Tumgik
angelaii-blog · 11 years
Text
September 27
Maaga ako kasi may meeting.
0 notes
angelaii-blog · 11 years
Text
September 24, 2013
So, after ng team building, wala na kaming super ganun katagal na interaction na nangyari but today happened and it was kinda unbelievable. Pagpasok ko kasi sa school nakita ko na sila ng isa pa sa 5m babies ko tapos nung nagtinginan kami, naghi ako agad sakanya then diretso na sa paglalakad. Kunwari wala lang sakin pero tuwang-tuwa na ko na nakita ko siya at nakapag-hi ako sakanya :"> Ang nakakagulat, tinawag niya ko tapos nagtanong then tumigil ako sa paglalakad. Di ko nagets yung tanong tapos naglakad siya sakin, tapos naturally, naglakad kami ng sabay. As in side by side talaga! :"> Nagtanong siya kung may event pa daw ba kami, and take note, halos di siya makatingin sakin pero ako tingin nang tingin sakanya. Hahahahahaaha! Sabi ko may event ang DSG pero baka di na sila kasali. Sabi niya unfair daw, Sabi ko naman, "May day naman kayo diba? Week ba or day?" "Day lang po." Kelan?" "Sa Thursday. Nuod ka ate ah. Magddrills kami." "Ah, yung pinapractice niyo?" "Sasayaw kami. *laughs*" Cute niya talaga!! "Ate, punta ka ah. Thursday. Ano yun, mga 11 am." Ang cute lang kasi pinapapunta niya ako para manuod :"> Taos napansin kong ate siya nang ate."Bakit ate? Bakit po? Feeling ko tuloy ang tanda ko na. "Ilang taon ka na ba?" "18. Mas matanda ka nga sakin ng isang taon." "Isang taon lang naman," Naglakad na kami tapos di na kami nagkatabi kasi may napasingit then humiwalay yung dalawang marine tapos kami na lang ulit. May moment pa na nagdikit braso namin. Shet TT____TT Ayun, saglit na usap tapos hiwalay na. Walang matinong ba-bye eh -_-
Umiyak ako sa Accent kasi na-mental block talaga ako. As in todo :(
0 notes
angelaii-blog · 11 years
Text
September 19, 2013
After ilang months ng paghihintay, nakita ko ulit si Patrick and super unexpected talaga. Naglalakad kami ni Lara sa may hallway ng building 5 tapos napansin ko yung mga taong nagkukumpulan sa isang gilid. Napatingin ako sa isang lalaki, nakatitig lang ako tapos narealize ko na si Patrick pala yun. Grabeng feels! Nilagpasan namin siya nang di narerealize ni Lara na si Sunshine nga yun. Nagmadali kaming bumili ng drinks niya tapos dun ulit dumaan. Malayo pa lang tinignan ko na siya, nung malapt hindi na. Baka mahuli ;c Pag-akyat namin kilegs nanaman ako so sabi ko kay Sally, baba kami para makita namin. Ayun, nagpabili din si ate Den. Hahahaha! Dun ulit daan namin. Pagdaan namin nakipag-apir si Sally sa kaibigan niya na katabi lang ni Patrick. Paglagpas namin sabi niya may pimples daw. Okay lang. Gwapo pa din :"> Pagbalik namin ulit, tinuro ni Sally si Rafol, napatitig ako. Gumwapo, infairess naman. Hahahahaha! Pagharap ko, saktong-sakto din na humarap si Patrcik so nagkatinginan kami ng super saglit. Eh putek lang yung feels TT_____TT Super namiss ko siya. Huhuhuhu! Haba na ng hair niya. Hayyy. Kelan na kaya ang susunod na makikita ko siya? :( 
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
*Kenji’s POV
Ang bilis ng araw, Saturday na! Wala kaming pasok lahat kaya dun kami tatambay sa bahay nila Sehun. Pati si Dylan pupunta. Aalis kasi sila tita Izza tsaka yung mga bata tapos si tito James naman may trabaho kay solo naming yung bahay.
8 am pa lang umalis na ko. Boring kasi sa bahay. Maids lang yung kasama ko. Yung parents ko nasa ibang bansa, yung mga ate ko naman nasa Manila kaya lagging tambay ako kina Sehun. Sobrang boring mag-isa.
Tinext ko na si Dylan. Sinabi kong pumunta na siya. Nagreply, papunta na daw. Pagdating ko sakanila, nasa garden nanaman si Brianna. Busy siya sa pagsusulat kaya di ko na kinausap. Pumasok na ko agad sa bahay.
“Sehun, ngayong umaga ba tayo magsi-swimming o movie marathon muna?” Papunta kami ni Sehun ngayon sa kusina. Andun daw si Sam eh.
“Ngayong umaga na daw sabi ni Sam. Mas mainit daw pang mamayang hapon pa.”
Pagpasok naming sa kusina naghahanda ng merienda si Sam. Nagbatian lang kami tapos tuloy na siya sa paggawa ng merienda.
“Asan si Bri?” Napansin na niya yung absence ng pinsan niya nung nagsimula na kaming magkwentuhan.
“Andun sa garden. Busy sa pagsusulat.” Sagot ko.
“Sa garden? Ang init dun ah. Diba ayaw niya sa init kasi namumula siya kapag pinagpapawisan na siya.” Natigil kami ni Sam sa ginagawa namin.Nakatingin lang kami sakanya. Nagulat kami kay Sehun. Teka, pano niya nalaman yun?
“Ba’t ganyan kayo makatingin? Sinabi mo samin yun Sam.” Bigla siyang tumulong kay Sam.
“Hi. Bestfriend ko nga pala, si Phoebe.” Dumating si Brianna sa kitchen, may kasamang babae. Nag-hi kaming tatlo dun sa babae. Nagpakilala na rin kami.
Nakwent na ni Brianna sakin kung bakit andito yung bestfriend niya sa Subic kaya di na ako nagtanong.
Pumunta na kami ni Sehun sa may pool tapos yung mga babae naman nagbihis na. Tinext ko si Dylan, sinabi ko na sa may pool na dumiretso. Nagtanggal na kami ng shirt pero di pa kami naligo. Kwentuhan lang saglit tapos dumating na si Dylan, kasama si Andy.
“Andy! Kelan ka pa dito?” Akala namin sa Monday pa dating mo?” Tanong ko kay Andy. Napatayo kaming dalawa ni Sehun.
“Kanina lang. Medyo biglaan yung pag-uwi eh. Tinext ko agad si Dylan. Sabi niya tambay daw ngayon dito sa bahay nila Sehun.” Kaibigan din namin si Andy. Sa Japan sila nagstay ng pamilya niya buong summer. Mas magiging masaya ‘tong sabado, kumpleto kami.
Napalingon kaming apat nung narinig naming bumukas yung sliding door. Si Sam yung napansin ko agad.Sa kanilang tatlo, siya lang yung nakaswimsuit. Pero siguro kahit hindi siya nakaswinsuit siya pa rin yung unang mapapansin ko. Ang ganda niya kasi talaga. Kahit san mo siya ilagay mapapansin talaga siya. Kahit na sigurosobrang daming tao yung nakapaligid sakanya, siya talaga yung mapapansin.
Si Brianna naman nakasando lang tsaka shorts. Mahiyain kasi kaya hanggang ganyan lang. Maganda rin siya. Ang simple ng ganda niya. Di kagaya ng kay Sam, kailangan pang titigan yung mukha ni Brianna para masabi mong maganda siya. Pero pag nakita mo na yung ganda niya, lagi ka na mapapatingin sakanya. Di ko alam kung tama ba yung pagkadescribe sa ganda niya. Basta, maganda siya.
Yung bestfriend naman ni Brianna, si Phoebe, nakasando tsaka shorts lang din. Maganda siya pero parang mas bagay na gamitin yung adjective na cute sakanya. Para kasi siyang bata kapag titignan yung mukha niya.
“Brianna, Phoebe, si Andy. Kaibigan namin.” Ipinakilala ni Dylan si Andy dun sa dalawa. Magkakilala na kasi si Andy tsaka si Sam. Ngapakilala na rin yung dalawa tapos nagswimming na kaming lahat.
*Phoebe’s POV
Medyo uncomfortable ako kasi si Brianna lang naman talaga yung kilala ko dito. Pero kung ikukumpara naman sa kanya, mas okay ako sa mga ganito. Nakikipag-usap pa rin ako sa iba kahit di ko kilala pero siya, di talaga siya makikipag-usap hanggang hindi siya inaapproach.
“Bakit andito ka lang?” May umupong lalaki sa tabi ko, Dylan ata yung name. Medyo nagulat ako sa laki ng boses niya.
