Tumgik
avalcala · 4 years
Text
Laban, Filipino
Tumblr media
Ang pag-alis ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay kawalan para sa ating bansa. Ang Panitikan natin ang bumunga sa ating marikit na kultura. Ang Filipino naman ay sumasagisag ng ating sariling pagka-Pilipino.
Hindi maganda ang epekto ng pag-alis ng Filipino at Panitikan sa ating mga kolehiyo. Mahalaga na kasama sa pag-aaral ang pangunahing lingwahe ng ating bansa. Ito ay hindi lang para magkaintindihan at paggamit ng wikang Filipino. Nangangahulugan lamang na kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga susunod na “workforce” o lider ng ating bansa sa pagamit ng Filipino araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na ang mga bahagi ng pananalita na itinuturo sa elementarya at sekondaryang paaralan. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan hindi lang sa paaralan pati na din sa pagttrabaho at pakikisalamuha.
Magiging matatag ang pundasyon ng mga salita kapag ginagamit parati ang wika. Ang ating kultura, kasaysayan at mga likha o obra ng ating kapwa Pilipino na akda, dula o anumang palabas o panoorin ay mas mabibigyan ng halaga dahil sa pagkakaroon ng nararapat na pag-unawa rito.
Ang Filipino at Panitikan ay nararapat para sa atin. Ang pag-saliksik patungkol sa Filipino ay ang nagsisilbing simula para magkaunawaan gamit ang wika. Hindi dapat at walang sapat na rason na dapat ito’y tanggalin sa kolehiyo kung kaya’t dapat pa natin palawakin ang ating kaisipan pag dating sa Filipino at Panitikan dahil minsa’y nalilimutan natin ang tamang bokabularyo at gramatika sa ating pagsulat at sa ating pananalita. Filipino at Panitikan, dapat ay pangahalagan at huwag tanggaling dahil ito’y isang kawalan.
-Alcala, Armand Symon V. Jr. 
11-1 Srugi
0 notes
avalcala · 4 years
Text
Wikang Filipino ay dapat bigyang halaga. Alcala, Armand Symon V. Jr.
Wikang Filipino ay isang mahalagang aspeto ng kultura ng ating bansa. Ito ay isa sa paraan ng pakikipagtalastasan natin sa pang araw-araw na buhay. Ito ay importante dahil nagpapakita ito ng personalidad ng isang tao. Ang sarili nating wika ay hindi lamang ito paraan ng pakikipagusap ng mga saloobin at ideya, ngunit bumubuo rin ito ng ugnayan at pakikipagkapwa sa mga tao sa paligid.
 Ang wika ay makapangyarihan, dahil dito ay naipapahayag natin ang gusto natin ipahayag at ibahagi ang nararamdaman natin. Mabuti na naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno dahil kung wala sila, wala tayo.
 Sa palagay ko na dapat ay bigyan natin ng pansin ang Wikang Filipino dahil minsan ay nakakalimutan natin ang mga simpleng bagay gaya ng pagbigkas o pagsulat ng maling gramatika at estraktura. Wikang Filipino ay dapat bigyang halaga, ngayon na.
1 note · View note