Tumgik
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Alon Dinig na dinig ng tenga ko ang bawat hampas Sabay ng pagsimoy ng hangin sing lamig ng dagat Sabay ng takip silim ang pagpapasalamat kong Ika'y nagmistulang matatag na bangkero Hindi naging madali dahil sa twing iindak ang alon ng buhay Hindi lalampas ang minutong ika'y di mababasa Diba't akoy humanga pa nga sayo , aking sinta Pano ba naman, na imbis takot ang pinakita , Ngiti mong sing ganda ng paglubog ng araw ang aking Nasilayan sabay ng pagtapos ng araw n to Sa lahat ng alon sa aki'y binigay ng may kapal, Yung halos lunod na ko sa pagtanggi mo ang alon na Lagi kong ipapasalamat dahil sa'yo mas naging batikan Akong lumusong sa dagat at harapin ang mga higanteng alon .
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Text
Ikaw
Nakita ko kung paano kumunot ang noo mo
Nakit ko kung paano kumurba paibaba ang labi mo
Nakita ko kung paano lumamukos ang muka mo
Kitang kita ko, pero mas nakita ko ung ganda mo
Nakita ko kung paano ka tumae
Nakita ko kung paano ka nangulangot
Nakita ko kung paano ka matulog
Nakita ko kung paano ka sumpongin
Kitang kita ko, pero mas minahal kita
Ganon pala pag mahal na mahal mo na
Parang kahit na ano pang kababuyan ang gawin nya
Balewala na,
Kaya paminsa'y nagmamaarte ka , ako'y nainis
Kasi baka ika'y nagpapaganda sa iba
Doon mo sinabi na baka kasi iwan mo ko,
Eto lang ang sagot mahal ko,
Tanggap ko kung ilan ang bilang ng bilbil mo
Gusto kong naririning yang hilik mo bago matulog
At higit sa lahat una kong minahal ang buong IKAW
Bago pa lahat ng yan.
0 notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Amoy na amoy ko ang hininga mo Ramdam na ramdam ko ang bawat tibok ng puso Walang anumang pagitan ang sati'y humahadlang Ngayo'y unang araw na ika'y katabi sa paghimbing Hindi na natin kailangan pa na magsabi ng see u in my dreams Hindi na kailangan pa ibaba ang telepono Sapagka't ang tanging paalam nalamang natin sa isat isa Ay pagpikit ng mga mata Sabay ng paghimbing ang paggising ko Sa pantasya kong ika'y magiging akin Ngayo'y unang gabi kitang nakatabi Unang gabi na dumikit ang ating mga labi Nasanay akong humihimbing nang ika'y naamoy Kaya naman pag lumimilisan ka patungong trabahao Para kong bata na nangingilid ang luha dahil Sa naagaw na kendi Na kahit sa amoy nalamang ng unan akoy kumakapit Mahagkan ko lamang ang pagkalma sa paghanap Netong ilong ko saiyong amoy. At maiisip nalamang na sana aking sinta'y pauwi na . -amoy
1 note · View note
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Masaya kong nagugustuhan mo Bawat akda kong inaalay sayo Balita ko nga'y ipinagmamalaki mo Ang mga mumunting surpresa ko sa'yo Naging libangan ko na yata Yung bang ika'y maging paksa Sa tula man o sa panaginip Ganon nga siguro pag natagpuan na Yung ba'ng nasayo na pinapangarap mo pa Ang sarap kasi isulat lahat ng patungkol satin Ang sarap balik balikan at isiping ang mga darating pa Siguro may munting problema lamang dito Kasi mahirap sumulat , naguunahan kasi ang mga Letra at salitang pinipindot ko sa twing maiisip ko Ang salitang TAYO Ito'y magsisilbi lamang na pasalamat Sa paggiging humaling mo sa aking mga akda Pasasalamat na ika'y dumating at ako'y Muling sumulat ng tula Hihilingin ko lang sana na ika'y manatili At pangakong , bagyo man o tagaraw Ikay pauulanan ng mga akdang sumisimbolo Ng ating pagamamahalan. Salamat, aking sinta. -Pagpapasalamat
1 note · View note
al-is-well-blog · 6 years
Text
Today’s the kinda day
When my soul wishes
To stay away from the
Reality and the pain.
For, today’s the kinda day
When my heart yearns to
Weep away every tear
And every fear and
Carve a new way for
My body to follow when
everything goes in vain.