“Uh, di kasi ako marunong maglangoy kaya hanggang dito lang ako.” Nakaupo kami ngayon sa hagdanan ng pool. Yung pinakamamahal kong kaibigan andun sa malalim na part. Nakikipaglaro kay Sam tsaka, si Kenji ba yun?
“Ah. Nabanggit pala sakin ni Bri na pare-parehas tayo ng university na pinapasukan. Anong course mo?”
  “Accounting. AB English course mo diba? Parehas kayo ni Bri.”
“Oo. Kamusta naman ang accounting? Mahirap ba?”
“Sobra! Punong-puno ng Math. Sakit sa ulo.” I mentally slapped myself. Malamang punong-puno ng Math, Phoebe. Accounting nga eh.
“Haha! Kaya nga AB English ako eh. Ayoko sa Math.”
Nagkwentuhan lang kami habang pinapanuod yung iba.
*Kenji's POV
"Laro tayo." Yaya ni Sam. Siguro nabo-bore na siya sa pabalik-balik na paglalangoy lang.
"Sige! Ano lalaruin natin?" Lumapit agad si Brianna nung narinig niya yung sinabi ni Sam.
"Alam niyo yung, nakasakay sa balikat ng lalaki yung babae dito sa pool. 2 grupo o pwede marami tapos yung mga babae magtutulukan. Kung sino unang mahulog, talo. Alam niyo yun?" Di ko alam kung anong tawag dun eh.
"Game!" Pumayag na agad si Sam tsaka Brianna.
"Kenji, kayo na ni Sam magkapartner." Sabi ni Brianna sabay kindat. "Wait lang, tatawagin ko lang si..." Di na niya natuloy yung sasabihin niya nung tumingin siya kay Dylan. "Wala akong pwedeng kapartner. Nag-uusap si Dylan tsaka Phoebe, ayoko umepal. Next time na lang tayo maglaro."
"Edi si Sehun na lang." Parang gusto pa ata umangal ni Brianna pero pinuntahan ko na agad si Sehun.
"Sehun, laro tayo." Bumalik na kami kina Sam, pati si Andy sumama. "Si Brianna partner mo, si Sam partner ko. Kung sinong unang mahulog, talo. Alam mo naman yun siba, Sehun? Yung panalo pwede mag-utos dun s pair na talo. Game." Nakatingin lang silang tatlo sakin. Haha! Nabigla siguro sa bilis ng mga pangyayari. Pag pinabayaan ko pa kasi magsalita tong mga 'to, marami pang reklamo.
*Phoebe’s POV
Naglalaro na yung apat kaya yung si Andy, tumabi na rin samin ni Dylan. ANg cute tignan ni Bri tsaka Sehun. Haha! Kanina pa sila nag-aaway kasi kanina pa nasasabunutan ni Bri si Sehun. Di ko alam, pero baka sinasaya din ni Brianna yun.
“Brianna, stop pulling my hair!” Naaasar na talaga si Sehun. Haha! Go, Brianna! Sabunutan mo lang!! Mag-away lang kayo. Ang cute tignan.
“Then stay still! You keep on moving!” Sumigaw na rin si Brianna. Naaasar na rin. Tumigil na sa paggalaw si Sehun tapos hinawakan niya yung dalawang kamay ni Bri. Naks! Holding hands agad pagkatapos ng away? Umatos na ng upo si Bri sa balikat ni Sehun tapos di muna sila gumalaw. Si Sam tsaka Kenji kanina pa nakaayos, nakatitig na lang sila dun sa dalawa.
Sa unang round, medyo matagl-tagal yung tulakan ni Sam tsaka Bri. Sobrang nakakatawa kasi nagkakasampalan tsaka sabunutan na sila tapos ang lakas pa rin ng tawa nila. First round, talo sila Bri.
“Ikaw kasi eh. Ang likot likot mo! Talo tuloy.” Ito nanaman si Brianna. Go! Mag-away kayo! Haha!
“Ikaw dito sa baba, palit tayo ng pwesto.” Habang nagpapakasaya si Kenji at Sam, nag-aaway nanaman si Bri tsaka Sehun.
“Game na!”Alam siguro ni Kenji na pag pinabayaan pa niya mag-away yung dalawa, di na titigil yun.
Simula pa lang ng round 2 parang na out-of-balance na si Keji kaya ayun, talo sila. Parang mga bata si Sehun tsaka Bri. Kanina lang grabe magsigawan tapos ngayon parang sobrang close sila.Para silang nanalo sa lotto kung makatawa tsaka makasigaw.
“Sorry ah.” Buti pa to si Kenji nag-sorry.
“Okay lang yan. May isang round pa.”  Ang bait naman ni Sam. Kung si Brianna to, sasabihin niyan, “Sorry pa? Tsss. Talo na tayo. Wala na!”  Baliw yang babaeng yan eh. Pero depende rin naman siguro sa kausap niya.
Last round na. Kabado yung apat, ayyy! Parang si Sehun at Brianna lang ata yung kabado. Seryoso talaga sila sa laro eh. Parang ang laki ng mawawala sakanila pag natalo sila. Lumapit na sila Sehun kina Kenji tapos nagstart na yung last round.
*Brianna’s POV
Panalo kami!! Wohooooooo! Actually, di naman talaga ako mahilig sa mga ganyang laro and usually wala naman ako masyadong pakialam kung sinong manalo. Pero ngayon, kinailangan talaga naming manalo. Hihi! Alam ko na kasi yung iuutos ko. Yiiiiiiiiiiieeee. Excited na ko. Sam will love me more.
*Kenji’s POV
Si Brianna lang ang tuwang-tuwa sa pagkapanalo nila. Sa sobrang tuwa niya kanina, nayakap pa niya si Sehun.
Lunchtime na kaya pumunta na kami sa kitchen para kunin yung pagkain. Si Sehun tsaka Sam kasama ko. Pusit tsaka hipon yung ulam. Sarap!
“Diba allergic si Brianna sa pusit tsaka hipon? Wala na bang ibang ulam dito?” Tinignan ni Sehun yung mga lalagyan dun. Ano bang nangyayari sa lalaking to? “Diba dapat magpaluto tayo ng pwede niyang kaninin?”
Nagulat ata si Sam kaya di siya nakasagot agad. “Ano, uhm, di naman daw talaga siya allergic dun. Isang beses lang nangyari na namula siya after niya kumain ng posit tsaka shrimp. Di na daw naulit yun. Okay naman na siguro kung kakain siya ngayon.”
“Bakit ba parang sobrang nag-aalala ka?” Parang may kakaiba dito kay Sehun.
“Malamang! Pano pag may nangyari sa masungit na yun? Edi tayo pa papagalitan ni tita Izza. Tara na nga. Pwede naman na pala siya kumain niyan eh.” Lumabas na si Sehun tapos sumunod na kami ni Sam. Hmmmm. Parang totoo ata yung iniisip ko dati ah.
    *Brianna’s POV
Lunch time na! Ang sarap ng ulam, pusit tsaka shrimp. Yum! Umupo na kaming lahat. Katabi ko si Dylan tsaka Phoebe tapos sa harap ko si Sehun. Okay lang, di ako asar sakanya ngayon kasi panalo kami. Wohooooo!
Nung kumuha ako pusit tsaka hipon, ramdam ko yung titig ni Sehun sa mukha ko. Tumingin ako sakanya tapos umiling lang siya. Weird. Pero dahil bati kami ngayon, nilagyan ko na ng ulam yung plate niya. Baka kasi yun yung reason ng pagtingin niya. Gusto na niya siguro kumuha ng ulam. Nung pagakalagay ko ng ulam, tumingin siya sakin tapos medyo confused pa. Nginitian ko lang siya. Naramdaman kong nakatingin na rin yung iba samin kaya nilagyan ko na rin ng ulam yung plate nila.
Puro kwentuhan habang kumakain kami. Si Andy nagkwento ng about sa stay niya sa Japan. Ang ingay nung apat na lalaki. Grabe. Pati si Sam tsaka Phoebe nakisali na rin. Medyo nanibago k okay Sehun kasi usually pag nakikita ko siya tahimik lang naman siya. Pero ngayon ang daldal niya tsaka grabe pa makatawa.
After naming kumain at maligo, pumunta na kami sa viewing room. Movie marathon naman! Naunang pumasok si Andy, Dylan tsaka Phoebe. Since may pinag-uusapan silang tatlo, dun sila sa isang couch. Dalawa lang kasi yung couch sa loob tapos tatlo lang kasya sa isa. Sakto na rin to. Kami nila Kenji at Sam yung sumunod na pumasok. Si Sehun yung last. Si Sam pinaupo ko sa gitna namin ni Kenji. Magkatabi sila ni Kenji! Kung lagging sumasang-ayon sakin ang pagkakataon, edi mas mapapadali trabaho ko. Nung pinlay na ni Sehun yung movie, umupo na ko sa sahig. Silang dalawa lang data magkatabi. Maya-maya umupo na rin si Sehun sa tabi ko. Ugh! Kung gusto kong lagging magkasama si Kenji at Sam, maiiwan si Sehun sakin.
