Tumgik
alingmilay ยท 7 years
Text
Mahal, Mali ka. Hindi ko itinuring na sayang ang oras na binigay ko para sa'yo na sabi mo'y sana inilaan ko na lamang sa iba--na baka sa akin ay nakatadhana. Hindi ako nanghinayang sa pagmamahal na inilaan ko sa'yo. Alam kong minahal mo rin ako, hindi nga lamang kagaya ng inaasahan ko. Ano mang anyo ng pag-ibig ang ipinakita mo sa akin, salamat. Hindi ko itinuring na sayang ang ibinahagi ko sa iyong parte ng pagkatao ko; ang mga pangarap, ang mga lihim, takot. Masaya akong naibahagi ang buhay ko, masaya akong naibahagi ko ito sa'yo. Mali ka. Hindi kita nakalimutan. Hindi kita makakalimutan. Ang nararamdaman ko sa'yo ay maglalaho, pero hindi ang alaala ko sa'yo. Nalaman kong ang sagot ay hindi paglimot kundi pagtanggap. Pagtanggap sa katotohanang kahit gaano mo man kagusto ang isang bagay o tao, kung hindi ito para sa'yo, hindi mapupunta sa'yo. Pagtanggap sa katotohanang hindi man ikaw ang nakalaan sa akin, mayroong ibang darating. At kung magkaroon man ng pagkakataong maulit ang lahat sa buhay ko at makasalubong kitang muli sa paglalakbay, hindi ako iiwas o mag-iiba ng daan. Ngingiti akong muli sa iyo, magpapakilala, iibig. Mali ka. Hindi ako nagalit na hindi ako ang pinili mo. Hangad ko ang kaligayahan mo, kahit pa hindi ako ang dahilan nito. Hindi man kita nagawang ikulong sa aking mga bisig, magawa niya sanang yakapin ka ng buong-buo; kasama ang mga kakulangan, kagandahan, at takot na nasa iyo. Hindi ko man nahagkan ang iyong mukha, magawa niya sanang hagkan pati ang iyong kaluluwa. Sapagkat mahal, inibig kita hindi dahil sa iyong tikas, o sa ganda ng iyong mukha. Inibig ko ang higit pa sa mga pisikal na katangiang taglay mo. Inibig kita at ang iyong pag-iisip, ang iyong mga kakulangan, ang iyong mga sugat, ang iyong kahinaan, inibig ko ang lahat sa'yo. Mali ka. Hindi titigil ang mundo ko dahil pinili mong lumayo. Salamat sa pag-amin ng totoo. Makakarating ako sa kabilang dako, kahit hindi na ikaw hindi na ikaw ang kasama ko. Lilingunin ko ang yugtong ito ng buhay ko na nakilala kita at itinuring na mahalaga, dahil mali ka, hindi kita makakalimutan. Marami akong natutunan, maging masaya o masakit man ang dahilan. Babaunin ko kahit kailan. Paalam.
5 notes ยท View notes
alingmilay ยท 7 years
Photo
Tumblr media
1 note ยท View note
alingmilay ยท 7 years
Photo
Tumblr media
1 note ยท View note
alingmilay ยท 7 years
Photo
Tumblr media
Napakaganda mo Ngunit sa ano mang kadahilanan, maaaring binago ng mundo ang depenisyon mo ng kagandahan At sa maraming pagkakatao'y laman ng iyong isipan ang mga katanungan "Bakit ako ganito at sila ganyan?" Minsan ka ring nagmahal at nasaktan ng isang taong mas piniling tingnan ang panlabas na kaanyuan Alam kong dumaraan ang mga gabi, iniisip mong palagi, "Ano ba ang mali? Hindi ba ako maganda? Masyado na ba akong mataba? Bakit mo ako pinagpalit sa iba? Ang porma ko ba'y masyadong kakaiba? O baka dahil malaki ang aking mata? Mas gusto mo ba ang chinita? Siguro dahil sa ilong kong pango O baka dahil kulot ang buhok ko Kung magiging kasing ganda ko si Liza Soberano o kung ang katawan ko'y magiging tulad ng sa modelo, iiwan mo pa rin ba ako?" Nagkakamali ka Ang problema ay wala sa iyong hitsura Kundi nasa mga matang mas pinipiling tingnan ang ganda ng mukha Nasa lipunang mas nasisilaw sa kutis porselana Nasa