and contented even you’re not? Then, You are definitely wearing the Clown’s mask. If ever do you use such experiences to pursue your goal? 
Tumblr media
One of the famous personalities does and she is no rather than Taylor Swift . Taylor Swift is known globally. She is a country singer, musician and an advertiser. Behind this success is a horrible experience. She experienced bullying on her high school days. At her young age, She is already composing and singing country songs and by that, many people degrade and tell her words that aimed to pull her down but instead, She used this experience to pursue her dream which is to become a famous country singer and now, She is a successful, famous and contented individual.
Tumblr media
Everyone feels worried and down from time to time, but few people developed mental illness. And mostly, they thought hiding in a Clown’s mask is definitely the best solution. 
               A mental illness is equal opportunity issue that affects young, old, female, male and mostly students. Many believe that when a student said or look depressed, it’s what you call ‘Fake Depression’. This judgement is too biased, How’s you know who is the real depressed from a fake one? Everyone can be depressed and some of the psychologists stated few reasons of mental illness: Increase in in smartphone use, economic trends, and social isolation.
Tumblr media
And when these factors affect someone, here are some of the symptoms:
Excessive worry or fears
Persistent sad or low mood
Unusual or illogical thoughts
Unreasonable anger or irritability
Poor concentration and memory, not being able to follow a conversation
Hearing voices which no one else can perceive
Increased or decreased sleep
Increased or low appetite
Lack of motivation
Withdrawing from people
Drug use
Feelings that life is not worth living or more seriously suicidal thought
Becoming obsessed with a topic, like death or religion
Not looking after personal hygiene or other responsibilities
Not performing as well at school or wok
Tumblr media
Dozens of mental illnesses have been identified and defined:
Depression
Generalized anxiety disorder
Bipolar disorder
Obsessive-compulsive disorder
Post-traumatic stress disorder
Schizophrenia 
Tumblr media
But don’t lose hope, you can undergo proper medication and treatment. More schools should promote suicide prevention for students. They should undergo Behavioral and Family Therapy and medications but, An individual can’t be treated unless he/she is certain of the idea of being treated. 
Tumblr media
The Philippines has the highest number of depressed people in South-East Asia, The National Statistics Office reported that 3.3 million Filipinos suffers from depressive disorders with the suicide rates of 2.5 in males and 1.7 in females per 100,000 that makes the mental illness the 3rd most common illness in the country. And also according to International Association for Suicide Prevention, there are 3,000 people die everyday by suicide or one million per year. For year 2020, the estimated number of death rate will increase to 1.5 million per year. Also for instance the common range of age that suicides is between 15 to 29 years old. To lessen the number of suck individuals that belongs to this percentage, the universities and government cite a programs:
World Suicide Prevention that is observed on September 10 of every year
Establishing the Natasha Goulbourne Foundation
           This issue is too common to adolescents, in this stage where insecurities and etc are developed plus the factors like pressures in school, family and friends, social medias, cyber bullying and etc. With regards in this factor some experts  said, “With all the the social media, there’s just too many things to do; too many things to prove tend to be stressed eventually, socially disconnected. The lack of connection can lead to break down in relationships that causes mental illness”. Children nowadays misunderstood the difference between ‘True Friendship’ and ‘Belonging’ that is connected to another statement of an expert “There’s a need to fit in and there’s a need to stand out and you tend to forget what really matters.” When you think you are the only one who suffers, everybody does. Another expert said, “If you feel and see someone suffering and their story isn’t very different from others, it can happen to everyone” The best prevention with regards to this is having healthy and meaningful relationships. Relationships where in you are accepted by these individuals. The feeling of acceptance is the best protective factor. “A champion may rest but will never quit” and we are all champions don’t lose to all those tiny opponents. Mental health is not just a role for doctors or clinical psychologists, It is the whole community who plays the role.
Tumblr media
     It’s hard to bid goodbye but this journey must end. I hope you learn something. Go and help millions of individuals that are going through this situation. Let my hands take your Clown’s mask away. I’m now letting your hand go and go back to the world of humans and take the lost clown’s masks too. 