“Ano?!” Sungit nito ni Sehun. Bawal ba siyang tignan? Tss. Di ko na pinatulan. Mag-aaway nanaman kami eh.
“Bri, ano ba yung utos mo samin ni Sam?” Napangiti ako satanong ni Kenji. Yiieee. Kinikilig nanaman ako pag naaalala ko.
“Secret muna. Sa Friday ko sasabihin.”
“Tumahimik ka na nga. Nagsisimula na nga, ang daldal mo pa.” Ano bang problema nito ni Sehun? Papansin masyado!
“Sipain kaya kita diyan!”
“Sige nga!”
Sisipain ko na dapat siya pero may tumapik sa balikat ko. Na-distract tuloy ako.
“Palit na tayo Brianna. Dun ka na sa tabi nila Dylan. Baka mag-away pa kayo ni Sehun eh.” Tumayo na si Andy tapos ako din. Bago koumupo, sinipa ko muna si Sehun.
“Aish!” Napatayo siya sa sobrang asar siguro. Haha! Hinawakan siya ni Andy para di makalapit sakin.
“Tama na. Nagsisimula na yung movie oh.” Umupo na si Sehun nung nagsalita si Kenji. Wohooo. Panalo ako!
Habang nanunuod kami iba yung pakiramdam ko. Parang ang init ng balat ko tsaka parang kumakati. Nakakainis kasi ako makapafocus sa movie dahil sa sobrang kati.
“Wala man lang akong naintindihan. Ugh!” Tumayo na ko nung natapos yung movie pero hinila ako ni Phoebe paupo.
“Anong nangyari sayo Bri? Bakit ang pula-pula mo?”
“Brianna Kacey! Umamin ka nga sakin. Allergic ka talaga sa shrimp at squid no?” Nasa harap ko si Sam. Parang galit. Magsasalita n asana ko kaya lang naunahan ako ni Sehun.
“Sinabi ko na kasi sainyo na wag niyong pakainin yan eh. Tignan niyo yung nangyari.” Ang sama ng tingin niya kay Sam at Kenji tapos nagwalk-out siya. Wow. Affected masyado?
Lumabas na rin kaming lahat tapos lahat sila pinapagalitan ako. Sabi ko pupunta na ko sa kwarto ko. Sila naman uuwi na daw. Nung papunta na ko sa kwarto, lumapit si Sehun tapos hinila niya ko.
“Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!” Di niya naman ako pinansin. Tch. Hinihila lang niya ko. Binitawan lang niya yung kamay ko nung nasa kitchen na kami. May inabot siyang tablet tsaka baso ng tubig.
“Inumin mo yan tapos pumunta ka na sa kwarto mo.”
Tinignan ko lang siya.
“Bilisan mo na nga.” Lumabas na siya ng kitchen. Sungit. Tinignan ko yung tablet na binigay niya. Anti-allergy. Napangiti ako. Pa-cool pa sa pagbigay eh. Ininom ko na yung gamut tapos pumunta na ko sa kwarto. Itutulog ko na lang ‘to para di ko na martamdaman yung itchiness.
7 pm na ko nagising. Sakto, dinner time na. Naghilamos lang ako tapos lumabas na.
“Oh My! Brianna, what happened to your face?” Gosh! Di pa ba nawawala yung redness?
“Uh, tita…” Pano ko ba ieesplain to?
“She ate shrimp and squid earlier.” Sam, bakit? Bakit mo sinabi?
Tumingin sakin si Tita sakin tapos halatang super galit siya. “Brianna Kacey Zamorra! Amlam mong allergic ka dun, bakit ka kumain?” You should’ve asked manang to cook something for you.”
Puro sermon ang narinig ko. Gaing kay tita, kay Sam, Xianne, Zikyra, tsaka kay Yoogeun din.” Buti nga si tito di na ko sinermonan eh. Si Sehun din di na ko pinagsabihan.
“Alam mo naman kasing bawal sayo tapos kumain ka pa.” Sabin i Sehun tapos pumunta na siya agad sa kwarto niya. Ni hindi man lang nga ako tinginan eh.
Parang ang nice ng pagkasabi niya. Hindi yung usual na masungit tone. Basta, parang ang bait niya ngayon.
“Ugh! Bakit ba kasi masarap ang bawal?”
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 8, 2012
Hapon, pumunta kami sa Sta. Lucia. Bumili ng printer. Nakakasar kasi sabi ni mama pwede na ko bumili ng shades tapos nung nakapili ako, wag na daw. Sabay na lang daw kami ni kuya Ray bumili. Asar lang tapos nung bumalik kami dun, pinapapili naman niya ako. Parang ewan lang. Bago kami umuwi, kumain muna kami. Pagdating sa bahay, ligo tapos simba na.
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 6, 2012
Tambay sa bahay :)
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 7, 2012
Anniversary ni mama tsaka papa tapos birthday ni Tita Beth n_n
May handaan. Dumating si Ate Riecia, Ate Lena, Tricia tsaka iba pa nilang friends. Super bored ako ng araw na yun. Puro inuman sila tapos sobrang init. Niyaya ako ni papa na magswimming dun sa pool kaya lang tinatamad ako kaya di ako nagswim. Nung hapon pumunta ako kila Mel kaya lang wala siya.
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
*Brianna's POV
One week na rin simula nung nag-enroll kami. Di ko nakabonding si Kenji kahit nasa bahay siya lagi kasi di naman ako masyado lumalabas ng kwarto ko. Si Sam naman nakakausap ko lang tuwing gabi, before kami matulog. Ewan ko kung ano ba meron sa kwarto ko. Basta gusto ko dun lang. Minsan naman pumupunta rin ako sa garden, pero mag-isa lang ako. Nakakusap ko lang yung buong pamilya kapag meal time. Kahit na vacation maaga pa rin kami gumigising kasi gusto ni tito James na lagi sabay kumakain, lalo na every breakfast. 
Start of classes na ngayong araw. Nakakainis kasi sobrang magkaiba kami ng schedule ni Sam. As in hindi talaga kami magkakasabay pumasok or umuwi. Si Sehun ang laging kasabay ko. Ugh.
Naghihintay si Sehun sa dulo ng stairs. Napatingin siya sakin nung pababa na ko. "Ang tagal mo." Tch. Aga-aga nagsusungit. Sinabi ko bang maghintay ka?
Sobrang tahimik ng byahe papuntang university. Wala talagang pansinan. Okay lang naman sakin kasi mas gusto ko nga yung tahimik lang. Pagdating namin sa university, hinintay ko muna makaalis yung car bago ako naglakad palayo. Si Sehun naman nakaalis na agad. Wala akong kasama. Ugh. Sana andito si Sam.
May nakita akong babae na natapilok kaya nalaglag yung gamit na hawak niya. Lumapit ako para tulungan siya. Nagulat ako nung nakita ko yung mukha niya.
Best friend ko to ah?! "Phoebe?!" Napalakas pa yung boses ko. What is she doing here?
"Bri!" Nag-hug kami tapos nagtatalon naparang mga bata. "Nakakainis ka. Akala ko prince charming ko na yung tutulong sakin eh."
Pinalo ko yung braso niya. Lokong babae 'to. Di pa ata natutuwa na nagkita kami. "So, gusto mo lalaki talaga tumulong sayo, hindi ako?"
"Pwede ka na rin. Hahaha! I missed you!"
Kwentuhan lang kami saglit. Nung napatingin ako sa relo ko, na-realize ko na malapit na ko ma-late. Hiningi ko yung number niya tapos tumakbo na ko. Pagdating ko sa room wala pang tao. Buti na lang. Chineck ko muna kung tama yung room then nung sure na ko, naupo na ko at naghintay.Maya-maya may dumating na lalaki. Parang tumakbo siya kasi sobrang hingal nahingal siya. Nung nakita niya ako, ngumiti siya. Ang cute. Nagsmile rin ako.
"Late na ba ako o di pa talaga nagsisimula yung klase?" Nagulat ako sa boses niya. Baby face siya pero ang laki ng boses niya tapos nung tumayo siya ng diresto medyo nalula ako. Ang tangkad niya.
"Uh, di pa nagsisimula."
"Safe! Uhm.Okay lang kung tatabi ako sayo?"
"Sure." Umupo na siya sa tabi ko.
"Dylan Mercado nga pala." Sabi niya tapos nakipagshake-hands siya.
"Brianna Zamorra."