lipunang ang ganda ay nakadepende kung sexy ka ba O baka maraming beses ka na sumigaw ng "Rice pa nga!" Ang problema ay wala sa iyong katawan at hitsura Kundi nasa mga matang napakabilis manghusga "Hindi ka diyosa kasi ang taba-taba mo na" Nasa lipunang mas nais tingnan ang katawang balingkinitan kaysa kung sino ka sa kabuuan Kaya para sa'yo na nasaktan at iniwan Pinagpalit sa kung sino man Lagi mo sanang tatandaan Hindi ka isang laruan na kapag may nasirang bahagi ay iiwan na lamang kung saan, iibigin sa umpisa ngunit agad ding pagsasawaan Hindi ka isang laruan na basta na lamang papalitan At kapag may nakitang mas maganda'y agad ding bibitawan Karapat-dapat kang mahalin at ingatan Ipaalala mong muli sa sarili mo na mahalaga ka Maaaring hindi iyon nakikita ng iba, ngunit ang turing sa'yo ng Manlilikha ay isang napakagandang obra, pinakadakila sa lahat Niyang nilikha Kaya't huwag mong tingnan ang sarili mo na parang basura Tahan na sa pagluha Tumindig ka at sabayan mo ako.. MAGANDA AKO At hindi ko kailangan ng opinyon O ng pagsang-ayon mula sa ibang tao upang ipaalala sa sarili ko na maganda ako Words by Aling Milay Photo by Leah Miriam Cooper
0 notes
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
โ Everything we do, every thought weโ€™ve ever had, is produced by the human brain. But exactly how it operates remains one of the biggest unsolved mysteries, and it seems the more we probe its secrets, the more surprises we find.ย โž
35K notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
[Quotes โ€˜nd Notes]
24K notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media
May piring ang mata nangangapa Nag-iisip kung hahakbang pa ba Hihinto na o patuloy pang aasa? Patungo sa hindi sigurado Kung lalakbayin ko ang kabilang dako, magkikita ba tayo? Mas maigi siguro huminto na lamang dito Tanggalin ang piring at harapin ang katotohanan na wala tayong kasiguraduhan Dahil kung mahirap umasa sa wala, mas mahirap pala ang umasa sa PARANG Parang meron, parang wala rin naman Wala sa oo at hindi, kundi nasa "ewan" Wala sa una at huli, kundi nasa pagitan Mayroon pa ba akong aasahan sa relasyon nating walang pangalan? Mayroong ikaw at ako Pero di tiyak kung mayroon nga bang "tayo". Words by Aling Milay Gif by Chyco Cmyk
2 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media
Tama na Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na huminga At magpahinga Alam kong dapat lumaban Ngunit dapat alam mo rin kung hanggang saan lamang Tama na ang pagsuko ay hindi karuwagan Lalo na kung mag-isa ka lamang lumalaban Ang pagsuko ay pagpapakita rin ng katapangan Tapang upang magawang talikuran Ang minsang naging dahilan Ng iyong kaligayahan Tama na Kung nakalimutan mo nang maging masaya Dahil mas madalas kang lumuha Kung mas maraming beses ka nang iniwan kaysa iningatan Tinalikuran, kaysa ipaglaban Tama na Tahan na sa pagluha Hanapin mong muli ang dahilan para sumaya Na nawala Dahil itinali mo sa kanya Tama na Nagawa mong mabuhay noong siya ay wala pa Magpapatuloy ka kahit ngayong wala na siya Lagi mong tatandaan Hindi lahat ng iniiwan ay talunan Words by Aling Milay Artwork by Teri Bernardoโ€Ž
2 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media
Kung ang pag-ibig ay langit sa gabi't umaga, ikaw ang aking ulap at tala Sapagkat kung wala ka, bakit pa ako titingala?
