Tumgik
alwaysjoyfulangel ยท 2 years
Text
My father died on oct 22. Sa dami naming pinagdaanan from medical city, inintubate na siya nag ICU, natutulog ako na naglatag nalang sa waiting area, nag tiis sa fast food for a month, kahit mahiyain ako pag may episodes si Papa at ang bagal ng nurse nakikipag sungitan ako, pumila sa PCSO from 2am-5pm para makaless sa hospital bill, lumipat sa lung center, nilipat sa throat ang tube, sinisilip nalang sa salamin siya para makita sa SICU, nagkaron risk sa blood clots, na ICU, hindi na nagrerespond, pinaglaban ko na wag itigil meds at hayaan si Lord mag decide kung kailan siya kukunin kahit na hindi naman talaga ako makapag let go, makita siya na halos wala ng buhay at ilet go na siya para hindi na mahirapan at makapahinga na at Thy will be done. Sa funeral niya dun ko lang nalaman na nag iwan siya letter for us para basahin pag wala na siya. Full of lessons na guide sa life namin. Ang dami nagmamahal sakanya ang dami pumunta na hindi ko naman kilala, nag memessage na hindi ko kilala, nagpapadala letter galing ibat ibang bansa. Hanggang ngayon may tumatawag pa sa telephone para kay Atty.Perez. sa libing niya nasa cemetery na kami from sm taytay to montevista sa taas pa na part andun parin yung line. Ang dami niya natulungan ang dami nagmahal sakanya ang dami niya na touch na lives. The best boss, brother, friend, ninong, uncle, advicer, son in law, husband and father. Hindi na niya naabutan graduation ko and kay ate sa law school. Ang true success daw na binless siya ni God ay hindi nabibili. Yun yung true love, a happy and complete family, real friends and God's grace. Bonus nalang naman daw ang yaman, talino, good looks, power and material things na nawawala naman dahil hindi naman tatanggapin sa taas kasi pagdating dun we are all equal para kay God. Kaya binigay sakanya at binless siya kasi ginawa siya instrument ni Lord para marami matulungan. Akala ko nga bankrupt na kami pero the best talaga siya eh God is good. Hinanda na niya lahat bago siya mawala. Kaya pala madami kami rent to own kais after 5-10 years meron kami for our monthly needs sobra sobra pa, insurance namin at savings sa bank niya. So nag aral ulit ako kasi nakarealize ako nagkasakit kasi chow chow ko at wala kwenta yung vet inuwi ko nalang ako na nag tusok ng IV, nag force feed, nagpainom meds at nag therapy at nakarecover siya agad kaya para hindi ako paranoid nag decide na ako na ang course ko nalang ay DVM. After I graduate nag work ako sa hotel as a chef at nag home service every day off. Nag decide ako nung pandemic na mag pastry business. Ngayon goodbye muna sa work and sa mga taong alam ko hahanapin ako. Hindi na ako takot na malaman ng iba about sa sakit ko. Yes bumalik siya at affected nanaman ang heart ko. Nag pacut ako ng hair kasi mahirap maglinis ng bed pag madami hair na lalagas diba haha. I miss you Papa miss ko na inaalagaan mo. Wala na ako kasama sa check ups ko, wala ng breakfast in bed wala na bibili ng food ko pag ayoko kumain. I miss you Papa sobra. Please pray for me sana proud ka sakin. I LOVE YOU PO! malapit na death anniv mo naaalala nanaman kita haha. See you someday po. -Your bunso, Arriane.
0 notes
alwaysjoyfulangel ยท 2 years
Text
Sa mga makakabasa nito sorry hindi ako magaling mag story telling haha. Every month of February and October I always remember my Papa. He was the best father in the world parang too good to be true nga. ๐Ÿ˜„ He told me na gusto niya ishare yung love story nila ni mama sa MMK eh sorry po mahiyain ako so here nalang. ๐Ÿ˜Š
Part 1.