//August 5, 2019 [9:59 PM] Submitted to: Ms. Khris Marie San Diego (English Teacher)
Tumblr media
SUBMITTED BY:  Florence Gilbao, Harold Moises Grade 9B - Our Lady OF Immaculate Conception
Tumblr media
Sources and other Information/s about the topic will be in the ff. links: https://www.health.harvard.edu/topics/mental-health https://www.nuffieldtrust.org.uk/news-item/minds-matter-time-to-take-action-on-children-and-young-people-s-mental-health#so-what-can-and-should-be-done https://www.edweek.org/ew/articles/2019/03/14/schools-grapple-with-student-depression-as-data.html https://www.philstar.com/opinion/2018/08/27/1846128/mental-health-filipinos-today https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/211671-suicide-cases-mental-health-illness-youth-rising-philippines https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/211679-philippines-readiness-address-mental-health  https://www.healthdirect.gov.au/symptoms-of-mental-illness
0 notes
baddassladyredd · 6 years
Video
//October 30, 2018 [8:38 PM]
       Malaparaisong Ginintuang Lupain ng Quezon!
Sa loob ng 10-15 minuto ay makararating ka sa malaparaisong ginintuang lupain ng Quezon Province sa pamamagitan lamang ng pagbabasa nito. Saan nga ba aabot ang 4 na oras mong pagmamaneho? O di kaya 27 na oras mong paglalakad? Makakaabot ka lang naman sa paraisong walang katulad at ito ang ginintuang lupain ng Quezon! Halina’t basahin mo na ito at huwag ng magsayang pa ng segundo sa orasan. Nasasabik ka na ba? Ako rin kaya’t tayo na!
Bilang introduksyon ating kilalanin muna ang ginintuang lalawigan. Ang Quezon ay nasa rehiyon ng CALABARZON at isang lalawigan sa pilipinas na pinalilibutan ng mga karatig na lalawigang Camarines sur, Camarines norte, Aurora, Laguna at Batangas. Ang "Quezon" ay hango sa pangalan ng ikalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Pangulong Manuel L. Quezon at ang lungsod Lucena ang kabisera nito.
Tumblr media
Ang Lungsod Quezon ay hindi matatagpuan sa Quezon at hindi dapat maipagkamali sa lalawigan ng Quezon. Ang Lungsod Quezon ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila, na nasa gawing kanluran ng Rehiyon ng CALABARZON, habang ang Quezon ay nasa silangang bahagi ng CALABARZON. Ang Quezon ay nasa gawing timog silangan ng Kalakhang Maynila at napaliligiran ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran at Camarines sa silangan. Ang Quezon ay nakahimlay sa tangway na naghihiwalay sa Bikol Peninsula na pangunahing bahagi ng Luzon. Ang Quezon ay nahahati sa 39 munisipalidad at dalawang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Quezon ang Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Candelaria, Catanauan, Dolores, General Luna, General Nakar, Guinayangan, Gumaca, Infanta at Lopez
Tumblr media
Ang lugar ng Quezon ang pangunahing pinagkukuhaan ng produktong niyog at dahil rito ay maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Malaking bahagi ng lalawigan ay koprahan. Ang pangingisda ay malaking bahagi rin ng ekonomiya ng Quezon.
Tumblr media
           Mawawala ba ang kapistahan? Kasiyahan? Syempre hindi, kilala pa naman ang mga tao rito bilang masiyahin, maligalig at pala kuwento na halos ibuod na nila ang buong pangyayari sa kanilang buhay sa isang usapan lamang. Ang mga kapistahan na kanilang ginugunita ay Sibidan at Carabao Festivals ng Tagkawayan na ginugunita tuwing buwan ng Enero, Candle Festival ng Candelaria na ginugunita tuwing ika-2 ng Pebrero, Taytsinoy Festival ng Tayabas na ginugunita tuwing ika-2 hanggang 5 ng Pebrero, Laguimanoc Festival ng Padre Burgos na ginugunita tuwing ika-17 ng Pebrero, Hambujan Festival na ginugunita tuwing ika-11 ng Abril, Sinampalukan Festival ng Sampaloc na ginugunita tuwing ika-25 ng Abril, Pahiyas Festival ng Lucban na ginugunita tuwing ika-15 ng Mayo, Katang Festival ng