Tumgik
arar04-blog · 6 years
Text
ᴛʀᴜᴇ ғʀɪᴇɴᴅs ᴀʀᴇ sᴏ ʜᴀʀᴅ ᴛᴏ ғɪɴᴅ.
Nowadays, real friends are so hard to find. You can meet a lot of different people everyday in your life. Some of them may be so approachable and you have decided to treat as a friend right away, some of them may be so mysterious that you are having second doubts whether you would be so close with that person or you would just turn away and some of them may be a friend to you just as soon as you saw them because there is something in them that you know you would like. But it doesn’t matter how you meet your friends, what matters is how they stay with you through all the good and the bad times of your life. A true friend would not judge you no matter what you did. He would not tell cruel things to you if ever you share a secret that is too bad for the eyes of the society. He would always be honest to you. He would tell you all the things that he think is bad for you. He would tell you what you should do not because he is judging you but because he only wants what is best for you. He would always listen to you no matter how redundant your dramas may be. He would not get tired of saying the same pieces of advice to you until you finally get it. He would be ready to help you anytime you need them and you would not have to second guess because he would lend his hand to you right away. He would not talk behind your back, instead, he would tell you all the things that he doesn’t like about you because he is being honest with you. He would not spill all your secrets because you are important to him. A true friend would always be there for you no matter what happens. But nowadays, it is really hard to find this kind of friend because everybody wears masks and you don’t know if they are really nice to you or it is just a part of their play. That is why you should be careful with everyone you consider as your friends. You don’t have to trust someone right away because doing so is only giving them the power to break you. You should not expect that when you are true to them, they would also be true to you because it is not just the way it goes. In this world where fake is a trend, it is so hard to find what is real that is why you should be careful or else, you would have another stab on your back.
1 note · View note
arar04-blog · 6 years
Text
Dream
Dream until you can. Dream until it turns into a reality. Dream because you can. Dream but do not let other people suffer from it in exchange for your future comfort. Dream because you think you deserve it. Dream on and you can have the picture of what path you’ll be heading into. Dream, make it happen, and be an inspiration to others. 
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
Take the chane, Take a risk.!
Take the chance. Take a risk. When you love someone don’t let them slip away. ‘Wag mo silang hayaang mawala sa’yo ng basta na lang at walang kang ginagawa. Mahirap magsabi ng nararamdam sa taong gusto mo lalo na’t walang kasiguraduhan na gusto ka rin niya. Hindi ka sigurado sa tunay niya nararamdaman, kung gusto ka ba niya o hindi. ‘Wag mong isipin baka masaktan ka. Love and pain; they always go together. Mas masakit malaman na mahal ka niya pero huli ka na kasi napagod na siya kahihintay sa’yo. Napapagod din ang puso, napapagod maghintay, napapagod umasa.
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
����
Kung may mahal ka dapat ingatan mo. Ipadama mo sa kanya na mahal mo siya. Huwag mong hayaan na mag-isa siya. Huwag mo ding hayaan na ikaw ang maging dahilan kung bakit malungkot siya kasi baka may dumating na iba at di mo namamalayan na sa pagkakataong pinapaiyak mo siya meron na palang ibang pumupunas ng luha niya.😊👍
1 note · View note
arar04-blog · 6 years
Text
Tumblr media
Sana ganito na lang lahat ng nagmamahal. Parang anime, parang story ni Naruto at Hinata. ‘Yung tipong lahat kaya mong i-sakripisyo para sa taong pinakamamahal mo. Lahat gagawin mo para lang hindi siya mawala sa’yo. Poprotektahan mo siya sa lahat ng taong maaaring manakit sa kanya kahit na buhay mo pa ang kapalit.