May mga dumating tapos binati niya. Cool. May friends agad siya. Di naman lahat kilala niya, yung iba lang. Kapag may nagha-hi sakanya pinapakilala niya ako.
"Bakit kilala mo yung iba?" Tanong ko sakanya nung natapos na ang batian nila ng friends niya.
"Classmates tsaka schoolmates ko yung iba nung high school. Di naman kasi masyadong malaki 'tong lugar natin dito kaya natural lang na may makita akong mga kakilala ko dito sa university. Ikaw, di familiar yung mukha mo. Bago ka lang dito?"
"Yes. Kakalipat lang namin ng cousin ko last week."
"Pinsan mo lang kasama mo dito?"
"No. Siya lang yung kasama kong lumipat dito. Dun kami lumipat sa bahay ng tita namin." 
Natigil yung usapan namin nung pumasok na yung professor. Di pa naman agad lesson. Diniscuss lang yung mga magiging topics and kung anu-ano pang bagay concerning our subject. Ganun rin yung nangyari sa dalawa pang sumunod na subject.
Bago ako lumabas ng room tinext ko muna si Phoebe. Tinanong ko kung may klase pa siya, meron pa daw. Wala akong kasama. Bakit kasi hindi ako kasing friendly ni Sam eh.
"Wala kang kasama kumain? Sama ka na lang sakin." Lumapit si Dylan sakin.
"Baka naman kasi maging awkward kung sasama ako. Siguro naman kasama mo friends mo."
"Oo. Okay nga yun eh. Papakilala na rin kita."
Naghesitate ako nung una pero naisip ko na mas okay na sumama ako sakanya kesa naman kumain ako mag-isa.Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, kung anu-ano kinekwento niya. He's actually a very funny person. Yung tipong kahit araw-araw mo siya kasama di ka pa rin magsasawa. Ako rin napakwento rin ng mga medyo funny stories and sobrang cute ng mga reactions niya. Tumitigil pa siya minsan sa paglalakad dahil sa sobrang tawa. Grabe rin siya makapalakpak pag tumatawa.
Pagpasok namin sa cafeteria, parang may hinanap siya tapos nung nkita na niya siguro hinila niya ako. We ended up malapit sa table kung nasan si Sehun. Ugh!
"Kaibigan mo?" Tanong ko kay Dylan.
"Oo. You know him?" Napangiti si Dylan tapos tumingin na siya kay Sehun. "Sehun!"
Biglang tumingin si Sehun. Nakangiti siya nung una pero nawala bigla. Siguro kasi nakita niya ko. Tss.
"Hey." Lumapit na si Dylan sakanya tapos naghigh five sila. "Anong gusto mo? Libre ko. Ikaw rin Brianna, anong gusto mo?"
"Spaghetti tsaka bubble tea." Sagot ni Sehun.
"Wag na. Ako na lang bibili ng pagkain ko." Nakakahiya naman kasi, kakakilala lang namin tapos libre na agad.
"Wag ka na mahiya. Upo ka na. Ako na lang pipili para sayo. Dito ka lang ah." Umalis na siya tapos umupo na ako.
Awkward nanaman. After ilang minutes bumalik na si Dylan at yung nilagay niyang pagkain sa harap ko, lasagna!! Ang galing pumili. This is my favorite!
"Thank you Dylan!!"
"You're welcome."
Kumain na kami tapos dumating si Kenji. Cool. Naggoodmorning siya saming lahat tapos umupo siya sa tabi ko.
"Pano kayo nagkakilala ni Dylan?" Tanong ni Kenji.
"Blockmates kami. Kaming dalawa lang yung nauna sa room, so ayun." Sagot ko.
"Oy Dylan, dinidiskartehan mo si Brianna no?"
Ang cute ng reactio ni Dylan. Nanlaki talaga yung mata niya. Gulat na gulat. Haha! "Hindi ah! Brianna, wag kang maniniwala dyan!" Natawa lang ako. Ang cute niya talaga. Parang bata, pati si Kenji natawa rin.
Habang kumakain kami tuloy pa rin yung kulitan nung dalawa. Si Sehun nakikisali rin kaya lang feeling ko di siya comfortable na kasama nila ako. Tapos nararamdaman ko talaga na tumitingin siya sakin. Siguro gusto niyang sabihin sakin na umalis na ako. Sakto, nagtext si Phoebe. Tapos na daw yung klase niya.
"Uhm, alis na ko ah? Nagtext yung best friend ko, nakikipagkita. Bye." Paalis na sana ako pero hinila ni Kenji yung kamay ko.
"First day pa lang may best friend ka na agad?" Di siya naniniwala na best friend ko yung pupuntahan ko?
"Oo nga. Tsaka ako lang naman yung nakausap mo kanina ah." Dumagdag pa to si Dylan.
"Best friend ko talaga. Galing sa Manila. I'll explain next time. Bye!" Nagba-bye na ko sakanila tapos tumakbo na ko palabas.
Nagkita kami ni Phoebe sa may labas ng cafeteria. Walang ibang store ng foods na malapit samin kaya walang choice kundi sa cafeteria. Pumasok na kami tapos bumili na siya ng pagkain bago kami umupo. 
"30 minutes lang yung break. Nakakainis. After nito may klase tapos break nanaman."
"Kumain ka na lang Phoebe. Uh, sama ka na lang sakin sa bahay maya. Hatid ka na lang namin pauwi. Please."
"Okay. Sino pala kasama mo kumain kanina?"
"Friends?" Parang unsure pa ko nung sinabi kong friends. Friends ko na ba sila? Siguro. Ewan.
"Wow! Good to hear na may friends ka na. Ipakilala mo naman ako. Are they pretty? Hindi maarte?"
"Actually, they are boys."
"Oooohh. Boys. Gwapo ba? Ilan?"
"Oo. Gwapo naman. Tatlo sila." More like dalawa lang. Parang di naman pwedeng i-consider na kaibigan ko si Sehun.
"Boys talaga ah. Nice."
Inirapan ko siya. Kung anu-ano nanaman pumapasok sa utak nito eh. Inexplain ko sakanya kung pano ko sila nakilala.
"So, yung isa dun kasama mo sa bahay?"
"Oo nga. Sinabi ko na nga diba."
“As in nakatira kayo ni Sehun sa isang bahay?!" Medyo napalakas yung boses niya kay tinakpan ko yung bibig niya. Good thing mukhang walang nakarinig sakanya. Baka kung anong isipin nung iba kung narinig nila si Phoebe.
"Sssshh! Keep it low." Nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig niya kay nag-okay sign na lang siya.
Kumain na ulit siya tapos bago siya umalis sinabi ko na 4 pm kami magkikita sa parking lot tapos pumunta na kami sa klase namin.
Pagpasok ko sa room, andun na halos lahat ng blockmates ko. Lahat sila nakatingin sakin. Sobrang awkward. Di ko pa alam kung san ako uupo.
"Brianna, dito!" Narinig ko yung boses ni Dylan. Kumakaway pa siya kaya madali ko siya nakita. Ang bait. Nagsave talaga ng seat para sakin. Nung umupo ako satabi niya, grabe yung titig ng mga babae sakin. Nag-usap kami saglit ni Dylan and super uncomfortable kasi patingin-tingin talaga yung girls. Di naman sila mukhang galit, parang confused lang.
Dumating na yung professor and natigil na yung pagtingin ng girls. Hanggang sa matapos klase namin, di na sila tumingin samin ni Dylan. Pero nung sabay kaming lumabas ni Dylan, tumingin nanaman sila.
"Dylan, may girlfriend ka ba?" Tanong ka sakanya nung nakalabas na kami. Bigla siyang tumigil sa paglalakad tapos humarap siya sakin. He gave me a do-you-like-me look. Inirapan ko lang siya. "Wag ka nga mag-isip ng kung anu-ano. Yung mga babae kasi kanina grabe makatingin satin. Baka kasi may girlfriend ka tapos baka mamaya sabihin silang kung anu-ano."
"Wag mo pansinin yung mga yun. Di naman sila bully eh kaya you don't have to worry. Tsaka wala akong girlfriend."
Naglakad na ulit kami. "You must be really popular then."
"Not really." Sabi niya tapos ngumiti. pa-humble pa 'to eh.
Naghiwalay na kami kasi sa parking lot ako siya naman may pupuntahan pang iba.
Nakita ko agad si Sehun, mukhang asar nanaman. Laki lagi ng problema ng lalaking to.
"Ang tagal mo." Ang sama ng tingin niya. SINABI KO BANG MAGHINTAY KA? Gusto ko sanang sigawan kay lang, tinatamad ako makipagtalo. Sumakay na siya sa sasakyan pero ako sa labas pa rin. Hinihintay ko kasi si Phoebe. Buti nga di na masyado matagal paghihintay ko eh. Baka sigawan ako ni Sehun pag nagtagal pa.