Calauag na ginugunita tuwing ika-25 ng Mayo, Pasayahan sa Lucena na ginugunita tuwing ika-27 hanggang 30 ng Mayo, Seafoods Festival ng Guinayangan na ginugunita tuwing ika-21 ng Hunyo, Lubid-Lubid Festival ng Tiaong na ginugunita tuwing ika-24 ng Hunyo, Lilay-Coco Festival ng Unisan na ginugunita tuwing ika-28 hanggang 30 ng Hunyo, Maubanog Festival ng Mauban na ginugunita tuwing ika-14 ng Hulyo, Tagultol Festival ng Atimonan na ginugunita tuwing ika-1 hanggang 2 ng Agosto, Kalilayan Festival ng Lucena na ginugunita tuwing ika-19 ng Agosto, Bilao Festival ng Pagbilao na ginugunita tuwing ika-29 ng Agosto, Malagkit Festival ng San Antonio na ginugunita tuwing ika-4 ng Oktubre, Drum and Lyre Festival ng Lopez na ginugunita tuwing ika-6 ng Oktubre
Tumblr media
Huwag na nating patagalin pa sapagkat alam ko namang nasasabik ka na
Tumblr media
Huwag kang ganon kaya nga ito na’t tutungo na tayo sa mga lugar na maaaring mapuntahan o mabisita
1.) Unang una ay ang Cagbalete Island na matatagpuan sa Mauban, Quezon
Tumblr media
Umupo ka, pumikit at iyong pasukin ang mundo ng imahinasyon, Nakikita mo ang sarili mo na gigising na parang maharlika at makaririnig ng malulumanay na tunog ng huni ng ibon at tunog ng karagatan na sobrang nakakakalma pagkatapos ay dudungaw ka sa bintanang kulay puti ang kulay at unti-unti mo itong bubuksan at sasalubong sayo ang mahalimuyak na amoy ng kalikasan.
Tumblr media
Tapos na ang panaginip ateng! Ahyt galit na galit? Nakakabitin ba? Oh ito nga, kung gusto mong lahat ng bagay na pumasok sa iyong imahinasyon ay hindi manatili lamang roon, Huwag ng magpatumpik-tumpik pa at tunguin na ang isla ng Cagbalete.
Tumblr media
Ang Isla ng Cagbalete ay mayroong puting buhangin, maraming uri ng ibon at bagong uri ng mga halaman. Ang lugar ay swak na swak sa mga taong mahilig sa kalikasan at hayop, Nalulumbay ka ba? O feeling nalulumbay lang? O gusto lang magpakalma at magpahinga? O gusto mo ng lugar na mapagtataguan pagkatapos mo siya’ng iwan? O hindi naman kaya ay para sa kasiyahan ng buong pamilya? Sinasabi ko sayo, itong islang ito ang kasagutan sa lahat ng tanong mo!
Para malaman ang iba pang impormasyon ukol rito ay iyong bisitahin ang link na ito -> https://www.rappler.com/life-and-style/travel/ph-travel/170413-cagbalete-island-quezon-weekend-destination
Tumblr media
Naghahanap ka ba ng mga lugar na swak na swak pang-post sa instagram? Pangrampa? pangpalit sa luma at hindi na usong profile pic sa facebook? pangtweet sa twitter? pangfeature sa youtube vlog? 
Tumblr media
O talagang gusto mo lang ng mapayapang lugar? O talagang mahal mo lang ang kalikasan.. Hmmm May alam akong swak na lugar para dyan sa lahat ng batayan at tanong mo ateng!
Tumblr media
2.) Ang pangalan lang naman ng lugar na aking tinutukoy ay Angel’s Sunflower Field. Oh diba! pangalan palang alam mong tirahan na ng mga anghel ang lugar o ang gumawa ay anghel. Ang lugar ay matatagpuan sa Candelaria Bypass Road, Candelaria, Luzon 4323, PhilippinesSave. Ang lugar ay hindi lamang isang sakahan kundi dalawa at sa loob lamang ng Php 30.00 ay makakapasok ka na sa munting paraiso ng mga sunflower..  At marami ng kababayan natin ang nagpatunay ng kagandahan ng munting paraiso na ito.
Tumblr media
Para malaman ang iba pang impormasyon ukol rito ay iyong bisitahin ang link na ito -> https://www.inspirock.com/philippines/candelaria-calabarzon-region-luzon/angel-s-sunflower-field-a1527198853 at https://www.morefunwithjuan.com/2018/03/quezon-angels-sunflower-field.html
Tumblr media
Relihiyoso ka ba? O gusto mo lang magsakripisyo sa Diyos? O gusto mo lang ng destinasyon na mapupuntahan para sa buong pamilya? O naghahanap ka ng lugar na mapupuntahan tuwing mahal na araw? Katoliko ka man o hindi, relihiyoso ka man o hindi sinisiguro kong maaaliw kayo at malugod kayong tatanggapin rito .