Kaya mong gawin lahat kasi para sayong tunay na nagmamahal, wala nang mas hihigit pa sa ligayang mararamdaman mo kapag nakita mo siyang nakangiti, masigla, at masaya. Katulad ng anime na’to, hindi biro ang maging isang ninja at lumaban para sa bayan. Ganun ‘din sa totoong buhay, hindi biro ang magmahal. Marami kang pagdadaanang bagay bago mo masabing totoo na ‘yung nararamdaman mo. Hindi kasi madaling paniwalan ang pagmamahal lalo kapag sinasabi mo lang ito.
Totoong nagmamahal ka na kapag kaya mo nang gawin ‘yung mga bagay na ni minsan di mo pa nagagawa. ‘Yung kaya mong magpaka-ninja na ibubuwis ang lahat ‘wag lang mawala ang taong pinakamamahal mo. Hindi man madali para sa’yo pero kahit ganunpaman hindi ka matatakot at hindi mo pagsisisihan sa huli kasi alam mo sa sarili mo na ginawa mo lang ‘yun para sa kanya.
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
Paalam mahal :(
Sisimulan ko ang tulang ito sa kung, “Paano nagsimula ang lahat?”
Isang tanong na isa lang ang kasagutan,
“Sa simpleng pagkakakilala”
At susundan ng nag-uunahang alaala ng ating nakaraan.
Hindi ko alam kung sinadya, aksidente o tinadhana,
ang pagkukrus ng ating mga landas.
Ang pagtatagpo sa isang daang di natin parehong gamay.
Hindi alam sa kung saan ang tungo o kung ano ang dapat gawin.
Kung dapat ba tayong sabay maglakbay o lampasan lang ang isa’t-isa.
“Bakit nga ba ikaw?”
Sapat na bang rason na sa dinamidami ng tao sa mundo ay sa'yo ko lang gustong ituon ang paningin ko.
Kung hindi, maaari ko bang isagot na sa'yo lang bumibilis ang pintig ng aking puso?
At kung hindi pa rin, tatanggapin mo bang “basta, hindi ko alam”?
Siguro nagkakilala tayo para lang magkakilala.
Para alamin ang pangalan, edad, tirahan.
Makilala ang buong pamilya mo.
Maging magkaibigan…lang.
Hindi tayo pinagtagpo para mabuhay para sa isa’t-isa.
Hindi para bumuo ng pamilya.
Hindi para magmahalan.
Hindi para maging akin.
Nagtagpo tayo para lang ipaalala na marami pa tayong makilala sa ating paglalakbay.
Na ang isang tulad ko ay magiging isang payak na parte lang ng buhay mo.
Maaaring madaling malimutan pagdating ng panahon.
At merong isang Ikaw at isang Ako sa mundong ito pero walang tayo.
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
Lahat nagbabago..
Minsan, darating ka sa puntong mamimiss mo yung mga taong nakasama at naging parte ng buhay mo noon. Mga taong nag-ukit ng marka, nagpasaya sayo, nagpaiyak, kasama sa bawat kalokohan at mahahalagang sandali ng buhay mo. Sila yung mga taong bumuo ng pagkatao mo, itinuring mong pinakamahalaga sayo at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Ngunit sa isang iglap, unti-unti silang nawawala sa buhay mo at hindi mo namalayan na, tinalikuran ka na nila. Para bang binalewala ang nabuong samahan at kinalimutan ka ng tuluyan. Ganyan talaga ang buhay, lahat ng taong dumarating ay umaalis rin. Lahat nagbabago. Walang permanente sa mundo.
Stay
Sa tuwing napapakinggan ko tong kanta na to nasasaktan ako. Too much feels ganun, bawat lyrics parang ang bigat sa pakiramdam.
“Why did you have to leave me.” Bakit nga ba? Dahil ba nagsawa ka na? May iba ka ng nagugustuhan? Nagsawa ka na ba? O sadyang ayaw mo na sakin? Andaming naglalaro sa isipan ko kapag dumating na sa linyang yan ewan ko kung bakit pero ang sakit.