My father's mom died when he was 7 yrs old so he grew up na kasama lang niya his father, sister niya na 2nd na oldest and 5 brothers. Pangalawa siya sa bunso at nung time na yun grabe nila na experience ang poverty. Lagi niya kinekwento samin na nung bata pa siya one of his dreams is to have a cabinet na puno ng milk. Kasi papasok siya sa school nahihiya siya dahil tuyo lang baon niya or minsan wala pa. After ng school nila mag gagatong daw sila ng kahoy just to earn money to buy food or school supplies. May mga time na wala talaga sila food kaya manghuhuli sila ng tipaklong para ifry at ipartner sa kamote. His father remarried and his step mom na short tempered sinasaktan sila but he never disrespected her. Solid sila ng mga kapatid niya kaya his ate and kuya nag sacrifice para makapag college sila and after that sila naman ang nag college. Lagi niya sinasabi sakin na sa hirap ng buhay palagi parin uunahin ang love para sa family and you will find happiness in simple things. Mapa kamoteng kahoy man yan, mapa tipaklong o tuyo.
Part 2.
Grumaduate ng Pol Sci si Papa sa University of Manila kahit gusto niya talaga mag archi dahil magaling talaga siya mag drawing pero ayaw ng ate niya haha. So his friend na husband ng tita ko invited him to be a ninong, may pamahiin na bawal daw ireject kasi blessing nga ang babies. Totoo namang blessing talaga dahil kahit na nagtravel sila for 10 hrs papuntang Bicol okay lang kasi nakilala niya si Mama na sister ng wife ng friend niya pero 17 years old lang that time si Mama sabi nga ni Papa boyish, gusgusin na uhugin haha. His friend asked him if sino ang crush niya at sabi niya si Mama daw. Simula nun hindi na naalis sa isip niya si Mama kaya umuwi siya na inspired. He told himself na he will be a better man and someday he will marry my mom. 21 na siya ng nag working student siya to study law sa UST at after niya grumaduate at pumasa sa Bar exam nag ready na siya para puntahan si Mama sa Bicol. After 7 years walang tumalo sa babaeng hindi naman niya masyado kilala pa. Pagdating niya sa bicol kahit na pagod siya at puyat he was so excited to see my mom again. Nangyari na nga ang magic nakita niya mom ko sa malayo literal daw na nanghina tuhod niya at napaluhod siya dahil yung dating uhugin naging magandang dalaga na. Love at second sight daw ang dami daw spark parang new year. ๐Ÿ˜† but he found out that someone was courting my mom already at namanhikan na pero nasa abroad kaya sobra siya na down at hindi niya pinansin mom ko. Pero nalaman niya din na ayaw naman talaga dun ng mom ko kaya bago pa daw umuwi sa Pinas yung guy niligawan na niya. Mag work siya on weekdays then every weekends uuwi siya Bicol para dumalaw kahit na 9 hrs masakit pwet niya dahil minsan sa floor pa ng bus siya naka upo haha. After 2 years, 2nd year palang mama ko pinakasalan na niya basta daw siya mag woworkhard at mama ko ang queen sa bahay. True love waits at ang magical lang talaga na kahit anong distance pa yan basta meant to be. โค
Part 3
Papa and Mama rented a small apartment in Taytay kasi hindi polluted and crowded unlike sa metro manila. To make the story short nag start lang si Papa sa small law firm and then they had their first child which is my eldest brother. Kinuha siya ng Nestle Ph to be one of their lawyers. Pinadala siya sa ibat ibang country dumating yung 2nd kuya ko and then my ate. After 4 years I was born then Papa was assigned sa Nestle Cagayan so ako lang naiwan sa tita ko. Pagbalik nila Papa was promoted na corporate lawyer ng Nestle siya yung naghahandle ng cases at nagtatanggal ng mga pasaway na employee na may case sa company. Umunlad nga buhay namin naging delikado naman. Siguro I was in grade 1 hanggang grade 3 madami kami body guards sa bahay at kung san kami magpunta dahil madami death threats. Buti nalang nag offer ang Delfi or Goya para kunin siya na maging Board of Directors kaya nakaalis siya dun. From preschool until grade 3 very active ako sa school hindi lang sa acads. Masipag pa ako mag review at mag basa naaalala ko nakakaperfect pa ako lagi ng exams or ilan lang mistakes ko pero bukod dun lagi sinasabi ng Papa ko na madami nagsasabi sakanya na ang bibo daw ng anak niya pero mas proud siya dahil mabait, malambing at magalang daw ako. Everything changed when I was in grade 4 at a very young age nagkaron na ako ng anxiety at trauma. Iilan lang may alam na abuse ako ng teacher at anak niya. Hinihila pony tail ko, pinapalo ako at madalas verbal abuse kasi daw yung anak niya pinagbibintangan ko na ninakaw yung paper ko kahit totoo naman dahil may name ko may time na sinaksak niya ng pencil ang kamay ko. Nalaman ng Papa ko kahit na galit siya pinili niya kausapin ng personal sabi ng iba kong teachers para silang nasa korte kahit principal natakot sakanya haha. So ang naging decision nila wag ifire pero hayaan na mag resign ng maayos dahil inisip parin ni papa ang anak ng teacher para makapag turo parin siya sa ibang school at hindi na mapahiya sa ibang tao. Na solve yung case ng maayos pero yun na yung start na naging mailap na ako sa tao. I trusted no one, If you want to be my friend ikaw una mag approach at mahirap makuha loob ko.