Tumblr media
3.) Ipinakikilala ko sainyo ang lugar ng Kamay ni Hesus o mas kilalala bilang Via Dolorosa Grotto na matatagpuan sa Barangay tinamnan sa Lucban, Quezon. Ito ay pinatayo noong 2003 sa ilalim ng isang milagroso at nakakapag-pagaling na pari na si Fr. Joseph ‘joey’ Faller at dahil nga sa impluwensya at nagawa ng naturing pari ay madalas dinadalaw ang lugar at dahil na rin sa pag-aasam na sila’y gagaling sa kung ano mang karamdaman.
Tumblr media
Ang lugar ay may taas na 50 ft. at kailangan mong humakbang ng 305 upang makarating sa tuktok sa bawat hakbang ay makikita mo ang mga rebulto na nagpapakita ng yugto ng buhay ni hesus at sa pinakatuktok ay makikita mo ang ‘Risen Christ’.
Para malaman ang iba pang impormasyon ukol rito ay iyong bisitahin ang link na ito -> https://nicerioadventures.blogspot.com/2016/05/quezon-kamay-ni-hesus-shrine.html
Tumblr media
Naghahanap ka ba ng lugar na nagpapakita ng kasaysayan? Gusto mo bang maranasang makakain ng naka-kamay habang naka-apak sa tubig na umaagos mula sa talon? Gusto mo bang maranasan na makasakay sa kalabaw?  3.) Kung iyan ang hinahanap mo ipinakikilala ko ang lugar ng Villa Escudero na matatagpuan sa Maharlika Hwy | Laguna, Tiaong, Luzon 1008, Philippines
Tumblr media
Ito ang mapa ng Villa Escudero
Tumblr media
Ito ang Casa Consuelo na naglalaman ng koleksyon ng pilak ni Doña Rosario A. Escudero at koleksiyon ng manika ni Patis Tesoro.
Tumblr media
Dito makikita ang mga pruweba ng kasaysayan ng pilipinas kasama ng lungsod ng Quezon.
Tumblr media
Dito sa talon na ito kami kumain ng nakakamay at grabe lang talaga kasi ang ganda kumain ng nakikita mo yung likas na ganda ng paligid.. Gusto mo rin yon? Gusto ko kasi yon! Para malaman ang iba pang impormasyon ukol rito ay iyong bisitahin ang link na ito -> http://villaescudero.com/
Tumblr media
At marami pang ibang pwedeng mapuntahan rito katulad nalang ng mga sumusunod: 
Salibungot Beach (Jomalig Island, Quezon)
Kanaway Island (Jomalig Island, Quezon)
Minasawa Island (Polilio, Quezon)
Alabat Island (Alabat, Quezon)
Cagbalete Island (Mauban Quezon)
Borawan Beach (Padre Burgos, Quezon)
Puting Buhangin (Pagbilao, Quezon)
Dampalitan Beach (Padre Burgos, Quezon)
Alibijaban Island (San Andres, Quezon)
Mount Banahaw (Tall, active volcano with hiking trails)
Puting Buhangin (Beach)
Salibungot Beach (Beach)
Cavinti Underground River and Caves Complex (Cave) 
Pahiyas Museum and Art Center
Quezon Protected Landscape
Lake Tikub
Balagbag Falls (Surfing)
Pinagbanderahan (Outdoor recreation)
Dampalitan Island (Beach)
Minasawa Island (Beach)
Isla Polillo Beach Resort (Beach)
Kanaway Beach (Beach)
Patayan Island (Beach)
Lucena Perez Park (Modest park named after a governor)
Tayabas Basilica 
Malatandang Chapel
Villa Escudero Museum
Puente de Malagonlong (Tayabas, Quezon, Philippines) 
Alitap Falls (Waterfalls)
Hangga Falls (Waterfalls)
Lucban Church
Mangayao Island (Beach)
Buguitan Island
Mount Mayabobo (Volcano)
Talisay Beach (Beach)
Gala–Rodriguez Ancestral House
Tipuan Falls
Kutang San Diego
Tigbi Falls
Saint Francis of Assisi Parish Church (Sariaya, Quezon, Philippines.)