Sumakay na kami ni Phoebe sa sasakyan tapos pinakilala ko siya sa driver. Pinag-isipan ko talaga kung ipapakilala ko pa siya kay Sehun pero ang sama ko naman kung hindi so ipapakilala ko na rin.
"Uh, Sehun, si Phoebe best friend ko." Ang awkward. Siguro iniisip niya, "Anong pakialam ko?" 
Tumingin siya tapos nag-hi. Ganun din ginawa ni Phoebe. Dun na kami sa likod umupo ni Phoebe kasi wala lang. Ayoko lang katabi si Sehun. 
Pagdating namin sa bahay, pinakilala ko siya kay tita tsaka dun sa mga bata. Sayang nga wala pa si Sam eh. Di pa kasi sila nagkakakilala ni Phoebe. 
Pumasok na kami sa kwarto ko. Nagbihis muna ako tapos kwentuhan na. Ang tagal rin naming hindi nagkita. Buong summer kasi kung san-san kami pumunta ng family ko. Tapos siya naman nasa province nila.
  “Bakit pala andito ka? Akala ko sa Batangas ka mag-aaral?” Nakahiga na kami ngayon sa kama ko.
“Sabin i mama may relatives daw kami dito. Tinanong niya ko kung gusto ko daw ba na dito naman magstay kasi gusto daw akong makita nung relatives namin. Naalala ko na sinabi mong dito ka na sa Subic kaya pumayag ako.” Aww. Ang sweet ng best friend ko.
 Kung anu-ano lang yung mga pinag-usapan namin tapos napunta sa topic na gusto ko nang kalimutan.
"Kamusta ka na pala? Okay ka na ba? Alam mo na, yung nangyari nung 4th year tayo." Parang nag-aalangan pa siya nung tinanong niya yun. I sighed. Wala namang  mangyayari kung iiwasan ko 'tong topic na 'to.
"Okay naman. Di ko naman talaga naisip yun simula nung vacation eh. Masyadong busy kaya walang time para isipin yung bagay na yun. Pero di ko pa rin talaga nakakalimutan."
"Tama na nga. Baka umiyak ka kapag tinuloy natin 'to! Iba na lang pag-usapan natin."
"Di pa ako umiiyak dahil dun no. Tsaka ayokong umiyak ng dahil dun. Ayaw ko talaga."
Iniba na talaga ni Phoebe yung topic. Puro mga kalokohan na lang yung pinag-usapan namin. Puro tawanan na lang kami. Dun na siya nagdinner sa bahay tapos after kumain hinatid na namin siya. Sana pala di na lang namin napag-usapan yun. Ang hirap tuloy matulog. Ugh! Gusto ko nang makalimot. Gusto ko na talaga.
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
*Brianna's POV
Pagdating ko sa dining area wala pang tao kaya pumunta muna ako sa kitchen para kumuha ng hot chocolate. Pagbalik ko andun na si Kenji, Yoogeun tsaka si Sehun. Sadyang epal talaga siguro si Sehun. Dun nanaman siya umupo sa pwesto ko. Umagang-umaga naman tapos may pang-asar na ganito.
"Noona, sit beside me." Sabi ni baby boy. At least may pambawi naman.
"Sure, baby." Umupo na ko dun. Okay naman yung pwesto ko. Nasa gitna ako ni Kenji tsaka Yoogeun , kaya lang sa harap ko naman si Sehun.
Maya-maya dumating na si Sam.
"Good morning." Antok na antok pa siya. Dun siya umupo sa tabi ni Sehun tapos magkaharap sila ni Kenji! Yiiiieeeee!
Sumunod na rin sila tita. After namin kumain, nag-ready na kami ng lahat kasi ngayon kami mag-eenroll. Kaya dito natulog si Kenji kasi sasabay siya samin.
Hinatid lang kami nila tita sa university tapos pumunta na rin sila sa school nila Xianne. Si tito James naman, pumunta na sa office niya.
"Anong course ba kukunin mo Sam?" Tanong ni Kenji kay Sammy. Sobrang kalmado lang yung mukha ni Sam pero deep inside siguro kilig na kilig na yan. Haha!
"Tourism." Walang kwenta. Ang iksi ng sagot niya. pano sila magkakaron ng matinong conversation niyan.
"Eh, ikaw Brianna?" Ako naman tinanong niya.
"AB English. Ikaw?"
"IT. Halika na."
"Pano silang dalawa?"
"Magkatabi kasi yung department ng course natin. Yung sakanila rin magkatabi. Dito tayo sa left side, sa right side naman sila."
"Dito na lang tayo magkita-kita mamaya." Nagulat ako nung narinig ko yung boses ni Sehun. Ngayon ko lang naramdaman yung presence niya. Kay Kenji lang siya nakatingin nung nagsalita siya. Tch. Andito rin kaya ako. "Let's go, Sam." Tumalikod na si Sehun tapos sumunod na si Sam. Naglakad na rin kami ni Kenji.
"So, dito na talaga kayo hanggang sa maka-graduate kayo?" Buti nagsalita siya. Awkward ako pagdating sa mga ganito eh.
"Oo ata? Di pa naman namin kasi napapag-usapan talaga ni Sam."
"Ah. Yung parents mo, buti pumayag sila."
"Kasi, di ko rin naman sila nakikita madalas. Lagi kasing busy sa business. Naisip rin nila na okay rin kung dito ako kasi medyo mababantayan naman daw ako ni tita Izza. "
"Wala ka bang naiwan dun? I mean, best friend, friends or your boyfriend?" Tinignan ko siya ng masama. "Hey, don't misunderstand. I'm not trying to hit on you. Curious lang talaga ako."
Natawa ako sa reaction niya. Ang cute. "I know. Haha! Mami-miss ko yung best friend ko tsaka friends ko pero I really want a new environment and I never had a boyfriend."
"Really?" Sobrang nagulat siya. Ano namang kagulat-gulat dun. Ang cute ng mga reaction ng lalaking 'to.
"Oo nga. Eh, ikaw may girlfriend ka?" Kailangan ko na magstart sa paglalakad ko kay Sam dito kay Kenji.
"Kaka-break lang."
"Oh, I shouldn't have asked. Sor-"
"You don't need to be sorry. Parehas naman naming gusto yun kaya okay lang."
Natahimik na ako. Okay na sana na wala siyang girlfriend eh. Kaka-break nga lang. Uhm. Makakapaghintay naman siguro si Sam.
Nakarating na kami sa Department ng course ko. Sabi ko sakanya na mauna na siya pero he insisted na hihintayin niya na lang ako. Pinasa ko na yung requirements ko tapos sabi ng babae dun na hindi ko na kailangan mag-exam. Buti naman. Sawang-sawa na ako sa exams eh. Pumunta na rin kami agad sa Department ng IT. Kailangan pa mag-exam ni Kenji. Sabi niya dun ko na lang siya hintayin sa lugar na pinag-usapan namin kasi baka andun na si Sam o Sehun. Pagdating ko, wala pa yung dalawa kaya naupo na lang ako sa may bench dun. 
"Hi." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harap ko.
"Uh, hi." Nagsmile ako tapos tumingin sa gilid. AWKWARD.
"I'm Mark. What's your name?" Tumingin ulit ako sa kanya taposyung kamay niya nasa harap ko na. Makikipag-shake hands pa.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba yung pangalan ko. Pero parang ang rude naman kung hindi ko sasabihin. "Brianna." Tumingin ako ulit sa gilid. Sana umalis na siya.
"Dito ka rin ba mag-aaral? Gusto mo i-tour kita?" Napatingin ako ulit sakanya tapos kakaiba yung ngiti niya. Nakakatakot. Napayuko ako. Hala! Sana dumating na si Sam o Kenji. Please!
"Excuse. May kailangan ka ba sakanya?" May lalaking nagsalita ulit. I looked up to see who my savior is and ewan ko kung matutuwa ba ako o ewan.
"Bakit? Girlfriend mo ba siya?" Tanong nung lalaking nakakatakot.
"Yes, she's my girlfriend. So, can you please leave her alone." Nakakatakot yung boses niya. Uh, wait. Girlfriend niya raw ako? Naka-drugs ba siya?
Tinitigan lang siya nung nakakatakot na lalaki tapos tumingin siya sakin. Umiwas naman ako ng tingin tapos umalis na siya. Salamat naman.
Umupo na yung tagapagligtas ko sa bench pero dun siya sa kabilang dulo.
"Girlfriend mo ko? Kelan pa, Sehun?"
"Kung di ko sinabi yung, sa tingin mo aalis yung lalaking yun?" Diretso lang tingin niya, straight face pa. Uh, sabagay. May point naman siya dun.