Part 4
Sabi nila nakakatakot si Papa kasi strict siya sa office pero pag dating samin mga anak niya napaka jolly at lambing. Lagi siya nakikipag play sakin at every sunday lagi kami nag fafamily day pero kailangan mag church muna. Strict siya in a good way yung iguguide ka sa right path pero hahayaan ka na maexperience mga magiging source of joy mo. Hatid sundo ng car sa school kahit saan pa basta safe kami. He was a good provider kasi lagi siya naka support sa needs namin at kung ano gusto namin. Palaging masayahin, mapagbigay at mapagmahal. I'm very thankful kasi binigyan niya ako ng complete happy family. Hindi siya nagkulang in teaching us the good values that we need para isabuhay. Kahit na kaya niya bilhin mga expensive na bagay tinuruan niya kami pano maging praktikal sa buhay and not to be materialistic.
Part 5
"The goal is to be rich not to look rich" Siya yung may highest position sa isang company pero samsung na keypad ang cellphone. Pag weekends wala siya work lagi lang siya nag tatanim ng kamote at ibang gulay or magsibak ng kahoy. Mag aalaga ng itik, bibe or chickens. Nakasando lang at suot yung favorite shorts niya na ilang beses na nirepair ni lola. Ang dami niya pang formal attire pero halos lahat regalo lang. 3-4 pairs lang na shoes ang meron siya at bibihira lang siya bumili ng para sa sarili niya.
Part 6
A loving husband
My papa loved my mother very much. She was his life and everything. Siya ang queen niya at pinaka baby niya. I can still remember the time when he told me that Mama was the reason for all the success he had. Noong sila palang dalawa tuwing gigising siya sa umaga at mag dadasal ang maiisip niya na "Kailangan ko mag trabaho ng mabuti para sa misis ko" nung nagkaron n sila ng mga anak "kailangan ko trabaho ng mas mabuti para sa pangangailangan nila" at nung naging sucessful na siya "Kailangan ko pari mag trabaho ng mabuti para sa pagtanda naming dalawa wala na kami iba iisipin kundi ang maging masaya na magkasama." Malaki daw ang kailangan niya ibawi kay Mama kasi nakita niya how hard it was to carry a baby for 9 mos at mag alaga ng anak at asawa. Sino dapat mag alaga sa mommy eh d ang daddy. ๐Ÿฅฐ I never saw them na talagang big fight pero ang nakita ko yung hindi pinapatagal ang tampo after arguing. Happy na si Papa na kumain ng luto ni mama every night at everytime na uuwi siya na wala si Mama hindi siya mapakali. Paulit ulit na tanong asan si Mama mo? Kung ano gusto ni Mama bibilhin niya at pag nagkasakit si Mama nakikita ko na sobra siyang mag alaga. Kaya nga hanggang 10 yrs old may yaya parin ako kasi ayaw niya mahirapan si Mama mag alaga. Wala akong masabi.