Rizal Hill Park
Mount Banahaw de Lucban (Volcano with hiking & mountain climbing)
Tuhian Beach (Beach)
Karlagan Island
Saint Ferdinand Cathedral
St. Ferdinand Memorial Park
Pinlac Falls (Waterfall)
Cathedral of San Diego de Alcala -Gumaca (Cathedral, history, and architecture)
Alabat Island
Kagbuho Falls (Waterfalls)
San Luis Obispo Parish Church
Pinlak
Palsabangon Falls (Waterfalls)
Katakin Chica Island 
Puente De Bai
Atimonan Zigzag Park
Lucena Botanical Garden
Luminous Cross of Grace Sanctuary
Magtungo na tayo sa mga makasaysayang paglalahad ng mga kuwento sa Quezon na kailanman ay hindi mamatay o mawawaglit sa isipan ng karamihan. 
Tumblr media
PERO ANO NGA BA ANG KUWENTONG BAYAN? AT ALAMAT? 
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito naisulat. May mga kuwentong-bayan na ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay. Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.   
Kuwento na lumaganap ukol sa lugar ng Atimonan, Quezon
Maalamat din ang bayan ng Atimonan. Noong unang panahon ay kinatatakutan din ang Atimonan dahil daw may mga aswang dito at manananggal. Katunayan may isa ngang kuwento tungkol sa isang malaking aso na nahuli ng pulis at pagtingin sa kulungan ay isang matanda na ito. Ayaw ko ng idetalye pa ang kuwento sapagkat mahirap na.
Tumblr media
Mayroon din ditong estatwa ng sirena na matatagpuan sa Barangay Angeles. Ang estatwa ay sumisimbolo sa paniniwala na ang lugar na ito ay may naninirahan o mayroon daw natagpuang sirena. 
Tumblr media
Sa katunayan, ang estatwang ito dati ay malapit sa laot subalit paglipas ng panahon ay dinala ng alon palapit at wala na rin ang dating obserbatoryo na malapit dito.
Para malaman ang iba pang impormasyon ukol rito ay iyong bisitahin ang link na ito -> http://pagodkanaba.blogspot.com/2009/08/ang-atimonan-quezon-bow.html
Ang aswang, tiyanak, kapre, manananggal at mga sirena ay talamak talaga at ang unang papasok sa isipan ng karamihan kapag sinabi o binanggit ang lugar na ‘probinsya’ o ‘lalawigan’.
At dahil nga pinaguusapan na rin naman natin ang mga sirena, aking ilalahad ang isa sa mga alamat ng sirena ‘Isa’ sapagkat maraming bersiyon nito.
*Alamat ng Sirena*
Sa isang karaniwang bukid nanirahan ang mag-asawang Vilma at Tirso. Ang kanilang bahay ay malapit sa dagat. Si Tirso ay mangingisda, ang pangingisda ang pinakamadalas pagkakitaan ng mga mamamayan roon. Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi laging gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus. May mga araw na walang mahuling bangus si Tirso kaya si Vilma’y nagtatampo at hindi na kakain kung kaya’t siya ay iiyak nang iiyak na lamang.
Isang araw si Tirso ay pumunta sa dagat. Siya’y walang malamang gawin nang makarinig ng sigaw, nakatatlong ulit na narinig niya ang kanyang pangalan. “Tumingin ka sa ibaba!” ang sabi ng tinig. Tumungo si Tirso at nakita ang isang malaki, maganda at may koronang isdang bangus. “Ako’y nagmula sa kailaliman ng dagat, ako ang hari ng karagatan. Baka ikaw ay may kailangan. Ako’y handang tumulong sa iyo!”
Tumblr media
Nagtapat si Tirso “Ang aking asawa ay nagdadalang-tao at lagi siyang humihingi sa akin ng isang bangus ngunit wala akong maibigay kasi wala akong mahuli sa dagat at wala ring mabili sa pamilihan.” tumugon naman ang haring isda “Ika’y aking tutulungan, Linggo-linggo o kahit araw-araw kita’y bibigyan ng bangus ngunit sa isang kondisyon?”
“Ano ang kondisyon?” Tanong ni turso
“Pagdating ng iyong anak sa gulang na pitong taon, siya’y ibibigay mo sa akin!” tugon ng isda. Yayamang walang ibang paraan sa pagkakaroon ng isdang bangus para sa kanyang asawa kaya siya’y pumayag na lamang.
“Bukas magsisimula ang rasyon at bibigyan kita ng isda.” Sila’y naghiwalay nakapuwa nasiyahan.
Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga isdang handa at nakahanay sa buhanginan. Kinuha niya ang mga ito at iniuwi. Niluto ni Vilma ang mga isda at ang mag-asawa’y nagsalo. Ganito ang pangyayari kahit na si Vilma ay nagsilang na ng sanggol. Pinangalanan ang sanggol na Marita at ito nga ay napakagandang bata! Mahal na mahal ng ama’t ina si Marita. Ito’y mayroong maitim na buhok at may mga matang kumikislap tulad ng sa manika.