1 note ยท View note
alingmilay ยท 8 years
Quote
Nais kong iyong malaman Hangad ko ang iyong kaligayahan Kahit pa hindi na ako ang isa sa mga dahilan
2 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Quote
Kung hindi tayo naging magkaibigang dalawa Mas madali sigurong sabihin na mahal kita Mahal kita, totoo Pero mas mahal ko ang pagkakaibigang ito Kaya hindi ka man naging akin Gusto ko pa ring sabihin Paalam Magpapalaya na ako Papalayain ko na rin ang sarili ko Sa pagkakulong sa konsepto Sa imahinasyon ko Sa pangarap na ako lang ang bumuo Na baka balang araw maging tayo
2 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Text
AKO ANG UNA MONG PAG-IBIG Matagal na kitang pinagmamasdan Ang bawat mong galaw ay aking binabantayan Sa mga araw na dumaraan ay umaasa ako Na maging bahagi ng buhay mo Ako ang una mong pag-ibig Hindi ko malilimutan ang unang beses na makilala mo ako Bakas ang kaligayahan sa ngiti mo Kay tagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito Ang magkaroon ng bahagi sa iyong puso Ako ang una mong pag-ibig Lalong lumalim ang ating samahan Ako ang iyong naging matalik na kaibigan Sandalan, kakwentuhan, sumbungan At kailanma'y hindi ako napagod na ika'y pakinggan Ako ang una mong pag-ibig Dumaan ang maraming pagsubok sa'yo "Huwag kang bibitiw", ang aking payo Sabi mo, "Hindi kita tatalikuran, pangako Kahit anong mangyari, magtitiwala ako." Ako ang una mong pag-ibig At ang unang pag-ibig ay 'di nalilimutan, sabi nila Ngunit bakit parang mayroon nang nag-iba? Ang init ng 'yong pag-ibig na dati ay nagbabaga Ngayon ay tila lumalamig na Ako ang una mong pag-ibig Ako pa rin nga ba ang una? Tila naglaho na ang iyong saya At pananabik tuwing mag-uusap tayong dalawa Ako'y mahal mo pa rin ba? Ako ang una mong pag-ibig Hindi ba't dati ay bukambibig mo ako sa iba Nais mo pa ngang ako'y makilala nila Napagod ka na ba at nawalan ng tiwala Na maghintay sa mga pangako kong hanggang ngayo'y wala pa? Ako ang una mong pag-ibig Kung hindi mo na makita Ang dahilan upang muling lumigaya Sana ako ay iyong maalala Bumalik ka, hihintayin kita Dahil ako ang una mong pag-ibig At hindi ako mapapagod umibig sa'yo Talikuran ka man ng mundo, tandaan mo Hindi kita iiwan, ako ay narito Huwag mong kalilimutan ang inalay kong buhay para sa'yo
3 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Text
"Asan ka na?"
Ilang minuto ko ring tinitigan ang aking telepono at ang natanggap kong mensahe mula sa'yo. Magkahalong kaba, pananabik, at saya ang aking nadarama. Unang taong anibersaryo, magdiriwang tayo. Tiningnan kong muli ang sarili sa salamin, suot ang bigay mong bestida.
Nasanay tayo sa ganito. Kwentuhan, tawanan, maraming sorpresa. Nasanay ako sa ganito. Huli na nang maisip ko, mahirap palang sanayin ang sarili sa mga bagay na pansamantala
Isang taon. Dalawa. Tatlo. Minsan pala hindi pa sapat ang ilang taon para mas kilalanin ang isang tao. Ang pag-ibig din pala ay pwedeng maglaho. Ang dating tawanan ay pwedeng mapalitan ng nakabibinging katahimikan. Ang mahigpit na yakap ay pwedeng unti-unting lumuwag, at kalauna'y bibitawan. Ang mga pangakong sinambit ay pwedeng malimutan at isantabi na lamang. Ang mga dating alaala na nagbibigay noon ng saya, ay ang parehong alaala na nagbibigay ngayon ng sakit at luha.
"Asan ka na?"
Ilang minuto ko ring tinitigan ang aking telepono at ang natanggap kong mensahe mula sa'yo. Magkahalong kaba, panghihinayang, at sakit ang aking nadarama. Hindi ko alam kung handa na ba akong tapusin ang lahat ng ito. Eto na marahil ang huling araw na makikita kita.
Nasaan ka na? Nasaan na ang dating tayo na masaya? Nasaan na ang dating ningning ng iyong mata sa tuwing sinasambit mo ang mga salitang "mahal kita"? Nasaan na ang pangakong hanggang sa huli ay tayong dalawa?
"Asan ka na?"
Sinisigaw ng aking isip, kahit magkasama na tayong dalawa. Katabi kita, ngunit pakiramdam ko'y ako na lang mag-isa. Dahil nalaman kong ang pinakamahirap hanapin ay hindi iyong nawawala Kundi 'yong taong kaharap mo nga, pero parang ang layo-layo na niya.