"Thank you." Diretso rin lang yung tingin ko pero nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin pero he looked way agad. Halata na nagulat siya. Di ako makatingin sakanya kasi nahihiya ako. Inaway-away ko pa naman siya kahapon tapos siya pa pala magliligtas sakin ngayon.
One hour din siguro kaming nakaupo dun. Tinanong niya lang kung nasan si Kenji tapos sinabi lang niya sakin na nag-eexam pa si Sam, after nun di na kami nag-usap. Sobrang tahimik lang.Pagkatapos ng isang oras, dumating na si Sam tsaka Kenji. Tumayo na kami ni Sehun.
"Kamusta yung exam niyo?" Tanong ko sakanila nung nakalapit na sila.
"Piece of cake." Sabi ni Kenji sabay tawa.
"Yabang." Inirapan ni Sam si Kenji tapos tumawa lang ulit si Kenji. Yiiiiiieeeee. "Okay naman. Mahirap pero nasagutan ko naman lahat."
Sabay-sabay na kaming nagbayad tapos tinawagan na ni Sehun si tita para magpasundo.
"May pupuntahan muna tayo bago tayo umuwi. Opening kasi ng cafe ng friend ko. In-invite niya ako." Sabi ni tita Izza samin nung nakasakay na kami sa car niya. Magkatabi kami ni Sehun sa likod tapos si Yoogeun nakaupo sa lap ko. Gumawa na ko ng paraan para magkatabi si Sam tsaka Kenji eh. "And Bri, you're going to sing later."
I'm going to what?! "Tita, si Sam yung singer, hindi ako" Bumlis bigla yung heartbeat ko.
"Kumakanta ka rin naman diba? Tsaka nabanggit sakin ng mommy mo na sumali ka na sa singing contest. Champion pa!" Why is this happening to me??
"Tita, kasama ko kumanta yung best friend ko nun tsaka halos lahat ng nanuod dun schoolmates ko. Tita naman eh, alam mo naman na hindi ako sanay sa harap ng maraming tao." Opening yun. Ugh! Malamang talaga madaming tao.
"Please, Brianna. She's a very important friend tsaka kailangan mawala na yang takot mo sa crowd."
I give up. Sa dulo naman si tita pa rin masusunod eh. Walang sense makipagtalo. "Okay po."
"Thank you baby!"
Nanahimik na ko dahil sa sobrang kaba. Di ko na magawang kiligin kahit kanina pa nagtatawanan si Kenji at Sam sa harapan ko. I'm really nervous right now.
Pagdating namin sa cafe, ang dami nga ng tao. Unconsciously, napakapit ako sa braso ng katabi ko. Pagtingin ko, si Sehun pala. Bumitaw ako agad. 
"Sorry." I smiled apologetically tapos nagnod lang siya.
Lumapit samin yung friend ni tita Izza tapos pinakilala niya kaming lahat.
"So, sinong kakanta for us?" Tanong ni tita Belle, friend ni tita Izza. Ang ganda ng ngiti niya. How I wish kaya ko rin ngumiti ng ganyan ngayon.
"Brianna." Hinila ako ni tita Izza tapos inilapit niya ko kay kay tita Belle.
"Ooh, let's go Brianna." Pumunta na kamisa mini stage tapos sila tita dun pumwesto sa may table sa harap.
"Hi everyone. I have a friend here who's going to serenade us. Here's Brianna." Nakatingin lahat ng tao sakin. Para akong matutunaw. Ugh. This is it.
*Kenji's POV
Halatang kabado si Brianna nung umakyat siya sa stage at ngayon mas lalong halata na nanginginig yung kamay niya nung hinawakan na niya yung microphone. Buti nga nakaupo siya eh. Kung hindi, pati siguro yung panginginig ng legs niya mahahalata. She looks cute even though she looks so nervous right now.
Dreamin', I must be dreamin' Or am I really lying here with you? Baby, you take me in your arms And though I'm wide awake, I know my dream is comin' true
And oh I just fall in love again Just one touch and then it happens every time There I go by, just fall in love again and when I do I can't help myself, I fall in love with you
  Ang ganda ng boses niya. Nung una, halatang hindi siya kumportable siya pero nung tumagal-tagal parang nag-eenjoy na rin siya. Takot na takot siya kanina pero ang galing naman pala niya. Pati nga si Sehun di na makausap ng matino ni Sam kasi nakikinig talaga siya kay Brianna.
Dumating na yung in-order namin tapos kumain na kami. Nakakatatlong kanta na si Brianna. Nung nagsimula yung pang-apat na kanta napatigil si Sam sa pagkain.
"Tss. Sa dinami-dami ng kanta sa mundo yan yung pinili niya. She's crazy." Napailing si Sam tapos kumain na ulit. Ano bang problema sa kanta? Pinakinggan kong mabuti si Brianna.
Can you tell me, How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Can someone tell me how can this be
Ang lungkot ng kanta. Broken-herated ba siya? Para ngang naiiyak na rin siya eh.
"Is noona crying?" Tanong ni Yoogeun kay Sehun. Di naman nakasagot si Sehun kasi nga busy siya sa pakikinig kay Brianna.
I miss the times that we never had
What happened to us, we were almost there
Whoever said it's impossible to miss
What you never had, never almost had you
  Hindi siya umiyak pero teary-eyed siya hanggang sa matapos yung kanta. 
  *Brianna's POV
Malamang papagalitan ako ni Sam dahil sa last song. Pero kailangan ko talagang kantahin yun eh. Nakakaasar lang, muntik na ko umiyak. Buti hindi natuluyan.
"Ang galing mo naman pala eh. You should sing more often." Sabi ni Kenji nung nakaupo na ko. Nakakatuwa naman.
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya.
"You have an angelic voice, Bri. Ang galing mo." Puro praises natatanggap ko sakanila, except kay Sehun. Nakikipagkwentuhan lang siya kay Kenji. Ang daldal nga eh tsaka marunong pa lang tumawa yun. 
"Noona, were you crying earlier?" Nagulat ako sa tanong niya. Napansin niya yun so ibig sabihin patu yung iba napansin yun. Tch.
"No, baby. I didn't cry."
Hinila ni Sam yung braso ko tapos binulungan niya ako. "Masochist ka talaga no?"
Nag-pout lang ako. Ngayon ko na nga lang kasi naisip yun. Busy ako buong summer kaya I never really had time to think about that.  
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
*Brianna's POV
  "Bri! Hurry!" Lakas talaga ng boses nitong si Sam. Ugh! Bakit ba siya nagmamadali? Di naman kami maiiwan kasi samin naman yung sasakyan. 
  "I'm coming!" Sigaw ko para matahimik na siya. Bumaba na ko tapos inabot ko na sa driver yung luggage ko. Siya na bahala dun.
Nagmamadali 'tong napakaganda kong pinsan kasi pupunta kami ng Subic ngayon. Dun na kami titira. Gusto na kasi namin maiba naman yung environment. After namin makagraduate ng highschool, nagdecide kami na dun na magstay. Pumayag naman yung parents namin. Sa province siya lumaki, ako naman sa Manila. Kahit ganun, super close parin kami. Parang sisters lang.
  "Sammy, tell me why you're so excited. Satin naman tong car kaya okay lang kahit anong oras tayo umalis." Tanong ko sakanya nung umandar na yung car.
  "Wala lang." Bigla siyang tumingin sa labas. Wrong move my dear cousin.
  "Sige Sam Chloe Maravilla, magsikreto ka." I acted hurt, gagana 'to eh. 
  "Bri naman eh. Wag ka na mag=inarte jan. Okay, sasabihin ko na. Basta, secret lang natin ah." Napangiti ako bigla. Haha! Ang galing ko talaga.
  "Of course. Secret lang." Humarap na ko sakanya. 
  "May crush kasi ako sa Subic eh. Tagal na nung last time ko siya nakita." 
  "Lalaki nanaman. Ikaw ah, lilipat pa lang tayo may bago ka na agad."
  "I said crush. Crush lang."
  "So, what's his name? Gwapo ba?" Ang tagal niya bago sumagot. Parang nag-isip pa.
  "Uh, Kenji and yes, super gwapo siya!"
  "Tinetext ka ba niya? Nanliligaw na ba?" Ako pa ata yung excited. Haha!
  "Tss. Pano naman ako itetext nun eh di nga niya alam yung number ko."
  "Seriuosly? Hindi niya kinuha yung number mo, ibig sabihin hindi siya tinablan ng charms mo. Wow! I need to see him na. Nakaya niyang i-resists ang charms ni Sam Chloe Maravilla." I'm really shocked.Usually kasi pag may crush si Sam, yung lalaking yun may gusto din sakanya.
