Tumgik
babaerodaw-blog1 · 7 years
Text
Paghirapan para Makamtan
     Lahat ng taong nabubuhay ay may karapatang mangarap at lahat ng tao ay may pangarap. isinilang tayo sa mundo upang mangarap at matikman ang ligayang biniyaya sa atin ng ating panginoon dahil ang pangarap mo ay ang biyayang binigay sa iyo ng Diyos upang paghirapan mo at ng masabi mo sa sarili mo na kinaya mo ang pagsubok ng DIyos tulad ng pagsubok na binigay niya sa iba pang mga tao.       Ang batang minsang nangarap ay dapat niyang tuparin at di dapat manatiling minsan na lang ang pangarap dahil ang dahilan kung bakit hinayaan tayo na magkaroon ng pangarap ay para masabi natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos.       Lahat ng pangarap ay makakamtan ng lahat ngunit lahat ng bagay ay nakakamit lamang kung mamimili ka sa dalawang paraan, ang paraang maayos at may patutunguhan para makamit mo ang pangarap mo o ang paraang mali at tataliwas sa daan mo patungo sa pagkamit ng pangarap mo. 
0 notes
babaerodaw-blog1 · 7 years
Text
Minahal, Ginamit, Inabuso
     Minahal tayo ng ating kalikasan, ginawa niya ang lahat para tayong lahat ay mabuhay at para sa ating pangangailangang materyal man o hindi materyal na nakakatulong sa ating buhay. Sinakripisyo niya ang lahat ng kanyang pag-aari para lang sa ating mga tao na ang tingin niya ay kanyang mga anak na nangangalaga sa kanya.       Sa sobrang pagmamahal niya sa ating lahat na namumuhay sa kanyang buong katawan ay binigyan niya tayo ng pahintulot na gamitin ang kanyang mga likha upang tayong lahat ay maging maligaya. Lahat ng luho na ginusto natin ay kinuha natin mula sa kanya kaya laging masaya ang ating inang kalikasan dahil talagang napapasaya niya tayong lahat,       Sa sobrang pagmamahal niya satin ay di niya na sinasabi kung siya ay nahihirapan na kahit na ang kanyang katawan ay dinaig na ang impyerno sa itsurang kanyang natatamo. Di na natin namamalayan na dahil sa mga luho nating mga tao ay nasisira na ang ating inang kalikasan kaya dapat matuto na tayong magbayad sa kanya sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanyang mga likha. 
0 notes
babaerodaw-blog1 · 7 years
Text
Magandang Hangarin, Masamang Gawain
     Sila ang namumuno sa ating bayan ngunit sila rin ang nangungurakot sa kaban ng bayan. Ang hustisya na kanila sanang ipinaglalaban ay kanila pang pinagpaplanuhan upang kanilang pagkakitaan sa kadahilanang sila ang nasa panig ng kapangyarihan.       Walang maayos na trabaho at mapapasukan, hangga’t maraming nagugutom at walang matirhan at abot kaya na gamot wala man lang mabilhan. Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan, kayo ang boses ng taong di niyo kayang mapakinggan.       Maganda sana ang kinabukasang na nauwi sa tuyot, hindi ba’t dapat ngayon na ang pinangakong magandang kinabukasan noon. Kinabukasan ang problema na walang solusyon dahil sa mga taong sa pamahalaan ay itinuturing na polusyon. 
0 notes