“And now I must move on. Trying to forget all the memories of you and me” Turuan mo naman makalimot kasi nahihirapan ako, nasasaktan. Ang dami nilang sinasabi na paraan para makalimot ako pero hindi ko magawa kasi masakit at mahirap. Nakakagago kasi bakit hindi ko magawang umabante patungo sa bagong buhay na hindi ka na kasama samantalang ikaw ayan masaya at nakalimot na.
“Stay forever” Can you please stay with me forever? Pero sabi nga nila walang forever, lahat nagbabago, lahat lumilipas at hindi lahat kayang magstay. Ang sakit isipin na wala ka na sa piling ko, na akala ko tayo na hanggang dulo at hindi na ako yung mahla mo.. Siguro nga yung makakasama ko sa pang habang buhay eh paparating pa lang naunahan mo lang kaya akala ko ikaw na.
Hindi lahat ng bagay, stable. Lahat nagbabago. Ulitimo maliliit na bagay, nagbabago. Ang tao pa kaya? Hindi sa lahat ng pagkakataon, iyun at iyon siya. Darating at darating ang oras na maiiba ang lahat. Yung tipong back to zero ka. Kasi lahat, nawala. Lahat nagbago. Lahat, iniwan ka. Mabuti na'ng ganun. Kaysa mahirapan ka pa. Na kasama yung mga taong, dapat pala'y nagbago na, pinigilan lang pala.😥😓
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
Lahat nagbabago.. 💔
Lahat ng bagay dito sa mundo nagbabago, maski bagay man oh mga tao. Walang permanente dito. Walang forever, walang infinity. Lahat ng narito sa atin ngayon pansamantala lang. Isang araw mawawala rin lahat ng yan kahit pa gaano mo pahalagaan pagdating ng araw mawawala din siya.!😪💔
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
Love is a contradiction
It is hard to find but easy to lose. Some people spend most of their lives on searching for their one great true love. Some said that it is a matter of trial and error because you will have to break your heart several times before you find the one. Some spend a very long time before they fall in love yet a single mistake, a single flaw could make everything tumble down. You can lose the one you love in just a snap of a finger. You can lose everything that you worked so hard for just because you didn’t care enough to keep them. The moment you lose them, it would be all over and it seems like you wasted just almost your whole life time searching for a love that would only be lost. So when you find true love, grab into it and never ever let it go away.
It makes you feel good yet hurts so bad. Once you have experienced love, you will feel extreme happiness. It would feel like flying, as if you are in the clouds and sliding down the rainbows up in the sky. But once you experience heartbreak, it would be twice as painful. You would feel like your world is crumbling down to bits. You would feel like you were just attacked by a lot of disasters but you could never be dead because you will feel it again and again until you let your feelings go. Love could give us the best and the worst feelings in the world and we could never let go of it because it makes us feel something and it is better than not feeling anything at all.
It opens your eyes but makes you blind. Loving someone can make you see the beauty in everything. It could make you accept that person fully, no matter how flawed he may be. You will learn to understand him no matter how complicated he may be. You will learn to love him no matter how hard it is for others. Yet it could make you blind in a way that you will refuse to see others because he is the center of your vision. It seems like the lenses of your eyes is in macro mode, he is the focus and the others are just blur and you will feel like everything about him is good and no one could be better. Love is so powerful, it could make a person the center of your world.
It fills up your heart and tears it apart. Loving someone could make you feel whole. It fills up your heart with happiness. It will make you feel like nothing could be better than what you are feeling right now. Yet it could also shatter your heart into tiny pieces once it is gone. It could turn it to dust and no one is ever exempted in this part. Heart is the strongest muscle in the body yet it is breakable. Love could make it whole again only to break it apart. And the cycle goes on..
Love is really a contradiction but we seek for it, we keep on fighting for it because a living without loving is not a life at all.
0 notes
arar04-blog · 6 years
Text
What is love ???