  "Sige Brianna Kacey Zamorra. Ipamukha mo pa sakin na di niya ako gusto." Inirapan niya ko tapos pinalo niya yung braso ko. Haha! Asar na siya.
  "Sorry, I just can't believe it. Don't worry my dear cousin. Makikipagkaibigan ako dun tapos ilalakad kita. I got your back Sammy." I'm so excited to play matchmaker. Weeeee!
  "Wow! Yung anti-social makikipagkaibigan? That's new."
  "Di kaya ako anti-social!"
  "Really?" Pang-asar pa yung ngiti niya. Epal. 
  "Whatever. Anyway, bakit pala di ko siya kilala?"
  "Last year di ka na nakasama sakin pag pumupunta ako dun diba? Last year ko lang siya nakilala eh." Onga pala. Naging busy ako sa school works eh.
  "Ah. Basta, ipakilala mo sakin tapos ako na bahala sainyo." Sabi ko tapos I winked. Inirapan niya alang ako. Mahal na mahal talaga ako ng pinsan ko.
  Tatlong oras yung biyahe namin at sa tatlong oras na yun di man lang ako pinatulog ni Sam. Sobrang daldal niya. Kung anu-ano yung kinekwento. Isa 'to sa sobrang madami na pagkakaiba namin. Madaldal siya, ako naman mas sanay na nakikinig lang.
  Pagpasok pa lang ng sasakyan namin sa gate ng mansion, nakita na namin agad si tita Izza. Halatang super excited siya sa pagdating namin. Pagbaba namin ng car, niyakap niya agad kami ni Sam.
  "Babies, na-miss ko kayo!" Sobrang higpit ng yakap niya. Sobrang na-miss ko to.
  "We missed you too tita!" Sabi namin ni Sam tapos hinalikan namin siya sa cheeks. Kasama ni tita sa labas yung daughters niya, si Xianne tsaka Zikyra. 6 years old si Xianne tapos 7 years old naman si Zikyra. May baby boy din silang kasama, mga 3 years old siguro. I don't have any idea kung sino siya. 
  Nag-hi ako dun sa girls then nilapitan ko yung little boy. "Hi baby." Umupo ako sa harap niya tapos hinawakan ko yung cheeks niya. Sarap pisilin. Ang cute.
  "Noona." Yun lang sinabi niya tapos nag-smile siya. Super cute! Pero, anong sinabi niya?
  "What did he say?" Tumingin ako kay Tita Izza. Siguro naman naintindihan niya yun.
  "Ate. He's a Korean, parang si tito James mo."
  "Ah. Nakakaintindi siya ng tagalog?"
  "Konti. He's still learning, pero okay naman siya sa English."
  Tumingin ako ulit dun sa baby boy. "Hi, I'm Brianna. What's your name?"
  "Yoogeun po." Nag-smile siya ulit. Ang cute talaga. Hinalikan ko yung cheeks niya tapos tumayo na ako. "Tita, tulog muna po ako."
  "Okay. Gisingin ka na lang namin mamaya kapag kakain na."
  Tumingin ako muna kay Sam bago umakyat sa room ko. "Ikaw Sam, di ka tutulog?"
  "No. Makikipagkwentuhan pa ako kay tita." Sabi niya tapos kumapit sa braso ni Tita.
  "Okay." Umakyat na ko sa room ko. May sarili na kaming room ni Sam dito. Lagi rin naman kasi kaming andito.
  Pagpasok ko sa room, diretso agad ako sa kama kasi nga super antok na talaga. Nakapikit na rin yung eyes ko. Kabisado ko naman kasi yung room kaya okay lang maglakad kahit nakapikit pa ko. Paghiga ko sa kama, may naramdaman akong iba. Pagtingin ko sa left side, may lalaki sa tabi ko na natutulog. Nagsisigaw ako tapos pinalo-palo ko yung lalaki.
  "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Bakit andito ka sa kwarto ko?!" Pinapalo ko pa rin siya. Nakakainis!
  "Ouch! What do you think you're doing?! Stop it!!" Bakit ba kasi andito ka?! Tuloy pa rin ako sa pagpalo sakanya.
  Maya-maya dumating na si tita Izza tsaka Sam. Tumayo na ko tapos ganun di yung ginawa ng lalaki. "Tita, who is he? Bakit andito siya sa kwarto ko?" Tinignan ko yung lalaki tapos sobrang sama ng tingin niya sakin. Tch. 
  "Sorry Bri, di ko agad nasabi sayo. Pinapaayos kasi yung kwarto niya kaya ito muna yung pinagamit ko sakanya." Sabi ni tita.
  "Alis na ko tita." Sabi nung lalaki tapos tinignan niya ulit ako ng masama. Tss. As if I'm scared. "Hey, Sam." Oh, close sila ni Sammy?
  "Hi." Nagsmile si Sam tapos nagblush siya? Nah. Siguro dahil lang sa sobrang asar ko kay nagiging red na yung nakikita ko.
  "Tita, sorry ah. I was just really shocked to see a boy. In my bed." I feel bad dahil sa ginawa ko kanina. Ugh!
  "It's okay. Kasalanan ko rin naman, di ko agad nasabi sayo." Ngumiti siya sakin tapos lumabas na kaming tatlo.
  "Sam, gusto ko pa matulog. Ayoko dun sa room ko, ang gulo eh. Patulog naman sa kwarto mo, please." Nagpa-cute ako. Haha! Gagana kasi to.
  "Oo na Brianna. Tumigil ka na." Niyakap ko siya tapos hinalikan ko sa cheeks. "Yuck, Brianna Kacey! Stop it!"
  "Thank you. I love you!" Hinalikan ko siya ulit tapos tinignan niya ako ng masama. Bago pa niya ako mapatay, tumakbo na ko papunta sa room niya.
  7 pm na nila ako ginising. Yung baby boy pa nanggising sakin kaya nawala lahat ng bad vibes. Kinarga ko siya hanggang dun sa dining area tapos binabako siya sa tabi ng upuan ko para tabi kami. Bago ako umupo, pumunta muna ako sa kitchen para magtimpla ng iced tea ko. Di kasi sila mahilig sa iced tea kaya para sakin lang yung tinimpla ko. Pagbalik ko, may nakaup na sa upuan ko. Pfffft!
  "Excuse me, pwesto ko yan." Kalmado pa ako. Kaya lang di siya gumalaw o tumingin man lang sakin. Nasa likod niya ko kaya di ko alam kung siya rin ba yung lalaki kanina. Inulit ko yung sinabi ko pero this time halatang asar na ko. "Pwesto ko yan."
  "Brianna, dito ka na sa tabi ko." Sabi ni tita nung dumating siya. Ayoko sana sumunod kaya lang lumalabas ang pagiging brat ko. Umupo na ko sa tabi ni tita. Tinignan ko yung lalaking nang-agaw sa pwesto ko. Tch. Siya yung lalaki kanina. Gusto ko pa naman sa pwesto ko kasi sa left side si Sam tapos sa right side yung baby boy. Kainis. 
  Maya-maya dumating na si tito James, tumayo kaming lahat. Naunang mag-hug at mag-kiss sina tita Izza tsaka yung dalawa nilang anak tapos kami naman. 
  "Kamusta na kayo? Lalo kayong gumaganda ah." Umiral nanaman pagiging bolero ni tito. Korean siya pero magaling na siya magtagalog kasi ang tagal na niya dito sa Pilipinas. "Onga pala Brianna, nagkakilala na kayo ni Sehun?" Tumingin siya sakin tapos umiling ako.
  "Hi, I'm Sehun." Pakilala nung lalaki tapos nagbow siya. Medyo kakaiba yung pangalan niya. Korean din kaya?
  "I'm Brianna." Ginaya ko siya, nagbow rin ako.
  "This is his dongsaeng, I mean his little brother, Yoogeun."Tumingin ako kay Yoogeun tapos nagsmile ako. Nagsmile siya tapos nagbow. Cute!
  "Nagkakilala na po kami kanina."
  Sobrang daming kwento habang kumakain kami. Nakakamiss sila kasama. After namin kumain, pumunta ako sa garden. Si Sam naman nagstay sa sala kasama nung lalaki. Close nga siguro sila.
  Garden yung madalas kong puntahan kapag andito ako sa Subic. Ang ganda kasi eh, tsaka sobrang relaxing pa.
  "Uh, excuse me." Napatingin ako dun sa nagsalita, lalaki.
  "Uh, who are you?" Di naman ako nagfreak-out. Baka dito rin 'to nakatira eh.
  "Kenji. Are you Sam's cousin?" Tanong niya habang papalapit sa pwesto ko.
  "Yeah, I'm Brianna. Dito ka rin ba nakatira?" Tinanong ko na agd para wala nang paliguy-ligoy pa.