1 note ยท View note
alingmilay ยท 8 years
Text
Sana pwedeng katulad na lang ng dati. Sana pwedeng maging bata uli. 'Yong mga panahon na ang tanging dahilan lamang ng pagluha ay ang sugat sa tuhod, at hindi sa damdamin Mga panahong kay dali mong patawanin Mga panahong ang dahilan lang ng takot ay multo, hindi ang pag-iwan sa'yo ng espesyal na tao Mga panahong kay daling sabihin ng "bati na tayo." Mga panahong simple lang ang dahilan ng iyong kaligayahan Mga panahong kayang pawiin ng tsokolate ang kalungkutan Mga panahong kay daling paniwalaan ang mga salitang "pangako 'yan" Mga panahong hindi mahirap ang magtiwala Mga panahong pwedeng idahilan ang "bata pa kasi siya" sa tuwing nagkakamali ka (AlingMilay โ€ข 08/13/16)
1 note ยท View note
alingmilay ยท 8 years
Text
Alam mo ba kung bakit minsan ayaw nila sa ating mga Kristiyano? Sapagkat simula nang maging "taong simbahan" tayo, Minsa'y nagiging mabilis tayo gumamit ng hintuturo Kung sino ang panlangit at sino ang pang-impyerno Nagiging mabilis tayo sa panghuhusga At nakalimutan natin kung saan tayo nagmula Tayo'y makasalanan din na binigyan lamang ng biyaya Nagkaroon tayo ng listahan At mayroon tayong sariling sukatan Kung sino ang matuwid at makasalanan Alam kong kung mahal mo ay dapat mong itama Ngunit dapat gawin nang may pag-ibig, 'di ba? Hindi ba't ang ating gawain ay akayin ang mga sugatan? Tulungang maghilom ang sugat at 'wag nang tapakan Dahil kung ang Diyos ay tumingin doon lamang sa mga walang mantsa Sa tingin mo ba mayroon sa ating papasa? (AlingMilay โ€ข 08/14/16)
1 note ยท View note
alingmilay ยท 8 years
Photo
Tumblr media
Noong bata pa ako, mahilig akong magpabili ng lobo Ang bilin pa nga sa akin ng nanay ko, hawakan ko raw nang mahigpit ito Kung maaari ay itali ko pa sa kamay ko Dahil sabi niya, "Mahirap habulin 'pag naroon na sa malayo" Paulit-ulit ito sa isip ko at natakot ako Kaya itinali ko nang mahigpit sa kamay ko Hindi na ito mawawala, panigurado Manhid na ang kamay ko sa higpit, pero "Mahirap habulin 'pag naroon na sa malayo." Tumakbo ako nang tumakbo, masaya, walang pag-aalala Na baka ito'y mawala at tuluyan ko nang 'di makita Sa sobrang saya, nakalimutan kong pwede itong masira Matusok ng kung ano man, pumutok, at tali na lamang ang matira Ang buong akala ko, kapag hawak ko na, hindi na ito mawawasak at mawawala Akala ko lang pala. Naisip ko tuloy, dapat nga ba akong humawak nang mahigpit, o mas maiging huwag na lang kumapit? Paano kung bawiin ang matagal kong iningatan? Magagawa ko ba itong pakawalan? Paano nga ba bibigyan ng kalayaan ang isang bagay na ni hindi mo nga magawang bitiwan? Parang ikaw sa akin. Sa takot na ikaw ay nakawin, itinanim kita sa pinakamalalim na bahagi ng isipan ko Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay mo Ikinulong ka sa kaibuturan ng aking puso at itinapon ko ang susi sa malayo Dahil akala ko, wala tayong katapusan Ngunit narito na tayo ngayon sa hangganan Halos maubos ang oras at lakas upang maingatan ka Dahil natakot ako na bigla kang mawala Sapagkat hanggang ngayo'y sariwa pa rin ang bilin ng nanay ko, "Mahirap habulin 'pag naroon na sa malayo." Dumating na ang panahong kailangan kitang palayain Hindi ka pala habang buhay magiging akin Hindi ko na susubukang ika'y habulin Titingnan ka na lamang mula sa malayo Baka nga mas maiging magkalayo tayo. Ngunit sa ngayon, hindi ka pa ganap na malaya Paumanhin, pero nakakulong ka pa rin sa aking alaala Ramdam ko pa rin ang kamay mong mahigpit kong hinawakan Nakakulong ka pa.. sa aking puso't isipan Ngunit, mahal ko hindi lang naman ikaw ang bilanggo Palayain mo na ako.. ..sa sakit. Words: Aling Milay Artwork: Chyco Cmyk
5 notes ยท View notes
alingmilay ยท 8 years
Note
Hindi po yan sarcastic ate, Nagagalingan lang po talaga ako sa iyo sa mga sulat mo.
Awww maraming salamat! Natats ako. โค
0 notes