What is love? Teka, buffering muna sabay magsasabi ng kahulugan. Kahit gasgas man o bago sa pandinig ay may maibibigay ka. Panigurado, sa panahon na ito, may konting pagtibok ka na nararamdaman, ngunit ayaw mo sabihin kasi takot ka na baka mabisto niya at hindi niya ito suklian. Love? Para sa matatapang iyan. Kapag nagmahal tayo, may kaakibat na responsibilidad. Kung nagmamahal ka, tanggapin mo na masasaktan ka, balang araw. Hindi ito katulad ng nababasa at napapanuod mo na may “and they live happily ever after…” This is the reality, maraming possibility na magkakahiwalay, mag-aaway at magkakasakitan. Kung hindi ka pa handang masaktan, wag ka muna magmahal. Ang love ay isang malaking bloke ng asukal… Matamis. Isa sa pinakamasayang kaganapan sa buhay pag-ibig ay yung naibabalik ang ginagawa nating pagmamahal na nanggagaling sa dahilan kung bakit tayo kinikilig, ngumingiti at sumasaya. Kahit na nasasaktan ka na’t lahat-lahat, isang “I Love You” at pagpapatunay na hindi ka niya sasaktan, mawawala ang lahat ng negatibong bagay na iyong nararamdaman sa halip ay titindi pa lalo ang iyong nararamdaman. Ang pag-ibig ay parang lagay ng panahon. Paiba-iba. Hindi natin alam kung kailan aaraw, uulan o babagyuhin. Kaya dapat pinaghahandaan mo na ang mga pwedeng mangyari. Kung hindi ka pa handa, simulan mo na maghanda ngayong ayos pa ang lahat para hindi ka mahirapan pag bumungad bigla sa iyong harapan. Ang pag-ibig ay parang uminom ng alak at nagkahang-over. Pagkagising mo sa umaga matapos malasing ay susumpa kang hindi na ulit iinom pero sa huli, maglalasing ka na naman. Karamihan sa atin, pansamantalang titigil dahil minsan nang nasaktan. Pero sa huli, iibig at iibig din. Sa tamang panahon. May kanya-kanya tayong kahulugang maibibigay. At sa huli, magmamahal at magmamahal pa din tayo kahit anong mangyari. Walang taong hindi nagmamahal. At kapag umiibig, nasusugatan kung minsan pero naghihilom din naman. Ang pag-ibig ay digmaan, kaya kung ako sa iyo, dapat kang lumaban hanggang sa kahuli-hulihan at kung wala na talagang pag-asang magkabalikang muli, panahon na para sumuko at mahalin naman ang sarili.
0 notes
arar04-blog · 6 years
Quote
The “parang kayo, pero hindi” stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends - Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi. This kind of “relationship” can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other and you want to be with each other but you broke up for a reason. And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan. It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo –usually the guy –may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi “hindi naman kayo. (pabling lang!)” This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng “kalaro.” Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba’t ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng “buti na iyan kesa wala” or puwede na iyang “pantawid-gutom.” Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian. For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that “kilig” feeling. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn’t commit, because they were either committed to someone else, or that they weren’t ready to commit. Rationalization, “okay na iyun, kesa wala.” And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi. Una, you can’t ask him to commit. Since it’s not really a relationship, you can’t demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can’t expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos? (I like this part!!) Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can’t be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can’t. Because you’re not sure if he’ll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all. (Ahahaha past time lang!!) Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn’t? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls? Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no “us.” Meron lang “you and me,” hindi “us.” (Ouch!!)Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh, real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else. Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you’d end up hurting yourself in the process. (Pwede nman yun eh.., as long as you know how to play the game! Be careful not to hurt yourself!) Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences. (Eto nman ang dapat eh sa mga wlang patutunguhang relasyon!!) But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing. Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang “parang kayo pero hindi” stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya … almost, but not quite. 😪💔
