Tumgik
avriljoyfinger-blog · 6 years
Text
LOVE YOU TO THE STARS AND BACK
ni April Joy C. Ramay
          Mahilig sila sa mga extraordinary na mga bagay. Naniniwala si Mika na kapag namatay ang isang tao ay kinukuha ito ng isang Alien. Ang kanilang pagmamahalan ay parang isang bituin, mahirap marating at mahirap sungkitin.
          Iniwan si Caloy ng kanyang ama. Si Mika ay naglayas dahil sa sama ng loob sa kanyang ama. Sila’y nagtagpo dahil parehas silang naghahanap ng atensiyon sa kanilang pamilya.
          Naganap ang kwentong ito sa Mt. Milagros dahil dito nagsimula ang kanilang pagmamahalan.
          Nagsimula ang kwentong ito sa pagtatagpo nila sa liblib na lugar. Napagkwentuhan nila na si Caloy ay hinahanap niya ang kanyang ama. At si Mika naman ay gustong pumunta sa Mt. Milagros para magpakuha sa mga alien dahil ang alam niya ay kinuha lang ng alien ang kaniyang ina.
          Hindi nakipagkita o nakipagusap ang tatay ni Caloy kaya siya’y nagalit sa kanyang ama. Gusto niyang sumama kay Mika sa Mt. Milagros para magpakuha narin sa alien. Pero umatake ang sakit ni Caloy kaya dinala niya ito sa hospital at nagpaopera ito.
          Hindi na muling nagkita sina Caloy at Mika simula nang magpaopera si Caloy. Nagsulat si Mika na babalik-balikan niya ang Mt. Milagros dahil yun daw ang kanilang tagpuan. Hanggang isang araw muli na silang nagkita sa Mt. Milagros.
1 note · View note