Ang tatlo ay naglalaro sa looban ng kanilang bahay subalit tikis na hindi pinapasyal sa dalampasigan. Ang bata ay lumaki at sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang pagmamahal ng ama’t ina.
Dumating ang ikapitong taon ng bata. Ligalig na ligalig si Tirso. Hindi niya malaman kung paano niya ipagtatapat ang kanyang ipinangako sa Haring Bangus.
“Vilma, may ipagtatapat ako sa iyo. Huwag kang magagalit. Sa halip ay ako’y payuhan mo kung ano ang nararapat nating gawin -kung ano ang solusyon sa ating problema!”
“Ano bang problema ang pinagsasabi mo?”
“Natatandaan mo ba noong ikaw ay naglilihi? Noong gusto mong kumain lagi ng isdang bangus? Suysuy ka nang suysuy na manghuli ako sa dagat ngunit sa aking pag-uwi ay wala akong dala at wala ring mabili sa pamilihan. Ako’y tinulungan ng haring isda, tinulungan ako ng Hari ng mga Bangus. Siya raw ay araw-araw na magbibigay sa akin ng isdang rasyon. Dahil diyan kaya ako’y nangakong pagdating ng ating sanggol sa gulang na pitong taon, ibibigay ko sa kanya si Marita!”
“Hindi maaari!” sabay tulo ng luha. Siya lamang ang tangi nating kayamanan. Hindi ko matitiis na siya ay mawalay! Sukdang aking ikamatay, ako’y tutol!”
Isang umaga si Tirso ay nagpunta sa aplaya. “Marangal na Hari ng mga isda, ayaw pumayag ng aking asawa! Ipinakikiusap na sa halip na kunin mo si Marita, ikaw ay bibigyan namin ng diamanteng singsing at anim na kalabaw!”
“Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating kasunduan!” Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda lamang kaya hindi nito kayang agawin o kunin si Marita kung ito’y malayo sa dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya tutuparin ang kanyang pangako. Siya’y nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.
Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa aplaya, siya’y aking dudukutin!” naibulong sa sarili.
Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.
Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay naghalimbumbungan at nag-usyoso. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung anu-anong gamit sa bangkang nakadaong. Natanaw ni Marita ang mga taong umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag ng pansin ni Marita ang matingkad na kulay ng sasakyan. Siya’y nagpunta roon sapagkat iyon ang unang pagkakataon ng gayong uri ng bangka sa daungan.
Nang dumating doon si Marita, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang lumapit sa bangka at sa isang iglap ay sinakmal siya ng dambuhalang alon. Siya’y nagpagibik at humingi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli na.
Ang ina at ama, kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang karagatan subalit nawalan ng saysay.
Tuwing sasapit ang rasyon matapos magdasal sina Vilma at Tirso, sila’y pupunta sa talukan ng alon sa pagbabaka-sakaling makita si Marita. Lumakad ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino ay walang nakita ang mag-asawa.
Tumblr media
Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang matanda ay naganyak na magdalampasigan. Sila’y may namataang isang magandang babaeng mahaba ang buhok. Ito’y lumalangoy. Kanilang pinagmasdan at nakita nila na ang kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang paa at ang pinakapaa ay puno ng kaliskis at sa dulo non ay may palikpik. Ito ang tinuring na unang sirena.
Tumblr media
May kilala at tanyag na daan na kinatatakutan ng bawat nagmamaneho dahil sa sinasabing may higanteng anaconda na lumalamon ng mga tao, ahas na dalawa yung ulo at sinasabing kumakanta ito o laging sumisipol na nagpapahiwatig na may bago siyang bibiktimahin. Marami na ring balita na may namatay na rito                                                        -> https://www.youtube.com/watch?v=GnzBBbgQHAg At marami na ring kababalaghan na natagpuan rito katulad ng may namataang white lady -> https://www.youtube.com/watch?v=_6MLeOQyMVo
*Ang Alamat ng Lucban,Quezon
        Ang bayan ng Lucban sa Quezon ay kilala sa mga produktong longganisa, pansit habhab, mga sambalilo na gawa sa buntal at iba pa. Higit na tanyag ang bayang ito sa pagdiriwang ng Pahiyas tuwing ika-15 ng Mayo.