0 notes
arar04-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Pag-Ibig at Pagpapalaya Pag mahal mo ang isang tao at hindi ka na nya mahal palayain mo na sya. Hindi dahil sa kasabihang “pag mahal mo, palayain mo” kundi dahil sa katotoohang talo kana bakit ipaglalaban mo pa? hindi naman katangahan ang isuko sya o pakawalan sya kung yun naman ang magpapalaya sa inyong dalawa. dahil pag ang pagibig dumating sa punto na dead end na huminto kayong dalawa at be courageous enough na bitawan sya, dahil baka sa pagbitaw mo sa kanya matagpuan nyo yung daan nyong dalawa. at malay mo balang araw pag parehas na kayong kumpleto matagpuan nyo din ang daan pabalik sa isa’t isa. yes you can grow together, but growing far from each other makes the heart wonder. and maybe this time the timing and the reason are much clearer. and probably you’re mature enough to choose the right path. 😥👍😘
0 notes
arar04-blog · 7 years
Text
Forever ??? Para sakin hindi naman talaga ibig sabihin na yan ung hindi natatapos o nagwawakas. Siguro nga marami nang binigo yang salita na yan, marami na ang pinaasa, marami na rin ang sinaktan. Pero baka kasi hindi lang talaga nila naiintindihan kung ano ba ung forever. Yun bang andun na sila, akala nila hanggang dulo na. Pero biglang may isang mawawala, bigla silang maiiwan sa ere kaya feeling nila, hindi na yun forever, na wala naman talagang forever. For me, forever doesn’t necessarily mean things won’t end. Nothing lasts forever as they say. Forever is making every second meaningful and making the most out of it. Like there’s a thousand second within a second. Forever is something that deviates from the things that is logical. Forever is something that is beyond mathematics and physics. Yun bang masasabi mo na lang talaga na, sige lang, kaya yan, puso lang! Forever is what would make you refrain from thinking and worrying of what would might happen tomorrow. Forever means to create memories, memories that won’t die on your own world. Forever yun kapag ung pakiramdam mo kapareho nung napasigaw ka ng ‘Sa wakas!’ pagkatapos ng matamis nyang ‘Oo.’ Forever is something that could conquer the emptiness of the world even for just a while. Because forever is simply the state of being with someone who holds your heart. Forever is real. It is attainable but it doesn’t come easy. It is something that you have to work for and it is something that you have to make happen.👌👌
0 notes
arar04-blog · 7 years
Text
Basta makasama lang kita, kahit kapiling mo pa siya. Kabet. Third party. Nakikiapid. Option. Hindi priority. Ilan lang yan sa mga tawag sa nagmamahal sa taong may mahal ng iba. Ang sakit no? Yung maramdaman mong pangalawa ka lang, naaalala ka lang kapag magkaaway sila, yung may kahati ka sa oras niya, hindi mo siya pwedeng ipagsigawan sa mundo, hindi mo pwedeng ipaglaban dahil alam mo sa simula pa lang, ikaw na ang talo. Yung maramdaman mong pansamantala ka lang at kahit na anong oras, maari ka niyang talikuran at kalimutan ang mga masasayang sandali niyong dalawa dahil.. wala namang kayo. Hindi naman kayo. Nakakainis pero wala kang magawa kung hindi tanggapin na sa puso niya ay may kahati ka sa pwesto. Wala kang karapatan kasi ikaw ang nakikihati, hindi ka pwedeng manumbat kung inililihim ka niya sa lahat kasi simula pa lang, pinili mong magmahal ng may taong may mahal ng iba, kaya kailangan mong harapin ang bawat kapalit na darating. Ang masakit pa, pinaparamdam niya sa’yo na mas mahal ka niya ngunit hindi niya magawang iwanan yung isa. Napaka unfair. Napakasakit dahil parang pinaglalaruan ka ni kupido at pinana ka sa taong nakalaan na sa iba. Araw-araw kang nananalangin na sana kayo na lang, sana ikaw lang. Araw-araw na ipapamukha sayo ang katotohanan na nagmamahal ka sa isang taong turing sayo ay reserba lang. Mahirap bumitaw, lalo na kung nasa gitna ka na ng laban. Pero ang mas nagpapahirap dito ay yung katotohanan na alam mong kapag bumitaw ka, ikaw lang ang masasaktan at luluha. Pero naisip mo ba, sa dami ng tao sa mundo, mayroon diyan na naghihintay lang sayo, mas mamahalin ka at gagawin ang lahat para iparamdam sayo na ikaw ang priority niya.