Part 7
Me and Papa
I was my Papa's baby, princess and bunso. Lagi niya sinusure na I'm safe and okay. He was with me in every step, milestones and problems that I've been through. Enrollment, 1st day of school in preschool until College. When I was r yrs old nakita niya na pet lover ako at grabe yung empathy na nafefeel ko sakanila. Ang damin namin lagi na dogs just to make me happy kahit na siya yung nagaalaga at nagpapaligo every weekend at ako wala iba ginawa kundi pang gigilan. Mabiro si Papa kahit kanino ang galing niya mag joke at patawa bentang benta sakin haha. Palagi ako may pasalubong basta kiss and hug lang ang kapalit. Kaya kahit na I was not that interactive sa school ang family ko ang source of joy ko. 1st year college 2nd sem agpabalik balik ako hospital dahil sa grabeng nausea na na eexperience ko paulit ulit na vomitting hanggang sa acid na lumalabas. Walang ma diagnose kahit na ang dami ng doctor na hinanap ng Papa ko para lang magamot ako. Nag stop na ako dahil hindi na ako makapasok sa school sobrang nadepressed ako kasi iniisip ko future ko at syempre hindi ko alam kung fatal na ba sakit ko. Naging okay naman ako dahil sa takot na pag may emergency mahirap ako puntahan so lumipat ako ng school from FEU NRMF to Katipunan. Okay na sana lahat napapansin ko papayat na ako ng papayat hanggang sa naulit nananaman hindi nanaman ako makapasok sinabi ko nalang sa mga naghahanap sakin na aalis na ako kaya hindi ko na itutuloy. After a few months nadiagnosed ako ng severe aplastic anemia nag undergo ako ng madaming therapy and treatment buti nalang kahit ang hirap may support system ako which is my family and my pets. Sa free time ko nag eenjoy ako mag bake at ipractice cooking skills ko lalo na mga healthy recipes. Siguro blessing in disguise na din yung sakit ko kasi dun ko nalaman ano ba talaga ang gusto ko. So nag enroll ako sa Culinary school akala ko kasi ilang oras lang and days lang sa isang week at easy easy lang pero hindi pala haha. Kahit 1m tuition ko support parin si Papa basta happy daw ako. Ang hirap pala buong araw ka nakatayo, ang dami mo imememorize at dapat ifamiliarize tapos ang bilis ng phasing at irerealtalk ka pa ng mga chef. Ang hirap pumasa kasi dapat may talent ka at the same time skills para maging maayos work mo. Kahit na ang hirap at very tiring kahit na may sakit ako totoo pala na pag you love what youre doing at happy ka kahit mahirap okay lang. Everyday pumapasok ako na ginagawa ko best ko at one of the highest pa ako sa batch ko. Nakakagulat kasi ang tagal ko nawalan ng gana hindi lang sa studies, tao sa paligid ko at sa lahat. Pero parang nawala nalang lahat at nag eexcel ako sa kung ano talaga passion ko. Hindi ako competitive pero sumali ako ng competitions and from the start to the end I was happy lalo na kahit ilang beses ako madapa Papa was there para ibangon ako kahit kailan hindi ako sinukuan pero palagi naniwala sa kung ano ako. Ojt then graduation then naabsorb and eto na Chef na. Thank you Papa you made me what I am today.
Part 8
Nutrition subject ko that time I was in level 4 na. Mag 1 year na ako sa Culinary school okay naman na health ko anemic lang and madalas magkasakit kasi weak parin immune system ko. 1 wk na naka admit papa ko general check up daw pero nakita ko sister ko umiiyak bago ako pumasok sa school kaya nag alala na ako. Nung wala ako pasok dinalaw ko siya at nalaman ko lang na meron pala siya Lung cancer stage 4. Down na down ako mas okay na ako nalang may sakit kahit gaano pa kahirap yan wag lang parents ko. Lagi pa ako balisa at naluluha sa school pero naging motivation ko na to do better kasi sasamahan pa ako ni Papa when i graduate. After his operation para makuha yung tumor nakita ko hirap niya kahit pumapasok siya office at nag chechemo. Walang gana pero nag susuka. Dec cancer free na daw siya pero by january ayun bumalik pero naging stage 4 na. Para akong nasiraan ng bait kasi mixed emotions fear, sadness, guilt and etc. Lahat ng time ko after school nasakanya para alagaan siya. Dumating na sa point na hindi na siya makapagsalita, makalakad at wala ng gana kumain. Sobra na siya pumayat at minsan nakakaparanoid kasi gigising ako icheck ko siya if humihinga pa ba. Pero malakas faith ko palagi ako naniwala na gagaling siya kasi madami nagmamahal sakanya. Sa Comprehensive exam na last na para makapag ojt ka at grumaduate hindi man lang ako nag practice kahit sobrang complicated at hirap ng dishes kasi iniisip ko yung gastos para nalang sa meds ni Papa
1 note ยท View note