- Powerless
87 notes · View notes
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
APLIKANTE Hindi ko naman pinlano pero nangyare Hindi ko naman pinagdasal pero itinadhana Hindi ko naman to ipinilit pero nagsumiksik ako Higit sa lahat hindi mo naman ako gusto non' Humanap ako ng trabaho pero nahanap kita Nakuha ko ang trabaho , may bonus pang Ikaw Teka, paano nga ba ? Diba nga nung una Sabi mo pa'y musmos pa ko para sa ganitong bagay Hiniling mo pa nga nung minsan na ako Na lamang ay manahimik at maging pro Dun' ko nalaman na ika'y sinaktan nya na Sa kabila ng tawa sa iyong mga mata ay luha Naman syang nangingilid sa sakit na yong nadama. Hiniling ko non' sa may kapal na bigyan ako Ng lakas upang kapalan ang muka at sabihin Sayo ang aking loobin na ika'y mahal ko sinta Na basbasan nya ako na mamulaklak aking dila Sa kabila na pagtagal na kasama kita hindi naging madali Ang putulin ang mga ugat na bumalot sa puso mo gawa Ng sakit. Hindi kinaya ng mala - sining kong utak, dila at Kakayahan na ito ay gawin mala rosas muli . Dun ko muntik talikuran ang pangarap na Ika'y mapasaya pero etong kibigang tadhana ay Napakabait ng ika'y sakin ay ibinalato. Biruin mo, ginawa nyang kagulat gulat ang lahat. Ginamit nya tong bote ng alak. Masaya ko kahit uuwi akong lagakpak at ubos Makasama lang kita. Mahawakan. Mapagmasdan. Naging tulay ko to para mas mapagtibay ko ang rumupok kong pagsinta sayo. Ngayong puso mo'y malaya sa ugat ng sakit, At ako nama'y napagbigyan na ikay maging kaibiyak Ako na mismo ang mangangako na hanggang Sa magsimula ang pagtubo ng ugat mo sa iyong Talampakan at tuluyang libutin nito ang yong katawan, Sabay ng ating pagtanda Ako pa din ang magsisilbing aplikante mo Simula nung araw na nagtama ang ating mga tingin Hanggang sa huli. Aplikante mo pa din ako.. aplikante mo hanggang sa huli At paulit ulit akong magaapply sa puso mo Dahil ang pagmamahal ko ay di na tatapos sa kahit na Anong kontrata . Di ito natatapos sa isang 'mahal kita' Dahil gusto ko na paulit ulit mong maramdamn kung gano kita ka mahal tulad ng araw na pinaramdam ko sayo na gusto ko magtrabaho at kung pano ko pilit na pinadugo ang utak makasagot lamang sa mga katanungan mo. Tulad ng paghanap ko ng kapalaran sa trabaho ang pagmamahal ko sayo. Hindi basta basta -a
1 note · View note
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Sabi nila pag may Alak may balak Sabi ko naman basta may Alak makakasama kita Oo balak ko, balak kong gamitin ang alak Sa gayon ay makasama man lang at mpagmasdan kita Hindi ko kasi alam kung pano pa kita susuyuin Hindi kita maayang lumabas ng tayo lang Dahil ako'y nabalaan mo na na hindi ka sasama pagka't ayaw Mong tayo lamang. Alam ko katangahan na alak ang gamitin kong Daan sa pagpapakita ko sayo ng aking nararamadaman Aba eh teka etong tangang ideya na to Iyong isipin at tignan magdadalawang taon na't umiindak pa Sa pagkakataong yon ewan ko ba't naging Talento ko na yata ang 'wala kong pamasahe pero nakakainom tayo' . Oo, tayo dahil sa istorya natin Hindi ito mabubuo ng tayo lang, kasama natin ang Kupal kong kaibigan na nag udyok sa aking ika'y wag pang pakawalan. Sa alak kita nakuha, pero asahan mong ikaw lang ang Nanaisin kong akitin ako sabay ng pagka lunod Ko sa alak. Alak din ba ang gagawin kong daan para madala kita sa altar ? -Alak
1 note · View note
al-is-well-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Hindi ko pinlano pero itinakda Hindi ko inasahan pero dumating ka Hindi na to tungkol sa pagiging aplikante ko Tungkol na to sa atin. Ako, hinangad ko lang kumita at makatulong Pero , Higit pa ang nakamtam Ikaw ang naging bonus ko nung araw na yon. Dinaig mo pa ang taho sa tapat ng gusaling yon Pinaginit mo ang mundong pinanlamigan na ng Nakaraan. Hinamon ako ng tadhana ng nalaman kong Ika'y sawi sa iyong kasintahan na noo'y Pinagpalit ka. Sabi ko pa nga, "Pagbigyan mo lang ako sinta, di ka na malulumbay" Di kinaya ng mabulaklak na salita Ang damdaming inugat na ng sakit Ngunit tadhana'y mapaglaro at tayo'y Pinaglapit. Kamuntik na kong sumuko dahilan sa sabi mo'y Musmos pa ko at walang alam sa pinapasok ko. Pero ganon nalamang kumilos ang ating puso Ng minsan netong gamitin ang alak para buksan Yang puso mong pinaderan ng nakaraan. Ika bentekwatro ng taon'g iyon Matamis na pagpayag na akoy iyong maging kabiyak ang naging ika labingtatlong kasahuran ko. Hindi naging madali pero para saiyong oo ako'y Sumabak dala lamang ang aking pagmamahal at Paniniwalang : Walang matigas na puso sa dilang totoo 😍😁😘 -Aplikante
1 note · View note