0 notes
arar04-blog · 7 years
Text
Kabit Malandi Third party Mang-aagaw Solutera Dahilan ng break-up Makati Mang-aagaw At kung anu-ano pang masasakit na salita na kadalasang natatanggap ng mga third party. Totoo na sila ang kadalasang sumisira ng libo-libong relasyon. Napaparatangan ng kung anu-ano dahil nga sa pumapatol sila sa nakatali na sa iba. Pero isipin din naman sana natin ang kalagayan nila. Isipin muna natin ang sitwasyon nila bago tayo magsalita. Mahirap maging third party. Pilit kang nagtitiis dahil alam mong mas nilalaanan niya ng oras at priority yung original girlfriend/boyfriend niya. Nakikihati ka sa una dahil nga pangalawa ka lang. Hindi kayo pwedeng lumantad na magkasama o sweet sa harap ng ibang tao dahil malalaman nila ang sikretong relasyon niyo. Nakakasakit ka ng iba kahit hindi mo naman talaga gusto. Kasalanan ba ang pumatol sa isang taong nakatali na sa iba at alam mong meron nang mahal? Oo. Dahil alam mong pag-aari na siya ng iba eentra ka pa. Masaya na sila papasok ka pa. Pero kasalanan mo nga ba talaga yun? Nagmahal ka lang naman eh. Sa maling tao. Pumayag kang makipagrelasyon kahit alam mong hindi sigurado. Dahil natural pag pinapili siya malamang yung una pa din ang pipiliin niya. Pero pano kung ikaw talaga yung mahal niya? Paano kung ayaw na niya sa una? Paano kung hindi naman pala talaga niya minahal yung una? Ipaglalaban mo ba siya? Ipaglalaban mo ba ang bawal niyong pag-ibig?
0 notes
arar04-blog · 7 years
Text
Madaling iwan ang isang tao basta hindi ka na niya talaga mahal. Kase in technical terms, bakit mo iiwan ang isang tao kung mahal mo naman siya. Iniwan ka na niya kase hindi na ikaw ang source ng happiness niya.”
0 notes
arar04-blog · 7 years
Text
Dumating ka ng HINDI KO INAASAHAN :) ❤ Sabi nila may mga taong BIGLA na lang daw nating MAKIKILALA. Yung tipong WALA LANG nung UNA, pero sa kalaunan magiging MAHALAGA PALA. 😊 Simpleng nilalang na dati pang karaniwan lang. Hindi mo napapansin kung WALA BA o ANDYAN. Dahil ang ATENSYON mo sa IBA PA nakalaan. Pero TOTOONG pag TADHANA ang nag DIKTA, paiikutin nya ang MUNDO MO hanggang SA KANYA MAPUNTA. 😍 Magsisimulang MAGTAKA ba't bumibilis ang tibok ng PUSO MO pag SYA NA ang nakikita. 😄 Hinahanap mo na PAG WALA. Pag ANDYAN na ay sobra kang NATUTUWA. Nakaka BOBO noh?.. Dahil pag tinanong ka nya, "BA'T AKO ANG NAGUSTUHAN MO?".. ang tanging MAISASAGOT mo na lang ay,.. "HINDI KO SINADYA ITO." 😅 Isang PAGTINGIN na hindi mo INASAHAN pero patuloy na LUMALALIM.. na sana MAGING KAYO hanggang DULO ang sya mo na ngayong PANALANGIN. 😊❤
0 notes