  "No, no. Kaibigan ako ni Sehun. Dumadalaw lang." Ngumiti siya sakin. Sobrang manly niya tignan. Parang bad boy na parang hindi naman. Basta, gwapo.
  "Ah. Andun sila ni Sam sa loob. Pasok ka na lang."
  "Pwede bang umupo muna ko dito sa tabi mo saglit?"
  "Sure." Ayun, umupo na nga siya.
  "Kapag pumpunta si Sam dito last year madalas ka niya nababanggit samin ni Sehun. Kaya nung sinabi ni tita Izza na dito na kaya titira pagkagraduate niyo, naexcite kami. I mean, ako na-excite, di ko alam kay Sehun." 
  "Last year kasi super busy ako sa school works. Uh, ba't ka naman na-excite?" Yung si Sehun na-excite? Parang di naman.
  "Siguro kasi masyado ako na-curious sayo tsaka si Sam kasi medyo ka-close na namin kaya nakakatuwa na lagi na namin siya makikita."
  Mga 30 minutes siguro kami nag-usap. Sobrang okay siya kausap. Parang ang bait kasi tsaka medyo makulit din.Pumasok na kami sa bahay nung umambon. Si Sam at Sehun napatingin nung pumasok kami ni Kenji.
  "Hey, Sehun. Hi, Sam." Binati agad ni Kenji yung dalawa. Ako naman nginitian ko si Sam. Si Sehun, tumingin lang samin saglit tapos humarap na siya agad kay Sam.
  "Hi Kenji. Gabi na ah. Ba't andito ka pa?" Nung narinig kong binanggit ni Sam yung name ni Kenji, tsaka ko lang narealize na siya yung crush ni Sammy! Ang fail ko!
  "Overnight kasi-" Di pa natatapos yung sinasabi ni Kenji tumakbo na ko papunta kay Sam tapos hinila ko siya patayo.
  "Uhm, sorry Kenji. Bukas na lang kayo mag-usap ni Sam. May pag-uusapan pa kasi kami eh. Good night!" Di ko na hinintay yung sagot niya. Hinila ko na agad si Sam sa room niya. Nung nakapasok na kami sa kwarto niya, iniwan ko siya tapos bumaki ako sa living room. Ang rude kasi nung ginawa ko., kailangan mag-sorry. Pagtingin ko, naguusap na silang dalawa.
  "Excuse me." Tumingin silang dalawa nung narinig nila ako pero kay Kenji lang ako tumingin. Asar pa rin ako kay Sehun eh. "Sorry talaga Kenji. Bukas na lang kayo mag-usap ni Sam. Good night ulit."
  "Okay lang yun. Good night." Ngumiti si Kenji sakin tapos umalis na ko.
  *Sehun's POV
  "Sorry talaga Kenji. Bukas na lang kayo mag-usap ni Sam. Good night ulit." Tssss. Ako yung kausap ni Sam.
  "Okay lang yun. Good night." May pangiti-ngiti pa 'tong si Kenji. Umalis na ulit yung masungit. Nakakasar. Ni hindi man lang ako tinignan. Si Kenji lang ba tao dito? Tsaka sakin siya dapat magsorry.
  "She's cute." Napatingin ako kay Kenji. Anong sinasabi nito?
  "San banda?" Pano naging cute yang masungit na yan?
  "Aminin mo na. Bakit pala parag may galit ka sakanya? Dati naman nung naririnig mo mga kwento ni Sam sabi mo parang ang bait. "
  "Yun na nga eh. Akala ko mabait."
  "Ano bang ginawa sayo?"
  "Pinagpapalo ako kanina." Naaasar nanaman ako. Sarap-sarap ng tulog ko eh. Panira.
  Ang lakas ng tawa ni Kenji. "Ano bang ginawa mo? Siguro may dahilan naman yun?"
  "Diba inaayos pa yung kwarto ko. Pinalipat ako ni tita dun sa kwarto niya. Di ko naman alam na ngayon na pala dating nila. Ayun, nung humiga siya nakita niya ko tapos nagsisigaw na. Pinalo-palo na rin ako. Tch."
  Mas lalong lumakas yung tawa ni Kenji. "Ang sarap siguro ng gising mo." Naasar na ko kaya binato ko sakanya yung unan na hawak ko. Kahit natamaan siya ang lakas pa rin ng tawa niya. Abnormal.
  *Brianna's POV
  Pagpasok ko sa kwarto ni Sam, nakaupo siya sa kama, nakapout.
  "Sorry Sammy. Gusto ko sana na makapag-usap kayo ni Kenji kaya lang kailangan ko malaman kung siya ba talaga yung crush mo. So, siya ba talaga?"
  Parang kanina, ang tagal na naman niya bago sumagot. Nakatitig lang siya sakin. Parang nag-isip pa tapos nag-nod.
  "Really? He's like super gwapo, Sammy!!!" Nagsisigaw na ko tapos na-realize ko na crush yun ng pinsan ko. Bawal ang ganito. So tumigil ako. "Don't misundertand ah. Gwapo naman kasi talaga siya eh. I think I like him for you."
  "Gwapo talaga. Pipili ba ako ng pangit? Uhm. What about Sehun? Ano tingin mo sakanya?" Usapang Kenji napunta dun kay Sehun. Tch.
  "Bakit naman nasali sa usapan?"
  "He's my friend. Gusto ko lang malaman kung ano tingin mo sa kanya."
  "I don't like him."
  "Di pa nga kayo nakakapag-usap ng matino tapos "I don't like him" ka na agad diyan."
  "Basta, di kasi okay yung first meeting namin so feeling ko di na kami magkakasundo."
  "We'll see."
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 5, 2012
Nung hapon, umalis kami. Ako, papa, mama, kuya Ray, tita Beth tsaka ate Chu. Sa mall kami dapat kaya lang sarado lahat mga nadaanan namin. Sa Cubao na lang kami, sa Savemore. Bili lang ng kung anu-ano. Mga gamit sa apartment tsaka foods. Sunod naman sa Shakey's kami. Balak namin i-surprise si kuya Kevin kaya lang, kami yung nasurprise.Umuwi na daw siya sabi nung kasama niya dun sa work. Kumain na lang kami tapos punta naman sa budgetlane. Bumili ng groceries si mama tapos kami naman ni kuya cds yung binili. Bumili rin kami ng ice cream. Pagdating sa bahay, kinain namin yung ice cream tapos nuod ng movie. Nung gabi, pumunta sila sa apartment kaya mag-isa ako sa bahay. Mga 10 om na sila dumating.
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 4, 2012
HAPPY BIRTHDAY ANCHOVY! <3
Practice ^^
Dumating si Melanie sa bahay ng 1:30 siguro. Pero tumamabay pa muna kami sa bahay. Nuod ng vid ng EXO. OMG. I'm so loving them :"> Mga 2:30 na ata kami dumating sa bahay nila Gen. Andun na si Peejay tsaka Aminah. Kwentuhan lang tapos sunod na dumating si Anna. Pinasayaw muna namin si Peejay ng Sherlock, The Boys tsaka Mr. Taxi. Tapos dumating na si Janine tsaka Denice. Practice muna tapos kain na ng handa ni Argen. Inayos na namin yung pwesto tapos dumating naman si Tricia. Nakisali muna samin si Peejay, siya si Hyo n_n After ng paulit-ulit na The Boys, grahams naman kinanin namin tapos ako, si Mel, Anna, Argen tsaka Peejay sayaw lang ng sayaw. Hoot, RDR, Gee, Bonamana, GBBG, Lucifer tsaka Sherlock. HAHAHA! Sobrang laughtrip talaga. Sobrang OA lang namin. SAYA XD Mga 7 na kami umalis ^^
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 3, 2012
COMPUTTTTTTTTTTTTEEEEEEEEEEEERRRRRR
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 2, 2012
Practice kina Tricia. Ako, Tirucia, Aminah, Argen, Melanie, Denice tsaka Janine. 3 hanggang 6:30. Bago umuwi bumili muna kami ng burger ni Mel tsaka Min ^^
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
April 1, 2012
April Fool's!!
Ang kulit ng SJ sa twitter. HAHA! Si Hae, Hee, Teuk, Hyuk, tsaka Wookie =))))
Nagsimba kami nila mama nung hapon :D
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
March 31, 2012
Balak, pupunta kina Gen. Kaya lang lakas ng ulan. 5 pm na ata dumating si Melanie sa bahay so di na kami tumuloy. Nuod na lang kami ng vid ng practice ng Soshi tapos yung practice namin n_n Gumawa rin kami ng formation para sa The Boys. Hanggang 7 siya ng gabi dito :)
0 notes
angelaii-blog · 12 years
Text
March 30, 2012
Bahay lang ;c
0 notes