        Saan ba nanggaling o hinango ang pangalan ng Lucban? Kung tatanungin mo ang mga taga-Lucban ay isasalaysay nila ng buong-buo kung bakit tinawag na Lucban ang kanilang bayan ng may buong pagmamalaki at pagmamahal sa kanilang bayan.
        Batay sa alamat, ang pangalan ng bayan ng Lucban ay galing sa salitang suha o ‘pomelo’ sa Ingles. Ayon sa alamat, may tatlong mangangaso na galing sa Majayjay, Laguna ang nakarating sa paanan ng bundok Banahaw. 
Tumblr media
         Ang tatlong mangangaso ay sina Marcos, Luis at Lucas at sila ay naligaw. Dahil sa sobrang pagod, nagpahinga ang tatlo sa ilalim ng puno. Namataan nila ang isang uwak sa puno at naniniwala ang tatlo na nagdadala ng malas ang uwak kung kaya sila ay lumipat ng ibang lugar at nagpahinga. 
Tumblr media
Habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno ng suha, nakarinig sila ng mga huni ng ibon. Para sa tatlo, isa itong magandang senyales kung kaya napagpasyahan nila na manatili sa lugar kaya tinawag nila ang lugar na ito na Lucban na nangangahulugang suha. 
Tumblr media
Magsimula noon ay tinawag ng mga tao ang lugar na Lucban.
*Alamat Ng Tiaong*
  Sa isang bayan sa lalawigan ng Quezon ay may nakatirang isang matanda at mayamang babae na napakabait at napakamatulungin sa kanyang kapwa, lalung-lalo na sa mga mahirap. Dahil sa katangian niyang ito, siya ay napamahal sa mga tao at hindi pinagkaila o pinagtambis man lang ang pagkakaiba ng kanyang estado sa iba. Bukod sa kanyang pagiging mapagkawanggawa, siya rin ay relihiyosa. Halos araw-araw siyang nagsisimba upang makinig ng misa.
Tumblr media
Sa kanyang paglalakbay ay lagi siyang sakay ng paborito niyang alagang hayop, ang baka.  Nasanay na ang mga tao na nakikita siyang sakay ng baka. Sa tuwing maririnig nila ang ingay ng baka ay alam na nilang darating o nandiyan na si "Tia."  Ito ang pangalang ibinansag nila sa butihing babae bilang pagrespeto.
Tumblr media
Lumipas pa ang mga taon at patuloy pa rin si Tia sa pagtulong sa mga nangangailangan kaya naman napagkaisahan ng mga tao na pangalanang "Tia-ong" ang kanilang bayan.  Ang "Tia" ay mula sa tawag nila sa matandang babae at ang "ong" ay mula naman sa huni ng bakang sinasakyan niya.
*Alamat ng Bundok Banahaw*
         Noon, ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw. Meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog. Sa maraming mag-anak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas at ang kanilang iisang anak na lalaki na si Limbas. Si Limbas ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis sa lugar. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-ligid ng malaking bundok ay natanyag ang pangalan ni Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat. Hanggang sa malalayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.
Tumblr media
Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Pagkabalik ni Limbas ay siya ring pagbabalita ni Limbas, Ani niya "Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'enkantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, hindi lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-uwi ng bahay ay hindi nawala ang dulot." 
Tumblr media
Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang. Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"
Tumblr media
Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng Anahaw. Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas ng “Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!" At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
*Alamat ng Niyog*
Alam nating lahat na ang niyog ay isa sa mga pangunahing produkto ng Lalawigan ng Quezon. Marami din itong gamit tulad ng pagkain, inumin, gamit sa bahay at kung ano ano pa. Pero alam mo din ba na may alamat patungkol sa napakasustansyang prutas na ito? Ipagpatuloy ang pagbabasa para masaksihan ang “ALAMAT NG NIYOG”
       Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. 
Tumblr media
Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang tanong ng pinakamatanda sa kanilang magkakapatid ay “ Sino na ang magpapakain sa amin?”. “Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong naman ng ikalawang anak. “Sino na ang maglalaba ng ating damit?” tanong naman ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang maganda at maputing  babae na di nila kilala, ang ani niya sa mga bata ay “Huwag na kayong umiyak, hindi kayo pababayaan ng inyong ina ganito ang gawin nyo, ilibing ninyo siya at magbantay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.” Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.
Tumblr media
Sumunod naman ang sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libingan, araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno.” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyat at pumitas ng bunga. “Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan ninyo.” Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito. “Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay “Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito.” ang wika ng ikaapat na anak.
Tumblr media
Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyat sa itaas ng puno. Nagkainan at nag-inuman nakita nila na hindi na sila magugutom pang muli. Ang bungang iyon ay kauna-unahang niyog dito sa daigdig. Iyan ang alamat ng niyog.
*Alamat ng bayan ng Pagbilao*
         Isang araw, makalipas ang ilang buwan nang dumating ang mga pransiskano, isang pari ang naglakas-loob na mamangka sa kalooban ng magandang ilog tambak. Dumaong siya sa pampang at nagtanong sa mag-asawang tibig at katigbi kung ano ang pangalan ng ilog na kanyang pinamamangkaan. “Que es el nombre de este rio? ang salin nito sa tagalog ay “ano ang pangalan ng ilog na ito?”
Tumblr media
Sa pag-aakalang ang itinatanong ng pari ay kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan, ang sagot ng mag- asawang tibig at katigbi ay “PAPAG!” “BILAO!”, PAPAG! BILAO!.. Paulit-ulit na inusal ng pari ang salitang “Papag” at “Bilao” upang hindi niya malimutan ang akala niyang pangalan ng ilog tambak. Nang bumalik ang pari sa kanilang tirahan sa daungang-pari, ibinalita niya sa kasamahan ang tungkol sa isang magandang ilog na ang tawag ay “PAGBILAO” ayon sa kanyang pag-aakala at pagkakatanda sa pangalan ng ilog.
Makalipas ang ilang buwan, pinuntahan ng mga pari ang ilog at naisip nilang magtayo ng isang sambayanan malapit doon at hindi nagtagal ang sambayanan na iyon ay tinawag na PAGBILAO.
Pagdating sa sikat na personalidad ay hindi rin sila papahuli, ilan sa kanila ay ang sumusunod: ~ Cariza "Ice" Yamson Diño Seguerra na pinanganak noong September 17, 1983 na kilala noon bilang Aiza Seguerra. Siya ay mang-aawit, manunulat ng awitin at gitarista.
Tumblr media
~Maureen "Mau" Flores Marcelo na pnanganak noong May 13, 1980 na tinaguriang ‘ Soul Idol’ at kilala bilang tanyag na R&B dahil sa pambihirang boses.
Tumblr media
        At kung sining naman ang tatalakayin ay may ipagmamalaki rin ang lalawigan ng Quezon at ito ang Kiping ng Lucban, Quezon.
Tumblr media
       Pagbungad palang sa Quezon ay makikita mo na kung anong uri ng tao sila kung kaya’t talagang humahanga ako sa kalakasan ng mga mamamayan rito. 
Tumblr media Tumblr media
                          Hindi ko man gustong iwanan kayo dahil nga napamahal na ko sainyo pero lahat nga ng paglalakbay ay natatapos tulad nyo walang forever at sa paglalakad nyo ay dadating rin kayo sa dulo kung kaya’t hanggang dito na lamang matatapos ang makasaysayan mong paglalakbay sa lugar ng Quezon kung hindi saktong 10-15 minuto ang iyong pagbabasa, ako’y malugod na humihingi ng inyong pagpapatawad. Namangha ka ba? Marami ka na namang natutuhan sa akin diba! Para paikliin o sa madaling salita ang nilalaman nito sa kabuuan ay mga pantastikong lugar na maaari mong bisitahin sa lalawigang Quezon, mga kuwentong makabuluhan at talagang kikilabutan ka, mga kuwento na nakatago tungkol sa lugar, mga sikat na personalidad na nanggaling sa ginintuang lupa at ang mga bagay na nagpapakita ng kagalingan at pagkamalikhain ng Quezonians. Salamat po sa lahat ng aking pinagkuhaan ng impormasyon, mahal po kayo ng Diyos. Ayon nga, Maganda ba ang lugar? Namangha ba kayo sa mga Quezonians?  Kayo! oo Kayo, bakit ka pa nag dadalawang isip, tunay na maganda ang lugar kaya’t sulit na sulit ang pag dayo mo rito. 
//November 3, 2018 [9:55 PM]
Submitted to: Bb.Trixie Schell (Filipino Teacher)
Tumblr media
Submitted by: Florence Gilbao, Roi Lance Trinidad, Alliana Ocampo  Grade and Level: 8- Our Lady of Guadalupe
Tumblr media
7 notes · View notes